Sweetheart 5 - All My Love (C...

By MarthaCecilia_PHR

1.4M 29.7K 744

Siyam na taon si Lara nang una niyang makita si Jaime, ang binatilyong ampon ng lola niya. Kinaiinisan niya a... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28

Chapter 8

47.2K 914 17
By MarthaCecilia_PHR


UNANG linggo ng bakasyon sa escuela at tinanghali siya ng gising. Ang sabi ng Nana Sepa niya'y nasa library ang mama niya at may bisita. Ang ipinagtataka niya'y ang galak sa mukha ng matandang babae nang sabihin iyon.

"Gising ka na pala, Lara," nakangiting lingon ni Aurora nang makita siyang nakatayo sa may pinto. "Halika, hija, at gusto kong makilala mo si Jaime," ikinawit ni Aurora ang braso sa baywang niya.

"Jaime, this is my daughter Lara," baling ng mama niya sa binatilyo na matiim na nakatitig sa kanya. "She's nine years old at nasa grade three," tumingala si Aurora sa kanya. Nakita niyang lumunok ang mama niya bago muling nagsalita at tumingin kay Jaime. "Hija, siya si Jaime Certeza, he's sixteen at kaga-graduate lang niya sa high school noong isang linggo. Naalala mo bang nabanggit namin sa iyo minsan ng Papa na... na... palaki siya ng Lola mo?"

Wala sa loob na tumango ang batang babae at matapang na sinasalubong ng tingin ang titig ng binatilyo. Hindi ito naglahad ng kamay tulad ng dapat gawin ng mga bagong magkakilala. Hindi rin niya ginawa. Kung masungit ang ampon ng Lola niya'y masungit din siya.

Hinagod niya ng tingin ang kabuuan ng binatilyo. Kahit na nakaupo'y alam niyang mataas ito. May kapayatan ng kaunti. Ang kulay ay hindi maputi gayong sa Maynila ito galing. Marahil ay katu-katulong ng Lola Felisa niya, ang ina ng mama niya. Matangos ang ilong kaysa sa karaniwan. Makapal ang mga kilay na sa wari niya'y laging nagsasalubong. Sindilim ng gabi ang mapanuring mga mata.

"Bakit siya narito, 'Ma?"

Tumikhim si Aurora at matamis na nginitian ang binatilyo na nanatiling pormal. "Bakasyon, hija, at gusto niyang magbakasyon dito sa atin. Kaya magkakaroon ka na ng kasama. Paturuan mong mangabayo si Jaime kay Mang Pilo, Lara."

"Eh, Mama, bakit nga pala hindi tayo ang dumadalaw sa Lola? Bakit si Lola lang ang pumupunta rito sa asyenda paminsan-minsan?"

Muling tumikhim si Aurora at sandaling nailang. Pagkatapos ay ngumiti at tumingin sa binatilyo na sa tingin niya'y may nakatagong galit sa maiitim na mga mata.

"S-sa ibang pagkakataon ay tayo naman ang dadalaw sa Lola, Lara," ang pag-ulit ni Aurora sa hindi na mabilang na pangako nito sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

842K 13K 21
Sweetheart 1 By Martha Cecilia "Ikaw ang aking panaginip... ang aking magandang pag-ibig." Isang matinding crush ang umusbong sa batang puso ni Kimbe...
1.6M 38.5K 27
"Ikaw ang aking panaginip... ang aking magandang pag-ibig." Isang matinding crush ang umusbong sa batang puso ni Kimberly para kay Renz noong sixteen...
28.2K 778 11
Okay guys, this is another story of Fan-Kpop Idol kind of Story. Alam ko na marami sa ATIN ang makaka-relate at aasam na sana TAYO RIN... :) "I want...