Your Place Or Mine? BOOK VERS...

By turning_japanese

19.4M 162K 25.6K

One night with a total stranger. And fate brought them together once again. That's where their whirlwind rom... More

Description
Intro
Chapter 1: What the hell?!
Chapter 2: The Girl from the bar
Chapter 3: I wish....
Chapter 4: The tigress
Chapter 5: Vince
Chapter 6: We meet again Part 1
Chapter 7: We meet again Part 2
Chapter 8: Z3
Chapter 9: Halter Top
Chapter 10: The Crime?
Chapter 11: Moving on...
Chapter 12: I'm back!
Chapter 13: The witch
Chapter 14: Talk$hit
Chapter 15: Jessica
Chapter 16: Ouch!
Chapter 17: The Party
Chapter 18: My fiancee
Chapter 19: His Fiancee
Chapter 20: Confused
Chapter 21: The As$hole
Chapter 22: Confrontation
Chapter 23: The Engagement
Chapter 24: Unexpected
Chapter 25: The Annual Dance
Chapter 26: Not Again...
Chapter 27: Finally...
Chapter 28: The Groom
Chapter 29: Ralph
Chapter 30: Hopeless?
Chapter 31: The Wedding (Part 1)
Chapter 32: The Wedding (Part 2)
Chapter 33: Cebu (Part 1)
Chapter 34: Cebu (Part 2)
PC: The Suite
Chapter 35: The Check-up
Deleted?
Chapter 36: He loves me...he loves me not?
Chapter 37: The Blushing Bride
Chapter 38: Ohemgi!
Chapter 39: Friends?....
Chapter 40: A glimpse of his past...
Chapter 41: Untitled
Chapter 42: Conflicts
Chapter 43: Confessions
Chapter 44: Questions and Answers
Chapter 46: Sem Break
Chapter 47: Seth
Chapter 48: House Blessing
Chapter 49: FB
Chapter 50: Two beats in one heart?
Chapter 51: The bracelet
Chapter 52: Secrets
Chapter 53: Christmas (Part I)
Chapter 54: Christmas (Part 2)
Chapter 55: The Other Woman
Chapter 56: Auld Lang Syne
Chapter 57: Only You
Chapter 58: Valentine
Chapter 59: Kirsten
Chapter 60: When All Else Fails....
Chapter 61: Breathe Again
Chapter 62: Reese Is Home
Chapter 63: The Truth
Chapter 64: After All
EPILOGUE
Answers
Private Chapter: "Birthday Gift"
Private Chapter: "The Suite"
"Birthday Gift"

Chapter 45: All About Trust

186K 1.5K 214
By turning_japanese

MICAH'S POV

"She's asking a lot," sabi ni Russell.

I rolled my eyes. "I warned you before. Imposibleng hindi maghinala yung tao kapag ganong oras lagi ang uwi mo."

Ano'ng tingin niya kay Haley, walang pakiramdam? At hindi nito mahahalata ang pag-uwi niya ng late? Sometimes, he sneaked at dawn. Sino'ng hindi maghihinala? When he called me to meet him at pina-absent ako sa trabaho ko, I knew it. He's in trouble.

" Damn..." he cursed silently.

Gusto kong matawa. Hindi ito mapakali. Kanina pa paroo't-parito, parang trumpo.

"Maupo ka nga. Kanina pa 'ko nahihilo sa'yo."

Pero hindi niya ako pinansin.

"Ano'ng sinabi mo sa kanya?" tanong ko.

Umupo ito sa tabi ko at napahawak siya nang madiin sa ulo niya. Parang gusto niyang sabunutan ang sarili.

" What do you expect? Umamin ako?"

"My God, Russell! Hanggang kailan ka magsisinungaling sa kanya?"

Hindi ito sumagot. Tumayo siya at pumunta sa tapat ng balcony. Then, he faced me.

" I need your help."

Parang alam ko na'to. At ayokong madamay. Especially, if that woman is involved. She's long gone. Pero hanggang ngayon, napakabigat pa rin ng dugo ko sa kanya.

"So?" Nagkunwari akong walang alam sa sasabihin niya.

He sighed. "I want you to handle everything for me. I can't be home late sa mga sususnod na araw. Kailangan kong magpalamig muna."

Handle everything? I was dumbfounded. What about my work? And did I say something about me doesn't want to get involved?

"Quit your job," he demanded.

"What?!"

Just like that? No way! Marami akong binabayaran. At ano'ng binabalak niya? Ibabahay niya ako at susustentuhan? Napakabata ko pa para magkaroon ng sugar daddy.

"I'll take care of your finances. I mean, ALL. Please, just do this for me."

Ayan na naman siya sa papungay-pungay ng mga mata niya. Hindi ko malaman kung nagpapaawa siya o nagpapa-cute. Hindi ako kailangang magpaapekto sa charm niya. Kahit madalas ay napapa-oo na lang ako sa mga gusto niya. Pero hindi ngayon. Kailangan kong mag-isip. Isang malaking responsibilidad ang aakuin ko.

"'Yan na nga ba'ng sinasabi ko eh. Hindi ba pinagsabihan na kita? Kung nakinig ka, sana wala kang problema ngayon."

Ang tigas ng ulo. I know he's just trying to help, but he should know when to stop. And I think, he's done enough.

"I know. 'Wag ka nang magalit. Pumayag ka na, please. Papahiramin din kita ng kotse."

Lihim akong napangiti. He knew my weakness. Matagal na rin akong walang sasakyan. At alam niyang nahihirapan akong mag-commute. Pero teka, hiram lang? Hindi bigay? But, not bad. At least, may magagamit ako. At sagot niya raw lahat ng gastos ko. Kailangan ko ng sapat na panahon para makapag-isip.

"Kelan naman ako magsisimula?" tanong ko sabay irap.

In five seconds, nakapag-isip agad ako. Mahirap na, baka magbago pa ang isip niya. Sayang naman yung kotse at ang pagsagot niya sa lahat ng gastusin ko.

Gusto kong tumalon sa tuwa. Kilala ko si Russell. He's very generous. Kakalimutan ko na muna ang personal kong galit sa babaeng 'yon. Anyway, hindi naman siya directly ang tutulungan ko, si Russell, kaya okay lang.

"Talaga? Pumapayag ka na?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

Kunwari pa siyang hindi makapaniwala. Kung makapagsalita siya, I want you to ganito, I want you to ganyan. Napaka-demanding.

"Oo na nga eh. Magkano naman ang allowance ko?"

Mahal akong maningil, lalo na pag ganitong kailangan ko ng datung. At ngayon lang ito ngumiti simula kanina. Parang nakikita nitong tumutubo ang sungay at buntot ko.

"Name your price," sabi nito.

Here we go again. Para siyang nagtatapon ng pera, dahil lang sa walang kwentang tao. And speaking of the devil.

"Kumusta na nga pala ang paghahanap mo?"

Minsan, hinihiling ko na sana hindi niya ito mahanap. Pero naisip ko naman, mas mabuti kung makikita na niya ito. Para mawalan na siya ng resposibilidad. God, I really hated her guts.

"Wala pa rin. I think I should stop looking for her. Ikaw na munang bahala. Ayokong magkaproblema kami ni Haley."

Good. I'm glad na natuhan na rin ito. I smiled because I remembered the very first text message I got from him.

She loves me, too.

At hindi ko ma-gets ito nung una. It's like a news, telling me na sinagot na siya ng nililigawan niya. At parang ganon na nga. At si Haley nga ang tinutukoy niya. I'm so happy for them. Especially for Russell. He deserves to be happy. He deserves someone better. At sana malagpasan nila ang pagsubok na ito. Minsan kasi magulong mag-isip si Russell. Padalos-dalos siyang magdesisyon. Minsan, hindi ko mahulaan kung ano ang takbo ng utak niya. Kaya hindi ko siya maintindihan.

***

HALEY'S POV

He's late again. Sabay daw kaming kakain kaya nagluto muna ako bago gumawa ng homework ko. Nakakainis na siya. Sa totoo lang, I didn't buy his reasons for coming home late. May pinapagawa daw ang Mommy niya.

Hindi ako ganon katanga. Kaya hindi na ulit ako nagtanong kung bakit siya umaalis ng madaling araw. Ayoko nang dagdagan pa ang pagsisinungaling niya. At ayoko nang maulit pa ang nangyari dati. I confronted him and he lied to my face. At hindi ko na uulitin 'yon hangga't wala akong pinanghahawakang ebidensya. Ayokong lumabas na praning at walang tiwala sa kanya.

Kung tutuusin, madali namang malaman kung nagsasabi siya ng totoo. I can ask her Mom. But, I'm afraid to find out the truth.

Paano kung wala naman talagang pinapagawa ang Mom niya? What if, he's somewhere else? Or what if... he was with someone else?

A deep pain struck my chest.

Tumayo ako at naglakad-lakad sa balcony. Naninikip ang dibdib ko kapag naiisip ko na may kasamang ibang babae si Russell sa mga panahong wala siya sa tabi ko.

Tumingin ulit ako sa relo. It's 6PM. Baka napadaan lang siya kung saan. Pumasok ako sa loob at nanood ng TV. Napagod ako sa pagluluto kaya nakaidlip ako. At nagising ako nang parang may kumikiliti sa ilong ko. When I opened my eyes, I saw him watching me, studying my face.

Tumingin agad ako sa relo. 7:30pm pa lang. He's not late. Nakatulog siguro ako paghiga ko sa couch. Then my eyes shifted on his face again. He must be kissing my nose or something kaya ako nakiliti.

"Kararating mo lang?" tanong ko.

"Mga 10 minutes," nakangiting sabi nito.

Bumangon ako. "Ba't 'di mo ako ginising?"

Noon ko lang napansin ang hawak niyang isang bouquet ng pink roses with box of chocolates.

"Ang cute mo kasing pagmasdan habang tulog ka," sabay abot ng dala niya.

Napangiti ako. Madalas niyang gawin ito. Ayaw niya akong gisingin, pero madalas naman akong magising kasi kung anu-ano ang ginagawa niya sa mukha ko. Nagigising ako dahil pinipisil niya o hinahaplos ang pisngi ko. Minsan naman kinikiskis niya ang ilong niya sa ilong ko. Sometimes, he woke me up with his kisses.

"Ano 'to suhol?" biro ko.

He laughed. "You can say that."

Inirapan ko siya. I know that jokes are sometimes half meant. Because it is to me. Pero hindi ko lang alam kung ganon din ito sa kanya. Di ko maiwasang isiping suhol ang mga ito kasi may nagawa siyang kasalanan.

"Sa'n ka galing?" tanong ko sabay amoy sa mga roses.

Umupo siya sa tabi ko. "Nagkita kami ni Micah. May pinapagawa lang ako sa kanya." Sumandal siya sa couch at inakbayan ako. "Nagustuhan – mo ba?" nag-aalangang tanong nito.

'Yung roses ba ang tinutukoy niya? Dahil ba wala akong tigil sa pag-amoy?

Tumango ako. "Thank you."

"Thank you lang? Walang kiss?" nakalabi ito.

Halatang nagpapa-cute. At dahil cute naman talaga siya, instead of kissing him on his cheek, I gave him a quick kiss on his lips. It should be a quick, but he did not let me go. He cupped my face and deepened the kiss. Humigpit ang yakap niya at naramdaman ko na lang na may tumutusok sa braso ko. Naitulak ko siya.

"Bakit?" nagtataka ito.

Napatingin siya sa braso kong namumula. At nahulaan niya kung napa'no ito. Natusok ako ng mga tinik ng roses.

"Sorry," at hinaplos niya ito.

"Okay lang." Hinawakan ko siya sa kamay at dinala sa mesa. "Let's eat!"

"Nagluto ka?"

"Yep."

Ininit ko sa microwave ang ulam. In 5 minutes, it's ready. Kumuha ako ng plato at pinagsandok ko siya ng niluto ko.

"Wow!" parang batang sabi nito.

I cooked Paella, one of his many favorites. At sinabayan ko siyang kumain. Pinagmamasdan ko ang reaksyon niya sa unang subo.

" Ano, masarap?" Baka hindi niya magustuhan kasi nakangiwi ito.

Tumango lang siya at inabot ang baso ng tubig. " Masarap. Kaya lang ang init," natatawang sabi nito.

Napangiti ako. I'm glad he liked it. At nagsimula na rin akong kumain. Palihim ko siyang pinagmasdan. Why do I have this uneasy feeling na parang may kakaiba sa kinikilos nito?

"Russell, wala ka bang lakad ngayon?"

He glanced at my side. "Wala naman. Why?"

"Wala lang, akala ko kasi aalis ka pa mamaya. At saka, gusto kong malaman kung uuwi ka ng maaga bukas?"

Ngumiti siya at inakbayan ako. "You'll get to see me home early everyday."

Ngumiti rin ako. "Kaya ko tinatanong kasi kung ganon ipagluluto na lang kita lagi."

I don't want to sound defensive or suspicious. Ayokong mag-isip siya ng ganon. He just smiled and kissed me. Ipinagpatuloy niya ulit ang pagkain. At hindi na ulit ito nagsalita.

Hindi ako mapakali. Hindi ako sanay sa tahimik na ambiance. Kapag ganitong bihira kaming magkita, sinusulit niya ang mga oras na magkasama kami. Makwento si Russell and he made sure I'm updated sa mga ginawa niya. But this time, his silence bothers me.

Pakiramdam ko, umiiwas siyang mag-usap kami. Na baka may masabi siyang hindi ko dapat malaman. O baka magtanong ako ng mga bagay na hindi niya kayang sagutin. Why do I have this feeling na may hindi siya sinasabi sa akin? Last time na nahuli ko siyang umuwi ng madaling araw, he was pale like he's seen a ghost. Like he was caught in the act, stealing. When I asked him, he said he was with a friend whose name I've never heard before. Hindi na ako nangulit at pinalampas ko ito. At hanggang ngayon, hindi pa rin ako mapakali. Parang kinakabahan ako.

"Russell, may itatanong ako, pero wag ka sanang magagalit."

Napahinto siya sa pagkain. "Ano 'yon?" seryosong tanong nito.

"May hindi ka ba sinasabi sa akin?" I hesitated. "Kasi pakiramdam ko, these past few days, parang ang ilap mo. Parang umiiwas ka na kausapin kita."

Hindi siya nakasagot agad. At gusto kong mag-panic. Nagalit ba siya? Hindi ba niya nagustuhan ang pagtatanong ko?

I forced a smile. "Uhm – okay lang kung ayaw mong sagutin. Gusto ko lang namang—"

"No, it's fine." He cut me off and held my hand. "It's just that—" Parang hirap siyang magpaliwanag. "May mga inaayos ako ngayon at—" Siya naman ang hindi ko pinatapos magsalita.

"What is it?"

He's spending most of his time after school with these stuff, so I need to know.

One time when he sneaked at dawn, pakiramdam ko noon may isa pa siyang pamilya na inaasikaso. And I won't just sit there waiting for him 'till God knows when. Or keep mum and wait 'till he tells me the truth. At ayokong umabot sa point na sundan ko siya o kaya mag-hire ng private detective para manmanan ang bawat kilos niya.

Yumuko siya. "I was thinking it's no longer your concern. But since you asked, sasabihin ko sa'yo lahat but not now. This is not a good time. I don't wanna spoil the night," nakangiting sabi nito. "I promise, I will tell you everything when time comes."

Kailan pa? Sabi niya, it's no longer my concern. Pero affected ako sa mga kinikilos niya. Hindi ako mapakali. Nagulat ako nang hawakan niya ako sa magkabilang braso at iharap sa kanya.

"Pag dumating ang time na 'yon, I want you to promise me one thing." He held my gaze. "I want you to trust me."

.com|trheTǮ

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 37.2K 40
"Dahil baka kung gaano kabilis dumating, ganun din kabilis mawala."
373K 1K 16
Fullfil your sexual imagination with these different stories that'll make your feel good.
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
111K 5.6K 41
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...