The Mafia Boss' Unwanted Wife...

By annoeying

1.9M 43.1K 7K

[PUBLISHED UNDER PaperInk] I killed his wife. I killed the love of his life. Pinakasalan niya ako para maghig... More

Excerpt
The Mafia Boss' Unwanted Wife
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Special Chapter
To Be Published Under PIP
TBMUW PUBLISHED BOOK
LAST DAY OF PRE-ORDER

Chapter 23

57.9K 1.2K 499
By annoeying

Chapter 23

Lason

Binuhat ko si Ella nang tumigil ang sasakyang kinalalagakan namin ngayon. Hindi mapigilan ng puso ko na tumibok ng mabilis dahil sa kaba at pagkataranta.

"Goddamn it. Step out of my way!" Mabilis akong naglakad patungo sa emergency room. Kung kaya ko lamang takbuhin iyon ay tinakbo ko na. Mabilis na nagsi-iwasan ang mga tao at binigyan ako ng espasyo na pwede kong paglakaran. Ang iba ay namutla pa sa lakas ng boses ko.

"Emerald, nasa'an ka?!" Malakas kong sigaw sa clinic. Napatulala ang mga nurse sa loob ng clinic. Pinanlinsikan ko sila ng tingin. "Anong tinutunganga niyo diyan? Kumuha kayo ng stretcher!" Mabilis silang kumilos palabas ng clinic.

"A-anong nangyari kay Ella?"

"She was shot. Damn it! Faster!" Yun lang at sumunod na si Em. Iilang segundo pa ay nandiyan na ang stretcher. Inilapag ko si Ella doon at inalis ang nakaharang na buhok sa mukha niya. Tinanguan ko sila pagkatapos. Nag-umpisa na silang kumilos. Parang naubusan ako ng lakas sa nangyari. Napasalampak ako sa tabi. Sinandak ko ang buo kong likuran sa pader na kinasasadlakan ko.

I have never been this afraid in my entire life.

Para bang ang nararamdaman ko ngayon ay katulad din ng naramdaman ko nang makita ko ang duguang katawan ni Erin sa sahig ng kwarto namin. Pero hindi ko alam kung saan...saan sa dalawa ang mas matindi.

Nitong mga nakaraang araw, hindi ko na makilala ang sarili ko. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit nag-aalala ako kay Ella. Hindi ko alam...o ayaw kong alamin...

Napapikit ako. Ramdam ko ang lagkit ng dugo na nakalagay sa magkabila kong palad. Ngunit ipinagsawalang bahala ko lamang iyon. Hindi na ata matatanggal pa ang kaba sa aking dibdib hangga't hindi ko nalalaman na ayos na siya.

Ewan ko ba. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na sa tuwing nag-aalala ako kay Ella ay wala lang iyon. Bakit ako mag-aalala sa taong pumatay sa asawa ko? But I know deep inside hindi ko rin maitatanggi sa sarili ko. The loud beating of my heart whenever her life is endangered...it will never...ever...lie.

Ipinatong ko ang magkahalugpong kong kamay sa ibabaw ng aking tuhod. I crouched para maisandal ko ang aking likod sa pader na nasa likod ko. The frustration...confusion...naghahalo-halo na silang lahat sa utak ko. Ayaw ko silang pansinin, oo. Ayaw kong bigyang halaga ni isa sa kanila. Pero malabo. Malabong hindi ko makilala o maramdaman man lang ang dalawa sa tuwing nasa tabi ko si Ella.

I pinched the bridge of my nose. The sticky feeling of Ella's blood drenched my bridge. I shrugged off the feeling. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kapag patuloy pa akong lumapit kay Ella ay baka hindi ko na matantiya ang sarili ko.

For the whole year that I've been spending my life with Ella, I was also supressing my feelings towards her. No matter how much I tried to render myself from this feelings of mine...hindi ko pa rin iyon mapigilan.

I'm screwed up. Damn it.

I like Ella. Fuck this.

Now that all of my feelings started flowing like a river, unstoppable...uncontainable...pakiramdam ko parang sasabog ang puso ko sa sobrang intensidad nito.

Ayaw kong isipin kung hanggang gusto lamang ba talaga ang mayroon ako sa para sa kanya. Sa sitwasyon pa lang namin, alam kong hindi ko na dapat isipin ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko, kapag inalagaan ko pa 'to ay pinagtataksilan ko na si Erin.

Napapikit ako. Damn it. Damn this situation. Damn everything.

-

"Oo, tangina! Tangina, oo pinatay ko si Erin! But must you make me suffer up to this extent? For God's sake, Damon! I threw myself completely to a bullet for you! Para mabuhay ka! Kasi tangina mahal kita! Kasi tangina gusto ko pang mabuhay ka! Pero parang kasalanan ko na naman na niligtas kita! Imbis na simpleng thank you na lang sana ang sinabi mo, ang dami mo pang sinabi! May kasalanan ako, oo! Pinatay ko si Erin, oo! But I have my reasons. Mga dahilan na ayaw mong pakinggan dahil sarado 'yang utak mo." Humahagulhol si Ella habang sinasabi iyon. Her loud cries slowly tore my heart into pieces. I can almost hear the loud ringing between my ears.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang kaming napadpad sa ganito. Ang plano ko lamang talaga ay pakainin at alagaan siya since may sugat siya at medyo malala ang naging injury niya. But the moment she opened her mouth...and asked me if someone forced me to go here...I lose it.

Damn it. I didn't forced myself! Gusto ko ring tuktukan ang sarili ko dahil alam ko namang mabunganga talaga si Ella pero pinatulan ko pa. Wala na ata ako sa sarili kong katinuan.

Sinisi ko pa siya sa nangyari kahapon kahit na alam kong pumalpak naman talaga ang grupo ko. Hindi ko alam. Parte na yata talaga ng tao ang manisi ng iba kapag may mga bagay na hindi niya talaga aamining mali niyang ginawa. Damn this pride.

"Please let Ate Erin stay in peace. May mga bagay na mas gugustuhin din ni Ate Erin na kakimutan mo na lang. Let this thing be closed. Kalimutan mo na si Ate Erin. Patay na siya, Damon. Buksan mo ang puso mo sa ibang tao---"

I frozed. My own hand made its own way towards her cheek. Hindi ko mapigilan ang panginginig. Alam ko sa sarili ko na may mali na sa akin. Na sa tuwing naririnig ko ang pangalan ni Erin ay hindi na ako nasasaktan. Pero naguguluhan...naguguluhan pa rin ako. At ang duguang mukha ni Erin ang nakikita ko parati sa aking isipan.

"Sa tingin mo ba, ganoon kadali lang makalimot? Oo, patay na si Erin. But you know what? Kahit na magmakaawa ka pa diyang kalimutan ko siya. Kahit magmakaawa ka pa diyang mahalin kita...hindi iyon mangyayari. Alam mo kung bakit?" I leaned in towards her. "Dahil mamamatay-tao ka." Galit kong bulong.

This is the only way. Ito lang ang nag-iisang paraan para matigil ko na kung anuman ang nararamdaman ko para sa kanya. I need to push her away. I need to hurt her. Goddamn it. Mas mahirap pa 'to sa lahat ng misyon ko sa loob ng mafia.

"I only did that to save you...I killed her to save you..." Naiiyak niyang sabi.

Parang tumigil ang tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan! Ella is making my head run in circles. She spoke such vague statements that can make my head pound like crazy.

Kumunot ang noo ko. Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat at hinarap ko siya sa akin. "Anong ibig mong sabihin? What did you mean by that, Ella? I swear, if this is one of your crazy scheme, I will definitely strangle you to death!" Asik ko.

Gulong-gulo na ako. Gusto kong malaman kung anong nangyari but on the other hand ay ayaw ko rin. Hindi ko alam...hindi ko na alam.

"I-I..." Nauutal niyang sabi. Napaawang ang aking bibig nang makita ko ang namumuong dugo sa kanyang damit. Hindi mapigilan ng puso ko na humataw mula sa aking dibdib.

"Are you happy that I'm in pain now? Because I hope that you are...sana...sana sapat na 'tong kabayaran para sa lahat ng kasalanan ko." She weakly said with a bitter smile.

Nakaawang ang aking labi habang nakatitig sa kanya. Halos manigas ako sa aking kinatatayuan habang pinagmamasdan ko ang dugong sumasakop na sa kabuuan ng kanyang damit.

"Goddamnit!" Takot na takot ako. Akala ko ay mawawala na ako sa katinuan. Mabuti na lang at nabawi ko ang sarili ko at mabilis na tumakbo sa opisina ng mga doktor.

"Emergency! Faster!" Natataranta namang sumunod ang mga tauhan ko. Sinabutan ko ang aking sarili. Please, Ella. Hold on...

Sinundan ko ang mga doktor. Hindi nila ako hinayaang makapasok. Nakikita ko sa pagitan ng salamin sa labas ang mga nangyayari sa loob.

Halos manginig ang aking labi nang marinig ko ang nakakabinging linyang iyon. Hindi matigil ang malakas na pagtibok ng puso ko.

Parang bangungot. Halos mawalan ako ng ulirat habang nakikita  ko ang halos wala ng buhay ni Ella. Napapikit ako. Gusto kong umiyak! Gusto kong magwala! Pero hindi ko magawa. Dahil alam kong isa ako sa mga dahilan kung bakit nagkaganoon si Ella.

Malakas kong sinuntok ang pader na katabi ng salaming kinatatayuan ko. Nanghihina akong napasandal doon. Hindi ko na ininda ang hapdi ng mga sugat ko sa aking kamao. Hinding-hindi niyon mapapantayan ang sakit na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hinding-hindi...

"1,2,3...Clear!"

Nakayupyop ako habang nakaupo at nakasandal ang aking likod sa pader. I don't...I don't pray but damn it. If the situation calls for it...

I frustratedly sighed. I tried to hide the tears that are starting to form on both sides. Ipinagsalikop ko ang aking dalawang kamay. At saka ako nagdasal.

Lord...I know I don't deserve to wish for anything. I'm a sinner. I kill people. I don't feel any mercy whenever I kill anyone. But please...Lord, wag niyo pong gawing kabayaran si Ella sa lahat ng kasalanan ko. Let me pay all of my sins. Please Lord...let Ella live...please give her another chance to enjoy her life...Amen.

Noon ko lamang nalaman na nakakagaan pala ng pakiramdam ang magdasal. Pakiramdam ko, nawala lahat ng alalahanin ko...dahil alam kong papakinggan Niya ako.

Napakagat ako sa sarili kong labi nang maramdaman ko ang basa kong pisngi. Noon ko lamang nalaman na umiiyak na pala ako. Napahilamos ako sa aking mukha at tinakpan ito ng aking mga kamay. Hindi ko na napigilan at napahagulhol na ako. Sobrang kinakabahan ako para kay Ella...kahit na alam kong wala naman akong karapatang maramdaman iyon dahil isa ako sa mga naging dahilan para maranasan niya iyon.

Agad akong nagpunas ng sarili kong mukha gamit ang leegan ng tshirt na suot ko. Napatayo ako at nabungaran ang doktor na nag-opera kay Ella.

Ngumiti siya bago nagsalita. "Malayo na po siya sa kritikal na kalagayan. Kailangan na lang niyang magpahinga. I suggest one week ang ibigay na pahinga sa kanya para maregenerate lahat ng cells niya. Ilayo rin sana siya sa stress, Sir dahil baka bumuka ulit ang tahi niya." Tumango ako at nagpasalamat. Umalis na ang doktor ngunit nasa labas pa rin ako.

Tinanaw ko si Ella mula sa salamin na kintatayuan ko. Maayos na ang tunog ng makina na nagmumula dito. Pati ang kabuuan niya ay ayos na rin. Hindi katulad kanina na duguan siya at putlang-putla. Ngayon ay mukha niua siyang payapa at maayos na kalagayan.

Idinikit ko ang kanan kong palad sa salamin habang malungkot siyang pinagmamasdan.

"One week..." Mahina kong bulong. "Kaya kitang iwasan ng isang linggo. Magpagaling ka..."

-

For the whole week, wala akong ginawa kundi samahan ang mga miyembro ko na mag-ensayo. I tried to keep my mind off the gutter and focus on something to distract myself from everything.

Pero hindi ko rin naman maiwasang hindi suwayin ang sarili. Sometimes, kapag wala si Em ay sumisilip ako sa kwarto ni Ella at tinitingnan kung ano na ang kalagayan niya.

Ganoon pa rin naman. Nagpapasalamat na lang ako dahil mukhang naging ayos na si Ella nang hindi ko siya dalawin. Siguro nga ay ako talaga ang may kasalanan kung bakit naging ganoon siya.

"Sir Dam, mahal ka rin n'on." O snapped out of my own trance the moment Leon talked. Kumunot ang aking noo.

"Nino?"

Nagkamot ng ulo si Leon bago sumagot. "Nung iniisip niyo, Sir."

Hindi ko siya sinagot. I looked at him, confused. Hindi ko magets kung anong gusto niyang iparating.

"Slow si Sir. Hindi ka niyan mage-gets." Mas lalo pa atang lumalim ang gitla sa aking noo sa sinabing iyon ni Ashton. Ewan ko ba pero sa lahat ng miyembro ko ay si Ashton ang hindi ko makasundo.

"Sir Dam!" Max hurriedly run towards my direction. Nagtataka ko siyang tiningnan habang nililinis ko ang hawak kong baril. Mukhang nagmanadali siyang tumakbo papunta sa akin, latunay niyon ay ang pawis na tumatagaktak sa noo niya.

"Anong nangyari?"

"Sir, may intruder. We don't know what happened o kung bakit nahuli ang notice sa amin. Pero may naghack po ng system natin. May pumasok po sa headquarters. At isa po iyon sa mga tauhan ng mga Arcenio."

I gritted my teeth. Kaya pala nananahimik sila ngayon ay dahil may lihim pala silang balak. Biglang kumalabog ang puso ko.

Si Ella...

Mabilis kong binaba ang baril na pinupunasan ko kanina. "Ayusin niyo ang system. And if you can see or retrieve atleast some footage about what happened earlier, let me know. Pack up na kayo. Make sure to guard the front and the back. Maghati kayo sa tatlong team para may matira sa gitna. Max, assist the whole team. Palibutan niyo ang buong headquarters." Hindi ko na hinintay ang sagot nila. Mabilis na akong tumakbo patungo sa kwarto ni Ella. I didn't spare any minute to rest kahit medyo malayo ang emergency room sa field kung saan ako nag-eensayo kanina.

Nasa bungad na ako ng pintuan nang marinig ko ang abnormal na tunog ng makina. Agad na napaawang ang aking bibig.

I muttered several strings of curses. "Damn...not again..." Napabulalas ako. Agad ko siyang dinaluhan. Ang isang kamay ko aya agad na pinindot ang buton aa itaas na bahagi ng kama niya para ipagbigay alam sa mga doktor.

Ipinaloob ko siya sa aking bisig at pinagmasdan. Hindi maawat ang kaba sa aking dibdib. Hinaplos ko ang mukha niya. Namumutla na si Ella at halos hindi mapakali.

"M-mah-hal k-kit-ta...Damon..." And with those words, I felt my heart froze for a minute. Halos kalimutan ko na ang makahinga. Agad akong bumalik sa aking huwisyo nang marinig ko ang mabibilis na mga yapak mula sa labas ng kwarto kung nasaan ako. Maya-maya pa'y nakita ko na ang unti-unting pagpikit ng mga mata niya.

"Nasaan na kayo? Faster. Goddamn it." Halos pasigaw kong sabi sa button na nasa harapan ko. Butil-butil na ang pawis sa noo ni Ella. "Ella, don't close your eyes. Shit!" Halos magmakaawa na ako kay Ella habang sinasabi iyon.

I stared at her angelic face. I cupped her cheeks and made her look at me even though her eyes are now closed.

"Mahal din kita..." I whispered.

And with those words, I just wish that the wind whispered it right into her ears and let her know that what I truly feel for her is sincere...

But I just won't...I can't...nurture my feelings for her furthermore...dahil pakiramdam ko ay pinagtataksilan ko si Erin...lalo na't ang pumatay sa kanya ang siyang kasama ko ngayon.

I feel like I am being unfair towards my late wife. Napapikit ako. Kami ni Ella...wala kaming karapatang maging masaya.

-

"She was poisoned." Napahilamos na lamang ako sa sarili kong mukha. Hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman ngayon. Sobrang naiinis ako na naawa. Kay Ella. Sa sitwasyon. Sa lahat.

"How's she coping?" I asked, worried.

"So far, so good. Ang maganda lamang ay hindi naman malaki ang naging epekto ng lason. Although the Poison hemlock can paralyze her respiratory system and can also block her breathing, we are still lucky dahil hindi sapat ang amount ng lason para patayin si Ella. I sincerely think na sinadya nila iyon para bigyan tayo ng warning." Dr. Martin, the head doctor of the headquarters said. His tone was grave and serious.

"Doc..." Sapu-sapo ni Em ang noo niya. Pagkatapos ay masama niya akong tiningnan. "How did that fucking happened? Ano ng nangyari sa high caliber security natin?" Em asked.

"May traydor sa loob ng kampo." I hissed. Hindi ako mapakali. Gusto kong hulihin kaagad ang taong iyon. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman kung sino ang traydor na iyon.

"What's your plan? Hindi pwedeng nandito 'yang traydor na 'yan sa loob." Ella almost shouted at me. Alam ko kung gaano kaimportante sa kanya si Ella kaya hindi na ako magtataka na ganoon siya kagalit.

"I'll bait him...or her. For the meantime, I just want someone to take good care of her." I suddenly felt tired all of a sudden. Para bang sunod-sunod na kamalasan na lamang ang nangyayari. At ang masama pa ay si Ella ang pinupuntirya nito. I had the sudden urge to knock myself out of the table. Bakit kailangang si Ella pa?

"Leave that to me. I am always taking a good care of her hindi katulad mo." Em lashed on me.

"For goddamn's sake I already know that. I don't need another person lecturing me."

Tinaasan niya ako ng kilay. "You will never deserve Ella in any way, Damon. Kung feeling mo ikaw ang dahilan kung bakit nalason si Ella, well congratulations dahil nadamay na naman siya! You've already done enough damage to her. Hindi mo alam. Hindi mo alam kung gaanong sakit na ang naransan niya. You will never know dahil ikaw ang dahilan noon." She shouted at me angrily and then made her way out of the control room.

Tinitigan ko lamang ang papalayo niyang likod bago ako napabuntonghininga.

"Well, that was quite a show, Sir." Halos mabali ang leeg ko sa sobrang bilis ng pagkakalingon ko sa pinanggalingan ng boses. Kumunot ang aking noo nang makita ko si Dumbo na nakaupo. Pinapakialaman niya ang laptop niya habang kumakain ng burger.

"Kanina ka pa ba diyan?"

"Obviously, Sir. I'm looking into the system. Hinahanap ko po kung mayroon ba tayong makukuhang ebidensya para malaman kung sino ang lumason kay Madame." His voice sounded so serious.

Nanatili akong tahimik habang tinitingnan ang ginagawa niya. For two years that I've been handling the organization ay alam ko na rin ang ginagawa niya. Hindi ko man forte iyon ay may kaunti naman akong nalalaman.

"Although the system was hacked, I still think that there are some loopholes within their system na nailagay at ipinalit nila sa atin."

"Thank you, Dumbo." I sincerely said, holding the bridge of my nose. I can feel the restlessness kicking inside my system.

"No problem, Sir. Once na may makuha akong info, kayo kaagad ang sasabihan ko. Naging pamilya ko na rin po si Madame kaya hindi ako mangingiming tulungan siya. Whoever did this, I will make sure that I will be of help para mahuli siya. And I hope na sa ginagawa ko, ay matutulungan ko rin kayong hulihin ang may sala."

Sana. I silently prayed.

-

At night when almost all of my members are asleep, I am still awake, waiting for the headquarters to succumb itself into darkness.

And that's my cue...that will be the only time that I allow myself to go to her room.

I will never risk her health for anything. And I know that once she open her eyes and she saw me, that will only mean one thing: disaster.

Kaya sinasadya ko na hindi ako nakikita ng ibang tao. At sinasadya ko rin na sa oras na kung saan malabong magising siya ako dumadalaw dahil ayaw ko na ulit siyang masaktan pa. Pakiramdam ko kasi, habang malapit ako sa kanya ay mas lalo lang siyang mahihirapan. Mapa-pisikal man, emosyonal o sa mental na aspeto.

I sighed as I took her hand while I sat on the chair beside her bed. Her long eyelashes, pointed nose and pale lips made up her peaceful and calm state.

It's been days since she was medicated and as far as I can remember, Dr. Martin already cleared everything. Ayos na ang kalagayan niya. Naipainom na rin ang antidote sa kanya kaya ayos na ang kalagayan niya. Kaunting pahinga na lamang daw at ayos na. Ang problema lamang ay hindi pa siya nagigising. Marahil ay bumabawi ang katawan niya mula sa kapaguran at sakit na naranasan nito.

"Ella..." Pasimula ko. "Sinabi ng doktor na kausapin ka para bumuti ang lagay mo. Hindi ko alam kung bakit sa nakalipas na araw at halos mag-isang linggo na nga ay naisipan ko pang gawin ang kalokohan na 'to. Damn it. Kapag hindi 'to epektibo, lagot sakin si Martin..." Ibinulong ko ang mga huling kataga.

"I know that I have made several mistakes...and caused you pain beyond anyone's thought. Hindi ko na nga deserve na matawag na matinong tao dahil sa lahat ng sakit na ginawa ko. And I know that saying sorry is not enough for you to apologize me...and with that, I won't. I won't say those words unless I put some action into it. And you won't probably know...but I will always be here...to guide you...and from now on, I will never let anyone hurt you..." I smiled. Dinama ko ang kalambutan ng kanyang kamay habang tinitingnan ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib mula sa kanyang patag na paghinga.

"I love you..." Halos pigilan ko ang sarili kong mapaiyak habang tinititigan siya. It was heartbreaking...ang sabihing mahal ko siya habang wala siyang kaalam-alam na ganoon na ang nararamdaman ko para sa kanya...dahil hindi ko hahayaang marinig niya iyon. Ewan ko ba kung may mas tatanga pa sa akin.

Kinagat ko ang aking labi. Natigilan lamang ako at napaawang ang aking bibig nang makita ko ang mumunting paggalaw ng kanyang daliri nang magkaroon ng tanglaw ang paligid mula sa bintanang may nakausling singaw mula sa labas.

And when I felt as if her eyes were about to open, inunahan ko na iyon. Mabilis na akong tumakbo paalis...palayo sa kanya...katulad ng kung paano akong naging paulit-ulit na duwag dahil sa pagtakbo at pagtago ng tunay kong nararamdaman para sa kanya.

---

annoeying's note: Uunahan ko na, ha? Sa mga hindi maiintindihan ang side ni Damon, ayos lang. But take note na magulo kasi ang mga lalaki. Mapride sila and sometimes kapag hindi nila alam ang gagawin, they rely more on instincts. I will never change Damon's atitude no matter what. Para kasi sa akin, Damon is a reminder of what a human being really is. We make mistakes, we believe in things that we wanted to believe in, and sometimes just like Damon, we only confide to Him whenever something is at stake. Mali, but it is true. Aminin man natin o hindi, angkinin man natin ang kamalian natin o hindi, yun tayo, e. We are called human for a reason. We are imperfect, we commit mistakes, we ask for forgiveness for those. But I think that it is what makes us special. Our flaws made us who we are :)

Continue Reading

You'll Also Like

471K 7.8K 50
"Discomforts come not only to make us strong but also for us to bring out the best version of ourselves." -Shannen Mantilla / Shantal Guerrero "I'm s...
5.8K 1.6K 65
She's stuck with her abusive boyfriend, she stayed beside him out of conscience that she misunderstood as love.Then a laconic man join their vacation...
252K 5.3K 43
Kirsten Bargamento is a woman in an abusive marriage. Things are getting complex for her to withstand, escaping from her husband is her way to have f...