I Need A Girl (Completed)

By AnnoyingKimchi

386K 7.9K 207

Stalker turns to a loyal lover that she'd ever have. Story of Veronica "Venia" Laurencio and Callie Gabriel R... More

I Need A Girl
Chapter 1: Something's Not Right
Chapter 2: Who is Who?
Chapter 3: A Gift From Unknown
Chapter 4: Don't Be Scared Of The Dark
Chapter 5: I Don't Feel Safe Anymore
Chapter 6: I Need To Get Out Of Here
Chapter 7: You're Hurting Me
Chapter 8: Let Me Die
Chapter 9: Chance Can Change?
Chapter 10: The Stalker
Chapter 11: Know Me For Who I Am
Chapter 12: I'm Here
Chapter 13: Together
Chapter 14: Just So You Know
Chapter 15: Make Me Feel Better
Chapter 16: Callie, The Pilot
Chapter 17: In Other Words, Get To Know Each Other
Chapter 18: Good In Many Things
Chapter 19: Can I?
Chapter 20: Let Me Hold You Like This
Chapter 21: You're Blushing
Chapter 22: Mr. Rivera's Order
Chapter 23: It's A Date
Chapter 24: My Girlfriend
Chapter 25: The truth is,
Chapter 26: A Nice Company
Chapter 27: What Happened?
Chapter 28: Goodnight
Chapter 29: A Dream Come True
Chapter 30: Never Happened
Chapter 31: Horror Movie
Chapter 32: They're Dating
Chapter 33: You're Back
Chapter 34: You Said What?
Chapter 35: Tell Them or I Will
Chapter 36: The Boyfriend
Chapter 37: Please Understand
Chapter 38: Masquerade Party
Chapter 40: I've Seen You Naked
Chapter 41: He's Cole
Chapter 42: Unknown Enemy
Chapter 43: Stay With Him
Chapter 44: We're Leaving
Chapter 45: Whatever It Takes
Chapter 46: Your Special Day
Chapter 47: White Gold
Chapter 48: Never
Chapter 49: Marry Me
Chapter 50: You're Safe
Chapter 51: Hold on to me
Chapter 52: Do You Still Love Me?
Epilogue
Special Chapter

Chapter 39: My Mysterious Beautiful Beloved Girlfriend

5.4K 128 0
By AnnoyingKimchi

Sunod sunod ang pagkislap ng mga ilaw habang naglalakd kami ni Charlene papasok. Hawak nya ang isang kamay ko habang ang isa naman ay nakahawak sa laylayan ng dress ko.

"Who are you with, Ms. Rivera?"

Panay ang tanong kay Charlene habang naglalakad kami papasok pero nanatiling lang syang nakangiti sa mga ito. Pinilit kong tingnan ang paligd ko pero hindi ko kinakaya ang sunod sunod na flash ng kamera. Nakakasilaw.

"Look, Ate."

Narinig ko ang tuwang tuwang boses ni Charlene. Nang iangat ko ang tingin ko para sundan ang direksyon ng tingin nya ay nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng itim na maskara. Sunod sunod ang pagkabog ng dibdib ko. Naglalakad sya palapit sa gawi namin. Tinanggal nya ang suot na maskara na para bang kompirmasyon sa kung sino man kung sino talaga sya. Ngumiti sya sa pagtatama ng mga mata namin. Ang gwapo nya sa suot nyang itim na coat at bow tie. Nakaayos pataas ang buhok nya at kumikinang ang isang hikaw nya sa kanang tenga nang tamaan ng mga ilaw.

"You did great, Charlene."

"She's all yours now."

Bumitaw sa pagkakahawak sa akin si Charlene at tuluyan na syang nawala sa paningin ko. Nakatutok ang mga mata ko sa nakangiting si Callie sa harapan ko. Humakbang sya dahilan para mas lalong mailapit ang sarili sa akin. Naramdaman kong dumausdos ang kamay nya sa bewang ko.

"You're beautiful."

Bulong nya.

"My mysterious beautiful beloved girlfriend."

Napangiti ako. Sabay kaming naglakad papasok. Tanggal ang suot na maskara ni Callie kaya't sigurado akong marami nang mga matang nakatingin sa akin dahil hindi nila kilala kung sino ang kasama nito.

Di gaya ng daan papasok ay tahimik na nang makapasok kami. Ang naririnig ko lang ay tawanan ng iilang tao at ang music sa buong hall. Halos mapanganga ako sa nakikita ko. First time kong dumalo sa ganito at talaga namang napakaganda ng pagkakaayos sa buong lugar. Panay ang bati ng mga nakakakilala kay Callie. Hindi nagsasalita si Callie at tumatango lang. Nakikita ko silang natitigilan kapag nakikita ang kamay nitong nakapulupot sa bewang ko.

Lumapit kami sa mesa kung saan ay nakikita ko si Charlene na may kausap na lalaking nakamaskara rin. Pamilyar sya at nakumpirma ko iyon nang magsalita ito.

"You're here, hi."

Nakangiti bati nito sa akin nang maupo kami ni Callie.

"Stop it, Link."

Bago ko pa ito batiin ay narinig ko na si Callie.

"Tsk. Yeah right."

"You've me her already, Link?"

Takang tanong ni Charlene.

"Yeah…in a very awkward situation. But not really awkward you, exaggerated lang talaga si Callie."

Napatingin ako kay Callie ng marinig kong tumikhim ito. Nakasimangot ang mukha nya kay Link na tuwang tuwa.

"You won't ruin my night."

Tumawa si Link sa narinig.

"Geez, pasalamat ka, wala dito si Gareth. I invited him pero ayaw nya daw."

Nagkibit balikat lang si Callie at bumaling sa akin.

"You're hungry?"

Umiling ako.

"Nawala yung gutom ko dahil sa pagdala sa akin dito."

Unti unting nawala ang ngiti sa mga labi nya. Mukha syang natauhan sa ginawa nya.

"Look, I'm sorry. Gusto lang kitang makasama. For the first time, I think I'll enjoy this kind of party."

Napangiwi ako para itago ang ngiti. Ang sarap sabihin 'Sige na nga, kung hindi lang kita mahal.' pero hindi na dahil lalaki lang ang ulo nito.

"Sige na nga, nandito na tayo eh."

Bumalik ang mga ngiti nya. Tumawag sya ng waiter para magserve sa amin. Sina Gareth at Charlene naman at kumakain na rin habang nag-uusap. Mukhang close si Charlene sa mga kaibigan ni Callie.

Hindi na ako nagparami ng kain kahit gaano kasarap ang mga nakahanda. Nahihiya ako. Pakiramdam ko bawat kilos ko ay may nakamasid at lalabas ano man oras na may gawin akong kakaiba kahit pa parang kanina lang ay gutom na gutom ako. Hindi ako sanay sa ganitong party. Lahat ng taong lingunin ko, lahat sila ay may sinabi sa buhay. Halatang halata sa pagkilos at galaw nila.

Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Callie na humaplos sa akin. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Come on."

Takang sumunod na lamang ako ng hawakan nya ang kamay ko at higitin palayo. Nakarating kami sa isang balcony na malayo sa mga nagsasayahang tao sa loob.

"You seem uneasy."

Pinaharap nya ako sa kanya at hinaplos ang pisngi ko. Malalim syang tumingin sa mga mata ko. Ngumiti ako.

"Ang gwapo mo ngayon?"

Hindi ko sinagot ang tanong nya. Napailing sya habang mahinang humalakhak.

"Ngayon lang?"

Umiling ako at ngumiti.

"Para sa akin, parang lalo kang gumagwapo. Pwede pala yun? Nakakaconscious na tuloy na baka hindi ka na nasasabayan ng ganda ko."

Biro ko. Hinigit naman ako bito saka mahigpit na niyakap. Naramdaman ko ang paghalik nya sa ulo ko napapikit ako ay yumakap dito pabalik.

"You're beautiful, Venia. Very very beautiful. Kung hindi ka lang nakamaskara, inuwi na kita. Guys have been eyeing you since we came here pero hindi ako papayag, akin ka lang."

Ngumuso ako. Hindi ko yata alam ang tungkol sa bagay na yan. Sya nga itong kanina pa pinagtitinginan ng mga babae kasi hindi nya na suot ang maskara nya. Saan naman kaya iyon na punta.

Pumasok kami pabalik. Sabay kaming napalingon ni Callie nang may tunawag sa kanya. Lumapit sa amin ang isang babae, sa likod nya ay may dalawa pa na mukhang kasama nya. Tinanggal nya ang hawak na maskara bago nagsalita.

"Hi, Callie. They're right, you're here. I've been looking for you."

Sabi nito habang nakangiting  nakatingin kay Callie. Pero bahagya syang natigilan matapos dumako ang mata nya sa magkahawak naming kamay.

"…and you're with someone."

Dagdag nito. Napakunot ang noo sa kung paano nya iyon binanggit.

"Bianca. Yeah. My girlfriend. If you'll excuse us.."

Hindi ko na nakita ang naging reaksyon nya. Bianca? Hindi ba iyon yung babaeng ininterview noon. Bahagya akong nakaramdam ng inis, kaya pala ganun nalang nya ako tingnan. Naisip ko ang mga sinabi ni Callie tungkol sa kanya. Hawak ni Callie ang kamay ko ng hilain nya ako palayo. Tumigil kami sa gitna kung saan may mga nagsasayawan kaya nakaramdam ako ng pagkailang.

"T.teka.."

Inilahad nya ang kamay nya sa akin. Kinabahan ako.

"Hindi ako marunong."

Natatarantang bulong ko dito. Pero ngumiti lang sya at tuluyan nang hinawakan ang mga kamay ko.

"There's only two thing to remember while dancing with me, babe."

Hinawakan nya ang kaliwang kamay ko at inilagay iyon sa balikat nya. Ang isa ang hinawakan nito at ipinagsalikop ang mga daliri namin habang nakalapit iyon sa dibdib nya.

"I won't hurt you and I won't let you fall."

Ngumiti ako at hinayaan ang sarili kong sundan ang galaw nya. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sa tingin ko ay dapat na akong masanay sa ganun sa tuwing kasama ko si Callie. Sumandal ako sa dibdib nya at napapikit. Dinama ko iyon at maging sya ay mabilis rin ang tibok ng puso. Napangiti ako. Hindi ko alam na ganito rin pala ang nagiging epekto ko sa kanya. Patas lang kami.

"I love you."

Sa unang pagkakataon, sa akin iyon unang nanggaling. Hindi ko sya narinig magsalita ng ilang segundo kaya umalis ako sa pagkakasandal sa dibdib nito para iangat ang tingin sa kanya.

"Cal--"

"I love you too, so much. I can't imagine myself anymore without you."

Hindi ko alam kung sumasayaw pa ba ako. Basta ang alam ko, hawak ako ngayon ng taong pinakamamahal ko at alam kung walang akong dapat ikabahala. Na masaya ako ngayon at wala ng iba.

"Let's go home."

Mabilis kong hinawakan ang laylayan ng dress ko kasabay ng paghila sa akin ni Callie palayo.

"Kuya!? Ate!?"

Naabutan kami ni Charlene. Sabay kaming tumigil para harapin ang kapatid nya.

"We're going home, tell Link."

Natigilan si Charlene pero agad rin naman syang ngumiti ng makahulugan sa amin.

"Sus Kuya! If I know ikaw lang ang gustong umuwi."

Umismid si Callie at hindi na pinansin ang kapatid na bumaling sa akin.

"Alright, Bye bye Ate. Let's hang  out some other time."

Lumapit ito sa akin para yakapin ako. Yumakap naman ako pabalik.

"…yung wala si Kuya."

Bulong nito. Ngumiti ako sa kanya ay sya naman ay mahinang tumawa.

"Come on."

Hila sa akin ni Callie.

"Geez, Kuya! Sige na, bye bye."

Nakangiting paalam ni Charlene sa akin.

Hindi ko na sya nagawang kawayan pabalik dahil sa hawak ng isa kong kamay ang laylayan ng dress ko. May mga taong nakasunod ang tingin sa amin habang papalabas kami ng venue. Ilang sandali pa ay pumarada sa labas ang sasakyan ni Callie ay lumabas ang valet assistance para iaabot sa kanya ang susi ng kotse. Pinagbuksan nya ako ng pinto at pumasok na ako ng mabilis. Hindi ito ang kotseng gamit ni Callie palagi. Hindi ako pamilyar sa mga uri at klase ng kotse pero magara at mukhang mamahalin ang isang ito. Nang makapasok kami sa kotse ay saka lang ako nakapagsalita.

"Paano si Charlene?"

Tumunog ang makina at sinimulan nyang paandarin ang sasakyan.

"She knows what to do, she'll be fine."

Tumango ako at tinanggal na ang suot suot kong maskara.

"This is why I wanted to go home. Gusto ko nang makita ang buong mukha mo."

"Pero Callie.. Nung isinama mo ako dati sa office mo. Wala bang litrato ko ang kumalat noon? Baka kasi ano… alam mo na.."

Huminga sya ng malalim.

"Don't worry. Siguro dahil biglaan, walang kumalat na pictures instead doon nagsimula ang rumors about me dating someone. But I really don't care, ikaw lang ang iniisip ko. As much as I want the whole world to know about us, ayoko namang gumulo ang buhay mo tulad ng akin. Tama na na ako lang ang gumugulo sa'yo."

Napangiti ako. Kahit kailan wala talagang pinalalampas na opportunity itong si Callie para pakiligin ako.

Naisip ko ang gulo nilang mayayaman. Base pa lang sa nakita ko kanina, maraming tao ang nakamatyag sa kahit na sino myembro ng mayayamang pamilya. Sa oras ng malaman ng lahat ang tungkol sa amin, paniguradong magugulo nga ang buhay ko. Mauungkat lahat ng tungkol sa akin, iyon ang pinakaposibleng mangyari. Mahuhusgahan ako ng kahit na sino. Alam kong darating ang araw na mangyayari iyon, malalantad at malalantad ang relasyon namin. Nababahala ako pero sa tuwing maririnig ko mula kay Callie ang mga sinasabi nya ay nawawala ang kaba ko. Pakiramdam ko tuloy, maraming bagay na sa akin ang nakadepende kay Callie.

Tama na mula ang pag-iisip ko. Ang mahala ngayon ay ang pag-iisip sa kasalukuyan mayroon kami. Iyon naman ang mahalaga sa lahat.

"Babe?"

"Hmm?"

Mula sa pagkakadungaw sa bintana ay inilipat ko ang tingin ko sa kanya.

"Malapit na ang graduation mo."

Tumango ako. Mabilis syang tumingin sa akin pero bumalik din iyon agad sa kalsada.

"Don't make plans after."

"B..bakit?"

Takang tanong ko.

"Just don't. I'll let you be with your friends pero sa akin ka after, alright?"

Naningkit ang mga mata ko matapos kong makita ang nakangisi nyang mukha habang diretsong nakatingin sa kalsada. Ano na naman kaya ang plano ng isang to.

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
141K 3K 17
James Matthew Cirillo is the eldest son of Irish Hearts and Jeremy Cirillo. Dahil sa takbo ng love ng kanyang magulang ay ipinatupad ng tatay niya na...
14K 448 34
She's Fierce and Independent. A young beautiful maiden. She's also wild and friendly. A fiesty lady who can sacrifice everything. In the night when s...
62.1K 2K 59
Aria Yvette David. Gozon almost has everything. She has money, enough to buy everything she wants. She has her family, to love her. And friends to su...