Crescent Moon

By walangmagawa1210

435K 10.2K 1K

Magpapakasal na sana si Kat sa boyfriend nya ng hindi inaasahang bawian ng buhay ang kasintahan sa isang trah... More

Crescent Moon ( Short Story)
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chpater 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Epilogue

Chapter 12

13.7K 470 32
By walangmagawa1210

Date uploaded July 11, 2014

Hallo to yanna! yung ka chat ko kanina. :)

Chapter 12

Kat

Ok. How can I defy time? Wait lang. Mali ata ang iniisip ko. I have already defied time. Nandito na nga ako sa hindi ko panahon. Ang mas tamang tanong ay paano ko ma-b-break ang rule ni manong buwan.

Bumangon ako sa higaan at binuksan ang pinto ng balkonahe ng kwarto. Lumabas ako dito at tinanaw ang madilim na paligid. Tumingin ako sa buwan. As usual, napakaganda nito.

"Alam mo, akala ko dati palamuti ka lang sa gabi na nagpapaliwanag sa madilim na paligid. Pero hindi ka lang pala nagsisilbing ilaw. Marunong ka din pala manggulo ng buhay. I'm such a mess right now and it's all becuase of you!"

Hindi naman ako galit kay manong buwan, sobrang stress kang ako at kailangan kong mailabas maski paano ang nararamdaman ko.

Kahit mag-aalas tres na ng madaling araw ay hindi pa din ako dalawin ng antok. Pilit kong hinahanapan ng paraan kung paano ako mananatili sa panahong ito. Willing si Juaquin na hindi ituloy ang kasal nila ni Amparo para sa akin. Pero dahil sa walang katiyakan ang pananatili ko dito ay mabuti na daw na isakatuparan na lang nya ang plano ng kanyang mga magulang.

Masakit para sa akin na ikasal sya, mas lalo na sa babaeng alam ko naman ay magiging miserable lang ang buhay nya dito. Payag pa ako kung kay Amour, pero hindi pa rin. Selfish na kung selfish. I WANT JUAQUIN FOR MYSELF! Tamaan na ako ng kidlat, pero mahal ko na talaga sya.

"Ok.. sige..." I said talking to myself. mabuti na lang at mahimbing na natututlog ang mga tao dito sa bahay. Nandito kami ngayon sa mansyon ng mga Mendez sa bayan na hindi kalayuan sa bahay nila Amparo. Mas malaki ito sa bahay nila amparo kaya mas lalo itong nakakaligaw. Almost the same din ang structure pero mas homey ang feeling dito, hindi katulad sa mansyon ng del valle, maganda, malaki, pero may something e, na parang hunted house lang ang peg.

" paano nga ba ako napunta dito? Hmmm."

Syempre, kailangan kong i-trace ang root ng pagkakabalik ko sa panahong ito. I can still remember what the article said. May isang bagay na nag-exist noong panahon na ito na nag-e-exist hanggang sa panahon ko. Iyon ang puno. Hmmmm. Kung putulin ko kaya ang puno? Bka iyon ang link sa panahong ito, sa panahon ko. Kung mawala iyon, baka maputol ang link. Kaso baka naman ipakulong ako ng DENR. Heheheh. Wala naman akong magagawa sa lugar. Kakaiba ang enerhiya sa lugar na yon. Meron pang kasama sa equation e, ang energized object na dala ko non ay ang IPAD ko. E kung wasakin ko kaya iyon? Kaso naman.. Sa lahat ng gadget ko, iyon ang paborito ko huhuhuhu.. Maaatim ko bang sirain yon?

E ano ba ang mas mahalaga Katrina? Yung IPAD o si Juaquin?

No contest naman yon. Syempre si Juaquin. E kung yung cellphone ko na lang ang wasakin ko? At least iyon mas mura.. Hehehee... Or kailangan bang sirain ko pareho? At putulin ko din ang puno?

I'll do anything kung iyon lang ang paraan na mapanatili ako dito.

I was lost in my thoughts when something caught my attention. From across the street, may naaninag akong tatlong lalake na nag-uusap usap. Hindi mo sya mapapansin sa una dahil madilim ang paligid. I tried to focus my eyesight on them. Base sa kanilang kasuotan, mga aristikrata ang mga ito. Pero bakit sa ganitong oras sila nag-me-meeting at hindi man lang ginawa sa loob ng bahay? Hmmm... anong meron?

Maya-maya pa ay may dumating na limang lalake, na tipong parang magsasaka.

Nag-shoot-up ang curiosity ko. Something is not right here. Sino itong mga ito? Trouble makers? Nabalitaan ko sa mga katulong sa hacienda na may mga gumagalang taong ligaw tuwing gabi. Na-alala ko din na sinabihan ako ni Dona Estelita na wag na wag akong lalabas tuwing gabi. Sila kaya yung tinutukoy nila?

Maya-maya pa ay naglakad papalayo ang mga lalake, pero isa sa kanila ay lumingon. I gasp as I stepped back. No! this can't be!

Anong ginagawa si Juaquin kasama ang mga lalakeng iyon? I don't know if they are the good guys or the bad ones. Ang alam ko lang kasama nila si Juaquin. BAKA NAMAN MAY GAWIN SILANG HINDI MAGANDA SA KANYA!

Oh my gosh!!! Kailangang sundan ko sila!!! Baka mapahamak si Juaquin!

Kumuha lang ako ng balabal sa kwarto at nagmamadali na akong lumabas ng bahay. I ran as fast as I can hanggang sa maaninag ko na sila na naglalakad patungo sa bahagi ng siyodad na ang mga nakatira ay mga Indio.

Binagalan ko ang paglalakad ko para hindi nila ako mapansin. I kept my distance. Maingat na maingat ako na huwag makagawa ng kahit na maliit na ingay. Alam kong delikado itong ginagawa ko, dahil parang mga sanggano ang ilang mga kasama ni Juaquin.. Hala lagot! Baka naman kidnap for ransom ito! Hala!!!! Hindi pa naman uso ang cellphone dito o kahit man lang telepono para makatawag ng mga pulis! I mean, gwardya sebil ba ang tawag sa mga pulis/sundalo? A ewan! Kahit na ano pang tawag sa kanila, wala akong pakialam. Basta kailangang malaman ko kung saan nila dadalhin si Juaquin at tatawag na ako ng pulis!

Sinundan ko sila hanggang sa makarating sila sa isang kubo. Parang walang nakatira doon at abandoned na dahil napakadilim sa loob.

Inantay ko na maisarado nila ang kubo bago ako lumapit. Lumiwanag ng kaunti ang loob ng kubo, nagsindi siguro sila ng kandila.

"Anong nangyari at pumalpak ang plano?" sabi ng isang lalake na hindi ko kilala ang boses.

"Hindi lang 'yon. Nadakip pa ang ilan sa mga kasama natin sa kilusan."

"Malamang ay may nag-t-traidor sa atin."

"Nakakapagtaka dahil alam nila ang mga kilos natin. Mayroon ngang nag-t-traidor sa atin at kailangang mahuli natin kung sino sya. Kung hindi, babagsak ang kilusan. "

What the heck! Anong pinag-uusapan nila?

"mas makakabuti kung mananatili muna kayo sa lugar na ito. Huwag muna kayong babalik ng Maynila hanggat hindi naming nahuhuli ang tumatraidor sa atin."

Nanahimik sila. If my hunch is correct, mga grupo ng mga rebelled sila.

"Paparating na ang mga armas dala ng mga barko, at dadaong na ito sa maynila sa susunod na linggo. Ngunit kung ganyan ang sitwasyon sa Maynila, mas mabuti pang wala munang ibang makaalam nito."

SI JUAQUIN! Hindi ako nagkakamali. Boses ni Juaquin yon! Tama ba ang narinig ko?! HINDI SYA HOSTAGE! Kabilang din sya sa grupo ng mga rebelde!

OHHMYY GOSH!

May biglang humawak sa braso ko ng sobrang higpit at halos kaladlarin ako.

"Anong ginagawa mo dito! Isa kang espiya!" Marahas na sabi nung lalaking kumakaladkad sa akin ngayon.

"No! NO! NO! Hindi ako spy! Promise!"

Pero hindi nakinig sa kin yung lalake at tuluyan na akong kinaladkad papasok ng kubo. At hindi pa sya nasatisfy doon. Ihinagis ba naman ako pagkapasok na pagkapasok sa kubo, kaya sumalampak sa upuan! Mabuti sana kung kutson iyon.. E RATAN! Grabe naman!!!! Magkakapasa na nga ako, magkakasugat pa ako! MASAKIT A!

Akala ko ba nasa Spanish Era ako? E kung umasta yung bwisit na lalakeng yon, masahol pa sa laking squatter! WALANG GALANG SA BABAE!

Tumayo akong bigla at hinarap ko yung lalakeng nanalbahe sa akin! AKALA NYA! Hindi ako si Maria Clara na iiyak na lang sa isang tabi kapag inapi! Gabriela Silang ata ang beauty ko!

"ANO BANG PROBLEMA MO! HOY LALAKE! HINDI AKO NATATAKOT SA YO! AT BAGO KA MAMINTANG, DAPAT INAALAM MO MUNA ANG TOTOO! PASAWAY KA NANANKIT KA KAAGAD!!! "

"Anong ginagawa mo sa labas ng kubo at nakikinig sa usapan. Isa kang Espiya!"

"SA GANDA KONG ITO ESPIYA AKO! EXXXCCCCUUUUSSSEEE MMMEEEE!"

"Katrina?"

Sa sobrang galit ko ay nakalimutan ko ang ibang mga tao na sa loob ng kubo. Lahat sila ay nagtataka kung anong nangyari at kung ano ang ginagawa ko doon.

Lumapit sa akin si Juaquin at inispeksyon nya ang katawan ko.

"May mga sugat ka. " Pag-aalalang sabi nya.

"E kasi naman, iyang kasama nyong gorilla. Padalos-dalos. Hindi man lang marunong magtanong!"

"Nakita ko syang nagtatago sa gilid ng kubo at nakikinig sa pinag-uusapan ninyo. Ano ang ibig sabihin non, hindi ba't kilos ng isang espiya ang kanyang ginagawa?"

Natahimik ang lahat. I looked around. These men means business. Mukhang mga seryoso sila, and they are all wearing a mean face.

"Kilala ko si Katrina. Ako mismo ang magpapatunay na hindi sya espiya. Isa syang panauhin at kasalukuyang nakatira sa aming tahanan. "

"Ngunit paano mo malalaman na hindi sya nagbabalatkayo lamang?"

"Alam ko ang kanyang pagkatao at ang kanyang pinanggalingan. Kung isa man syang espiya, ako mismo ang mananagot sa kilusan."

He drew me closer to him as if protecting me from the mean guys.

"Nasaktan ka ba?" Bulong nya sa akin.

"Medyo. Gaganti ako promise. Ang lagay, ganon na lang yon?"

Napatawa sya ng mahina.

"Ako na ang humihingi ng paumanhin sa ikinilos ni Matias. Mapanganib ang panahong ito at talagang nakapagtataka at nandito ka sa lugar na ito."

"E kasi naman e-"

"Mabuti pang mamaya na tayo mag-usap."

Pinaupo nya ako sa upuang pinagsalpakan ko kanina.

"Sa susunod na lang natin ituloy ang ating pag-uusap. Bukas ay uuwi na kami sa Haceinda. Mas ligtas doon. " Tumingin sya sa isa sa mga mukhang katipunero. " Doon na kayo tumuloy sa kubong malapit sa batis, at doon na rin kami pupunta bukas ng gabi upang ipagpatuloy ang usapang ito."

"Sige, Senorito Juaquin. Tutuloy na kami." Nauna ng lumabas ang mga katipunero pero naiwan si Matias.

"Paumanhin Binibini. Hindi ko sinasadyang-"

'Hindi daw sinasadya... "

"Katrina.." Sabi ni Juaquin as if begging me to forgive the monster!

"Hmmmpp.. o sige na nga. Pinapatawad na kita. " Wala sa loob na sinabi ko. E kasi naman, pumipintig yung braso ko na hinawakan nya na parang vice grip! Sure talaga ako na magpapasa ito.

Ng makaalis na ang limang lalake ay hinarap ni Juaquin yung dalawang lalakeng nakita kong kausap nya sa tapat ng bahay.

"Katrina, sila ang mga kaibigan ko. Si Salvador at si Iñigo."

"Kinagagalak ka naming makilala binibini. Ikaw pala ang palaging ikinukwento ni Juaquin. " Nakangiting sabi ni Salvador. Hindi naman pala sya mukhang sanggano kapag nakangiti.

"Ikinukuwento? Talaga? " Kinabahan ako sa sinabi nya, hindi kaya alam na nila ang pagkato ko. " Ano ang mga bagay na naikwento ni Juaquin tungkol sa akin?"

"Na napakaganda mo. At hindi sya nagsisisnungaling."

Wow a! uso na rin pala mga bolero sa panahong ito.

Si Iñigo dedma lang. Ok suplado naman ang peg nito.

"Bukas na lang tayo mag-usap. " Sabi ni Juaquin. " ganoong oras din, sa dating tagpuan. "

Palabas na kami ng kubo ng magsalita si Iñigo. "Mag-iingat kayo, delikado na ang panahong ito."

Pinatay na nila ang kandila at umalis na kami ni Juaquin.

Hindi kumikibo ni Juaquin habang naglalakad kami pabalik ng mansiyon.

Ako naman ay napakaraming gustong itanong. Pero kahit isang salita ay walang lumalabas sa bibig ko.

"Paumanhin sa mga nangyari kanina at nasaktan ka. ngunit, hindi ko alam kung paano ka napunta sa lugar na iyon?"

Huminto sya sa paglalakad nya at niyakap nya ako ng mahigpit na dahilan ng malakas na pagkabog ng dibdib ko! Remember the sparks that I have whenever we have physical contact? Grabe lang, pakiramdam ko nag level-up ang intensity nito!

"Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala ng makita kitang kinaladkad ni Matias. "

"Juaquin... Ok lang ako promise. Huwag ka ng mag-alala."

Hinawakan nya ng magkabilang kamay nya ang mukha ko.

"Ipangako mo sa akin Katrina na hinding hindi ka na lalabas ng bahay mas lalo na sa ganitong oras. "

"pero---

"Ipangako mo.. "

Napabuntong hininga ako.

"Ok.. sige.. para sa yo.. hindi na ako lalabas ng gabi. "

Napangiti sya.

"Humihingi na rin ako sa iyo ng paumanhin... dahil hindi ko na kaya pang pigilan ang sarili ko.."

"Huh? Baki-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko at naramdaman ko na lang ang mga labi nya na dumapi sa mga labi ko!

Oo.. nabigla ako..but in a nice kind of way. Pakiramdam ko na ang puso ko ay sasabog. Kung kanina ang pakiramdam ko sa mga sparks ay nag-intensify.. ngayon, pakiramdam ko ay parang bolta-boltahe na ng kuryente ang nararamdaman kong dumadaloy sa katawan ko!

Nakapikit pa ako ng maghiwalay ang mga labi namin. We are still not ready to let go of each other. Our foreheads touched as we continue to enjoy this closeness.

"Paumanhin Katrina. Hindi ko sasabihin na hindi ko sinadya ang ginawa ko."

"Please don't say sorry. Dahil.... "

Sasabihin ko ba sa kanya ang nararamdaman ko? What if I say the words and we can no longer let go of each other?

I'm falling sooo hard that is hurts!

"Dahil?--- " tanong ni Juaquin...

"Dahil... "

Arrrggggg! I can't say it!

"Nothing... I just can't let you go... "

..... and I love you Juaquin.

Continue Reading

You'll Also Like

68.2K 4K 16
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
127K 1.9K 29
Adetram Series Book 1 Long time ago, Humans and Mages live together in harmony. Some of the mages love and married humans which resulted to a conflic...
992K 28.4K 61
Wala naman akong hinangad kungdi katahimikan at bagong buhay. Pero nalaman ko na hindi pala ganoon kadali makuha ang mga bagay na gusto mo.
76.5K 1.6K 18
Simula pagkabata nawalan na ng paningin si Cassy dahil sa isang aksidente, labing-limang taon siyang hindi nakakakita hanggang sa magkaroon siya ng e...