Unwavering Love (Major Revisi...

By Riasure

4.4M 16.9K 1.2K

(Ongoing-Incomplete) -Formerly known as "A Cruel Husband" *El Sajano Series #1 Charmaine Serenity Salanueva... More

Unwavering Love
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16

Kabanata 9

47.4K 498 20
By Riasure

Kabanata 9

Reason

"Kamusta ang unang araw mo sa kolehiyo apo?" Lola asked.

"Nagpakilala lang po kami, la." Sabi ko habang hinihiwa ang mansanas.

It was fine afternoon and I got home early because first day was just orientation. Pinili kong umuwi kaysa manatili para makasama kaagad si lola.

Parang panibagong buhay na naman ang unang klase ko mga hindi pamilyar na tao ang aking nakasalamuha. Doon ka naisip na, ang lungkot palang mag-isa. Paano kaya kung hindi ko tinaboy ang matalik kong kaibigan? Kung sana ay nagbigay ako ng konsiderasyon sa kanya siguro sabay kaming pumasok sa kolehiyo. Wala na akong balita sa kanya. Ang huli ay dalawang taon na ang nakalipas. Pinili niyang mag-aral sa Maynila dahil lumaki ang negosyo ng pamilya nila. Binenta na nila ang mga ari-arian nila dito kaya nasisiguro kong hindi na sila babalik dito.

Isang kasinungalingan kung hindi ako lubos na nasaktan sa pag-alis niya. Walang paalam, walang yakapan na naganap. Sinisi ko siya dahil hindi niya ako hinintay pero narealized ko na naging unfair nga naman ako, tinaboy ko siya kaya may karapatan siyang magalit.

But... true friend will stay. Through ups and down, friends will stay. Kahit ano pang bagyo 'yan kung matatag kayo ay hindi kayo magpapatianod.

Maybe... just maybe... our friendship wasn't that strong enough to hold on. Our friendship was the living proof that people come and go.

She left me already, sino naman ang babalik?

"Nagkaroon ka na ba ng kaibigan?"

"I'm not into friends, La. Pumasok ako para mag-aral. Hindi para makipagkaibigan."

"But friends will help you..."

I smiled. "I'd rather be alone than to have friends. Sapat na kayo sa akin lola. I will pursue my dream for you. I'll make you proud of me."

Lola walked towards me. She the cupped my cheeks. "I am already proud of you, Chacha." I smiled.

Napapadalas ang mga ganitong litanya niya sa akin. Matanda na si lola at alam kong gusto niyang gawin ang mga bagay na gusto niya habang maaga pa. She always tells me to see the mountains with me. The calming ocean, and the dashing sky. Pero sa tuwing sinasabi niya sa akin 'yon ay tila kinukurot ang puso ko. Magiging tapat ako, hindi ako handa na mangyari 'yon. Two people already left me, I cannot bear another one. Lalo na sa panahon ngayon.

"You will be the bravest apo in the world."

Kinabukasan ay maaga akong nagising para sa unang klase ko. Pinusod ko ang aking buhok at nilagyan ng kaunting kolorete ang aking mukha. It was my first time doing some make-up which I find myself more prettier. Ang sabi ni lola ay dapat daw maganda akong tingnan dahil ako ay isang kolehiyana na. Lalo na't maraming silat at mayayaman na tao ang makakasalamuha ko.

Lola has been teaching me how to act since I am already Salanueva. Natatakot lang siyang malantad ako dahil sa aking nakaraan. But if I were to choose right now, I will said the truth. The truth that I am not a Salanueva and will never be. Ayokong mabahiran ng maruming bagay ang pamilya nila. Kahit ba tahimik ang pamilya ay makapangyarihan parin sila.

Two years of living with them has been tough for me. I've been yearning for my lost parents and lola have seen me at my worst. May pagkakataon na gusto kong hukayin ang libingan ng mga magulang ko para lang sumama sa kanila ngunit pinipigilan ako ni lola.

No one know who did the cruel things for my parents. Lola hired veteran and prestigious investigators to find a lead but none of them knew what's really happened. Masyadong tago ang lugar namin para makahanap at awalan narin ako ng pag-asakaya pinatigil na namin ang paghahanap. I just pray in above for the miracle.

"Marcus is outside! Omg!" Lola's panicked. Tumayo ang ito at kahit hirap ay hindi alintana.

Kumunot ang noo ko. Did lola invite that man again?

"Please help lola. Thank you." Sabi ko sa isang kasambahay.

Inalalayan nito ang matanda palabas ng mansyon. Tuwang-tuwa ito ng makita ang lalaki. She even cupped his cheek and kissed him. Umiwas ako at sinimulan ng kumain. Nang matapos ay nilagay sa lababo ang pinagkainan.

"I'll go ahead now, lola." Sabi ko at saglit na tumingin sa lalaki. Nagkatinginan kami kaya kaagad akong umiwas.

"What? This early apo? Umupo ka muna dito." Aniya at tinapik ang tabi nito.

Sinunod ko na lang ang utos ni lola. May ilang minuto pa naman akong natitira. Umupo ako ng hindi kalayuan sa kanila. May pinag-uusapan sila tungkol sa negosyo ng lalaki. Panay ang tawa ni lola sa tuwing may sinasabi ito kahit wala naman akong nakikitang nakakatawa.

"Ihahatid ka ni Marcus apo kaya huwag kang mag-alala..."

Nanlaki ang mata ko. Hindi makapaniwala sa sinabi ni lola. Ang lalaki ay napatingin sa akin pagkatapos ay kay lola.

"Hindi ba, iho?" Sinabi nito lola at ngumiti.

"La!" Hindi pagsang-ayon na sagot.

Binasa ng lalaki ang ibabang labi nito. Natigilan ng ilang sandali bago sinagot ang matanda. "Sure, lola." Umiwas ito at parang nagpipigil ng ngisi.

Bumuntong hininga ako. Siguradong malaking abala ang ginagawa ni lola. Mamaya ay kakausapin ko siya tungkol dito. Kaya ko naman pumunta sa Dumarao College ng mag isa!

"Mag-ingat kayo. Marcus, ikaw na bahala sa apo ko." Kumaway si lola sa amin.

Binuksan ko ang likuran ng sasakyan niya. Tinaasan niya ako ng kilay. Tinatapan ko 'to.

"Sit in the front. Hindi mo ako bodyguard."

Inirapan ko siya. Fine!

Umupo ako sa harap ayon sa utos niya. Well... makikisabay lang naman ako ngayon sa kagustuhan ni lola. Sa susunod ay hindi na ako papayag na siya ang masusunod. Isa pa, napakalaking abala ang ginawa niya. Alam ko naman na busy ang taong 'to.

Kung bakit ba kasi pumayag siya, e alam ko naman ayaw niya!

"Kahit dyan mo na lang ako ibaba tapos lalakarin ko na lang." sabi ko at tinuro kung saan dapat niya na lang ako ibaba. Hindi siya umimik at nagpatulog sa pagmamaneho hanggang sa nilagpasan ang street na dapat kong babaan.

"Bakit tayo lumagpas? Doon ako bababa sabi ko diba?"

"No."

"What? Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko doon-"

"Stop being childish, Chacha! Sa building niyo ikaw baba!"

Nanlaki ang mata ko sa pagtaas ng boses niya. Tumigil ang paghinga ko ng sandali. Sa buong buhay ko ay walang naglakas ng loob na gawin 'yon sa akin. Siya lang! Ang kapal ng mukha niya! Sino ba siya sa tingin niya?!

"Ako pa ang childish ngayon?!"

"Stop shouting! Geez!"

"Ikaw ang nauna! Kung binaba mo ko doon. Hindi ako sisigaw!"

"Yeah, we're fighting for that petty things right."

"Do you think this is petty things, right?!" I sarcastically answered him back. "Stop the car."

"No."

"I said stop the car!"

"I said no!"

"What's wrong with you?!" Sa pinakamalakas na pasigaw kong sagot ko. There, he shut up.
I don't know why we're fighting. Kung sinunod niya lang ang gusto then we're done! He really thinks ba na ako pa ang Chacha na nakilala niya?

"I'm sorry." Seryosong sabi nito. Lumunok siya ng mariin. His eyes pierced on me. Masyadong malalim 'yon para saluhin ko. Umiwas ako. He's confusing me. He left then came back and acted like nothing happened.

Halos ayaw pumasok sa utak ko ang mga lessons na tinuturo ng professor. Malinaw pa sa isipan ko ang pagtatalo naming dalawa kanina. Iniwan ko siya at hindi na nagpaalam. Basta nagdiretso lang ako ng lakad. Iniwasan ko na huwag makatulog sa klase para hindi ako pagalitan. Buong maghapon ay nakatulala lang ako.

Pinaikot-ikot ko sa aking daliri ang ballpen habang nasa labas ang tingin. Nahulog ito at kukunin na sana ng may nagbigay sa akin.

"Thank you."

Ngumiti ang babae sa akin kaya nginitian ko ito pabalik. Maganda siya at maputi. Matangos ang ilong at mahaba ang pilik-mata.

"You're welcome. Uhm..."

"Hmm?"

"Napansin ko kasing balisa ka. I'm sorry for asking but... are you okay?" Sa maingat nitong tanong.

"Yeah. A bit sleepy but fine." I smiled.

"I'm Lodia by the way. You." Nilahad nito ang kamay kaya tinanggap ko. "You can call me Chacha."

"Nice to meet you Chacha. What course you're taking?"

"Business."

"Oh? Same!"

Alangan akong ngumiti, hindi sigurado kung nagbibiro siya dahil matagal na kaming magkatabi, hindi lang nagpapansinan. Katulad korin siya na walang kinakausap. Nakikinig lang siya o kaya itatago sa ilalim ng lamesa ang cellphone para magtext.

Napansin kong jolly person siya at friendly. Palakwento rin kahit di ko naman siya tinatanong. I find her comfortable to be with. She always ask me random questions like what am I so pretty? Ano daw secret ko. Or do I even have boyfriend? Hanggang sa napunta sa first kiss. She just like asking me out of a blue and I'm really thankful because she makes my day somehow.

"I'm from Manila actually but my family had to fix some mess here so I had no choice but to stay ." She said while we were having a break from our literature class.

Naging kuryoso din kasi ako sa kanya dahil halatang hindi siya taga dito. Madyado class ang dating niya parin sa akin kaya una palang ay nalaman ko kaagad. Nakumpira ko na lang kahit sinabi niya.

"May susundo sayo?"

Katatapos lang ng klase namin at nag-aya siyang kumain kami sa labas. Nagutom daw siya. Natawa na lang ako. Kumain na siya ng palihim kanina hindi pa pala siya nabusog sa lagay na 'yon.

"Wala! Nag-jejeep lang ako ng pauwi."

"Oh? Eh, sino yung naghatid sayo na itim na sasakyan?" Maloko siyang ngumiti sa akin. Uminit ang pisngi ko.

"Wala yun!"

"Boyfriend mo? Okay lang ano ka ba!" Sa natatawa niyang sinabi pagkatapos ay tinapik ako ng malakas dahilan na pagkawalan ng balanse ko.

"He's not my boyfriend. He's..." Napatigil ako. Nag-iisip kung ano ba dapat kong idugtong. He's not my friend my either. Hindi ko alam kung anong relasyon ang matatawag sa panahon na nagkakausap kami.

"He's my friend." Patuloy ko. I smiled. Mas mabuting ganun na lang. Wala namang masama sa pagiging magkaibigan diba?

Lalong lumawak ang ngiti niya dahilan kung bakit naiirita lalo ako. Kahit anong pag-dedeny ko ay ayaw niyang maniwala. Gusto kong pahabain ang paliwanag ko ngunit ano pa ang saysay kung  papaniwalaan niya lang ang gusto niyang paniwalaan? Pinili kong tumahimik na lang at makinig sa mga kanyang sinabi.

"Oh. My. God!" Napahawak sa bibig si Lodia at nanlaki ang mata.

Sa kalayuan ay may nakaparadang itim na sasakyan. Sa gilid nito ay may nakasandal na lalaki, nakapamulsa at malayo ang tingin. He's wearing a black polo shirt tucked in with his black pants. Tinernuhan niya 'yon ng brown leather shoes. Nang makita ako ay tinanggal nito ang shades.

"You're a bit early." Aniya at tumingin sa tabi ko.

"Bakit ka nandito?" Kuryoso kong tanong dahil wala naman akong sinabi sa kanyang sunduin ako. Saka hindi niya alam ang oras ng tapos ng klase ko kaya papaano niya nalaman?

"I'll fetch you." Sinabi niya at sinabit ang shades nito sa leeg.

Pinagtitinginan kami ng ilang estudyante. Takang-taka kung bakit may gwapong lalaki na napadpad sa college namin. Wait! And... did I just declare he's handsome?! Well... totoo naman 'yon! Humaling naman talaga ako sa kanya. Noon.

"It's fine. Sasabay ako kay Lodia..." Sabi ko at hinigit ang katabi ko. Bumaling sa akin ang kaibigan at nanlalaki ang mata. Hindi makapaniwala sa binitawan kong salita. Wala naman kami kasing napag-usapang sabay kaming uuwi. Kakain lang dapat! Speaking of kakain...

"Saka kakain muna kami. Diba?" Sabi ko sabay tingin kay Lodia. Mabilis siyang tumango.

"Then I'll come with you."

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Bawal sumabay sa inyo?"

"Oo!"

"Then give me a valid reason then?" Umismid ito, halatang nagugustuhan ang nangyayari.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at hinila na ang kaibigan. Alam ko sarili ko na hindi ako makakapagbigay ng tamang rason. Bahala siya dyan! Para siyang aso, sunod ng sunod!

Dinala ko si Lodia sa karenderya malapit sa college pero nagsisi narin ako kung bakit dito ko siya dinala dahil kanina pa siya nagrereklamo na ang init at amoy pawis ang lugar.

"Tumahimik ka na! Ito lang ang kaya ng budget ko."

"What? Are you that poor?"

Nang-iisulto ba siya o nang-aasar? Alin sa dalawa?

Hiyang-hiya na ako sa mga tao sa lugar. Nanghingi na lang ako ng depensa at sinabi kong hindi ko na dadalhin ang kaibigan. Never! Baka mapaaway pa ako dito!

"What is this?" Tanong niya sabay turo doon sa tokwa.

"Tokwa yan! Masarap yan! Orderan ko na ah!" Tumango naman siya pagkasabi ko. Siya naman magbabayad saka para matikman niya rin. Wala bang tokwa sa manila?

Umorder ako ng goto, saka siomai dahil bestseller ito ng karenderya.

"Oh ikaw anong gusto mo?" Tanong ko sa lalaking sumabay sa amin. Umupo siya sa tabi ko. Ang mga tao sa lugar ay panay naman ang tingin sa kaniya. Ngayon lang yata sila nakakita ng tao!

"I'll just get what you order."

"Sure ka?"

"Yeah." aniya. May kinuha siya sa bulsa niya at pinahid ito sa noo.

Napaka unfair talaga ng mundo. Kahit pawis na pawis siya, napakabango niya parin. Nacoconcious tuloy ako sa amoy ko!

Ilang minuto lang ay dumating na ang pagkain namin. Mainit pa 'yon. Nagulat ako ng kinuha ng lalaki yung akin saka hinipan.

"T-thank you."

He smiled. "Your welcome."

Lumunok ako ng mariin. Nagkatinginan kami ni Lodia. Napapailing ito at di maitago ang mapaglarong ngiti. Nakakainis! Mas lalo ko lang siyang binigyan ng ideya sa mga paratang niyang boyfriend ko itong katabi ko!

"Sir! Ilan taon ka na?" Si Lodia at patuloy ang pang-aasar sa akin.

"I'm 28 years old." Maikli nitong sinabi. Kumuha ito ng siomai at nilagay 'yon sa bowl ko.

"Nanliligaw ka kay Chacha?"

Napaubo ako sa biglaang tanong ni Lodia. Uminom ako ng tubig pero lalo lang ito lumala. Binigyan ako ng tissue ng lalaki. Pinahid ko 'yon sa gilid ng labi ko.

Mariin kong tinapunan ng tingin si Lodia habang pinupunasan ang sarili. Kung kami lang sigurong dalawa dito ay kanina pa ito tumatawa ng lakas.

Natahimik akong nagsimulang kumain. Nagpasalamat na hindi na ulit ginatungan ni Lodia ang mga tanong niya. Tahimik narin siya at paminsan-minsa sumusulyap sa kasama namin. Nagustuhan nila siguro ang mga pagkain dito dahil naubos nila. Sayang lang at hindi ko na sila madadala dito. Ang dami pa kasing nasasabi, kakain na lang, eh!

Tumayo na ako at pumunta sa counter para magbayad. Nilapag ko ang aking bayad pero kinuha 'yon ng lalaki at naglapag ng card.

Kinuha ko 'yon at binalik sa kanya. "Kayo kong bayaran ang sarili ko. Saka hindi ito restaurant. Di sila tumatanggap ng card." Binalik niya sa wallet ng card at naglabas ng isang libo. Kinuha niya ang pera ko at binalik sa akin. Nanlaki ang mata ko.

"Here's our payment. Keep the change."

Ang ale naman ay tuwang-tuwa. What the hell! Sobra-sobra 'yun sa kinain namin! Ilang take out na yon ah! Ang lalaki to! Por que mayaman! 

"Ngayon lang 'to! Sa susunod ako na magbabayad sa sarili ko!" Depensa ko dahil hindi niya pinayagan na ako ang magbayad para sa sarili.

"Thank you sir sa libre! Sa susunod ulit, ah!" Panunukso ni Lodia. Umikot ang mata ko. Masaya siya dahil nakalibre.

"Ihahatid ko na kayo." Sabi ng lalaki sabay tingin sa akin.

Hinablot ko si Lodia sa siko niya. "May pupuntahan pa pala kami. Mauna ka ng umuwi. Magjejeep na lang ako." Pagkukunwari kong sinabi.

Nilapit ni Lodia ang bibig sa tenga ko at may binulong. "Wala naman tayong napag-usapan kung saan tayo pupunta, ah?" Tanong nito kahit alam ko ng may ideya siya sa totoong gusto ko.

"Then, ihahatid ko na lang kayo kung saan kayo pupunta." Tumaas ang kilay ng lalaki na binalingan ako. Naglalaro rin ang ngisi sa kanyang labi.

Bumuntong hininga ako. "Sa likod na ako." Boluntaryo kong sinabi ng papasok na kami ng sasakyan.

"Huh? Pero kailangan may katabi ang driver." Si Lodia na binuksan na pinto sa likod.

Nagkatinginan kami ng lalaki. "You sit in the front, young woman." Aniya at sumakay na sa drivers seat.

Umawang ang bibig ko. What did he just said? Naiwan ako sa labas na nakatunganga, bigo ang kalooban at walang nagawa kundi pumasok sa harap ng sasakyan.

Umayos ako ng upo. Lumapit siya at ilang pulgada na lang ang lapit ng mukha sa akin. Halos dumikit sa katawan ko ang pabango niya. Nahigit ko ang aking hininga.

"What?!" Histerya kong tanong habang ang kamay ay nakaharang sa mukha. Nagtama saglit ang aming mga mata. May kinuha siya sa likod ko at kinabit sa aking gilid.

"Seatbelt first for your protection, young woman." Aniya at naiwan ang ngisi sa labi.

Tahimik akong bumuga sa hangin. What the hell was that?!

Nagpababa lang si Lodia sa may kanto dahil biglaang pupuntahan daw siya. As if maniwala ako! Ayaw niya lang pahalata na gusto niya akong maiwan ng matagal nitong katabi ko. Sa susunod talaga mag-papaliwanag ako sa kanya na walang namamagitan samin ng lalaking ito.

Nakita kong may pulang sasakyan na nakapark sa labas ng mansyon. Lumabas si Lola ng malamang paparating kami. Naka-bestida ito at animo'y may pagtitigpon na gaganapin. Tinabi ni Silver ang sasakyan niya sa pulang sasakyan.

"Lola!" Niyakap ko siya ng mahigpit. Sa tuwing umaalis ako ay namimiss ko siya kahit isang araw lang akong nawala.

"My beautiful, apo." Sinuklay ni lola ang nakalugay kong buhok. Sinabit niya sa tenga ang ilang hiblang humarang sa aking mukha.

"Thank you for bringing her home safely, Marcus."

"My pleasure senyora."

"Halika apo, may ipapakilala ako." Kumapit si lola sa aking siko. Inalalayan ko naman siya papasok.

Pagbungad ay natawaw ko ang isang matangkad na babae. Maganda at maputi ito. Ang buhok na nakalugay ay nasa gilid. Nakasoot siya brown blouse at above the knee skirt na hapit sa kanya. Tinernuhan niya 'yon ng heels kaya lalo siya naging matangkad. Bigla tuloy akong naconcious.

"Apo meet Celine Vergara." Naglahad ang babae ng kamay na kaagad ko namang tinanggap.

"Charmaine Serenity. But you can call me, Chacha." Natawa ito sa huling sinabi ko kaya kumunot ang aking noo.

"I am sorry. My bad." Aniya at mahinang natatawa.

Tumingin ang babae sa likod ko. Napatakip ito ng bibig. "Oh my God! Is that Marcus?!"

Tumakbo ang babae at nasanggi pa ako nito dahilan ng kaunti kong pag-atras. Niyakap nito ng mahigpit ang lalaki. Hinagkan pa ang pisngi nito. Umiwas ako. Iginiya ang senyora para maupo.

"She our family friend. Her grandparents are my good friends back when they were still alive."

"I am sorry to ask this lola but what were the reasons?"

"Car accident."

Tumango at tinikom ko ang aking bibig. Tanaw ko ang dalawa na patuloy sa pag-aasaran. Ang lalaki ay natatawa kapag may nasasabing nakakatawa ang babae. Kung minsan ay nasasapak pa nito ang dibdib niya.

Naramdaman kong tila may pagkirot sa aking dibdib. Muli akong umiwas at tumingin sa aking kamay.

"They were supposed to engage two years ago..."

"P-po?" Hindi makapaniwalang sinabi ko. Naisip ko na sa mga panahon na nag-uusap kami ay...

Bakit ba masyadong kang assumera, Chacha! Kaya ka nasasaktan, e!

"No one knows the reason why it cancelled. Dumalaw pa nga mismo si Celine dito noon para imbitahan ako ngunit nalaman ko na lang na hindi natuloy ang planong engagement nilang dalawa. Sayang..."

Tumango ako. Tila sumikit ang dibdib at hindi makahinga.

"Sayang pala talaga." Bulong ko.

Continue Reading

You'll Also Like

The Mayor By Dany

General Fiction

14M 255K 61
.
25.2M 729K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
27.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
187K 13.5K 39
Hindi naniniwala si Joella sa true love. Para sa kanya hindi nag e-exist sa mundo ang true love. Dahil kung totoo ang true love bakit iniwan nang tat...