Sweetheart 5 - All My Love (C...

Av MarthaCecilia_PHR

1.4M 29.6K 740

Siyam na taon si Lara nang una niyang makita si Jaime, ang binatilyong ampon ng lola niya. Kinaiinisan niya a... Mer

Chapter Two
Chapter Three
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28

Chapter One

140K 1.9K 109
Av MarthaCecilia_PHR


HINDI niya halos makita ang daan. Ang wiper ng windshield niya'y halos di-kayanin ang malakas na patak ng ulan sa salamin. Kinakabahan si Lara na anumang oras ay dederetso ang sasakyan niya sa bangin sa magkabilang bahagi ng daan.

Alas ocho-y-media na nang gabi! At hindi pa niya natatanaw ang kabayanan. Napakadilim sa magkabilang bahagi ng daan dahil alam niyang puro gubat ang mga iyon at bangin. Bakit ba naman kasi umulan habang nasa kalagitnaan siya ng biyahe. Tinantiya na niyang darating siya sa bayan ng San Isidro bago mag-alas-sais ng gabi. Subalit ang apat na oras na biyahe'y humaba pa dahil hindi siya makapagpatakbo nang matulin sa gitna ng malakas na ulan at kadiliman.

Pilit niyang inaalis ang takot sa pamamagitan ng pagkainis sa mga politiko sa bayang iyon. Kay daming ipinangangako kapag nangangampanya subalit mapalad nang may natutupad. Tulad na lang halimbawa ang daang tinatahak niya ngayon. Three years ago ay ganito rin ang daan, walang ipinagbago. Aspaltadong naturingan pero ni hindi pinagkaabalahang ayusin at tapalan ang mga malalaking lubak.

Three years. Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. Sa nakalipas na tatlong taon, dapat ay nakalimot na siya. Dapat ay hindi na ganito ang nararamdaman niya. Pero tulad ng kalsadang tinatahak niya ay wala ring ipinagbago ang damdamin niya.

Inabot niya ang windshield at pinunasan ng palad ang hamog doon na sanhi ng ulan sa labas at ng air-conditioning nang bigla siyang napahugot ng maluwag na paghinga. May natatanaw na siyang liwanag mula sa malayo. Nangangahulugang ilang minuto na lang at nasa bayan na siya. Umusal ng pasasalamat si Lara at bahagyang binilisan ang pagpapatakbo.

Ilang sandali pa'y binabaybay na niya ang kabayanan. Dahil sa malakas na ulan ay wala na siyang makitang bahay na nakabukas ang mga bintana. Ang iba nga yata'y mga natutulog na. Tinunton niya ang pakanang kalye na alam niyang kinaroroonan ng nag-iisang hotel sa bayang iyon. Doon siya magpapalipas ng gabi at kinabukasan na uli niya ipagpapatuloy ang biyahe patungong Asyenda Aurora. Bagaman mahigit isang oras na lang ang biyahe patungong asyenda mula sa bayan ay hindi siya mangangahas na magpatuloy sa lakas ng ulan nang nag-iisa.

Ipinarada niya ang sasakyan sa parking area ng dalawang palapag na hotel. Marami ring sasakyan ang naroon. Tulad niya'y mga biyahero din marahil. Inabot niya ang maliit na maleta sa passenger seat at ang shoulder bag ay isinabit sa balikat. Pagkatapos ay lumabas ng kotse at tinakbo ang entrada upang kahit paano'y hindi masyadong mabasa ng ulan. Nasa covered entrance na siya nang bumangga siya sa tila pader na dibdib.

Sa pagkabigla'y nabitiwan niya ang maleta. Siya man ay mawawalan sana ng balanse at tutumba kung hindi siya nahawakan sa balikat ng nakabangga.

"Are you all right?" ang malalim na tinig.

Nag-angat siya ng paningin. "I'm sor—" nabitin sa lalamunan niya ang sasabihin. May pakiramdam pa nga siyang huminto siya sa paghinga sandali. Nakatitig siya sa pamilyar na mga mata. "J-Jaime..."

"What took you so long, Lara?" may galit sa tinig nito at gusto niyang dumaing sa higpit ng pagkakahawak nito sa braso niya. "Paalis na akong talaga upang salubungin ka sa daan."

Pahablot niyang hinila ang braso at sa patuyang paraan ay: "After three years, you haven't change a bit. You're still the same arrogant bastard you used to be. How did you make it through the hard rain?" Nag-aapoy ang mga mata niya sa pagkakatitig dito.

Tumiim ang mga bagang ng lalaki. "Inaasahan kong darating ka nang alas-sais, Lara. Alas-singko-y-media pa lang ay nandito na ako."

"Hindi ko sinabing salubungin mo ako kaya huwag mong isisi sa aking naghintay ka nang matagal!"

"Hindi ang paghihintay ko ang ikinagagalit ko. You've got me worried. Gabi na at nagsimulang umulan ng malakas paalis pa lang ako sa asyenda. At nag-aalala ako kung ano na ang nangyari sa iyo sa daan," sa puntong iyon ay bumaba ang tinig ng lalaki. Sa isang sandali'y nakita niya sa mga mata nito ang pag-aalala na iglap ding nawala na may palagay siyang imahinasyon niya lang iyon.

"Thanks a lot," sarkastikong sagot niya. "You have a funny way of showing it. And there's your answer, malakas ang ulan. Ano ba naman ang malay ko na aabutin ako ng bagyo sa daan."

"Kung umalis ka nang maaga'y hindi ka aabutan ng malakas na ulan sa daan. But as usual, walang mahalaga sa iyo kundi ang trabaho mo sa Maynila. Gusto kong isiping hindi ka na darating. Pero hindi ako makapaniwalang magagawa mo iyon sa Papa mo sa huling sandali," mahabang litanya nito na lalong nagdagdag ng galit sa dibdib niya.

Yumuko ito upang damputin ang bumagsak niyang maleta. Pagkatapos ay muli siyang hinawakan sa braso. "Tara sa loob," at bago pa siya nakapagsalita upang sagutin ang sinasabi nito'y hinila na siya nito papasok ng hotel.

"Dalawang single room, Ben," wika nito sa receptionist pagdating sa counter.

"Wait a minute," protesta niya. "Bakit kailangan nating mag-check-in gayong maaari naman tayong magpatuloy ngayon." Sinulyapan niya saglit ang relo sa braso. Alas-nueve pasado pa lang. Wala pang alas-onse ay naroon na silang tiyak. At totoong binalak niyang sa hotel magpalipas ng gabi pero kung narito ang lalaki at sinusundo siya'y mas nakakadama siya ng panatag sa pagbibiyahe.

Subalit hindi kumibo si Jaime. Impatiently tapped his long fingers on the wooden counter.

Mula sa pagkakatingin sa record book ay nag-angat ng tingin ang receptionist. "Ikinalulungkot ko po, Mr. Certeza, pero iisa na ho ang bakanteng silid at single bed lang ho ang naroon. Marami ho kasing biyahero ang narito ngayon dahil sa biglang buhos ng malakas na ulan." Humihingi ng paumanhin ang tinig ng lalaki.

"Ibigay mo sa akin ang susi," utos nito. Mabilis na sumunod ang lalaki. Pagkatapos pumirma ni Jaime sa record book na binigay ng receptionist ay hinila na si Lara patungo sa hagdan.

"Ano ka ba?" Asik niya. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Puwede naman tayong magpatuloy magbiyahe," medyo hininaan niya ang sinabi nang mapuna ang ilang tao sa reception na natawag niya ang pansin.

"Sa bahaging ito ng lupa ikaw ipinanganak at nagkaisip, Lara," mariing pahayag nito na tila ba makakalimutan niya iyon. "Alam mong huwag lang di-lumakas ang ulan ay umaapaw ang ilog patungo sa asyenda. Paano sa palagay mo tayo tatawid doon. Range Rover ang dala ko, hindi lantsa."

Gusto niyang masuklam sa pang-uuyam sa tinig nito. Pero nagsasabi ng totoo ang lalaki. Bakit ba nawaglit sa isip niya iyon? O, subconsciously ay hindi niya gustong alalahanin. Alam niyang hindi sila makatatawid ng tulay gaano man kalaki ang mga gulong ng sasakyan nito.

"At huwag mong sabihin sa aking magkasama tayo sa iisang silid," sige pa rin siya sa pagpo-protesta.

Hindi sumagot si Jaime at nagpatuloy sa pagpanhik habang hawak siya sa isang kamay at sa isa'y ang maleta niya. Ni hindi niya magawang pakawalan ang kamay niya. Mahigpit ang pagkakahawak ng lalaki roon na tila siya makakawala. Pagdating sa itaas ay inikot ni Jaime ang mga mata sa dalawang pasilyo na naiilawan lamang ng malamlam na bombilya. Kumanan ito matapos tingnan ang numero sa may susi. Sa dulo ng pasilyo ay ang silid. Ibinaba nito ang maleta at ipinasok sa susian ang susi.

"Get inside," utos nito matapos itulak pabukas ang pinto.

"No." Matigas niyang sagot. Ipinako ang sarili sa pagkakatayo. "I wouldn't share a room with you!" Halos iluwa niya sa mukha nito ang sinabi.

Isang naiiritang paghinga ang pinakawalan nito. "Did you think I had that in mind?" Nasa tinig nito ang panunuya sabay hagod ng tingin sa kanya mula ulo hanggang paa at pabalik uli. Huminto ang mga mata nito sa dibdib niya.

Gusto niyang sampalin ang lalaki sa malisyang nasa mga mata nito. Sa pakiramdam niya'y hubad siya sa paraan ng pagkakatitig nito. Na parang ganoon na nga, dahil mamasa-masa ang T-shirt niya mula sa ulan at nakabakat doon ang dibdib niya.

"For all I know, ilang lalaki na ang—" bago natapos ni Jaime ang sinabi'y lumapat sa pisngi nito ang palad niya.

Ilang sandaling maigting na katahimikan ang namagitan bago sa naniningkit ang mga mata'y tinitigan siya ni Jaime.

"Don't do that again, Lara, or you'll be sorry," nasa tinig nito ang babala kasabay ng paggalaw ng mga muscle sa mukha.

Wala siyang maisagot doon. Nakatitig pa rin siya rito na tila natulala. Nagulat siya sa sariling reaksiyon. Hindi siya bayolenteng tao. At ang nakapagtataka ay kung bakit sa muli nilang pagkikita ni Jaime makalipas ang tatlong taon ay agad nitong napukaw ang galit niya. Tulad din noon.

Bahagya pa siyang nagulat nang maluwang na buksan ni Jaime ang pinto at nagpatiunang pumasok. Inihagis ang maleta niya sa ibabaw ng kamang yari sa bakal na may kutsong kapok. Wala sa loob siyang sumunod sa loob.

Nilampasan siya ni Jaime na humakbang pabalik sa may pinto. Nasa labas na ito nang lumingon. "We will leave tomorrow at dawn. Mag-delubyo man o umaraw." Pagkasabi noo'y tumalikod na ito kasabay ng pagkabig sa pinto pasara.

Isinara niya ang pinto at diniinan ang doorlock. Sandaling pumikit and sighed wearily. Inikot ang mga mata sa munting silid na ang puting pintura ay natutuklap na. May isang munting bintana at kulay-berdeng kurtina na sa tantiya niya'y taon nang nakasabit roon. Ang pang-isahang kama ay may isang nakatuping kumot na puti at isang unang pinag-iisipan niya kung gagamitin o hindi. Isang silyang kahoy at maliit na lumang tokador na may maliit ding salamin. May maliit na built-in closet na wala siyang balak buksan at silipin.

Humakbang siya patungo sa may pinto ng banyo at itinulak iyon pabukas. Isang metro kuwadradong toilet and bath. Malinis sa pamantayan ng ganoong mumurahing pambiyaherong hotel. Gusto niyang kiligin sa mga kalawang sa dating puting tiles at dating puting toilet bowl. Pero ano ba ang inaasahan niya?

Humakbang siya patungo sa may bintana. Bahagyang hinawi ang kurtina upang silipin ang ibaba. Umaasang makikita roon ang sasakyan ni Jaime bagaman hindi niya kilala. Doon marahil matutulog ang lalaki. May kung anong surot ng budhi ang naramdaman niya. Masama ang panahon para matulog sa sasakyan. Pero agad ding inalis sa isip niya iyon. Hindi siya papayag na magkasama sila sa iisang silid ng lalaking iyon!

Napakalakas ng ulan na wala siyang maaninagkahit na ano. Humahampas ang mga dahon ng kung anong puno sa salamin ng bintanasa lakas ng hangin. Muli niyang ibinaba ang kurtina at humakbang patungo sakama. Mayroon siyang ilang oras para matulog. Iyon ay kung makakatulog siya. Punung-puno ang isip niya ng mga alalahanin.Ng sama ng loob. Ng dalamhati sa dahilan ng pag-uwi niya sa Asyenda Auroramakalipas ang tatlong taon.    

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

2.4M 154K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
2.1M 61.7K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
6.4K 175 5
Alexis and Casey met and fell in love in college. They were young and uninhibited. They were passionate about each other and about their dreams. They...