No Guns, No Entry | Gangster...

By I_am_a_badgirl

2.8M 79.6K 25.3K

When the good side die, the monster will rise. Gangster Academy: Book 2 More

No Guns, No Entry
#NoGunsNoEntry Will Never
#NoGunsNoEntry Start
#NoGunsNoEntry Congrats
#NoGunsNoEntry Male
#NoGunsNoEntry Snow Flakes
#NoGunsNoEntry The Forest and its Guards
#NoGunsNoEntry B*tchy Surprises
#NoGunsNoEntry The One
#NoGunsNoEntry Back
#NoGunsNoEntry Same
#NoGunsNoEntry Her
#NoGunsNoEntry Empress and her Emperor
#NoGunsNoEntry Gone Wild
#NoGunsNoEntry Emperor and Protector
#NoGunsNoEntry Phase One
#NoGunsNoEntry Friends
#NoGunsNoEntry Mystery
#NoGunsNoEntry Things Happen
#NoGunsNoEntry Preparation/BFF
HUGOT NG BAYAN
#NoGunsNoEntry Party Preparations
#NoGunsNoEntry Intense Party
#NoGunsNoEntry Jokes are... Damn.
Wait, what?
#NoGunsNoEntry Letting Go
#NoGunsNoEntry Games
#NoGunsNoEntry Midnight Bwisit-a
#NoGunsNoEntry That's Life
#NoGunsNoEntry Out.

#NoGunsNoEntry Mga Bwisit-a

39K 1.4K 478
By I_am_a_badgirl

Mindanao Readers? May readers ba ako from Davao? I need help. I need a picture po ng newspaper niyo diyan na mindanao times for this upcoming sunday issue. huhuhuuh all pages sana may pics. May iveverify lang ako sa mga lalabas na ads. Kamsahamnida sa magbibigay! :D

Sorry na nalate. Naghugas ako ng pinggan hahhahha I have announcement at the end of this Update. :)

Enjoy peeps!

-----

"Bwiset!" sabi ko sabay padyak sa paa na parang bata at punas ng mukha ko.

Ugh. Classes.  

Kahit na pinakamataas ka pang opisyal ng isang Gangster organization, wala pa ring maiiba sa reaksyon mo kapag estudyante ka. Mapapa-urgh ka na lang sa umaga kapag naaalala mong you have classes to attend.

I hate waking up to remember that I have to attend classes. Pero ang totoong mas nakakainis kapag gigising ka sa umaga?

"Yelo lang pala katapat mo. Bumangon ka na diyan. Have breakfast. May classes pa tayo."

Thres! Sinong matinong tao ang magtatali ng monopod sa headboard ng kama ko patapat sa mukha ko habang may nakaipit na tipak ng yelo?! Sinong hindi magigising non? Pumapatak sayo iyong tubig every damn second.

Mas gusto ko pa iyong paraan ng paggising ni Lolo sa akin dati. This? This is just so annoying! Lolo's way is cooler. His ways? Strict parents ang datingan.

Hindi na ako nag-abala pang magpalit ng suot at dumiretso na sa kusina. Naabutan ko si Thres na nagaayos ng lamesa habang naka-apron.

"Bawal pumatay ng tao sa kusina." natatawang sabi ni Thres. Yeah. He better be aware that I want to kill him right now.

"You bet I can kill someone right now." sabi ko sabay umupo para antayin ang pagkain na niluluto niya. Mukhang nahihilig sa pagluluto si Thres? Don't tell me he wants to change career.

I was about to ask Thres to give me a glass of coffee ng matuwa naman ako sa existence niya sa mundo nang biglang pumasok si Bea sa kusina. Naka-apron at nakabikini? Ay wow.'B.tch on a beach' style?

I smirked. "Naliligaw ka ata. This is not the place for a bikini."

"Duh? I am wearing an apron. I am going to cook. Right, Thirdy?" sabi ni Bea sabay kindat kay Thres. 

What's with this two? Kagabi akala mo highschool student na nag-iiwasan? Ngayon si Bea parang kulang na lang lagyan ng ketchup ang sarili para ihain kay Thres.

"Shut up." nakasimangot na sabi ni Thres saka nag-alis ng apron at lumabas ng kusina. Napatingin ako kay Bea na ngayon ay tawa ng tawa. She's playing with him. Gumaganti sa ginawang sipa sa ego ni Thres sa kaniya.

Hindi na ako nag-almusal. Umakyat na ako ulit sa kuwarto ko at nag-ayos. I still have to attend classes. Kahit pakiramdam ko gusto ko lang magbabad sa kama at mahiga.

Pagkatapos mag-ayos ay palabas na ako ng kuwarto ng marinig kong tumunog ang cellphone ko.

2 Text Messages..

Sino naman ito?


From Thres:

Please get rid of that girl. Alis na ako. Bilisan mo magsisimula na ang first class natin.


From Bea:

Bye! I'm following him. Pissing him off is really fun! Hahaha!
PS: Someone's waiting for you downstairs. He looks so weird.


Tsk. Kapag na-inlove kayo sa isa't-isa, bahala kayo diyan. Pero, bisita? Sino na naman kaya iyon? Ilang beses ba akong makakatanggap ng unwanted bwisitor sa bahay na ito?


Parang gusto kong bumalis sa bangin kung saan ako tumalon para lang hindi makita ang nakikita ko ngayon.

"Iyong totoo? Anong trip mo?" nakasimangot na tanong ko kay Neon ng mapagmasdan ko ang suot niya ngayon. From shoes to waist, he looks decent. Black shoes, black pants... Pero pag taas mo ng paningin, that's where the problem starts.

He is only wearing a necktie and a watch. Wala ng iba. Ang kintab pa ng dibdib at abs nito. Parang pinaliguan ng baby oil.

"Magtuturo. I have classes to teach. Sabay na tayo pumasok?" kaswal na yaya niya sa akin habang pasimpleng hinihimas niya ang baby oil sa dibdib pababa sa tiyan at pababa sa v-shaped muscles niya sa may puson.

"Really? What class? Let me guess. Taong grasa ka sa isang role playing quiz?" sabi ko sabay himas sa baba ko para mas ma-convince siya na sobrang pinaghirapan kong isipin kung anong role niya. Sobra.

"Grabe ah. Hindi ako taong grasa."

"Hmmm.. Lechong kawali? Puro ka kasi mantika."

"Zerah naman. Don't you think it's hot? And this is really for my class. Macho Dancing." Ang sarap kumuha ng plastic labo at doon sumuka dahil nag-sample pa si Neon ng dahan-dahang paggiling sa harapan ko.

Maybe I should review the classes that we offer here. Bakit may macho dancing classes? Nag-take din ba si Dark ng ganong class? Gumigiling din ba siya ng ganyan?

Natauhan akong wala na sa katinuan ang iniisip ko ng tumikhim si Neon at nakatingin siya sa akin na para bang nababasa niya ang iniisip ko.

"I know that look. We're you dreaming of.. me?" sabay kindat and kagat-labi. Hindi ba kinikilabutan ang isang ito sa mga pinagsasasabi niya?

"Ha. Ha." Dry na tawa ko saka naglakad papalabas ng bahay. Sumunod naman si Neon na hindi man lang kababakasan ng kahit na anong kahihiyan dahil sa suot niya.

"You know what.. I like your fashion sense now than before." sabi ni Neon habang nakasunod sa akin. Hindi man ako lumingon alam ko kung saan siya nakatingin. Ramdam na ramdam ko ang titig niya sa likod ko.

I am wearing a simple backless black dress. I like this outfit dahil the strap details at the back are pretty. Hindi siya ganoon kahirap suotin katulad ng ibang de-strap na dress.

"We are like the low-key hubadera and the all out hubadero." sabi ni Neon sabay tawa ng marahan. Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kaniya. Halata sa mukha niyang hindi niya inaasahan ang ginawa ko at napangisi na para bang batang nakahanda ng pagalitan ng nanay.

"Say a word and I will slice your throat."

"Hmm! Hm! Hmm! Hm!" sabi niya na ginaya ang pagbigkas ng 'Ay ay Captain!' habang nakatikom ang bibig.

Nakarating kami ng main building ng hindi na siya nagsasalita. Puro hmm hmm lang. Nakakairita pero at least wala na siyang kamanyakan na pinagsasasabi.

Here comes those stares. Mga bored sa sariling buhay, pinagmamasdan ang business ng iba. That's one thing that won't change in my personality. I hate those too many eyes looking at me as if I am under a microscope. Damn attention.

"So the 'so-called' queen decided to walk?" Wow. Another buwisit.

"So the frog decided to talk?" Bahagyag natawa ang ilang mga students na nakakita ng encounter namin ni Pinky. Anong problema nito? Bakit biglang nagdedecide na banggain ako? Well, reasons of pathetic people will never humor me.

"Una na 'ko, Zerah. Mukhang may stop-over ka pa." sabi ni Neon habang patalikod na nagwawave sa akin. Tingnan mo itong isang toh? Bigla na lang aalis. Tsk.

Aalis na ako ng bigla niya akong harangan sa paglalakad. Ano bang trip ng mga tao sa buhay ngayong araw na ito? Bakit parang lahat sila gustong harangan ang araw ko? Hindi ba pwedeng ayaw ko talagang makausap nga mga taong walang kwenta? Kasalanan ni Thres toh. Ang sama tuloy ng gising ko. Tsk.

May sasabihin pa sana si Pinky pero natigilan siya ng may tumikhim sa likod niya na para bang sinasabihan siyang matauhan siya sa pinag-gagagawa niya sa mundo.

"Classes are ongoing." walang ganang sabi ni Dark kay Pinky. Napataas si Pinky ng kilay sa sinabi nito pero she decided not to say a thing. Umalis siya pagkatapos akong bigyan ng isang mataas na irap. Baka gusto niyang mawalan siya ng kilay.

"Since when did you care about classes?" tanong ko kay Dark pero imbis na sagutin ako ay umalis na din siya as if I don't exist.

Akala ko mapapayapa na ang buhay ko sa araw na iyon dahil walang kwenta ang classes. Walang kumakausap sa akin maliban kay Thres. Good thing that I don't have any classes with Dark or any member of his gang.

Pabalik na sana ako sa bahay para matulog ng maramdaman kong may sumusunod sa akin. Base sa amoy ng mantika, alam ko na kung sino.

"When will you stop?" naiiling na sabi ko ng maramdaman kong katabi ko na si Neon. Wala pa ding nagbabago sa outfit niyang walang outfit na suot.

"Namiss lang kita ka-bonding. Busy ka kase. Di ba pwede yon?" seryosong sabi ni Neon. Napangiti ako kahit papano. Him saying that he misses me makes me feel really good. As if other sh*ts of life didn't happened.

"Gusto mong kumain sa labas?" tanong ko. Parang mga bola ng glitters ang mata ni Neon dahil sa sinabi kong iyon.

"It's a date then!" masayang-masayang sabi sagot niya sa akin.

"Not a date. Just eating." palilinaw ko pero parang wala siyang ibang gustong pakinggan.

Whatever. I'll give this day to him.

Lumabas kami ng academy at naghanap ng makakainan sa labas. I'm not really picky . As long as the food is edible, okay na ako. We settled for the very new fast food chain at the mall, Jabee.

"Supermeal. Two order." order ko habang si Neon nakaupo na sa ni-reserve niyang table namin dalawa. Mas okay ng ako ang pumila para bumili ng pagkain dahil baka makipaglandian pa siya sa cashier. Tatagal lang ang order namin. Isa pa... wala pa din siyang pantaas na suot. Paano nakakatagal ang isang ito? Baka dahil sa oil, mainit sa katawan iyon eh.


Omg. Topless iyong lalaki. Parang naging buhay iyong yum burger. Yummy.

Langhap sarap si Kuya. Tara pasimpleng daan tayo sa table niya mukha siyang mabango eh.

Mommy! Mommy! Bakit po may macho dancer dito?
Anak wag mong ituro. Baka marinig ka. Anong order mo? Gusto mo ng fries?


Parang ayoko ng kasabay kumain ang isang iyon. Nakakahiya siya.

Kumakain na kami ng tahimik ng mapansin kong nakatitig lang si Neon sa akin at hindi nagkumakain.

"Hindi ako kasama sa supermeal." sabi ko ng hindi tumitingin sa kaniya at patuloy lang sa pagkain.

"Anong plano mo, Zitty?"

"Zerah." pagtatama ko sa kaniya.

"Fine. Anong plano mo, Z.E.R.A.H. Zerah?" nang-asar pa. Tsk.

"Plans about what?"

"You're sister." Ah right. I do have a sister.

Tinitigan ko muna si Neon bago ako magsalita. I've known him and kahit na malandi siya, he is loyal when it comes to our friendship. After all, he never said a word about me to Dark.

"I want every thing to be the same as the day. Not the place, but that experience. Happiness. Friendship. Loyalty. In one night, then I'll take everything from her. A life for a life." Natigilan si Neon matapos marinig ang sinabi ko.

He looked at me as if I am not being serious. Well, I am.

"Pinaplano mo bang gayahin ang ginawa ni Gabby sa ating lahat?"

"History repeats itself." sabay kagat ko ng malaking part ng burger. Ang sarap.

"Yeah. As well as the results of them." halata sa boses ni Neon na hindi siya sang-ayon sa iniisip ko. Well, I am not asking for an opinion or approval. Gagawin ko kahit lahat ng tao ayaw.

Mukhang napansin ni Neon na wala akong balak na mag-open pa ng kahit ano kaya napabuntong hininga na lang ito at saka nagsalita.

"I want revenge sa mga nangyari sa inyo, pero...."

"Pero ano?" I encourage him to go on.

"I don't want another you." Hindi ko ine-expect ang sinabi niyang iyon. Nabitin tuloy ang pagsubo ko ng fries.

"Another me?" I asked.

"Another... monster?" Oh. Right. I am a monster.

"I am not creating a monster. I am destroying one." Besides, si Gabby ang gumawa ng halimaw sa pagkatao ko. I am simply returning the favor.

"Pwede ba kitang prangkahin?"

"Ay hindi pa ba prangka iyong kakatawag mo lang sakin na monster ako?" Naiiling na sabi ko. Napangiti naman ng kaunti si Neon sa sinabi ko. When he smile like that, I saw a glimpse of Dark's smile. O baka may halong alak iyong coke? Nag-ha-hallucinate ako ganon.

"Mas gusto ko si Zitty."

"Di ka niya gusto." bale walang sabi ko na ikinasimangot ni Neon. "Ubusin mo na yan. Bumalik na tayo sa Academy. Baka makasuhan tayo sa ginagawa mong pagbabalandra ng katawan mo."

"Well, if being this hot is a crime...." lumingon ito sa bandang kaliwa kung saan may mga babaeng kanina pa patingin-tingin at saka....

"Omg! Kyaaah~ Ang gwapo niya beshieeee." Kumindat siya sa mga ito. Wow. Edi siya na ang gwapo. I was about to say things that would crush his soul ng biglang tumunog ang phone ko.

Bakit parang nahihilig magtxt ang mga tao sa akin? Hindi ba sila aware na ayokong sumasagot ng mga text messages? Nakakapagod magtype ng reply.

Bored na tiningnan ko ang laman ng mensahe galing sa isang unknown na number. Agad na nawala ang boredom na iyon pagkatapos kong mabasa ang sinabi ng nagtxt.

"Ok---ay? What is that?" Nag-aalalang tanong ni Neon. Hindi kasi ako gumalaw at nanatili lang nakatitig sa screen ng phone ko.

Nakangiting humarap ako sa kaniya habang binababa ang phone.

"I just got an invitation to go to a themed park." sabi ko.

"Nice. Kanino galing? Pwedeng sumama?" excited na sabi ni Neon na parang batang gustong magpunta ng Disneyland.

"Nope. It's just the two of us.. Me and my sister."

"Ano?!"

I guess my week just got weirder. 

---------------

So? SO? hahhaha Anong masasabi niyo po? Sinong gusto sumama sa themed park with two deadly girls? 

Anyway, here's the announcement.

I want to give a GIVEAWAY. Yup. Pampasalamat lang ganon sa pagbabasa kahit two years akong MIA.  One lucky reader ang mananalo ng isang box of halo-halong goods from me. 

The box contain G.A. related items, and some personal gifts from me. 

All gender can join! :) Open for readers at the Philippines lang po. Di ako marunong magpadala sa ibang bansa. HAHAHAHAHA

How to join?

1. Vote this update. 

2. Comment your feels. Mas creative mas okay. Tsaka, I really want to talk to you all. Para iyong account ko hindi lang update story account. Update interact to readers account siya. :D

The lucky winner will be announced sa susunod na update. Meaning, hanggat wala pang update... pwede pang magjoin!!!! 

That's all.  Salamat po!

Please also support the upcoming Gangster Academy book under Pop Fiction.

See you all soon! Byeeeeeeeeeee!

Continue Reading

You'll Also Like

255K 9.9K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...