Under His Hoodie

By bratmind

12.1M 559K 374K

(Published under Pop Fiction) Hellary Angeles was head over heels for her long-time crush, Neo. And her obse... More

Note
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Nazareth's POV (Part 1)
Nazareth's POV (Part 2)
Nazareth's POV (Part 3)
Special Chapter

Chapter 24

191K 9.4K 5.1K
By bratmind

Pinilig ko ang ulo ko. Hindi ako makatulog kagabi. If I only have my compact mirror right now, I would see the black bags under my eyes. The guilt ate me. Paulit-ulit akong nagsisi dahil sa ginawa ko. Nagtaka rin ako sa sarili ko. Bakit ko nakalimutan yung usapan naming dalawa?

Was it because I am with someone else? But Nazareth wasn't just someone else. I think. Naalala ko nang umibis palayo si Neo ay naiwan akong nakatunganga sa tapat ng bahay namin. I stood up there, paralyzed. Considering how stupid I was to forget our meeting. Isama pa ang naka-imprinta sa suot kong sweater. Kaya naman pala iba kung makatingin si Nazareth nang isuot ko ang kaniyang sweater. And Neo saw it!

I read all his messages. At mas lalo akong na-guilty.

Neo:

Hindi ako aalis dito. I'll wait for you, H.

Neo:

Where are you?

Neo:

Ayos ka lang ba?

Neo:

Hellary! Answer the phone!

Neo:

Goddamn it! I'm so worried.

Neo:

Hihintayin kita.

Hinintay niya ako roon habang ako ay kasama ni Nazareth. I know what it feels like to be left alone. At iyon ang masaklap. Kahit na alam ko ang pakiramdam ay ang tanga-tanga ko pa rin dahil kinalimutan ko.

Pumikit ako at mas lalong pinilig ang ulo sa desk. Hera was talking to me while I didn't give a damn. Salita siya ng salita pero wala namang sumasagot sa kaniya. Wala pa ang titser namin pero sa tingin ko ay darating na iyon.

Hindi nga ako nagkamali. Hera stopped talking. Inangat ko ang ulo ko para harapin ang aming guro.

Nakangiti ito na tila may sasabihing magandang balita. Umayos ako ng upo kahit na nakakaramdam pa ako ng antok. "Good morning, class."

We greeted her back in unison. Hindi pa rin mawala ang ngiti nito. Sinandal ko ang sarili ko sa upuan at nakinig. "Guess what? Intrams is coming!"

Naghiyawan ang mga kaklase ko. Napapalakpak naman ang iba sa tuwa samantalang kumunot ang noo ko. I know there's still something else.

"Oh my gosh! Intrams! Intrams!"

"Intraaaaaaaams!"

"Quiet!"

"May pageant na gaganapin para sa Intrams. Bawat section ay may representative." Ngumisi ang guro. "Magbotohan na kayo kung sino ang ipapambato ng section niyo."

"Woah!"

"Shit bro, makakikita na naman tayo ng mga legs!" Nakarinig ako ng sipol at halakhakan.

Pinagbabatukan ng mga babaeng nakapaligid dito ang nagsabi no'n. Boys. They're too attractive to legs. Kahit nga manok ay may legs. Bakit hindi iyon ang manyakin nila.

Biglang may nagtaas ng kamay. "Yes?"

"Ma'am, si Hellary Angeles po. I'm rooting for her!"

Naghiyawan ang mga kaklase ko at sumang-ayon. Samantalang nanlaki naman ang mata ko at ang bibig ko ay humugis bilog. What?! Mga baliw ba sila? Ni hindi nga ako marunong rumampa! Mahiyain pa ako at baka mapahiya ko lang ang seksyon namin.

Tumango-tango si Ma'am. "I agree, Ms. Murat."

Agad akong umiling, "Hindi po ako marunong sa mga ganiyan, ma'am. Sorry but I disagree."

"Why, Ms. Angeles? Maganda ka naman. You're the face of our section. Sayang naman kung hindi mo susubukan," ani nito. "And I heard na lahat ng grades mo ay plus three kapag nanalo ka."

Umiling ako. Siniko ako ni Hera. "Dali na bi! KJ nito!"

Muli akong umiling.

Yumuko ako para itago ang aking mukha. I'm somehow flattered because our teacher considered me as the section's face. Hindi ba't masarap sa pakiramdam iyon dahil may naka-appreciate sa 'yo?

"Yes, Ms. Portea?"

"Oh shit! Nakalimutan natin si Kestrel!"

"Oo nga pala!"

Dahil doon ay napaangat ako nang tingin. Nakatayo si Kestrel habang nakatingin sa aming guro. "I volunteer po. Pwedeng ako na lang po ang mag-represent ng section natin."

What? Does she have the guts?

Narinig kong bumulong bulong si Hera sa tabi ko. "Ganda ka? Ganda ka 'te?" Well, she now hated Kestrel to death.

"Wow! Oo nga pala! We have Kestrel," ani ng guro. "Sig—"

"Objection your honor!" biglang sumigaw si Hera. Bigla niyang tinaas ang kamay ko. "Payag na raw po si Hellary!"

Nanlaki ang mata ko. What the hell! Pinandilitan ko siya ng mata. Nagngising aso lamang ito. "Talunin mo 'yang gaga na 'yan. Kapal ng apog," she whispered.

"Pwede namang dalawa ang mag-represent ng section natin." Pumalakpak si Ma'am. "So, it's settled then."

I was about to speak, but the professor left the room. Naghiyawan ang mga kaklase ko sa excitement. Habang ako ay natulala. Lumihis ang aking mata kaya nagtama ang mata namin ni Kestrel. She was looking at me intently pero nang magtama ang mga mata namin ay ngumiti siya.

Hindi ako ngumiti. Tinapunan ko lang siya nang tingin pabalik. I could see in her eyes that there was something wrong. I couldn't point my finger at it. Kung ano man iyon ay dapat ko nang ihanda ang sarili ko. Girls in Elron High disliked her for being so close with Nazareth, but they couldn't do anything because it was him. Si Nazareth Sarmiego iyon, wala silang magagawa. Akala nilang lahat ay kasintahan niya si Kestrel. Hindi ko rin sila masisisi.

Umiwas siya nang tingin. Umiling ako pero si Hera ay nanlilisik ang mata sa nakatalikod na babae habang pinagmumura nito.

Buong araw ay wala kaming ginawa. Hindi natuloy ang aming klase dahil nagme-meeting ang mga teacher para sa gaganapin na Intrams sa aming school. Nang sumapit naman ang break ay pumunta ako sa opisina ni Mrs. Makatarungan upang sabihing hindi ako sasali sa pageant.

Kumatok ako sa pintuan ng opisina. Narinig ko naman ang boses ng guro at sinabi nitong pumasok ako. I opened the door. Pagkatapos ay dumiretso sa kinaroroonan ng guro. May inaayos ito sa kaniyang lesson plan. Tutok na tutok ito roon habang nakasuot ng salamin ang mga mata.

"Ma'am, magba-back out po sana ako sa pageant. Hindi po ako sasali," ani ko. Tinaas ni Mrs. Makatarungan ang kaniyang tingin. Sinara nito ang lesson plan at tinanggal ang kaniyang salamin. "I'm sorry Ms. Angeles pero nalista na kita."

"Ma'am pwede pa naman sigurong matanggal iyon..."

"Pasensya na pero naipasa ko na sa office. You have no choice but to join the pageant..." sambit nito. "Akala ko ba gusto mo?"

Umiling ako. Sasabihin ko sanang si Hera ang may pakana pero hindi ko na lang ginawa. Kaibigan ko naman iyon kahit papaano at ayoko siyang ilaglag. Now, I have no choice but to join that prestigious pageant! E, wala nga akong kahit na katiting na experience pagdating sa ganitong uri ng patimpalak.

Paano kung mapahiya ko lang ang section namin? Kung matapilok ako't sumablay sa Question-and-Answer portion? Oh god. I don't know what to do anymore.

Dahan-dahan kong isinara ang pinto ng opisina ni Mrs. Makatarungan pagkatapos kong makipag-usap dito. I left her office with no choice—ang sumali sa pageant. Natulala pa ako sa harap ng pintuan pagkatapos kong maisara iyon. Kinagat ko ang ibabang labi ko.

Pero paglingon ko upang umalis na ay nagtama ang mata namin ni Neo. Nakapamulsa siya sa suot na pantalon. Walang ka-emo emosyon ang kaniyang ekspresyon habang nakadungaw sa 'kin. Agad nanumbalik ang guilt sa buong sistema ko. Natutop ko ang aking bibig at hindi magawang bumitaw ng salita.

Mga ilang segundo pa iyon bago siya nagpatuloy sa paglalakad. Agad akong nataranta nang lagpasan niya ako. "Neo saglit!"

Napahinto siya. Nilingon niya ako habang nakakunot ang noo. "I-I'm sorry..."

Tumango siya at muli akong tinalikuran. I was speechless. Ni hindi ko na siya makuhang habulin pa dahil parang nagkaroon ng malaking pader sa pagitan namin. Parang bumalik na siya sa dating siya noong hindi pa niya ako nililigawan.

Bumalik ako sa classroom nang tumunog na ang bell. Kinuha ko ang bag ko. Wala na rin naman kaming klase kaya mas mabuti pang umuwi na lang ako. O 'di kaya ay magpunta sa coffee shop. I needed to unwind. Gusto ko rin mapag-isa.

Pagkatapos ko kunin ang bag ay lumabas ako ng room. Ngunit natigilan ako nang makilala ang tao sa aking harapan.

"N-Neo?"

He didn't speak. He just held my hand and grabbed me somewhere. Mabilis ang kaniyang lakad. Natulala ako't kinabahan. Pero nagpatianod pa rin ako sa kaniya dahil sa aking konsensiya. When we reached our destination, umupo siya sa damuhan ng garden. Naiwan akong nakatayo roon, pinapanood ang susunod niyang kilos.

"Hindi kita huhusgahan kung bakit kayo magkasama..." Nanlaki ang mata ko. Ibig sabihin nakita niya ako kasama si Nazareth? Naestatwa ako sa pwesto ko. Tumawa siya nang mapakla. "Wala naman akong karapatan. Hindi naman tayo, walang tayo..."

Ano kayang nasa isip niya ngayon tungkol sa 'kin? Na yung nililigawan niya ay nagpapalandi sa iba? Is that it? Na yung nililigawan niya hindi makuntento sa isa?

"I-I'm sorry..."

Nilingon niya ako. Tumayo siya upang magpantay ang aming mata. I could see how frustrated he was. "Hellary, c-can you please tell me honestly?"

My throat constricted. There's a lump inside it that made me hard to speak. Pakiramdam ko dinudurog ang puso ko habang nakatingin kay Neo. "Do I have a chance?"

Natutop ko ang aking bibig at hindi magawang magsalita. Natahimik ako sa sinabi niya at alam kong napansin niya iyon. Tumawa siya ulit nang mapakla. Hindi ko maiwasang masaktan sa paraan ng paghalakhak niya. Tila iyon ay sarkastiko.

Ngunit sa simple niyang tanong bakit parang hindi ko kayang makasagot?

"N-Neo..."

"I know I hurted you so many times pero lahat nang iyon ay pinagsisihan ko. Lahat nang iyon ay dahil sa nakaraan ko. Pero ngayong sinubukan ko magmahal ulit..." He smiled weakly. "...sa muling pagkakataon mukhag nabigo muli ako."

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Guilty. I was so fucking guilty.

"What's the score between you and that Sarmiego? Kayo na ba?" tanong niya.

"H-Hindi..."

Tumango siya. "My grandmother died yesterday. Dapat nandoon ako nang mamatay siya pero pinanghawakan ko ang pangako kong hihintayin kita." Nanlaki ang mata ko. "Gano'n ka kahalaga sa 'kin na kahit huling alaala kasama ng lola ko ay sinakripisyo ko..."

Napayuko ako.

He was too perfect for me, and it wasn't right. I need to wash the dirty things that kept on bothering him, even mine. Kung patuloy iikot ang bote sa aming dalawa ay hindi siya makahahanap ng taong nakalaan para sa kaniya.

"N-Neo...I don't deserve you..." nanghihinang sambit ko. Nagulat siya sa sinabi ko dahil alam niya kung saan na ito patungo.

"N-No...no. Hellary, I'll fight fairly. Hindi pa naman kayo 'di ba?"

"May mas deserving na babae para sa 'yo at hindi ako iyon."

Nakagat ko ang ibabang labi ko hanggang sa magdugo ito. Kitang-kita ko ang pamamasa ng kaniyang mata. Mas lalo kong kinainisan ang sarili ko sa sitwasyon na ito.

"Is this what you want?" he asked weakly.

Tumango ako. May mga luhang tumakas sa aking mata. "Alam kong maraming nagmamahal sa 'yo. Maraming nandiyan at naghihintay sa atensyon mo." Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit. Tila naestatwa naman siya sa kinatatayuan niya.

"Hindi ka mahirap mahalin. Sadyang pinagtagpo tayo sa maling pagkakataon," sabi ko.

Naramdaman ko ang dahan-dahang pagtaas ng kaniyang kamay hanggang sa yakapin niya na ako nang mahigpit. Rinig na rinig ko ang malakas na tibok ng kaniyang puso. Bawat tibok ay siyang pagtibok din ng akin.

Sumasayaw sa hangin ang mga puno. Humuhuni ang mga ibong naglalaro sa himpapawid. Para silang nakikiramay sa kung anong nangyayari ngayon.

He was too much for me. Parang ako ang nasasaktan sa isiping sinakripisyo niya ang huling alaala kasama ng lola niya para lang hintayin ako. Pakiramdam ko sinakripisyo niya ang sarili niya sa walang kwentang tao. Hindi niya deserve 'yon.

Pero bakit kung kailan huli na saka kami pinaglapit ni tadhana?

Naalala ko, sinisisi ko siya dati dahil hindi niya ako magustuhan pabalik. Ngayon napagtanto ko, wala akong ibang dapat sisihin kung 'di ang sarili ko. Walang iba kung 'di ang sarili ko.

I've never imagined my whole life that I would break my first love's heart.

I slowly moved away from his hug. Nang magtama ang mga mata namin ay ngumiti ako.

"Please, always choose to be happy." Sa huling sandali ay ngumiti ako.

Dahil alam ko sa sarili ko na kapag tumalikod na ako palayo ay siyang paglayo namin sa isa't isa. Alam kong babalik siya sa dati. Ako, siya, ay hindi na muli magkakilala.

"Take care, Neo..." Tumalikod na ako upang umalis. Bawat hakbang ko sa lupa ay may mga napagtanto ako.

At some point, you have to realize that some people can stay in your heart but not in your life.

Continue Reading

You'll Also Like

11.8K 1.2K 11
DE HARO SERIES BOOK THREE
15M 675K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
24.7K 769 70
FREE BOOK COVERS FOR FELLOW WRITERS ♥️
14.3K 137 3
Lilliana Agnes Fabian Cooper, an aspiring and amateur writer on a mission to make her comeback to the writing world, is determined to master the art...