The Badass Babysitter Vol.2 ✓

By Nayakhicoshi

1.1M 51.5K 38.2K

[Highest Rank Achieved #15 in Humor as of October 8 2018; #24 in adventure, #3 in Babysitter] Volume 2 of The... More

Volume 2
Chapter One: Date
Chapter 2: Party
Chapter 3: Tinola
Chapter 4: Endearment
Chapter 5: Haup Beast
Chapter 6: Night Hug
Chapter 7: Jealous
Chapter 8: Nanang & Tatang
Chapter 9: Kiss me
Chapter 10: Meet
Chapter 11: Landlord
Chapter 12: Kapitan
Chapter 13: Serpens
Chapter 14: Her Throne
Chapter 16: Protection
Chapter 17: Bitch
Chapter 18: Costume Party
Chapter 19: How are you?
Chapter 20: Wish granted
Chapter 21: Bruises
Chapter 22: Forgive and Forget
Chapter 23: Wounded
Chapter 24: Apple for a day
Chapter 25: Favor
Chapter 26: Holdapers
Chapter 27: Farewell
Chapter 28: Luggage
Chapter 29: Housemate
Chapter 30: Junakis the sixth
Chapter 31: Baby Tiger
Not an update!
Chapter 32: Ella es la muerte
Chapter 33: The little compass
Chapter 34: Cuddles and I love you
Not an Update
Chapter 35: Alien
Chapter 36: Old Friend
Chapter 37: Back to School
Chapter 38: Colours
Chapter 39: Ruin
Chapter 40: Embrace
Chapter 41: Officer
Chapter 42: Hemisphere
Chapter 43: Princess Tatiana Quvenzane Schleswig of Greece and Denmark
Chapter 44: Heat
Chapter 45: Dagger
Chapter 46: Quarantine
Chapter 47: Grounded
Chapter 48: Reunion
Chapter 49: Isaiah's Birthday
Chapter 50: Sneak peak
Chapter 51: Home run
Chapter 52: Family Dinner
Chapter 53: Lose
Chapter 54: Moving on
Chapter 55: Explode
Chapter 56: Back to the old times
Chapter 57: War zone (part 1)
Chapter 57: War zone (Part 2)
Chapter 58: Final plan
Chapter 59: Welcome-Goodbye
Chapter 60: Genesis
VOLUME 3
Book 3 is out!

Chapter 15: Cloud 9

15.9K 825 531
By Nayakhicoshi

CHAPTER FIFTEEN

_

SOUTHERN'S POV

"Kainis! Ginalaw mo kasi ako Atarah eh!"

"Hindi ah! Hindi nga ako gumagalaw eh!"

"Liar! Ginalaw mo ang braso ko para magkamali ako sa pagpulot ng isang bato!"

"Hoy! Hindi ko 'yon ginawa! Si Vape 'yon!"

"What the fvck? I didn't do anything!"

Palipat-lipat ang tingin ko kina Coby, Vape at Atarah. Nagbibintangan sila sa pagkamali ng pulot ni Coby sa bato ng Jackstone. Para lang silang mga tanga.

"Tss, h'wag na kayong magbintangan. Ako na ang sunod!" sabi ko at inagaw kay Rucc ang bola ng Jackstone. Dinampot ko ang mga bato at huminga ng malalim bago ko iyon kinalat sa sahig.

"Go! Go! Landlord!"

"Kaya mo 'yan, Landlord!"

"Kyaaahh! Galingan mo, Landlord!"

Sigaw iyan ng mga taga kabilang selda. Iyong mga borders ko. Halos tumagos na sila sa mga bakal makita lang ang paglalaro ko ng Jackstone. And yes, sa kamalas-malas napilit akong maglaro at hindi ko akalain na magugustuhan ko rin pala ito. Boring e. Walang ibang pagkakaabalahan dito sa loob ng kulungan kundi eto lang.

"Idilat niyong mabuti ang mga mata niyo, mahirap ng madayaan" sabi ni Atarah at pinalaki ang mga mata.

"Hindi ako mandaraya na katulad mo" usal ko.

Nag-iwas siya ng tingin. "H-hindi ako mandaraya ah! Hindi ko nga siniko ng palihim si Coby para magkamali siya sa paglalaro eh. Hindi ko rin hinipan ang bola ng ihagis ito ni Rucc kanina. At mas lalong hindi ko nilipat ang isang bato ni Vape dahilan para hindi niya ito madampot kaagad. Hindi talaga ako mandaraya! Bintangera!" sabi nito. Matalim pa niya akong tinignan.

Napatitig sakanya sina Rucc, Coby at Vape. Ilang sandali lang ay sabay-sabay na silang napamura.

"Kapag nagkamali ako, sasabunutan kitang babae ka" mariing kong sabi.

Sumimangot siya at umismid. "Wala akong balak na ipagdasal na magkamali ka!"

Napailing nalang ako at tinignan ang mga batong nakakalat sa sahig. Pinagiisipan kong mabuti ang unang batong dadamputin ko.

"Go! Landlord! Kaya mo 'yan!"

"Kapitan! Cheer mo naman si Landlord!"

"Yeah. Go and win." Tipid na salita ang narinig ko mula sa isa sa mga borders ko. Iyon ang leader nilang tinatawag nilang Kapitan. He's the one I twisted his finger. Magaling na iyon ngunit may benda pa ang daliri niya. Masama ang tingin nito sa akin at kita ko roon na gusto niya akong sakmalin kahit na anong oras.

I just tsked and focus on my game.

"H'wag ka ng mag-isip, Milagro. You'll lose anyway" sabi ni Vape kaya masama ko itong tinignan.

"Porket nakaabot ka na sa kweba-kweba? Ang yabang mo ah! Tignan mo, maabot ko rin ang round na 'yan!" hamon ko.

Ngumisi siya. "We'll see."

I clenched my jaw. Ang yabang ng Vape na ito. Makikita mo ang galing ko!

Humugot ako ng malalim na hininga bago hinagis pataas ang bola ng Jackstone at mabilis na dinampot ang isang bato malapit sa akin. Kaagad ko ring sinalo ang bola pagkatapos. I smirked when I succeeded.

"Kyaaaah! Ang galing mo, Landlord!"

"The best ka talaga!"

"Wohoo! Pa-fs Idol!"

My borders voice echoed to the whole room. Sa lakas ng boses nila sa pag-chi-cheer sa akin at tiyak na naabala na nila ang ibang bilanggo.

"Yohoo! I love you Landlord!"

"Kaya mo 'yan!"

Hinagis ko muli ang bola at mabilis na dinampot ang pangalawang bato. Akmang sasaluhin ko na sana ang bola ng malakas muli na naghiyawan ang mga nasa kabilang selda, dahilan para marindi ako at madistract at para hindi masalo ang bola.

"Kyaaaah----Hala! Natalo ka na, Landlord!"

"Ano ba 'yan! Chini-cheer ka pa naman namin!"

"Wala! Talo ka na, Landlord!"

They said with so much disappointment. Napatiim bagang ako at pinagdadampot ang mga bato saka mabilis na tumayo at sinaksak sa pagbubunganga nila ang mga bato ng Jackstone.

"Mga walangya! Hindi ako matatalo kung hindi kayo nag-iingay!" malakas kong sigaw sakanila.

Ngumuso sila at naiiyak na umatras sa bakal. Nanggigigil ako. Langya! Natalo na naman ako sa Jackstone!

"Aminin mo na lang na hindi ka talaga makakalagpas sa round one, Milagro" nang u-uyam na sabi ni Vape kaya tinignan ko siya ng masama. Ngumisi lang ito.

"Tss. Kayo na lang maglaro, out muna ako" sabi ko at nagtungo sa pinakasulok na bahagi ng selda. I feel so down. Balang araw, magiging mahusay din ako sa Jackstone. Itataga ko 'yan sa bato.

"Sus! Sabi mo lang 'yan dahil natalo ka na! Jackstone lang pala ang magpapasuko sa'yo, Milagro?" Ngisi ni Atarah kaya ito naman ang tinignan ko ng masama.

"Shut up! Wala na ako sa mood!" Totoo 'yun. Ikaw ba naman ang matalo at hindi nakakalayo sa round one ng Jackstone, nakakalungkot talaga iyon.

Buti pa si Atarah, first time lang din na maglaro pero nakakaabot na siya sa round 3. Nakaka-inggit iyon, psh.

"Ikaw bahala! Basta maglalaro na kami!" nangiingit ito at binelatan pa ako bago sila nagpatuloy sa laro.

Kainis! Matalo ka sanang bruha ka!

Sinandal ko na lang ang likod ko sa pader at pumikit. Genesis face immediately flashed to my head making me think of him again.

Damn, kumusta na kaya ang paguusap nila ni Daddy? I wish I was there to know everything. Baka sinaktan na siya ni Daddy at saktong wala pa ako roon. Siguro naman hindi siya pinabayaan ni North, 'di ba? At maging ang mga kapatid nito. Mahirap i-handle ang mga Crane lalo na at mga isip-bata sila, pero sa tingin ko naman ay sanay na si North sakanila at kaya na niyang bantayan ang mga ito.

I won't be able to go home today. Tiyak na hahanapin nila ako. Hindi pa naman ako nagpaalam, lalo na kay Genesis. Baka magwala iyon doon at magpumilit na hanapin ako. That thought ache my heart.

Tumunog bigla ang cellphone ko kaya napamulat ako. Ngayon lang nag-sink in sa utak ko na dala ko pala ito. Damn! Dapat kanina ko pa ito ginamit at tinawagan sila! Ang bobo ko naman!

Mabilis kong kinuha ito sa bulsa ko at naramdaman ko ang pagtalon ng puso ko ng makita kung sino ang tumatawag.

It's Genesis!

May halong kaba, lungkot at pangungulila ko itong sinagot. Nahigit ko pa ang hininga ko ng marinig ang boses nito sa kabilang linya.

"Witch?"

Kung noon, nabwi-bwisit ako kapag tinatawag niya ako ng ganoon, ngayon ay parang may humahaplos na sa puso ko. He affect me this much huh?

"Hey..." Nanuyo bigla ang lalamunan ko.

"Where are you? Aren't you coming home?" sunod-sunod niyang tanong. I could hear the Crane's voice in the background. Masaya ang mga boses nila at narinig ko pa ang boses ni Isaiah na sumisigaw ng Dora.

I bit my lower lip. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sakanya.

"Hindi pa ba okay ang business niyo?" tanong niya ulit.

Kaagad akong ginapangan ng kaba. "B-business?" Sinabi ba ni North ang lakad ko ngayon?

"Yes, your business. North told me that you went out to see some of your family business. Inutusan ka raw ng Daddy niyo. Hindi pa ba maayos 'yan?" he said, making me paused.

Family Business, is that North reasoned out? Medyo nakahinga ako ng maluwag doon.

"Uhm.." I swallowed hard before I answer him. "H-hindi pa. Marami pa akong aasikasuhin" I lied.

Rinig ko ang pagbuntong hininga nito. "Is that so? What time can you come home, then? I'll wait for you" sabi nito.

Parang may tumusok sa dibdib ko. Kinagat ko ang ibabang labi at huminga ng malalim bago magsalita.

"Genesis, I can't come home today..."

He paused. Tanging paghinga lang nito ang naririnig ko sa kabilang linya.

"M-marami pa kasi akong aasikasuhin. B-baka bukas pa ako makakauwi.." dagdag ko. Habang tumatagal, pakirot ng pakirot ang dibdib ko. Parang may pumipiga rito at nasasakal ako sa sakit.

"Are we staying here until you come home?" tanong niya. Malumanay ang boses nito kaya mas lalo akong nasasaktan.

I'm good at lying. I'm actually a pro when it comes to it. I never felt guilty everytime I lie, ngayon lang. Sobra akong nagu-guilty kasi kailangan ko pang magsinungaling para pagtakpan ang mga katotohanan. If I could only tell them, tell him, hindi sana kami nahihirapan ngayon. Hindi na rin sana mahirap sa akin na magsinungaling kay Genesis.

"Yes. Diyan muna kayo sa Mansyon. Don't worry, hindi kayo papabayaan ni North diyan" sabi ko.

"Your brothers don't like me.." sumbong niya. Konti na lang ay iisipin ko na rin na nakanguso siya habang sinasabi iyon.

Napangiti ako. "Magugustuhan ka rin nila. Ayaw lang kasi nilang may lalaki sa buhay namin dahil iniisip nilang pinagpalit na namin sila. Maiintindihan din nila ang lahat" I assured him.

"I hope so. North is mad at them, and the two wants to pursue her by cooking her a food. They even want you to teach them how to cook!" palatak niya at bumuntong hininga muli. "Please, Bebe ko, don't teach them how to cook" pakiusap niya.

Napataas ang kilay ko. "At bakit naman hindi? Malaking karangalan iyon sa akin. Buong puso ko pa silang tuturuang magluto" sabi ko.

He groaned. "Oh come on! You're a terrible cooker, Southern! You might poison your siblings!" dire-diretsong aniya.

Ngumuso ako. Nasaktan ako roon ah. I know I'm a terrible cooker but coming this from my Boyfriend, damn, it hurts. Sana man lang nilagyan niya ng filter ang mga sinabi niya. Damn him for being honest!

Nag-init bigla ang ulo ko.

"Ah, terrible cooker pala ha? Ito ang tandaan mo, kapag marunong na akong magluto, hinding hindi ka makakatikim kahit isang kutsara ng pagkain ko!" sigaw ko.

Napatingin sa akin ang mga kaibigan ko, maging ang mga nasa kabilang selda. Umismid ako at tinuon ang paningin sa puting sapatos ko na may bakas pa ng mga dugo ni Syphenix.

"Ang tanong, kailan ka matutotong magluto?" tanong niya. Ramdam ko ang ngisi nito kaya mas lalo akong nainis.

Bwisit na lalaking 'to! Buti talaga hindi ako makakauwi dahil baka mapatay ko lang ito ngayon.

"Nakakainis ka! I hate you!" malakas kong sigaw atsaka mabilis na pinatay ang tawag.

Sa bwisit ko pa ay hinagis ko ang cellphone ko sa paanan ko. Nagtatakang tingin ang pinukol sa akin ng mga kasama ko.

"Oh? LQ?" Nakataas kilay na sabi ni Atarah.

I glare at her.

She immediately put her hands in the air. "Chill, pare! Mainitin naman ang ulo mo! Jackstone ka ulit" aniya.

Tumunog muli ang cellphone ko kaya napatingin ako rito. Genesis is calling again. Kahit sobra ang pagkainis ko ay kinuha ko ito sa paanan ko at sinagot ang tawag. Tinignan ko ng masama ang mga nakatingin sa akin kaya mabilis silang umiwas ng tingin at pinagpatuloy ang mga ginagawa.

"Hey, I'm sorry, okay? I was just joking, Bebe ko. Please don't get mad..." masuyong sabi ni Genesis sa kabilang linya. Boses palang nito ay unti-unti ng lumalambot ang puso ko.

H'wag kang bibigay agad, South. Tinawag ka niyang terrible cooker 'di ba? Sinong matinong boyfriend ang magsasabi no'n sa girlfriend niya?

"Sorry na. Nagbibiro lang ako, though, you are really a terrible cooker but that's alright. I still love you. Please, forgive me, Bebe ko. I love you..." sabi niya at ramdam na ramdam ko pagsusumamo niya. His tone was desperate and soft. Nakakapanghina.

Ngumuso ako. "Ganoon ba talaga ako kasamang magluto? Ginagawa ko naman ang best ko" mahinang sabi ko. I still feel so bad.

"I know, and we appreciate your effort."

"Eh bakit sinasabi mo parin na pangit akong magluto?"

"Because that's the truth."

Umusok kaagad ang ilong ko. "Genesis!"

He chuckled and I melt, dammit. He's so fvcking sexy when he laugh. Nakakatunaw, walangya.

"Kidding! I love you..."

Oh fvck!

Nanghihina akong sumandal sa pader. Wala na, tuluyan na akong bumigay. Nakakainis magpakilig nito.

"I love you too..." I said with so much sincerity.

Mahal na mahal ko ang taong 'to. Kahit madalas siyang nakakabwisit, mahal ko parin. Tinamaan talaga ako ng lintek.

"I miss you, Bebe ko. I wish I could hug you right now. I really really do miss you.." ramdam ko ang pangungulila sa boses niya kaya napapikit ako at dinamdam ang pagkirot ng dibdib ko sa pinaghalong saya at lungkot.

"Ilang oras palang tayo na hindi nagkikita" I said.

"5 hours and 37 minutes and I'm already missing you that much. Plus the fact that I won't be able to see you for the next hours, it's already killing me slowly. I'm afraid, I might get admitted to the hospital for missing you like this" sabi nito at huminga ng malalim.

"Genesis..." Why are you making this hard to me?

"Hindi ka ba talaga makakauwi? I swear, Southern, lalabas ako rito at pupuntahan kita kahit nasaan ka pa. Gusto lang talaga kitang makita. Damn, I'm addicted to you." I could feel his frustration.

Kinagat ko ng mariin ang ibabang labi ko. Nasasaktan ako sa mga naririnig kahit nakakapagpatunaw ng mga buto ang mga sinasabi niya.

I suddenly regretted all the things I've done today. Kung hindi sana ako nagpadalos-dalos, kung hindi ako nagpakain sa uhaw kong makaganti sa mga nanakit sakanila, edi sana kasama ko siya ngayon. Edi sana, hindi niya ako nami-miss. Edi sana, hindi ako nahihirapan dito.

I'm so stupid. Saan ko ba namana ang pagiging tanga ko? Kay North siguro, tanga rin 'yon eh.

"Don't do that," sabi ko. "H'wag kang aalis sa Mansyon, Genesis. I will be very mad if you do that. Hayaan mong ako ang pumunta riyan. Just wait for me, okay?"

"Tss. Waiting is not my thing, Southern" he said firmly.

"Then do it. Wait me Genesis, and if you do that," I paused. Tinitimbang ko sa isip ang dapat idugtong.

"Hmmm?" he's impatiently waiting for the continuation.

Kinagat ko muli ang labi.

"Hahalikan kita."

Natahimik ito. Mukhang natigil din ito sa paghinga. Ilang sandali lang ay nagsalita na ito.

"H-how long?" Nauutal ito kaya natawa ako.

"Gaano mo ba gusto katagal?" tanong ko.

"F-five seconds?"

Kinagat-kagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang pag-ngiti ng malapad.

"Five lang?"

Narinig ko ang paglunok nito. "Y-you might lose your breathing. So, I think five seconds are enough."

"Hmmm marunong akong lumangoy. I can hold my breath for 5 minutes." Ngisi ko.

Napasinghap ito kaya hindi ko na napigilan at natawa na.

"Jesus Christ, Southern! Five minutes? You can kiss that long?"

Natatawa akong tumango kahit hindi naman niya nakikita. "Oo, kaya ngayon palang ay mag-ipon ka na ng hangin. Exercise your breathing because you might get drown on my kisses, Genesis."

Napasinghap muli ito. "Damn, what should I do to you?" Problemado nitong sabi kaya natawa ulit ako.

"Tapos na kayong mag-usap ni Daddy?" pag-iiba ko ng usapan. Sinandal ko ang ulo ko sa pader at bahagyang tumingala. Tinitigan ko ang pahabang bombilya.

Walang bintana rito kaya hindi ko alam kung madilim na ba sa labas. Walang pwedeng pagsinagan ng araw sa loob at tanging mga bombilya lang ang ilaw namin.

"Yeah" bumuntong hininga ito.

Nangunot ang noo ko. "Kumusta ang pag-uusap niyo? Sinaktan o tinakot ka ba niya?"

"No. He didn't do anything. We just talked."

"Anong pinagusapan niyo?" tanong ko.

Saglit itong tumigil na para bang pinagiisipan ang isasagot. "H-he just told me to take care of you."

He's lying. He's a Crane and I know if they are lying or not. At isa pa, hindi sasabihin ng Daddy ko ang ganoon.

"Genesis, anong sinabi niya?" seryoso kong tanong.

Bumuntong hininga ito. "Bebe ko, iyon ang sinabi niya" malumanay nitong sabi.

"No, Genesis. Sabihin mo sa akin ang totoo" mariin kong sabi.

"Bebe ko--"

"Genesis."

"Fine! He told me to stop dating you because you're not worth for my love. He told me that you're too naive and innocent for me. He told me that he knows someone who's better for you! Better than me!" His voice cracked and I clenched my jaw.

Pumikit ako at nanginginig na hinigpitan ang hawak sa cellphone ko. "Sinabi niya 'yon?"

Suminghot siya. Nanigas ako sa pwesto ko. Is he crying? That thought broke my heart.

"Y-yes. Am I not enough for you?" tanong niya.

Kinuyom ko ang kamao ko. "You're beyond the word enough, Genesis. Kaya kung ano man ang mga sinabi niya sa'yo, h'wag mo iyong intindihin. Tandaan mo, mahal kita. Mahal mo ako 'di ba?"

"Of course! I love you so much!" kaagad nitong sagot.

I smiled. "Iyon naman pala eh. Iyon ang mahalaga. And whoever the fvck that person he's talking about, the hell I care with him. I don't fvcking care to his opinion. Hindi siya ang nagmamahal, ako, kaya ako lang ang may karapatan na sabihin kung sino ang karapat-dapat para sa akin" sabi ko dahilan para matahimik ito sa kabilang linya.

"But he's your father" sabi nito makalipas ng ilang segundo.

"So? Gusto mo bang mapunta ako sa iba?" tanong ko.

"Of course not! I'm going to kill first whoever the fvck that guy. I'm not going to give you up!" mariing aniya.

Mas lalo akong napangiti. "Good. Because I'm not going to give you up, too. Magkamatayan na, akin ka lang."

"You're possessive, I like that" ngayon ay ramdam ko na ang ngisi niya.

Natawa ako. "Lintek eh. Natamaan ako sa'yo."

He chuckled. Parang kiniliti na naman ang dibdib ko.

"Lachlan is coming!" Anunsyo ni Coby kaya napatingin ako sakanila. Mabilis nilang niligpit ang Jackstone at umayos ng mga pwesto. Maging ang mga nasa kabilang selda ay umayos din.

Tumingin sa akin si Vape at tinignan ako ng makahulugang tingin. He also motioned me to hide the phone. Napalunok ako.

"Who's that?" tanong ni Genesis sa kabilang linya.

"Uhm, he's a client. I have to go, Genesis, tatawagan kita mamaya" sabi ko.

Humugot ito ng malalim na hininga. "Okay, take care. I love you."

Napangiti ako. "I love you too."

Papatayin ko na sana ang tawag ng marinig ko ang mga binulong ni Genesis.

"I miss you.." punong-puno iyon ng lungkot at pangungulila. Napapikit ako.

Damn, I miss him too.

"South! Bilis!" sigaw ni Atarah kaya mabilis kong pinatay ang tawag at tinago ang cellphone sa bulsa.

Naririnig ko na ang mga yabag ni Lachlan kaya tumikhim ako at umayos ng pagkakasandal sa pader. Ilang sandali lang ay nakita ko na siyang lumapit sa selda namin. Kaagad siyang napatingin sa akin at bahagyang nangunot ang noo niya. Umiwas naman ako at tumingin sa katabing selda namin. Kaagad nagtama ang paningin namin ng leader ng mga borders ko.

His face flush and he immediately averted his gaze on me. Weird.

"Here's your food" sabi ni Lachlan kaya binalik ko ang tingin ko sakanya. May mga dala siyang mga pagkain ng isang sikat na Fast Food.

"Wow! Chicken!" Atarah beamed. Hindi ito makapag-antay na buksan ni Lachlan ang selda namin para maabot ang mga pagkain.

I saw he inserted the key to the padlock. Dalawang ikot ang ginawa niya roon bago ito tuluyang bumukas. Mabilis niya ring binulsa ang susi sa kanang bulsa ng pantalon. Pumasok siya sa loob ng selda at inabot kay Atarah ang mga plastic ng pagkain.

"Here, kumain kayo ng maayos" aniya at tumingin sa akin. May inabot siyang isang plastic ng pagkain. "Here's for you. May Ice cream ang coke mo" sabi niya.

I sighed and get up from my seat. Lumapit ako sakanya at kinuha iyon. Hindi ako nagpasalamat.

"Ang daya naman! Bakit sakanya may Ice Cream, sa amin wala? Favoritism ka, Lachlan, ha!" Ungot ni Coby.

"She deserves the better" sabi nito at tumitig sa akin. "Kumain ka na."

Naupo ako sa sahig at binuklat ang plastic na binigay niya. Ganoon din ang ginawa ng mga kaibigan ko.

"Paano kami? Nagugutom na kami!" sabi ng mga nasa katabi naming selda.

Bumaling sakanila si Lachlan. "Don't worry, parating na rin ang mga pagkain niyo. Inuna ko lang sila dahil kay Milagrosa" sabi niya.

"Favoritism, psh!" Ismid ng leader nila. Nagkibit balikat lang si Lachlan.

Kinuha ko ang nakalagay sa kahon na pagkain. Binuksan ko iyon at nakita ang isang binti ng manok at isang kanin. Tss, mukha bang kasya ito sa akin? Pagkain lang ng bata 'to eh! I need five scoop of rice!

"You want my rice?" Vape offered me his rice.

Umiling ako. "Okay na 'to" sabi ko.

Sapat na 'to.

"Salamat sa pa-chicken mo, Lachlan!" masayang sabi ni Rucc.

Tumango ito. "Just eat up."

Kinuha ko ang plastic na kutsara at tinidor saka kumuha ng kanin at naghimay ng karne ng manok. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong nakatingin sa akin si Lachlan. Waiting me to eat.

Sinubo ko ang kinutsara ko at nginuya. Sunod-sunod ang ginawa kong pagsubo hanggang sa mapuno ang bunganga ko. I even cough dahil nahihirapan ako sa pagnguya.

"Dahan-dahan lang, Benedicto" sabi nito.

Yumuko ako at dinahan-dahan ang pagnguya. Siniguradong nadudurog ng mabuti ang mga pagkain. Hindi pa man ako nakakalunok ay kinuha ko na ang inumin ko at uminom ng konti. Lumunok lang ako ng konti at sumubo ulit ng kanin.

Tumingin ako sa mga kasama kong masayang kinakagatan ang mga manok nila. Pinakiramdaman ko naman si Lachlan. Pinapanood niya lang ako. I shook my head and took a deep breath.

Nilunok ko ang nginunguya ko at ilang sandali lang ay bigla akong napahawak sa sikmura ko. Natigilan ako at pansin ko na napatingin silang lahat sa akin.

"South, may problema ba?" tanong ni Atarah.

Hindi ko ito pinansin dahil bigla akong napahawak naman sa lalamunan ko. I could feel my face reddened. Ilan sa mga pagkain na nasa bunganga ko ay binuga ko at dahil doon ay sunod-sunod na ang pag-ubo ko. I was holding my stomach and my throat as I keep on coughing.

Nataranta ang mga kasama ko.

"Fvck! South!" Vape cried out as he went behind me. Nilingon ko siya at pinandilatan ng mga mata.

Ang nag-aalalang mga mata nito ay biglang napalitan ng pagtataka. Pero ilang sandali lang ay nangunot na ang noo niya at mas lalong nataranta.

"Fvck! I think she got poison!" sigaw niya at inalalayan ako.

Napayuko ako at binuhos sa sahig ang mga pagkaing nginuya ko. I exaggerated my cough and choke myself so that my face become more red.

"Shit! Tangina mo, Lachlan, nilason mo ba siya?" nagpapanic na tanong ni Atarah as she went beside me. Sobra ang pag-aalala nito at tiyak na kakatayin niya ako ng buhay kapag nalaman niyang nagkukunwari lang ako.

"Hala! Anong nangyayari?"

"Landlord!"

"Tangina! Mukhang nalason nga siya!"

Maging ang mga nasa kabilang selda ay natataranta na rin. Halos isuksok na nila ang mga katawan sa mga bakal para malapitan ako. Samantalang napansin ko naman ang pagkatulala ni Lachlan. He looked so shocked and afraid.

Vape leaned more closer to me at dinikit ang bibig sa bandang tenga ko.

"Damn, make it look real. Mangisay ka rin" bulong niya.

Tangna, ano? Mangingisay pa ako? Letche talaga.

I swallowed hard and exaggerate more my cough. I straightened my feet and do the most crazy thing. Nangisay ako sa sahig at tinaas pa ang itim sa mga mata ko para puti lang ang nakikita.

Tangina, ito na ang pinaka baliw na nagawa ko sa tanang buhay ko. Acting like a sick woman just to escape from prison is a damn thing.

"Shit! South!"

"Milagrosa!"

"Landlord!"

"Fvck you, Lachlan! Don't just stand there! Let's bring South to the hospital!" sigaw ni Atarah. She's in a high state of panic.

Gusto kong ngumisi pero kailangan kong pagbutihan pa ang acting ko. Nangisay ako lalo.

"Let's bring her out of here!" sigaw ni Vape at binuhat ako. Bridal style. Magaling din ang acting nito sa pagpapanic, ili-libre ko siya kapag nakatakas ako rito.

"Shit! Benedicto!" Mukhang ngayon lang natauhan si Lachlan.

Mabilis niyang binuksan ang selda namin. Then he turned to me, punong-puno rin ng pag-aalala at takot ang mukha niya. Mas pinag-igihan ko pa ang pangingisay to the point that Vape almost dropped me to the floor.

"Fvck! Let's hurry!" sigaw niya at tinakbo ako palabas ng Sanctum. Ramdam ko na nakasunod din sina Atarah, Rucc, Coby at Lachlan.

Wala silang kamalay-malay na pinagkakaisahan namin sila ni Vape para makatakas dito.

"Dammit, you're so heavy" mahinang reklamo ni Vape habang tinatakbo ako.

"Wala pa akong kain sa lagay na 'to" bulong ko rin at kaagad binaliktad ang mga mata ng mapatingin sa akin si Lachlan.

"Hold on, Benedicto! We'll bring you to the hospital!" Nanginig sa pag-aalala ang boses nito. "Fvck! I won't forgive myself for this!" he said to himself. Sinabunutan pa niya ang sarili sa sobrang frustration.

"South! Tangina mo kapag namatay ka! Ido-double dead kitang hayop ka!" umiiyak na sigaw ni Atarah.

I feel sorry for her tears. Bihira lang itong umiyak at ang makitang iniiyakan niya ako, sobra akong saya. Iyon nga lang, sayang lang ang mga luha niya dahil acting lang naman ito, pero okay na rin kahit papaano, dagdag effect ang iyak nito sa ginagawa ko.

"Don't leave us, Milagro! Don't die! We still have so many dreams to achieve! You want to become a Teacher right? Don't die because there are so many children needs you!" sigaw din ni Vape.

Nangunot ang noo ko. "Gago, OA mo naman masyado. Saka anong Teacher? Gusto ko maging Chef" bulong ko sakanya.

He groaned. "Oh shit! Quit that dream. You are not qualified to become a cook" aniya. "Mapapatay mo lang ang mga taong kakain ng pagkain mo" dagdag pa niya.

"Fvck you.." mura ko at binaliktad ulit ang mga mata ng mapatingin na naman si Lachlan sa akin.

"Faster, Miyashiro! Baka hindi pa siya makaabot sa hospital!" sigaw niya.

Mas binilisan naman ni Vape ang takbo. Oh great! This is it! Makakalaya na ako.

Lihim akong napangiti dahil sa pinag-gagawa ko. Siguradong mas mabigat na parusa ang ipapataw ni Lachlan sa akin kapag nalaman niyang nagkukunwari lang ako. Pero bahala na kung ano ang mangyari. Ang mahalaga ay ang maka-uwi ako. I just have to see the Crane, lalo na si Genesis.

Miss na miss ko na ang Bebe ko.

                                        _

PSALM CRANE POV

"Ang gwapo-gwapo mo naman, Iho.." sabi ni Nanang at pinisil ang pisngi ko.

"Hehehe, salamat Nanang." Ngumiti ako.

Busog na busog na kami sa mga papuri ni Nanang. Kanina pa niya sinasabi na ang gwapo o cute namin. Alam naman na namin 'yon, hindi na niya kailangang sabihin dahil nakakasawa rin minsan.

"Mukha kang Anghel" sabi niya at hinaplos ang mukha ko.

"Salamat po!" Ngumiti lang ulit ako.

Ang bait-bait nila sa amin. Pati sina East at West ay nakikipaglaro na rin sa amin. Iyong Tatay ni South, mukha siyang masungit pero hindi naman niya kami inaaway. Pati mga katulong nila ay mababait din at palagi kaming dinadalhan ng mga pagkain! Ang sarap ng buhay namin dito, sana dito na lang kami palagi.

"Paamoy nga ako ng kili-kili mo!" sabi ni Nanang at bahagyang tinaas ang isang braso ko.

"Sige po! Hindi po mabaho ang kili-kili ko. Amoy baby!" proud kong sabi at mas tinaas ang braso para maamoy niya.

Yumuko si Nanang at inamoy ang kili-kili ko. Abot tenga naman ang ngiti ko. Ilang sandali lang ay napangiwi siya at lumayo sa akin.

"Oo nga, amoy panis na laway ng baby" sabi niya.

Nagningning ang mga mata ko.

"Kyaaah! Salamat po! Iyan na ang pinakamagandang papuri na natanggap ko!" sabi ko at humagikgik.

"Pinakamagandang papuri?"

Tumango ako. "Opo! Sabi kasi ng iba, amoy patay na daga ang kili-kili ko. At least, sa'yo ay panis na laway ng baby lang! Ang saya ko!"

"Hehe, oo nga 'no?" Tumawa siya. Kita ko tuloy ang bulok niyang bagang.

Hays, nami-miss ko si Dada kapag nakakakita ako ng bulok na bagang. Ganoon din kasi siya eh.

"East, wala ba kayong Dora sa TV?" Rinig kong tanong ni Isaiah kay East.

"Tapos na eh. Kaninang umaga pa iyon pinalabas. Bukas ulit meron" sagot nito.

Ngumuso si Isaiah, halatang nalungkot. "Sayang naman.."

"Don't worry, we'll watch tomorrow morning" ngumiti si East sakanya. Napansin ko ang puti niyang mga ngipin. Dora rin kaya ang gamit niyang toothpaste? Itatanong ko nga mamaya.

"Talaga?" Nagningning ang mga mata ng kapatid ko. Maging ako ay nasiyahan din.

"Ibig sabihin, pupunta ulit kami bukas dito?" tanong ni Peter.

"I thought you'll stay here in the house?" Takang sabi ni West.

Eh?

"Uuwi rin kasi kami sa bahay kapag dumating na si South" sabi ko.

Ngumuso sila at malungkot na tumingin sa akin.

"Do you really have to go home? But I want you to stay here longer" sabi ni East. Kita ang pagkadismaya niya.

Parang nakakalungkot din na hindi kami magtatagal dito. Gusto ko pa naman na kasama sila, tapos ang dami pa nilang pagkain. Busog na busog ako rito. Ayoko munang umuwi. Tuyo lang ang kinakain namin sa bahay.

"Oo nga. Maybe we can ask South about it. Sasabihin natin na rito na kayo matulog para diretso na rin kayo bukas sa Party" nakangiting sabi ni West.

"Party? Sinong may party?" Excited na tanong ni Noah. Gusto niya ang mga party.

"Si Nanang at Tatang. Golden Anniversary na nila bukas" ngumiti sila.

Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwalang napatingin kay Nanang at Tatang na nagyayakapan na ngayon. Sobrang saya nila at kitang kita ang kislap sa mga mata nila sa sobrang pagmamahalan.

"Wow..." napasinghap kami ng bigla silang mag-kiss sa labi.

"I love you babes..." sabi ni Tatang dito.

Humagikgik si Nanang at namula rin ang kulubot niyang mukha.

"Hihihi! I love you too, mwa mwa tsup tsup!" sagot nito at nginuso pa ang labi kay Tatang. Mabilis naman itong hinalikan ng matanda at nagyakapan ulit sila ng mahigpit.

"Golden Anniversary niyo po? Kailan naman ang Black Anniversary niyo?" Kuryos kong tanong.

Ang astig naman no'n. Si South at Genesis kaya? Mag go-golden anniversary din sila? Pero ang pangit ng gold. Violet anniversary na lang hehe.

"Iho, walang Black Anniversary" sabi ni Tatang.

"Pero bakit may Golden Anniversary?"

"Dahil pagdiriwang iyon ng ika 50 years naming pagmamahalan ng inyong Nanang" sumulyap siya kay Nanang at matamis na nginitian. "Hindi ako makapaniwala na aabot kami sa ganitong taon. Akala ko noon, hindi ko siya matatagalan dahil walangya siya, pero heto, natagalan ko at hanggang ngayon ay mahal na mahal ko parin. I love you so much, Babes.." madamdaming sabi nito at mabilis na hinalikan si Nanang sa labi.

"Awww, I love you too, Babes. Kahit walangya ako tinanggap mo parin ako. I'm so happy to have you.." naiiyak na niyakap ni Nanang si Tatang.

Lumabi ako. Kaingit naman sila. Sana ganyan din ako kapag nakahanap ako ng pag-ibig ko.

"I'm so happy to have you too, Babes.." Hinalikan ulit ni Tatang si Nanang kaya napahagikgik ito. Kita tuloy ang maitim niyang bagang.

Namiss ko bigla si Dada. Itim din kasi ang bagang niya kaya nakikita ko siya kay Nanang. Hays, kumusta na kaya siya? Ang tagal na niyang hindi tumatawag sa amin.

Biglang suminghot si Peter kaya napatingin ako sakanya. "Sana ganyan din ako pagtanda ko" sabi niya.

"Gusto mo rin ang itim na bagang Peter?" tanong ko.

"Hindi. Kulay blue ang gusto ko."

Hehe, ako rin, sana pagtanda ko ay kulay Violet ang bagang ko.

"Mahal na mahal niyo po ang isa't isa 'no? Para kayong si South at Genesis, hehe. Mahal na mahal din nila ang isa't isa" nakangiting sabi ni Isaiah. Yakap-yakap niya si Baby Tiger na mukhang mahihimatay na sa higpit ng yakap niya.

Kaagad ngumuso sina East at West. Tumingin ako kay Genesis, nasa pool area siya at dahil salamin ang pintuan nila ay kita kong may kausap siya sa cellphone. Nakangiti rin ito at may kislap ang mga mata, katulad kung papaano tignan ni Tatang si Nanang. May pagmamahal.

Kaingit naman sila, may minamahal. Ano kaya ang pakiramdam kapag may minamahal ka?

"Ganoon talaga kapag tinamaan ka ng pag-ibig" sabi ni Tatang.

Bumuntong hininga sina East at West. Sumulyap din sila sa pwesto ni Genesis saka sila tumingin sa amin.

"Does he really love Ate South?" tanong ni East. Medyo nakanguso ito at kitang malungkot.

Tumango ako at ngumiti. "Unang araw na dumating si South sa bahay namin, sabi ni Genesis, ayaw niya sakanya. Pero alam naming nagsisinungaling lang siya, hehehe. Galit nga siya kaagad sa amin kapag tinititigan namin si South eh" pagkwe-kwento ko. Naalala ko kasi noong pinaglinis kami ni South ng mga kalat, ang sama ng tingin ni Genesis sa amin kapag napapatingin kami kay South.

"Stop looking at her! She's a Witch!" iyan ang sinabi niya pero nahuhuli naman namin siyang nakatitig dito at kapag nagtatama ang tingin nila ay namumula siya kaagad.

"Ayaw niyo parin ba kay Genesis?" Nakangusong tanong ni Isaiah kina East at West.

Nagkatinginan silang magkapatid at sabay na bumuntong hininga.

"Honestly, we don't know" napayuko si West. "Si Kuya Vape lang kasi ang nakikita naming bagay kay South. He's the kindest guy we've met. Matalino rin ito at palagi niyang ini-spoil si South sa kahit na anong bagay. Saka loyal din siya at gwapo, plus, Dad wants him for South. Kaya sa tingin namin, sila lang ang para sa isa't isa."

"Noong nalaman naming may Boyfriend na siya, nagalit kami. Of course, we expect na si Kuya Vape iyon pero hindi pala. And now we met Kuya Genesis. He looks intimidating, just like Dad" sabi rin ni East.

"Mukha lang seryoso si Kaps pero mabait siya. Minsan siya ang nagtatanggal ng mga tinik sa Isda na ulam ko para hindi ako matinikan" sabi ni Isaiah at ngumiti ng malaki.

"Kapag binabangungot ako, sinasapak niya ako para magising" sabi naman ni Noah.

Biglang napangiti si East na parang may naalala. "I remembered, noong elementary kami, we used to sleep in North's room. Kasama namin si Ate South, tapos kapag binabangungot si North na hinahabol daw siya ng mga halimaw na make-ups, sinasapak din siya ni Ate South para magising" natatawang kwento nito.

Hala! Nakakatakot naman ang panaginip na 'yon ni North. Ako kasi ay never pa akong binangungot. Naiihi lang ako sa higaan ko minsan kapag tinutoktokan ni Noah ang ulo ko. Pero ngayon ay hindi na, hehehe. Sabi kasi ni South, kapag umihi pa ako sa higaan ko, ipapalamon na niya sa akin ang bedsheet ko. Syempre Ayoko no'n, hindi kaya masarap 'yon pero minsan ay nakukuryos ako sa lasa. Ano kaya ang lasa ng higaan kong may ihi? Masarap kaya? Sabi kasi minsan ng mga studyante sa Abs University, masarap daw ako kaya baka masarap din ang ihi ko, hehe.

"Bakit ako? Binabangungot din ako na pumuti na si Dora pero hindi ako sinasapak ni South para magising. Nakakatakot kaya ang panaginip ko na iyon" ngumuso si Isaiah. "Sa susunod, magpapasapak na ako sakanya!" excited na sabi niya.

Ako rin! Sasabihin ko kay South na sapakin niya ako kapag nabangungot ako.

"I have this feeling that the two will last forever." Napatingin kami kay Nanang.

Seryoso ito habang nakatingin kay Genesis sa labas.

"Nakikita ko siya sa'yo, Babes. Remember? You're an innocent person too when you fell in love with me?" Sumilay ang ngiti nitong tumingin kay Tatang.

"Yes. At hanggang ngayon ay inosente parin naman ako. Ikaw lang ang demonyo na gumulo sa tahimik kong buhay" sabi ni Tatang at natawa.

"Ikaw talaga, hihihi" Pabebeng pinalo ni Nanang ang dibdib ni Tatang. Mahina lang iyon pero nasaktan si Tatang at inubo. "Hala! Sorry Babes!"

Kaagad binigyan ni West ng tubig si Tatang. Mabilis siyang uminom at nanghihinang tumingin sa amin.

"Pulburon po, gusto niyo?" alok ni Isaiah sa kinakain.

"No, thanks, iho. Umiiwas ako sa mga sweets" aniya at ngumiti.

Ngumuso ako. "Ako Kaps, gusto ko!" sabi ko. Sinubo niya sa akin ang isang pabilog na pulburon. Napangiti ako at nagpasalamat sakanya.

"Bakit po kayo umiiwas sa sweets?" tanong ni Peter. May hawak itong mansanas na may kagat na niya.

"Dahil matanda na ako. Bawal na ako sa mga matatamis dahil may diabetes ako" sagot ni Tatang.

"Hala! Para pala kayong si Dada! Bawal din siya sa sweets dahil may diabetes siya sa utak!" bulalas ko.

Hindi lang Diabetes ang sakit ni Dada. Meron din siyang Rayuma sa siko at sakit sa utak, kaya minsan ay nag-aalala kami kami kasi nag-e-error na ang system niya. Kaya minsan ay iniisip kong maging albolaryo para magamot ang mga sakit niya.

Napangiwi sina East at West. Umiling sila na parang mali ang sinabi ko.

"Psalm, Diabetes is a serious disease in which the body cannot properly control the amount of sugar in your blood because it does not have enough insulin. Hindi siya sakit sa utak" paliwanag ni East sa akin.

Ngumuso ako at nagkamot sa ulo. Ganoon ba 'yon? Akala ko naman sakit siya sa utak. Sabi kasi ni Dada, may diabetes siya sa utak. Hays, Bobo talaga ng matandang 'yon.

"Wow! Ang talino mo naman East!" komento ni Noah.

Ngumiti siya rito at nahihiyang nag-iwas ng tingin. "Hindi naman po. I just happen to know about that. Gusto ko rin kasing mag Doctor. Gusto kong gumawa ng gamot para sa mga Diabetes" sabi niya.

Wow...

"Gusto mo maging Doctor para roon?" tanong ni Isaiah. Tumango si East.

"Yes. Alam ko kasing magkaka-diabetes din si North dahil sa sobrang hilig niya sa mga chocolates." Tumawa ito.

"Wait, si Tito Jackal pala ang Daddy niyo 'di ba?" Biglang tanong ni West.

Tumango kami at ngumiti. Proud kami na siya ang Dada namin kahit pakboy siya.

"Hmmm, 'di ba nawawala siya?" tanong niya.

Natigilan kami. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko, hindi dahil sa nakikita ko si Dora kundi dahil kinabahan ako. Nangunot ang noo ko.

"Nasa Hawaii si Dada..." sabi ko.

"But I heard from Dad----"

"WESTERN!"

Natigil sa pagsasalita si West ng biglang kumulog sa buong bahay ang boses ni North. Tumingin kami sakanya sa hagdan at nakitang galit siyang bumaba at dumiretso sa amin. Matatalim ang mga matang tinignan niya ang mga kapatid. Kaagad silang napalunok at nag-iwas ng tingin sakanya. Nang mapansin ni North ang tingin namin ay bigla siyang ngumiti at naging maamo ulit.

"Hindi nila alam na nasa Hawaii si Tito Jackal kaya ang akala nila ay nawawala ito. H'wag kayong mag-aalala, okay?" sabi niya sa amin.

Wala kaming nagawa kundi ang tumango nalang. Si Dada ko. Kumusta na kaya siya? Okay lang kaya siya sa Hawaii? Baka may binuntis na naman siya roon kaya ang tagal niyang umuwi. Miss na miss ko na ang Dada ko.

"Follow me" mariing utos ni North sa dalawang kapatid. Kaagad silang namutla at bumalatay ang takot sa mukha.

"Ate North..."

"I said, follow me."

Walang nagawa sina East at West kundi ang sumunod kay North. Sinundan namin sila ng tingin hanggang sa pumasok sila sa isang kwarto. Ano kaya ang gagawin nila?

Malakas na bumuntong hininga si Nanang. "Galit na naman ang bruha" sabi niya at ngumisi. "Sabagay, mana 'yon sa akin, hihihi."

Ngumuso kami. Mukha lang bruha si Nanang pero hindi naman siya ugaling bruha...siguro?

"Genesis!"

Napatingin ako sa tinitignan ni Isaiah. Naglalakad na papalapit sa amin si Genesis. May malungkot itong mukha at parang walang buhay na naglalakad. Bumuntong hininga muna ito bago umupo sa tabi ko.

"Okay ka lang, Kaps? Si South ba ang kausap mo kanina?" tanong ko. Nangunot ang noo ko ng bumagsak ang mga balikat niya. Sinandal nito ang likod sa sofa at tipid na ngumiti.

"Yeah."

"Talaga? Anong sabi niya?" Excited kong tanong. Pagdating talaga kay South, palagi akong na-e-excite. Para kasi siyang si Dora, pinapatalon niya ang puso ko.

"She won't come home today" malungkot nitong sabi at pinikit ang mga mata. Kita ko ang biglang pagkapagod ni Genesis. Parang nawalan ito ng gana at ang lungkot-lungkot pa niya. Bigla rin akong nalungkot para sakanya.

"Ha? Sandali, paano tayo makakauwi kung hindi uuwi si South?" takang tanong ni Isaiah.

Minulat ni Genesis ang mga mata at tumingin sa kapatid namin. "We will stay here."

Nanlaki ang mga mata ko. "Dito tayo matutulog?"

Tumango siya. Nagkatinginan kami ni Isaiah at sabay na napatili sa tuwa.

"Kyaaaah!"

"Dito tayo matutulog!"

Tumayo kami at naghawakan ng kamay saka nagtatalon sa tuwa. Sina Tatang at Nanang naman ay pumapalakpak. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Kyaaah! Dito kami matutulog! Ibig sabihin, dito kami kakain!

"Kyaaaaahh!"

"Kyaaaaahh!"

Pataasan kami ng tili ni Isaiah pero dahil mas mataas ang boses niya ay natalo ako.

"What's happening here?"

Natigil kami sa pagsigaw at pagtalon. Tumingin kami sa nagsalita at nakita sina North, East at West. Tapos na silang mag usap? Pansin ko ang malungkot na mukha ng dalawang kapatid na lalaki nina North. Hindi sila makatingin sa amin at parang may tinatago sila. Bakit kaya?

"Ate North, hindi raw makakauwi si South kaya dito kami matutulog" masayang sabi ni Isaiah.

Biglang nagliwanag ang mukha nila at masayang napangiti.

"Really?"

Tumango kami at ngumiti ng malaki.

"What about South? Dito rin siya matutulog?" tanong niya.

"No. Hindi raw siya makakauwi. Maybe tomorrow" si Genesis ang sumagot.

Nangunot ang noo ni North. Ilang sandali lang ay umismid siya. "Tss, as expected" mahinang bulong niya. "Anyways, I'll get ready your rooms na" bigla itong sumaya at ngumiti ng malaki.

Kanina ko pa napapansin na parang ang bilis niyang magbago ng mood. Napasinghap ako ng may mapagtanto. Hala! Hindi kaya, dalawa ang kaluluwa ni North?

"Ate North, pwede ba silang matulog sa room namin?" tanong ni East kay North. Halata ang excitement sa mukha nito.

Tumaas ang kilay ni North at humalukipkip. "At bakit naman?" Ang sungit ng boses nito kaya natakot ang mga kapatid niya.

"Because we want them to stay with us. And besides..." sumulyap si East kay Genesis. "We want to know more about Kuya Genesis.." mahinang sabi nito at nag-iwas ng tingin kay Kaps.

Biglang napaayos ng upo si Genesis. Halata ang gulat niya pero napansin ko rin ang pagdaan ng tuwa sa mga mata niya.

"Really? Wait! Are you doing this para mapatawad ko kayo sa ginawa niyong pagsagot-sagot kay Genesis?" Mas lalong tumaas ang kilay ni North. "No! Hindi ako papayag!" sabi niya at tinignan ng masama sina East.

Sumimangot sila at ngumuso. "North, we're not doing this for that" sabi ni West at sumulyap kay East bago binalik sakanya ang tingin niya. "Gusto naming makilala si Kuya Genesis. You're right na dapat bigyan namin siya ng chance. So we think, this is the right time to know him more. Atsaka, gusto naming maka-bonding ang mga Crane" tumingin siya sa amin at ngumiti.

Ang cute nila, hehe.

"Paano ako maniniwala sa inyo? Mamaya kung ano pa ang gawin niyo sakanya---"

"It's okay. I can handle myself, Northern" sabi ni Genesis at tumingin sa dalawa. "And I want to know them more too. I hope we can bond together" aniya.

Namula ang mga mukha nila at nahihiyang nag-iwas ng tingin kay Kaps.

"Of course, and don't worry, wala kaming gagawing masaya sa'yo. We just want to know you, that's it."

Ngumiti si Kaps at tumango. Yieeee! Nagkakasundo na rin sila. Kyaaaah! Siguradong magiging masaya 'to!

"Awww, okay. Dahil diyan, 85% na lang ang galit ko sainyo" sabi ni North sa mga kapatid.

Ngumuso sila pero kaagad ding napangiti. "Don't worry, North. Saka ka na namin susuyuin kapag nandyan na si Ate South."

"Ows? Para ano? Para masabi niyang mabubuti kayong kapatid? Ka-plastikan na rin ang tawag diyan. Paalala ko lang ha, ako ang plastic dito, h'wag kayong mang-agaw ng trono" taas kilay na sabi ni North.

"Hindi ah!"

"Ehem!"

Natigil sila ng biglang tumikhim si Nanang. Tumingin kami sakanya at nakitang may kakaiba itong ngisi. Ngising may binabalak.

"Boys, pwede rin ba akong matulog sa kwarto niyo? Gusto kong makatabi ang mga ito sa pagtulog" sabi niya at tinignan kami isa-isa ng may kakaibang ngisi.

Bigla akong kinilabutan kaya nagtago ako sa likod ni Isaiah. Ngumuso rin siya at halatang natakot.

"Kaps, kinikilabutan ako..." bulong niya.

"No! Hindi ka tatabi sakanila!" Malakas na sabi ni North.

Ngumuso si Nanang. "At bakit hindi?"

Ngumisi si North at may kakaibang ngisi rin siya na tumingin sa amin. Pinasadaan niya kami ng tingin mula ulo hanggang paa.

"At dahil wala si South, susulitin ko na ang pagkakataon. Ako ang tatabi sakanila sa pagtulog!"

O______O

Hala! Hindi pwede 'yon. Bilin ni South sa amin na h'wag kaming tatabi kay North sa pagtulog. Gapapangin daw niya kami. Ayoko no'n! Nakakatakot.

"Oh come on, Iha! Share your blessings! Tatabi rin ako sakanila!" giit ni Nanang at pinalandas ang dila sa mga labi.

Parang gusto kong masuka bigla. Kadiri 'yon!

"Okay, pero dalawang oras ka lang ha? After that, gusto ko akin na sila" nakakalokong ngisi ni North.

"Fine! I think, two hours is enough to make them feel like heaven.." humagikgik si Nanang na siyang nagpakilabot na naman sa amin.

Yumakap ako kay Isaiah at tinago ang mukha ko sa batok niya. Nakakatakot sila. Para silang may masamang balak sa amin.

Iyong mukha ni North na parang may nakikita siyang masasarap na pagkain sa harap niya at 'yung mukha ni Nanang na parang bampira na takam na takam sa dugo namin. Mas tinago ko pa ang mukha ko sa likod ni Isaiah.

"Ipaparanas ko pa sakanila ang tinatawag nilang Cloud 9" sabi ni North at tinignan kami ng may kakaibang kislap sa mga mata.

Huhuhu, ayoko na pala rito. Waaah! South, bumalik ka na!

"Let's get it on, beybe!" Kinindatan kami ni Nanang.

Huhuhu! Ang pangit niya!

~~~                                      

Continue Reading

You'll Also Like

11.3M 481K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
2.9M 82.8K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...
2.8M 103K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
417K 15.1K 40
We have symbol, we have fang, we bite, we kill, we study. Welcome to Bloody Hell University. A school for Vampires. Date finished: November 20 2020 L...