Last Rose

By topally

85.8K 1.1K 109

Meet Mikee Hauser, a rebellious whirlwind with a mouth like a sailor and a love for laziness. She's always sk... More

Prologue
Chapter one
Chapter two
Chapter three
Chapter four
Chapter five
Chapter six
Chapter seven
Chapter eight
Chapter nine
Chapter ten
Chapter eleven
Chapter twelve
Chapter thirteen
Chapter fourteen
Chapter fifteen
Chapter sixteen
Chapter seventeen
Chapter eighteen
Chapter nineteen
Chapter twenty
Chapter twenty one
Chapter twenty two
Chapter twenty three
Chapter twenty four
Chapter twenty five
Chapter twenty six
Chapter twenty seven
Chapter twenty eight
Chapter twenty nine
Chapter thirty
Chapter thirty one
Chapter thirty three
Chapter thirty four
Chapter thirty five
Chapter thirty six
Chapter thirty seven
Chapter thirty eight
Chapter thirty nine
Chapter forty
Chapter forty one
Chapter forty two
Chapter forty three
Chapter forty four
Chapter forty five
Chapter forty six
Chapter forty seven
Chapter forty eight
Chapter forty nine
Chapter fifty

Chapter thirty two

1K 14 0
By topally

SEPTEMBER 2015


"Sobrang naloloka na ako sa ngyayari ah!" Hindi makapani-paniwalang tonong sabi ni Val at napahawak nalang sa sintido niya. "Ano ng gagawin mo ngayon?" Tumingin siya saakin at kita ko sa mukha niya ang pag aalala.

"Ewan ko. Gusto talaga ni Lolo na tuluyan akong sumunod sa lahat ng pinaplano niya." Pang hihinayang na sabi ko. Kahit naman anong gawin ko pang pag tutol sa mga posibleng mangyari sa mga susunod na araw, alam kong walang makakapag pigil kay Lolo.

Dumiretsyo ako ng punta kila Valie. I need my bestfriend right now dahil para na akong masisiraan. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung kanino pa ako tatakbo. Siya lang ang agad na pumasok sa isip ko kaya naman nag diretsyo na ako dito.

"Jusko, Mikee! Hindi ka pwedeng magpakasal, noh! Ang bata mo pa syaka hindi ka naman pwedeng matali nalang." Siya pa ang mismo ang namomoroblema sa kinahaharapan ko ngayon.

Wala rin naman kasing pumapasok sa isipan ko na pwedeng solusyon kung pa-paano matigilan sa kahibangan ang Lolo ko. Hindi ko ba alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya at sa bawat mag uusap kami ay may hatid siyang malaking pasabog. Hindi naman ganun ang Lolo ko dati. Sadyang nagbago lang bigla ang ihip ng hangin at naging ganun siya.

"Hindi ako mag papakasal. Makakahanap din ako ng solusyon." Sagot ko habang nakatingin sa sahig at nilalaro laro ang daliri ko. Pilit akong nag iisip ng pu-pwedeng gawin pero walang ibang mapasok kundi ang mukha ni Kijan kanina ng magkita kami sa Restaurant.


Nang makita ko siya, para lang akong isang ordinaryong tao na nakakasalubong niya sa bawat araw na dumadaan. Hindi niya ako binigyan ng tingin na para bang nagulat siya dahil limang buwan din kaming hindi nag kita. Limang buwan din kaming walang koneksyon sa isa't isa. Diretsyo nga ang tingin nito sa mga mata ko pero lumakad lang siya at nilagpasan na parang hindi ako kilala.

Hindi dapat ako nasaktan. Kasi ako naman ang huling bumitaw diba.

Napaisip nalang ako kung paano kaya kung mas tinagalan ko ang kapit sakanya at hindi siya sinukuan? Maaayos padin kaya kami? O talagang hindi naman kami para sa isa't isa kaya binigyan na ako ng Universe ng ilang dahilan para tuluyan ng kalimutan siya.


"Subukan kaya natin humingi ng tulong kay Kijan?" Nawala ako sa pag iisip ng marinig ko ang sinabi ni Val kaya naibaling ko ang tingin ko sakanya.

"Ha?"

"Malakas ang kapit niya. Baka matulungan ka niya." Suggest ni Val. Alam kong namomroblema din siya pero, si Kijan pa talaga? Eh nag mistulang patay na nga ako sakanya.

Umiling ako. "Hindi na. Baka mapapakiusapan ko pa sila Lolo." Alam kong imposibleng mapapayag ko si Lolo na itigil ang kung ano anong tumatakbo sa isipan niya pero gagawin ko ang lahat para lang hindi ako makasal kay Duke.





Nag stay muna ako sa bahay ni Valie at nag aya akong uminom kasama siya. Inalis ko muna ang lahat ng problemang kinakaharap ko ngayon at nakipag chikahan like normal days with my bestfriend. Nakakamiss din makipag baliwan sa babaeng 'to. Magmula kasi ng magpasukan, hindi ko na sila ganun kadalas makasama lalo na itong si Val dahil nga sa sineseryoso na daw niya ang pag aaral dahil ayaw niyang matulad saakin. Odiba, salbahe? Kaya sobrang clingy ko ngayon sakanya.


In the end, umiyak din ako dala ng kalasingan o dala ng sakit ng nararamdaman? In-open ko sakanya na accidentally kong nakita si Kijan sa sobrang pangit pagkakataon.

Bakit kasi kailangan ngayon pa? Bakit ngayon ko pa siya makikita?














"You are enough, a thousand times enough.." Naramdaman ko ang pagyakap saakin ni Valie kaya napahagulgol ako sa harapan niya habang yakap yakap niya.

"Tangina. Sobrang sakit sakin na parang wala lang sakanya." Naiiyak kong sabi.

Pinalo naman niya ang likod ko. "Huwag ka ng umiyak pwede?! Naiiiyak din ako pag nakita kong nasasaktan ka eh! Hayaan mo na siya! There are guys who would beg for your pretty little heart.." Pagalit niya saakin at narinig ko na nga rin ang pag iyak niya.

Tumango tango ako kahit na hindi matigil magtulo ang masagana kong luha.





Hinatid ako ni Valie matapos ang madramang eksena sa bahay nila.. Buti na nga lang at wala doon si Tita at Tito at nasa outing magkasama. Dapat doon na ako matutulog sakanila dahil wala rin siyang kasama pero kailangan kong umuwi at 'yon din ang suggestion ni Val. Baka mas lalo lang mag init ang ulo nila Lola saakin kapag patuloy ko lang itong ginawa sakanila. Syaka isa pa, kailangan ko pa silang kausapin.

Wala narin ako sa katinuan dahil sa dami ng alak na ininom namin ni Valie. As usual, tahimik ang buong bahay pagkadating ko at walang sumalubong saakin na kahit sino. Ang akala ko pa naman tatalakan na ako ni Mommy at ni Lolo at Lola. Kaya dumiretsyo na ako sa paakyat papasok sa loob ng kwarto ko. Binuksan ko ang pintuan at kinapa ang ilaw sa gilid.


Ilang beses kong ipinikit at iminulat ang mata ko ng may maaninag akong lalakeng nakatalikod at nakatayo sa balkonahe ko.


Lasing lang ba ako kaya kung sino sino ang nakikita ko? Hay ano ba. Nananaginip agad ako hindi pa nga ako nakahiga. Inalis ko nalang ang tingin ko doon at lalakad na sana papunta ng CR ng bigla akong matauhan. Ibinalik ko ulit ang mga mata ko sa pagkakatingin sa lalakeng nakatalikod at nakatayo sa harap ng balkonahe ko.














"Hoy! Akyat bahay!" Sigaw ko at hinubad ang sapatos na suot ko saka ibinato sakanya. Sapul naman iyon sa ulo niya kaya agad siyang napahawak doon. Aba, gago 'to ah!

Narinig ko ang pagdaing niya habang nakahawak siya sa part ng ulo niyang tinamaan ko ng pagatigas tigas na sapatos ko. Ginamit ko ang pagkakataon na iyon at mabilis na tumakbo papunta sakanya. "Nakawan mo na ang lahat huwag lang ang lasing at broken hearted!" Singhal ko sakanya habang walang humpay na pinag babatukan siya kahit na medyo matangkad siya saakin.

Pero napatigil ako sa pagsasakapak at pagsasabunot sakanya ng mapasinghot ako sa amoy niya. Ilang beses ko siyang sininghot at inilapit ko pa ang sarili ko sakanya at dahan dahan napatingin sa mukha niya. "Kija—"


"Mikee!" Narinig ko ang boses ni Yaya Elen na siyang papatakbo papunta sa gawi namin. Saka lang lumiwanag ang paningin ko ng buksan niya ang ilaw sa balkonahe ko.

Nakatingin lang ako sa mukha niya na puno ng panghihinayang. "Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko at iniwas ang tingin ko sakanya.

"I'm just checking kung nakauwi naba ang fiancé ko." Fiancé my ass! Nagbago tuloy bigla ang pagtingin ko sa pagkakaibigan namin ni Duke ng dahil sa punyetang kasal na 'to.

"Unang una hindi ako pumayag na magpakasal sayo kaya hindi mo ako fiancé. Entiendes?" Umirap ako bago siya alisan. Tumingin ako kay Yaya Elen na mukhang nag panic panigurado dahil sa lakas ba naman ng sigaw ko.

"Akala ko naman kung anong ngyayari!" Sabi niya habang hawak ang dibdib at pilit na pinapakalma ang sarili.

"Bakit ba kasi nandito siya?" Sabay turo ko kay Duke na siyang naka pamulsa lang at tamang nakatingin saamin.

"Iniwan muna siya dito ng Lolo mo at umalis sila saglit kasama ni Mr. Wilson ang Papa niya at babalikan din." Buti pa siya babalikan. Ako kaya, kelan?

"Doon ka nalang sa baba mag hintay sakanila. Kailangan ko ng mag pahinga." Sabi ko sakanya at inilapag na ang mini shoulder bag ko sa kama.

"Uminom ka ba?" Tanong niya kaya napatawa ako sa sinabi niyang 'yon.

Naramdaman ko naman ang pag alis ni Yaya Elen hanggang sa marinig ko ang pag sarado ng pinto. "Oo." Sagot ko habang hindi nakatingin sakanya. Hinawakan ko ang butones ng palda ko at akmang huhubarin iyon ng tumingin ako sakanya. "Ano? Hindi ka aalis? Mag bibihis ako." Sabi ko ng nakangisi.

"Edi mag bihis ka. Wala namang malisya saakin eh." Napatawa ako sa kawalan ng sabihin niya 'yon. Oo dati walang malisya saakin ang pagiging magkaibigan namin pero ngayon, nagbago bigla ang ihip ng hangin.

"Alis na." Banta ko sakanya. Ang awkward na mag bibihis ka tapos may taong nasa paligid mo tapos lalake pa!

"May CR ka naman bat hindi ka doon mag bihis?" Aba talagang nilalabanan ako niya ako ah? Ngayong hilong hilo na ako at gustong mag pahinga?

"Sa pag kakaalam ko, kwarto ko 'to. Kaya ako ang mag de-decide kung saan ko gusto mag bihis. Alam mo naman siguro ang salitang Privacy diba? Umalis kana bago pa mag dilim ang paningin ko sa'yo." Baka makatulog nalang ako bigla dito ngayon—sa harapan niya. Wala pa naman akong lakas para makipag sagutan ngayon.

"Magiging mag asawa nadin naman tayo kaya bakit pa ba natin patatagalin?" Aba hinayupak 'to ah! Ginagalit talaga ako ng lalakeng 'to?

"Stop saying na mapapangasawa mo ako. Ako na ang nag sasabi sayo, Duke. Hinding hindi mangyayari 'yon." Giit ko at nag punta sa cabinet ko saka padabog na kumuha ng damit pamalit. "Umalis kana." Dagdag ko pa habang busy sa pag hahanap ng damit. Napaka gulo naman kasi ng cabinet ko na 'to at sabog sabog na ang mga damit ko.

"Nope. Dito ako sinabi ng Lolo mo na mag hintay kaya hihintayin ko sila." Napalingon naman ako kay Duke na siyang humiga sa kama ko ng naka cross feet at ginagawang unan ang kamay niya.

Napasingkit ang mga mata ko habang nakatingin sakanya. "Ilang taon kana?"

"18th na ako sa susunod na buwan. Bakit?" Sagot niya.

"Iyon naman pala eh. Hindi ka naman 4 years old na hindi marunong umuwi sa bahay niyo. Syaka anong oras na? Kailangan ko ng matulog, hello?" Napairap ako sakanya saka binalik ang atensyon ko sa paghahanap ng damit.

Kinuha ko ang isang pink shirt at boxer short. "Mag-kaibigan naman tayo ah. Soon to be mag-asawa nga lang." Panginis talaga 'to, noh?!

Dumakot ako ng damit sa cabinet ko at mabilis na ibinato sakanya. Sapul naman sa mukha niya lahat 'yon. Mabuti 'yan ng matau-tauhan siya! "Madiri ka nga sa sinasabi mo!" Nandidiri kong sabi sakanya saka pumasok na sa loob ng CR.

"Hoy, nakaka dalawa kana ah!" Narinig kong sigaw niya pero napairap nalang ako sa kisame saka tinuloy ang pag bibihis ko.

Pagkatapos kong mag bihis at lumabas na ng CR, nadatnan kong nakaupo si Duke sa kama ko habang tumutugtog hawak hawak ang gitara ko. Yes, he loves music. Katulad ko lang din siya. Magaling siyang kumanta, magaling siyang mag gitara at mag drums kaya nga nag kakaintindihan kaming dalawa pero ngayon? Hindi ko na alam. Lumayo nalang kasing bigla ang damdamin ko sakanya kahit na alam ko namang pakana 'to ni Lolo, pero nakikita ko kay Duke na hindi naman siya tutol sa ka-bullshit-an na 'to kaya 'yon ang mas lalong kinaiinisan ko.

"Matutulog na ako hindi ka pa ba uuwi?" Nawala yung pag ka-lasing ko dahil sakanya eh.

"Matulog kana. Hindi kita kukulitin." Sabi niya lang habang tuloy sa pag strumming sa gitara ko.

"Seryoso ka? Matutulog ako ng nandyan ka sa kama ko?" Nakakunot noo na sabi ko.

"Hindi kita pag sasamantalahan." Tumigil siya sa pag strumming at niyakap ang gitara ko saka siya tumingin saakin. "Matulog kana." Dagdag niya at itinuro ang tabi niya gamit ang mata niya.

Never pa akong tumabi sa ibang lalake sa kama except kay Kijan. Duh? Mali ba ang pag kakakilala ko sa lalakeng 'to or puro lang kasi music at mga tugtugan ang napag uusapan namin kaya naninibago ako sa mga gantong kilos niya? Nakakapag usap lang naman kasi kami sa tuwing mag kaka-chempuhan kami ng pasok other than that, hindi naman kami nag te-text dalawa or chat. Sadyang naging close lang kami dahil sa pagkakaroon namin ng similarities, syaka ang bata niya kasi sa paningin ko kaya hindi ko nagagawang mailang sakanya.

"Asa ka." Padabog akong naglakad papunta sa couch malapit sa kama at nahiga ng nakatalikod sakanya. There is no way na matutulog ako dyan katabi siya.

Ipinikit ko na ang mga mata ko pero hindi naman ako makatulog. Paano naman kasi ako makakatulog kung alam kong may tao lang sa paligid—sa kwarto ko at lalake pa. Tapos ang tahimik niya pa kaya hindi ko alam kung ano bang ginagawa niya.

Ang gusto ko lang naman kanina pag uwi ko ay makatulog na pero hindi ko ba alam kung ano ang itinatakbo ng pag iisip ni Lolo para dito pa pag hintayin 'tong si Duke. Pwede naman sa guest room, sa sala o 'di kaya naman sa kwarto ni Yaya Elen. Bakit pa kasi dito? Apo niya ako pero nagagawa niyang pag-istayin ang isang lalake sa kwarto ko. Napaka lalim na ng gabi hindi ba nila naiisip 'yon? Kung aalis sila dapat nandito na sila kanina pa. Ang matandang 'yon kung saan saan pa nag punta or panigurado plano rin 'to ni Lolo.

"Mikee," napadilat agad ako ng mata ko ng marinig ko ang pag tawag niya sa pangalan ko at parang sobrang lapit lang ng boses niya sa tainga ko.

Napaharap naman ako sakanya at laking gulat ko ng makita ko siya sa harapan ko at dahil nga sa sobrang lapit ng mukha naming dalawa, hindi sinasadyang mag tama ang labi naming dalawa.


O SINASADYA NIYA?!



Napabalikwas ako sa couch na pinag hihigaan ko at napahawak sa labi ko at pinunasan ang labi ko gamit ang suot suot kong t-shirt. "Gago ka talaga!" Bulyaw ko sakanya. Ang bilis ng pangyayari!

Mas lalo pa akong nainis ng makita kong nakangisi lang siya at kinagat ang ibabang labi niya matapos itong basain. Pero bakit hindi siya nag mukhang manyakis sa mga mata ko? Tangina naman.

Hindi ako tumigil sa pag punas ng labi ko habang masamang nakatingin sakanya. "Grabe ka naman! Wala akong HIV!" Nakita ko ang pag kainis sa mukha niya habang nakatingin saakin at tumayo na siya sabay pumamulsa.

Tumayo naman ako sa couch para mag kasing tangkad lang kami. "Oo, wala nga! Pero ADHD meron!" Singhal ko sakanya. Bwisit!

"Hoy, alam ko ang meaning nun ah!" Singhal niya pabalik saakin. Mabuti namang alam niya para maging aware siya.

"Mag pa-konsulta kana! Bwisit!" Bumalik na ulit ako sa pag kakahiga ko sa kama at muling tinalikuran siya. Subukan niya talagang tawagin pa ako, patatalsikin ko siya dito sa kwarto ko.

Ugh, naiinis ako! Hindi ako makapaniwalang dumikit ang labi ko sakanya. Du-Duke-Duketukin ko talaga pag mumukha niya subukan lang talaga niya.


"Mikee.." Nang marinig ko ang pag tawag niya, maingat akong humarap sakanya at nakita kong nakatayo padin siya't naka pamulsa gaya kanina. Uupo na sana siya ng umalis ako sa pagkakahiga ko sa couch.















"Aray ko!" Ayan ang naging daing niya matapos ko siyang kaltukan at hilahin papalabas ng kwarto ko.

"Tawagin mo pa ng isang beses ang pangalan ko, hindi lang 'yan ang aabutin mo!" Galit kong sigaw sakanya at pinagbagsakan siya ng pinto.

Narinig ko ang pag katok at pag tawag niya sa pangalan ko ng ilang beses pero hindi ko pinansin at nilock nalang ang pintuan ko. Bahala siyang mag kakakatok diyan. Mag hintay siya sa tatay niya sa salas. Bakit ba kasi ako ang ginugulo niya?

Naglakad na ako papunta sa kama ko at balak na sanang humiga ng makita ko ang cellphone sa kaninang kinauupuan ni Duke. Hindi ko naman cellphone 'to dahil color blue ang kulay ng case ko. Itong case na 'to color black.

Napahawak nalang ako sa sintido ko habang nakatingin sa cellphone na 'yon. Hay, kahit kailan talaga! Mayroon talagang iiwan na isang gamit para mabalik sakanya at buksan ko ang pintuan ko.

Tumingin muna ako sa pintuan at rinig ko parin ang pagkatok at pagsigaw ni Duke sa pangalan ko. Kinuha ko ang cellphone niya at bubuksan na sana para makakuha ng pang blackmail sakanya dito. Naniniwala kasi akong cellphone is a man's bestfriend. Lahat ng sikreto na hindi mo kayang i-share sa ibang tao, cellphone lang ang nakakaalam.

Pero dahil sa aminado akong tanga ako, at hindi ako nag iisip, malamang may passcode 'to! "Mikee! Yung cellphone ko nandyan!" Halos mabitawan ko ang cellphond niya ng marinig ko ang sinabi niya.

Oo, eto na! Lalakad na sana ako papunta sa pintuan ko para buksan iyon ng makaisip ako ng ideya Mayroon padin naman akong tinatagong talino sa utak ko. Nagtatakbo ako sa cabinet ko at isinuksok sa magulo kong damitan ang cellphone niya. Nag punta na ako sa harap ng pintuan at inayos ang pustura ko saka nag kunwariang naiirita ang mukha.

"Ano ba 'yon?!" Inis kong sabi sakanya.

"Yung cellphone ko naiwan ko." Nag aalalang sabi niya at lalakad na sana siya papasok ng harangin ko ng paa ko at kamay ang pintuan.

Tsk tsk tsk. Mukhang maraming nakatagong secrets sa phone niya ah? "Wala dito." Normal na tonong sabi ko.

Tumingin naman siya saakin at bumalik ng muli sa kaninang pwesto niya. "Wala din saakin eh. Dyan lang naman ako kanina pa." Sabi niya habang kinakapa kapa ang bulsa niya.

"Nung pumunta ka ba dito, dala mo 'yon?" Tanong ko sakanya at patay malisyang nakatingin sakanya.

Napaisip naman siya at napatigil sa pagkakapkap sa sarili niya. "Hindi ako sigurado eh." Poor, Duke. Hay nako.

"Check mo muna sa mga pinuntahan mo kanina." Suggest ko sakanya. Shet, ang hirap mag pigil ng tawa ah! Nakatingin palang kasi ako sa mukha niya, tawang tawa na ako.

"Baliw ka ba? Ang dami dami kong pinuntahan ngayong araw." Nabigla nalang ako ng pumasok siya sa loob ng kwarto ko. Nako po!

Naghanap hanap siya sa kwarto ko. Magmula sa balcony, hanggang sa mga drawers ng vanity ko. Kahit pa sa loob ng CR na hindi naman daw niya pinasok eh naghanap siya. Sa mga cubicle  at sa mga stocks ko ng shampoo at napkin ay hinalungkat din niya. Nag punta siya sa part ng  ko. Side tables at inalis ang mga unan pati ang comforter.

"Ayusin mo 'yan ah." Sabi ko sakanya habang naka crossamrs at tinitignan lang siyang mag hahahlungkat sa loob ng kwarto ko.

Hindi niya ako pinansin at nag tuloy lang siya siya sa pag hahahanap. Sobrang importante siguro talaga ng naka-paloob doon sa cellphone niya at grabe siya kung maghanap. Nakaka curious tuloy lalo..

Nag punta siya sa harap ng cabinet ko at samu't saring pakiramdam ang dumadaloy sa buong kalamnan ko ng buksan niya na iyon. Napalunok ako ng makita ko ang pag kunot ng noo niya habang nakatingin sa cabinet ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang naka usling phone niya na konting konting nalang ay dadakmain na siya.

Shet, shet, shet!






















"Ang gulo naman ng cabinet mo. Nakakatamad mag hanap." Halos mabunutan ako ng tinik sa lalamunan ng marinig ko ang sinabi niya at sinarado ang cabinet ko.

Tumawa naman ako. Yung tawang pilit kasi nag joke nanay mo. "Kaya nga eh."

"Wala nga sa kwarto mo. Pag nakita mo nalang, sabihan mo ako." Sabi niya at humarap saakin.

"Oo sige, sasabihan kita." Sorry, Duke. Alam kong maling mag tago ng gamit ng iba pero ito nalang ang pu-pwede kong gawin na paraan para matigil ang kasal. Alam kong may nakapaloob na sobrang importante doon sayo.

Ibabalik ko din pagkatapos kong halungkatin gaya ng pag halungkat mo sa kwarto ko. Hehe..


Napalingon kaming parehas ni Duke ng dumating si Yaya Elen na mukhang bagong gising. "Sir, pinapatawag na po kayo ni Mr. Wilson." Nakayukong sabi ni Yaya Elen kay Duke.

Naiinis talaga ako kay Yaya Elen sa tuwing yuyuko siya ng ganyan sa mga bisita. Lalong lalo na pag bisita nila Lolo at Lola. Parang nakakawalan ng galang sa matanda. Dahil ba sa nakakaangat sila sa buhay?

"Aalis na ako." Muling nabalik ang tingin ko kay Duke ng mag paalam siya.

"Sige." Iyon lang ang sinabi ko at ngumiti siya saka lumabas na't umalis kasama si Yaya Elen.



Isinarado ko ang pintuan ko at nilock iyon. Dali dali kong kinuha sa cabinet ko ang cellphone niya. Pagkabukas ko doon ay nakita ko ang lock screen niya. Picture niya kasama ang isang babae at nakaakbay siya dito habang nakahalik sa pisngi. Nakangiti naman ang babae sa harap ng camera na para bang kinikilig.

Ngayon ko lang natignan ng mabutihan ang backgroud sa lock screen niya kasi kanina nag mamadali ako at baka mahuli ni Duke.

Napaisip ako habang nakatingin sa screen ng cellphone niya.

Hindi naman niya siguro kapatid 'to dahil nakahalik siya sa pisngi at mapag hahalataang girlfriend niya or 'di kaya naman ay kaibigan.



Hindi eh.











Kung ganon, bakit niya kailangan mag pakasal saakin kung may girlfriend naman siya?













follow me on my social media accounts:

twitter: @amedc_

instagram: @chaially20

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
754 186 62
Sebastian Easton Madden is a gamer that has a passion for reading stories with unhappy endings. He is known for his brain almost like Einstein and hi...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
2K 131 48
"let's dance under the snow"