The Devil's Son

Par Itst4sha

852K 11.6K 3.3K

"I don't care if I will fall in love with a devil .. as long as that devil will love me the way he loves hell... Plus

AUTHOR'S NOTE
CHAPTER ONE
DO NOT PROCEED
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
BASAHIN NIYO :)
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
I : Ang Anim na Kasalanan
II : Ang Anim na Kasalanan
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY-ONE
CHAPTER FORTY-TWO
CHAPTER FORTY-THREE
CHAPTER FORTY-FOUR
CHAPTER FORTY-FIVE
CHAPTER FORTY-SIX
CHAPTER FORTY-SEVEN
CHAPTER FORTY-EIGHT
OLD MESSAGES FROM MY READERS
UPDATE
CHAPTER FORTY-NINE
CHAPTER FIFTY
CHAPTER FIFTY-ONE
CHAPTER FIFTY-TWO
CHAPTER FIFTY-THREE
TO ALL THE TDS FANS/READER

CHAPTER TWENTY-SEVEN

17.1K 256 83
Par Itst4sha

[KATHY'S POV]

Sinindihan ko ang isang itim na kandila na binili ko sa isang antique store sa kanto. Binuklat ko ang isang maliit na papel na natagpuan kong nakasingit sa isa sa mga librong binabasa ko. Latin ang sulat nito pero nababasa naman.

Binasa ko ang nakasulat kahit nagkakandabulol ako.

"Sana mahalin ako ni Damon ... Sana mahalin niya ako sa kahit anong pangyayari, oras, lugar at panahon. Sana maging akin siya habang buhay, maging sa langit man o sa impyerno."

Pero laking gulat ko ng mamatay ang kandila.

Natakot ako bigla. Natigilan ako. Hanggang sa napagdesisyunan kong wag na iyong ituloy. Tama na siguro yon. Hindi naman siguro bingi ang demonyo para hindi niya marinig ang hinihiling ko.

"Sige na nga! Kahit sa panaginip lang, mahalin niya ko." Yun na lang ang tanging nasabi ko sa sarili ko.

Itinago ko ang kandila at nagreview para sa exam namin kinabukasan. Unti-unti akong napangiti habang nakaharap sa isang tambak na libro.
"Mamahalin ako ni Damon ...


... mamahalin niya ko."

Pinilit kong burahin ang ala-alang iyon sa isip ko. Nakaramdam ako bigla ng pag-aalala. Paano pala kung tinupad lang ng demonyo ang hiling ko? Paano pala kung minahal lang ako ni Damon dahil sa ginawa kong yon?

Lord, wag naman sana.

Humarap ako sa salamin para tignan ang aking sarili. Nang bigla ko na lamang nakita ang isang maitim na usok na unti-unting nag-aanyong tao mula sa likuran ko. Nahirapan akong huminga. Hindi ako makahinga. Hanggang sa unti-unti kong naramdaman na gumagapos sa leeg ko ang maitim na usok na iyon. Pinilit kong makatakas pero hindi ako makagalaw.

Sinundan iyon nang isang nakakabinging tunog mula sa salamin. Parang isang matulis na bagay ang madiin na ikinakaskas doon. Ang sakit sa tenga!

TELL ME WHAT YOU DESIRE ...

Iyon ang mga nabuong salita mula sa salamin kasabay ng unti-unting pagluwag ng paghinga ko. Nanghina ako at napa-upo sa sahig.

"LEAVE HER ALONE!"

Isang mainit na yakap ang bumalot sa nanlalamig kong katawan. Isinandal ni Damon ang ulo ko sa dibdib niya. I knew, he would come to protect me. Pero hindi ko alam kung totoo ba ito, o isang kahilingan lang na natupad dahil na rin sa katangahan ko.

"TELL ME ... WHAT YOU DESIREEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!"

Sa pagkakataong iyon, isang nakakapangilabot na boses na ang narinig ko. And I knew right there and then, I have to make things right. I have to make a choice. Hindi ko pwedeng ikulong si Damon sa mundong ako lang ang may gusto. Alam kong hindi ko kakayaning mawala si Damon kaya kahit sa ganitong paraan, makatulong ako sa kanya.

Niyakap ko ng mahigpit si Damon.
Mahigpit na mahigpit.

"Hinihiling ko ... na maging demonyo ... kapalit ng pagiging normal na tao ng lalaking yakap-yakap ko."

Then everything went black.




[JULIA'S POV]

"Damon, wake up. Please ..."
Bahagyang dumilat si Damon. Agad kong hinawi ang kurtina upang hindi siya masilaw sa liwanag ng sikat ng araw.

"Good Morning." Nakangiti kong bati sa kanya. "Alam kong nagugutom ka na. Anong gusto mong kainin?"

"N-nasaan ako ..." Anas niya habang dahan-dahan niyang hinihilot ang sintido niya. Inalalayan ko siyang maupo at sumandal sa headboard ng kama.

"Nandito ka sa kwarto mo. Hinatid ka ni Kurt kagabi. Lasing na lasing ka daw. May problema ba?"

"Nasaan si Kathy ..."

Bumuntong hininga ako. I never imagined us like this. Kahit kalian hindi kami nagkaroon ng problema pagdating sa babae o sa kahit anong bagay. Damon always make sure that I will not get hurt. Kahit sino o ano ka man. Kaya hindi ko alam kung anong meron ang Kathy na yon para saktan ako ni Damon ng ganito.

"A-ako yung nandito. So please, stop asking me kung nasaan siya."

Kagabi pa niya hinahanap si Kathy. Kahit wala siyang malay, pangalan pa rin ng babaeng yon ang lumalabas sa bibig niya. Nakakabingi na.

"Then I need to see her. She needs me."

Walang anu-ano'y bigla siyang tumayo mula sa kama. He was about to go and take a shower nang yakapin ko siya mula sa likuran. I can't lose him. I don't want to lose him. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala si Damon.

"Are you mad at me? Am I too much? I won't talk, I promise. I won't ask you questions anymore. I will just listen. Just ... just stay. Please, don't go." Kulang na lang lumuhod ako at magmakaawa sa kanya.

"I'm sorry ... I can't stay here. Kailangan ako ni Kathy."

"Kailangan din kita!" Nagsimula nang tumulo ang mga luha kong kagabi ko pa pinipigilan. "Hindi ko maintindihan kung bakit tinatrato mo akong parang basura. Na parang hindi ako naging parte ng buhay mo!"

Dahan-dahan siyang humarap sakin. Saka niya ako hinawakan sa magkabila kong balikat. "I'm sorry. Mahirap para sakin ang magsabi ng totoo, pero hindi ko rin pwedeng hayaan na patuloy kang masaktan at umasa na okay pa tayo ... na magiging okay pa tayo."

"Dahil na naman sa Kathy na yon? Ganon ba?"

"Magiging unfair ako sa'yo kung sasagutin ko yang tanong mo. You're a great person, Julia. And you deserve the best, not a devil like me."

"H-hindi na ba ako mahalaga sa'yo? Hindi mo na ba ako mahal?" Yun yung tanong na sobrang hirap bitawan. Kasi sagutin man niya yon o hindi, alam kong talo ako.

"I loved you, Julia. Yon ang mahalaga."

Pagkasabi niya noo'y tumalikod na siya at tumungo sa banyo. Napaupo na lamang ako sa sobrang sakit.

Yung mga tanong na paulit-ulit sa isip ko.

Ano bang ginawa ko?
May ginawa ba akong mali?
Ano bang hindi ko nagawa para sa kanya?
Nagkulang ba ako?
O sobra na ba ako?
Bakit kailangan niyang mawala sakin?

I can't let this happen. Ang tagal kong pinanghawakan yung kung ano mang mayroon sa amin ni Damon dati. Mga plano, pangarap, pangako ... lahat yon hindi ko hahayaang mawala. Hindi si Kathy ang sisira ng lahat ng iyon.

"Hindi ako papayag Kathy ... nagkamali ka ng binangga mo."




[DAMON'S POV]

"Hinihiling ko ... na maging demonyo ... kapalit ng pagiging normal na tao ng lalaking yakap-yakap ko."

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ni Kathy para sabihin iyon. And I don't have the slightest idea what will happen next. Will the devil grant what she desires?

Will we have a happy ending? Kung sakaling maging tao ulit ako?
Pwede ko na ba siyang mahalin?
Pwede na ba kaming maging normal?

Tinignan ko ang devil star sa kamay ko. Hanggang nandito ito, hanggang nararamdaman ko ang bawat sakit at kirot, alam kong demonyo ako. Alam kong hindi nagkatotoo ang hiniling ni Kathy. At hanggang nandito 'to, alam kong kaya ko siyang protektahan.

Kathy is too good for me. I can't let my father take an innocent soul like hers. I can't let them take away my everything. Nagagawa kong saktan ang babaeng dating minahal ko para lang sa kanya. Dahil kahit kailan, hindi pa ako naging sigurado ng kagaya ng pagiging sigurado ko sa nararamdaman ko para kay Kathy. Bakit ba hindi ko pa siya nagawang mahalin dati? Bakit ba ngayon ko lang binuksan ang mga mata at puso ko para sa kanya?

"Hindi mo mahal si Kathy, Damon. Ang lahat nang ito ay isang katuparan lamang ng isang hiling."

"Hindi totoo yan Erick. Hindi magagawang humiling ni Kathy ng walang kakwenta-kwentang bagay na katulad niyan."

Muli kong naalala ang bahagi ng usapan naming iyon ni Eric. At hanggang ngayon, pilit pa ring iwinawaksi iyon ng isipan ko. Minahal ko si Kathy dahil yon ang nararamdaman ko. Iyon ang gusto ko. At sigurado ako don. Hinding-hindi ko matatanggap na isa lamang itong granted wish. Dahil alam ko, na hindi pwede at walang sinuman ang maaring magturo sa isang tao na magmahal.

"Totoo lahat ng sinabi ni Erick, Master. Hindi totoong mahal mo si Kathy. Hiniling niya iyon sa itim na anino sa pamamagitan ng kandila at konting orasyon. Hiniling niya na mahalin mo siya sa kahit anong paraan, pagkakataon at panahon."

Hindi na ako nagulat ng bigla na lamang lumitaw si Kurt sa tabi ko at magsalita ng walang pakundangan.

"Hindi ako naniniwala do'n."

"Pero yun ang totoo."

"Patutunayan ko sa kanyang hindi."

Nang muli kong lingunin si Kurt ay wala na ito. Naglaho na naman siyang parang bula.

Nakarating ako sa school nang mas maaga kaysa sa inaasahan ko. Wala pa si Kathy. Kailangan ko siyang hintayin dahil kailangan naming mag-usap.

Ibinaba ko ang bintana ng kotse at sumandal muna ako sandali.

"Damon, do you know her?" Tanong sakin ng isa sa mga kaibigan ko habang naghihintay ng susunod na klase. Katatapos lang ng PE namin at humahangos pa ako sa sobrang pagod.

"No, I don't."

"Everybody knows that she likes you."

Nagkibit-balikat lang ako. Simple kong sinulyapan ang babaeng tinutukoy nila.
Simple lang ito.
Morena.
Balingkinitan ang katawan.
Hindi gaanong katangkaran.
At ang ganda niyang ngumiti.
She's actually beautiful ... but I do not know her.

"Why don't you try to approach her?"

"Not my type. At isa pa, baka makita ako ni Julia."

Inayos ko ang sarili ko for my next class. Pero talagang makulit ang kaibigan ko. "Sige na Damon. Kung hindi mo siya type. Ako, type ko siya."

Napailing ako habang nakangiti. "Sige na, sige na. Tumigil ka lang. I'll get her name for you."

Lumakad ako palapit sa babae. At sa bawat hakbang ng mga paa ko papalapit sa kanya ay mas nakikita ko kung gaano siya kaganda. Yung ganda niya, hindi nakakasawa.

"Hi." Tipid kong bati.

Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. Napangiti tuloy ako nang wala sa oras.

"H-hello?" Saka siya luminga-linga sa paligid.

"Pwedeng maupo?"

Mabilis naman siyang umusod para bigyan ako ng mauupuan.

Ngumiti ulit ako sa kanya. "Salamat."

"K-kinakausap mo ako?" Nagkakandautal niyang tanong sakin.

"Bakit? Hindi ba pwede?"

Umiling-iling siya. Tapos tumango. "Ano ba 'to ..." Pabulong niyang sabi sa kanyang sarili pero nadinig ko.

"Hi, I'm Damon." Inilahad ko ang kamay ko tanda ng pagpapakilala.

"I'm -"

Nawala bigla ang atensiyon ko sa kanya ng makita ko si Julia na naglalakad sa hallway. Marahil ay tapos na ang klase niya.

Bigla kong binawi ang kamay ko. Saka dahan-dahan akong umatras palayo sa babaeng kinakausap ko.

Hinagilap ng mga mata ko ang ID niya.

'Kathy? Kathy Bernardo?'

Sunud-sunod na hampas sa balikat ko ang gumising sakin. Nakatulog pala ako sa paghihintay.

"S-Sthep?"

Humahangos ito at tarantang-taranta.

"Si Kathy! Damon, si Kathy!"

Agad akong lumabas ng sasakyan. Hindi na ako nagtanong pa kung anong nangyari. Tumakbo ako habang hila-hila si Sthep.

'What is it this time, Kathy ...'

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...