BHO CAMP #2: The Rockstar's P...

By MsButterfly

5.6M 107K 9.7K

Lucas Darryl King; he's loud, he's an easy go lucky person and he's a rock star. Me? I'm Freezale Night. I'm... More

BHO CAMP #2: The Rockstar's Personal Assistant
CHAPTER 1 ~ Captain and Lady ~
CHAPTER 2 ~ Personal Assistant ~
CHAPTER 3 ~ Freezale's Rules ~
CHAPTER 4 ~ Clandestine ~
CHAPTER 5 ~ King ~
CHAPTER 6 ~ Addiction ~
CHAPTER 7 ~ Love ~
CHAPTER 8 ~ Flirty King ~
CHAPTER 9 ~ Ang Dalawang Takas ~
CHAPTER 10 ~ Too Late ~
CHAPTER 11 ~ Dilemma ~
IMPORTANT ANNOUNCEMENT
CHAPTER 13 ~ Grumpy King ~
CHAPTER 14 ~ I Don't Know ~
CHAPTER 15 ~ Falling In Love With A Rockstar ~
CHAPTER 16 ~ Breaking ~
CHAPTER 17 ~ Nightmare ~
CHAPTER 18 ~ My King ~
CHAPTER 19 ~ Come Back ~
CHAPTER 20 ~ Sorry ~
CHAPTER 21 ~ Done ~
CHAPTER 22 ~ Ashia King ~
CHAPTER 23 ~ On The Run ~
CHAPTER 24 ~ Lady ~
CHAPTER 25 ~ Revealed ~
CHAPTER 26 ~ Friend ~
CHAPTER 27 ~ Mr. and Mrs. King ~
CHAPTER 28 ~ Our Night ~
CHAPTER 29 ~ Affiliate ~
EPILOGUE
Up Next

CHAPTER 12 ~ Jealous ~

163K 3.2K 132
By MsButterfly

CHAPTER 12

FREEZALE'S POV

"Wake up!"

Lihim na napangiti ako ng mauntog si Archer na nasa lower bunk at nang muntik mahulog si Comet at kuya Thunder na nasa mga taas na bunk. May kinabit kasi ako na maliit na speaker sa isang tagong bahagi ng bunks nila. Mas malakas pa ang impact no'n kesa sa malaking speaker. Hindi nila makikita iyon dahil talagang pinagawa ko pa iyon sa mga kasamahan ko sa Experiment Department. But of course, I'm sure kuya will be able to find it.

Naningkit ang mga mata ko ng makita ko ang nag-iisang band member na tulog na tulog parin. King. Tulog vegetable oil, canola oil, olive oil at kung ano-ano pang mantika na makikita sa mundo. Kahit ata pasabugin ko ang isang bomba mismo sa tabi niya ay hindi parin siya magigising.

Lumapit ako sa kaniya at tinapik-tapik ko siya. Minsan gusto ko din batukan ang sarili ko. Alam ko namang hindi uubra ang pagtapik lang kay King kaya bakit ko pa susubukan diba?

That's why it surprised me when he suddenly open his eyes the moment that my hand touched him. Saglit na nagtama ang mga paningin namin bago siya tumalikod at muling bumalik sa pagtulog niya.

Tinapik ko siya ulit. "Wake up."

"Hindi ako kakain. Mauna na kayo."

"You need to eat. Get up."

"Tapos na ang concert, give me a break. Kung ayokong kumain hindi ako kakain."

Nakatigil lang kasi ang tour bus malapit sa kung saan ginanap ang concert. Kinakailangan din naman kasi namin na magpahinga at ganoon din ang driver namin. Ngayon pa lang umaga kami babyahe.

Nameywang ako kahit hindi naman siya nakatingin sa akin. "Ano naman kung tapos na ang concert? May i-re-record pa kayo na album at kahit na malayo-layo pa iyon ay hindi ibig sabihin no'n ay patayin mo na ang sarili mo."

"Hindi ako nagpapakamatay. I just don't want to eat."

"You need to eat. Kung hindi ka susunod babawasan ko ang condoms-"

"The hell I care."

Nanggigigil na ikinuyom ko ang mga kamay ko. Walang sali-salitang hinaklit ko ang Rainbow colored hat niya na sigurado ako na siyang tangi niya lang suot at piningot ko ang tenga niya. Napahiyaw siya at napaupo dahilan para mauntog siya sa itaas ng bunk.

"O ano, gising ka na?" naghahamon na tanong ko.

"What the fuck!"

Pinaikot ko ang mga mata ko. "Kung mainit ang ulo mo wag mo akong idamay."

"Hindi mainit ang ulo ko. I just want to sleep for pete' sake!"

"Pete pete ka pa diyan. Pitpitin ko yang dila mo at ng makita mo ang hinahanap mo." Nilingon ko ang mga kabanda niya na nakatunganga lang sa amin. Una dahil mukhang mga clouded pa ang utak nila at hindi pa talaga nahihimasmasan. Pangalawa, paniguradong nagtataka sila sa pagtatalo namin ni King na halatang bad mood sa mundo. "Kilos na!"

Nag-unahan sila papunta sa bathroom ng tour bus lalo na ng makita nilang mauuna na naman si Archer. Matagal pa naman iyon gumamit ng CR na tinalo pa ang pinaka-vain na babae.

Tinignan ko si King. "Ikaw, hindi ka pa ba kikilos?"

Imbis na sumagot ay kinuha niya ang jogging pants niya at walang imik na tumungo papunta sa living room. Seriously. Hindi ko na maintindihan ang lalaking iyon. Mula nang matapos ang concert ay ganito na ang inaakto niya. Daig niya pa ang paslit na nagtatantrums, dalagang nag P-PMS at babaeng menopausal.

Huminga ako ng malalim. Hindi worth it na madungisan ang kamay ko sa abnormal na lalaking iyon. Hindi ko maiwasang isipin kung bakit siya pa. Bakit sa kaniya pa.

Pero wala na naman akong kawala diba? Dahil sa kaniya pinili ng puso ko na unti-unting mahulog. It's like there's an unknown force around us...pushing us to each other. Na kahit anong gawing iwas, hindi ito maiwas-iwasan. Alam ko iyon dahil sinubukan kong gawin.

Ganon siguro talaga kapag nagmamahal ka.

May bagay na hindi nakikita hindi ba? Katulad ng multo. Bagay na hindi nahahawawakan, hangin. At bagay na hindi napipigilan? Paghinga. Pero alam mo kung ano ang nakakatawa? Lahat ng iyon ay konektado sa pagmamahal. Dahil ang pagmamahal hindi mo makikita para iwasan, hindi mo mahahawakan para kontrolin at hindi mo mapipigilan kahit na pilitin mo man.

Tumuloy na lang ako sa kusina at hindi ko na pinansin si King na tutok na tutok ang paningin sa TV. Hindi na ata siya kumukurap sa pagtitig sa telebisyon kung saan kasalukuyang sumasayaw-sayaw si Barney. Mukhang hindi naman rumehistro sa kaniya ang mga pinapanood niya at talagang pinaninindigan lang na hindi mamansin.

Hindi umiimik na inayos ko ang mga pagkain na kanina ko pa naihanda. Nang magsipasukan na sila kuya sa kusina kasunod si King ay tumayo na ako sa isang gilid. Hindi katulad ng dati ay tahimik na kumain lang si King at hindi tumayo para sabayan ako.

"Day off ko ngayon." basag ko sa katahimikan.

Napatingin silang lahat sa akin. Akmang magsasalita si kuya Thunder pero hindi ko na siya hinayaan at inunahan ko na siya. "Hindi ako nag day off kahit kailan kaya ngayon ko gusto mag day off. Wala naman kayong gagawin kaya sa tingin ko walang problema. Sa BHO CAMP naman kayo pupunta kaya imposibleng hindi ko kayo makita kapag tapos na ang day off ko."

Humakbang na ako palabas ng kusina ngunit napahinto ako nang magsalita si King. "Saan ka pupunta?"

"Bakit gusto mong malaman?" balik-tanong ko.

"Masama bang magtanong?"

Papalit-palit ang tingin sa amin ng mga band members habang pakagat-kagat pa sa pagkain nila. Animo nanonood lang sila ng sine. "Masama din ba na tanungin kita kung bakit mo gustong malaman?" tanong ko ulit dahilan para bumalik sa akin ang tingin ng banda.

"Bakit defensive ka?" Bumalik na naman sa kaniya ang tingin ng 'audience' namin.

"Defensive na agad? Baka ikaw."

"Makikipagkita ka ba sa kaniya?"

Binigyan ko siya ng matalim na tingin ng masino ko kung sino ang tinutukoy niya. Si Derrick. "Ano naman sayo kung makikipagkita ako sa kaniya? Tatay ba kita?"

"Just answer the question!"

"Finally, wala ng question mark! Exclamation point naman!" ngiting-ngiti na sabi ni kuya Thunder na itinaas pa ang mga kamay niya at nag wave.

"Shut up!" sabay naming sigaw ni King.

Ngumuso ang kapatid ko at umaktong may sinasarang zipper sa tapat ng bibig niya. "Sorry po. Shutting."

Binalingan ako ulit ni King. Mukhang wala siyang balak na bitawan ang paksa. "Are you?"

"What?"

"Are you going out with him?"

"Yes."

Hindi ko alam kung bakit iyon ang sinagot ko. Kusang lumabas iyon mula sa bibig ko at hindi ko na nagawang pigilan. Masamang impluwensiya talaga sa akin si King. Dati naman hindi ako nagkakaganito.

"Don't."

I raised my eyebrow at him. "Why not?"

"He's not good for you."

"Hindi ikaw ang magsasabi niyan sa akin King. Ako ang magdedesisyon kung para ba siya sa akin o hindi." asik ko.

"You can't go out with him! Why would you even consider going out with him?!"

Binigyan ko siya ng nagyeyelong tingin. Agad na nag-iwas ng mga mata ang mga 'audience' namin na papalit-palit sa amin ang tingin na parang mga asong dekorasyon sa mga taxi.

Alam kong may nararamdaman ako sa kaniya. Kahit anong gawin ko hindi na kayang itanggi 'yon ng buong sistema ko. Pero hanggang maaga pa, hanggang kaya ko pa...gusto kong pilitin na may itira sa sarili kong dignidad. Dahil nararamdaman ko na kapag nagpatuloy 'to...baka makalimutan ko na lahat ng mga bagay na pinaglalaban ko para lang sa kaniya.

"The hell you care."



MARIRINIG sa listening device ang mga commands para sa akin. Maririnig din mula doon ang ilang mga bulungan na malamang ay nanggagaling sa ibang mga agents. Hindi kasi normal para sa kanila na makita na ako ang binibigyan ng instructions instead of the other way around. Alam kasi nilang lahat na taong control room ako. Ni wala nga akong pakielam kapag tinatakasan nila ang Experiment Department duties dahil mas gusto ko pa na mag-isa na lang ako.

"Turn left, Freezale."

"I know."

Narinig ko ang pagtawa ng kausap ko sa kabila ng listening device. Si Sky. Siya ang 'eyes' ko dahil tinakasan na naman ni Snow ang pagbabantay sa control room ko. Okay lang naman daw kay Sky dahil wala naman daw siyang balak kumuha pa ng mission ngayon.

Me? Obviously, I'm taking the field.

Mabuti na lang at pinagbigyan ako ni Dawn. Lower mission nga lang. Okay lang naman iyon sa akin dahil gusto ko lang na ma-okupa ng mission ang utak ko. Ayoko munang isipin ang kabaliwan ni King.

Hindi ako tumuloy sa BHO CAMP. Nandito lang naman kasi sa Manila ang bahay kung saan dating namamalagi ang mga magulang ko. Laging kumpleto iyon sa mga BHO CAMP gadgets katulad ng mga iba pang bahay ng mga agents. Mabuti na kasi iyong kahit saan kami magpunta ay hindi kami mawawalan ng access sa mga imbensyon ng BHO CAMP.

Madali lang naman ang mission. Kinakailangan ko lang pumasok sa manhole malapit sa isang bangko na may nagaganap na hostage-an. Masyado kasing maraming pulis na nakapaligid sa bangko kaya mahirap para sa akin na ikubli ang sarili ko. Maraming agents ang posibleng kumuha ng misyon na 'to ang kaso mga mahihina naman ang sikmura. This is a manhole after all. Bukod sa madilim, basang lugar, ay marami ka pang hindi mga kanais-nais na makikita.

"Stop."

I did exactly what I was commanded to do. Pagkaraan ay inilibot ko ang paningin ko sa paligid. "There's nothing here."

"May nade-detect ako."

Sky's using my invention, Snapshot. It's a device that can use up any sattelite to find a certain place. The sound waves of the surrounding will help Snapshot to send the outline structure of the place to the satellite and back at BHO CAMP's system.

"Sa taas."

Tumingin ako sa taas at napaungol ako biglang pag-angal. May makipot na daan doon at sa dulo ay tanging semento lang ang makikita. Marahil ay dati din itong manhole at tinakpan na lamang ng semento.

"Got it."

May pinindot ako sa relos na suot ko. May sarili akong control ng mga gadget na dala ko. Nang matapos doon ay umuklo ako para kumuha ng puwersa at pagkatapos ay tumalon ako. Maagap na idinikit ko sa pader ang mga kamay ko at mga paa. May nakakabit na ro'n na device na makakatulong sa akin para makaakyat gamit lang ng mga gwantes at sapatos na gamit ko na nalagyan ng partikular na imbensyon na iyon. Thanks so much good 'ol Sticky.

Mabilis na umakyat ako. Nang makarating ako sa dulo ay dinama ko ang semento sa itaas ko. Yup. It's newly covered. Marahil dahil sa tinayuan nga ng bangko ang lugar na ito.

May kinuha ako sa bulsa ko. Ikinabit ko ang ilan sa mga dala ko na Innocence sa pader sa ibabaw ko. Innocence is a black heart shape device with wings on fire design around it. Mukha itong papel ngunit isa itong bomba.

"Be careful, Freeze. Nasa gitna ka mismo ng bangko." Sky warned me.

"Civilians?"

"Clear from where you are standing."

"How many?" I asked again.

"Five."

"Location? Status?"

"Armed man two steps from the right of the door. Base sa puwesto mo ay nasa kanan mo ang pintuan kung saan nandoon ang lalaking nabanggit ko. Isang lalaki ang nasa harapan mo at isa sa likod mo. They disabled the camera, so I can't see what's exactly happening but probably they won't be facing you. Paniguradong sa mga hostage sila nakatingin."

"The other two?" I asked.

"Your left."

"Any scenario?"

"Perhaps they're talking to the manager." sagot ni Sky.

"Copy."

Umatras ako ng kaunti pababa. May pinindot din ako sa suit na suot ko para mag-activate ang mask ko dahilan para matakpan ang buong mukha ko. "Mask on. Intentional mute please."

"Acknowledge."

Tumikhim ako upang makasiguro. Nang wala akong marinig ay nagsimula na akong magpipindot sa relos ko. Intentional mute is for our LD or listening device. Para ito sa mga pagkakataon kung saan kailangan namin na protektahan ang pandinig namin. Katulad ngayon na masyado akong malapit sa pangyayarihan ng pagbomba.

Nakatingin lang ako sa taas ko ng pinindot ko na ang huling command. Kitang-kita ko kung paano maging pula ang kulay itim na device at ang pagtalsik ng nagkapira-pirasong semento. Wala akong tinamo na kahit na anong sugat dahil sa suot ko na pumoprotekta sa akin.

"Unmute."

Hindi ko na kailangan marinig ang sarili ko dahil alam kong narinig na ako ni Sky. Hindi ako nag aksya ng sandali at mabilis na itinulak ko ang katawan ko pataas. I placed my feet on each side of the hole I made at the same time that I pulled out two of my Mist guns. It's a special invention by BHO CAMP and it's bullets are made to neutralize and not to kill. Itinutok ko ang baril sa kanan kong kamay sa kanang bahagi ko, three o'clock. The other gun, twelve o'clock.

Mabilis na dumapa ako at inikot ko ang sarili ko pagsadsad ng katawan ko sa semento at kasabay niyon ay tinutok ko ang baril sa harapan at hinila ang gatilyo niyon. All of that happened at approximately thirty seconds if I'm not mistaken.

Tumayo ako at hindi ko pinansin ang gulat na gulat na mga hostage na nakatingin sa akin. Inilibot ko ang paningin ko. Walang malay na nakahandusay sa sahig ang lalaki sa may pinto at ang lalaki sa harapan at likuran ko.

Two more.

"Anong-"

I raised my gun and pulled the trigger twice. Tumaas ang sulok ng labi ko nang bumagsak ang dalawa pang lalaki at tanging ang lalaking nakasalamin na nakatakip ang mga braso sa ulo niya ang naiwan. The manager perhaps.

Binaling ko ang atensyon ko sa mga hostage hanggang sa dumako ang tingin ko sa manager. Hmm. If Clark Kent aka Superman is real, he might be the perfect replica. Katulad ng iba ay mukhang natatakot din siya sa akin. Kung sabagay hindi naman kasi nila kita ang mukha ko dahil dito sa mask. Ang pagkakaiba lang niya sa iba ay mukhang walang balak ito na tutukan ako ng kahit na ano katulad ng ginagawa ng ilan sa mga hostage na nakuha ang baril ng mga armadong lalaki kanina.

"S-Salamat." nauutal na sabi ng lalaki.

Sumaludo ako sa kaniya at walang pag-a-alinlangan na tumalon ako sa butas kung saan ako nanggaling. I pressed the button on my suit just in time so I won't be found dead with my body parts and insides splattered to the ground. Thanks to the invention Levitate device, that won't be happening.

"Experiment Department is much more exciting than this." I murmured as I was walking towards the exit, not minding the darkness of my surrounding.

Sky chuckled. "I'll say otherwise but oh well, that's your opinion."

I'm totally not into this field stuff. Mas gusto ko parin sa experiment department.Gusto ko iyong kontralado ko ang mga bagay. Dahil lahat ng posible ay nagagawa kong i-access, nakikita ko ang mga bagay bago nila makita, at nagagawa kong lumikha ng mga bagay na dati ay iisiping hindi posibleng mangyari sa totong buhay.

"Freeze?" Sky called out to me again.

"Yeah?"

"Mission Accomplished."

I rolled my eyes. "Whatever."



LUMIKHA ng ingay ang shot glass na hawak ko nang pabagsak na ibinaba ko iyon sa counter. Tinignan ko ang mga baso sa harapan ko at nginisihan ko ang mayabang na lalaking lumapit sa akin kanina na ngayon ay nakayukyok na sa bar counter at wala ng malay dahil sa kalasingan.

Pilit niya akong inaaya na magsayaw kanina habang nananahimik akong nakaupo sa high stool ng bar at umiinom. Dito kasi ako dumiretso pagkatapos ng mission. Nang hindi parin niya ako tinigilan ay hinamon ko na siya ng inuman. Thirteen Hell Shot.

Tinanggap niya ang alok ko kaya nagkaroon ako ng hinuha na sanay siya sa inumin na iyon. Nang wala sa amin ang tinamaan ay inulit ulit namin iyon. Hanggang nakarating kami pareho ngayon sa pangatlong batch ng Thirteen Hell Shot. And I must admit that I'm drunk. For the first time. Siya nga lang ang naunang makarating sa impyerno kaya ako parin ang panalo.

Nakangiting tinapik ako ng bartender sa balikat. Mukhang hindi din siya makapaniwala sa mga naganap. Ang liit ko kasi di hamak kesa sa lalaki at idagdag pa na babae ako. "Anytime you'll visit this place, it'll be on the house for you! That was awesome!"

Nakangiting tumayo ako. "Hindi ako ang magbabayad ngayon. Hindi naman ako ang talo."

"Sure thing! Wait. Kaya mo bang umuwi?"

I look at the bartender and smiled. I'm smiling a lot. Must be the alcohol. "Of course I can."

Lumabas na ako ng Pazo Bar at dumiretso ako sa sasakyan ko. Ilang beses na pahinto-hinto ako dahil nakakaramdam ako ng pagkahilo. The responsible thing to do is call someone to pick me up or I should just grab a taxi. But for once in my life, I just don't care about what's right.

Sa kabila ng nararamdamang kalasingan ay nakarating naman ako sa BHO CAMP without getting arrested. Or getting into car crash. Swertihan lang. Isa pa pakiramdam ko ay mas lalo akong naging hyper-aware sa paligid ko dahil sa mga ininom ko.

Ilang sandali lang ay nakarating na ako sa tinatahak kong puntahan. Nasa mismong tapat na ako ng BHO CAMP ng hindi ko na kinaya ang pagkahilo ko. Mabilis na hininto ko ang sasakyan at lumabas ako bago ko inilabas na ang sa tingin ko ay halos lahat ng ininom ko namg madaling araw na iyon.

Nang bahagyang tumigil ang pagkahilo na nararamdaman ko ay kinuha ko na lang ang susi ng kotse at pilit na naglakad na lang ako papasok. Hindi ko na kasi ata kakayanin na ipasok pa ang sasakyan sa headquarters. Hindi narin mabilang kung ilang beses na muntik akong madapa habang pinipilit kong patuwirin ang paglalakad ko.

"Shit. I'm really drunk."

Impit na napatili ako ng tuluyan na akong bumagsak sa semento. Mabuti na lang naitukod ko ang kamay ko kaya hindi humampas ang ulo ko kung saan. Imbis na tumayo ay nanatili akong nakadapa roon habang iniintay na mawala kahit kaunti ang pagkaliyo na nararamdaman ko. Right, I'll just stay here. Forever and ever.

"Meow."

Nag-angat ako ng paningin at sumilay ang ngiti sa labi ko ng makita ko ang isang maliit na kuting. Pilit na tumayo ako at kinuha ko iyon.

"Kitty cat...so cute..."

Nagpapasag ang pusa pero hindi ko siya pinakawalan. "Meow."

"So orange."

"Freezale?"

Nilingon ko ang tumawag sa akin. Kaboses ni King. Kinurap ko ang mga mata ko pero hindi ko parin makita ng maayos ang pinanggalingan ng boses. Ang tanging nakikita ko lang ay ang malaking kulay orange.

"Kitty cat..." sabi ko at idinampi ko ang kamay ko sa isa pang kitty. Kaya lang parang matigas ang Kitty na ito.

"I'm not a cat and you're drunk."

"You can speak! A kitty that can speak!" I said in awe.

"Yes, I can speak and that's because I'm not a cat."

Hinigpitan ko ang pagkahawak ko sa kuting at lumapit ako sa malaking pusa sa harapan ko. Malaking pusa na nagsasalita at kaboses ni King. Isinampay ko ang isa kong braso sa malaking pusa. Ikiniskis ko din ang mukha ko sa kaniya. Maybe this cat is like Puss 'N Boots. Nakatayo din. I'm very sure that this is his chest. "You're very hard kitty."

"Lady...that won't be the only hard thing you'll feel if you don't stop what you are doing."

"W-What-"

Hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko ng may maramdaman akong matigas na bagay sa itaas ng abdomen ko. A hard thing is currently poking me. Pakiramdam ko ay saglit na bumalik sa akin ang kakaunting ulirat ko sa naramdaman.

"K-King?"

"Finally. Sa susunod na makikipagdate ka sa lalaking iyon siguraduhin mo muna na may sapat na nutrisyon ang utak niya para maisip na ihatid ka at hindi basta na lang pabayaan."

Hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil inatake na ako ng sobrang kirot sa ulo kasunod ng pakaliyo dahilan para bigla na lamang nagdilim ang paningin ko. But one thing is for sure...he's totally pissed at me. And I can't help but think that maybe...

He's jealous.


_____________________End of Chapter 12.

Continue Reading

You'll Also Like

369K 16.7K 49
C O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession...
352 110 22
(Writer × Bassist) (Completed) Armed with writerly wisdom, Crisanta Marie broke from tradition to chase music, despite her family's disdain. A sister...
2.8M 103K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
9.1K 1K 35
Shadows are only created when there is a source of light. And so Bernadette Wood was the only source of her own bliss. She everything relishes afore...