Fight

52.1K 1K 97
                                    

Ellie's POV

"Les, she can decide for herself. And she is going to work with her father. Office hours can be arranged." Sabi ni Travis.

Gusto kong i - stapler ang bibig ni Travis. Bakit pa ba siya nagsasalita? Hindi ba niya nakikita na parang galit si Les? And bakit naman magagalit si Les? Kaibigan naman niya si Travis.

"If I said that she's not going to work, she is not going to work. And what are you doing here? Puwede mo naman akong tawagan kung may concern ka," sabi pa ni Les. Pahagis nitong inilagay sa sofa ang dalang laptop bag.

Napailing lang si Travis.

"You know your wife is not bound inside this house. You know her potential kaya huwag mong iburo dito si Ellie," sabi ni Travis.

Nakita kong nagngalit ang bagang ni Les.

"T - trav, can we talk some other time?" Ewan ko ba kasi parang ang tindi ng tensiyon sa aming tatlo.

Huminga ng malalim si Travis at tumayo.

"Fine. Think about it Ellie. You can talk to your dad," at tinungo na niya ang pinto. "Thanks for the dinner too." At ngumiti sa akin si Travis. "That was the best sinigang that I tasted. Next time ko na lang titikman ang cupcakes." At dire - diretso na siyang umalis. Hindi na nga siya nagpaalam kay Les.

Ang dilim - dilim ng mukha ni Lester habang tinitingnan paalis si Travis. Nang makalabas ang kaibigan niya ay malakas niyang isinara ang pinto.

"K - kumain ka na?" Kinakabahang tanong ko.

"Ano ang ipapakain mo sa akin? Tira - tira 'nyo?"

"Nangangamusta lang naman si Travis. Hindi naman ako magta - trabaho." Katwiran ko.

"'Tang ina. Pagod ako sa trabaho pero pag - uwi ko dito kung sino - sino na ang pinapakain mo sa bahay ko."

"Les si Travis naman iyon. Kaibigan mo 'yun 'di ba?" Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagagalit. Well lagi naman siyang galit sa akin pero iba ngayon. Pati sa kaibigan niya. Bestfriend niya iyon nagagalit siya.

Tiningnan niya ako ng masama.

"Don't you ever think about of going back to work.  Manahimik ka dito sa bahay," at iniwan na niya ako doon.

——————>>>>>

Les' POV

I can't forget Ellie's face when I saw her talking to Travis. Ang saya niya. Nakangiti. Walang takot ang itsura. Parang ang gaan - gaan ng usapan nila. Hindi siya kinakabahan, hindi nag-i-stammer. 'Yung normal lang.

At hindi ko maintindihan kung bakit na-badtrip ako ng makita iyon. Ayokong nakikitang masaya si Ellie to think na ibang tao pa ang nagpapasaya sa kanya.

But what would I expect? Sasaya siya sa piling ko? Ako na nga ang paulit - ulit na nagsasabi sa sarili ko na gagawin kong miserable ang buhay niya kaya lahat ng magpapasaya sa kanya aalisin ko.

So, Travis makes her happy? I'll make sure Travis will never set foot in this house anymore.

I showered and changed my clothes. Paglabas ko ng kuwarto ay naabutan kong nasa sala si Ellie at nagliligpit. Tiningnan ko lang siya at tinungo ko ang pinto.

"Aalis ka?" tanong niya sa akin.

Tiningnan ko lang siya at iniwan ko. I received a text from my friends na nasa isang bar sila kaya sumunod ako. Hans and Carlo are there. At napailing ako ng makita kong naroon din si Travis.

Just to love you (THE BUDDIES SERIES 1) COMPLETEWhere stories live. Discover now