The Mafia Boss' Unwanted Wife...

Per annoeying

1.9M 43.1K 7K

[PUBLISHED UNDER PaperInk] I killed his wife. I killed the love of his life. Pinakasalan niya ako para maghig... Més

Excerpt
The Mafia Boss' Unwanted Wife
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Special Chapter
To Be Published Under PIP
TBMUW PUBLISHED BOOK
LAST DAY OF PRE-ORDER

Chapter 25

62.2K 1.2K 316
Per annoeying

Chapter 25

Enough

I never knew that hangover could hurt me like this.

Ni sa hinagap ko ay hindi ko inasahan na magiging ganito kasakit sa ulo ang hangover. I mean, yes, I do drink alcoholic drinks. Pero hindi ko inasahan na ganito kasakit ang epekto ng mga alak na nainom ko kagabi.

Hinawakan ko ang aking ulo, hoping that by doing that ay mabawasan ang bigat at sakit nito. Pero makalipas ang ilang minuto ay hindi pa rin iyon nawawala. Napapikit ako  ng mariin nang kumudlit ang sakit. Damn...I need to stop drinking too much kung gusto ko pa mabuhay.

Halos hindi na ako makagalaw dahil parang may mabigat na bagay ang nakadagan sa aking binti. I tried to wiggle my legs but the more that I move my legs, the more that I find myself failing from escaping.

Dahan-dahan kong sinubukang buksan ang aking mga mata. Napapangiwi ako habang unti-unti kong nabubungaran ang kabuuan paligid. Agad na nagdugtong ang kilay ko at nangunot ang aking noo nang masilayan ko ang itsura ng kwarto. Medyo pamilyar ang kombinasyon ng kulay ng kwarto kung nasaan ako.

Grey, black, white...

Grey...black...white...parang kakulay lang ng kwarto ni Damon. Napangisi ako habang napapailing na rin. Malabo namang nandito ako sa kwarto niya 'no. Halos ipagtabuyan niya nga ako one time noong sinabi kong gusto kong makita ang kwarto niya, e.

"Damon..." I frowned when I heard my own voice inside my head and a blurred scene started to play. Gosh. Boses ko ba 'yon? Bakit parang boses malandi? Oh my goodness...ano bang nangyayari sa utak ko?

Agad na nilibot ko ang paningin ko sa paligid ng kwarto para malibang ako at madistract sa boses na narinig ko sa isipan ko. Pero parang wrong move ata ang ginawa kong iyon dahil halos mawalan ako ng ulirat nang makita ko ang painting ng portrait ni Damon sa gilid. He was wearing his usual business suit. The dominating aura was evudent on the portrait, too. Malaki iyon at tiyak kong mapapansin iyon ng kahit na sinuman once na tumapak sila sa kwarto.

Nanlaki ang mga mata ko nang tumatak na sa akin ang nangyayari. Damn it! Kapag nakita ako ni Damon dito ay baka isumpa niya na ako ng tuluyan!

Akmang babaon na ako nang biglang nanigas ang buo kong katawan dahil sa mainit na hiningang tumatama sa gilid ng aking leeg.

Malakas na humampas ang puso ko mula sa aking dibdib. Dahan-dahan akong lumingon. Now I know what those leads who starred on the horror movies are feeling whenever something thrilling is about to happen. Ngayon ay alam ko na kung ano ang nararamdaman nila.

Halos mamutla ako nang mabungaran ko ang payapang mukha ni Damon. He looked so calm na halos maramdaman kong nagrerelax na ang sarili ko kung hindi ko lamang naalala na nalagay ako sa ganitong klase ng sitwasyon.

Ang matangos na ilong ni Damon ay halos dumikit na sa gilid ng aking leeg. And for some reason, his nose went even closer than it was before, barely leaving a space between my neck and his nose. My breath hitched. Halos kalimutan ko na ang huminga. Hindi pa nakatulong ang malakas na tibok ng puso ko at mas lalo pang nadoble ang kaba ko dahil doon.

Dahan-dahan akong lumayo at dinistansya ang sarili ko mula sa kanya. Doon ko malayang pinagmasdan ang lalaking nasa tabi ko. Ang mahahaba niyang pilikmata ang isa sa naging dahilan kung bakit nagmukha siyang maamo habang siya ay natutulog.

Hindi ko napigilan ang pagtaas ng aking kanang hintuturo. Kahit anong pagkumbinsi ko sa sarili ko na pigilan iyon ay hindi ko magawa.

I traced his forehead. Wala doon ang mga linya na nagpapakunot ng noo niya. My pointing finger went towards his nose. Matangos iyon. Habang ginagawa ko iyon ay hindi ko tinanggal ang titig ko sa mukha niya. Baka kasi bigla na lamang siyang magising at makita ako.

And then my finger glided towards his lips. The softness of his lips lingered onto my finger. His pinkish lips are soft enough. Parang pambabae ang labi niya.

Bahagya akong natigilan nang kumibot ang labi niya. Halos pigilan ko ang hininga nang bahagya iyong gumalaw. Ang malakas na tibok ng aking puso ay rinig ko na sa aking tainga. Pinakawalan ko ang aking hininga nang bumalik ulit siya sa payapa niyang sitwasyon.

Mabilis kong tinakpan ang bibig ko nang maalala kong wala pa nga pala akong toothbrush. Napangiwi ako nang maramdaman kong masusuka ako. Halos malasahan ko na ang suka sa aking bibig. Dahan-dahan ay umalis ako sa kama ni Damon. Natigilan akong muli nang makitang nakahubad pala ako.

Damn it. Ano bang ginawa ko kagabi? Bakit? Nag...nag-ano ba kami...

I grimaced as I continue to set my foot on the floor. Nang kumonekta ito doon at hindi ko na mapigilan ang mapaigik nang gumuhit ang sakit doon at halos mawalan pa ako ng balanse sa sobrang sakit kung hindi lamang ako napahawak sa drawer na nasa tabi ng kama.

Nanlaki ang mga mata ko nang dumaan sa aking utak ang mga eksenang nangyari kagabi.

Ang pool...si Damon...ang kama...

Napahilamos na lamang ako habang pinupulot ang pang-ibaba kong damit. Nakakahiya! Nakakahiya ka, Ella! Hindi ko na alam kung may mukha pa ba akong ihaharap kay Damon dahil sa mga nangyari kagabi.

Napakunot ang noo ko nang hindi ko mahanap ang pang-itaas kong damit. Napanganga ako nang may dumaan na namang eksena sa utak ko.

-

"Damon..." Halos hindi na ako makahinga sa sensasyong nararamdaman ko. He was busy kissing my cleavage while his hands were busy somewhere down there. Hindi ko mapigilang mapaungol habang ginagawa niya iyon.

He went back to my face. I can feel the softness of his lips against mine. Halos iliyad ko na ang sarili ko sa kanya habang patuloy niyang inaatake ng halik ang bibig ko.

Maya-maya pa ay napasigaw ako nang sirain niya ang damit ko. In my sleepy state, I managed to look at him only to find him smirking at me. He even winked at me.

-

"Oh, God...panaginip ba 'yon?" Halos mamutla ako habang kinakausap ang aking sarili. Goodness. Nangyari ba talaga 'yon? Agad kong nilingon si Damon nang marinig ko ang pag-ingit ng kama. Natataranta akong nagtungo sa kabilang parte para makahanap ng damit. Hindi ko na nga naalalang may closet pala si Damon dahil sa sobrang pagkataranta ko.

Nang makita ko ang damit ni Damon kagabi ay mabilis ko iyong sinuot. Pagkatapos niyon ay muli kong tinanaw si Damon. Kumalma ako nang hindi naman siya gumalaw. Mabilis akong nagtungo sa pintuan. Akmang bubuksan ko na iyon nang bigla akong matigilan at mamutla dahil sa boses na iyon.

"So...after you hit on me while you are drunk last night...aalis ka na lang bigla? Ito na ba yung tinatawag nilang hit and run?" Bumilis ang tibok ng puso ko pagkatapos ay mabilis kong nilingon ang pinanggalingan ng boses.

There was Damon who was sitting on the bed. The blanket was covering half of his body, letting me see his eight pack toned abdominal muscles. Nakataas ang kilay niya habang ginugulo ang kanyang buhok. Pinadaan niya ang dila niya sa kanyang labi habang mariing nakatitig sa akin. Napaawang ako habang nakatitig sa kanya.

Damn it! Bakit ba ang gwapo ng hinayupak na 'to?!

"A-ah..." I let out an awkward laugh. "S-sorry kagabi. Lasing lang ako. K-kung may ginawa ako kagabi, hindi ko na maalala ngayon. Kaya a-ano, kalimutan na lang natin." Tumalikod na ako sa kanya at akma ng aalis nang bigla na naman siyang magsalita.

"I love you." Nanginginig ang kamay ko habang pinaglalaruan ang laylayan ng t-shirt ni Damon na suot-suot ko ngayon. Halos mahirapan na akong huminga habang pina-process pa ng utak ko ang sinabi niya.

Shit. Totoo ba 'to? Panaginip ba 'to?

"W-wag ka ngang magjoke ng ganyan." Halos matulos ako sa kinatatayuan ko. Ni hindi ko na nga matuloy ang paghakbang ko papunta ng pintuan kahit na kakaunti na lamang ang pagitan ko mula sa aking pwesto patungo doon. Kaunti na lamang ang distansya ng pintuan ngunit hindi ko magawang umalis dahil sa katagang sinabi niya.

Hindi siya sumagot. Gusto ko ng umalis pero ayaw akong payagan ng sarili kong katawan. Gustong makinig ng isip ko sa mga nais niyang sabihin. At gusto rin ng puso kong namnamin ang mga segundong iyon.

Narinig ko ang pag-ingit ng kama. Doon lamang ako nabalik sa kamalayan. Mabilis akong lumapit sa pintuan at bubuksan na sana iyon ngunit bigla na lamang iyong sumara dahil sa lalaking nasa likuran ko.

Pinaharap niya ako sa kanya habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa magkabila kong balikat. Halos isandal ko na ang likod ko sa pintuan habang nakalagay ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ko.

Mariin siyang nakatitig sa akin. Napabuntonghininga siya pagkatapos ay napapikit. Nang ibuka niya ang kanyang mata ay nakatutok iyon sa akin.

"For several months, that I've been with you...I tried to supress my feelings for you. Sabi ko sa sarili ko, hindi. Hindi pwedeng mahulog ako sa'yo. Hindi maaari. Kasi ikaw yung pumatay kay Erin, e. Hindi ka dapat maging masaya. Wala kang karapatang maging masaya hangga't nasa puder kita. But the more that I distance myself with you, the more that those weird feelings are settling in inside my system. Ni hindi ko nga alam kung ano ang ibig sabihin ng nararamdaman kong iyon, e. I get angry whenever Adam or Ashton is around you. Hindi ko na alam..."

"And then you nearly died. It was...horrible. Sa tuwing naaalala ko yung mukha mo bago ka pumikit noong mga oras na 'yon, gusto kong panghinaan. Yung tunog ng makina noong nire-revive ka ng doktor. Para akong binabangungot ng mga pangyayaring 'yon. Sinisi ko ang sarili ko dahil sa mga nangyari sayo. Bumawi ako, pero hindi ko pinaalam sa 'yo. Bumibisita ako sa tuwing wala na sila. Kinakausap kita tuwing tayo na lang dalawa. Hanggang sa magising ka. Sabi ko, hindi ko na 'to papalampasin. God gave me another chance and so, I tried to grab it. At hindi na kita papakawalan pa."

He cupped my chin. Pagkatapos niyon ay hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan iyon. Halos humikbi na ako sa sobrang saya na nararamdaman ko. Hindi na mapagsidlan ang tuwa ko sa nangyayari. It was too good to be true.

My heart was screaming with joy that I wasn't able to stop the tears when they started to flow towards my cheeks. Bahagyang natawa si Damon nang makita niyang kinurot ko ang pisngi ko kung saan wala ang daliri niya.

"This is not a dream, Ella. I love you...so much." And just in time, nakita ko ang pagkislap ng luha sa gilid ng kanyang mata. Mas lalo akong napahikbi nang makita iyon. He cupped both of my cheeks and leaned in towards me. Umiiyak pa ako habang patuloy siya sa paglapit sa akin.

Natigilan ako at napapikit nang dumampi ang labi niya sa akin. Halos hindi ako makahinga sa sobrang saya na nararamdaman ko.

Our lips moved in sync. It was...passionate...gentle...and full of love. Ni kailanman ay hindi ko inisip na aabot kami sa ganitong punto. It was like my dreams were coming into reality. And I couldn't ask for more.

Nang tumigil siya sa paghalik ay idinikit niya ang noo niya sa akin. He stared at me with that soft expression written in his face.

"I love you, Ella." Inilagay niya ang buhok ko sa likod ng aking tainga at marahang hinaplos ang aking pisngi.

Napakagat ako sa aking labi habang sinusupil ang ngiti na nagu-umpisang umusbong sa labi ko. "I love you, too, Damon..."

Napaawang siya habang nakatitig sa akin. Parang hindi siya makapaniwalang sinabi ko iyon kahit na matagal na naman niyang alam na mahal ko siya. Napatawa ako habang tinitingnan ang gulat niyang ekspresiyon. Halos pumikit na ako sa sobrang saya. Napatigil lamang ako nang marahang hinawakan ni Damon ang baywang ko at hinapit ako papalapit sa kanya.

And then he shut me up with his kisses. I answered him back with the same ferocity. I gasp for some air. He took it as his opportunity to delve my mouth with his tongue deeply. I closed my eyes and savored this moment with him.

"Dapat pala sa ganitong paraan na kita pinatahimik dati sa tuwing sinasagot-sagot mo ko." He chuckled against my lips. Lumayo siya sa akin.

Binuksan ko ang mata ko at sinamaan siya ng tingin. He smirked. I lifted my right hand, aiming to strike him. Pero mabilis siya. I didn't even see it coming. Ang nakita ko na lamang ay ang paghawak niya sa kanan kong kamay. Inilagay niya iyon at isinandal sa pintuan pagkatapos ay inatake na naman niya ang labi ko.

This time, it was deep, hard...and rough. Napapapikit na lamang ako sa sensasyon na ipinapadama niya sa akin. I put both of my hands on his bare chest and angle my face to accept his kisses. When his kisses went down towards my neck, I lose all my strength and let out a moan. I even grabbed his hair with my right hand just because I couldn't hold the pleasure any longer.

Sa sobrang pagkaliyo ay hindi ko na namalayan na naglalakad na pala kaming dalawa. Tsaka ko lamang iyon napansin nang bumagsak ako sa malambot na kamang hinigaan ko kanina. Saglit akong lumayo sa kanya at natigilan. Tila napansin niya naman iyon at tinitigan ako. Marahan siyang ngumiti at hinaplos ang labi ko. My breath hitched against my throat.

"Let me love you properly." His voice was hoarse and husky, making my insides melt in an instant. I was brooding while I was biting my own lip.

"Baby, stop that. You're turning me on." Pinaghiwalay niya ang aking labi mula sa pagkakakagat ko sa ipin ko. Nahihiya akong ngumiti sa kanya.

"A-ano, Damon k-kasi..."

Saglit na nagsalubong ang kilay niya habang malungkot ang mga matang nakatitig sa akin. "B-bakit? Napagtanto mo na bang hindi mo na 'ko mahal?"

I looked at him, flabergasted. "What?" Natawa ako nang makita na talagang malungkot siya. "Of course, not, Damon. I love you!" Natatawa pa ako habang sinasabi iyon. "Ano kasi...I'm s-sore..." I awkwardly said.

"Oh..." Tanging nasabi ni Damon nang mapagtanto niya kung ano ang nais kong iparating. Later on, he was smirking while I am still lying on the bed looking at him while he's standing.

"I can't believe you think about that. I wasn't even thinking about it." He teased.

"H-ha?" Naguguluhan kong tanong. "H-hindi ba yun ang gusto mong gawin?"

"Baby, 'yon lang ba ang ibig sabihin ng "let me love you properly?" para sayo?" Halatang inaasar niya lang ako kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit? Ano bang gusto mong palabasin?"

"Pwede namang hiniga lang kita kasi lulutuan kita sa baba ng agahan?" He smirked.

"Wow. Lulutuan daw pero grabe siya kung makahalik. Ni ayaw mo ngang humiwalay sa leeg ko, e. Ayan ba yung magluluto ng agahan?" Nakataas ang kanang kilay na tanong ko, taunting him.

"Siyempre kailangan ko ng pampagana mong mga halik." The guy even got the nerve to wink at me!

"Sus. Ang sabihin mo gusto mo pang um-isa!"

"Baby, ang green-minded mo!" Kunwari ay nagugulat niyang sabi. But his eyes held amusement contradicting his feigned reaction.

"Sus. Lokohin mo lelang mo. Umalis ka na nga diyan. Magluto ka na ng agahan d'on." Pantataboy ko sa kanya. He leaned in towards me. Napaupo ako. Umatras ako ng umatras hanggang sa tumama ang likod ko sa headboard ng kama. Isinuksok niya ang ulo niya sa leeg ko at pinaulanan iyon ng mga maliliit na halik.

"Parang ayoko na kumain. Sex na lang tayo ulit." Nanlaki bigla ang mata ko. Mabilis kong inalis ang ulo niya sa aking leeg. Tinampal ko ang bibig niya.

"Hoy! Maghunus dili ka nga! Ang bastos talaga niyang bibig mo." Pinipit ko anv bibig niya na parang isda. "At saka isa pa sabi ko na sayo, diba? Masakit pa nga!"

Doon lamang siya umayos. Ngumiti na siya kapagkuwan. "Biro lang naman. Siyempre yung health at safety mo pa rin ang inaalala ko. Magluluto muna ako tapos bababa ako ng clinic. Manghihingi ako ng mefenamic d'on para mabawasan yung sakit. Antayin mo na lang ulit ako dito. 'Wag kang aalis."

Tumalikod na siya mula sa akin. Malapit na siya sa pintuan nang mabilis siyang pumihit pabalik sa kama. Nagtataka ko siyang tiningnan. Nakangiti siya habang lumalapit patungo sa akin. Napapikit ako nang halikan niya ang aking noo...ilong...pisngi...pagkatapos ay mariin ang halik na ibinigay niya sa aking labi.

I savored his kisses and when he was finished, he looked at me straught into the eyes and said, "I love you, Ella. I won't let anyone hurt you from now on. I will make up all my mistakes to you and love you even better." And then he smiled.

Sinuklian ko ang ngiti niya kahit na nararamdaman ko na ang mga luhang nagbabadyang pumatak sa aking mga mata. "I love you, too, Damon. Always...and forever." Hinaplos niyang muli ang pisngi ko at hinalikan ang aking noo bago siya nagpatuloy sa pag-alis.

Nang marinig ko ang tunog ng pintuan ay tsaka ako pumikit. Doon na tumulo ang aking mga luha. Luha ng kasiyahan at kagalakan.

Thinking about Damon made the invisible butterflies on my stomach running and fluttering. Ni hindi ko inasahang mangyayari ang ganito.

This is more than enough. Damon will always enough for me. And I couldn't ask for more.

---

Continua llegint

You'll Also Like

3M 8.6K 4
Caroline Vixelle De Carlo, a 23-year-old woman, finds herself heartbroken after being dumped by her first boyfriend. Seeking solace, she drink alcoho...
184K 5.4K 72
QUADRO SERIES #1 "I do beg if you deserve it." ~ Yitro Zyair Cavendish (COMPLETED) Written by: dikaPinili_
23K 899 43
Embrace Me: Book 2 I have been living with lies whole my fucking life.