SPOKEN POETRY

By paigecstll

168K 2.1K 129

|Completed| Collection of Tagalog Poetries about Love and Heartbreaks. More

SPOKEN POETRY
MAY NAGMAMAHAL SAYO
SAKIT
SUGAT NA DINULOT MO NUNG PANAHONG SINAKTAN MO AKO
MAHAL KITA PERO PAALAM NA
PANAHON NA SIGURO PARA TIGILAN NA KITA
ORAS
SIMPLENG TULAD MO
TAGPUAN
IDOLO
AYOKO NA
NATATANGING IKAW
PATAWAD, PAALAM
MAPAIT NA KARANASAN
KASUKDULAN
KUNG SANA NUNG UNA PALANG NAKUNTENTO KANA
HUWAG MONA AKONG BABALIKAN
HINDI KANA NAGPARAMDAM
AKO PARIN SANA
PAULIT ULIT KITANG MAMAHALIN
SEEN
KAIBIGAN
SANA SA PANAHONG PWEDE NA AY PWEDE PA
PAGKUKULANG
IKAW AT AKO PERO WALANG TAYO
PAANO BANG MAG MOVE ON?
PANSAMANTALA
100 SALITA PARA SAYO
MASAYA NA AKO SA PAGIGING AKO
DI BA HALATA
INGATAN MO SYA
WALA KA NA
IKAW ANG TULA
SANA SINABI MO
MALING AKALA
MUNDONG MAPANGHUSGA
FRIENDZONE
KALAYAAN
ANG PAGKATUTO
KATAPUSAN
LIHAM PASASALAMAT

MAAARI BANG AKO NAMAN?

3K 33 0
By paigecstll

Ayoko ng manatili lang sa pagiging anino,
Nais ko ng ipahayag ang tunay kong pagkatao.

Gusto kong simulan ang aking pagpapakatotoo,
Gusto kong simulan ito sayo mismo.
Inaamin kong may gusto ako sayo,
Inaamin kong nahulog na ako sa bitag mo.
Nagustuhan ko ang mabuti mong pagtrato,
Sa akin, mula ng tayo magkatagpo.
Ngunit bakit habang tumatagal tayo'y lumalabo,
Habang tumatagal parang ika'y nanlulumo.
Hindi naman dati tayong ganito,
Bakit nagbago sa akin ang iyong pagtrato?
Siguro mayroon ka ng bago.
Bakit kaya ganito?
Hindi ka pa nga sa akin nagkakagusto,
Lumipat kana agad sa ibang tao.
Sana nilinaw mo muna sa akin kung ano ba talaga tayo.
Kung mayroon ba talagang pagasang maging tayo.
Paliwanagan mo ako sinta ko,
Para hindi ako ganitong labis na nagugulo,
Nagugulo ang buong pagkatao,
Sa kaiisip kung ano nga ba ito.
Wala pa akong matibay na ebidensya,
Na makakapagpatunay na sa iba ka na masaya,
Kaya ang natitirang tyansa,
Ay akin ng gagamitin baka sakaling may pagasa.

Ngunit hindi pa ako nagsisimula,
Siya na agad ay umeeksena.
Para na naman akong hanging nabalewala,
Parang sabon na tila hindi na bumubula.
Huwag naman sana ganito sinta.
Maaari bang hinay hinay muna?
Hindi pa ako labis na nakakapaghanda,
Hindi pa ako handang magisa.

Mahal...
Maaari mo ba akong pagbigyan?
Oras mo sana'y sakin mo ilaan.
Kahit sa kaunting panahon nalang,
Nais ko lang maramdaman ang kasiyahan.
Nais ko sana yon mula sa iyong tabihan.
Sana ako'y iyong hayaan,
Pangakong hindi ka mahihirapan,
Dahil kahit sandali lang naman.
Pero maaari bang ako'y maging makasarili?
Gusto na sana kitang itali,
Upang sa akin ay hindi kana lumayo muli.
Kung maari nga lang itong mangyari,
Hindi kona hahayaan na ako'y magapi.
Hindi na akong magpapatalo,
Ipaglalaban na kita upang manalo,
Kahit na alam kong kaunti lang ang laban ko.
Sa sugal ng pagibig baka sakaling may tyansa ako.

Pero mahal...
Maari ba akong humiling?
Sana ako nalang ang iyong piliin.
Nangangako naman akong ika'y mamahalin,
Huwag ka lang sana agawin ng iba mula sa akin.
Ako nalang sana ang iyong pahalagahan,
Hinding hindi masasayang lahat ng ating pagsasamahan.
Nangangakong ika'y aalagaan,
Hanggang sa abot ng aking kakayanan.
Sana magawa mo akong ingatan,
Upang patuloy parin kitang masubaybayan.
Hindi ko hahayaang ika'y masaktan,
Ipagtatanggol ka mula sa magulong lipunan,
Basta ipangako mong sa akin ka lang,
Hinding hindi ako mapapagod na ika'y paglingkuran.
Kaya mahal...
Kahit alam kong dalawa kami na iyong pagpipilian,
Sana sa unang pagkakataon magawa mo akong pagbigyan.
Tanging hiling ko lang sa maykapal,
Na para sa akin kana lang mahal.
Palagi kitang aalayan ng pagmamahal,
Upang relasyon natin ay tumagal.
Ibibigay sayo ang buong tiwala,
Huwag ka lang sa akin kumawala.
Oras at panahon ko'y sayong sayo,
Maaari nabang maging tayo?

Lahat na ng bagay ay aking napatunayan,
Tanging kasagutan mo nalang ang kakulangan.

Kaya mahal...
Maaari bang ako naman?
Sana ako nalang.

Continue Reading

You'll Also Like

190K 6.8K 99
This is just pure fiction. I'm just inspired writing this because of what I've read from #DonKiss Twittetserye on twitter and also here on Wattpad. T...
59K 597 16
Tula para sa inyo mga binibini at ginoo.
22.5M 509K 50
[A published book under PSICOM Publishing Inc. ] In a world where sunshine meets corporate storms, Nisyel Love's life takes a thrilling twist when sh...
6M 196K 65
Christian Sage Monterio is not someone you messed up with. At age 17, he's fearless, bold, and dangerous. However, an incident happened that drove h...