La Familia Series 1: His Fath...

By PoorEyeSighted

719K 17.6K 3.8K

Shaui Mendoza was known to be a "Dalagang Filipina" at their home town and most of her friends call her with... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
EPILOGUE
PLS. READ!

CHAPTER 20

18.9K 449 149
By PoorEyeSighted

Wala na akong paki kung ano na yung pinagsasabi ko sa klase. Wala na din akong paki kung tama pa ba ang explanation ko o hindi. Basta't ang alam ko, nahihilo ako. Parang nanghihina ang katawan ko at kunting-kunti nalang babagsak na ako.

Pang-apat na klase ko na to at nasa Grade 11 ako ngayon. Hindi naman pwedeng magpahinga pa ako kasi oras ng klase ngayon. Work is work, rest is rest. Magkaiba ang oras nun.

"Why are we gonna be afraid with failures?" I paused. Nahihilo na naman ako. "Without failures..." umiikot na yung mundo.

"Ma'am, okay ka lang po?"

"Ma'am namumutla ka."

"...we can't recognize what succes is."

*BLOGS!*

CHAN'S POV

Bitbit ko si Baby Jamie habang tumatakbo palabas sa studio
Tinawagan kasi ako ni Ara sabi niya bigla daw bumagsak si Shaui habang nasa klase.

Aba't wala naman akong idea kung bakit sya nahimatay. Nagmamadali din ako baka kasi sabihin ng doctor na buntis siya.

Joke lang HAHAHA! Sana nga eh hihi. Atin-atin lang to baka kapag malaman pa to ni Shaui babatuhin na naman ako nun ng kahit ano. Kung pwede nga pati yung bahay ibabato na sa'kin eh. Langya. Wala naman akong kasalanan, nagmahal lang naman ako haha!

Di, sa totoo lang kinakabahan talaga ako ngayon. Sana okay lang si Shaui.

"Dad why are we running?"

"Zombie is running after us, son." Biro ko sa kanya. Ayoko munang sabihin sa kanya na nahimatay mama nya eh. Baka iiyak to. Mahal pa naman niya si Shaui.

Napansin kong lumingon si Jamie sa likoran namin. "You are right, dad. There's a zombie running after us."

Medyo nagtaka ako dun sa sinabi ni Jamie kaya nilingon ko saglit yung likoran namin.

"CHRISTIAN HINDI PA TAPOS ANG SHOOTIIIING!!"

Hala si Manager!

"LET'S RUN DAAAAAAD!!" sigaw din ni Jamie.

SHAUI'S POV

I slowly opened my eyes at una kong naaninag ang mga mukha ng mga kaibigan ko. Dwayne, Wyne and Ara. Dwayne's beside me at sa kabila naman si Ara. Nasa ulohan ko naman si bakla. Umiiyak pa talaga yung gaga.

"Huhu! Friend akala ko patay kana. Salamat sa dios gumising ka pa." hinampas nga siya ni Ara.

"Nahimatay lang si frenny natin uy! Nakakamatay ba yun? Ha? Baliw ka. Ang OA mo." Ang sungit haha! Binaling nya yung paningin nya sa'kin. "Huhuhu! Frenny bakit kasi di ka kumain ng pananghalian! Sabi ni Doc wala ka daw'ng kain kaya ka nanghihina! Huhu!"

"Stop the drama, guys. Shaui is now fine." Dwayne smiled at me tsaka nagtanong. "Ba't ba kasi di ka kumain?"

Oo nga. Ba't hindi ako kumain kanina? I tried to recall about what happened at noon pero nahihirapan yung utak kong mag-isip.

Lahat kami nagulat sa biglaang pagbukas ng pinto.

"Shaui/Mommy!"

My baby! Agad akong niyakap ni Jamie. Narinig ko pa nga'ng tumili si bakla dahil kay Chan, Chan's standing beside me---katabi ni DwayneDi nya hahaha!

"Pagalitan mo yang si Shaui. Di kumain ng pananghalian eh." Sumbong sa kanya ni Ara.

"Bakit hindi ka kumain?"

"Ang daming pagkain kanina sa cafeteria!"

"Alam mo namang kailangan mong kumain kasi may trabaho ka."

"Next time kasi kumain ka muna!"

"Alam mo ba kung gaano ako nag-alala sayo, ha?"

"Sana kasi pinakain ko nalang sayo yung pagkain ko kanina!"

Aba---teka nga. Ang walangya!! Ang kapal ng mukha'ng pagsalitaan ako ah? Woow hiyang-hiya naman ako sa kanya tss. Binato ko nga siya ng kutsara. Kapal ng mukha talaga!

"Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon! Sira ka talaga!"

Tumawa yung dalawa--si Ara at Wyne samantalang si Dwayne naman ay seryosong minamasdan kami ni Chan bago nag walk-out.

Ito namang nilalang na nasa gilid ko, napaisip pa talaga sya bago ngumiti at nag sign of peace. "Sorry hihi."

I just rolled my eyes. Ang sakit sa ulo nitong si Chan. Sana lang talaga hindi mahawa si Jamie sa kanya. Wengya.

"So, ano na? Anong sabi ng Doc?" Tanong niya kila Wyne.

"Ah! Ganito fafa Chan, sabi niya okay naman na daw si fren. Nanghina lang talaga sya kasi walang kain."

"Ahh. Sayang."

Anong sayang? "Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Akala ko may kasunod na si Jamie hahaha!!" Kinilabutan naman ako sa sinabi niya.

Wala na bang pag-asa na tumino yang artistang yan? Kung pwede lang ipahatid ko na sa rehab ang adik na yan eh. Tsk!

"Akala mo naman may nangyari sa atin!"

"Wala nga no? Mamaya gawa tayo?" Napangisi pa talaga sya. Jusko.

"Chan may bata dito sa loob."

"Hindi naman tayo dito gagawa eh haha!" Napahawak nalang ako sa ulo ko. Ang sakit-sakit niya talaga sa utak.

"What I mean is please becareful with your words." Gigil na gigil kong sabi sa kanya.

"HAHAHA! fine! Basta mamaya ha?" Kagat labi pa nyang sabi.

Napa-recite nalang ako ng Divine Mercy ng wala sa oras. This guy needs to be in church sometimes. Hays.

Walang ibang ginawa yung si Ara at Wyne kundi ang tumawa lang ng tumawa. Wow? Anong nakakatawa? Mga sira!

Jamie hugged me tighter and burried his face on my chest. "Mom, can you please give me?"

"A what, baby?"

"A sister."

Omygoodness.

"AHAHAHHAHA!! MAY PINAGMANAHAN!"-Ara.

"GORABELS NA SISTERITS! HAHAHAHA!!"

WENGYA!

JAZREL'S POV

I was massaging my temple. Ang sakit-sakit ng ulo ko dahil sa mahirap ng eksenang pinagawa sa akin ni Director. Yeah, nasa shooting ako for our upcoming new teleserye at magkasama kami ni Joyce sa movie nato. Hindi ako yung bida. Pero sa movie nato, kapatid ko ang bida. May karibal syang dati ay bestfriend niya and it happens na si Joyce ang karibal na yun.

Yung eksena kanina ay si Gail (which is me) muntik ng mahulog sa bangin dahil sa car accident at tutulongan sya ng mga rescuer.

But what happens is natakot ako nung nasa edge ng bangin kaya ang dami kong mali na act. Hindi naman nagalit si Director kasi hindi niya ako masisisi kuno na takot ako sa heights. Buti nalang natapos din yun.

Ano pa't best actress ako.

Now, nagpapahinga muna kami saglit before we proceed to the next taping.
Ilang minuto pa ay pinatawag na kami ni Director and he instructed us about the scene and what'll need to do.

"Ikaw naman, Jaz. Nahuli mo si Krizel (Joyce) na inaahas ang asawa ng kapatid mo kaya pagdating niya sa bahay nyu, aawayin mo siya."

Biglang nabuhayan ang loob ko sa sinabi ni Director. O.M.G. Pagkakataon ko na to! HAHAHAHA!! Laklakalakalakalaka! Hahaha! Game na game ako dyan!!

"Okay, let's now get ready."

Joyce smiled at me first. Para sa amin wala naman ng malisya to kasi normal lang to kapag artista ka. Dapat lang talaga magkaunawaan lang kayo.

Now, nasa workshop namin na kapag umaacting ka, dapat with feelings para damang-dama talaga. I smirked. I'll act right now but this time, I am no longer needs to fake my feelings.

Pumunta kami dun sa restaurant na ta-tapingan namin and the act was started.

The scene was about me having a meet-up with a lady friend tapos nasagip sa paningin ko sina Krizel (Joyce) at yung asawa ng kapatid ko. Agad akong nag-exit sa restaurant leaving my lady friend at umuwi.

Pagdating sa bahay, kasunod ko lang pala si Krizel. Nagkatinginan muna kami at ngingiti sana siya sa'kin kaso sinugod ko na agad siya ng sampal. And my slap feels so good hahaha 130° yun HAHAHHA!

"Para saan ang sampal na yun?!"-Krizel.

"That's for flirting my sister's husband!"

"What?! How can you say that?! Hindi ko nilalandi si Marko!"

"Talaga lang ha? Pwes sabihin mo yan sa pwet ng lolo mo!" Actually wala sa script ang linyang yun. Gigil na gigil lang talaga ako.

"CUT!"

Napatigil kami sa biglaang pagsigaw ni direk. Haha! Sabi ko na nga ba. Simula pa man ay wala sa script ang mga linya namin HAHAHA!

"Iba ang linyang nakalagay sa script. Sundin nyu yung nasa script!"

"Opo, direk. Sorry po." paghihingi ko ng paumanhin.

"Sorry, direk."-Joyce.

"From the start!"

PANG! HAHAHA! From the start daw eh! Ano pa bang starting sa scene namin dito sa bahay? Edi yung sampal hahaha! I really like it.

Jazrel, sumunod kana sa script. Huwag kang magpapadala sa emotion mong nag-aapoy bwahaha!

Bumalik kami dun sa scene na kakapasok ko pa lang sa bahay at kasunod kong pumasok si Krizel.

I watched her from head to foot and foot to head bago siya binatohan ng nakakamatay na tingin.

Krizel tried to look innocent at ngingiti pa sana sya kaso sinampal ko na sya ng 160° na sampal. Wow hahaha! Excited ata ako dun! Nakita ko kung paano siya namilipit sa sakit ng sampal pati na din yung pamumula ng pisngi niya.

Kung iniisip kong bestfriend kami, I should feel sorry pero hindi eh. Kontrabida sa buhay ang tingin ko sa kanya.

"Why are you slapping me?!"

"That's for flirting Marko."

"What?! I didn't know what you're talking about!"

"Pwede ba, Krizel? Huwag ka ng painosente! Kitang-kita ko kayo kanina sa restaurant!"

"Baliw kana ata, Gail. Don't make a story about me."

"Story pala ha." Sinugod ko na siya ng libo-libong sampal at sinabunutan yung buhok niya to the point na may nalalagas na. I even kicked her and with feelings talaga yun.

"Cut!"

Huminto na ako sa sigaw ni Direk, napatingin ako kay Joyce na hindi na mapipinta ang hitsura. You deserve more than that, Joyce. Kung alam mo lang.

"You did it well! Break time muna!"

Nagwalk-out na ako habang naninikip yung dibdib ko. Punong-puno talaga ako sa galit ngayon. Knowing that it was JOYCE'S MOTHER who flirts my dad. Mama niya ang dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Mom! Putang*nang mag-ina sila!

I kicked my dressing room's door at padabog kong isinara yun. Nagulat yung mga stylists ko sa loob dahil sa malakas na pagsara ng pinto.

Tinuro ko yung pinto. "LABAS!"

Nagsilabasan naman sila at dun na ako umiyak ng dahil sa galit.

Talo talaga ang mga magaganda sa mga malalandi.

SHAUI'S POV

Lumabas muna si Chan sa ward para bumili ng kanin. Si Jamie naman sumama kila Ara at Wyne na pumuntang plaza para ipasyal siya. Kaya yung kasama ko ngayon, si Dwayne nalang.

"Happy family na kayo eh." bigla nyang sabi.

"A-ano?"

"Masaya kaba kay Chan?"

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Bakit ba nya ako tinatanong nyan?

He smiled. "Halata naman."

"Dwayne..."

"Don't be sorry, Sha. Hindi mo kasalanang saktan ako. Ako ang umasa."

"...."

"Huwag kang mag-alala, di ako manggugulo sa inyo."

"Salamat." I stood up para yakapin siya at timing naman na bumukas yung pinto at iniluwa si Chan.

Bumitaw ako sa yakap namin ni Dwayne. Dwayne smiled at agad na lumabas dahil halatang-halatana hindi nagustohan ni Chan ang nakikita niya ngayon.

He closed the door. "Ang sweet."

"Tss. Ayan ka na naman."

"Edi kayo na ang best loveteam."

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Support ako sa inyo."

"Chan, shut up."

"Sige lalabas na ako. Papasokin ko na ulit sya baka kasi nakadistorbo ako sa inyo."

"Yakap lang yun! Nasasaktan yung tao eh!"

"Kapag ba nasasaktan kailangan talagang yakapin?!" nabigla ako sa sigaw ni Chan. This is my first time seeing him like this.

Hindi isip-bata na Chan ang nakikita ko ngayon kundi yung Chan na nasa tv na dating iniidolo ko. He's aura is matured to the point na natatakot ako sa kanya.

Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa gulat. "Sige nga, Shaui. Yakapin mo ko kasi nasaktan ako nung nakita ko kayong nagyayakapan!"

Kahit na takot ako ngayon. Nagawa ko pa ding ngumiti because I realized something. Kusang nag re-echo sa isip ko ang tanong ni Dwayne kanina. Alam ko na ang sagot ngayon sa tanong nya na iyon.

"Chan, masaya ako kapag kasama ka. Kahit siraulo ka." It was just supposed to be a whisper pero narinig niya pala yun.

Marahas niya akong hinila pa palapit sa kanya at niyakap ako.

"Tang*na papakasalan na kita. Akin ka lang, Shaui. Akin ka lang!"

Hindi ako nakakibo sa sinabi niya. My eyes became bigger and my heart pumps faster. Hinarap niya ako.

"Hindi ka papayag?" medyo nadismaya yung hitsura niya. "Edi huwag. Magsama kayo ni Dwayne." Tumalikod na siya para lumabas sa ward pero hinila ko din siya at hinalikan.

Kahit kailan baliw talaga ang taong to. "Sira. Papakasalan kita kahit sakit ka lang sa ulo!"

Continue Reading

You'll Also Like

621K 32.9K 20
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...
4M 256K 100
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
391K 22.3K 41
The story continues to unfold, with secrets unraveling and new dangers lurking in the shadows. The Chauhan family must stay united and face the chall...
2.3M 135K 45
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...