Last Rose

By topally

85.8K 1.1K 109

Meet Mikee Hauser, a rebellious whirlwind with a mouth like a sailor and a love for laziness. She's always sk... More

Prologue
Chapter one
Chapter two
Chapter three
Chapter four
Chapter five
Chapter six
Chapter seven
Chapter eight
Chapter nine
Chapter ten
Chapter eleven
Chapter twelve
Chapter thirteen
Chapter fourteen
Chapter fifteen
Chapter sixteen
Chapter seventeen
Chapter eighteen
Chapter nineteen
Chapter twenty
Chapter twenty one
Chapter twenty two
Chapter twenty three
Chapter twenty four
Chapter twenty five
Chapter twenty six
Chapter twenty seven
Chapter twenty nine
Chapter thirty
Chapter thirty one
Chapter thirty two
Chapter thirty three
Chapter thirty four
Chapter thirty five
Chapter thirty six
Chapter thirty seven
Chapter thirty eight
Chapter thirty nine
Chapter forty
Chapter forty one
Chapter forty two
Chapter forty three
Chapter forty four
Chapter forty five
Chapter forty six
Chapter forty seven
Chapter forty eight
Chapter forty nine
Chapter fifty

Chapter twenty eight

1K 20 1
By topally

"Kahit mayroong isang bilyong dahilan para sumaya, madalas nalulungkot tayo ng dahil sa ISA. You meet thousands of people in this world but none of them meant to stay. And then you'll meet one person, and your life change forever." Sabi ng babaeng nagsasalita sa Radio habang ako ay nagmamaneho papuntang Mall para i-meet si Val.

Sobrang ganda talaga ng pagsisimula ng araw ko tapos ito agad ang maririnig ko. Hindi ko ba alam kung panama ba saakin ang sinabi niyang 'yan or nag a-advice lang siya sa mga nakikinig sakanya?

Inis kong pinatay ang Radio at muling ibinaik ang atensyon ko sa pag mamaneho. Tanghali ngayon at kasalukuyan ng nakikipag sapalaran sa traffic. Nakakapang init na nga ng ulo ang init, sinabayan pa ng traffic at pang heartbroken na qoute. So ano na?

Habang hinihintay ang pag usad ng traffic, kinuha ko muna ang cellphone ko at nag pa tugtog. Bakit nga ba kasi ako nakikinig ng Radio tanghaling tanghali?! 

Sumandal na ako sa upuan ko at ipinikit ang mga mata ko ng bigla akong matigilan.

Nagsimulang tumugtog ang kantang Something In The Rain ni Rachael Yamagata. Napadilat akong muli at biglang pumasok sa isipan ko ang memories na nakakaiyak na pangyayari nung nasa kotse kaming dalawa ni Kijan.

It was so perfect. It was so real.

Kahit pa ngyari lang iyon sa sasakyan, never kong niregret ang pangyayaring 'yon. Those memories was just so classic. Walang ibang makakapantay.

Nang huli kong tignan ang boquet of red roses na binigay niya that time, sobrang lanta na nilang lahat. But there's one that stand out the most. Maganda, pulang pula at kasing bango lang din ng isang bagong pitas na rosas. Nung mga oras na nakatingin ako sa pekeng pulang rosas na 'yon na katulad lang ng ibang mga rosas noon bago pa ito malanta, doon ko lang na-realize ang sinabi niya saakin noon na,

"I will love you until the last rose dies.."




That's why, umaasa padin ako.

Umaasa padin ako na may dahilan ang lahat ng ito. I know him very well. Binigay ko ang tiwala ko sakanya ng buong buo at walang pag aalinlangan. I know that he will love me until the last rose dies just like he said.

Ramdam ko padin naman ang pag mamahal niya kahit na iba niya na ako tignan. Kahit na sobrang lamig, at kahit masakit. Basta alam ko padin ang tibok ng puso niya. Kampante ako.


Ako at siya lang hanggang sa huli.









VALIE

Ano na teh? Nahanap mo na ata forever mo dyan.

Sinend ko na ang text kong 'yon kay Mikee. Tagal naman ng babaeng 'yon! Kanina pa siya umalis ng bahay hanggang ngayon wala padin. Usapan namin after lunch—ala una pero alas tres na ngayon. Napa bili na tuloy ako ng ilang mga damit sa tagal niya.

Naglakad lakad muna ako habang hinihintay ang palaging Filipino time kong kaibigan pagdating sa usapan ng pag dating. Parang ang naging dating tuloy gumala lang ako mag isa.

Sa haba ng nilakad ko at sa dami na ng text na sinend ko sakanya, wala padin siya hanggang sa mahinto ako sa isang shop at maaninag ko ang pamilyar na mukha.

Si Kijan iyon ah? Bakit nasa store siya ng pang babae?

Lumakad pa ako papasok sa loob ng hindi niya napapansin at nag kunwariang nag titingin ng ibang mga damit at sumusulyap sulyap ng tingin sa may salamin dito sa gilid ko at nanlaki ang mga mata ko ng nakita ko ngang si Kijan 'yon.

Nakaupo lang siya habang naka dikwatro at nag babasa ng magazine na para bang may hinihintay lumabas sa fitting room.

Hala ka. Sino namang hinihintay niya?

Imposible namang bakla dahil lalakeng lalake itong si Kijan. Ay ano bang iniisip ko? Nag hintay lang din ako habang nag titingin tingin ng mga ibang damit dito hanggang sa makita ko na ang pag bukas ng pintuan sa fitting room kaya't naintriga ako lalo at napaharap.

Tumayo si Kijan ng makita niyang lumabas ang babaeng maikli ang buhok, maputi, bilugan ang mga mata at may nunal sa ibabang mata niya habang suot suot ang simpleng black dress na fit lang sa katawan niya.


HULI KA BALBON!

"How is it?" Tanong ng babae at umikot sa harapan ni Kijan.

Hindi ako makapaniwala ng makita ko ang pag ngiti ni Kijan habang nakatingin sa babaeng pinapakita ang suot suot nitong dress at tuloy lang sa pag ikot. Tumalikod na ako at lumabas ng shop na iyon.

I can't believe this! May bago na agad siyang pinalit kay Mikee? Sa bespren ko pa?! Lakas din palang mang gago nung hinayupak na 'yon eh!





Patay ka sakin ngayon!





Agad kong kinuha ang phone ko at kinontak sila Yiko.




LES

Napatayo si Jaydy ng marinig ang kwento ni Valie at halos kami ay hindi makapaniwala sa kwentong iyon ni Val. "Ano?! Magagawa ba 'yon ni Brader?!"

Tumango naman si Valie. "Oo, bakit ko naman siya sisiraan sainyo diba at lalong lalo na kay Mikee?" Sagot niya.

"Gago pala yong lalakeng 'yon eh! Akala ko may naging problema lang sila ni Mikee sa Japan at masyadong personal kaya hindi niya sinasabi tapos ito pala ang dahilan. Tangina non!" Galit na sabi ni Yiko.

Hinithit ni Polo ang sigarilyo niya bago ito pinatay sa ashtray. Iniangat niya ang tingin kay Yiko at tinanguan na parang nag karoon sila ng pag kakaintindihan bago lumabas ng Studio.

"Ano 'yon?" Naguguluhang sabi ni Jaydy.

"Ano pa ba? Ang lalakeng walang bayag, tinuturuan ng leksyon." Sagot ko.

Mukhang namang na-gets nitong si Jaydy ang sinabi ko dahil gulat itong nag react. "Luh? Gagawin talaga nila yon?! Baka malagot tayo niyan kay Mikee!" Napatingin naman ako sakanya dahil sa pagiging apektado ng pag kaka-react niya.

Sasagot na sana ako ng biglang mag salita si Val. "Luh maka react? Sayo gagawin?" Humagalpak naman ako ng tawa ng makita ko ang mukha ni Jaydy na nainis ng barahin siya ni Valie.





YIKO

Mahigit kalahating oras din ang biyahe namin ng makarating kami sa Hotel na tinutuluyan ni Kijan. Madalas kung sabihin ito ni Mikee saamin at minsan narin namin siyang hinatid dito. Nasa pinaka taas daw ng Hotel na ito nakatira si Kijan at yun ang tinatawag na Penthouse. Hininto na namin ang kotse ni Polo at nauna siyang bumaba kasunod naman ako.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng marinig kong may tumatawag at nakita ko namang si Mikee 'yon. Sinagot ko 'yon ng walang pag aalinlangan habang tuloy lang ang pag lakad.

"Nasaan kayo?" Tanong niya na parang tumatakbo dahil rinig na rinig ang pag hahabol niya ng hininga.

"Papunta sa kupal mong ex boyfriend." Sagot ko.

Para na talagang kapatid ang turingan namin mag ba-barkada. Sobra kami kung mag protekta nila Polo, Jaydy, Les at ako kay Mikee at Valie. Kaya kung sino man ang mang gago sakanila, ipapakilala namin ang sarili naming mas gago kami kaysa sakanila. Ayaw namin silang nasasaktan dahil kahit kaming mga kaibigan nilang matagal na silang kilala, walang luhang pumatak sa mga mata nila galing saamin.

Dahil kung talagang mahal mo ang isang tao, bakit mo hahayaang umiyak?

"Huwag niyo siyang sasaktan. Papunta na ako dyan. Please, Yiko.."

Tumingin ako kay Polo at sinabi niyang patayin ko na ang pag uusap namin ni Mikee kaya tumango ako at ibinaba na ang tawag ni Mikee. Nilagay ko na sa bulsa ko. Sasakay na sana kami ng elevator ng bumukas iyon at nakita naming nag tatawanan papalabas sila Drix, Chester at Alvin.

Lalabas nadin sana sila ng makita kami. "Polo, Yiko!" Sabay sabay nilang sabi.

"Ano ginagawa niyo dito?" Tanong ni Drix.

"Pupuntahan namin si Kijan." Diretsyong sagot ni Polo at pumasok na kami sa loob ng elevator.

"Si Kijan ba? Kasama nga si Mikee sa loob ng kwarto eh. Kanina pa kami hindi nilalabas." Sabay tawa ni Chester at may halong malisya sa sinabi.

Mga gagong 'to? Si Mikee pa talaga ang nagawang i-excuse para pag takpan sa kagaguhan ng kaibigan niya?

Pinindot ni Polo ang button sa gilid ng elevator at sumarado ito. Humarap kami sakanila. Nainis naman akong makita ang hindi mawala walang ngiti sa labi ni Chester kaya't inunahan ko ito ng suntok. Nawalan naman siya ng balanse kaya't sumalampak ito sa sahig.

"Tarantado! 'yang magaling mong kaibigan niloko si Mikee tas sasabihin mo mag damag silang nasa kwarto?" Galit kong tugon.

"Ano bang problema, pare?" Lumapit naman saakin si Alvin.

Tumunog na ang elevator at bumukas. Hudyat na't nandito na kami sa pamamahay ni Kijan. Lalabas na sana kami ng hawawakan ni Drix ang kamay ko.

"Ano bang problema niyo? Bakit niyo pupuntahan si Kijan?" Sabi niya. Hindi ko na siya sinagot at inalis na ang kamay niya saka lumabas.

Dali dali na kaming nag lakad papasok sa loob ng Penthouse niya. Bumungad saamin ang nakakarinding katahimikan at napaka dilim na paligid. Nag libot pa kami sa bahay niya gamit ang flash light ng cellphone naming dalawa.

"Anong pinunta niyo dito?" Napatingin kaming dalawa ni Polo sa gilid namin ng marinig ang boses na ng gagaling doon. "Trespassing ang ginagawa niyo, hindi niyo ba alam 'yon?" Kahit pa hindi ko siya ganon ka dalas nakakausap, alam kong boses 'yon ni Kijan.

Hindi kami nakasagot ng bumukas ang lahat ng ilaw at nakita namin siyang nasa mini bar at nakaupo sa bar stool habang hawak hawak ang isang bote ng alak.

"Anong naging dahilan ng pag iwan mo kay Mikee sa Japan?" Tanong ni Polo habang dahan dahan na nag lalakad papalapit kay Kijan.

Lumagok si Kijan sa bote ng alak niya at inilipag bago ito sumagot. Umiling siya at nakita ko ang pag ngisi niya. "Hindi ba niya sinabi ang dahilan sainyo?"

"Pupunta ba kami dito kung sinabi niya?" Sagot ko at tinapunan siya ng pag tingin.

Tumingin naman siya saakin at umalis na sa kinauupuan niya. Pinamulsa niya ang mga kamay niya saka diretsyong tumayo. "Hay, Mikee.." Nag pakawala siya ng buntong hininga at tumingin sa taas. "Masyadong makulit ang batang 'yon. Ilang taon ang agwat ko sakanya satingin niyo ba seseryosohin ko siya?" Ibinaba niya ang tingin niya saamin mula sa pag kakatingin nito sa kisame.

"Bata?" Ulit ni Polo. "Kung ano ano ang ginawa mo para lang mapasaya siya tapos sasabihin mo hindi mo siya sineryoso?" Pag papatuloy niya.

Lumakad si Kijan na parang walang narinig at nilagpasan lang si Polo habang nakapamulsa. Nang malapit na siyang makalapit saakin, hinawakan ko ang balikat niya kaya siya napahinto sa pag lalakad.

"Hindi ako kilalang lubusan ng kaibigan niyo kaya kasalanan niya na kung hulog na hulog siya sa gagong katulad ko." Hindi ako makapaniwalang sinabi niya iyon kaya't hindi na ako makapag pigil at nasuntok siya. Napa atras at napahawak lang siya sa panga niya—kita ko ang pag dugo ng labi niya.

"Kulang pa 'yan, gago ka!" Galit na singhal ko sakanya. Bago pa ako makasuntok pa ng isa sakanya, inunahan na ako ni Polo sa pag suntok hanggang sa bumagsak si Kijan sa sahig kaya't dinaganan ni Polo sa tiyan niya saka pinaulanan ng suntok.

Kita ko ang hindi pag ganti ni Kijan habang walang tigil na suntok ang ginagawa ni Polo sakanya. Hanggang sa marinig namin ang pag tunog ng elevator at ang mabilis na pag takbo.





"Polo!" Sigaw ni Mikee at agad na naupo sa sahig at lumapit kay Kijan na siyang hindi na makalaban dahil sa kaliwa't kanan na natamo niya kay Polo. Itinulak ni Mikee si Polo paalis sa pagkakadagan niya kay Kijan at kitang kita ang mga dugo sa mag kabilang labi niya.

"Kulang pa ba 'yan ha?" Galit na sabi ni Polo at lalapit pa sana kay Kijan ng hawakan ko ang braso niya patayo.

"Kulang pa.." Nang hihinang sagot ni Kijan habang may dugong lumalabas sa bibig niya.

Nakita ko naman ang pag iyak ni Mikee ng haplusin niya ang mukha ni Kijan na puno ng dugo at hindi na halos maiayos ang pagsasalita.

"Ano bang ginagawa niyong dalawa?! Nag iisip pa ba kayo? Kung mayroon man kaming problema, saamin ng dalawa 'yon! Hindi niyo na kailangan pang makisawsaw!" Naiiyak na sabi ni Mikee ng tumingin ito saaming dalawa.

"Hindi mo ba alam ang sinabi ng gagong 'yan?!" Galit na tugon ko.

Panandalian siyang hindi nakasagot at nakatingin lang kay Kijan. "Wala akong pake kung ano man ang sinabi niya. Umalis nalang kayo dito."

"Mikee.." Malumanay kong tawag sakanya. Umatras ako at balak pa sanang lumapit ng bigla siyang magsalita.






MIKEE

"UMALIS NA KAYO!" Sigaw ko sakanila. Hindi ko na mapigilan pa ang sarili kong hindi magalit sakanila ng makita ko si Kijan na wala ng laban pero tuloy padin ang pag suntok sakanya ni Polo.

Never ko pang nakitang ganito si Kijan sa harap ko at parang nadudurog ang puso ko habang tinitignan siya ng ganito. Hinawakan ko ang braso ni Kijan at isinumbit ito sa balikat ko para alalayan siya patayo.

Hindi ko na sila tinignan pa at nag tuloy lang ako sa pag lakad habang akay akay si Kijan hanggang sa makarating kami sa loob ng kwarto niya.

"Nakakapanibago."

Iyon lang agad ang pumasok sa isip ko ng makaapak akong muli sa loob ng kwarto niya. Napatingin ako sa paligid ko—wala namang nag bago. Nasa ayos padin ang mga gamit sa kwarto niya. Malinis at maaliwalas padin ang buong paligid gaya ng dati. Kaya lang, sa tuwing naalala ko ang pag stay nilang dalawa ni Iowa sa kwartong 'to, naninikip nalang bigla ang dibdib ko.

Inalis ko nalang ang pumasok sa isip ko at nag tuloy lang sa paglakad hanggang sa maiupo ko siya sa kama. "Sandali lang kukuha lang ako ng Ice pack." Mahinahong sabi ko.

Lalabas na sana ako para kuhain ang Ice pack niya sa kusina ng mapukaw ng mga mata ko ang pulang bra at t shirt na color white ng babae sa kama niya na nasa ayos ang pag kakatiklop.

Mabilis kong inalis ang tingin doon at tumingin nalang sa taas. Bumilis ang din ang pag tibok ng puso ko habang pinipigilan ko ang luha kong pumatak na naman sa harapan niya.

"S-s-sandali lang.." Nauutal kong sabi at tumalikod na sakanya.

Kasabay ng pag talikod ko ang pag bagsak ng luha ko pero pinilit ko pading maging maayos ang pag lalakad ko kahit na nararamdaman ko ang pag kawala ng balanse ko ng makita ang kinatatakutan kong makita sa loob ng kwarto niya.






Hindi..

Hindi totoo ang nakita kong iyon..

Hindi..







Nakita ko na ang Ice pack niya at agad ko na 'yon kinuha. Wala narin sila Yiko at Polo ng lumabas ako't mag punta sa kusina. Kahit hindi ko naman gusto talagang sabihin iyon sakanila kanina alam kong naiintindihan parin nila ako dahil lang sa nadala ako ng galit ko.

Naupo na ako sa tabi niya habang hawak hawak ang Ice pack at dahan dahan itong dinadampi sa gilid ng nag dudugo niyang labi. Pinipigilan kong maiyak habang tinitignan ang mukha niya ng ganito kamalapitan. Kahit na hindi ito ang gusto kong makita sakanya kapag tinitigan ko ulit ang mukha niya, bakit parang nag papasalamat padin ako dahil may naging dahilan para alagaan ko ulit siya. Gusto ko siyang yakapin pero para akong napako at hindi na makagalaw.

"Mawawala din naman ito eh. Huwag kang mag alala, gwapo ka padin naman! Mas naging cool ka pa sa paningin ko ng 100 times!" Pinilit kong ngumiti sa harapan niya at tumawa kahit na nasasaktan ako at kung ano ano ang pumapasok ngayon sa isipan ko.

Natigilan lang ako sa pag dami ng yelo sa labi niya ng hawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Napatingin naman ako sakanya at nakita kong nakatingin din siya saakin. Mata sa mata.

Nagulat nalang ako ng alisin niya ang yelong hawak hawak ko at nalaglag iyon sa sahig sabay mabilis niya akong inihiga sa kama at nagsilbing unan ko ang matigas na braso niya. Ilang segundo lang din kaming nag katinginan sa isa't isa at sa bawat segundo na 'yon, maayos kong tinitignan ang parte ng mukha niya ng nabigla nalang ako ng marahas niya akong halikan. Madiin ang mga halik na 'yon at punong puno ng pananabik.

"Huwag.." Naiiyak kong pakiusap habang hindi padin siya matigil sa pag halik saakin. Ibinaba niya ang kamay niya papunta sa dibdib ko at walang sabing pinagtatanggal ang butones ng suot kong polo. Nakita ko pa ang pag talsik ng butones nito sa sahig dahil sa lakas at mabilisan nitong pag tanggal.

Ito ang pinaka unang beses na sabihin ko ito kay Kijan dahil sa bawat halik at sa mga ginagawa niya pakiramdam ko ang pananakal at higit sa lahat ang sakit. Hindi tulad noon na puno ng pag mamahal at pagiging maingat ang binibigay niya at nararamdaman ko sa tuwing gagawin namin itong dalawa.

Pinilit kong kumawala sakanya at pinag hahampas ang balikat niya para makaalis pero masyado siyang malakas at pumaibabaw lang siya saakin. Umiiyak na ako habang sumisigaw dahil sa nasasaktan na ako sa mga hawak niyang napaka diin.

"Ito ba ang gusto mo? Ito ba, ha?" Giit niya habang walang tigil akong marahas na pinag hahalikan. Ibinaba niya ang mga halik niya papunta sa leeg ko. Napatingin ako sa kisame habang tuloy lang ang pag agos ng luha ko.

"Ito nga ang gusto ko pero hindi ganitong Kijan ang gusto ko." Walang kalakas lakas na sabi ko habang hinahayaan ko lang ang sarili kong mag pakalunod sa mga halik niya.

Naramdaman ko nalang ang pag tigil niya sa pag halik saakin at umalis na sa ibabaw ko. Nakatingin lang ako sa kisame at ipinikit ang mga mata ko.

Nadinig ko nalang ang malakas na pagkakasarado niya ng pintuan. Naupo na ako sa kama at napahawak sa katawan ko. Isinaayos ko ulit ang sarili ko at ibinuntones ang suot kong polo kahit na nawala ang ibang butones sa pag kakatahi nun. Tumayo ako at lumabas na sa kwarto niya. Nakita ko nalang siyang nakaupo sa bar stool habang umiinom ng beer.

"Umuwi kana." Kahit pa hindi ako nakakalapit sakanya, iyon ang agad niyang sinabi saakin at tumayo papunta sa kusina niya at kumuha pa ng isang boteng beer sa refrigerator niya. 

Nakita ko ang pag tingin niya saakin ng makita kong buksan niya ang beer pero agad din inalis ang mga tingin saakin at tumalikod. "Kijan.." Pagtawag ko sa pangalan niya bago pa man siya tuluyang mag lakad. "Mahal mo pa ba ako?" My voice were shaking at para ba akong naiiyak—na naman. Hindi siya sumagot o kahit pa lumingon kundi nanatili lang siyang nakatalikod. "Bakit tayo umabot sa ganito?" Hindi ko na napigilan at tuluyan na akong napaiyak.

Hinintay kong sumagot siya pero ni isang salita walang lumabas sa bibig niya at kahit pa tignan ako ay hindi niya ginawa. Lumakad na siya paalis na parang walang narinig at nag diretsyo siyang pumasok ng kwarto. Napaiyak nalang ako at napaupo sa sahig, nakakaawa man isipin pero sa mga oras na 'to umaasa akong bumalik siya para patahanin ang pag iyak ko. Gaya ng parati niyang ginagawa saakin.



Namimiss ko na siya..





Miss na miss ko na siya..


















follow me on my social media accounts:

twitter: @amedc_

instagram: @chaially20

Continue Reading

You'll Also Like

2.7K 460 39
Samara Alicante is a poised and successful businesswoman on the verge of graduating from the prestigious Quins University. Born into the esteemed Ali...
Dive Deep By jicigi

General Fiction

31.3K 943 55
The Navy: Captain Ashen Andwesta (CAPTAIN SERIES 3) Ashen Andwesta, a young Captain of the Philippine Navy, labelled as the greatest playboy of his h...
209K 3.1K 17
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...