SPOKEN POETRY

Von paigecstll

168K 2.1K 129

|Completed| Collection of Tagalog Poetries about Love and Heartbreaks. Mehr

SPOKEN POETRY
MAY NAGMAMAHAL SAYO
SAKIT
SUGAT NA DINULOT MO NUNG PANAHONG SINAKTAN MO AKO
MAHAL KITA PERO PAALAM NA
PANAHON NA SIGURO PARA TIGILAN NA KITA
ORAS
SIMPLENG TULAD MO
TAGPUAN
IDOLO
AYOKO NA
NATATANGING IKAW
MAAARI BANG AKO NAMAN?
PATAWAD, PAALAM
MAPAIT NA KARANASAN
KASUKDULAN
KUNG SANA NUNG UNA PALANG NAKUNTENTO KANA
HUWAG MONA AKONG BABALIKAN
HINDI KANA NAGPARAMDAM
AKO PARIN SANA
PAULIT ULIT KITANG MAMAHALIN
KAIBIGAN
SANA SA PANAHONG PWEDE NA AY PWEDE PA
PAGKUKULANG
IKAW AT AKO PERO WALANG TAYO
PAANO BANG MAG MOVE ON?
PANSAMANTALA
100 SALITA PARA SAYO
MASAYA NA AKO SA PAGIGING AKO
DI BA HALATA
INGATAN MO SYA
WALA KA NA
IKAW ANG TULA
SANA SINABI MO
MALING AKALA
MUNDONG MAPANGHUSGA
FRIENDZONE
KALAYAAN
ANG PAGKATUTO
KATAPUSAN
LIHAM PASASALAMAT

SEEN

3.1K 53 8
Von paigecstll

Isa sa pinakamasakit na eksena,
Na aking naranasan ngayong ako'y bata pa.
Nais ko lang sana makausap sya,
Kaya natuwa ako at nagpadala ng mensahe para sa kanya.
Nasasabik akong mabasa,
Kung ano ang reaksyon at kung ano ang masasabi nya.
Para akong isang batang labis ang sayang nadama,
Nung napansin kong nabasa na nya ang mensahe ang aking pinadala.
Hinanda kona ang sarili ko,
Para sa iba pang kwento.
Baka kasi kamustahin nya rin ako,
Kung kaya't ako'y kabado,
Hindi mapakali sa aking pwesto,
Para lang aking masiguro,
Na mabasta ko agad ang mensahe mo.
Labis na ngiti ang aking naisagawa,
Nung naisipan kong naglalaro na naman ang aking isip sa mga ideya,
Na baka makapiling at makasundo ulit kita.
Ngunit sa labis na pagiisip ay nakalimutan kona,
Nung napagtanto kong matagal na oras ay lumipas na.
Sa sobrang sabik ko kapag naalala ka,
Lalo na sa tuwing bumabalik ang dating saya nating dalawa,
Hanggang sa...
Unti unti kong napagtanto,
Na wala ka palang nasabi sa mensahe ko.
Iniwan mo lang itong nakaladlad sa hanay ng mga kausap mo,
Hindi mo napansin ang simple kong pagpansin sayo.
Para tuloy may mabigat na bato ang dumag-an sa dibdib ko,
At unti unti nitong dinudurog ang aking puso.
Bakit ako sobrang apektado?
Bakit parang matindi sa akin ang epekto?
Siguro dahil umasa ako sayo,
Umasa ako na mapapansin mo ako.
Ngunit mali dahil hindi pala mangyayari ito,
Dahil wala sa plano mong iprayoridad ako.
Marahil isa lang akong abala sayo,
Hindi siguro mahalaga sayo ang aking pagkatao,
Kaya nagawa mong paulit ulit na hindi pansinin ang mensahe ko.

Hindi naman tayo dati ganito.
Hindi ka naman dati ganito.
Bakit ka pa nagbago?
Wala naman akong nakikitang mali sayo,
Bakit hinayaan mong dating ikaw ay maglaho?
Pero alam ko...
Na wala akong karapatan na sumbatan ka ng mga katanungan,
Pero aking kaibigan...
Nais ko lang sana malaman,
Kung mahalaga pa sayo ang ating pinagsamahan?
Maaari paba natin itong balikan?

Oo, alam ko.
Alam kong wala ng tyansa na bumalik pa ito.
Pero sana'y malaman mong nasaktan mo ako.
Kaya wala sanang sisihan kung manlamig ang aking pakikitungo,
Walang bintangan kapag nagbago ako.

Naniniwala na ako na mahirap magbago,
Pero hinahamak ng sakit ng iyong natamo,
Upang baguhin ang iyong pagkatao,
At maranasan ang salitang pagkatuto.

Sa panahon ngayon nakakatakot ng mangamusta,
Dahil pakiramdam ko lagi'y wala akong halaga,
Sapagkat kalinga ko lamang ay nababalewala.
Nakakatakot na tuloy umasa,
Dahil parang negatibo lagi ang magiging resulta.

Kung hindi lang sana nangyari ito,
Baka ngayon masaya parin ako.
Baka ngayon hindi ako nabubuhay sa takot,
Baka sakaling hindi nabalutan ang aking puso ng poot.

Siguro kung hindi ako nagpadala ng mensahe sayo,
Siguro malaya pa ako.
Hindi pa sana ako nabubuhay sa pagkataong puno ng takot.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

521K 7.8K 197
#1 Crazy minds, twisted stories, broken hearts and crying souls; craved for poems to be read and told ; (6/11/18) ❤ #2 (03/18/18) ❤ #5 (12/8/19)
2M 92.2K 43
SIS (Social Issue Series) #4: Bullying They say that beauty is a luxury. That good looks is the only privilege that matters. That the world is only...
41.7K 2.9K 74
[𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱✔️] ❝Bibigyan kita ng tinapay kung lalayuan mo na ako❞ ➳In which Julia Choi wanted to get rid of Elijah Choi by giving him a Bread...
1.3K 151 37
Madalas, may mga salitang hindi masabi ng bibig hanggang sa hindi na ito maiparating. May mga pangungusap na hindi maiusal ng bibig kaya't habang buh...