Brainless Heart

By pixieblaire

261K 5.6K 873

"Paano ba magmove-on? Forever process nga ba 'yon?" Story of a girl who's a first-timer when it comes to lov... More

Brainless Heart
Unang Bahagi
Simula
Ala-ala 1
Ala-ala 2
Ala-ala 3
Ala-ala 4
Ala-ala 5
Ala-ala 6
Ala-ala 7
Ala-ala 8
Ala-ala 9
Ala-ala 10
Ala-ala 11
Ala-ala 12
Kasalukuyan
Ikalawang Bahagi
1 - Shadows
2 - Big Word
3 - Tensyon
4 - Hindi Kita Namiss
5 - Maiwan
6 - Pancakes and Beers
7 - Eyes Nose and Lips
8 - Sleeves and Erasers
9 - Enchanted
10 - Again and Again
12 - Peter Pan
13 - Thank You
14 - Death
WAKAS
Brainless Heart Playlist

11 - Books and Tears

4.3K 113 21
By pixieblaire

Kabanata 11
Books and Tears
Temang Musika: Ever Enough (A Rocket To The Moon)

♡♡♡

Fear is one good example of a negative imagination. It's just a product of our over-capacitated minds. It's a mere choice. Don't let yourself drown in fear.

♡♡♡

Natulog lang ako buong tanghali hanggang hapon. Kulang rin naman kami sa tulog at isa pa, wala sina Dwain, Monay, at Kym. Kaya habang naghihintay, natulog na lang kami nina Lai.

Pagkagising ko'y naabutan kong nakadapa't tulog si Dwain sa kanan ko, at si Karla naman sa kaliwa ko. Dumating na pala 'yung tatlo. Hindi ako makagalaw dahil naiipit ako sa dalawang damulag na 'to. Asan kaya 'yung iba, natatakot kasi akong gumalaw, baka magising sila. Hmm... Amoy popcorn! Nagluluto yata sila ng popcorn! Pero setting my excitement aside, nasa kanan ko si Dwain! My goodness! Pumikit ulit ako. Pipilitin kong matulog ulit para mayakap at madantayan ko si Dwain. Which is a good idea, kasi dinantayan ko siya't niyakap mula sa likod niya at nagpakalunod muli sa aking mahimbing na tulog.

Ten minutes to eleven na. Kanina pa kami tapos sa movie marathon. Tatlo ang pinanood namin-The Fault In Our Stars, Miracle Cell in No.7, at para may pambawi sa iyakan session, pinanood rin namin ang Friends With Benefits. Nakatakip lang ako tuwing "censored scene". Joke! Takip-takipan lang kaming walo. Pero ako tawa lang nang tawa tuwing may ganoong scenes.

Pagkatapos ng movie marathon ay dumiretso agad ako sa balkonahe. Hindi ko alam kung balak na ba nila matulog pero hindi pa kasi ako tinatamaan ng antok kaya magbabasa muna ako ng libro.

Kung may nakalimutan akong dalhin kasama dito, 'yon ay ang panyo. Hindi ko nanaman napigilang umiyak dahil sa pagbabasa.

"Umiiyak ka nanaman? Lagi na lang, ah. Hindi kaya maubusan ka ng luha niyan?" sabi niya pagkasara ng pinto ng balkonahe at tumalon mula sa likod ng sofa para tabihan ako.

"Nagpapatawa ka ba? Hindi ka talaga good joker." pagngiti ko pa.

"Bakit naman ako magpapatawa? Sige lang, iyak ka lang. Itodo mo ah?" sabi pa niya. Tuluyan na akong nangisi at hinampas siya sa balikat.

"Bakit ba kasi?"

"Naiyak lang ako dito sa libro. Pangalawang beses ko na 'to binasa pero naiyak pa rin ako. Try mong basahin."

"Ayoko. Why would I choose to read sad stories if there's a lot of fun books out there? Alam mo Jase, it's a choice. Hindi ko ba maintindihan ang tao minsan. Kung ano pa 'yung nakakalungkot, 'yun ang pinipili nila. People tend to drown in the wrong ocean."

"Easy for you to say. Totoong may choice, pero pa'no mo pangangatawanan ang choice na 'yon kung sarili mo na mismo ang kumakalaban sa'yo? That everytime you start trying to fight it, you always lose."

"Eh 'di 'wag mong kalabanin. Bakit mo kasi lalabanan, eh sarili mo nga 'yon 'di ba? Unless masokista ka. Ang gawin mo tulungan mo ang sarili mo. Instead of fighting it, help it so you can win your own battle. Choose wisely. And as for books, basahin mo 'yung masasaya, 'wag 'yung malulungkot."

"Eh pa'no ko pipiliin ang isang bagay na hindi ko pa alam? Buksan ko ang plastic ng bawat libro? Hindi sapat 'yung summary sa likod para malaman kung anong mood ng storya 'no!"

"No it's not. There are things na unang tingin mo pa lang, alam mo na kung malulungkot ka roon o sasaya ka."

Effin' second meanings again. Ano 'yung term sa ginagawa namin ngayon? Hugot?

Ako, mukhang halata ang mga hugot. Eh siya, sa'n siya humuhugot ng mga sinasabi niya ngayon? Is he still talking about books only? Nagtaka pa nga ba ako eh adviser ko nga pala siya dati. Takbuhan ko ng advices at sermon noon.

"Well not in some cases. Tulad dito sa libro. At tsaka isa pa, sad stories aren't sad alone. Dahil sa kahit anong bagay, mayro'n kang matututunan. Hindi lang 'yong happy lagi, minsan kailangan ring maranasang malungkot. 'Yon ang dahilan ng mga tao kung bakit sila pumipili minsan ng mali, kasi gusto nilang matuto. Gusto nilang maging matatag. They wanted to be better persons."

Nag-hands up siya. "Okay okay, sabi ko nga. At 'pag pinagpatuloy ko pa ang pag-argue sa'yo, walang saysay rin ang laban. Walang matatalo, walang mananalo."

"Kasi parehas tayong gustong i-push ang side ng isa't isa?"

"Exactly. You're the other side of the door, Jase."

Tumango na lang ako at ibinalik ang tingin sa libro.

"Anong book pala 'yan?" pagkausap ulit niya sa'kin.

"Every Day by David Levithan. Ang ganda lang. Pangalawa ko na 'to pero ganun pa rin 'yung impact. Totoo pala na may mga bagay na kahit paulit-ulit na, nakakaiyak pa rin."

Tumigil siya ng tingin sa'kin sandali at nagsalita ulit. "At may mga tao nga pala talagang sobra magbigay. 'Yung tipong title lang tinanong ko, pati author at review niya sa libro, sinabi rin." ngumiti siyang alam kong pang-asar at nagkibit balikat.

"Bwisit 'to. Panira ka talaga ng moment." tumawa kami pareho.

Tama ka Dwain. Sobra nga yata ako magbigay. Kasi tignan mo, lahat ng akin, nasa iyo na. Ikaw naman, ni kapiraso mo, wala ako.

Friday.

Hiniram ko muna 'yung netbook ni Byron. Nag-internet ako after ilang century. Nakagayak na rin naman kami, ready na magswimming. Night swimming ang napili namin para walang masyadong tao. Naglaro lang kami buong araw kaya it's time to relax naman ngayon. Naka-shorts lang ako at white shirt. Ayoko kasi ng masyadong pasexy. Kahit green ako mag-isip, hindi ako liberated.

"Ja, tara na!"

"Una muna kayo." Busy pa kasi ako pagcheck ng notifs sa "WTF"-Wattpad, Twitter, and Facebook.

Lumabas na silang lahat. Dinownload ko na rin 'yung video namin ni Rian nung nagperform kami noon sa isang event noong March. Inupload na pala ni Paolo. Kinuha ko 'yung bag ko para kunin 'yung flash drive. Tinitigan ko pa bago isaksak sa laptop. Siguro mas okay kung burahin ko na 'yon.

Nasave ko na roon 'yung video. Tinraydor naman ako ng daliri ko't binuksan 'yung story. Why do I keep on checking it kahit alam ko naman na ang laman?

I was about to right click the file to delete it nang biglang pumasok si Dwain. Mabilis pero maingat kong sinara 'yung laptop. Ohsht!

"Jase, tawag ka na nila."

"Ha. Ah. Oo. Paakyat na 'ko." Akala ko'y lalabas na siya ulit pero pumasok siya sa unit.

Tinaasan niya 'ko ng kilay. Nagtataka siguro bakit nakatingin ako sa kanya. Tinaasan ko rin ng kilay. Bakit kasi di pa siya lumalabas?

"Naiihi ako, bawal mag-CR?" sabi niya.

"Ay! Sorry naman. Sige hintayin na kita."

"Mauna ka na. Iniintay ka na nila."

"'De ikaw na... May ano eh, ahm, may ginagawa pa 'ko."

"Ano ba 'yan?" humakbang siya palapit kaya tinanggal ko agad 'yung USB. 'Di ko man lang na-safety remove.

"W-Wala! Sinave ko lang 'yung video namin nina Rian." Tsaka ko nilagay nang mabilis sa bag 'yung USB. Tumango siya at pumasok na sa CR.

Lumabas ako sa unit na nanlalamig. Lumutang ako sa kaba. Humawak pa ako sa dibdib kong malakas na ang kabog.

Pagkaakyat ko'y naglalangoy na nga sila. Hindi ganoon karami ang nasa pool kaya masarap magswimming. Pagkarating-rating ko'y tinulak agad ako ni Kym.

"Syet ka! May salamin pa 'kong soot oh!" nagtip-toe ako sa sahig ng pool papunta sa pool stairs. Ilalagay ko muna 'yung eyeglasses ko doon sa may mga towel namin sa mesa.

Pagkalapit ko'y pinunasan ko muna ng towel 'yung salamin ko tsaka ko sinoot ulit para makita kung may water drops pa ba. Nakita ko naman si Dwain... Naglalakad na may kausap sa phone. Topless. Sheet of paper!

Wala namang abs. Pero langya ka Ja, talagang sinuri mo pa kung may abs 'no?

Nung medyo malapit na, tsaka ko nakitang mayroon naman palang kaunti. Papausbong pa lang. Nagwowork-out siguro 'to? Tss. 'Wag na! Ayoko sa mga hot guys! Mas gusto ko 'yung mga Boy Next Door ang datingan. Tsaka kasi ano eh, nakakailang 'pag may abs ang lalaki. Siguradong mapapalunok ka at mapapatanga.

Sa nakikita ko pa lang sa kanya ngayon, parang gusto ko nang itapon ang sarili ko sa pool at magpakalunod. Maganda ang tindigan niya kahit may kapayatan. Maganda siyang view. Freelance model nga pala 'to. Kaya ganyan siya, sanay na. Ang sarap niyang purihin. Kahit nga mukha lang niya, ang sarap nang tignan. Parang ang sarap niya ring halayin... Este, yakapin.

Nakita ko rin siyang tumawa habang may kausap sa phone. Bago pa tuluyang makalapit sa'kin ay naibaba na niya 'yong phone at sinalubong ako ng taas-kilay. Ganon na lang ba? Taas-kilay ang akin tapos doon sa kausap niya sa phone, labas ngiping ngiti? Pwede bang smile din ang salubong sa'kin? Kahit once?

Umiling ako sa kanya. Hindi ko mapigilang paliparin ang utak ko kung sino kaya ang kausap niya. 'Yung girlfriend niya siguro. Haaay. Pinatong ko nang mabilis 'yung salamin ko at naglakad ulit sa pool. 'Yung pito ay nasa kabilang dulo kung saan ako tinulak ni Kym. Nagbabasaan sila. Sina Lai at Mona nama'y nakaupo na at nakalublob ang mga paa sa pool habang pinapanood sina Byron.

Tumalon na ako sa pool kasabay ng sigawan nila.

"JA!"

Hindi maabot ng mga paa ko ang sahig ng pool. Pilit na hinanap ng paa ko ang sahig pero para akong matutumba sa ilalim. Ang gaga mo lang, Ja! Ang lalim pala dito! Hindi ako makahinga! Itinaas ko ang mga kamay ko at kinawag-kawag ang mga 'yon. Makailang saglit lang ay may naramdaman akong brasong pumulupot sa baywang ko. Hindi ko na alam. Mabilis ang mga pangyayari.

Tinulungan nila ako sa may pool side na naghahabol pa ng hinga. Pagkamulat ko'y sina Mona ang nasa tabi ko. Hinihimas ni Ira at Lai ang likod ko, baka daw may nalunok akong tubig. Alalang-alala sila. Sila ba ang sumagip sa'kin? Hinanap ng mata ko si Dwain, he was soaking wet, nakatayo sa may table namin na nakapamaywang at matalim ang tingin sa'kin.

Patuloy ang pag-ubo ko at pagkalma nila sa'kin. Niyakap ko si Monay sa harap ko na hingal pa rin. "Ja naman, bakit ka tumalon doon eh malalim doon! Hindi ka pala marunong maglangoy pero tumalon ka."

"Akala ko kasi mababaw lang."

"Dapat sa'min ka lumapit. Tsaka minsan ang akala mong mababaw, sobrang lalim pala. Maniguro ka muna! Natakot ako! Pakiramdam ko nalunod din ako." alalang sabi ni Kym. Tumango-tango ako sa balikat ni Monay.

"Natakot kami Ja! 'Wag ka na nga maglangoy. Halika na, doon tayo umupo." Pag-akay sa'kin nina Karla. Natakot rin ako, sobra.

"Salamat ah."

"Buti na lang malapit sa'yo si Dwain, tumalon siya agad pagkakitang parang nalulunod ka na. Tang ina Ja, sana lang hindi mo 'yon sinadya 'no? Para iligtas ka niya?"

"Monay, 'wag ka muna magalit kay Ja."

"Hindi ko sinadya. Hindi ko talaga alam. Wala ako sa sarili kanina. I'm sorry."

"Tss, halika na nga. Ayusin mo ang sarili mo Jastrine. Think!!! Find a way to get back to yourself! Nawawala ka nanaman."

"'Wag mo munang sermonan, Mons. Tara na do'n."

"Paanong hindi eh natakot ako. Kinabahan ako nang sobra."

Niyakag nila ako at sinamahan papunta sa table. Naiintindihan ko naman sila, pinag-alala ko talaga sila sa nangyari.

Pagkalapit nami'y naglakad agad ako at dahan-dahang niyakap si Dwain.

Hindi ako nagsalita pero alam kong nakuha niya ang pasasalamat ko sa higpit ng yakap ko ngayon sa kanya. Lutang pa rin ako sa katotohanang muntik na ako sa bingit ng kamatayan. At ang rason? Ang katangahan ko nanaman. Tumalon ako sa pool na 7feet ang lalim. Buti sana kung 6 footer ako.

Naghiwalay kami sa yakap at tinignan niya ako na para bang sinusuri kung okay na ba ako. Mabilis niyang pinahid ang basa kong mukha ng kanyang dalawang kamay. Binalutan niya ako ng towel at pinaupo sa silya. Hindi rin siya nagsasalita at hindi ko alam ang naiisip niya.

Nagsiupuan na rin sila at nagpahinga muna.

"Natakot na rin tuloy ako maglangoy." (Kym)

"Hindi kasi marunong si Ja. Ja, gusto mo turuan ka namin?" pag-aalok ni Lai.

Nag-alangan pa ako, "Sige sige."

"Hindi na namin i-aalis ang tingin sa'yo. Dapat after this, marunong ka na." Dagdag ni Ira.

Tumango ako at nagsitayuan na kami.

"Dwain tara," sabi ni Byron.

Umiling siya. "Dito na lang ako." Sagot niya at kinuha ang phone sa mesa. Bakit kaya nagpaiwan 'to? Siguro may katext. Haay.

Tumalikod na ako at sumunod kina Mona.

"Ingat Jase." Natigil ako sa paghakbang at lumingon ulit sa kanya pero nakatingin siya sa malayo.

Matapos magswimming ay dumiretso na ulit kami sa unit. Medyo marunong na ako maglangoy. Pero hindi ko pa rin kaya na walang mga kasama sa pool. Hindi pa doon natapos dahil pagkapalit namin ng damit ay dumiretso kami sa balkonahe.

Kami nina Dwain, Monay, at Ira ang nasa sofa, habang 'yung apat naman ay nasa sahig. Naglatag sila ng kumot at siyang labas ng mga snacks and drinks. Sumang-ayon na lang lahat tutal kami-kami lang naman dito. Malayo sa kapahamakang hatid ng alcohol.

Si Dwain sa kaliwa ko ang may gamit ng netbook pero kahit ganun ay nakikisali pa rin siya sa usapan namin. Buti pa siya kahit may ginagawa hindi distracted at alam pa rin ang mga kinukwento nina Karla, samantalang ako kahit nakaupo lang at nakatingin sa kanila ay parang mas distracted pa. Pa'no ba naman? Kapag may katabi kang tulad ni Dwain na sobrang sarap amuyin na parang nang-aakit para yakapin ko siya, pa'no pa 'ko makakapagfocus? Tango na nga lang ako nang tango sa kanila. 'Pag tumatawa naman sila, tumatawa na lang rin ako. Pero ang main focus ko talaga ay nasa amoy ni Dwain. Dam'it! Why do I have to have a green mind?

Nararamdaman ko na ang tama ng iniinom namin at bakas ko rin sa itsura nila ang kalasingan.

Napatanga na lang ako nang naglalabasan na sila ng bigat ng loob. Naiiyak na nga rin ako sa kinukwento nila. Hindi ko alam na may sad problems rin pala silang kinakaharap. Na hindi lang ako ang nasasaktan. Na bawat isa sa'min, may pinagdadaanan.

"Tinatawanan ko lang siya nun. Tuwing nagsasabi siya ng I Love You na 'yan. 'Di ko siya pinapatulan. Kasi alam ko namang 'di niya talaga ako mahal. Pero gusto kong maniwala. Ngayon napapaisip ako, kung nag-I Love You din ba ako sa kanya nun, kami kaya ngayon? 'Di kaya sila nagkabalikan nung GF niya? Ako na ba?" umiiyak nang lasing si Kym.

Wala kaming magawa kundi ang pakinggan ang lahat ng daing niya. At sa gabing ito, rule na walang mamimigil sa pag-shot. Kung gusto, inom lang. This is our free will forum. Gusto naming ilabas ang lahat ng problema namin sa buhay. Pero ang tanong, kaya ko bang magsabi rin? Ng lahat ng feelings ko dito sa katabi kong si Dwain?

"Prangkahin mo na. Kung mag-a-I Love You siya, panindigan niya. Komprontahin mo na. Lalaki sa babae. Kasi ang feelings, hindi 'yan inoo-on at off nang basta basta. Hindi 'yan pinaglalaruan, kasi 'pag 'yan nasobrahan, nasisira. Sumasabog." Sabi kong mangarag-ngarag na rin dahil hindi na normal ang pakiramdam ko.

"Ang sakit sakit. Alam mo 'yung finally masasabi ko na 'yung "I'M OVER YOU", tapos magcha-chat siya. Tapos bigla ka na lang niya hihilahin pabalik. Tapos aalis ulit siya. Tapos mamimiss ko ulit. Tangina." Hinawakan ko na sa kamay si Kym.

"'Di naman niya kasi sinasabi 'yun eh, dati lang nung single pa siya. Dati lang nung malaya pa siyang lumandi, at ako ang napili niyang landiin. Tuwing icha-chat niya ako, 'yung GF niya lagi pinag-uusapan namin. I mean, come on! Masyado na ba siyang insensitive? Simula nung nagkakilala kami hanggang ngayon, ngayon lang ako umiyak!" pansin kong sobra kaming dala. Umiiyak na si Kym. Maging sina Mona na nagkwento rin kanina, hindi na yata natigil ang luha.

"After lahat ng I Love You niya, after lahat ng kasweet-an niya, nagkabalikan sila ng gf niya nung birthday ko. F*ck lang, wala man lang pasabi? Hindi ka man lang huminto? Kahapon lang ang sweet mo pa sa'kin ah? Ta's ngayon eto? Salamat sa present ha?" ito ang dahilan kung bakit medyo nakakarelate ako kay Kym. May pagkakapareho kami ng sitwasyon. Ang pagkakaiba nga lang, siya ginago, ako... Iniwan lang ng kaibigan pero sobrang nasaktan. At heto nga, ang laro ng tadhana, ibinalik.

" Hindi ko alam ang tamang advice. Baka lalong makagulo sa feelings mo. Kausapin mo kaya? Kahit 'yung simpleng 'Alam mo, gusto kitang sampalin'."

"Ayoko. I miss him. I badly want him to talk to me pero ayoko siyang kausapin. Ang gulo ko 'di ba? Dam'it! Ayokong gawin niya akong panakip butas 'pag nagbreak ulit sila. Hirap na hirap ako dito 'pag wala siya tapos babalik na lang siya 'pag gusto niya? Ako naman 'tong si tanga, tinatanggap pa rin siya. Ang gulo gulo! Bwiset!"

"Magulo talaga ang utak ng mga lalaki. Proven tested. Iilan na lang rin sa kanila ang may isang salita." (Ira)

Pinunas ko na nang buong kamay ang mukha ko dahil basa ng luha. I am so drown in alcohol and in this sad stories I am hearing from them. What more kung ako na ang magsalita? What more kung ano ang nasa kalagayan na naglalabas ng bigat ng damdamin? Kakayanin ko pa ba? Can I really do this? Oh God.

Natapos si Kym, at kami na lang ni Dwain ang hindi pa nagbabahagi ng problema. I am so curious about his thoughts, pero mukha namang hindi rin siya magsasalita. Ano bang pwede kong i-share na problema?

And with that, I struggled for another bottle. Bahala na ang alcohol.

==========

Note: Join kayo sa group. "Pixie Blaire's Milky Way". Add niyo rin ako "PixieBlaire WP". =) Sana may nagbabasa pa. Comment lang nang comment guyth! 'Wag mahiya. Haha!

P.S. - Listen to the song. ARTTM is love. Kahit disbanded na, I still have the 'Rocket craze' for them. Especially, to Nick Santino myloves. Akin siya, back-off. Haha! Kbye!

#BrainlessHeart

Continue Reading

You'll Also Like

17.1K 751 37
Nadine Guinto, an 18 year-old girl who belongs to the poorest class of the society, needs to join Metro Manila's Survival Race in order to save her a...
346K 23.5K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
116K 6.3K 23
"A life for a life, A soul for a soul" Are you ready to face death? What will you do if it suddenly comes to you? They say when you're dead, you're...
2.8M 53.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...