The Paradise of Eternal Sorrow

By La_Empress

93.6K 851 52

Grey Ziggler, a trapped soul who's given a mission to untangle the deaths of him and his family in order to r... More

Playlist & Synopsis
P R O L O G U E
I. Into The Paradise
II. Stranger
III. Broken Promises
IV. The Birth of Agony
V. Midnight Tears
VII. Princess of Distress
VIII. The Start of Curiosity
IX. The one in Trouble
X. School Fight
XI. Friends?
XII. Mission: Get closer
XIII. The Angel's Identity
XIV. Night Sky
XV. A Goodbye to Paradise
XVI. New Beginning in Manila
XVII. Emillia's Diary
XVIII. Anthophile
XIX. Isabella meets Emillia
XX. Mysterious Disappearance
XXI. Her Purpose
XXII. Truth against the Flame
xxiii. Diana Knows Everything
xxiv. The guy from the past
xxv. Foul Play
xxvi. She came back

VI. Sunshine

1.8K 31 6
By La_Empress

There are memories that can't be forgotten. 

That can't be thrown or ignore.

They say, you must forget the past in order to move on. But how can I forget the past if it's always coming back?

"Darling, alam mo namang magagalit ang lola mo pag sinusuway mo siya diba? " mom said. Hindi ko na siya tinignan pa bagkus ay bumuntong-hininga ako. 

I fix my gaze on the people dancing across the vast ballroom. They are all dressed in costly yet magnificent suits and gowns that speak to their powerful social status. Because of the party's theme, we seem to be back in the Middle Ages. We're not dressed in traditional Filipino attire but rather clothes worn by the Europeans.

To fit the theme, I wore a long cream-colored gown with my trademark ruffled sleeves. My hair is neatly bunned and has a little strand of hair on the side. Mom forced me to wear gloves with a diamond ring on top. My pearl earrings were also very heavy as if I was carrying a whole sack of rice in my ear.

Others laugh as they interact with their friends. Others are accompanied by the slow music playing in the background. 

Napakagandang pagmasdan, aakalain ko'y nagbalik ako sa nakaraan.

Umalis saglit sina mama at papa dahil tinawag sila ng mga kaibigan nila. Si ate Yana naman, bigla ring nawala. Tapos si ate ay abalang nakikipag-kwentuhan kay Marco. They look so good together, not gonna lie. Komportable sila sa isa't-isa. Nagtatawanan silang dalawa habang may pinag-uusapan. May pa-hampas pa sa braso si ate. Samantala naiwan na naman akong mag-isa sa table namin.

Having no talent of communicating is a curse. Sana madaldal nalang ako upang madaling makahanap ng makakausap. Kasi sa tuwing may gustong makikipag-usap sakin, palagi kong binabara. Hindi ako interesado sa mga kwento nila. Simula noong nangyare ang araw na 'yun, natatakot akong maulit muli iyon. Iyan ang dahilan kung bakit ang hirap kong lapitan.

It's hard to find someone who truly understands you the way you understand yourself.

Anyway, today is ate Shane's birthday. The only cousin I like. Mabait siya unlike sa iba kong mga kamag-anak. Sayang nga lang hindi siya nakapunta noong birthday ko last week. May pasok pa kasi daw siya sa Spain. Hindi pwedeng iwanan.

Binati ko na kanina si ate Shane pagpasok namin sa venue. She gave me the sweetest smile that could melt everyone's heart. I gave her one of my poem that I wrote as my birthday present for her. Wala kasi akong maisip na maibibigay sa kanya since sobrang yaman naman niya at mukhang nasa kanya na ang lahat.

Nung nakasalubong ko si Lola sa table namin, halos na ako mawindang. Naalala ko kasi ang nangyare noong birthday ko. I thought susungitan niya ako ngunit umakto lang siya na parang walang nangyare. 

As if she didn't humiliate me in front of the whole family.

"Are you enjoying your dinner, my grandchild? " I remembered her asking me earlier while I was eating my pasta. 

At first, I was quite confused by her sudden sweet gesture but when I raised my head—I knew it was just an act. A lot of people are watching her so she's making sure that our family will come out as 'perfect'. 

Biglang huminto ang musika at tumigil din ang mga tao sa pagsasayaw. Mukhang nag request ng ibang kanta si Lola sa lalaki na siyang lider ng bandang nagpapatugtog. Tumango naman ang lalaki at agad na pinalitan ang musika. Naging mas kalmado ang himig ng pinatugtog na parang hinehele ako nito.

Pumunta sa gitna si Lola dala ang isang mic. "Good evening everyone, I'm so pleased to see you all having a blast this special evening. Let's take a quick break first. Grab some desserts and wine. Because tonight, she will showcase her talent in painting. Ladies and gentlemen, around of applause for my dearest grandchild . . . birthday girl, Shane Florante! " 

Naghiyawan ang lahat ng mga tao nang lumabas si ate Shane mula sa backstage at kaagad na pumwesto sa gitna. Kumikinang ang suot niyang red gown sa bawat hakbang. Ang kanyang mala perlas na kutis ay sadyang nakakapang-akit. Matangos ang ilong, pantay-pantay na ngipin at ang mala-anghel niyang titig. Talagang masasabe mo na may lahing kastila siya. 

Nakalagay sa gitna ang gagamitin niya sa pagpinta. Pagtunog ng musika ay siya namang pag-umpisa niya. Tutok na tutok kaming lahat. Wala kaming ideya kung ano ang ipa-paint niya. Dumako ang tingin kay Lola Isabella. Her smile is so wide, proud na proud sa apo niya. Halata sa mukha na pinagmamalaki talaga niya si ate Shane.

Ako kaya, kailan pa kaya magiging proud sakin si lola?

Mabilis ang paggalaw ng kamay ni ate Shane. Mukhang walang direksyon ang pagpipinta niya ngunit unti-unting lumilitaw ang imahe sa canvas. Wala pang kalahating oras ay tapos na siya. Naghiyawan ulit ang mga tao. May mga lalaki pa ngang sumigaw ng "Shane! Ipinta mo soon ang mga anak natin ah. " na syang ikinailing ko.

Ngunit nang mapatingin ako sa ipininta ni Shane ay kumunot ang aking noo.

Isang pamilyar na lugar, pinapalibutan ng mga nagtataasang puno at magagandang bulaklak. Sa kalagitnaan nito ay isang puno ng mangga. Sa gilid ay malalim na ilog. Nagkalat sa paligid ang mga paru-paro na animo'y nakikipaghabulan sa isa't-isa. Everything about her painting is magical. 

Ipininta niya ang paraiso. 

Yung lugar kung saan nakilala ko ang misteryosong lalaki.

Akala ko'y matutuwa si lola Isabella ngunit laking gulat ko na makitang nakasimangot siya. Halatang di nagustuhan ang ipininta ni ate Shane. Lumapit si lola Isabella kay ate Shane at may ibinulong dito. Hindi man lang kumibo si ate Shane bagkus ay umalis na ito sa gitna. Naiwan si lola doon na nakasimangot pa rin.

Ano kayang problema ni lola Isabella sa painting ni ate Shane?

Anong meron sa paraiso at parang naiinis siya rito? 

Manghang-mangha ang mga bisita at hindi magkamayaw sa pagpuri ng pinsan ko. Tinignan ko saglit sina mama at papa. They look quite tense as they exchange glances at each other while applausing. Nang magsalita ulit si Llola Isabella sa harapan ay agad na natuon sa kanya ang aming atensyon, pansamantalang nakalimutan namin ang ipininta ni ate Shane.

"As you can see, our family is very talented. " dinig kong salita ni Lola. Nakaturo siya sa direksyon namin. "Each of my grandchildren have their own unique talents. " 

Bigla akong kinabahan sa sinabe ni Lola. Pano ba naman, talent na naman kasi ang pinag-uusapan. Luging-lugi ako pagdating dun.

"And I want to share to all of you my grandchildren's talents! " naghiyawan ang mga tao. Akala talaga nila kaming lahat may talent. 

Bigla nalang lumapit sa gitna ang kambal na sina Daisy at Nathaniel. Ani nila, ang talento daw nila ay pagsasayaw since member sila ng cheer leading team sa school nila sa Spain. Hindi sila nagpatumpik-tumpik pa at sinimulang magpakitang gilas. Todo hiyawan naman ang mga tao. Enjoy na enjoy naman ng kambal ang atensyon.

Habang pinapanood sila ay hindi ko maiwasang kabahan at mabahala. I know that any moment from now, tatawagin ako ni Lola sa harapan at ipapakita sa kanilang lahat ang aking talento. Ngunit, ang problema ay hindi ko alam kung ano ang talento ko.

Bakit hindi ako ininform na may talent show palang magaganap? Akala ko uupo lang ako rito at magpakabusog. Why are we suddenly auditioning for Got Talent?

Should I just escape? 

Pagkatapos ng performance ng kambal ay sumunod naman si ate.  Alam ko ang talent niya. Mahilig si ate sa musical instrument. Lalong-lalo na sa piano. Dahil may piano sa gitna, alam kong tutugtog siya.

I remember my grandfather told me that Lola Emillia loves playing piano. Parang namana yata ni ate ang pagiging mahilig ni lola rito.

Pinatugtug ni ate ang Stay with me piano version. Nakakagaan sa pakiramdam ang musika. Tila mapapapikit ka talaga. Para nga akong hinehele. Nakapikit din si ate, dinadama ang tugtog.

Habang pinagmamasdan siya mula sa aking kinatatayuan, lalo 'kong napagtanto ang pinag-kaiba namin. 

My sibling is better than me at everything. 

Even if I deny it, sarili ko lang niloloko ko. 

Pero tanggap ko naman. Matagal na. Sa sobrang tagal ay hindi ko na kaya pang mainggit sa kanya. Basta't hinahayaan ko ang sarili na mabuhay ng pinag-kukumpara ang pinag-kaiba namin ng kapatid ko. 

Hindi ko namalayan na tapos na palang tumugtog si ate. Bigla nalang akong tinawag ni Lola, yung puso ko halos na lumabas sa rib cage ko lalo na't nakatitig silang lahat sakin. I could hear everyone's mumbling, it's making me more anxious. 

Tangina, sa kaba ko ay parang babaliktad ata ang sikmura ko.

Nanginginig ang aking tuhod habang naglalakad ako patungo sa gitna. Nang hawakan ni Lola ang aking balikat ay halos ako mapaigtad sa kaba.  Alam kong pinapahiwatig ni Lola sakin na huwag ko siyang subukang ipahiya sa harapan ng mga tao. Dapat may talent ako. Dapat may ipapakita ako.

Kinuha ko ang isang guitar na hawak ni ate Yana. I have no idea where on earth she got that. Siguro alam niyang ito lang ang kaya kong patugtugin. Nag thumbs up si ate Yanna sakin at sinuklian ko lang siya ng ngiti. Nanginginig rin pala yung pisnge ko.

Binalot ng katahimikan ang buong silid. Walang hiyawan, walang tuksuhan.

Just . . . pure silence.

Though I couldn't hear a single noise, the judgement is so loud that it could damage my hearing.

It's been a long time since I played my guitar.  Ukulele yung una kong natutunan tapos noong tumuntong ako ng pitong taong gulang ay guitar na ang pinapatugtug ko. My grandfather taught me, I can still remember.

Huminga muna ako ng malalim at dahan-dahang ipinikit ang mga mata. Iisipin ko nalang na walang taong nakatingin sakin. 

The other night, dear

As I lay sleeping

I dreamt I held you in my arms

When I awoke, dear

I was mistaken

So I hung my head and I cried ....

At sa pagmulat ko sa aking mga mata ay ibang tao ang aking nakikita.

"You are my sunshine, my only sunshine. " sabay naming kanta ni lolo. Kahit hindi ko pa masyadong nabibigkas ng tama ang mga salita ay memorize na memorize ko naman ito. Masaya kong tinitignan si lolo habang siya ang nagpapatugtug ng gitara. Ang laki ng ngiti ni lolo, parang wala siyang problema.

Maganda ang sikat ng araw. Hindi masyadong mainit. Nakaupo kaming dalawa sa likuran ng mansyon kung saan namumulaklak ang iba't-ibang klase ng bulaklak. Madami ring paru-paro na nagsisiliparan. Kunting sinasayaw ng hangin ang mahaba 'kong bestida na may disenyo ng rosas.

Pagkatapos nung nalaman kong may sakit siya, ginawa ko na ang makakaya ko para mapaligaya si lolo.

Kasi alam kong magpapaalam na siya . . .

Tinuro ko si lolo gamit ang aking maliit na kamay."You make me happy, when skies are grey."

Umihip ng marahan ang preskong hangin, tinangay nito ang mga petals ng bulaklak na nakalatag sa garden. Wala ngayon sina mama at papa kaya sinulit na namin ni lolo ang pagkakataon na dito mag kantahan. Tinuturuan niya akong gumamit ng ukulele at kumanta. Isasali sana namin si ate ngunit tinarayan niya ako.

"You never know dear, " si lolo naman ang kumanta. "How much I love you. " nang kinanta niya ang part nayun ay nagtutubig ang kanyang mga mata.

Tumingala si lolo sa langit, "Please don't take my sunshine, away. " pagkuway tumingin siya sakin. Parang may nais siyang sasabihin ngunit pinigilan ang sarili. Tatanungin ko sana siya kung may itatanong ba siya sakin ngunit naaalala ko na kumakanta pala kami.

This time, ako naman ang kumanta at tumugtog gamit ang ukulele. "I always love you, and make you happy. " nasiyahan ako nang naitugtug ko ito ng maayos. Tinignan ko si lolo at nag thumbs up naman siya. "And nothing else could come between . " si lolo naman ang kumanta.

"But if you leave me, "

"To love another. "

"You'll have shattered all of my dreams. " at sa huling linya ay halos na ako mapiyok dahil sa luhang nagbabadyang tumulo.

"You are my sunshine, my only sunshine. You make me happy, when skies are grey. " 

Unti-unti ko nang naririnig ang kanilang palakpakan at hiyawan.

"You never know dear, how much I love you. " 

Dapat kong pigilan itong nararamdaman ko. Ayaw kong umiyak sa harapan ng madaming tao.

"Please don't take my sunshine, away~~~ "

Pagkatapos kong kumanta ay nag yumukod ako, pinipigilang umiyak. Somehow, nakakagaan sa pakiramdam na may pumapalakpak sakin. I don't know if they're actually sincere praising me but I don't care anymore, I just want them to appreciate me. Just this one moment.

Ngunit bigla nalang may nag flash na ala-ala sa aking utak na siyang nagpasakit ng ulo ko.

Kasing bilis ng kidlat na dumaan ang ala-alang iyon sa aking isipan. 

Sumakit ng sumakit ang ulo ko dahil dun. Parang mabibiyak ito na ewan. Hindi ko naiintindihan.

Babalik na sana ako sa aking upuan ngunit biglang nanlabo ang paningin ko. Halos na ako matalisod, wala akong nakikita. Masyadong malabo ang aking paningin. 

Kumirot ang aking ulo dahilan para mapa-upo ako sa sahig. Halos na ako mangisay sa sakit. Parang binibiyak ang ulo ko!

"HELP US! CALL THE AMBULANCE! "

"MAKE WAY! YOU GUYS ARE SUFFOCATING THE KID! STEP BACK! "

Namalayan ko nalang pinapalibutan na ako ng mga tao.

Ngunit iba ang nakikita ko.

Mga taong nakasuot ng pangkasaysayang damit.

Mga magsasaka, taong mayayaman na nakasuot ng baro't-saya, hindi ko nakikita ng maayos ang kanilang mga mukha dahil masyadong malabo ang aking paningin.

They are all staring down at me. 

With bloods and wounds all over their faces.

"H-help . . . " I whispered in agony. Then, darkness reigned over me.

* * * * *
- To be continued -

Featured Song: You are my sunshine cover by Moira Dela tore. 

Continue Reading

You'll Also Like

10M 297K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...
2.3M 87.9K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.