Playful Faith (FLS #1)

Af LovemeLovelies

1.7K 891 792

Meet Lizz, a girl who doesn't have her first at tons of things. But what if he met this guy, that will be her... Mere

Playful Faith
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11

Chapter 1

244 95 92
Af LovemeLovelies

Chapter 1

New School, New classmates.

-----------------------

Lizz Thorn's POV 

Nagiimpake na kami ngayon nina Kuya Lance dahil lilipat na kami ng maynila. Actually nagtataka talaga ako eh, ok naman kami dito sa probinsya ng Tayabas, at saka dalawang taon nalang matatapos ko na ang high school tas saka saka pa kami lilipat. Hayss ang gulo talaga ng mga magulang ko. 


"Yaya, diba sabi mo wala kaming kamaganak dito, meron ba kaming kamaganak sa Maynila kaya kami lilipat don?" Sabi ko kay Yaya. 

"Iha, ang mga magulang mo ay napaka masikreto pagdating sa pamilya nyo. Hindi ko alam kung may iba pa kayong kamag anak, pero simula ng mamasukan ako sa kanila, walang nabisita sa kanila na kahit sino na hindi para sa trabaho" Hays, ang aarte ng mga magulang ko kainis! Napakapamysterious! 


Kami ang pamilya Martinez, marami kaming negosyo sa maynila at sa ibang bansa pero pinili ng mga magulang ko na dito kami manirahan sa Tayabas, at dito rin kami pag aralin ng kapatid ko na si Kuya Lance Elliot Martinez. Then suddenly nagdesisyon sila na lumipat sa Maynila at dun na raw kami mag aaral ni Kuya. Siguro kaya rin kami lilipat kasi magcocollege na si Kuya. 


Ang parents ko ay sina Lorenzo A. Martinez at si Rose Nadila S. Martinez. Hindi maganda ang relasyon ko sa parents ko hindi dahil sa masama ako o tamad akong mag aral, pero kasi lagi silang wala dito dahil sa negosyo nila. Kapag naman nandito sila eh palagi rin naman silang busy kaya ayun, medjo wala kaming bonding as a family. Pero keri lang naman sakin, at saka lilipat na kami ngayon ng Manila, baka doon mas marami na kaming oras na magkakasama. 


Patapos na kaming mag impake ni yaya ng pumasok si Kuya sa kwarto ko. "Lizz, tapos na ba kayo?" sabi ni Kuya. 

"Hindi ba obvious kuya? Kung medjo malabo na ang mata mo eh Oo, tapos na kaming mag impake. Aalis na ba tayo?? " hilig kong asarin si kuya kasi lagi syang palatanong haha. 

"Ikaw talaga! Napakamapangasar mo porket Thorn ang pangalan mo! HHAHAHA.." At humagalpak nanaman sya sa katatawa kasi namumula na ako sa inis ngayon. Oh well tama kayo ng narinig, may Thorn sa name ko. Lizz Thorn A. Martinez ang full name ko. Ewan ko ba kina Mommy at Thorn ang pinangalan sa akin. Well sabi naman ni Kuya, kaya daw Thorn eh kasi marami ng Rose ang name, kaya yung Thorn naman ang ginamit nila. Nakakaiinis! Lagi tuloy akong naaasar ng mga people. Kainis! " Hahahahaha,  Lizz, haha, halika na sa sasakyan, ipapabuhat ko na yang mga gamit mo ng makaalis na tayo"  

"Ewan ko sayo! bala ka jan!" Napakamapangasar talaga ng hayop! Pero kahit mapangasar syang ganyan, medjo pabor din sa akin yon Haha, kasi kapag nangaasar sya, magtatamputampuhan ako tapos ibibili nya ako ng napakaraming V-cut na chichiriya pang peace offering haha. 

Agad akong naglakad pababa, pumasok sa kotse at humiga sa buong seat sa likod. Nakaharap ako sa sandalan para mas mafeel ni kuya yung tampo ko haha. Narinig kong bumukas na yung pintuan sa front seat kaya pumikit na ako tas kunyari nahikbi HAHA. 

"Oy Lizz, sorry na, Ito naman simpleng biro lang yun eh. Wag ka na magtampo kay kuya, ibibili nalang kita ng V-cut, kahit ilang gusto mo. Oy, sorry na" niyuyuyog nya yung likod ko habang sinasabi nya yan. 

Agad akong humarap kay kuya "Talaga kahit ilang gusto ko!?" OMG OMG OMG V-cut is lifeee.

 "Oo na, kahit ilan, basta itago mong mabuti at wag na wag kang magpapahuli kundi yari ako." OMGGGGG love love love. 

"Oh sige na nga! Pinapatawad na kita!, basta bago tayo tumuloy pa Manila, daan muna tayo sa grocery bibili ako ng V-cut ko hihi" Hays, di ko na ata kayang mabuhay ng walang V-cut. 

"Oo na, basta rin pagdating ng Manila, bawal mag boyfriend hah!." 

Hays, ayan nanaman po tayo. As if namang may choice ako eh pati sina Mommy pinagbabawalan ako. At saka wala rin naman akong hilig sa pakikipaglandian ( Joke leng enebe hihihi)  Hoy konsensya! Ano ba! di naman talaga ako malandi ah! hihi

Pinaandar na ni kuya yung sasakyan namin. Habang nasa byahe pa grocery store ay hindi na ako mapakali sa excitement, dahil halos one month na rin akong hindi nakakakain ng V-cut, kasi one month na rin kaming walang pasok. Hays. 

Dumaan na kami ng grocery store at bumili ako ng 30 na large V-cut, kasi pag kaharap na sina Mommy di na ako papayagang bumili ng junk foods kaya nilubos ko na, itatago ko nalang sa kwarto ko. Habang nasa byahe kain lang ako ng kain. Nang naka Lima na ako nung big size na V-cut ay inimpis ko na at natulog muna.  

Nagising ako at madilim na. Nilinga ko ang paningin ko sa labas at napansing malapit na kami sa bahay. Familiar na rin ako sa pasikot sikot dito sa Manila kasi every bakasyon naman yearly eh nandito kami sa Manila, kaya nung nalaman kong dito na kami maninirahan ay keri na rin sa akin.  


Lumipas lang ang ilang minuto at nakarating na kami sa bahay namin dito sa Manila after 8 long  hours. Sinalubong agad kami ng mga katulong nina Mommy para bitbitin ang mga gamit namin, at pagkatapos non ay lumabas na rin sa bahay sina Mommy at Daddy. Agad kaming umakap sa kanila at nagmano. Kahit naman hindi maganda ang relasyon namin sa kanila ay nirerespeto pa rin namin sila, at saka maybe chance na rin itong paninirahan namin sa Manila para maging close na kami. 

Kaunting kumustahan lang at pumasok na kami sa bahay, medjo nakakapanibago. Familiar naman ako pero naninibago pa rin ako. 

Pumunta na kami sa dining para makakain agad. Kumuha ako ng maraming ulam dahil nagutom rin talaga ako sa byahe, hindi naman kasi kami nag stopover, maybe because tulog ako kaya di na ako inabala ni Kuya. Habang kumakain kinakausap kami nina Mommy at Daddy tungkol sa kung ano anong bagay. 

"Lance, saang school mo gusto mag college? Nag research ka na ba kung saan maganda magtake ng course sa pagdodoctor?" sabi ni Mommy kay kuya. 

"Ah opo Ma, nakapag research na po ako, at sa RJS University po ang maganda. Siguro don na rin po si Lizz para sabay na kami sa pagpasok at di hassle sa paghatid ang driver." Sagot ni kuya. Actually famous ang RJS university, at ang alam ko ay mahal don. Oh well kung doon ay wala na rin naman akong magagawa  kaya keri na. 

"Oh sige, anong gusto nyo , kayo na mag-aabyad ng enrollment nyo or ipapa-abyad nalang natin sa iba?" Sabi naman ni Daddy. 

"Ah, kami nalang po ni kuya Ma, Pa, Para na rin mafamiliar kami don sa new school. " Sagot ko kay Daddy.  Gusto ko na rin kasing makita muna yung school bago ang pasukan para hindi ako magmukhang OP don. 

"Ok, basta siguraduhin nyong aabyarin nyo, ng maging maayos na ang pagaaral nyo jan sa school na yan." Sagot namin ni Daddy. 


Ilang minuto kaming tahimik na kumakain ng lumapit ang isang maid sa akin. Siya si Dor, short for Dory, kaedaran lang sya ni Kuya, at parang ate ko na rin sya pag nagbabakasyon kami dito. "Ah Lizz, saan ko ilalagay tong mga V-cut mo?" bulong nya sa akin. OMG! nalimutan ko, buti na lang sya ang nakakita, kundi bisto na. Alam rin kasi ni Dor na bawal ang junk foods dito at alam nya rin na sobrang adik ako sa v-cut. Ano ba yan muntikan na ako, buti nalang di lumilingon dito sina Mommy. OMG. "Ah dor, sa kwarto ko nalang. Salamat."  

Binilisan kong kumain at umakyat na agad sa kwarto ko para ayusin ang mga gamit ko. Grabe muntik muntikan na ako don. Habang nag aayos ako ng mga gamit ko biglang pumasok sa isip ko ang schooling ko. New school and new classmates. Hays mahirap nanamang makisama at humanap ng magiging friends, pero kung pag-aaral lang naman aatupagin ko at magpapakabusy nalang ako sa pagaaral ay siguro keri na rin. Hays di ko na muna masyadong iisipin. 

Tinapos ko lang ang pag aayos ng gamit ko at nag shower na rin ako para makatulog na. 

----------

OMG hahahaha sana po nagustuhan nyo ang chapter 1. Enjoy po! Vote, Comment and spread po. 

Comment po kayo about it, kase i badly need advice po talaga haha kung ok ba yang ginagawa ko or what. Next friday po ang update.Follow me rin po.  

Comment rin po kayo for Dedication,  ng story hehe. Enjoy! 

Twitter: https://twitter.com/Loveliesstories

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

26.9K 2.3K 39
ELYU SERIES #2 The storms in San Juan, La Union are ruthless and tempestuous. Driven by her traumatic past, Avery Felicia Perez turned her heart into...
309K 8.8K 35
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
795K 38.2K 26
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...