Million Reasons (ON HOLD)

By DeraTheExplorer

259 32 0

Fordham Brothers Series #01 Who will you choose the damsel in distress or the evil witch? For sure you will... More

Introduction
Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Note

Chapter 3

12 2 0
By DeraTheExplorer

Sara's POV

"I can't believe you Ms. Kapayapaan. Hindi ka pa nag-uumpisa ng isang oras sayong trabaho nagawa mo na agad ang bagay na yun. And for god sake! Kay Boss JK pa? I can't believe you. Are you not informed that you can't go in someone'sbusiness? You don't even know the real story is!" Sermon sa akin ni Ms. Jazel. Kasi naman.. Mukha kasing sumobra yung lalaking yun! At kanina nung makita ko yung mata niya parang nasagot na kung bakit nakakatakot talaga yung boss dito. Dahil yun sa mata niya. Yung mata niyang wala namang emosyon pero nakakapanginig kung tumitig.

"I don't know what will happen to you Ms. Kapayapaan. Magdasal ka nalang na hindi ka niya pabalikin at ipa-expell sa school mo." Natauhan ako sa sinabi ni Ms. Jazel. Hindi sumagi sa isip ko yun. He was a powerful human being at kayang-kaya niyang ipaalis ako sa school ko. At hindi pwede mangyari yun. Paniguradong lagot ako kay nanay at tatay. Lalo na kung malaman nila ang dahilan ng pagkakatanggal ko. Ang tapang ko panaman na sabihing wala ako pakialam kung bigyan niya ako ng masamang feedback. Pero nawala sa isipan ko yung expell pati sina nanay! Anak ng tokneneng oh!

"Jazel.." Sabay kaming napalingon ni Ms. Jazel sa babaeng nasa pinto.

"Ms. Margaret." Hayst. Kung hindi lang ako nadala sa iyak ni Ms. Margaret kanina eh. Bukod sa walang modo yung Boss JK wala pa siyang galang sa nakakatanda sa kanya. Kahit boss siya dapat may manners and right conduct parin noh. Siguro 75 grades niya sa EsP nung high school.

"Can I talk to her?" Tanong ni Ms. Margaret. Teka ako ba? Kakauspin niya ako?

"Sure ma'am." Pagpayag ni Ms. Jazel. Tumingin naman si Ms. Margaret sa akin at ngumiti.

"Let's go?" Sinundan ko nalang siya. At habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami ng mga tao. Ano? Instant celebrity na ba ako dahil sa ginawa ko?

Nakarating kami sa isang maliit na office at pinaupo niya ako sa sofa. I think, opisina niya ito.

"I'm so impressed sa ginawa mo Ms. Kapayapaan." Nakangiti niyang sabi. Impressed? Na impressed ba siya dahil ipinatanggol ko siya? Kaya ba niya sinasabi ang bagay na ito? Kasi yung mga tingin ng mga tao kanina hindi naman impressed yun eh.

"Mukha mali po ako ng ginawa." Sagot ko. Hay. Tama si Ms. Jazel. Hindi dapat ako makisabat sa usapan na hindi naman ako kasama.

"Actually yes. Mali ka nga." Napa-angat ako ng tingin kay Ms. Margaret. Oh tingnan mo! Binaliktad ako kaagad? Siya na nga tinulungan kanina tapos sasabihin niyang mali ako? Ano? Nasaan ang hustisya?

"I mean.. It's actually true. Kami ng team ko ang may kasalanan and we deserved to be scolded by Boss JK." Sabi niya. Agad naman akong sumagot sa sinabi niya.

"Pero Kahit na po ma'am. Hindi naman po tama na ganun ganunin niya kayo noh." Sabi ko. Tumango-tango naman siya sa akin.

"I know Ms. Kapayapaan bu—" hindi ko siya pinatapos sa sasabihin niya. Hindi pa ako tapos sisingit naman agad si Ms. Margaret. Dapat marinig niya to.

"Saka napaka-walang galang niya. Hindi niya dapat sinisigaw-sigawan ang matanda. Kawalang galang po yun—" natigil naman ako sa pagsasalita dahil sa pagsingit niya.

"Ms. Kapaya—" nagsalita ulit ako. She needs to hear my point. Kailangang maintindihan niya ako.

"Ma'am! Gusto ko lang po ipaintindi sa inyo ang ibig kong pong sabihin. Gusto ko pong iparating na kahit siya ang boss hindi tamang sigawan ang matatanda. At aba! Hinagisan pa kayo ng mga papel. That's not right ma'am! It's very very wrong. Elders should be respected." Sabi ko. With hand gesture pa yan. At this time ako naman ang tumango-tango. I'm very very proud sa sinabi ko. Kasi alam kong ako ang nasa punto at nasa tama. IpaTulfo ko pa yang si Boss JK eh.

"Ms. Kapayapaan." Nakangiti akong tumingin kay Ms. Margaret. Pero mukhang hindi maganda ang mood niya. Nakasimangot na ito ngayon sa akin. Naiintindihan ko naman, ganyan talaga ang mga matatanda. Moody. Ganyan din si lola eh.

"Listen to me Ms. Kapayapaan." Umayos ako ng upo at handang makinig sa sasabihin ni Ms. Margaret. Mukha tuloy akong isang mabuting estudyante na nakikinig sa kanyang matandang guro.

"First. I understand what you said.
Second. As I say. It was me and my team's fault. Naging pabaya kami sa sexual harassment case na naireport sa amin sa level na ito.
And lastly. I'm only 50 and not that old Ms. 'Kapayapaan." Sa dami ng sinabi niya ang mas nakakagulat ay ang katotohanang 50 lang siya. Holy mother of cheese! Bakit mukhang nasa 60 na siya?

"Weh? 50 lang kayoo? Walang halong kiyeme?" Hindi makapaniwala kong tanong. Mukhang nagbibiro lang kasi si Ma'am eh. Kita ko naman ang pagtaas ng kilay niya at ang pilit niyang pagngiti.

"Yes. Ms. Kapayapaan. Let's not talk about my age. Hayaan mong ipaliwanag ko na sayo ang lahat para malinis mo ginawa mo. I can't ruin a student's future career just because of her irresponsible actions." Seryoso niyang sabi. Irresponsible actions? Teka pagiging irresponsable ba ang ginawa kong yun? Hay. Mga tao talaga ngayon. Sa halip na magsalita pa ako ay hinayaan ko nalang si Ms. Margaret ang magsalita. People now a days are so.. Ahm? Anong english nun? Ah basta, mapanghusga sila. Hindi marunong makaintindi sa tama.

"Tulad ng sinabi ko. Kami ang may kasalanan kung bakit nagalit si Boss JK. Naging iresponsable kami sa mga reklamo ng mga tauhan dito. At masyado kaming naging bias. We just looking on one side and we didn't listen to their complaints. At nang makarating kay Boss JK ang isang malaking problema labis siyang nagalit sa amin." Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya.

"It was a sexual harassment case na inirereklamo ng mga previous interns dito sa HR. Hindi naman namin nabigyan iyon ng pansin dahil naniwala kami sa side ng katrabaho naming nareport. Na maaaring gawa-gawang kwento lang iyon ng mga batang interns para mabigyan sila ng benepisyo. Until a big evidence came at directly ito nakarating kay Boss. That's why sobra siyang nagalit sa amin. At kami ang responsable sa insidenteng iyon." Mahaba niyang paliwanag. Ngayon ay mas naiintindihan ko na. Kahit naman ako ay kapag nalaman ko ang bagay na iyon ay magagalit rin.

"That guy na may kasong sexual harassment was the previous head na nag-aasikaso ng mga interns. And he been doing that for long at marami na siyang nabiktima. Pero isa lang ang naglakas loob na magreklamo sa amin. But still we didn't listen that leads her to take her life. I'm sorry Ms. Kapayapaan.. I think you really misunderstood it."

"Kasabay ng paglabas ng ebidensya ay ang pagdating ng balitang iyon.. So boss JK did his actions mabilis niyang pinakasuhan si Sir Clyde at inalis na rin niya sa trabaho. At nangyari ang lahat ng iyon kahapon lang." Dagdag pa niya.

Naubusan ako ng salitang pwedeng sabihin. At napuno ako bigla ng guilt at inis. All this time they really deserved it. Isang inosenteng babae ang kinitil ang kanyang sariling buhay dahil hindi siya pinakinggan ng taong nasa harapan ko.

"I'm sorry Ms. Kapayapaan.." Nanatili lang akong tulala. Bakit? Bakit ang tanga tanga ko? Bakit ba kumilos ako kaagad ng hindi ko man lang iniisip ang mga bagay-bagay? Ang bobo mo talaga Sara Kapayapaan! Kung nagpatuloy lang ito at walang lumabas na ebidensya maaaring isa sa aming mga babaeng interns ang maging biktima ng lalaking yun. And worst maaaring ako pa. Pero ngayon wala na siya. Dahil nagawan na ng paraan lahat ni Boss JK. Na sinigaw-sigawan ko lang naman kanina.

Tumingin ako kay Ms. Margaret. Halata sa kanya na naguguilty siya.
"Kayo naman po pala ang may kasalanan eh." Walang emosyon kong sabi.

"Gago po pala kayo." Sabi ko pa. Mariin kong nai-kuyom ang aking kamao at umalis na doon. Ayaw ko ng makita pa ang mukha niya. Tangina! Ang sarap niyang sampalin.

Tulala lang akong naglalakad. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hay, sa ganitong pagkakataon sobrang pahiya talaga ako. Boss JK actually saved us. Argh! Why? This is so annoying!

Patuloy lang ako sa paglalakad ng may nakabangga ako. Napahawak ako sa aking ulo dahil sa sakit ng pagkakabangga ko. Ano ba to? Poste? Ang sakit ng ulo ko. Tiningala ko ang naglalakad na posteng nabangga ko. Holy mother of cheese.. Another greek god from olympus.

"Hi, Are you Ms. Kapayapaan?"

Natulala ako sa kanya at hindi nakapagsalita.
Yung totoo may lagusan ba sa building na ito papunta sa Olympus? Bakit ang daming mala greek god dito!?

Continue Reading

You'll Also Like

995K 31.5K 41
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
7.8M 232K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
4.2M 245K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...