One Hundred Years #SA2018

By dark_queen18

83.1K 1.2K 1.9K

Hanggang kailan nga ba ang buhay ng tao? Minsan ba sumagi sa isip mo na hanggang kailan nga ba ako mabubuhay... More

Message
Prologue
Kabanata I - Ang Unang Pagtatagpo
Kabanata II - Pangamba
Kabanata III - Nagngangalit Na Damdamin
Not An Update
My Ideal Characters
Mensahe
Silver Dimayuga Story

Kabanata IV - Tinig Ng Isang Anghel

2.6K 152 421
By dark_queen18

A/N: Kumusta ang first day of school ninyo guys? May wattpader ba kayong kaklase?

______________________________________________________________________________________________

Kabanata IV

Tinig Ng Isang Anghel

Isang malakas na sigaw ang bumalot sa opisina ni Xenon dahilan upang mamutla sa takot ang kaniyang mga empleyado. Habang tuloy-tuloy naman ang pagbagsak ng luha ng kaniyang sekretarya.

"What the hell? I told you to make a report to our biggest client."

"Pasensiya na po hindi na mauulit ang kapalpakan ko," lumuluhang saad ng sekretarya ni Xenon habang nakayuko naman ang iba niyang empleyado.

Dahil sa sinabi ng sekretarya niya mas lalong nag-init ang kaniyang ulo sa narinig. Tila ba isang simpleng bagay lamang ang nagawa nito, kulang na lang ay mag-usok ang ilong niya sa tindi ng galit. Alam niyang gagahulin sila sa oras sapagkat labing-limang minuto na lang ay magsisimula na ang meeting nila.

"Talagang hindi na mauulit dahil tanggal ka na sa pagiging sekretarya mo."

Sa sinabi niyang iyon mas lalong napaiyak ang kaniyang sekretarya at napasalampak sa sahig. Habang humahangos namang pumasok ang isa niyang empleyado.

"S-Sir. Nalaman po namin na may nagnanakaw ng pera sa kompanya," tila natatakot na saad ng isa niyang empleyado.

Dahil sa sunod-sunod na problema hindi niya mapigilan na magwala sa sobrang galit. Ang mga papeles na nakapatong sa kaniyang lamesa ay kaagad niyang pinagtatapon. Habang takot na takot ang mga empleyado niyang nakayuko habang sunod-sunod ang pagbuhos ng luha ng mga ito.

"Napaka-inutil ninyong lahat ang simple-simple lang ng trabaho ninyo hindi pa ninyo magawa. All of you, tanggal na kayo sa trabaho ninyo! Ayokong makita ang pagmumukha ninyo simula ngayong araw!"

Mas lalong nag-iyakan ang kaniyang mga empleyado habang ang iba ay nagmamakaawa sa kaniya. Ngunit tila wala siyang naririnig sa mga ito sapagkat sarado na ang kaniyang utak para intindihin pa ang mga ito.

"P-Parang awa ninyo na po, huwag ninyo po kaming tanggalin. Kailangang-kailangan lamang po namin ang pera para sa aming pamilya," muling pagmamakaawa ng kaniyang sekretarya.

"Manahimik ka kung ayaw mong kaladkarin kita ngayon mismo!"

Hanggang sa lumuhod ang sekretarya niya habang nakahawak sa binti niya at kaagad na nagmamakaawa sa kaniya. Akmang tatanggalin na niya ang kamay na nakahawak sa binti niya nang biglang bumukas ang pinto ng kaniyang opisina. Iniluwa roon ay ang kaniyang kaibigang si Silver na gulat na gulat sa nabungaran nito. Kasunod ang babaeng nagpapagulo ng kaniyang isipan.

"Hala ka! Xenon, anong nangyari sa kamay mo? Bakit nagdurugo 'yan tapos bakit sila lumuluha?"

Sa tindi ng galit niya hindi na pala niya namamalayan na dumudugo na ang kamay niya dulot ng nabasag na baso. Bagamat may galit pa rin siyang nararamdaman pinili niyang manahimik na lamang, sa halip na sagutin pa ang katanungan ng dalaga.

"Tsk! Don't tell me dude nagwala ka na naman o baka naman sinesante mo na naman sila."

"Shut up Silver! Dapat lang 'yan sa kanila ang simple ng pinagagawa ko hindi pa nila magawa ng maayos."

Halos walang nagsasalita sa kaniyang mga empleyado at tanging hikbi lamang ng mga ito ang siyang maririnig sa loob ng opisina ni Xenon. Hanggang sa nagulat na lamang sila nang biglang magsalita si Aurora na siyang nakapukaw sa atensyon nilang lahat.

"Maaari na kayong lumabas, ako na ang bahala kay Xenon ikaw rin Silver labas ka muna saglit."

Nag-aalangan man ngunit wala silang nagawa kung 'di sundin ang dalaga na ngayon ay abala na sa pagtingin sa sugat ni Xenon.

"Tsk. Bakit mo sila pinalabas? Hindi pa ako tapos sa kanila."

"Huminahon ka nga Xenon, hindi makakabuti kung paiiralin mo ang galit diyan sa puso mo."

Hindi mawari ni Xenon kung bakit madali lang siyang napapasunod ng dalaga. Hanggang sa namalayan na lang niya na inaakay na pala siya ng dalaga papaupo sa sofa. Tahimik lamang siya habang pinagmamasdan na gamutin ng dalaga ang kaniyang sugat.

"Bakit mo ba ito ginagawa sa akin? Anong pinaplano mo?"

"Hindi ko alam, basta ang alam ko lang nakikita ko siya sa iyo," Kibit balikat na sagot ng dalaga sa kaniyang tanong.

"What do you mean?"

Sa halip na sagutin ng dalaga pinahiga siya nito sa sofa habang nakadantay ang kaniyang ulo sa hita ng dalaga.

"Hindi ko alam kung bakit nagagalit ka sa kanila pero, maaari ko bang itanong kung ano ang problema mo?" mahinahong pahayag ng dalaga habang marahan na hinahaplos ang buhok ng binata.

"Tsk! Huwag mo nang itanong lalo lang sumasakit ang ulo ko sa kapalpakan nila."

Ilang minutong natahimik ang dalaga sa sinabi ng binata hindi niya alam kung papaano ito pakalmahin. Hanggang sa maalaala niya kung paano niya pakalmahin ang taong mahalaga sa kaniya. Akmang babangon na si Xenon ng pigilan niya ito. Hanggang sa nagsimulang umawit ang dalaga na siyang nakapagpatigil kay Xenon.

Lavender's blue, dilly dilly, lavender's green,

When you are King, dilly dilly, I shall be Queen.

Who told you so, dilly dilly, who told you so?

'Twas my own heart, dilly dilly, that told me so.

Malambing ang ginawang pag-awit ni Aurora habang marahan nitong hinahaplos ang buhok ng binata. Sa hindi malamang dahilan tila naguluhan ang binata sapagkat pamilyar na pamilyar sa kaniya ang awiting kinakanta ng dalaga.

Call up your friends, dilly, dilly set them to work,

Some to the plough, dilly dilly, some to the fork.

Some to the hay, dilly dilly, some to thresh corn,

Whilst you and I, dilly dilly, keep ourselves warm.

Sa paraan ng pag-awit ng dalaga tila ba hinehele siya nito. Naguguluhan man pero pinili na lamang niyang manahimik at pakinggan ang malambing na pag-awit ng dalaga.

Lavender's blue, dilly dilly, lavender's green

When you are King, dilly dilly, I shall be Queen

Who told you so, dilly dilly, who told you so?

'Twas my own heart, dilly dilly, that told me so.

Hanggang sa hindi namamalayan ng binata na unti-unti na pala siyang nilalamon ng kadiliman. Kasabay nito ay ang marahan na paghalik ng dalaga sa kaniyang noo.

"Hindi ko alam ang nangyayari sa akin pero isa lamang ang alam ko. Kawangis na kawangis mo siya," mahinang saad ng dalaga sa natutulog na binata.

Kasabay nito ay ang pagpasok ni Silver na wari'y nagtatanong kung anong nangyari. Sinabi rin nito na hindi na tuloy ang meeting ni Xenon sa bagong kliyente nito dahil sa biglaang pangyayari.

"Kumusta ang mga empleyado niya, ayos na ba sila?"

"Oo. Sinabi ko na rin sa kanila na hindi sila mawawalan ng trabaho."

Sa sinabi ni Silver tila nakahinga ng maluwag ang dalaga. Ngunit pakiramdam niya ang may gustong itanong sa kaniya ang binata kaya siya na ang unang nagsalita.

"Alam kong may nais kang itanong, ano bang gumugulo sa iyong isipan?"

"That song, paano mo nalaman ang awiting iyon lamang ang tanging nakakapagpakalma sa kaniya?"

Isang matamis na ngiti ang isinukli ng dalaga kay Silver bago niya sagutin ang katanungan nito.

"Ang awiting iyon ay ang awiting madalas kong kantahin sa lalaking una kong inibig."

Bakas man ang pagtataka sa mukha ni Silver ay hindi na ito pinansin ni Aurora, sa halip muli niyang sinulyapan ang natutulog na binata. Isang malungkot na ngiti ang pinakawalan niya habang matiim na tinititigan ang mukha ng natutulog na binata. 

Hindi niya alam kung ano bang landas ang naghihintay sa kaniya pero handa siyang harapin ang problemang darating sa kaniya. Bagamat nagtataka si Silver wala na siyang nagawa kung 'di ang magpaalam sa dalaga na ngayon ay abala sa pagtitig sa mukha ni Xenon.

_____________________________________________________________________________________________

A/N: Pasensiya na medyo sabaw ang update ko ngayon. By the way, don't forget to vote and comment.

Any harsh or good comment buong puso kong tatanggapin. Thank you in advance guys.

READ. VOTE. COMMENT.

Continue Reading

You'll Also Like

34K 1.6K 114
• Completed • First story • bts and yoona story •includes: character chapters and side story of 7aces members
71.8K 2.2K 19
1 Project 15 Student The student were assigned to do a film and a group will only consist 15 They plan the project perfectly, a perfect that turned i...
1M 5.4K 7
BOOK 1 Kinilala kong kaibigan ay mabuti, Pagkakaibigan ay susubukin, May tunay at nagtraydor para mailigtas ang minamahal Pero sa pagdating ng araw M...
Ang Unang Reyna By Thia

Historical Fiction

16.4K 446 27
Ika-labindalawa ng ikaanim na buwan sa taon'g 1898, ako'y nasa dose anyos nang magtungo kami ng akin'g pamilya sa Cavite El Viego. Hindi ko maintindi...