The Badass Babysitter Vol.2 ✓

Nayakhicoshi tarafından

1.3M 54K 40.4K

[Highest Rank Achieved #15 in Humor as of October 8 2018; #24 in adventure, #3 in Babysitter] Volume 2 of The... Daha Fazla

Volume 2
Chapter One: Date
Chapter 2: Party
Chapter 3: Tinola
Chapter 4: Endearment
Chapter 5: Haup Beast
Chapter 6: Night Hug
Chapter 7: Jealous
Chapter 8: Nanang & Tatang
Chapter 9: Kiss me
Chapter 10: Meet
Chapter 11: Landlord
Chapter 12: Kapitan
Chapter 13: Serpens
Chapter 15: Cloud 9
Chapter 16: Protection
Chapter 17: Bitch
Chapter 18: Costume Party
Chapter 19: How are you?
Chapter 20: Wish granted
Chapter 21: Bruises
Chapter 22: Forgive and Forget
Chapter 23: Wounded
Chapter 24: Apple for a day
Chapter 25: Favor
Chapter 26: Holdapers
Chapter 27: Farewell
Chapter 28: Luggage
Chapter 29: Housemate
Chapter 30: Junakis the sixth
Chapter 31: Baby Tiger
Not an update!
Chapter 32: Ella es la muerte
Chapter 33: The little compass
Chapter 34: Cuddles and I love you
Not an Update
Chapter 35: Alien
Chapter 36: Old Friend
Chapter 37: Back to School
Chapter 38: Colours
Chapter 39: Ruin
Chapter 40: Embrace
Chapter 41: Officer
Chapter 42: Hemisphere
Chapter 43: Princess Tatiana Quvenzane Schleswig of Greece and Denmark
Chapter 44: Heat
Chapter 45: Dagger
Chapter 46: Quarantine
Chapter 47: Grounded
Chapter 48: Reunion
Chapter 49: Isaiah's Birthday
Chapter 50: Sneak peak
Chapter 51: Home run
Chapter 52: Family Dinner
Chapter 53: Lose
Chapter 54: Moving on
Chapter 55: Explode
Chapter 56: Back to the old times
Chapter 57: War zone (part 1)
Chapter 57: War zone (Part 2)
Chapter 58: Final plan
Chapter 59: Welcome-Goodbye
Chapter 60: Genesis
VOLUME 3
Book 3 is out!

Chapter 14: Her Throne

18.4K 832 666
Nayakhicoshi tarafından

CHAPTER FOURTEEN

_

SOUTHERN'S POV

Para akong sasabog sa sobrang galit. Nanginginig ang katawan ko sa panggigigil. I am lusting to kill this woman. Oh, damn, how I wanted to slit her throat. Nagpipigil lang ako dahil ayokong lumabag ng batas kahit gustong gusto ko talaga. Kung hindi lang dahil sa mga kaibigan ko, hindi ako magdadalawang isip ngayon na patayin ang babaeng 'to.

"WHAT THE FUCK, SOUTH BENEDICTO?!"

A dangerous voice thundered in the whole area making me still. Kaagad akong kinilabutan ng makilala ko ang boses na iyon. Dahan-dahan akong napapikit ng mariin at humakbang paatras. Binitawan ko si Syphenix kaya kaagad itong natumba sa sahig at mas lalong ininda ang dalawang saksak sa magkabilang binti. Hindi pa ako tapos sakanya pero kailangan ko munang tumigil.

"What do you think you're doing?! At ano ito, ha?!"

Mabibigat na hakbang ang narinig ko papalapit sa amin. Huminga ako ng malalim at binuksan ang mga mata para tumingin sakanya. Nang magtama ang mga mata namin ay kaagad kong pinagsisihan na bumaling pa sakanya. His dark and dangerous eyes give shiver to my spine. Hanggang kailan ba ako magpapaapekto sa delikado niyang mga mata?

"Lachlan..." Vape tried to stop him from coming towards me but he pointed his sharp eyes on him.

"Step aside, Miyashiro" mariing sabi nito.

Walang nagawa si Vape kundi ang tumabi at hayaan itong lumapit sa akin. Tumigil siya saglit para tignan ang lagay ni Syphenix na nanghihina na. Umismid ako. I'm not yet done with you, Bitch!

He looked so very disappointed. Umiling iling ito at matatalim ang mga matang tumingin muli sa akin. Umiwas ako ng tingin.

"What the fuck, Benedicto? Anong kalokohan 'to?!" sigaw niya sa akin. "Anong ginawa mo sa mga Serpens?!"

"Baka gusto mong tanungin muna kung ano ang ginawa ng Serpens sakanya?" singit ni Atarah.

"Shut up, Montero!" sigaw ni Lachlan dito kaya natahimik si Atarah. "I cannot believe your nasty behavior! Alam niyo bang pwede ko kayong parusahan dahil sa ginawa niyo?" nangagalaiting aniya. "Lalo ka na, Benedicto! You're the Rank 1! You know the rules!"

Ngumisi ako. "Bawal lang ang pumatay, 'di ba? Hindi pa naman sila patay e. Wait 'till I kill them---"

"SOUTHERN!" His voice thundered again. Halos mapatalon ako sa gulat sa lakas ng sigaw niya. He's shaking with anger. Kulang na lang ay sakalin na niya ako sa panggigigil niya.

"Milagrosa. Iyon ang itawag mo sa akin. Nasa Sigma tayo at----"

"SHUT UP!" Once again, he cut me off using his loud voice.

Tumahimik ako at kunwaring zinniper ang bibig ko. Nagtagis ang bagang nito at problemadong napasabunok sa sariling buhok. Ilang beses siyang bumuga ng hangin at tinuro sa akin ang pinto.

"Go to my office. Mag-usap tayo doon" mahinahon ngunit mariing aniya.

"Lachlan, baka pwedeng---"

"Shut up, Miyashiro!" baling niya kay Vape. "Kayo ng mga kaibigan mo, pumunta kayo sa Sanctum!"

Tumingin sa akin si Vape. Tumango ako rito kaya sinenyasan niya na sina Rucc, Coby at Atarah na pumunta na sa Sanctum. Nang makaalis sila ay matalim na naman akong tinignan ni Lachlan.

"Ano pang ginagawa mo? In my office, now!" sigaw niya kaya automatikong napahakbang ang mga paa ko at naglakad na rin paalis.

Pero bago ako tuluyang umalis ay matalim ko pang tinignan si Syphenix. Umiiyak ito sa sakit pero nakukulangan pa ako sa ginawa ko sakanya. Gusto ko pang itarak ang dagger na ginamit nila sa akin sa leeg niya.

"Southern!" sigaw ulit ni Lachlan nang mapansin niya ang matalim kong tingin kay Syphenix.

"Tsss..." Umismid ako at umalis na sa Battle Arena.

Pagkalabas ko ay kaagad nagtinginan sa akin ang mga tao. Automatiko silang napayuko bilang tanda ng paggalang. I tsked. Mga pakitang tao.

"Ang ganda ni Milagrosa!"

"She's cold as ever!"

"Ang sexy niya parin kahit simpleng shirt lang!"

"May Boyfriend na kaya siya?"

"Ano kaya ang gamit niyang sabon?"

"Ang ganda talaga! Sana maging friends kami!"

Mga plastic!

Dito sa Sigma, wala kang aasahang mabuting tao rito. Everyone is a sinner. Everyone has their own Monster. Kung meron mang mabait sa'yo, pakitang tao lang iyon. Lahat ng mga tao rito ay nabubuhay sa galit o inggit.

Ito ang naibibigay ng Sigma sa mga tao. Kapag kasi naging Top ka sa Rank, sa'yo ang korona. Sa'yo ang respeto at sa'yo ang otoridad. Para kang Hari o Reyna kung ituring ng mga tao rito at gustong-gusto iyong maranasan ng bawat isa. Who wouldn't be? Kahit naman ako noon ay gustong gusto ko. Kaya heto ako ngayon, nasa itaas na, pero marami naman ang humihila sa akin pababa. I don't have a peaceful life at maging ang mga tao sa paligid ko ay wala naring katahimikan ng buhay.

"Milagrosa?"

Nilingon ko ang tumawag sa akin at nakita si Zachary. Ang pilat sa kanang pisngi nito ang una kong napansin. With his black jeans, black longsleeve shirt and shot gun on his shoulder, he looked like a notorious bad boy. Dagdag pa rito ang mala-agila niyang mga mata na parang nakahandang sugurin ka kahit anong oras.

"Zachary..." Nanatiling blanko ang expression ko. Kung meron man akong natutunan dito sa organization na 'to, iyon ay kung papaano itago ang totoo kong nararamdaman.

He took a four step closer to me. He remained emotionless too. Zachary is the former Rank 1 of Sigma, siya iyong pinalitan ko sa pwesto. Madalas kaming pinagkukumpara ng mga tao rito hindi dahil sa pareho kaming naging Rank 1 kundi dahil sa pinapakita naming kalamigan sa mga tao. Pero malaking pagkakamali iyon.

I conceal my emotions just to scare the people around me. I don't want them to think that I'm an easy woman who they can easily defeat because I show my true emotions. And I think, being cold and mysterious is cool! Sobrang astig no'n kaya mine-maintain ko ang pagiging cold. While Zachary, he's not like me. Hindi siya pa-cool lang. He's cold and stiff because that's what his past taught him.

"Heard you almost killed the Serpens" sabi nito nang makalapit siya sa akin.

"Almost" I grinned. Kaagad din akong sumeryoso ng makita na walang nagbago sa emotion niya.

"I know why you did that," seryosong aniya. "Kung ako ang nasa kalagayan mo, ganoon din ang gagawin ko. Makakapatay talaga ako kapag may nanakit sa mga mahal ko sa buhay," he shook his head and I noticed his gripped to his gun. "You know what happened to me, Milagrosa. I hope you won't do what I did."

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba sa sinabi niya. Alam ko ang lahat tungkol kay Zachary at sa nakaraan nito. I exactly know his stupidity kaya nagkapilat siya sa mukha at kung bakit namatay ang Girlfriend niya.

Mariin kong kinuyom ang mga kamao ko. "I'm not stupid like you."

Isang nakakalokong ngisi ang pinakawalan niya. "When you're mad and desperate for revenge, you do stupid things, South Benedicto. Kaya paalala lang, gumawa ka ng plano kung maghihiganti ka. And no matter what happened, stick with your plans" aniya at tinalikuran na ako. Bitbit ang shot gun sa balikat ay naglakad ito pero bago pa siya tuluyang makalayo ay tumigil siya. Lumingon siya sa akin at ngumisi ulit.

"By the way, nice choice of Boyfriend. What's his name again? Genesis Crane?" Tumawa ito. I clenched my jaw and glare at him. "Nice! Ingatan mo siya!" aniya at tuluyan ng umalis.

Nagpupuyos ang galit na nararamdaman ko sa dibdib. Gusto ko siyang sugurin at kung hindi lang dumating si Lachlan ay baka nasaksak ko na ang bunganga niya.

"In my office, Southern!"

I tsked and calm myself. Hindi na ako magtataka kung bakit alam ni Zachary ang tungkol kay Genesis, tiyak na kilala na rin nito ang ibang mga Crane.

Muli akong naglakad ng makita ang matalim na tingin ni Lachlan. Dumiretso ako sa opisina niya at ito ay nakasunod lang sa akin. Nang makita ko ang kulay pulang pinto ay binuksan ko iyon at kaagad pumasok sa loob.

A small living room with two single couch and mini-table in between them burst upon me. Ang pulang marmol sa sahig ay makintab at medyo madulas. Sa dulong bahagi ng kwarto ay nandoon ang office table ni Lachlan. May sarili itong computer at sa lamesa niya ay may naka-display na kangaroo. Sunod akong napatingin sa kanang parte ng kwarto, may malaking kabinet at naka-display doon ang mga iba't ibang klaseng armas. Sa kaliwang bahagi naman ng kwarto ay may malaking painting ng isang babaeng nakatalikod na may Machine Gun na hawak. But what caught my attention is her tribal tattoo on her back.

"Seat" mariing utos ni Lachlan kaya naupo ako sa isang couch.

Nagdekwatro ako at tinitigan itong namewang sa harap ko. Nagtatagis ang bagang nito at halatang nagtitimpi sa galit. Isang nakakamatay na tingin ang ginawad niya sa akin kaya umiwas ako. Tinuon ko nalang ang paningin ko sa isang paa ng mini-table sa harap ko.

"Care to explain what you just did, Benedicto?"

Malakas akong napahinga ng maluwag. Sinandal ko ang likod ko sa upuan at ngumisi.

"Akala ko hindi mo na tatanungin" sabi ko at sinalubong muli ang matalim niyang mga tingin.

He clenched his jaw and sighed.

"Alam mo namang ayokong may gumagago sa akin, 'di ba? Mabilis akong magalit, Lach. At alam mong mabilis din akong maningil" mariin kong sabi. Kinuyom ko ang mga kamao ko nang maalalang hindi pa ako tapos sa Serpens. Balak ko pang itarak sa noo ng leader nila ang dagger na ginamit nila sa akin.

He shook his head. "So you're telling me na naunang gumago ang Serpens?" tanong niya at problemadong sinapo ang batok. "Hindi ko na tatanungin kung ano ang ginawa nila. Kilala kita, hindi ka gaganti kung hindi ka naapektuhan" aniya at naupo sa kaharap kong sofa.

He rested his back on his seat and stare at me. Nilabanan ko ang titig nito. With his dark eyes, jet black hair, narrow nose, pouty lips and well-structured jaw, papasado siyang maging isang Modelo ng isang sikat na clothing line. Tatlong taon lang ang itinanda ni Lachlan sa akin pero nakakapagtakang naging isang Minister na siya ng Sigma. Siya ang pinakabatang Ministro, kung hindi ako nagkakamali, around thirties na ang dalawang kasama niya sa pwesto. Siguro ganoon ito kahusay kaya mataas ang position niya sa Sigma.

Dalawang taon na ang nakakalipas nang bigla kaming lapitan noon ni Lachlan sa isang Parke. Kakatapos lang namin patumbahin ang GongGong Gang. Nagulat kami sa bigla na lang niyang pagsulpot, with his all black attire and well brushed hair, he immediately offer us to join in Sigma. Marami siyang sinabi na siyang nakapagpakumbinsi sa amin. Syempre, dahil nakitaan namin ng Thrill at Adventure ang offer niya, we immediately accepted it without knowing what Sigma Dynasty really means. Akala namin, simpleng organization lang ito ng mga barumbado pero hindi pala. Higit pa sa mga barumbado ang mga kasapi nito.

"Pero kailangan niyo paring maparusahan. We don't tolerate nasty behaviors without our consent, I hope you know that, Milagrosa" he said, emphasizing my codename. "As a Minister, obligation kong bigyan kayo ng karapat-dapat na parusa."

I shook my head and stare at the floor.

"Pakawalan mo ang mga kaibigan ko. Labas sila dito" sabi ko.

Vape, Rucc, Coby and Atarah are in the Sanctum. Isa iyong kulungan. Dito ay ikukulong sila at maghihintay ng parusa na igagawad ng mga Ministro sakanila.

"Kasama mo sila sa pagsugod."

"Pero ako parin ang naghikayat sakanila. Ako lang ang dapat parusahan" giit ko.

Umiling ito at pinatong ang mga braso sa armrest ng sofa. "Ikaw ang naghikayat pero lahat kayo ay gumalaw. May pananagutan parin sila."

"Pero---" He raised his left hand to stop me. Nagtagis ang bagang ko.

"No buts, Benedicto. Lahat kayo ay mananatili muna sa Sanctum hanggang bukas ng umaga" sabi niya dahilan para mapanganga ako.

"Ano?!" Napalakas ang boses ko at bahagya akong napaangat sa pagkakaupo.

Walang emotion itong umiling iling. "You heard me. Mananatili muna kayo sa Sanctum hanggang sa mapagdesisyonan namin ang parusang igagawad sa inyo" aniya.

I gasped loudly. "Nababaliw ka na ba? Hindi ako pwedeng magtagal dito! I have to go home!" asik ko sakanya.

Halos mapatayo na ako sa pagkakaupo para sakalin siya sa pwesto niya. Anger starts to build inside me again.

"No, Benedicto. Stay in Sanctum until tomorrow. Subukan mong lumabag muli sa batas, ako na mismo ang magpapasabog diyan sa ulo mo" mahinahon ngunit mariing aniya. May pagbabanta sa tono nito at ang matatalim niyang tingin ay nakapako sa akin.

Napatiim bagang muli ako at sunud-sunod na nagmura ng malutong. Hindi ako pwedeng hindi bumalik sa Mansyon ngayon, nandoon ang mga Crane! Bwisit talaga, anong gagawin ko?

Huminga ako ng malalim. "I have to go home, Lachlan, or at least give me some time to go home then I'll be back here again. I swear! Babalik ako!" may pagka desperada na sa tono ko.

I really have to go back to our Mansyon. Hindi ko pwedeng pabayaan doon ang mga Crane. At si Genesis. Damn, kumusta na kaya ang paguusap nila ni Daddy? Kailangan kong malaman ang nangyari, pero paano ko iyon magagawa kung makukulong ako dito? Tangina talaga.

Umiling si Lachlan kaya mas lalo akong nawalan ng pag-asa. "No. Dapat inisip mo muna 'yan bago ka biglang sumugod dito" sabi niya.

"Lachlan..." Ngumuso ako.

"You can't use that face to me, Benedicto. I'm a Minister---" I cut him off.

"Iyon nga eh! Ministro ka! Do something about my case!" I fidget. "Help me..." Nilunok ko ang pride ko para lang makauwi din kaagad. Bahala na sa kung ano man ang isipin niya sa akin, ang mahalaga lang ay ang hindi ako makukulong dito.

He straightened his back and shot his eye brow at me. "And why would I do that?"

I shook my head and held the hem of my shirt. Pinaglaruan ko iyon bago tumingin ulit sakanya.

"Dahil...cute ako."

Mas lalong napataas ang kilay niya.

"Dahil ako ang paborito mo sa lahat ng mga nasa Ranking."

Ngumisi siya.

"Dahil sabi mo, para mo akong kapatid."

Napayuko siya at mas ngumisi.

"Dahil maganda ako. At sexy."

He snorted and look at me in a very problematic way.

"Ano? Tutulungan mo na ba ako?" I smiled, showing him my perfect white teeth.

Tumingin siya sa akin at nakita ko ang ngiti niya dahilan para magkaroon ako ng pag-asa. Pero hindi nagtagal ay biglang sumeryoso ito.

"No."

"What?! Lachlan---"

"That won't work to me, Benedicto. Wala akong pakialam kung maganda at sexy ka. I'm a Minister and it's my duty to punish everyone who commit a sin in our organization. Kabilang ka na roon." He pointed his index finger at me.

Sinapo ko ang noo ko at nanghihinang sumandal sa upuan. Tangina, wala na akong pag-asa.

"Pero kasi..."

Tumayo siya at naglakad papalapit sa pinto. He opened the door and turn to me. Balik na sa dating seryoso ang mukha niya.

"Stand up and let's go. Naghihintay na ang mga kasama mo sa kulungan," sabi niya kaya napamura ako ng mahina. "Faster, Benedicto! Don't make me drag you out of here!"

Matalim ko itong tinignan at walang nagawa kundi ang tumayo at lumabas ng opisina niya.

"Fuck you, Lachlan."

Mas lalo ring tumalim ang tingin niya.

"Dahil diyan, hanggang bukas ng tanghali ka makukulong. How dare you cursed at me, huh? I'm your Minister! Respect me!" sigaw niya sa mismong pagmumukha ko. Natalsikan pa ako ng laway, letche!

Pero wala akong pakialam sa mga huling sinabi niya. His first sentence, that's what make my eyes widen.

"W-what did you say? Hanggang bukas ng tanghali?!" Hindi ako makapaniwalang napasinghap.

He smirked and walked passed me. Natulala lang ako sa likod niya.

"That's what you get for cursing. I don't tolerate your bullshits, Benedicto. Now, make it fast!"

Nanghihinang sinapo ko ang noo ko. Oh dammit! Isang libong tangina para kay Lachlan! Wala na talaga akong pag-asa. Nadagdagan pa ang oras ng pagkakabilanggo ko. Wala na ba akong mas imamalas pa?

Lachlan opened the black metal door when we reached the underground panel. Dito ay tanging mga kulungan lang ang laman. Hindi naman ganoon karami ang nagkakasala sa Sigma pero sobrang laki ng kulungan para rito. They probably expected na mga rule breakers ang lahat dahil mga barumbado ang mga myembro ng Sigma.

Ang kulungan dito ay katulad sa mga normal na kulungan ng mga kriminal, iyon nga lang, mas malaki ang espasyo ng bawat selda. Pinasadya para sa isang grupo. Ang mga malalaki at makakapal na bakal ang nagsisilbing haligi ng bawat isang kulungan. Walang mga double deck bed sa loob kaya sa sahig natutulog ang mga bilanggo.

"Crispin! Basilio! Mga anak ko!"

Napatingin ako sa kanang bahagi ko. Isang babaeng sabog-sabog ang buhok at naka-puting hospital gown ang nakasilip sa kulungan niya. Labas ang dalawang braso nito na para bang sinusubukan kaming abutin.

"Mga anak!" Sigaw niya at biglang lumuhod habang umiiyak na inaabot kami.

Ngumiwi ako at nilagpasan namin siya ni Lachlan.

"Sino 'yon?" tanong ko sa kasama ko.

"Si Sisa."

Sisa, hmmm, sounds familiar.

"Malapit na ang paghuhukom!"

Napatingin naman ako sa kaliwang kulungan at nakita ang isang lalaking naka-suot ng itim na bestida. Parang si kamatayan. Mahaba ang buhok nito at sa tingin ko ay mas makunat pa iyon kesa sa buhok ko. May balbas din siya at medyo mahaba na iyon.

"Susugurin nila tayo!" Humawak siya sa mga bakal at tumingin sa amin. "Dadating sila! Ang Ninja Turtles! Ang Penguin of Madagascar! Ang Wonder Pets! Ang Team Umizumi! At ang...Fire Nation! Susugod sila at maghahari sa Sansinukob!" sigaw niya at parang nababaliw na sinabunutan ang buhok at nagtago sa sulok ng kulungan niya. "Si Cardo lang ang pag-asa natin..."

Konti na lang iisipin kong isa itong Crane. Alam lahat ng mga palabas sa TV.

"Sino naman 'yan?" tanong ko kay Lachlan.

Saglit siyang tumingin sa lalaki.

"Si Sarimamaw. Dating Bagang Member."

Tumango ako. Lumiko kami sa kanan ni Lachlan hanggang sa nakita ko na ang kinaroroonan ng mga kaibigan ko. Nakakulong sila at mukhang bagot na bagot na nakasalampak sa sahig.

"Master!" Coby beamed when he saw me.

Napatingin sa akin ang iba hanggang sa nagtama ang paningin namin ni Vape. Nakasandal ito sa mga bakal at seryoso ang mukha. Umiwas ako ng tingin.

"Don't worry, ako mismo ang maghahatid ng mga pagkain niyo on time. Pero sa ngayon, mag-relax muna kayo rito" sabi ni Lachlan at binuksan ang selda gamit ang kakaibang susi na hawak niya. He motioned me to go inside.

I sighed and do what he want. Pumasok ako sa loob at masama siyang tinignan nang mabilis niyang sinara ang selda at kinandado iyon.

"Hindi mo magagamit ang tingin na 'yan sa akin, Benedicto" aniya. I tsked and look away.

"Lachlan, may schedule ako sa spa mamaya" sabi ni Atarah dito.

"Magpa-spa ka nalang pagkalabas mo rito" sagot nito.

"Walang magpapakain sa aso ko!"

He sighed and massage the bridge of his nose. He always do that when he's losing his patience.

"We both knew that you don't have a dog, Atarah. May allergy ka sa balahibo ng mga aso" he stated impatiently.

Ngumuso si Atarah at naghanap ng ibang irarason.

"Don't try it again. I won't buy such lame reasons. Dito kayo hanggang bukas ng tanghali. Bakit humaba ang oras niyo?" Tinuro niya ako. "Ask her."

I shook my head when my friends look at me curiously. I swear, kapag nakalabas ako rito gagantihan ko rin ang Lachlan na 'to.

"I have to go. Enjoy your stay here" aniya at iniwan na kami sa loob ng selda.

Walang pumansin sa pag-alis ni Lachlan. Ang mga mata ng mga kaibigan ko ay nasa akin parin nakatutok na para bang naghihintay ng sasabihin ko. I sighed and clenched my jaw.

"Minura ko siya, happy?"

They groaned in frustration. Ngumuso lang ako at kinagat ang ibabang labi.

"Tangina mo talagang babae ka! Halika ka nga rito ng masabunutan kita!" asik ni Atarah at akmang susugurin na ako nang pigilan siya ni Rucc.

"Calm down, Atarah. Let's just enjoy our stay here" sabi niya.

"Enjoy? Paano?" Humalukipkip ito at inip na hinawi ang kulay pulang buhok.

"Alam ko namang mangyayari 'to kaya nagdala ako ng libangan" sabi ni Rucc at may kinuha sa bulsa. "Charaaaan!" He showed us what is it.

"Jackstone?" Nangunot ang noo ni Vape.

Nakangiting tumango si Rucc at nag indian seat sa sahig.

"Come on! This is a fun game! Ang mga Crane ang nagturo nito sa akin, and guess what? Mga varsity sila pagdating sa larong ito! Hindi ko matalo-talo si Isaiah sa toktok noo stage!" natatawang aniya at kinalat ang mga stone sa sahig.

"Gusto ko rin 'yan! Come on, Vape! Gusto mo rin 'to, 'di ba?" Hinila paupo ni Coby si Vape at walang nagawa ang isa kundi ang pumayag.

"Sali!" At nakisali na rin si Atarah.

Tiningala nila ako at tinignan ng mataman. Damn! Hindi ako maglalaro niyan!

"Dali na, South! Kasalanan mo 'to kaya samahan mo kami!" Hinila ako ni Atarah kaya wala akong nagawa kundi ang mag-indian seat din.

Tangina talaga nito. Sa susunod hindi na ako susugod dito sa Sigma.

"Milagrosa?"

Natigil sa akmang paghagis ni Rucc sa bola ng Jackstone. Sabay-sabay kaming bumaling sa katabi naming selda at nakita ang isang grupo ng mga lalaki na nandoon. Nakasalampak sila sa sahig at dalawa dito ay nakadapa at nakadipa sa sahig na parang nag-swi-swimming.

Nangunot ang noo ko. They looked so familiar. With their bandana and pirates atire, parang kilala ko talaga sila.

"Landlord?"

"Waaaah! Landlord! Ikaw nga!"

Oh damn! I knew it! Sila 'yong mga borders ko sa ilalim ng tulay! Bigla akong napangisi nang makaamoy ako ng pera.

"Oh kayo pala! Nasaan na ang bayad niyo sa renta?"

Biglang nawala ang ngiti nila at bumagsak ang mga balikat.

"Landlord! Wala pang katapusan!" Ungot nila.

"Katapusan niyo na kung wala pa kayong ibabayad!"

Ngumuso sila at napipilitang naglabas ng mga barya sa bulsa.

Nagningning ang mga mata ko.

Damn! Pera!

"Oh, geez! H'wag na nating isali ang mukhang perang babae na 'yan" dinig kong sabi ni Atarah.

Hindi ko ito pinansin. Sa mga oras na 'to, mas mahalaga sa akin ang bayad ng mga borders ko.

                                         _

NORTHERN's POV

"Kyaaaaahh! Ang sarap!"

Naguumapaw sa kasiyahan ang puso ko. Seeing the Crane Brothers' happy, sobrang saya ko na rin. Sobrang nakakaapekto ang mga ngiti nila, no wonder why Nanang and Tatang already love them.

"Sige, kain ka pa, iho, ha?" Hinaplos ni Nanang ang pisngi ni Psalm na kumakain ng Spaghetti. "Magpapaluto pa ako ng marami para sa inyo!"

Kumikislap ang mga mata niya sa sobrang kasiyahan. I never saw her this happy. Sa aming mga Apo niya, palagi niya kaming binabara pero sa mga Crane, sobrang sweet at lambing niya. Hindi ako nagse-selos, I'm actually glad na nakikita ko siyang masaya.

"Nanang! Nanang!" Kinalabit ni Peter si Nanang kaya nilingon siya nito. "Bakit kulubot na ang mga balat niyo? Pareho kayo ng Dada namin!" sabi niya, punong-puno ng pagkain ang bunganga nito.

"Peter, don't talk when your mouth is full" paalala ko sakanya.

Tumingin siya sa akin at nag peace sign. Pansin ko naman ang masamang tingin ni Nanang sa akin.

"H'wag mo ngang pagalitan ang baby ko!" singhal niya sa akin at niyakap ang braso ni Peter, pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pasimpleng pagpisil niya sa braso nito.

My brow shot up. Sumesimple rin ba ang matandang 'to?

"Hehehe, okay lang 'yon, Nanang. Palagi rin kaming pinapagalitan ni Timog kapag nagsasalita kaming may pagkain pa ang bibig" sabi ni Peter.

"Sinong Timog?" tanong ni Nanang.

"Si South po!"

"Ah, si Annunciata.."

Bumuntong hininga ako at nagsimulang niligpit ang mga platong pinagkainan ng mga Crane. Napatingin ako sa sala at nakita sina Noah at Isaiah na masayang tinuturuan ng mga kapatid kong maglaro ng X-box. Nagkamabutihan na rin sila ng loob.

"Sino po si Annunciata? Kanina ko pa kasi napapansin na iyon ang tawag niyo kay South" sabi ni Psalm at kumagat sa apple na nasa kanang kamay niya. May kumalat na sauce sa bibig at pisngi nito kaya kinuha ko ang table napkin at pinunasan iyon.

"Patingin sa kabila" sabi ko at kaagad naman niyang pinakita sa akin ang kabilang pisngi. Pinunasan ko kaagad ang sauce na kumalat doon.

"Salamat, Ate North" nakangiting aniya.

Awww, so sweet.

"It's my pleasure, Baby" ngumiti ako ng matamis.

"Well.." pagsasalita ni Nanang kaya napatingin kami rito. "Si Annunciata ang iniibig ni Gideon..." nakangiting aniya. I could see the spark of happiness on her eyes.

"Sino po si Gideon?" takang tanong ni Peter.

"Siya ang Daddy namin" sagot ko.

Nanlaki ang mga mata niya. "Si President of the Philippines na kausap ngayon ni Genesis?"

Tumango ako at tipid na ngumiti.

"Si Annunciata po ang Nanay niyo?" tanong din ni Psalm kaya tumango ako ulit.

"Wow! Nasaan ang Nanay niyo? Gusto ko siya ma-meet!"

Tumikhim ako at binaling ang paningin sa mga plato. "Wala siya dito." At kahit kailan hindi na siya babalik dito.

"Sayang naman! Siguro maganda rin siya kasi maganda kayo parehas ni Timog!" Animo'y kinikilig na sabi ni Peter.

Ngumiti lang ako. She's beautiful, but irresponsible.

"Iyang si Annunciata, mahal na mahal siya ng anak ko. Ipinagtatanggol siya ni Gideon kahit kayang-kaya naman ni Annunciata ang sarili niya. Hindi iyan mapapakali hangga't hindi nasisigurado ang kaligtasan nito," pagku-kwento ni Nanang habang nilalaro ang tinidor sa plato. "Kaya noong ikinasal sila, sobrang saya ng anak ko, lalo na nang magbunga pa ang pagmamahal nila. Si Annunciata at Gideon na siguro ang pinakamasayang magulang na nakita ko." Naluluha itong ngumiti.

I clenched my jaw. Liar. Mahal? Alam ba nila ang salitang 'yon? As far as I remember, fixed marriage sila kaya nasaan ang pagmamahal doon? Naggamitan lang sila para sa politika at negosyo. Walang pagmamahal, dahil kung meron, bakit pa kami iiwan ni Mommy? Bakit pa siya naghanap ng ibang bubuong pamilya? Kaya sinungaling si Nanang.

"Hindi sila mapapaghiwalay. Kahit ang dami ng nagtangkang sirain ang pagsasama nila, hindi sila nagpapatibag. They truly love----"

Malakas kong binitawan ang hawak kong plato kaya gumawa ito ng malakas na kalansing. They jump in surprised as they looked at me with horror. Napahawak ang matanda sa bandang dibdib niya na parang aatakehin ito sa gulat. Mariin kong kinuyom ang mga palad ko at masama siyang tinignan.

"Stop making false story! Walang katotohanan ang mga kwento mo kaya pwede ba? Stop lying!" Hindi ko napigilan ang sariling sigawan siya.

Nanlaki ang mga mata nina Psalm at Peter, pansin ko rin na natigil sa paglalaro ang mga kapatid ko sa sala at napatingin sa amin. Nanang shook her head and sighed.

Sobrang pagka-irita ang nararamdaman ko. Dahil sa mga sinabi niya, nasira lang naman ang magandang mood ko kanina.

"Binulag nila kayo sa kasinungalingan..." sabi ni Nanang at nag-angat ng tingin sa akin. She was about to say something again but Dad's voice filled the room.

"Northern!"

Tumingin ako rito at nakita ang galit na mukha. He took a steps towards us.

"Why are you shouting at your Grandmother?"

Umiwas ako ng tingin. He was going to scold me again but Nanang stop him. Hinawakan nito ang braso ni Daddy.

"Tama na, anak. H'wag mong pagalitan ang Apo ko. Sige ka, magagalit sa'yo si Annunciata. Ayaw pa naman niyang nasasaktan ang mga anak niya" sabi nito at ngumiti na parang may naalala.

I tsked. "Sa pool area lang ako" sabi ko at iniwan sila sa dining area.

I can't deal with Nanang kung palaging si Mommy lang ang bukambibig niya. Kung si South, napapalampas ito, pwes ako, hindi! Kung noon, matutuwa pa ako sa mga naririnig pero ngayong galit ako sa Mommy ko ay walang nakakatuwa sa mga sinasabi ni Nanang. She's a liar! Pagmamahal? Kalokohan!

Pagkarating ko sa pool area ay kaagad akong lumanghap ng sariwang hangin. Ilang beses akong huminga ng malalim para pakalmahin ang nagaalboroto kong puso. Inistretch ko ang leeg ko para mawala ang stress na bigla kong naramdaman.

"Northern..."

Lumingon ako at nakita si Daddy na papalapit sa akin. Seryoso ito at medyo nakakunot ang noo. I sighed and looked away. Tumingin na lang ako sa pool.

Naramdaman ko ito sa tabi ko. Mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko itong namulsa at tumingin din sa nabibiladan ng araw na swimming pool.

"Your Nanang is already old and---"

"And liar" pagpuputol ko sa sinasabi niya. "Matanda na siya kaya kung ano-ano na ang sinasabi."

"Northern.." mariing sabi niya kaya tumahimik ako. Huminga ito ng malalim at ilang sandaling katahimikan ang naganap bago siya muling nagsalita.

"Love exist only in the novel, right?" Napatingin ako sakanya. He shook his head. "Iyon ang pinaniwala namin sa inyo dahil maging kami, naniwala rin sa mga salitang 'yon." He paused and I only stare at him.

Ano bang pinagsasabi niya?

"Mahal ko ang Mommy niyo. Believe it or not, mahal na mahal ko siya."

Napanganga ako. Tumingin siya sa akin at sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ko ang mga mata niyang punong puno ng hinanakit, lungkot, pagmamahal at galit. Tipid siyang ngumiti.

"Dad..."

"Yes, we lied about our set-up. Pinaniwala namin kayong purong pulitiko at negosyo lang ang dahilan ng pagsasama namin, pero hindi. Oo nga't may kinalaman parin sa dalawang iyon pero mas matimbang ang rason na pinakasalan ko ang Mommy niyo dahil mahal ko siya," mas nangibabaw ang lungkot sa mga mata niya. "Masaya ang pagsasama namin. I love her so much even if she's been lying to me the whole time."

Nangunot ang noo ko. "W-what do you mean?" Meron pa ba kaming hindi alam tungkol sakanila?

"Your Mom has a secret affair."

Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwalang napailing. No way! Pero nang makita ko ang galit at hinagpis sa mga mata ni Daddy, kinuyom ko ang mga kamao ko. I cannot believe this!

"Pinatawad ko siya at tinanggap parin kahit sobrang sakit. Mahal na mahal ko si Annunciata, hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa akin," umiwas ito kaagad ng tingin nang mapansin ko ang pagbanya ng mga luha niya. "Nagpatuloy ang pagsasama namin kahit ganoon ang nangyari. Madalas na siyang wala sa bahay. Madalas na rin kaming nag-aaway, I know you remember those days na palagi na lang kaming nagbabangayan."

I do remember those days. High School pa ako noon at kaka-graduate naman ni South sa Elementary ng palagi nang nagsasagutan sina Mommy at Daddy. Natatandaan ko na wala rin ni isa sakanila ang dumalo sa graduation niya dahil umalis noon ng bansa si Mommy at si Daddy, galit na galit.

"Years passed, ganoon parin ang nangyayari. Napabayaan na namin kayo ng mga kapatid mo dahil palagi kaming may problema. Then, 3 years ago, nangyari na ang nagpaputol ng pasensya ko sa Mommy niyo..."

"What happened?" tanong ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Iyon ang isa sa hindi namin alam. Kung bakit kami iniwan ni Mommy at kung bakit hindi na siya pinabalik pa ni Daddy sa bahay. Hindi rin naman kami nagtangkang magtanong pa dahil t'wing nakikita namin si Daddy, palagi siyang galit at palagi niya kaming pinapagalitan.

Pansin ko ang pagkuyom niya ng mga kamao. His veins on his knuckles are bulging. His body tensed and even if I don't see his eyes, I know it's now piecing in anger.

"She got pregnant. And guess what? I'm not the father."

Umiwas ako ng tingin at pakiramdam ko, sinaksak ang dibdib ko sa sobrang sakit. Wala na bang mas ikakalala pa ito? Wala na bang mas masaklap pa?

Mas lalo lang nadagdagan ang galit ko kay Mommy. What a bitch.

Huminga ng malalim si Daddy.

"Mahal ko ang Mommy niyo pero tama na ang katangahan ko. I set her free. Bahala na siya sa buhay niya, basta akin kayong mga anak ko. Kahit sabihin nating siya ang Ina niyo, hindi parin ako papayag na mapunta kayo sakanya. So I threatened her, tinakot ko siya kaya hindi na siya nagparamdam. But of course, your Mother is a very tough person, hindi siya nagpaapekto. Hindi siya natakot, kaya wala akong nagawa kundi ang gamitin ang huling alas ko. Ang sabihin sainyo ang mga kalokohan niya. Natakot siya dahil ayaw niyong malaman ang lahat. I know that's a lame reason pero naapektuhan siya. Kayo ang kahinaan niya kaya wala siyang nagawa kundi ang hindi magpakita sa inyo." Pagkwe-kwento niya.

Sinapo ko ang ulo ko nang kumirot ito. Sunud-sunod akong huminga ng malalim para pakalmahin ang naninikip kong dibdib. Para akong sinasakal sa sakit, I can't breath properly. Ang saklap naman ng ganitong pamilya.

"I don't know what to say..." Yumuko ako at pinakawalan ang mga nagbabadyang luha sa mga mata ko. Humikbi ako at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.

I swear, ang sakit talaga sa dibdib.

"North..." Dad pulled me on his arm and hugged me tightly. Sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya at doon umiyak. "I'm sorry for giving you the worst family, North. Believe me, hindi ko pinangarap na maging ganito ang pamilya natin. I'm sorry, sweetheart..."

I sobbed and he hugged me more. Ang sakit-sakit na. Kailan ba ako magkakaroon ng kasiyahan? Pagod na akong palaging masaktan dahil sa nangyayari sa pamilya ko. I'm so sick of this.

"Sshh, stop crying. Daddy is here, hindi ko kayo iiwan..." he whispered and kissed the top of my head. "Come on, sweetheart, ayaw mo naman sigurong makita ka ng mga bisita na ganyan 'di ba?"

That made me stop. Kumalas ako sa yakap ni Daddy at mabilis na pinunasan ang mga luha ko. Takot na baka may makakita sa akin sa ganitong situation. Ang pinaka ayoko pa naman ay ang mag mukhang mahina sa paningin ng iba.

"I'm so broken hearted, Dad..." sabi ko, pumiyok pa ang boses ko.

He tucked my hair behind my ear. "Acceptance is the cure for a broken heart, Northern," lumamlam ang mga mata nito at tipid na ngumiti. "Pinagdaanan ko 'yan, mas malala pa sa sakit na nararamdaman mo. No one knows how broken I am when your Mom cheated on me, mabuti nalang magaling akong magpanggap at magtago ng tunay na nararamdaman. I become ruthless because of her. Pati kayong mga anak ko, tinanggalan ko nang kasiyahan dahil sobra kong dinamdam ang nangyari. But eventually, I learned to accept everything. Siguro nga, ganito talaga ang mangyayari. Tinanggap ko na lahat, anak, kaya ngayon ay magaan na ang pakiramdam ko. Wala nang nakabarang bigat sa dibdib ko."

Naluha ulit ako. Ngayon lang ngumiti si Daddy at kita ko sa mga mata niya ang kaginhawaan.

"Tanggap mo nang hindi na kayo magkakabalikan ni Mommy?" tanong ko.

Tumango siya. "Tanggap ko nang hindi kami para sa isa't isa."

"Dad..."

Ngumiti siya at pinunasan ang luha sa pisngi ko. "That's why when you fall in love, make sure the guy is in love with you more than you love him. Mahirap na mahal ka lang niya, mas sigurado kapag mahal na mahal ka niya" sabi nito.

Sumimangot ako at ngumuso. "Dad, wala pa sa plano ko ang magmahal. For now, kayo muna ang priority ko. Saka lang ako maghahanap ng sarili kong pag-ibig kapag nasigurado ko nang ikakasal si South" sabi ko.

Biglang sumeryoso si Daddy kaya napalunok ako.

"After 30 years, baka sakaling papayagan ko na siyang ikasal" seryosong sabi nito.

"Dad! Matatanda na kami no'n!" Ano ba naman 'yon? 30 years? Kaloka! Gurang na si South no'n!

"I don't care. As long as I'm breathing, ako ang magde-desisyon kung kailan kayo ikakasal."

Ngumuso ako. "Daddy naman..."

"This is for your own good sake too. Ayoko kayong basta na lang padalos-dalos sa isang bagay. Especially your Sister, she's naive" aniya.

And now she mentioned about South, bigla kong naalala ang pag-uusap nila ni Genesis kanina.

"Dad, kumusta pala ang pag-uusap niyo ni Genesis? Ano? Pasado ba siya sa'yo?" I asked, a bit nervous.

He became stoic again, back to his usual expression. Kapag ganito, kinakabahan na ako, ibig lang sabihin ay hindi maganda ang mga nangyari.

"That kid is smart" simpleng aniya.

Lumunok ako. "So?" I was looking forward for more anwer.

"I don't like him."

Bumagsak ang mga balikat ko. "Dad, okay naman si Genesis, ah? I assure you, he's a good man. I once lived with the Crane and I know their attitudes and---" He cut me off.

"He's nice, actually. He's a man with full of sincerity. Kita ko na malinis ang hangarin niya sa kapatid mo."

Nakaramdam ako ng pag-asa sa sinabi niya. "Then, why you still don't like him?" tanong ko.

"I just don't like that, Kid."

I groaned in frustration. "Dad naman! Bakit hindi mo gusto si Genesis eh bagay naman sila ni South. They love each other!" giit ko. "Atsaka ngayon lang na-inlove si South, let's just be happy for her."

"First love won't last long, Northern."

"Dad..."

He sighed and caress my left cheek. "I have to go. May meeting pa ako kasama ang mga Senador ko. Take care and spoil our visitors" aniya at hinalikan ako sa pisngi. Kapagkuwan ay biglang nangunot ang noo niya. "Anyway, Charlotte is sick. And our K-9 dogs fell asleep. Hindi ko tuloy natakot ang lalaking 'yon. Do you have any idea why my pets became ill?" tanong niya.

Napalunok ako at mabilis na umiyas ng tingin. "H-hindi ko alam, Dad. Baka naambunan sila. Bawal 'yon sakanila, 'di ba?" I reasoned out.

Oh gosh! Dad will kill me kapag nalaman niyang ako ang may kapakanan sa nangyari sa mga alaga niya.

"You're right. Oh siya, ipapadala ko si Dr. Kwak para matignan niya ang mga alaga ko" aniya. "I have to go, sweetheart."

Tumango ako at hinalikan niya ulit ako sa pisngi bago siya tuluyang tumalikod at umalis.

Wala akong nagawa kundi ang bumuntong hininga at tumingin sa payapang tubig sa pool.

Hindi ko talaga maintindihan si Daddy. Parang kailangan mong maging matalino para maintindihan siya. Hays, kawawa naman ang kapatid ko.

"Northern..."

A baritone voice from my back almost made me jump. Lumingon ako at nakita si Genesis na naka-kunot ang noo.

"Oh, hi, Genesis!" I flashed my sweetest smile. "Nagugutom ka ba?" tanong ko.

Umiling ito. "Have you seen Southern?" tanong niya at luminga-linga sa paligid. "I can't find her."

Tumikhim ako. "Uhm, umalis siya kanina" sabi ko.

Mas lalong nangunot ang noo niya. "Saan siya nagpunta?"

Nag-isip ako ng isasagot. Hindi ko naman pwedeng sabihin na umalis si South para maghanap ng gulo eh. Gosh! Masasapak ko talaga ang babaeng 'yon!

"Uhm, pinuntahan niya lang 'yong isang negosyo namin. Inutusan kasi siya ni Dad na ito muna ang tumingin dito. Don't worry, babalik din iyon mamaya" pagsi-sinungaling ko. Mabuti na lang talent ko ang magsinungaling dahil mukhang naniwala naman si Genesis sa sinabi ko.

Tumango siya pero halata ang lungkot at pangungulila sa mga mata niya. I suddenly felt sorry for him. Kainis kasi si South, eh! Hindi ba siya naawa sa Boyfriend niyang mukhang patay na patay sakanya?

"Uhm, Genesis, sa loob muna tayo? Halika! Ipapakilala kita sa mga kapatid namin!" Ngumiti ako ng malaki para maitago ang lungkot ko para sakanya. I pulled his arm and we both went inside the house.

Dumiretso kami sa sala at naabutan ang mga kapatid kong naglalaro ng X-box kasama sina Noah at Psalm. Tumikhim ako para makuha ang attention nila. Tumingin sila sa amin at kaagad napangiti ang mga Crane pagkakita sa amin.

"Genesis!"

"Kaps!"

Noah and Isaiah beamed in delight. Mabilis silang tumayo at lumapit sa kapatid na parang hindi nakita ng matagal na panahon. I smiled. Crane Brothers are really the cutest.

"Genesis, kumain kami ng Spaghetti! Ang sarap!" pagkwe-kwento ni Isaiah.

"Tignan mo, oh! Tinuruan kami nina Silangan at Kanluran na maglaro ng X-box!" masayang sabi rin ni Noah.

My brows shot up. Silangan at Kanluran? Grabe rin magpangalan ang isang 'to ah. Tawag niya sakin ay Hilaga, kay South naman ay Timog. Tinagalog na ang mga pangalan namin.

Tumango lang si Genesis at tumingin sa dalawang kapatid kong lalaki na kanina pa iniiwas ang tingin sakanya. Tumikhim muli ako.

"Genesis, I want you to meet my brothers, East and West," pagpapakilala ko sakanila kay Genesis. "And guys, this is Genesis, South's boyfriend" ngumisi ako.

Ngumuso sila at napipilitang tumingin kay Genesis. Genesis extend his hand for a hand-shake, nagturuan naman ang dalawa kung sino ang unang tatanggap. Pinandilatan ko sila ng mga mata kaya naunang umabot si West.

"Nice to meet you..." sabi ni Genesis.

West rolled his eyes. "Okay."

"West!" I warned him.

Ngumuso ito at sumimangot. Nakipagkamayan din si Genesis kay East. Katulad ni West ay inikot din nito ang mga mata.

Nanggigigil akong ngumiti at lumapit sa dalawa para pasimpleng kurutin.

"Hehe, pagpasensyahan mo na sila Genesis, ngayon lang kasi sila nakakita ng gwapong lalaki kaya ganyan sila" nakangiting sabi ko kay Genesis.

"O-ouch.." daing ni West ng kurutin ko ang tenga niya.

Ngumiti si Genesis.  "It's okay. I understand if they don't like me" sabi nito.

"Mabuti alam mo---ouch!" Hinila ko ang tenga ni East.

"Hehehe, he don't mean that." Ngumiti ako ng ubod ng tamis pero nanggigigil na ako sa loob ko.

"Kanluran, ayaw niyo ba kay, Genesis? Gwapo naman siya ah" sabi ni Noah.

"Oo nga. Mukha lang siyang masungit minsan pero mabait naman siya, 'di ba Baby Tiger?" Baling ni Isaiah sa alaga nitong sisiw na nasa mini-table.

"Tweet! Tweet!" Tumango ang sisiw.

"Mas gusto parin namin si Kuya Vape---araaaay!" Naiiyak sa sakit si West ng piningot ko ang tenga niya.

I looked apologetically at Genesis. "Alam mo kasi Genesis, si Vape kasi ang una nilang nakilala kaya ito ang gusto nila para kay South" sabi ko.

Tumango siya. "I understand," tumingin siya muli sa dalawa. "I love your Sister, and she loves me too. While Vape is just a hindrance to our relationship."

Nanlaki ang mga mata ng dalawa at hindi makapaniwalang tumitig kay Genesis. Ngumisi lang ako.

"How dare you say that? Ikaw kaya ang hadlang sakanila! Kung hindi ka dumating sa buhay ni Ate South, sana sila na ngayon---"

"EASTERN!" My loud voice echoed in the whole house. Napatalon sila sa gulat. My brothers shook their head. Napatiim bagang ako at hinarap sila. Nanggigigil.

"Kailan pa kayo naging bastos, ha?! Ganyan ba ang natututunan niyo sa school? Kung hindi niyo matanggap si Genesis para kay South, pwedeng manahimik na lang kayo? Your opinions doesn't matter, anyway! Nakakabastos na kayo!" sigaw ko sakanilang dalawa.

I won't tolerate any bullshits in my house. Hindi ako nagpapaka hands-on Ate sa mga kapatid ko para maging bastos sa mga tao. Kung si South, maiintindihan ko pa, pero sina East at West? No! I'm trying my best to educate them the good manners, pero heto? Bastos na rin sila!

"North..." I heard Tatang's voice behind me.

I clenched my jaw and took a deep breath. Matalim parin ang tingin ko sa dalawa na naiiyak na ngayon habang nakayuko.

"You guys really disappoint me. I'm sure, ito rin ang sasabihin ni South sa inyo. Baka magalit pa siya sainyo sa ginawa niyong pambabastos sa Boyfriend niya" mariin kong sabi.

"North, it's okay" sabi ni Genesis.

"No! It's not okay! Makakarating 'to kay South para magtanda ang dalawang 'yan!" Bumuga ako ng hangin. "Gosh! I'm so stressed! Sa taas muna ako!" sigaw ko at nagdadabog na tinalikuran sila at iniwan sa sala.

Bago pa ako tuluyang makaakyat sa hadgan ay narinig ko pa ang paghikbi ng mga kapatid ko. Then, I also heard Noah and Isaiah's voice comforting them.

Psh! I won't tolerate their drama too!

Ang sakit na nga ng ulo ko sa pag iintindi sa nangyari sa mga magulang namin, dadagdag pa sila. Kainis!

                                       _

ISAIAH CRANE POV

Ngumuso ako habang niyayakap si West. Tumingin din ako kay East na pinapatahan din nina Noah at Tatang. Kanina pa sila umiiyak. Sobrang pula na ng mga ilong nila at namamaga na ang mga mata. Kawawa naman sila. Nakakatakot palang galitin si Ate North, para siyang si South, maiiyak ka talaga kapag nagalit.

"S-she's mad..." humihikbing sabi ni West.

Hinaplos ko ang likod niya. Naiiyak na rin ako kaya suminghot ako.

"She doesn't love us anymore..." sabi naman ni East.

"Sshh, h'wag ka ng umiyak Apo ko, naiiyak din si Nanang.." Niyakap ni Nanang si East. "Huhuhu!" Umiyak ito kaya tumigil sa pag-iyak si East at ito ang pinatahan niya.

"Ssshh, don't cry Nanang. I'm not crying anymore" pagaalo nito pero mas lalong umiyak ang matanda.

"Waaahhh! Huhuhu! Umiiyak pa si West Apo ko!" sabi niya at mas nilakasan pa ang iyak.

Tumahan si West at kinusot ang mga mata. Lumapit siya kay Nanang at pinatahan din ito.

"Nanang, I'm not crying so stop crying, okay?"

Ngumuso si Nanang at hinalikan sa pisngi sina East at West. "H'wag kayong iiyak, ha? Magagalit si Annunciata. Ayaw niya kayong umiiyak" sabi nito.

Tumango ang dalawa pero halata parin ang lungkot nila.

"Pero, galit si Ate North, Nanang. Ayaw kong magalit siya" sabi ni East at ngumuso para pigilan ang pag-iyak.

"Paano kapag ayaw na niya sa amin? What if she won't forgive us and she doesn't love us anymore?" Nagtubig ang mga mata ni West. "Ano nang gagawin namin?" humikbi ito kaya kaagad siyang niyakap ni Nanang.

Ngumuso ako. Naaawa talaga ako sakanila. Ganyan din kasi ako kapag galit si South. Natatakot at nalulungkot.

"East, West, hehe, mahal naman kayo ni Ate North, eh. H'wag kayong mag-aalala, mapapatawad niya rin kayo. Suyuin niyo lang siya at magpakabait. Ganoon kasi ang ginagawa ko kapag nagagalit sa akin si South, tapos ay mapapatawad na niya ako kaagad!" sabi ko.

Tumingin sila sa akin. "R-really?"

Tumango ako at ngumiti. "Oo, 'di ba, Genesis?" Tumingin ako kay Kaps.

Mukhang nagulat ito pero kaagad ding nakabawi. "Y-yeah. Just don't stop pursuing her."

"Anong pagsuyo ba ang kailangan naming gawin?" tanong nila.

"Simple lang!" sabi ni Noah kaya napatingin kami sakanya. "Ipagluto niyo siya!"

Wow! Magandang ideya 'yon. Palagi na lang si North ang nagluluto kaya ito naman ang time na siya ang ipagluto.

"But we don't know how to cook..." malungkot nilang sabi.

Ngumiti si Noah. "Hindi iyan problema. May kilala akong marunong magluto!" sabi niya.

"Who?"

"Si Timog!" Nagningning ang mga mata ni Noah.

Sabay-sabay kaming napangiwi nina Peter, Psalm at Genesis. Maging si Baby Tiger ay napangiwi rin at kaagad nahimatay.

Nababaliw na ba si Noah? Si South, marunong magluto? Hindi pa ba siya nadala sa mga pagkain na ginagawa ni South? Huhuhu, pamatay kaya!

"Si Ate South? Marunong ba siya magluto?" tanong nila.

Tumango si Noah. "Oo naman! Pamatay pa ang luto!"

Nabuhayan ng loob sina East at West at halatang nasiyahan.

"I didn't know that she can cook! Magpapaturo kami sakanya!" masaya nilang sabi.

Napalunok ako. Hala! Hindi pwede 'yon. Baka mamatay pa si North kapag natikman niya ang luto ni South.

"Hehe, sigurado kayo?" tanong ko.

Tumango sila.

"Yes! Magpapaturo kaming magluto kay Ate South!"

Bumuntong hininga si Genesis.

"Good luck."

                                        _

LACHLAN's POV  (The Minister)

"South is on the Sanctum."

Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga nito sa kabilang linya.

"Watch over her.." sabi nito.

I rested my back on my swivel chair and tapped the table using my fingers. Tinitigan ko ang babae sa painting na nakasabit sa pader ng opisina ko. Kahit nakatalikod ito ay manghang mangha parin ako sa ganda niya. How I love her so much.

"You don't have to say that. I'm doing my job" I said, staring at the girl's tribal tattoo.

"How about the Serpens?" tanong niya.

Saglit akong natigilan at malamig na ngumisi. "No worries. By now, nag-aagaw buhay na sila."

"Good. Make sure to kill all of them. Masyado silang sagabal sa mga plano ko."

I chuckled and bit my lower lip. "Chill, masyado ka namang mainitin," sabi ko at kaagad muling sumeryoso. "How about South's Boyfriend? Malaki siyang sagabal. Should I eliminate him too?" I asked, a bit happy for the thought that I'll kill someone.

"No. Leave him to me. There's a right time for that. Magagamit ko pa siya" sabi nito.

Saglit akong natahimik. Pinikit ko ang mga mata at minasahe ang kumikirot kong noo.

"Can you tell me again why you're doing this?" tanong ko.

Natahimik ito at ilang sandali lang ay nagsalita na siya.

"This is for her  future, Lachlan" malamig na sagot niya.

Natawa ako. Walang buhay na tawa.

"Future? Paano mo nasisigurado na gusto niya ang future na gusto mo?" tanong ko.

"She does not have a choice. This is her fate. This is where she belong. Sigma will be her throne."

Napailing ako at natawa muli. "How dare you decide for her fate? Baka nakakalimutan mo, galit siya sa'yo" mariin kong sabi. "Galit sa'yo ang anak mo."

Natahimik muli ito. At kahit hindi ko siya nakikita, alam kong nanginginig na siya sa frustration.

"South will understand me. Mapapatawad niya rin ako" sabi niya.

I open my eyes and stare at the painting again.

"No. South will never understand your selfish reasons."

Kahit ano pang paliwanag ang gawin niya para maintindihan siya ni South, hindi parin siya magtatagumpay. Nakatatak na rito ang sakit na dinulot niya sakanya. And South is being South, matigas ang puso nito para sa pagpapatawad.

"Ako ang Ina niya. Maiintindihan niya ako" giit nito.

"No, Annunciata. Hindi ka na niya maiintindihan."

At mas lalo pa siyang magagalit sa'yo kapag nangialam ka sa buhay niya.

~~~

Naya's note:

Good evening! May ipu-publish po akong new story tommorow. Sana support niyo rin 'yon at basahin, hehe, iyon lang :)

Love lots  <3

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

2K 182 30
Kahit kailan, hindi magiging sapat ang pagmamahal. Started: September 21, 2018 Ended: February 7, 2019 [COMPLETED]
4.2M 104K 40
~ COMPLETED ~ Started: June 10, 2021 Ended: July 24, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 **** UNEDITED ****
115K 5.8K 38
Hindi siya nagbibinata. Hindi rin nagdadalaga. NAGBIBINAKLA! Rank 88 in Gen Fiction - Dec 20, 2017 Rank 171 in Gen Fiction - Oct 2, 2017 Rank 146...
206K 9.8K 41
Isang baby... Dalawang beki... Walang mommy. Paano aakuin nina Paulo at Rob ang responsibilidad sa isang sanggol na hindi naman nila kadugo? This...
Wattpad Uygulaması - Özel özelliklerin kilidini açın