Last Rose

By topally

85.8K 1.1K 109

Meet Mikee Hauser, a rebellious whirlwind with a mouth like a sailor and a love for laziness. She's always sk... More

Prologue
Chapter one
Chapter two
Chapter three
Chapter four
Chapter five
Chapter six
Chapter seven
Chapter eight
Chapter nine
Chapter ten
Chapter eleven
Chapter twelve
Chapter thirteen
Chapter fourteen
Chapter fifteen
Chapter sixteen
Chapter seventeen
Chapter eighteen
Chapter nineteen
Chapter twenty
Chapter twenty one
Chapter twenty two
Chapter twenty three
Chapter twenty four
Chapter twenty five
Chapter twenty six
Chapter twenty seven
Chapter twenty eight
Chapter twenty nine
Chapter thirty
Chapter thirty one
Chapter thirty two
Chapter thirty three
Chapter thirty five
Chapter thirty six
Chapter thirty seven
Chapter thirty eight
Chapter thirty nine
Chapter forty
Chapter forty one
Chapter forty two
Chapter forty three
Chapter forty four
Chapter forty five
Chapter forty six
Chapter forty seven
Chapter forty eight
Chapter forty nine
Chapter fifty

Chapter thirty four

924 14 2
By topally

Napahawak ako sa dibdib ko ng mapabalikwas ako habang hinahabol ang pag hinga ko. Ramdam kong basang basa ang mukha ko dahil sa pinag halong pawis at luha dahil sa naging panaginip ko.

Ilang minuto kong pinakalma ang sarili ko pero hindi padin mag tigil ang mga luha sa pagpatak galing sa mga mata ko. Hindi ata ako nauubusan ng luha pagdating kay Kijan. Laking pasasalamat ko nalang at panaginip lang iyon kahit na sobrang totoo lahat ng pangyayari.

Ngayon ko lang napagtanto na nandito padin pala ako sa park at nakatulog habang nakasandal ang ulo't likod ko sa puno. Tumingin ako sa gilid ng damuhang inuupuan ko. Napa buntong hininga nalang ako ng makitang wala ang panyo ni Kijan gaya ng nasa panaginip ko.

Bakit para nalang akong nadismaya ng malaman kong panaginip lang iyon kahit na alam ko sa sarili ko na 'yon din ang katapusan ko?


Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko ng marinig ko ang pagtunog nun. Nakita kong si Duke ang tumatawag pero hindi ko ito sinagot at hinayaan lang na mag ring. Nang mawala na ang tawag niya, nanlaki ang mga mata ko ng makitang napaka daming nilang missed calls galing sa iba't ibang tao.

10 missed calls from Mommy

6 missed calls from Lola

17 missed calls from Duke

at ang mas kinagulat ko pa dahil pati si Valie ay nag missed calls din saakin. 20 missed calls lang naman ang ginawa ng gaga. I feel so important tuloy! Ganun ba ako nag enjoy sa panaginip ko at hindi na ako magising gising kahit na nakailang tawag na sila saakin? Sa bagay, kahit naman mapait ang pangyayari sa dulo naging masaya akong nakasama at nakausap si Kijan kahit na panaginip lang iyon, sobrang totoo at wala akong nakitang pagkukunwari.








Alas tres na ng madaling araw ng makauwi ako sa bahay. Pag pasok ko sa loob, wala namang bumunganga saakin para tanungin kung saan ako nang galing at bakit ngayon lang ako umuwi. Tumigil narin sila sa kakatawag at kaka text saakin kaya napagdesisyunan ko naring umuwi. Mga natulog na siguro at napagod sa kakapindot ng cellphones nila dahil wala talagang makakapigil sa tigas ng ulo ko. Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at agad na nahiga na sa kama.

Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko at kung ano ano nalang pumapasok sa isip ko. This been a long day for me. Parang ang daming ngyari.

Ipinikit ko na ang mga mata at natulog.






"GOOD MORNING!" Nagising ako sa lakas ng pagkakabukas ng pintuan ng kwarto ko at ang sigaw na akala mo may nasusunog na naging dahilan ng pagkakabagsak ko sa sahig mula sa kama.

Aray ko, pota 'to!

Napahawak ako sa balakang ko dahil sakit ng pagkakatama nun sa sahig. Napahawak ako sa kama ko para pang alalay sa pag tayo ko. Bwiset na 'yan! Patay talaga saakin kung sino 'to!

Hinawakan ko ang unan ko at nang makatayo na, walang sabi sabi kong ibinato ang unan sa taong naglakas loob na bulabugin ang magandang pag kakatulog ko. Peste na 'yan! Expect kong aaray siya dahil full force talaga ang binigay kong pag kakabato sa unan na 'yon to the point na mapapaatras ka pero nakita kong saktong sakto niya 'yong hinawakan sa magkabigla at niyakap.

"Gotcha!" Bumungad saakin ang pagmumukha na naman ng lalakeng ito. Hindi ko ba alam kung ilang beses iniri ito ng nanay niyang si Mrs. Agustin at bakit sobrang kulit ng lalakeng 'to. Bwisit talaga.

"Ano na naman bang ginagawa mo dito?!" Iritable kong tanong sakanya. Ito na ang pangatlong araw niyang pambubulabog saakin tuwing umaga.

Siya na nga mismo ang nagsilbing alarm clock ko dahil dumadating siya dito sa kwarto ko before tumunog ang cellphone ko. Kahit sa ayaw at sa gusto ko, kasabay kong pumasok ang batang 'to. Laking gulat nga ng mga teachers at three days straight kaming pumapasok dalawa.

"Mag ready kana! Baka malate pa tayo." Ngayon ko lang ata narinig sakanya 'yan. Baka malate? Eh wala nga kaming pake kung malate o absent kami. Papasok lang para matulog o kaya pag trip lang tapos ngayon akala mo malaki kaming kawalan sa School at sa Prof?

"Ayoko ngang sumabay sayo!" Reklamo ko at bumalik ulit sa pagkakahiga ko sa kama. Ipinikit ko ng muli ang mga mata ko at pinilit ibalik ang magandang pagkakatulog ko kanina pero naimulat ko nalang uli ang mga mata ko ng maramdaman ko ang pag patong ng comforter sa katawan ko. Uy, first time 'to ah? Hahayaan niya na akong matulog ulit? "AHHH!" Napasigaw nalang ako ng irolyo niya ang katawan ko sa comforter at ginawa akong lumpia.

"Hindi tayo pwedeng malate kaya dalian mo na!" Utos niya habang nakadagan saakin.

Nagpupumiglas ako at pinipilit ang sarili kong kumawala sa pagkakarolyo ng comforter na 'to dahil siksik na siksik ang katawan ko sa loob tapos nakalabas lang 'yung ulo ko. "Lagot ka talaga saakin kapag nakawala ako dito! Umalis ka nga!" Sinamaan ko siya ng tingin at binulyawan.

Imbis na matakot siya dahil sa sinabi ko ngumiti lang ito at ngumuso sabay tinapik tapik ang ulo ko at ginulo ang buhok ko. "Kakagising mo lang galit na galit kana?" Pa-cute na sabi ng batang ito.

Sarkastisko akong ngumiti sakanya. "Sinong hindi magagalit kung ikaw agad ang makikita ko?" Hindi din kasi ako makaalis dahil sa nakadagan siya saakin.

Hinawi naman niya ang buhok niya at tumingin saakin sabay kinindatan ako. "Madaming babae ang nag papantasya at humihiling na makita ang ganitong mukha pag kagising nila." Wow, pambihira. Hindi ako makapaniwalang may lalakeng GGSS din pala. Gwapong Gwapo Sa Sarili.

"Well ibahin mo ako! Hindi ko papantasyahin at hihilingin na makita ka pag gising ko!" Singhal ko sakanya at ginawa ko na ang lahat na makakaya ko para makawala sa pagkakarolyo nitong comforter sa katawan ko at ng makawala agad ko siyang binatukan ng pagkalakas lakas sa bunbunan ng hayup.

"Aray ko!" Daing niya at napahawak sa bunbunan niyang malutong kong binatukan.

"Marami ka pang bigas na kakainin! Layas!" Sigaw ko sakanya at halatang nasindak naman siya kaya napatayo na siya mula sa pagkakaupo niya sa kama ko.

Tumayo siya at humarap saakin na parang may gusto pang sabihin. "Get ready in 30 minutes! Kung hindi—kung hindi.." Napatigil siya sa pag sasalita na para bang nag iisip ng panakot saakin.

Tinawanan ko naman siya at nag cross arms. "Kung hindi ano?" Tumatawang sabi ko.

"Kung hindi.." Hay nako, bata. Walang maisip na panakot. Tsk, tsk, tsk. "Kung hindi sasabihin ko sa Lolo mong may ngyari na sating dalawa!" Nawala ang ngiti sa labi ko at naalis ang pag kaka cross arms ko.

"ANO?!" Nakakunot noong singhal ko.

Siya naman ang nakitaan ko ng pag tawa. "Akala mo hindi ko kayang gawin iyon? Kaya dalian mo na dyan kung ayaw mong mapa aga ang kasal natin." Kumindat pa siya bago pa man umalis ng kwarto ko.

"Hoy!" Pagtawag ko sakanya pero sinarado niya na ang pintuan ng kwarto ko. Lagot talaga saakin 'yon! Hindi lang batok sa bunbunan ang aabutin saakin non!

Kaagad na akong tumayo at nag diretsyo sa banyo para maligo. Baka gawin nga ng batang 'yon ang sinabi niya. Botong boto pa naman sila kay Duke kaya kung anong sabihin niya pinaniniwalaan nila. Magulat nalang akong may party sa bahay pag uwi ko at nag bubunyi ang mga matatanda dahil sa balitang sinabi ni Duke at 'yon ang pinaka ayaw kong mangyari.

Ngayon palang na iniisip ko ang mga pwedeng mangyari, kinikilabutan na ako. Argh! Bwiset ka, Duke Agustin!

Mabilis pa sa fast forward ang ginawa kong pag aayos. Ngayon ko lang ginawa 'to sa 19 years kong pamumuhay sa mundong ibabaw. Hindi ko inakala na ang lalakeng 'yon lang ang mag pagagawa ng ganito saakin. Sampung minuto lang naman ang nilaan ko sa paliligo na dati ay mahigit isang oras ako sa banyo. Binilisan ko pa sa pag susuot ng uniporme at natagalan kang dahil sa pag hahanap ko ng ID. Ganun siguro talaga pag hindi pumapasok sa School. Kung saan saan ko nalang nailalagay ang ID ko.

Bumaba na ako pagkatapos kong kunin ang bag ko. Naabutan ko namang nag pipindot si Duke sa cellphone niya ng makarating ako sa salas. Tumikhim ako para malaman niyang nandito na ako sa harapan niya. Napatunhay naman siya mula sa pagkakatingin nito sa cellphone niya at pumapalakpak siyang tumayo habang may nakakalokong ngiti sa labi. Pang asar, deputa.

Umirap ako bago ko suklayin ang buhok kong hindi pa nakakaramdam ng suklay mag mula ng gumising ako. "Late ka ng one minute kaya.." Aba, one minute lang wala pang patawad?! "Sige, okay na 'yon." Rinig kong sabi niya at tumawa sa nakakainis na tono. Hindi ko siya pinansin at nag tuloy lang sa pag susuklay.





Nag tataka akong sumakay sa sasakyan niya dahil kapag nag sasabay kaming pumasok, siya ang nag da-drive papasok ng School pero ngayon may kasama kaming driver. Hindi nalang ako nag salita dahil bakit ko nga naman pinag tataka kung magkaroon siya ng driver. Duh, sa yaman niya eh hindi na dapat ako mag taka kung may driver siya.

Hindi ko iniimik si Duke kahit na panay ang kausap niya saakin. Yeap, madaldal siyang lalake. Hindi siya katulad ng ibang lalakeng mag sasalita lang kapag kinausap mo. Siguro isa sa dahilan kung bakit naging komportable ako sakanya—dati, ay dahil hindi siya nauubusan ng kwento. Yung kahit araw araw kayong mag kausap, madami padin kayong mapag uusapan dahil sa daldal niya at mas lalong dumami dahil pareho kami ng Interest.

Nakatingin lang ako sa bintana habang patuloy ang pag buka ng bibig niya. Hinanda ko na ang sarili ko dahil malapit na kaming bumaba sa School. Kahit ayaw kong bumaba kasama ang batang 'to, no choice syaka balita narin sa School na mag fiancé kaming dalawa. Hindi ko alam kung sino ang nag pakalat ng masamang balita pero panigurado ko ng ang mga matatanda ang may pakana.

Napag usapan kaming dalawa sa loob ng Campus at ang karamihan, kino-congratulate kami at sabi pa ng ilan na Ninong at Ninang daw sila sa kasal namin. Mga baliw na ata. Sino namang may sabi na matutuloy ang kagaguhang kasal na 'to? Wish lang nila.

"Teka, ibang daan na 'to ah?" Tanong ko kay Duke ng makita kong nilagpasan namin ang School. Hindi niya ako sinagot at nakita ko lang ang pag silay ng ngiti sa labi niya. "Saan tayo pupunta?" Ulit kong tanong sakanya.

"Malayo layo pa tayo. Matulog ka muna." Kalmadong sabi niya at itinuon ang tingin sa bintana.

Malayo? "Anong sinasabi mo?" Nakutuban na ako ng kakaiba habang nakatingin sa ngayong dinaraanan namin. "Itigil mo ang sasakyan. Baba ako." Mahinahong sabi ko sa driver. Nagtama ang mga mata namin ng makita ko ang pag tingin ng driver sa rear view mirror.

"Idiretsyo mo lang." Utos ni Duke. Tinapunan ko siya ng tingin at galit akong napayukom sa mga kamay ko.

"Saan mo ako balak ipunta?" Diin kong sabi.

"Malalaman mo din." Tipid nitong sagot habang nakatingin sa bintana.

Mahigpit kong kinapitan ko ang balikat ng driver. "Itigil mo 'tong sasakyan!" Anunsyo ko at gigil na napasigaw.

"Idirestsyo mo lang kung ayaw mong matanggalan ng trabaho!" Kapalit na sagot ni Duke.

Bumalik akong muli sa pagkakaupo ko sasakyan at pilit na pinakalma ang sarili ko ng ilang segundo pero hindi talaga ako matigil sa pag iisip maisip ko lang na nandidito ako sa loob ng sasakyan ni Duke ng hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.

Walang pag aalinlangan kong binuksan ang pintuan ng kotse kahit na mabilis ang pagpapatakbo ng sasakyan pero agad din 'yong nasarado ng hilahin ni Duke ang kamay ko dahilan para mapahiga ako sa hita niya.

Panandalian kaming nagkatinginan hanggang sa makita ko ang isang puting panyong itinakip niya sa ilong ko.

Unti unti kong naramdaman ang pagkahilo't pagka antok pati narin ang talukap ng mga mata kong bumigat na para bang gusto ng pumikit. "Bakit mo ginagawa 'to saakin.." Nang hihina kong tanong sakanya hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.






Nagising ako ng marinig ko ang pagsara ng pintuan ng kotseng sinasakyan ko. Hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako. Masakit padin ng kaunti ang ulo ko at parang nag dodoble padin ang paningin ko. Minulat ko ang mga mata ko at bumungad sa harapan ko ang isang napaka gandang simbahan. Luma na ang itsura nito pero nakakabighani ang ganda kung titignan ito ng mabuti.

Ang simbahan na iyon ay minsan ko ng nakita sa mga litrato sa bahay na nag kalat lang sa mga cabinet kung saan nakalagay ang mga photo albums. Kung ano palang kinaganda nito sa picture, ganun din ang kinaganda niya sa personal.

Napa-linga linga ako sa paligid ko at nag tataka kung bakit ako nandito. Muli akong napatingin sa harapan ng sasakyan at nakita ko ang driver ni Duke.

Napahawak ako sa ulo ng biglang kumirot iyon at sumakit. "Anong ginagawa ko dito?" Tanong ko sakanya. Lumingon siya saakin at sinabing nag hihintay na si Duke sa loob ng simbahan.

Nakakutob na ako ng sabihin niyang nag hihintay si Duke saakin at kahit pa ayaw kong bumaba sa kotseng 'to, gagawa at gagawa ng paraan si Duke para makababa ako.

How pathetic? Talagang gumawa pa ng paraan ang gago para lang madala ako sa simbahang 'to. Hindi ko inakalang magagawa niya yon. Hindi man lang niya naisip na kahit pa maikasal kaming dalawa at sapilitan akong um-oo sa harap ng maraming tao, hindi padin mag babago ang pag tingin ko sakanya. Pinag mumukha niya lang ang sarili niyang kawawa at sinisiksik ang sarili niya saakin. Sa ginagawa niyang 'yon mas lalo lang lumalayo ang loob ko sakanya.

Pumasok ako sa loob ng simbahan at mas lalo akong nabighani sa ganda ng loob nito. Natulala nalang ako habang nakatingin sa bahagi ng simbahan na natatamaan ng mga mata ko. Wala akong masabi. Sobrang ganda nga talaga nito.. Kaso wala pa sa desisyon ko ang mag pakasal. Gusto ko munang i-enjoy ang buhay ko bilang isang dalaga at kung darating man ang tamang panahon, tamang oras at sa itinadhana kong mapapangasawa, dito sa simbahan na ito ako mag papakasal.

Nakita ko si Duke na siyang malapit sa harap ng altar. Para bang isa siyang groom na hinihintay lumakad dahan dahan ang bride sa aisle papunta sakanya. Kahit pa nasa dulo ako ng simbahan, kitang kita ko ang ngiti sa labi niya. Ang mga ngiting 'yon ang nag sasabing handang handa na siyang mag pakasal.

Kung satingin niyang susunod ako sa mga plano niya at plano nila Lolo, hindi. Hinding hindi ako maglalakad na mistulang isang bride kung siya lang din pala ang makakasama kong manumpa sa harap ng Diyos.

Tumingin ako sakanya saka iniwas ang mga mata ko bago tumalikod. Lalakd na sana ako papalabas ng simbahan ng marinig ko ang pag tawag niya saakin.

"Mikee!" Nahinto ako dahil nag echo ang boses niya sa loob ng napaka laking simbahan. "Kahit kunwa-kunwarian lang.. Magpanggap kang pakakasalan mo ako." Hindi gaano kalakas ang pagkakasabi niyang iyon pero rinig na rinig ko at sobrang linaw ng bawat salitang lumabas sa bibig niya.

Humarap ako at ngumisi. "Nakakaawa ka." Nakangising tugon ko. "Kahit kunwari pa 'yan, hindi ko gagawin." Dagdag ko.

"Please.." Pagmamakaawa niya. Ito ata ang pinaka unang beses na marinig kong nag makaawa siya. Hindi agad ako nakasagot at para nalang akong natulala habang nakatingin sakanya. Lumipad ng tuluyan ang isip ko at hindi ko na namalayan na lumakad na pala siya papunta saakin.

Hinawakan niya ang isang kamay ko pero agad ko din binawi iyon mula sa pagkakahawak niya. "Duke, ano ba? Tumigil kana nga sa kahibangan mo!" Inis kong sabi sakanya. "Isang sagrado ang pagpapakasal! Hindi dahil ito ang gusto ng magulang mo, susundin mo!" Pagpapatuloy ko at balak na sanang umalis ng muli niyang hawakan ang kamay ko pabalik sa pwesto ko.

"Ito ang gusto ko!" Galit na sabi niya at hinawakan ng mahigpit ang pulso ko. Masakit na para naiiipit ang mga ugat ko.

"Bitawan mo nga ako!" Pilit kong inaalis ang mga kamay niya para kumakawala sa pagkakakapit niya pero masyado siyang malakas kaya hindi ko naialis ang kamay niya. "Nasasaktan ako, ano ba!" Sigaw ko.

"Para magising ka sa katotohanan na mapapangasawa mo na ako kaya itigil mo na ang kaartehan mo!"

"Hindi pag iinarte ang ginagawa ko, Duke! Sadyang hindi lang kita gusto! Sinong babae ang gugustuhin makasama ang isang makasariling taong tulad mo?! At kahit pa makasal tayong dalawa, hinding hindi kita mamahalin, tandaan mo 'yan!" Gulat akong napahawak sa pisngi ko ng maramdamn ko ang malakas at malutong na sampal niya sa pisngi ko. Sa lapad at kapal ba naman ng kamay niya, para ng sinusunog ang pisngi ko sa init at hapdi.

Nang hihina ang buong katawan ko ng maramdaman ko 'yon dala narin ng pagkagulat dahil hindi ko inakalang magagawa akong sampalin ni Duke. Si Duke na tinuring ko rin na isang matalik na kaibigan.

Binitawan niya ang kamay ko at galit na lumakad palabas ng simbahan.




Umuwi padin ako kasama siya. Ano pa bang choice ko eh hindi ko naman alam kung nasaang parte ba ako ng pilipinas. Feeling ko nga nasa probinsya ko at kahit pa ang sakayan hindi ko alam kaya sumakay padin ako ng kotse niya kahit na inis na inis akong makasama siya ng ilang oras sa iisang sasakyan.

Wala kaming imikan dalawa at wala din akong balak kausapin siya. Sobrang sama ng loob ko to the point na umiiyak ako habang nasa sasakyan. Buti nalang at malakas ang radio kaya hindi niya gaano naririnig ang paghikbi ko. Hindi ako umiiyak dahil sa mahina ako. Umiiyak ako dahil sa inis at galit na nararamdaman ko. Wala akong magawa at wala akong nasabi sakanya ng sampalin niya ako as if parang lalake lang ako sa paningin niya at sa dinamirami ng lalake sa buong mundo eh itong lalake pang ito talaga ang kauna-unahang sinaktan ako.

Malalim na ang gabi ng makarating kami sa bahay. Malayo nga talaga ang simbahan na 'yon dahil hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kalagitnaan ng pag iyak ko. Wala akong sinabi ng buksan ko ang pintuan ng kotse at bumaba. Padabog ko din sinarado 'yon bago nag punta sa gate para pumasok na sa loob.

Rinig ko ang pag bukas ng kabilang pintuan ng kotse at alam kong si Duke ang bumaba kaya mas binilisan ko ang pag bukas pero nahawakan niya na agad ang kamay ko at iniharap sakanya. Kahit pa tignan siya hindi ko ginawa kaya mabilis kong inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko at tumalikod na ulit para pumasok na sa loob.

Malakas na pagbagsak sa gate ang ginawa kong pag sara para ramdam niyang galit ako at hindi ko siya gustong kausapin. Matapos niya akong sampalin, hahawakan niya kamay ko na parang walang ngyari? Gago ba siya? Lakas ng tama!

Nag dire-diretsyo na akong pumasok sa loob ng bahay at paakyat na sana ng kwarto ng marinig ko ang pag tunog ng cellphone ko. Kinuha ko 'yon sa bag ko at nakita ko ang text ni Valie.


BEB, CALL MO NA AKO NOW! ASAP! WALA AKO PANG TAWAG EH!



Capslock pa talaga ang ginamit ng gaga para mas intense at dama ko ang pag kakabasa. Ano na naman kayang chikang nakakainit ang sasabihin nito? Dakilang chismakers talaga at ang daming nakakalap na impormasyon! Chi-chismis na nga lang wala pang load pang tawag. Puritang chismosa.

Tinawagan ko na si Val dahil kahit ako din naman ay naintriga sa pagkaka text niya saakin. You know, bestfriend connection kaya pag dating sa mga ganyan eh alam ko ng may mga pasabog siyang hatid. Syaka matagal tagal narin mag mula ng mag text ng ganyan saakin 'yan kaya mas lalo akong na curious.




"Oh, ano na naman ba 'yon?" Bungad ko sakanya ng sagutin niya ang tawag ko. Nag patuloy na akong maglakad paakyat ng hagdan papunta sa kwarto ko.

"Beb, kamusta ka na? Nag aalala na kami sayo babae ka!" Sabi niya sa kabilang linya. Kahit talaga sa cellphone lang kami mag kausap damang dama ko padin ang pagaalala niya. Huminga ako ng malalim sabay napa buntong hininga. "Hindi ko kayo nakita ni Duke ngayong araw. Magkasama ba kayo?" Dagdag niya.

"Oo." Sagot ko. Ayaw ko namang mag sinungaling pa sakanila lalo na kay Valie.

"What?! Why?" Gulat niyang sabi at parang napatayo pa ata sa kinauupuan niya.

Nakarating na ako sa kwarto ko at binuksan ko na ang pintuan pero sumandal muna ako sa pader bago sumagot kay Valie. "Pinuntahan namin yung simbahan kung saan kami ikakasal." Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil pinipigilan ko ang pag iyak ko. Hindi ako makapaniwala na saakin mismo nang galing 'yon at takot na takot akong mag sabi ngayon kay Valie ng nararamdaman ko.

"Desidido kana ba?" Syempre hindi. Ayoko. Ayokong makasal sa taong kailanman hindi ko minahal. Pinunasan ko ang luhang kumawala galing sa mga mata ko at binuksan ang ilaw ng kwarto. "Alam na ni Kijan na ikakasal ka sa susunod na buwan.."




Napabitaw ako sa cellphone ko. Hindi dahil sa sinabi ni Valie kundi sa taong nakatayo ngayon sa balkonahe ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siya.


Hindi na ba ako nanaginip ngayon?












"Kijan." Gulat kong sabi habang nakatingin ng diretsyo sa mga mata niya.





















follow me on my social media accounts:

twitter: @amedc_

instagram: @chaially20

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 44.4K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
4K 3.9K 35
Three faces Three personalities Three bodies One heart Tripple Shots Si Ariana ay hinahabol ng mga terorista, sinundan siya ng kapatid niyang si Cria...
2.6K 77 47
"How to embrace a broken soul?" Book Cover credits to: @HOE4YAGO
1.5K 373 61
May mga alaala tayong pilit kinakalimutan, may lugar na ayaw balikan, at may mga taong hindi na natin gustong makita pa. Noong lumipat sa La Cuervo...