Chapter 6

20.2K 492 32
                                    

Chapter 6

Kat

Mag-aalos-dose na nang hapon ng lumabas ako ng kwarto. Tinanghali ako ng gising dahil mataas na rin ang araw ng dapuan ako ng antok.

Ng Idilat ko ang mata ko ay nasa katirikan na ang araw. At nagmadali akong mag-ayos sa sarili at nagmamadaling lumabas ng kwarto.

HIyang hiya naman ako kay Dona Estelita at hapon na ako nagising. Alam ko naman na saksakan ng aga kung gumising ang mga tao dito.. Nakakhiya!

Napaka-hard working ng mga tao dito na kailangan ay sa ganitong oras ay marami ka ng nagawa, hindi ang ngayon pa lang babangon sa kama! Baka sabihin nila na sobra akong tamad!

Hindi naman masyado, slight lang diba?!

Sa sobrang pagmamadali ko ay naapakan ko ang laylayan ng pagkahaba haba kong palda at pabagsak na ako ng hagdanan!

Sinubukan kong balansehin ang sarili ko at humawak sa kapitan sa hagdanan pero huli na!

"AAAAAAAAAAAYYYYYYYYYYYY!!!!!!" Sigaw ko.

Namalayan ko na lang na nakadikit na ang mukha ko sa sahig. Mabuti na lang at 3 hakbang na lang ng hagdanan ng mahulog ako at hindi na man ganon kasakit ang inabot ko. Pahamak na palda to! Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako masanay sanay sa length ng mga damit dito... sanay lang ako na palaging naka shorts o kaya ay naka pantaloon. Hindi talaga ako mahilig din na magsulot ng palda, kahit nga sa opisina, palagi lang din akong naka-slacks...

Ano ba naman tong bukay na to.... Mahal na mahal ba talaga ako ng sahig o lupa o ano man ang nasa ibaba... bakit ba lagi na lang akong pinupulot sa lupa???

Aray ko naman! Pabangon na ako ng marinig ko ang mga nagmamadaling hakbang na papunta sa kinalalagyan ko.

"Iha! Iha! Naku! Anong nangyari? Nasaktan ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Dona Estelita kasunod nya si nanay conching at ang anak nitong si Amelia.

"OK lang po, ok lang po.. masyado lang akong clumsy.. hindi naman ako nasaktan. " sabi ko na nakahawag na bandang bewang ko na parang napuruhan sa pagkakabagsak.

Hindi pa man ako nakakatayo ay isang pang pares ng paa ang nagmamadaling dumating sa kinalalagyan ko at naramdaman ko na lang ang sarili ko na umangat sa sahig at binuhat papuntang salas...

This is really getting to be a habit...

Napatitig ako sa labis na nag-aalalang mukha ni Juaquin. At ang pakiramdam ko ay para akong inilulutang sa alapaap! At feeling ko rin na ang sakit na naramdaman ko kanina lamang ay nawala na!

Ang OA ko talaga! Pagbigyan nyo na ko! E hopeless romantic talaga ako e!!! hihihihihihihi!

Kung ganito ka-gwapo ang bubuhat sa kin araw-araw ay magpapahulog na lang ako parati sa hagdanan! Kahit na magkabali-bali ang mga buto ko.. OK LANG!

"Base sa iyong ngiti ay masasabi kong hindi ka nasaktan?" sabi ni Juaquin na may halong pagbibiro.

Am I smiling?

Do I look like an idiot right now? MALAMANG!

Naku.. obvious naman yata ako!

Ilabas mo muna Kat ang acting abilities mo!!!

Kunwaring nagsasakit sakitan ako at kungwaring iniida ko yung pagkakahulog sa kin....

Ngutnit mukhang mas lalong naaliw sa akin si Juaquin!

Mukhang hindi effective ang pag-iinarte ko!

Pero mukhang bumebenta naman ako kay Dona Estelita at mukhang nagimbal sa pagkakahulog ko at hindi mapakali!

Crescent MoonWhere stories live. Discover now