The Badass Babysitter Vol.2 ✓

Nayakhicoshi द्वारा

1.1M 51.6K 38.3K

[Highest Rank Achieved #15 in Humor as of October 8 2018; #24 in adventure, #3 in Babysitter] Volume 2 of The... अधिक

Volume 2
Chapter One: Date
Chapter 2: Party
Chapter 3: Tinola
Chapter 4: Endearment
Chapter 5: Haup Beast
Chapter 6: Night Hug
Chapter 7: Jealous
Chapter 8: Nanang & Tatang
Chapter 9: Kiss me
Chapter 10: Meet
Chapter 11: Landlord
Chapter 12: Kapitan
Chapter 13: Serpens
Chapter 14: Her Throne
Chapter 15: Cloud 9
Chapter 17: Bitch
Chapter 18: Costume Party
Chapter 19: How are you?
Chapter 20: Wish granted
Chapter 21: Bruises
Chapter 22: Forgive and Forget
Chapter 23: Wounded
Chapter 24: Apple for a day
Chapter 25: Favor
Chapter 26: Holdapers
Chapter 27: Farewell
Chapter 28: Luggage
Chapter 29: Housemate
Chapter 30: Junakis the sixth
Chapter 31: Baby Tiger
Not an update!
Chapter 32: Ella es la muerte
Chapter 33: The little compass
Chapter 34: Cuddles and I love you
Not an Update
Chapter 35: Alien
Chapter 36: Old Friend
Chapter 37: Back to School
Chapter 38: Colours
Chapter 39: Ruin
Chapter 40: Embrace
Chapter 41: Officer
Chapter 42: Hemisphere
Chapter 43: Princess Tatiana Quvenzane Schleswig of Greece and Denmark
Chapter 44: Heat
Chapter 45: Dagger
Chapter 46: Quarantine
Chapter 47: Grounded
Chapter 48: Reunion
Chapter 49: Isaiah's Birthday
Chapter 50: Sneak peak
Chapter 51: Home run
Chapter 52: Family Dinner
Chapter 53: Lose
Chapter 54: Moving on
Chapter 55: Explode
Chapter 56: Back to the old times
Chapter 57: War zone (part 1)
Chapter 57: War zone (Part 2)
Chapter 58: Final plan
Chapter 59: Welcome-Goodbye
Chapter 60: Genesis
VOLUME 3
Book 3 is out!

Chapter 16: Protection

15.8K 847 804
Nayakhicoshi द्वारा

Hi to Esperanza Reyes! Please be happy and keep smiling everyday! Love lots ❤

CHAPTER SIXTEEN

_

SOUTHERN's POV

"Damn! Do all your best to save her!"

Kanina pa ako nangangating suntukin ang pagmumukha ni Vape. He's making the things worst! Imbes na makatakas na ako ay hinayaan pa niya si Lachlan na dalhin ako sa hospital. And now, I have to make my acting more realistic!

Kumikirot na ang mga mata ko sa kanina ko pa ginagawang pagbabaliktad, maging ang katawan ko ay namamanhid na. Kanina pa ako nangangalay sa pangingisay!

"What happened to her?" tanong ng Doctor habang tinatakbo nila ako sa stretcher.

"Inatake ng epilepsy at na food poison pa. I think she's going to die!" sagot ni Vape.

Gago.

"Kumapit ka, South! H'wag ka munang sasama sa puting liwanag! Gaga, hindi ka bagay sa itaas!" sigaw ni Atarah at hinawakan ang kamay ko.

That's my chance to grip her hand tightly. She immediately winced.

"A-aray! Tangina mo, mamamatay ka na nga nananakit ka pa!"

Sinilip ko si Lachlan. He's frustratedly combing his hair. Bakas ang takot at kaba sa mukha niya. Nakaramdam ako ng guilty pero kaagad ko rin itong winaksi.

I'm sorry, Lach, but I have to do this.

"I'll take care of her. Maiwan muna kayo rito" sabi ng Doctor nang makapasok kami sa emergency room.

"Please, save her..." pakiusap ni Lachlan.

Tumango ang Doctor at ngumiti. "I'll do my best."

He closed the door, leaving my friends outside. Bago ito tuluyang sumara ay napagmasdan ko pa ang pag-aalala sa mga mukha nila, pwera kay Vape na umiiling-iling sa akin.

I sighed and closed my eyes. Narinig ko na may pinagawa ang Doctor sa ibang nurse na kasama namin sa loob. Ilang sandali lang ay may nagbukas at sara ng pinto.

"You may now open your eyes, South."

Natigilan ako. Literal akong hindi gumalaw. My breathing deepened as I slowly open my eyes. Una kong nakita ang pamilyar na Doctor, malaki ang ngiti nito habang nakatitig sa akin.

I blinked three time as I stare back at him. He chuckled sexily. I almost forgot I have a boyfriend when I heard his sexy laugh.

Tangina, South! Anong pinagsasabi mo?

"You're not having epilepsy and I'm definitely sure you haven't poisoned" he stated.

"How did you know?" mahinang tanong ko. Inaalala ko kung saan ko ba siya nakita. He's very familiar and I'm pretty sure we met before. Hindi ko lang talaga matandaan kung saan at kailan.

He chuckled again. Amusement dance on his hazel eyes.

"I'm a Doctor" sabi niya na parang sapat na ebidensya na iyon.

Pinakatitigan niya ako. Nang makita niya ang pagkalito sa mukha ko ay ngumiti siya at tumikhim.

"You knew me. You just forgot who I am" he stated again.

Nangunot ang noo ko. Unti-unting rumehistro sa utak ko kung sino siya at kung saan ko ito nakita. And when I finally remember him, he chuckled, but this time, more sexier and heart melting.

'Yohoo, South! May boyfriend ka!' sigaw ng konsensya ko.

"Ikaw ang Doctor sa Abs University" I said.

Tumango ito. "Yes. I'm Doctor Armstrong Hard" pagpapakilala niya. Malaki ang ngiti nito at nakakasilaw ang mga puti niyang ngipin.

Pinilig ko ang ulo ko at umupo. Pinalibot ko ang tingin ko sa paligid. Kaming dalawa lang ang tao rito. Sigurado akong halos mamatay na sa pag-aalala ang mga kaibigan ko sa labas. Inaasahan nilang ginagamot na ako ng Doctor ngayon pero heto ang katotohanan. The Doctor found out that I'm just faking everything.

"So, can you tell me why are you acting like a sick cat?"

Matalim ang mga tingin ang pinukol ko sakanya. Anong sabi niya?

"I'm not a sick cat!" asik ko.

His brow shot up. The amusement on his eyes never leave there.

"Ows? You're flipping your eyes and shaking your body like a cat who just ate a dog food" sabi niya. Nangalit ang ngipin ko. "You're not good in acting, South Benedicto. You need to attend an acting workshop to improve that. Hindi ko maintindihan kung paano naniwala ang mga kasama mo sa hindi kapani-paniwalang pangingisay mo" nakangiwing dagdag niya.

I clenched my jaw. Gago 'to ah! Ilang balde ng kapal ng mukha ang ginawa ko tapos lalaitin niya lang ang acting ko?

Umiwas ako ng tingin. Gusto ko man siyang sapakin ay kinain naman ako ng matinding kahihiyan. Nang mapansin niya siguro ang reaction ko ay tumawa na naman siya.

"Give me one reason why should I pretend like you're in a serious situation."

That made me stare at him again. Nangunot ang noo ko. Saglit na nawala sa isip ko ang dahilan ng pagpapanggap kong ito. Nang maalala ko ay napamura nalang ako sa isipan.

"Bigyan mo ako ng rason para pagtakpan ka sa mga kaibigan mo" dagdag niya.

Sumulyap ako sa sapatos ko. May bakas parin ito ng dugo. Nang maalala na galing ito kay Syphenix ay nangalaiti na naman ako sa galit.

"Tell me why----"

Sa isang mabilis na galaw ay hinugot ko ang nakatagong patalim sa medyas ko at mabilis na umikot para ibihag ang leeg niya sa braso ko, with my knife pointing at his neck. He startled and froze at his position. Bakas ang gulat sa mukha niya pero ilang sandali lang ay unti-unti na itong kumalma.

"I'm going to kill you. Is that enough reason for you to shut up?" seryoso kong banta.

He sighed. Mas lalo kong tinutok ang kutsilyo sa leeg niya.

"Hindi ako natatakot" bagot nitong sabi.

Nangunot ang noo ko pero hindi ako nagpaapekto. Mas pinagdiinan ko pa ang kutsilyo sakanya hanggang sa masugatan na ng kaonti ang balat nito.

"Pwes, hindi rin ako natatakot na patayin ka kahit saan kapag hindi ka nanahimik" mariin ngunit malamig kong sabi.

Ilang sandali itong natahimik, and when I think he's going to surrender, he made a swift move. In just a blink, nakadapa na ako sa hospital bed at ang dalawang braso ko ay nasa likod, hawak ng isang kamay niya. Ang kutsilyong nakatutok sakanya ay nakatutok na sa akin. I blinked, realizing what the hell just happened?

"Hindi mo ako matatakot, Benedicto. At para malaman mo, kayang kaya rin kitang patayin kung gugustuhin ko" malamig niyang sabi sa likod ko.

Napalunok ako para maibsan ang panunuyo ng lalamunan ko. Hindi maitago sa mukha ko ang gulat sa ginawa niya. All I think, he's just an innocent and handsome Doctor, iyon pala ay may tinatago rin.

Kahit gulat ay hindi ko parin maiwasang magtaka at magduda. How did he learn that skill? Bakit hindi ko man lang naamoy ang binabalak niya? At ano ang ibig niyang sabihin? Damn, my mind clouded with questions.

Unti-unti kong naramdaman ang pagluwag nang hawak niya sa mga kamay ko. Maging ang kutsilyong nakatutok sa akin ay wala na. Hanggang sa tuluyan na niya akong pinakawalan.

"Get up and lay on that bed" mariing utos niya. I no longer sense the humour on his voice. Punong-puno na ito ng kaseryosohan at diin. And I hate to admit that he affects me.

Umayos ako at tumingin sakanya. His face now is full of authority and power. Parang nakakatakot kapag hindi mo sinunod ang sinasabi niya.

"B-bakit?" I hate myself for stuttering like a frightened child.

"Just lay" mariing aniya.

Ngumuso ako at sinunod ito. I lay on the hospital bed and look at him. Ayokong suwayin ang mga sinasabi niya dahil baka patayin nga niya ako. Knowing his swift moves, hindi malabong matalo niya ako. Hindi ako natatakot sa maaari niyang gawin. He only has this power that makes me obey him. Ewan ko ba kung bakit sinusunod ko ngayon ang mga sinasabi niya.

"Now, tell me why are you acting like---"

"I'm not a sick cat!" putol ko sa akma niyang sasabihin. I glare at him.

His brow shot up. "I didn't say anything."

Mas tinaliman ko lang ang tingin ko sakanya. Nanatili naman itong seryoso. His hands are on his pocket. Ang coat nitong pang doctor ay bagay na bagay sakanya. May tatlong ballpen sa bulsa nito sa bandang dibdib at may nakasabit na stethoscope. Parang dadalo lang ito sa isang photoshoot ng mga Doctor. Ngayon ko lang na-realize na may ibubuga pala sa pagwapuhan ang isang 'to.

Nang mapagtanto niyang hindi ako magsasalita ay bumuntong hininga nalang ito at tumingin sa relos niya.

"I'm going to tell to your friends that you're only faking your illness" aniya dahilan para lumaki ang mga mata ko. "So if you don't tell me--"

"Fine!" sigaw ko at umupo sa kama. Ngayon, itong Doctor naman ang gusto kong sapakin. "I'm planning to escape from them, okay? Kaya ako nagkukunwaring may iniinda dahil kailangan ko silang takasan. Actually, 'yung isa lang pala sakanila. Hindi dapat niya malaman na nagkukunwari lang ako. Hindi niya dapat ako mahuli. Naintindihan mo? I have to escape from him!"

I have to no choice but to tell him the truth. At least, iyong ideya na iyon lang. Ayoko namang sabihin na tatakas ako para lang makita ang boyfriend ko.

He stare at me for a while. Nang makita niya siguro ang kadesperadahan ko ay bumagsak ang mga balikat niya sa ginawang paghugot ng hangin.

"What's his name?" tanong niya.

"Lachlan." Kahit hindi alam kung para saan ang tinatanong niya ay sinabi ko parin ang pangalan ng kailangan kong takasan.

Tumango siya at dinilaan ang ibabang labi. "Stay here and wait."

"Saan ka pupunta?" tanong ko nang maglakad ito papunta sa pintuan kung saan nasa likod niyon ang mga naghihintay kong mga kaibigan.

He turn his head on me. "I'm going to talk to him" aniya at dire-diretso nang lumabas.

"T-teka!" Hindi ko na ito napigilan nang makalabas siya sa pinto. May maliit na salamin ang emergency door at tanging ang likod lang ng Doctor ang nakikita ko.

He's probably talking to my friends now at kung ano man ang mga pinagsasabi niya ay hindi ko alam. Pinaghalong kaba at takot tuloy ang nararamdaman ko. If Lachlan finds out that I'm only faking my illness, baka mapatay na niya talaga ako. Baka mas lalong hindi na ako maka-uwi sa bahay at hindi ko na makita si Genesis.

That thought breaks my heart. Damn, I have to see him first before I die.

I took my phone out and saw Genesis' message. Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko.

Genesis:

I miss you, Witch :'(

May emoticon pang umiiyak na kasama. Para tuloy mas lalong dinurog ang puso ko. Miss na miss ko na rin siya. I never thought that I'll miss him like this. Para tuloy akong mababaliw kapag hindi ko siya nakita.

Muling bumukas ang pinto at pumasok si Doctor Armstrong. He's still on his serious face.

"He's gone. You can go now" sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at saya. "T-talaga? Pero, anong sinabi mo sakanila?" tanong ko.

He put his hands on his pocket. "Sabi ko na mamamatay ka na. Naapektuhan ng lason ang utak mo and you need a serious medication for that. Sinabi ko rin na bawat segundong pumapatak ay nabubuhay ang mga uod sa utak mo kapag wala pang dumating na lunas."

My mouth agape in shocked. What the?! Sinabi niya 'yon?

"Naniwala sila?"

Tumango siya. "Of course, I'm a Doctor." He stated like it was an obvious answer.

"Si Lachlan? Anong reaction niya?"

Naningkit ang mga mata nito. "Shocked, hurt and regret. He asked what he can do to save you, kaya sinabi kong ikuha niya ako ng fresh na gatas ng pusa at aso. I also asked for a dahon ng gumamela, sampalok, santan, bugumbilya at makahiya. Humingi rin ako ng ibang mga dahong pang-albolaryo. He should get those personally kaya umalis na siya. He's very desperate to save you" sabi nito at bahagyang nangunot ang noo.

Samantalang napapanganga lang ako. Fresh milk of cat and what? Dog? At para saan naman ang mga dahon?

"Para saan ang mga pinakuha mo?" nagtatakang tanong ko.

He shrugged his shoulders. "Nagiimbento ako ng gamot para sa mga may putok sa kili-kili. I just thought na baka pwede kong gamitin ang mga dahon at gatas na iyon."

Napangiwi ako. Seriously? Gamot sa putok? May sayad ata 'to e.

"Baka nga magamit mo" patuya kong sabi. Bumaba ako sa kama at humarap sakanya. "Ang ibang mga kaibigan ko?" tanong ko.

"Nasa labas." Tumingin ulit siya sa orasan niya bago bumaling sa akin ng seryoso. "Go now but be sure to come back before  midnight. Babalik na iyong Boyfriend mo sa oras na 'yon" aniya.

Nangunot ang noo ko sa pahayag niya. "Hindi ko boyfriend si Lachlan" sumimangot ako.

Naningkit muli ang mga mata nito na parang hindi naniniwala sa sinabi ko. "Why he cares at you that much then?"

I tsked. "Because he's only my friend." And a Minister of Sigma. Malalagot siya kapag napahamak ang Rank 1 mula sa pangalaga niya. Gusto ko sana idagdag ang mga iyon pero nanahimik na lang ako.

He nodded and I could see that he sighed for relief. "Good. Now go."

Good?

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at lumabas na ng emergency room, pero bago pa ako tuluyang makalabas ay muli ko itong nilingon. I saw him arranging the tools and equipments for patients.

"Thanks for you help, Doctor Armstrong" sabi ko dahilan para bahagya itong tumigil sa ginagawa.

"De nada, mi corazón..." mahinang sabi nito pero sapat na para marinig ko.

Eh?

"Anong corazon? Si South ako. Hindi ako ang unang Aswang" sabi ko.

A slight smile form on his lips. Napailing na lang ako at tuluyan na siyang iniwan.

Siraulo ata 'tong Doctor na 'to. Corazon, daw? Si North ang unang Aswang kaya dapat siya ang tawagin niyang corazon.

Kaloka ang Doctor na 'to.

Pagkalabas ko ay kaagad kong nakita ang mga kaibigan ko na nakaupo sa mga benches. Sabay-sabay silang napatingin sa akin. With their wide eyes and mouth agape, napangisi ako.

"M-master..." Coby muttered.

"Buhay ka?" Hindi makapaniwalang napatayo si Atarah at tumitig sa akin.

"Oo. Hindi ako tinanggap sa itaas, pati sa ibaba. Masyado raw ako maganda para manahimik na." I grinned.

Unti-unting sumilay ang ngiti niya. "Tangina mo! Sabi na nga ba! Ibabalik ka dahil walangya ka!" masayang sabi nito at bigla akong dinamba ng yakap.

"Actually, it was just for a show" pag-amin ko. Sumulyap ako kay Vape at nakitang tumango siya.

Tumigil si Atarah at kaagad humiwalay sa yakap sa akin. With her brows frown and dangerous look, nilabanan ko iyon.

"What do you mean?"

I bit my lip. Hinanda ko na ang sarili ko para sa sapak niya.

"Nagpanggap lang akong mamamatay na para makatakas sa kulungan."

Napasinghap ito. Nanlaki ang mga mata niya at butas ng ilong.

"ANO?!" Umalingawngaw sa buong pasilyo ang malakas nitong boses. Napatingin tuloy sa amin ang mga nurses at mga tao.

"Ginawa mo 'yon?!"

Tumango ako at ngumiti pero kaagad din itong napalitan ng ngiwi nang tumama sa mukha ko ang matigas nitong kamao. Kaagad bumaling sa gilid ang mukha ko at nalasahan ang dugo sa labi.

Damn, I expected the punch but I never expected to be this painful. Ang sakit parin talagang manapak ng babaeng 'to.

"Atarah!" Inawat siya ni Rucc pero inangat ko ang isang kamay para pigilan siya. His brows frown but obey me.

Samantalang nakarehistro parin ang gulat sa mukha ni Coby at nakangisi naman sa tabi si Vape. Gustong gusto niyang nag-aaway kami ni Atarah. Syempre, inaasahan niyang sabong ng manok ang labanan namin.

"Tangina mo! Iniyakan pa kitang punyeta ka! Kita mo 'to?!" singhal ni Atarah at tinuro ang namamaga niyang mga mata dahil sa kakaiyak. "Namaga dahil sa'yo! Pinagdasal pa kitang Gaga ka para mabuhay tapos ngayon ay peke lang pala?!"

Natigilan ako. Isa lang ang tumatak sa akin sa mga sinabi niya. Gulat ko siyang tinignan. Nanggagalaiti ito ngayon sa galit. Kulang na lang ay sapakin pa niya ako.

"Nagdasal ka?" Hindi ako makapaniwala.

"Oo, Master. Pumunta pa 'yan sa Chapel para magdasal" sabi ni Coby. Mukhang nakabawi na ito sa gulat.

Napanganga ako at pinasadaan ng tingin ang buong katawan ni Atarah. Nahihiya naman itong nag-iwas ng tingin.

"Wow...pumasok ka sa Chapel?"

Tumango siya.

"Himala na hindi ka nasunog?"

Tumingin din siya sa sarili.

"Oo nga e. Akala ko kanina magiging abo na ako."

Unbelievable.

"Are we just going to talk here? Let's go!" sabi ni Vape.

Tumango ako at akmang maglalakad na pero pinigilan kami ni Atarah.

"Sandali nga muna!" Nangunot ang noo niya at mataman akong tinignan. "Bakit ba gusto mong tumakas?" tanong niya.

Nag-iwas ako ng tingin at tumikhim. "I have to see the Crane."

"Talaga ba? Who specifically you wanted to see?" tinaasan ako nito ng kilay.

"Boyfriend ko, may angal ka?" Tinaasan ko rin ito ng kilay.

Umirap ito. "Tss!"

"Let's go, bago pa dumating si Lachlan" sabi ni Vape.

Humugot ako ng malalim na hininga. This is it, I am free now and I'm going to see you, Genesis.

Maghintay ka lang, Bebe ko.

                                         _

ISAIAH CRANE POV

"Ate North, anong oras daw uuwi si South?"

Gabi na pero wala parin si South. Kanina ko pa siya hinihintay pero hindi pa siya bumabalik. Sabi ni Genesis hindi raw ito uuwi ngayon pero nalulungkot na kasi ako na wala siya. Hindi ako sanay na hindi ko nakikita si South.

Masaya rito sa bahay nila, masayang kasama sina Nanang at mga kapatid niya pero mas masaya sana kung nandito rin siya.

"I don't know, Baby, but I'll call her later, okay? Para matanong ko kung kailan siya uuwi" sabi ni Ate North habang nilalagyan ng pulbo ang likod ko.

Tumango ako. "Sana umuwi siya ngayon. Marami pa naman akong iku-kwento sakanya."

"Hmmm," binaba ni Ate North ang damit ko sa likod. "Ayan, tapos na! Paamoy nga ako kung mabango na ang Baby ko!" sabi niya at yumuko para amuyin ang leeg ko. "Wow! Ang bango na!"

"Amoy baby?" tanong ko.

"Yup! Amoy baby!"

Ngumiti ako at tinuro si Baby Tiger. Nasa lamesa ito at kanina pa siya kain nang kain. Malaki na ang tiyan nito pero hindi parin tumitigil. Hinayaan ko na lang para maimpatso, h'wag niya lang akong gigisingin ng madaling araw para mag cr dahil hindi ko talaga siya sasamahan sa banyo.

"Si Baby Tiger, Ate North, oh! Kain nang kain. Mamaya sumakit na tiyan niyan" sumbong ko.

Matalim akong tinignan ni Baby Tiger. Ngumuso lang ako.

"Hayaan mo siya, Baby, para kapag nagkasakit ipapa-ihaw ko siya sa kusina" sabi ni Ate North.

Biglang tumigil sa pagkain si Baby Tiger at binitawan ang nakasubong pagkain sa bibig niya. Mukhang natakot ito. Tumingin siya sa akin at inirapan kaagad ako bago siya lumapit kay East at nagpakandong. Isang irap pa ang ginawad niya sa akin bago nagpapansin kay East.

"Hi, Baby Tiger! Busog ka na ba?" tanong nito sakanya.

"Tweet! Tweet!" Tumango ang sisiw.

"North, inaantok na ako" sabi ni Psalm.

Nasa sala parin kami at kakatapos lang namin kumain ng pang hapunan. Hindi namin nakasabay ang Daddy nila North kasi wala pa ito. Nasa Palasyo pa raw ito at mamaya pa uuwi.

"Okay, Baby, akyat na tayo sa taas?" sabi ni North kaya tumango kami.

Inaantok na nga rin ako. Sabi sa malaking relo sa bahay nila North, alas nuebe na. Kailangan na naming matulog dahil magkaka eyebags kami kapag nagpuyat kami.

"Noah, matulog na tayo!" tawag ko sa kapatid ko na walang tigil sa paglalaro ng X-box. Naglalaro sila ni West, kasama rin si Peter.

"Sandali lang, Kaps!" sabi nito at umilag-ilag pa sa kinau-upuan na parang may iniiwasan.

"Noah! Antok na ako! Gusto ko ng mag beauty rest!" Ngumuso ako.

Tumigil sa paglalaro si West at tumingin sa akin. Nakakunot ang noo niya pero ilang sandali lang ay umiwas na rin ito. Hala, bakit kaya? May nasabi ba akong masama?

"I think we should sleep na." Tumayo si East, dala-dala si Baby Tiger sa palad niya.

"Pero gusto ko pang maglaro" ngumuso si Peter.

Sumimangot ako. "Edi maglaro ka mag-isa! Basta kami matutulog na kami" sabi ko.

"Okay, guys, let's go upstairs na!" sabi ni Ate North at kinawit ang kamay sa braso ko.

Naunang umakyat sa taas si East, kasama si Psalm at Noah. Sumunod na rin sina West at Peter na parehong nakanguso dahil gusto pa maglaro.

"Let's go, Baby" sabi ni Ate North. Akmang maglakad na sana kami paakyat pero natigilan ako nang mapansin si Genesis na nasa sofa parin at nakatingin sa labas ng bahay.

"Genesis, matulog na tayo" sabi ko.

Tumingin siya sa akin pero kaagad ding binalik sa labas ang paningin. "Mauna na kayo. Susunod ako" sabi niya.

"Genesis, don't wait for my sister. Baka bukas pa iyon darating" sabi ni Ate North sakanya.

"It's okay, I'll wait."

"Pero kailangan mong matulog, Kaps" ngumuso ako. "Magagalit si Dada kapag hindi natin nakompleto ang nine hours na tulog natin."

"I don't care."

"Genesis, come on, matulog ka na" hikayat ni Ate North dito.

Napayuko si Kaps at bumuntong hininga. "Dito muna ako."

Namewang si Ate North. "Okay, pero sumunod ka rin kaagad, ha? Just take the left corridor and the third door, okay?"

Tumango si Kaps. Ngumuso ako, nahahawa ako sa kalungkutan niya.

Iniwan na namin siya sa sala at umakyat na kami ni Ate North sa pangalawang palapag. Nilingon ko pa si Kaps at nakitang nakayuko parin. Halatang malungkot.

"Ate North, nalulungkot ako" ngumuso ulit ako.

"It's okay, baby, papaligayahin kita" kinindatan niya ako.

Hindi ko alam pero parang iba ang ibig sabihin ni Ate North doon. Bigla kasi akong kinilabutan at kinabahan.

"Paano mo ako papaligayahin?" tanong ko.

Tumingin siya sa akin. Napansin ko ang kakaiba niyang ngisi na mas lalong nagpakilabot sa akin.

"It's a secret, Baby. Don't worry, magaling akong magpaligaya."

Napakamot nalang ako sa ulo ko. "Okay po."

Paano kaya magpaligaya si Ate North? Hehe, medyo excited tuloy ako.

Pagkarating namin sa kwarto nina East at West ay nakaayos na ang tutulugan namin sa sahig. May malaking kudson doon at maraming unan. Medyo napanganga pa ako nang makita ko ang kabuuan ng kwarto nila.

"Wow! Ang ganda!"

Triple ang laki ng kwarto nila kesa sa sala namin sa bahay. Sobrang malawak at ang daming laruan! Pero mga robot ang mga laruan nila kaya hindi rin ako interisado na laruin iyon. Mas gusto ko ang bahay-bahayan at lutu-lutuan na laruin. Mas masaya 'yon. Gusto ko rin ang Nanay-nanayan, ako ang nanay tapos si Noah ang asawa ko, hehe. Madalas kami no'n maglaro sa bahay kapag wala si South. Ayaw niya kasi akong magsuot ng bestida kaya nagsusuot na lang ako kapag wala siya para hindi niya makita.

"Dito tayo matutulog! Kyaah! Ang saya!" sigaw ni Psalm at sumalampak sa kudson at nagtatalon talon doon.

"Tabi-tabi ba tayo matutulog, West?" excited kong tanong.

Nakangiting tumango siya. "Yes, isn't amazing?"

Amazing!

"Oops! Bago kayo matulog ay mag toothbrush muna kayo, okay?" Paalala ni Ate North.

"Pero, Hilaga, nag toothbrush na ako noong nakaraang buwan!" sabi ni Peter.

"Oo nga. Ako naman noong nakaraan taon pa" si Noah.

"Ako noong isang araw lang, hehe" si Psalm.

Nakangiwing tumingin sa akin si Ate North. Ngumiti ako para makita niya ang mapuputi kong ngipin.

"Kaninang umaga lang ako nag toothbrush. Ingudngud daw kasi ako ni South sa lababo kapag hindi ako nagtoothbrush e" medyo nakanguso kong sabi.

Si South pa ang naglagay ng toothpaste sa toothbrush ko kaya ginanahan akong mag toothbrush, pero hindi ko sinabi sakanya na tinikman ko ang toothpaste ko, hehe.

"East! West! Mag toothbrush na kayo!" sigaw ni Ate North sa mga kapatid.

Ngumuso sila at nakita kong inamoy ni East ang bibig.

"North, mabango pa naman ang hininga ko e!" sabi niya.

"Ako, malinis pa ang teeth ko!" pinakita naman ni West ang mga puting ngipin.

Napapikit si North at hinilot ang noo. Parang biglang sumakit ang ulo niya. Katulad ng ginagawa ni South kapag na i-stress siya sa amin.

"Mag toothbrush kayo o dudurugin ko ang mga ngipin niyo?!" malakas niyang sigaw dahilan para mapatalon kaming lahat sa gulat. "TOOTHBRUSH!"

Muli kaming napatalon at nagmadaling tumakbo papuntang banyo para mag toothbrush. Mabuti na lang maraming extra na toothbrush sina East kaya meron kaming ginamit. Iyong toothpaste nila ay kulay red at maanghang kapag ginamit kaya halos masuka ako habang nagto-toothbrush.

"Noah! Waaaah!" sigaw ko nang mas lalong humanghang ang bibig ko. Naiiyak na rin ako.

"Ssshhh magmomog ka!" utos niya kaya nagmomog ako pero nandoon parin ang aanghang.

"Meron parin e!" sabi ko at nilabas ang dila ko.

Pinagpayan niya ang bibig ko gamit ang palad niya. "Meron parin?"

Tumango ako at ngumuso.

"Mawawala rin 'yan, h'wag kang mag-alala, Kaps, okay?" sabi ni Noah at ngumiti sa akin.

"Dapat pala dinala ko na lang ang Dora na toothpaste at toothbrush ko." Mas masarap iyon, hindi rin maanghang at matamis pa.

Matapos naming mag toothbrush ay lumabas na kami sa banyo. Naabutan namin si Ate North na inaayos ang mga higaan namin. Nang makita niya kami ay kaagad siyang ngumiti.

"Matulog na!"

Napatingin ako kay East at West. Kaagad akong napanguso nang makita ang mga suot nilang pantulog. Magkaperahas silang SpongeBob na pajama at sweater. Naiingit tuloy ako. Sana suot ko rin ang Dora na bestida ko pantulog.

"Isaiah, sa gitna ka ni East at Psalm" sabi ni Ate North at tinuro ang parteng hihigaan ko.

Pumunta ako roon at kaagad nahiga. Tumabi rin sa magkabilang gilid ko sina East at Psalm. Napangiti ako nang makahiga na si East. Tumingin ako sakanya.

"East, favorite mo ba si SpongeBob?" Tanong ko.

Tumingin din siya sa akin at umiling. "Hindi. Pinilit lang kami ni North na isuot ito" sabi niya at bahagyang ngumuso.

"Parehas tayo, minsan ay pinipilit din ako ni South na isuot ang gusto niyang pantulog ko."

"Really?" Kumislap ang mga mata niya pero napansin ko ang lungkot doon. "I miss sleeping with Ate South. Miss na miss ko na rin ang pag-aalaga niya sa amin."

"Miss ko na nga rin siya eh."

Sana bumalik na si South dito. Hindi talaga ako sanay na hindi siya nakikita.

"Hihihi, Noah dito ka. Tabi tayo matulog!"

Napatingin ako kay Ate North. Pinipilit nitong hinihila si Noah para mahiga sa tabi niya pero pumapalag si Kaps.

"Ayoko po! Bata pa ako!" sigaw niya at tumakbo papunta sa tabi ni Psalm at nahiga roon.

Sumimangot si Ate North at sunod na nilapitan si Peter. Nakahinga na rin ito at katabi naman niya si West.

"Peter, tabi tayo matulog?"

Umiling si Kaps. "Ayaw! Marami pa po akong pangarap!"

Mas lalong sumimangot si Ate North at sunod na napatingin sa akin. Bigla siyang ngumiti nang nakakaloko.

"Isaiah, Baby, tabi ka kay Ate North? Hmm?" Sweet nitong sabi at kumindat-kindat pa sa akin.

Ngumuso ako. "Gusto ko sana po kaya lang baka patayin ka ni South eh" sabi ko.

Isa sa mahigpit na bilin ni South sa amin ay ang h'wag tumabi kay Ate North sa pagtulog. Baka raw mabuntis kami pag-gising namin. Ayoko namang mangyari 'yon 'no! Nakakatakot kaya manganak! At saka mahirap mag-alaga. Si Baby Tiger nga hirap na hirap na akong alagaan eh. Saka hindi pa ako handang maging lusyang na Ina.

Umirap siya at nagtatampong humalukipkip. "Kay Genesis na lang ako tatabi!"

Mas lalo akong napanguso.

"Double kill po ang gagawin ni South sa'yo."

Baka nga triple kill pa eh.

Napalunok si Ate North at halatang natakot. Sino ba naman ang hindi matatakot kay South? Nakakatakot kaya siya magalit.

"Hello, Babies!"

Sabay-sabay kaming napatingin sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko at kaagad akong napabalikwas nang bangon nang makita si Nanang na pumasok sa kwarto.

Napanganga kami nang makita kong ano ang suot niya. Nakabistida ito ng itim na hanggang gitna ng mga hita niya. Ang parteng dibdib ng damit ay parang bra dahil may mga ribbon pa roon at kita ang laylay niyang dodo. Punong-puno ng kulubot at kamot ang katawan nito. Ang puti pa niyang buhok ay nakakulot sa dulo at ang mukha niya ay punong-puno ng kulay. Kapansin-pansin dito ang mga labi niyang nakakasilaw sa pula.

"Boys, are you ready?" mahina ngunit magaspang ang boses na aniya. Kinembot pa niya ang katawan na parang nang-aakit na gorilla. Dinilaan pa niya ang labi at kumindat na parang may tumusok lang sa mata niya.

Naduwal ako bigla kaya tinakpan ko ang bibig ko. Kinikilabutan ako. Nandidiri at nalalaswaan.

"Kadiri, yuck..." bulong ni Psalm.

"Ewww" bulong din ni East.

Katulad ko ay may disgusto rin sa mga mukha nila.

"Ready na ba kayong pumunta ng langit?" Nakakaloko ang ngisi ni Nanang habang nangaakit kaming tinignan.

"Hindi pa po. Baka gusto niyo na pong mauna?" Nakangiwing sabi ni Peter habang tinatakpan ang mga mata niya gamit ang mga palad pero may siwang naman doon kaya nakikita niya parin si Nanang.

"Nakarating na ako roon, ngayon ay gusto kong kayo naman ang dadalhin ko." Lumapit sa amin si Nanang kaya kaagad kaming tumakbo papunta sa gilid.

"Waaaah!"

Nagkumpulan kami sa malaking kama sa kwarto nina East. Magkayakap kami ni Psalm at nakayakap din sa akin si East. Nanginginig kaming tatlo sa takot at pandidiri.

"Come on, boys! Come to Nanang!" Binuka ni Nanang ang mga braso nito.

"Waaaah! H'wag kang lalapit!" sigaw namin.

Mas nagsiksikan pa kami sa gilid ng kama. Halos mapisa na rin ako dahil sinisiksik ni Noah ang katawan sa akin.

"What are you doing, Nanang? Tinatakot mo ang mga bata!" singhal ni Ate North sakanya. "And what are you wearing? That's so inappropriate!"

Sumimangot si Nanang at tumingin sa katawan. "What's wrong with my nighties? Ito ang ginamit ko noong honeymoon namin ng Tatang niyo! Naka round fi---"

Kaagad tinakpan ni Ate North ang bibig niya kaya hindi na ito nakapag salita. Tinignan niya si Nanang ng masama.

"Your mouth, Nanang! Gosh! Mga bata ang kasama natin!"

Tinanggal ni Nanang ang kamay ni Ate North at masama itong tinignan. "Ang sabihin mo madamot ka lang! Gusto mo lang sila masolo para madala mo sa Cloud 9! Ganito rin ang balak mo!"

Inikot ni Ate North ang mga mata niya. "Of course not! Bakit ko pag-iisipan ng ganyan ang mga bata?"

"Then what's your cloud 9 means, ha?"

"Gosh! Cloud 9! I'm just going to pamper them with care! Nangako ako kay South na aalagaan ko ng maayos ang mga Crane at pasisiyahin! Ano bang iniisip mo?"

Ngumuso si Nanang at tumingin sa amin. Nag-iwas ako kaagad ng tingin.

"Iba ang Cloud 9 na naisip ko."

Umirap si Ate North. "Syempre! Ang dumi ng utak mo eh!"

"Pwede ba akong matulog katabi nila? Hehehe!" Biglang ngumisi si Nanang kaya kinilabutan na naman kami.

"Sige, tumabi ka sakanila para mapadali ang punta mo sa impyerno" sabi ni Ate North dito.

Ngumuso siya. Akmang magsasalita pa sana ito pero biglang bumukas ang pintuan kaya napatingin kami rito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang Daddy nina North.

Si President of the Philippines!

"Jesus Christ, Mama!" sigaw niya nang makita si Nanang.

Ngumiti ito na parang batang inosente at kumaway kay Daddy President.

"Hi, anak, hehehe."

Napatiim bagang si Daddy President at nang makita kaming nagkukumpulan ay mas lalo siyang nagalit. Lumapit siya kay Nanang at sinuot dito ang jacket niya.

"What do you think you're doing? Hindi ka man lang nahiya sa mga apo mo! And look at our visitors! They looked so scared!" asik niya.

"Gideon naman, gusto ko lang naman maging happy."

"Happy? Ikaw lang ang masaya sa ginagawa mo! And where's Papa, anyway? Hinayaan ka niyang magsuot ng ganyan at takutin ang mga bata?"

Mas lalo napanguso si Nanang at nag-iwas nang tingin.

"Hmmmm!"

Napatingin kami sa pumasok sa kwarto at nanlaki ang mga mata namin nang makita si Tatang na nakatali ang buong katawan at may nakadikit na tape sa bibig.

"Tatang!"

"Papa!"

Mabilis lumapit sakanya sina Daddy President at Ate North. Kaagad nilang tinanggal ang tali at takip ng bibig niya.

"Who the hell did this to you?" galit na tanong ni Daddy President. Nakakatakot ang madilim na aura nito. Nagtatagis ang bagang niya sa galit at konti na lang ay parang makakapanakit na ito ng tao.

Humigpit ang yakap ko kay Psalm. Natatakot ako sakanya.

"Omygash! Are you okay, Tatang?" Nag-aalalang tanong ni Ate North habang sinisipat si Tatang.

"Who the fvck did this?" mariing ulit na tanong ni Daddy President.

Hindi nagsalita si Tatang pero tumingin lang siya kay Nanang. Napatingin din ako rito at nakita ang pagkagat niya sa ibabang labi at pag-iwas ng tingin.

"Goddamit! Have you gone crazy, Mama? Bakit mo tinali si Papa?!"

Halos mapatalon kami sa lakas nang sigaw ni Daddy President. Galit na galit ito at parang puputok na rin ang mga ugat niya sa noo at leeg.

"Bintangero ka naman kaagad! Wala ka namang ebidensya na ako gumawa niyan!" singhal ni Nanang sakanya.

"I don't need evidence! Wala naman ibang gagawa nito kundi ikaw lang!"

"Ang sama mo naman! Ako kaagad?" Unti-unting napaiyak si Nanang.

Bumuntong hininga si Daddy President. Parang pagod na pagod na ito. Hinilot niya rin ang taas ng ilong niya at tumingin kay Nanang.

"You're the devil who can do nasty things to her husband. I'm sure, ikaw ang gumawa nito. Sa tingin mo ba ay nakalimutan ko na ang ginawa mong pagtali rin noon kay Papa at pinasok sa loob ng garbage bag?" Napailing ito. "Pati iyong ginawa mong pagdakip sakanya at dinala sa isang abandonadong lugar, then, you pretended you kidnap him so that you can get a ransom! Ginamit mo siya para makakuha ka ng pera sa akin para lang may pambili ka ng bago mong lipstick!"

Ngumuso si Nanang at nahihiyang napayuko. "It's your fault. You freeze all my accounts" sabi niya.

Problemadong napabuga ng hangin si Daddy President. "Of course! Kung ano-ano ang pinag-gagawa mo sa pera. Pati ang lumubog na barko ng Titanic gusto mong ipa-repair!"

"Gusto ko kasing maging si Rose, hehehe."

Matalim ang mga tingin ang pinukol ni Daddy President sakanya.

"Enough with your game, Mama. Go back to your room!" mariing utos niya.

Naiiyak muli itong ngumuso at sumulyap sa amin. "Pero, gusto ko makatabi ang mga boys matulog" sabi niya.

"No! For pete's sake, isipin mo naman ang agwat ng mga edad niyo! Now, go back to your room!"

"Ayoko!" Nagpadyakpadyak sa sahig si Nanang at mas lalong naiyak.

"I said, go back to your room!" giit ni Daddy President.

"Ayoko! Ayoko! Ayoko!" sigaw niya at nagtantrums.

"Babes, tulog na tayo? Itali mo nalang ulit ako bukas, sige na..." Lumapit si Tatang sakanya at masuyo itong niyakap pero hindi parin nagpaawat si Nanang.

"Ayoko! I want to sleep with them!" pilit niya.

Napabuga muli ng hangin si Daddy President. "Go back to your room" ulit niya na parang nauubusan na nang pasensya.

"Babes, tara na. Baka magalit si Gideon sa'yo isumbong ka niya kay Annunciata. Balik na tayo sa kwarto? Let's honeymoon again" sabi ni Tatang at sinubukang yakapin ito muli pero umilag si Nanang.

"No! No! No! Tatabi ako sakanila matulog! I want here!" Nagsimula na itong umiyak kaya nataranta si Ate North at Daddy President. "I want here! I want here!" Nagpadyakpadyak ito.

"Nanang, you can't stay here. May kwarto naman kayo ni Tatang eh!" si Ate North.

"Ayoko! Dito lang ako!"

"Ma, please, I'm so tired. Magpahinga ka na sa kwarto niyo!" sabi ni Daddy President.

"Ikaw ang magpahinga! Get out of here and let me stay here!"

"Babes, 'wag na matigas ang ulo. Balik na tayo sa room natin..." mahinahong sabi ni Tatang.

Umiiyak na umiling si Nanang. "I want to stay here..."

Napabuntong hininga si Tatang. Maging si Ate North ay parang ubos na rin ang pasensya niya.

"Sana pagtanda ko hindi maging matigas ang ulo ko" bulong ni Psalm kaya napatingin ako sakanya.

"Ako rin. Baka magsawa si South kapag naging makulit ako" sabi ko.

Ayokong iwan kami ni South dahil sa matigas ang ulo namin, kaya minsan ay hindi namin sinusuway ang mga utos niya. Nakakatakot pa naman siya magalit, bigla na lang umaalis sa bahay.

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!"

Nanlaki ang mga mata ko sa lakas ng sigaw ni Daddy President. Galit na galit na naman siya. Nagtatagis ang bagang nito habang matalim ang tingin kay Nanang.

Samantalang mas lalong umiyak si Nanang at yumakap kay Tatang.

"S-sinisigawan niya ako!" sumbong nito. "I hate you! Ang sama mo!" sigaw niya rin kay  Daddy President.

Niyakap lang ni Tatang si Nanang at inalo.

Galit na napailing si Daddy President. Parang ubos na ubos na ang pasensya nito.

"It's because you're a hard headed! Pinipilit mo ang gusto mo kahit hindi pwede! If you keep on doing that attitude, mapipilitan akong ibalik ka sa Switzerland!" Galit na aniya.

Walang nagawa si Nanang kundi ang umiyak na lang. Todo naman ang pag-alo ni Tatang sakanya.

"I hate you, isusumbong kita kay Annunciata.." bulong ni Nanang.

Umismid lang si Daddy President at may sinabi pero mahina lang iyon, hindi na namin narinig.

"Anong nangyayari rito?"

May nagsalita kaya sabay-sabay kaming napatingin doon. Kaagad nanlaki at nagningning ang mga mata ko sa tuwa.

Si South!

                                       _

SOUTHERN'S POV

"I'll fetch you when we have to go back to the hospital. Naiwan sina Coby at Rucc doon para in case na bumalik kaagad si Lachlan ay makalusot pa sila ng rason kapag nagtanong ito. Hindi dapat malaman ni Lachlan na nagpapanggap ka lang para makatakas."

Tanging tango lang ang sinasagot ko kay Vape kahit ang totoo ay wala naman akong naiintindihan sa mga sinasabi niya.

Masyado akong excited na wala akong ibang maisip kundi ang pagbalik ko sa Mansyon. Ang makita ang mga Crane at ang mayakap si Genesis ang tanging laman ng utak ko.

Kung ano man ang mangyari pagkatapos nito, bahala na. Wala na rin akong pakialam kung malaman ni Lachlan ang lahat ng ito. Wala na akong pakialam sa ibang tao. All I care now is my boyfriend. Tawagin niyo na akong hibang o baliw. Bakit ba? Miss na miss ko na si Genesis kahit ilang oras lang kaming hindi nagkikita.

"Dalawang oras na lang ang natitirang oras natin, South, kaya bilisan mo ang makipag landian sa boyfriend mo" sabi ni Atarah. Masama ang tingin niya sa akin. Hindi parin kasi ito maka get over sa ginawa niyang pag-iyak sa akin.

"Tss" inirapan ko ito at lumabas na ng sasakyan. Hinatid nila ako sa Mansyon para masigurado raw nilang dito talaga ang punta ko. Psh, as if may iba pa akong pupuntahan.

"Hoy, babae!" sigaw ni Atarah kaya nilingon ko ito. Nakababa ang bintana ng sasakyan at medyo nakalabas ang ulo niya rito. "Ingat ka sa pagiging sabik mo kay Genesis. Baka mamaya maging ninang nalang ako ng wala sa oras" sabi nito at humalakhak.

"Gago!" sigaw ko rito pero mas lalo lang siyang natawa.

Bumuntong hininga nalang ako at pumasok na sa loob ng bahay. Ninang? Psh, tanungin muna niya ako kung gusto kong kunin siyang ninang kung sakali. Kuripot ang babaeng 'yan, wala akong mapapala sakanya.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay kaagad bumungad sa akin ang tahimik na paligid. Nakapatay na ang mga ilaw at ang tanging liwanag sa buwan ang nagsisilbing liwanag sa loob. They are probably on their room, anong oras na rin kaya siguradong tulog na sila.

Binalak kong silipin sila sa taas pero hindi pa man ako nakakaakyat sa hagdan ay bigla akong natigilan. I think I just saw a shadow on the pool area. Nangunot ang noo ko at tumingin sa glass door patungo roon. Mukha namang tahimik pero iba ang pakiramdam ko.

Sumulyap ako sa taas bago ito muling binalingan. This time, I saw the shadow on the water. It's no longer moving, at sa tingin ko ay pumirmi ito sa pwestong nakaharap sa pool. I took a steps towards the pool area. Bawat hakbang na ginagawa ko ay parang lumalakas ang tibok ng puso ko. I push the door and went out. Kaagad binalot nang malamig na simoy ng hangin ang katawan ko kaya niyakap ko ang sarili.

I make a three steps forward until I saw the familiar silhouette of a man. Tama nga ako, he's standing in front of the pool. Ang dalawang kamay nito ay nasa bulsa at ang buhok ay sumasabay sa simoy ng hangin. Nakatalikod siya sa akin kaya malaya kong napagmasdan ang likod niya. His broad shoulders, masculine figure at ang tindig niyang may dalang authoridad, my heart immediately twitched when I recognized him.

It's Genesis.

Walang yabag ang mga paang lumapit ako sakanya. My eyes never leave his figure. Ilang oras lang kaming hindi nagkita pero parang nakalimutan ko na ang katawan niya kaya minememorya ko ito ngayon.

Mukhang hindi nito nararamdaman ang paglapit ko. Pumunta ako sa harapan niya at nakitang nakapikit ito, parang ninanamnam ang masarap na hangin. I stare at his beautiful face. No wonder why girls drooling at him, he's a demi-god. And this demi-god is in love with a monster like me.

Bigla kong na-isip ang pinagkaiba namin. He's an Angel and I'm not. He's good and I'm bad. He's innocent and I'm a wicked. Kumbaga isa siyang malinis at malinaw na tubig at ako ay isang maruming langis. We are not compatible and we'll never match.
 
Karapatdapat ba talaga sa akin ang taong 'to?

Ginulo nang isiping iyon ang puso ko. Ginulo nito ang dapat mga magagandang iniisip ko para sa aming dalawa.

"Bebe ko..."

Sa pag-iisip ay hindi ko namalayan na nakatingin na pala siya sa akin. He looked so shocked, he never expected to see me in front of him. Pero sa kabila ng gulat niya ay biglang sumilay ang ngiti sa mga labi niya.

"Are you real?" he asked, almost breathless.

Sinantabi ko muna ang mga nagpapakabagabag sa akin at ngumiti sakanya.

"Hawakan mo ako para malaman mo" sabi ko.

Napakurap-kurap ito, at dahil tumatama ang repleksyon ng tubig sa mukha niya ay natawa ako. He looks so cute and damn, I want to put him inside my pocket. Para dala-dala ko palagi. Mukhang hindi ako magsasawa na kasama siya.

Inangat nito ang kaliwang kamay at dinama ang pisngi ko. Kaagad akong napapikit nang maramdaman ang may kagaspangang palad niya. Nangunot ang noo ko sa pagtataka. Hindi naman ito nagta-trabaho and he surely don't do some household chores. Madalas sina Noah at Peter ang pinaglilinis ko. Sila rin ang pinagbubuhat ko ng mabibigat at pinagkukuskos ng mga kubeta. Si Genesis? Hindi ko pa siya nakitang gumawa ng mga mabibigat na gawaing bahay kaya pinagtataka ko talaga ang pagiging magaspang ng palad niya.

"You're real" manghang aniya kaya tumingin ako rito.

Ngumisi ako. "Syempre, hindi ako plastic kagaya ni North."

Ngumisi rin ito at tinitigan ang mga mata ko. "I thought you're not coming home?" sabi niya.

Umiwas ako ng tingin. "Uhm, actually, saglit lang ako, kailangan ko ring bumalik kaagad" napayuko ako para hindi makita ang biglang paglungkot niya.

"Is that so..."

Pumagitna ang katahimikan sa aming dalawa. Ang kamay nitong nasa pisngi ko ay tinanggal niya. Parang piniga bigla ang puso ko.

Nag-angat ako ng tingin dito at nakita ang lungkot na iniiwasan ko. Hinawakan ko ang kamay niya at mas lumapit pa sakanya. Nakatitig lang siya sa akin.

"I just came home to see you" sabi ko at kinagat ang ibabang labi. "Miss na miss na kasi kita kaya pinilit ko lang na pumunta rito."

Namungay ang mga mata niya. "You missed me?"

Tumango ako. Ngumiti siya at kita ko ang pagkislap ng mga mata niya.

"I missed you too" He rested his forehead on mine. Napapikit ako at dinama ang mainit niyang yakap. "Sobra-sobra."

I bit my lower lip and open my eyes to met his eyes. Kitang kita ko ang mga emotion niyang naghalo-halo.

"Kailangan kong bumalik bago mag-alas dose, Genesis. But I promise to come back home tomorrow. At kapag bumalik ako, uuwi na tayo sa bahay" sabi ko.

Tumango siya at ngumiti. "I'll hold on to that and I'll wait for you, Bebe ko" aniya at napansin ko ang pagkunot ng noo niya. "Wait, why before midnight?" tanong niya kaya napalunok ako at napaiwas ng tingin.

"Ah, kasi...ako si Cinderella ngayon. Babalik ako sa pagiging mangkukulam kapag dumating na ang alas dose" walang kwentang dahilan ko.

Tumaas ang kilay niya. "Kahit hindi dumating ang alas dose, mangkukulam ka parin. And Cinderella is not a Witch" aniya.

Sumimangot ako at tinignan ito ng masama. Bahagya ko pa itong tinulak pero mahina lang iyon kaya hindi parin siya napalayo sa akin. He chuckled and kiss my forehead. My stomach did a somersault.

"Mangkukulam pala ako, ha? Eh bakit mo ba pinagtatanggol si Cinderella, gusto mo ba siya?" Tinaasan ko ito ng kilay.

Mas lalo siyang tumawa at mas lalo naman akong nairita.

"Baby, you're my Witch.."

My heart twitched. My heart did a somersault again and I swear, I almost see butterflies behind him.

"And I don't like Cinderella. I only love you."

Mariin kong kinagat ang ibabang labi para pigilan ang pagngiti. How I wanted to punch him right now. Masyado niya akong pinapakilig.

"Kainis ka..." I muttered and he only chuckled.

He pulled me more to hug me tightly. Ginantihan ko rin ito ng yakap. Damn, how I'm longing to this. How I'm longing for his hug.

"I love you..." bulong niya.

Mas humigpit ang yakap ko rito. "I love you too."

Masasabi kong sulit ang effort ko sa pagtakas. Kung ganitong tao lang din ang magiging rason ng lahat ng bagay, I am willing to do stupid things just to be with him.

"Bebe ko, about the ki---"

Sabay kaming napatigil nang makarinig kami nang malakas na sigawan sa loob ng bahay. Nangunot ang noo ko.

"Boses 'yon ni Daddy at Nanang" sabi ko.

"Let's go" aniya at hinawakan ang kamay ko.

Sabay kaming pumasok sa loob ng bahay. We took the staircase and followed the noises. Nanggagaling iyon sa kwarto nina East at West. Binuksan ko ang pinto at kaagad naabutan ang pagtatalo ni Daddy at Nanang.

"Anong nangyayari rito?"

They all look at us. Mula sa malaking kama ng mga kapatid ko ay nakita ko roon ang pagkukumpulan ng mga Crane at ng dalawang kapatid ko. Kaagad bumalatay ang saya sa mga mata nila pagka-kita sa akin.

"South!"

"Timog!"

"Annunciata!"

Napabitiw ako sa kamay ni Genesis nang dinamba ako ng yakap ni Nanang. My brows frown when she started sobbing.

"Huhuhu! Sinisigawan ako ni Gideon! Ang bad niya!" sumbong nito.

Bumaling ako kay Daddy. Sumimangot siya at napailing sa akin. Tinuro niya si Nanang at ang mga lalaking nasa kama.

"Look at her dress. She's trying to seduce them! She even tied up your Tatang so that she can do whatever she want!" sumbong niya rin. Nangigigil ito sa inis.

"I just want to have fun!" asik ni Nanang dito.

"You think that's fun? Hindi ka na nahiya sa mga bisita at mga apo mo! Look at yourself! That's very inappropriate dress!" giit ni Daddy. His voice were full of disgust and irritation.

Mas lalong namang napaiyak si Nanang sa akin.

Tinignan ko ang suot niya. Napatiim bagang ako nang mapagtanto kung para saan ang ganyang klaseng damit. Tangina, ano na naman ba ang pinag-iisip ng matandang 'to?

"Tinali mo si Tatang?" tanong ko sakanya.

Tumigil siya saglit pero ilang sandali lang ay umiyak muli siya. Isa lang ang ibig sabihin no'n, she's guilty.

"At may balak ka pang akitin ang mga alaga ko" I stated. She just cried even harder.

I clenched my jaw and gritted my teeth.

"She's so hard-headed. Kanina pa namin pinapabalik sa kwarto niya pero gusto raw niyang makatabi ang mga Crane!" sumbong ni North at inirapan si Nanang.

"Apo, please, 'wag mong pagalitan ang Babes ko, nasasaktan ako" sabi ni Tatang at ngumuso.

I sighed and held her shoulders. Nilayo ko ng kaonti si Nanang sa akin at tinignan ang mukha niyang punong-puno na ng luha.

"Matulog ka na. You need to rest kaya bumalik ka na sa kwarto mo" sabi ko.

Ngumuso siya. "But I want here."

"No. You stay in your room. Bawal ang mga gurang sa kwarto na 'to, naintindihan mo? At kapag sinubukan mo ulit na akitin sila" tinuro ko ang mga Crane. "Mapapaaga ang meet up niyo ni San Pedro."

Nanlaki ang mga mata niya at napalunok.

"Bad ka, Annunciata.." naiiyak muling aniya.

My back straightened. Sumeryoso ang mukha ko at walang emotion siyang tinignan.

"I'm not Annunciata and I will never be like her. Don't ever call me that again. Hindi tayo magkakasundo kapag binanggit mo pa 'yan" malamig kong sabi.

Napakurap-kurap siya at natahimik. Hanggang sa niyakap siya ni Tatang at inakay palabas ng kwarto.

"Let's sleep, Babes. Bawal mong galitin ang demonyita" dinig kong bulong niya rito kaya umirap ako.

Nang makalabas sila ng kwarto ay kaagad bumaling si Daddy sa akin. Nanatili parin siyang seryoso. Wala ng bago roon.

"Good thing you're here. Mag-uusap tayo" aniya.

I raised my left hand to stop him.

"I'm not here for you. Let's talk some other time. Not now" sabi ko at sinulyapan saglit ang mga Crane bago bumaling kay Genesis para hawakan ang kamay niya. "Ang oras ko ay sakanya lang."

Hindi ko na pinansin ang gulat na mukha ni Daddy at Genesis. I just pulled him outside the room, pero bago pa man kami makalayo ay may hirit din si Daddy.

"Hindi pa ako handang magka-apo, remember that, Southern. Wear protection!"

O_____O

Halos madapa ako sa gulat. I muttered a cursed as my face heated in embarrassment. Ngayon palang ay sinusumpa ko na ang bunganga ng ama ko.

Damn, can't he just zip his mouth? 

Sumulyap ako kay Genesis at napansing namumula rin ang mukha niya. Hindi ito makatingin sa akin at halatang nahiya rin.

"Don't worry, I'll be careful" aniya.

Kulang na lang ay mahulog na ang mga eyeballs ko sa sobrang panlalaki ng mga mata ko. Binitawan ko ang kamay niya para malakas itong batukan.

He muttered a cursed as he glared at me.

"What was that for?" reklamo nito.

"Para 'yan sa lumabas sa bunganga mo!" singhal ko. Sobrang init ng mga pisngi ko, pwede na nga atang pag-prituhan ng itlog eh.

"What's wrong with that? Mag-iingat naman talaga ako. Don't worry, our first time won't be that bad---ouch!" Malakas ko ulit siyang binatukan na halos masubsob na siya sa sahig. "That hurts!"

"Talagang masasaktan ka kapag hindi mo pa tinigil ang bunganga mo!"

Sumimangot ito at tinitigan ako. Umiwas ako ng tingin para maitago ang pamumula ng mukha ko. Pero mukhang hindi iyon nakaligtas sakanya.

"Why are you so red?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko. "Don't feel so shy, Bebe ko. We'll do that eventually, right?"

O____O

"Tangina mo, Genesis." Yumuko ako at sa mga oras na 'to, gusto kong lamunin na ako ng sahig. Pati si Genesis, paki-lamon na rin.

He chuckled and hugged me. Hinalikan nito ang noo ko at masuyong dinampihan ng maliliit na halik ang pisngi ko.

"I'll wear protection."

O_____O

Wala sa oras na naitulak ko siya.

"Tangina mo talaga!"

He burst out laughing. Halos gumulong na siya sa sahig sa sobrang pagtawa. His voice echoed to the whole Mansyon. I bit my lower lip to stop myself from laughing too.

"Damn! You're so cute!" Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit.  "I love you" bulong niya. Medyo natatawa parin ito kaya sinapak ko ng mahina sa braso.

"I love you too" sabi ko at sinubsob ang mukha sa leeg niya.

"Let's go, para makarami tayo" natatawang bulong niya.

"Gago."

Tinawanan niya lang ako. Hindi ko alam kung gago talaga si Genesis o nagkaroon lang siya ng ideya dahil sa sinabi ni Daddy. Damn, and all I thought, pure innocent ang utak niya pero may nalalaman pa pala siyang mga ganito. Bwisit talaga.

"Genesis?" tawag ko.

"Hmmm?"

"Kapag hindi mo pa tinanggal ang kamay mo, babaliin ko na 'yan" I said.

"Oops! Sorry, hehe!" Tinanggal nito ang kamay na nasa malapit sa dibdib ko na. Tumatawa parin ang gago, halatang tuwang tuwa.

"H'wag kang manyak" babala ko sakanya.

Ngumisi siya at kinindatan ako. "I'll try."

>_______<

Bwisit talaga!

He held my hand again as we both took the staircase pero bago iyon ay tinignan niya pa ako ng isang malisyosong tingin.

"Mata mo. Dudukutin ko 'yan."

He chuckled and averted his eyes.

~~~

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

184K 5.5K 54
[RedDragon Series #4] "Just learn to rest not to give up" Chloe Jane Scott Damon Bruce Cortton
124K 5.8K 44
Rival Series 3 -Completed- Book cover by: Rosehipstea
A Hundred Billion Worth rei द्वारा

हास्य-विनोद

3.1M 86.8K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...
4.7M 170K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...