Just to love you (THE BUDDIES...

By helene_mendoza

2.9M 56.3K 3.3K

Loner. Timid. Introvert. Those are just some of the qualities that Ellie Buencamino possess. She hates so... More

Les Samson
Ellie Buencamino
Dating a CEO
Marketing Campaign
Make over
My daughter likes you
Conflict
If she said yes
Happy birthday, Ellie
I don't like you. I love you.
Kiss the bride
You break her heart. I'll break your neck
Take outs
The one that got away
Fight
Re - hired
I am her husband
Give her a chance
Give it a shot
I couldn't ask for more
Love you, babe
Positive
End of everything
Orchestrated
Know when to stop
Time will reveal
New Chairman
Ellie baby is dead
Ex - husband
The best thing
I really miss kissing my wife
Gymboree Class
Your dad is my dad
Vindicated
Taking the blame
Three choices
Mrs. Samson
Getting her back 101
Getting her back 102 (failed edition)
New plan
Father and Son
40ยบC
Last kiss
You ask for it, you get it
Kathang Isip

Closure

54.1K 1K 41
By helene_mendoza


Les' POV

Wala akong imik habang magkakaharap kami sa dining table ni Ellie at ni Naureen. Madaldal pa rin si Naureen. Katulad pa rin nd dati. She helped Ellie prepared some food. Marami silang inihanda para daw sa akin.

I still can't believe that she is here. Paano siya naging bestfriend ni Ellie? They are totally opposite. Sobrang outgoing ng personality ni Naureen samantalang 'tong si Ellie, kulang na lang magtago sa baul dahil sa takot sa tao.

"Ellie, tell your husband to taste the food. Sayang naman kung hindi siya kakain. You prepared all of these," sabi ni Naureen.

Tumingin ako sa kanya. Bakit ganoon? Bakit parang wala lang sa kanya na asawa ko si Ellie? Hindi ba siya magtatanong? Hindi man lang ba niya ako kakamustahin?

"K - kain ka Les. Masarap ang mga iyan," parang nahihiyang sabi ni Ellie.

"Yes, Les. Try to eat those. Sayang naman ang pagiging chef ko sa Amerika kung hindi mo matitikman ang mga specialty ko," sabi pa ni Naureen.

Kahit ayokong kumain, napilitan akong kumuha ng pagkain na nakahain. Napilitan akong tikman.

"Alam kong hindi marunong magluto itong bestfriend ko kaya when I found she's married, talagang umuwi ako. I missed her so much. She's my bestfriend from elementary to high school. Mahiyain talaga si Ellie but sobrang bait. It's been what since we last saw each other?" Sabi pa niya habang nakatingin kay Ellie. "Ten or twelve years?"

"Ten. After 'nyong lumipat ng bahay hindi na tayo nagkita. Then sinabi mo nga sa akin na sa Amerika ka na titira. How is Josh and Kara?" Sabi ni Ellie at tumingin sa akin. "Josh is her husband and Kara is her seven year old daughter."

Seven years ago na pala ng maghiwalay kami Naureen. Seven years ago na pala ang nakalipas ng yayain niya akong magtanan pero tinanggihan ko siya. Kasi mas pinili ko ang pamilya ko kesa sa kanya.

"They are good. Actually, one week lang naman kami dito. May convention lang si Josh kaya sinamantala ko ng sumama. Sobrang busy niya. Head surgeon sa isang ospital. Mahirap magkaroon ng doktor na asawa but I love him and my daughter kaya worth naman," nakangiting sabi ni Naureen.

I felt something blocked my throat. I can see to Naureen's face that she is really contented with her life. Masaya siya. Pero bakit ako, for seven years after our break up, hindi na naka - move on? I am still hoping that we could get back together. Pero sa nakikita ko ngayon, malabo ng mangyari iyon.

"So, Les. Mr. Lester Eduardo Samson," at ngumiti pa ng nakakaloko si Naureen. "Don't you dare hurt my bestfriend. I love her and I know how good her heart is. Lagot ka sa akin kapag pinaiyak mo siya," sabi niya.

Hindi ako nakasagot. Nakita kong yumuko lang si Ellie.

"So how did you two meet?" Tanong ni Naureen habang kumakain.

Hindi sumagot si Ellie. Sasabihin ko ba ang totoo?

"I met her in their office. It was love at first sight," iyon na lang ang sinabi ko.

Lalo ng yumuko si Ellie at kunwari ay hinarap ang pagkain niya.

"Wow. I am so happy for you Ellie. You really deserve this happiness," sabi ni Naureen at hinawakan pa ang kamay ng kaibigan niya.

Pilit na ngumiti lang si Ellie at parang nahihiyang tumingin sa akin.

Happiness. Fuck happiness. Hindi ako masaya kasama si Ellie kaya hindi rin siya magiging masaya kahit kailan habang kasama niya ako.

Sobrang daldal pa rin ni Naureen. Ang dami - dami niyang kuwento. Kung ano ang buhay niya sa Amerika. Kung gaano siya kasaya sa pamilya niya. And I think walang idea si Ellie na nagkaroon kami ng relasyon ni Naureen.

Pare - pareho kaming napatahimik ng tumunog ang telepono ni Naureen. May nag - text sa kanya.

"Oh my. Josh is outside. I really have to go," sabi ni Naureen at tumayo na.

"Magkikita pa tayo ulit?" Tanong ni Ellie. Parang natataranta na naman siya. Siguro kasi maiiwan na naman kaming dalawa dito sa bahay.

"I'll to see you again before I leave. I missed you so much, Ellie. 'Yung mga ibinilin ko sa iyo. 'Yung pagpi - prepare ng food. And huwag mong pababayaan ang sarili mo, ha? Dapat laging maganda para hindi maghanap ng iba si Mr. Samson," at tiningnan ako ni Naureen.

Ngumiti lang si Ellie. "Sige. Halika hatid na kita sa labas."

"No. Sige na. Ako na lang ang maghahatid sa kanya," sabi ko. Tumingin ng makahulugan sa akin si Naureen. Parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

"Ah, okay. Sige. Magligpit na lang ako dito," sabi ni Ellie. Lumapit siya kay Naureen at yumakap dito.

"I'll see you again," at humalik si Naureen sa pisngi ni Ellie bago tuluyang lumabas. Sumunod ako sa kanya.

"Did you tell her about us?" Iyon ang tanong ko sa kanya ng makalabas kami sa pinto.

Tumingin sa akin si Naureen at umiling. "I don't want to hurt Ellie. She is so fragile and I know how much she loves you." Sabi ni Naureen.

Napahinga lang ako ng malalim. Ang dami ko pang gustong sabihin sa kanya pero ewan ko, bigla yata akong napipi ngayon sa harap niya.

"Weird 'no? Who would have thought na magkikita pa tayo ulit?" Sabi pa niya. Tumingin siya sa akin at napapailing. "What happened to us, it was all in the past. Hindi ako galit sa iyo dahil tinanggihan mo ako noon. I know how important is your family to you. You would do anything for them at hindi ko kayang lumaban doon. I moved on and I am happy now."

"Mahal ko si Ellie, Les. Napakabait na tao niyan. And she doesn't deserve to be hurt. Sana ingatan mo siya. Because I won't forgive you if you break her heart."

Hindi ako nakasagot. Gusto kong sabihin sa kanya na akala lang nila na mabait si Ellie pero sobrang tuso ang babaeng iyon. She is like a wolf hiding in a sheep's coat.

Kumaway si Naureen sa nakaparadang kotse. Bumukas ang bintana at kumaway doon ang isang lalaki. Ito siguro ang asawa niya.

"Bye, Les. At least meron tayong matinong goodbye ngayon." Nakangiting sabi niya.

Pinilit kong ngumiti. Yeah. That's my consolation. At least I have my closure now.

Kumaway pa si Naureen sa akin ng makasakay sa kotse. Tinanaw ko lang ang sasakyan hanggang makalayo ito tapos ay pumasok na ako sa loob.

Naabutan ko si Ellie na inaayos ang mesa. Mabilis siyang umiwas sa akin ng makita ako doon. Tumuloy siya sa kusina at narinig ko siyang naghuhugas ng baso. Sumunod ako doon sa kanya.

"Naureen is your bestfriend?" Paniniguro ko sa kanya.

Tumango lang si Ellie. "P - pasensiya na kung biglaan ang punta niya. Si daddy kasi. He told Naureen that I got married and she got excited kaya inalam niya kung saan ako nakatira." Sagot niya sa akin.

"Did you tell her how you got me?" Sarcastic na sabi ko.

Umiling lang siya.

Tinungo ko ang ref at kumuha ako ng beer doon. Tuloy - tuloy ko iyong ininom.

"Sana sinabi mo sa kanya kung ano ang ginawa 'nyo ng daddy mo para maging asawa mo ako. Akala kasi ng mga tao santa ka. Hindi nila alam, daig mo pa ang demonyo sa galing mong magmanipula."

Hindi kumibo Ellie at nanatili lang na nakayuko.

"Tapusin mo ang dapat gawin diyan. Ayoko ng makalat," at iniwan ko na siya doon.

——————>>>>>

Ellie's POV

Parang nakakasanayan ko na ang ganitong buhay. Uwian at hindi ako ni Lester dito sa bahay, ay wala akong karapatang magtanong. Last night, hindi siya umuwi. Hindi ko alam kung saan siya natulog. At madalas naman kung uuwi siya, nakainom. Didiretso sa kuwarto niya at matutulog na. Sayang ang mga inihahanda kong pagkain na kadalasan mga guard sa gate ang nakikinabang. Kung may advantage man ang pag - aasawa kong ito, iyon ay natuto akong magluto at gumawa ng mga gawain mg bahay. We don't have a helper kaya ako lahat ang hands on na gumagawa noon. Wala naman comment si Les kung anong gawin ko sa bahay niya pero iyon lang, mas madalas, maraming pintas.

Hindi na naman inulit ni Les ang ginawa niya sa akin noon. He didn't force me anymore to have sex with him. Pero parang nasasaktan naman ako kasi naiisip ko paano kung ibang babae ang kasama niya gabi - gabi? Papayag na lang akong, ako na lang ang gamitin niya kesa naman kung sinong babaeng makikilala niya sa kung saan.

Tulad ngayon. Alas otso na pero wala pa siya. Alam ko naman gagabihin na naman siya o hindi uuwi pero naghihintay pa rin ako. Malamig na ang pagkain sa mesa. Nagluto ako ng pork sinigang saka nagbake ako ng cupcakes for dessert. Pero kung ganito, malamang sa mga guards na naman mapupunta ang niluto ko.

I waited for another hour at laglag ang balikat ko na ligpitin ang mga ihinain ko. Binabalot ko na ang mga pagkain ng makarinig ako na may nag - doorbell. Kumunot ang noo ko. Sino iyon? Hindi ugali ni Les ang mag - doorbell.

Mabilis akong lumabas at sinino ko ang nakatayo sa may gate namin. May nakaparadang kotse doon tapos ay may lalaking nakatayo. Lumapit pa ako para makilala kung sino ang nagtimbre.

"Travis?" Hindi ako makapaniwala kung anong ginagawa niya dito.

Alanganin siyang ngumiti at napakamot ng ulo.

"Istorbo ba? Kung istorbo babalik na lang ako sa ibang araw," sabi niya at akmang babalik sa kotse niya.

"Hey! Ano ka ba? Hindi ka istorbo 'no. Halika. Pasok," natatawang sabi ko at binuksan ko ang gate.

Sumunod sa akin si Travis papasok sa loob ng bahay.

"You have a nice house," sabi niya.

"Hindi ko bahay 'to. Halika, dito tayo sa kusina. Nagliligpit na ako, eh. Nag - dinner ka na?" Tanong ko sa kanya.

"Galing ako sa office. Late meeting and dito ako dumirecho. You cooked?" Parang hindi makapaniwala si Travis. Alam kasi niyang hindi ako marunong magluto.

"Gusto mong tikman? I cooked pork sinigang. Ililigpit ko na kasi mukhang hindi naman uuwi si Les," sabi ko.

Sumeryoso ang mukha ni Travis ng marinig iyon pero pinilit niyang ngumiti sa akin.

"Patikim nga ng luto mo. Paborito ko ang sinigang. Dapat papasa ito sa panlasa ko," sabi niya.

Ipinaghain ko si Travis at sinabayan ko na din siya. Parang na - miss ko ang may kausap. Dito kasi sa bahay, maghapon na tv lang ang kaharap ko. Ayoko naman manood ng mga nakakaiyak na teleserye sa tv. Pang teleserye na nga ang buhay ko, ganoon pa ba ang papanoorin ko. Ubos na rin ang mga librong babasahin ko.

Natuwa naman ako kasi naubos ni Travis ang pagkain na ihinain ko sa kanya. Panay pa ang puri niya na masarap ang luto ko. Nakakataba ng puso kasi first time na may nag - appreciate sa gawa ko bukod sa magulang ko.

"Wow. Best sinigang na natikman ko," sabi niya.

"May dessert pa ako. Cupcakes."

"Sasabog na ang tiyan ko, Ellie. Puwede bang take home na lang 'yan?"

"Oo naman. Nagsasawa na nga yata ang mga guards sa luto ko, eh. Gabi - gabi kasi sila lang ang kumakain ng inihahanda ko." Sagot ko habang naghuhugas ng plato.

"Kasi hindi ka inuuwian ng asawa mo."

Napatingin ako kay Travis at seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

Pinilit kong ngumiti. "Busy lang si Les. 'Di ba may mga bago siyang projects 'yung galing kay daddy. Kaya madalas ginagabi siya."

"Ellie, I know your situation with Les kaya huwag mo na siyang pagtakpan. Kaya mo pa ba?" Kitang - kita ko ang awa sa mukha ni Travis.

"I'll stay with him Trav. Les is my life. I'll love him hanggang huli."

Napailing si Travis sa narinig na sinabi ko. "When will he realize na napakasuwerte niya sa iyo?" At napahinga siya ng malalim.

"Puwede ba iba na lang ang pag - usapan natin. How's the office? 'Yung pumalit sa akin okay ba?" Ayoko na munang pag - usapan ang sitwasyon namin ni Les.

"Yeah. She's good pero hindi kasing galing mo. Medyo maraming trabaho ngayon sa office."

"Eh bakit ka naman napadpad dito ng biglang - bigla?"

"Wala lang. Nami - miss kita, eh."

I saw Travis is just looking at me. 'Yung tingin na para bang kinakabisado niya ang itsura ko at naaasiwa ako.

"Sira! Nami - miss mo lang ang makipag - chismisan sa akin." Pinilit kong tumawa kasi ang seryoso ni Travis. "Bakit ka nga nandito?"

"Well, nag-meeting nga kami. With your dad and some other managers. And we had the same vote. We want you back." Sabi niya.

"Trav, you know I can't come back. I chose to be here and serve my husband."

"Ellie, hindi ka naman dapat ibinuburo dito sa bahay. Pwede ka naman ulit bumalik sa trabaho. You can still be the good wife while working. Sayang ang talino mo," sabi ni Travis.

Gusto ko. Gustong - gusto kong magtrabaho pero alam kong hindi naman papayag si Les.

"Think about it, Ellie. You are a good boss. Hindi ka pangbahay lang. I suggest you consider going back." Pangungulit pa ni Travis.

"She is not going back, Travis."

Pareho kaming napatingin ni Travis sa nagsalita at para yatang gusto kong himatayin kasi nandoon si Les na nakatayo at nakatingin sa amin. Dilim na dilim ang mukha niya.

Continue Reading

You'll Also Like

653K 10K 43
[The Architects Series #2: Lauren Del Valle] Traumatized by her past love, Lauren Del Valle still manages to move on and have a good career-the pri...
3.4M 67.8K 47
She kept on telling herself that it was just a one time deal. One decision that she needed to do to save her dying mother. A decision that she wil...
301K 9.4K 35
Santong paspasan. Iyan ang ginawa ni Mon para makuha lang ang pinakamamahal na si Darcy. Alam naman niyang mayroong minamahal na iba ang babae pero...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...