Chapter 4

23.5K 524 44
                                    

Chapter 4

Kat

"Huy naman.... Sige na please, parang awa mo na.... ... Ibalik ma na ko sa min.... " Para akong tanga na kinakausap at nagmamakaawa na nakatingala sa buwan... kung may nakakita sa kin nito, sasabihin na baliw ako.

"Kung gusto mo.. luluhod pa ako.... Hindi ka ba naawa sa kin? Hindi talaga ako pwede dito... masisira ang ulo ko ditto! Promise!!!"

Lumuhod ako at ipinagdikit ko pa ang dalawang kamay ko na parang nananalangin... with matching paawa epek pa sa mukha... yung tipong mukhang nilapastangan... baka naman makunsensya si manong buwan... at ibalik na ko agad-agad,, as in, now na!

"Please naman po... nagmamakaawa na talaga ako.... Ibalik mo na ko bago ka pa maging half moon.... Please, please, please, please, please........... "

Isang buwan na ang nakalipas simula ng mapunta ako sa panahon na ito...

Umikot ang buwan at ngayon ay pangatlong araw na ng crescent moon. At tatlong araw na rin akong pabalik balik sa lugar na ito at patuloy na nagmamakaawa sa buwan na ibalik na ako sa pinanggalingan kong panahon...

"I can't take this anymore... hirap na hirap na ako!!!! Huhuhuhuhuhuhuhu! "

Mabait naman si Jauquin at ang kanyang mama na kasama nyang nakatira sa hacienda.

Pero syempre, as conservative as they are, due to their era, hindi maiiwasan na magalit nung inuwi ako ni Juaquin sa bahay. Kung makatitig sa kin noong una nya kong nakita,,, parang lalapain ako ng buhay!!!

Nag-sneak-in kami sa malaking bahay at walang ibang nakaalam na si Juaquin ang nagdala sa kin doon kundi ang anak ng mga katiwala nila na si Enrico, yung lalaking inutusan ni Juaquin na ihiram ako ng damit.

Idineretso ako sa kwarto ng mama ni Juaquin at doon ay sinalubong kami na parang nanggagalaiting aso... as in, labas lahat ng ugat sa leeg at mukha... nyiii... talaga.. katakot to the max...

Ng medyo mahimasmasan ay ipinaliwanag ni Juaquin at sitwasyon , at nagbago ang aura ang mama nya. Nuong una ay hindi sya makapaniwala.. akala nya nahihibang kaming lahat at gumagawa lang ng istorya. Nung ipinakita ko sa kanya yung laman ng bag ko na puro gadgets, doon sya nagtaka at ng lumaon ay niwala na...

Para hindi magsuspetsa ang mga tao sa paligid, Ipinalabas nila na malayo akong kamag-anak ng mama ni Juaquin at nagbabakasyon. Kung dumating man ang Papa ni Juaquin, na mas namamalagi sa Maynila o kaya naman ay sa Eurropa, ay hindi rin magkakaproblema, dahil walang ibang kilalang kamag-anak ang papa nya maliban sa mga magulang ng kanyang mama.

Ng nakilala ko ng lubos ang Mama ni Juaquin ay nalaman ko na napakabait nito, sobra nga e, kung ituring ako ay parang anak na rin nya. Purong Pilipino sya na nakapangasawa ng isang negosyanteng Espanyol na matagal ng namamalagi sa Pilipinas...

Dahil sa hindi namin alam kung kailan ako babalik sa panahon ko, o kung babalik man ako.. teka,...... delete, delete, delete... BABALIK AKO, SA AYAW O SA GUSTO MAN NG LECHENG BUWAN NA YAN... BABALIK AKO!!!!

As I was saying.... Dahil nga sa hindi namin alam kung kelan ako mamamalagi sa panahong ito, minabuti ni Dona Estelita na turuan akong mamuhay dito... at sinasabi ko sa inyo... WAG NYO NG PANGARAPIN NA PUMUNTA SA IBANG PANAHON!!!! As in... maawa kayo sa sarili ninyo.... Wag nyong paglaruan si Crescent Moon... iiyak lang talaga kayo.. .huhuhuhuhuhuhu.... Katulad ngayon... hindi naman sa awing - awa ako sa sarili ko... pero parang ganon na nga... huhuhuhuhuhuhuhu!

1 month! As in 1 month akong hindi nakakaharap sa computer!!! 1 buwan na walang internet, facebook, twitter at instagram!!! 1 month na walang WATTPAD!!!! Hindi ko na tuloy alam kung anong nangyari kay Sky, Josh, Alex at Chloe sa Falcon University!!!! Inaabangan-abangan ko pa man din ang update ng pinakamagandang author sa Wattpad na si Ms. Walang Magawa! Ang bagal kasi mag-update e! kainis... inabot tuloy ako ng time travelling ek ek na to!!!! Wish ko lang na pagbalik ko sa panahon ko, tapos na ang book 1 at nagsisimula na rin ang book 2! Haaaaaayyyyy! Naloloka na talaga ako!

Crescent MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon