She's The Bad Boy's Princess...

By VixenneAnne

5.9M 194K 32.9K

Ako si Sofia Althea Perez. Isang simpleng probinsyana na nangangarap makapagtapos ng pag aaral. Minsan iniisi... More

Things I do for Love...
Chapter 1
Chapter 2. In a Relationship
Chapter 3. Judo Class
Chapter 4. Family
Chapter 5. Dorm
Chapter 6. Duel
Chapter 7
Chapter 8.
Chapter 9. Complication
Chapter 10. Xymon
Chapter 11. Highway to Hell
Chapter 12. Rebellion
Chapter 14. His Demon
15. Love Afterall
16. Weakness
17. Injury
18. Main Girl
19. Power of Friends
Chapter 20. Visit
Chapter 21. Prince Charming in White
22. Queen of the Night
23. Tears and Pain
24. Identity
25. Riot
26. Reasons
27. Trials
Life After You
29. Party Lonely Girl
30. David Santillan
31. Death Race
32. The Tunnel of Death
33. Light in my World
A/N
A/N
34. Welcome back, Santillan
35. Dark and Tainted
36. Forever
37. Finale

Chapter 13. Sacrifice

123K 4.5K 520
By VixenneAnne


"Sandali." Tawag ni Warren. "Jave owe us this one. Sasama kami."

Halos namanhid na ang buong katawan ko sa kaba kaya nagpatianod nalang ako sa mga susunod na mangyayari. Ang alam ko lang, hindi ako pwedeng magpatalo sa kaba. Minsan man lang mapatunayan kong mahal ko si Jave at gagawin ko ang lahat para sa kanya. Hindi ako natatakot sa kanya anuman ang nakaraan niya, sinuman ang mga kaibigan niya tanggap ko itong lahat. And I can't wait to tell him what I exactly I feel right now. I can't wait to hug him and calm him from all these stress going on. Kung hindi naman dahil sa akin, hindi aabot ang lahat sa ganito.

Isang grupo ng mga motorsiklo ang kasama ko. Nakasakay ako sa kotseng minamaneho ni Jiro, samantalang nakaangkas si Ark sa motor ni Warren. Hindi ko alam kung anong klaseng giyera ang pupuntahan pero alam kong nakatago sa motor ng bawat isa sa kanila ang kaniya-kanyang sandata. Napalunok ako. Naghuhumiyaw na sa kaba ang puso ko. Pero kailangan kong gawin to para kay Jave.

Pumasok kami sa isang madilim at abandonadong underground pass. Hindi ko alam na may ganitong lugar sa Metro Manila. Napakalawak ng lugar, natatanglawan ng mga malalaking poste ng ilaw na tila sila-sila lang ang gumawa. Puno ng usok ng motor sa paligid. Hindi pa man kami tuluyang nakakapasok narinig ko na ang ingay ng mga nagsisigawang kabataang lalaki. Halos lumabas ang puso ko sa dibdib nang mamataan ko ang dahilan ng sigawan. Nasa gitna si Jave, duguan at isa-isang sinusugod ng mga kalaban.

Kahit duguan ito at naliligo sa pinaghalong dugo at pawis, panay nagsibuwalan ang mga kalaban. Pero halata sa mukhang pagod na pagod na siya.

"Tarantado bakit siya sumugod ng mag isa dito!" walang tigil ang mura ni Jiro. Nagmamadaling pinarada ang sasakyan at kinalas ang seatbelt. "Stay here. Tinted ang kotse hindi ka nila makikita. Hindi ka nila pwedeng makita--"

"Pero si Jave! Sasama ako--"

"God damn it, Sofia! It's dangerous for you out there. You listen to me when I say it!"

Napaiktad ako sa biglang pagbulyaw ni Jiro sa akin. Bumukas sumara ang kamay nito sa pagpipigil. Halatang kinakalma ang sarili. "I'm sorry." anito.

Yun lang at tumakbo na ito pagkalabas ng kotse hawak ang baseball bat na galing sa likod ng sasakyan. Sinubukan kong kalasin ang seat belt ko at lumabas ng sasakyan pero hindi ko nagawa. Nakalock iyon. Hindi ko na makita si Jave, nagkariot na ng dumating at sumugod ang grupo nila Jiro.

Nanginginig na ako sa kaba. Walang tigil ang iyak ko. Jave nasan ka na ba? Ano ba tong kalokohang ginagawa mo? Walang patid ang dasal ko, dahil yun nalang ang magagawa ko. Parang babaliktad na ang sikmura ko sa kaba, sa takot at sa sobrang pag aalala.

Pagkatapos ng halos isang oras, the crowd dispersed, yung ibang nakakapagkalad at nakakakilos pa ng maayos ay sumakay ng motor, yung iba patakbong tumakas habang ang karamihan ay gumagapang. Una kong nakita duguan ang magandang mukha ni Ark, sunod si Jiro na may sinisipa pang kaaway kahit na nakahandusay na.. si jave. Nasan si Jave...?

Narinig ko ang sunod-sunod na katok sa bintana ng kotseng sinasakyan ko. Kamay palang alam ko nang si Jave iyon. Lumukso ang puso ko. Hawak niya ang control ng kotse ni Jiro. Nang subukan kong buksan ang pinto at bumukas na iyon. Kaagad ko siyang sinalubong ng yakap.

"Jave! Oh Lord! Anong nangyayari sayo, bakit ka nagkakaganito??" humihikbi kong turan. Mahigpit ang yakap ko sa kanya wala akong pakialam kung napunta na sa leeg at damit ko ang dugong nanggagaling sa ulo niya. May hawak pa siyang kadena. Binitiwan niya lang iyon ng yakapin ko siya.

"Sumama ka sakin." malamig ang tono ni Jave. Mabangis ang mga mata kahit sa akin siya nakatingin. Ito ang unang beses na naramdaman kong ibang tao siya. Nanginig ang tuhod ko sa simpleng imbitasyong iyon. Alam kong namutla ako.

"Saan tayo pupunta?" kandautal kong tanong na nakatitig sa mga mata niyang may kakaibang kadilimang bumabalot.

"Bakit kailangan mong itanong? Mahal mo ako di ba? Sasama ka sakin kahit sa impierno ang punta."

"O-oo. Oo sasama ako.."

Ngumisi siya. Ngising nakakatakot, gusto kong bawiin ang sinabi ko. Nanginginig ang kamay ko nang kuhanin niya iyon. Napansin niya ang takot ko pero balewala nalang yun sa kanya. Nakita ako nila Jiro at Ark pero ni isa sa mga ito walang nagtangkang magtanong kung saan ako dadalhin ni Jave. Mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko.

Inabot niya sa akin ang isang helmet na napulot niya. "Sakay." malamig na utos ni Jave sa marahas na tono.

Sumakay ako ng motor at yumakap sa likod niya. Buti nalang kumapit ako ng mahigpit dahil pinaharurot niya iyon. Sobrang bilis nalulula ako. Nang makalabas kami sa main road, mas naging nakakatakot dahil ino-overtake niya lahat ng sasakyan sa unahan. Pati sa malalaking truck lumulusot siya. Kapag nakabitaw ako, siguradong durog ang katawan ko.

At walang pakialam si Jave.

Ako man walang pakialam. Ang importante yakap ko siya at alam kong ligtas na siya. Wala akong pakialam kung highway to hell nga tong tinatahak namin.

Huminto kami sa isang tagong ...motel sa karatig probinsya. Nakatanga ako sa kanya nang alalayan niya akong bumaba ng motor dahil halos hindi na ako makapaglakad, nanghina ng husto ang tuhod ko.

"Jave..anong ginagawa natin dito...? Bakit dito tayo pumunta, bakit hindi nalang tayo umuwi sa bahay...bakit hindi mo nalang ako ihatid sa dorm?" utal-utal kong tanong. Binitawan niya ako, muntik na akong matumba.

"Akala ko ba mahal mo ako? Hindi mo ako sasamahan dito? Wala ka pala eh. Kung gusto mong umuwi, umuwi ka mag isa. Dito ako matutulog."

Iniwan niya ako sa malamig at madilim na parking ng motel. Tumingin ako sa paligid halos walang katao tao. May mangilan-ngila na magpartner ang papasok din ng motel. Natakot ako, napayakap sa sarili ko. Nangangatal na ang labi ko sa takot. Hindi pa nakisama ang panahon, biglang kumulog at kumidlat. Napasigaw ako sa takot at sa gulat. Kasabay niyon ang pagbuhos ng malakas na ulan, nangatal na lalo ang buong katawan ko halos wala na akong makita sa dilim.

HIndi ko na rin alam kung nasaan na si Jave. Nakaramdam ako ng ginaw, ng gutom, pero ang pinakamatindi ay sakit ng puso sa mga kinikilos ni Jave. Hindi ko na siya kilala, ibang tao na siya ngayon. HIndi niya ginawa ang bagay na ito sa akin kahit kailan, ngayon lang. Walang tigil ang iyak ko kasabay mg malakas na buhos ng ulan.

"Ano tatayo ka nalang ba dyan. Sumama ka na!" bumalik siya na may dalang payong. Hiniklas niya ang braso ko ay hinila ako papasok ng motel. Sa tingin ko nakakuha na siya ng kwarto dahil may hawak na siyang susi. Patulak niya akong pinasok sa maliit na kwartong iyon na may isang maliit na puting kama sa gitna. Dilaw na ilaw na nagmumula sa lampshade ang tumatanglaw sa kwarto. Nakabukas ang banyo.

"Sira ang ilaw sa banyo dito ka na magbihis." hinagis niya sa akin ang manipis na bathrobe. Tapos ay nahiga sa kama habang nakatitig sa akin. Tila pinag aaralan ako mula ulo hanggang paa. "Ano pang hinihintay mo, bihis na! Hindi ka ba nilalamig basang basa ka sa ulan?"

Nilalamig dahil sa full blast ang aircon at hindi man lang siya mag abalang hinaan iyon. At magbibihis ako sa harap niya?

"Anong inaarte mo boyfriend mo ako di ba? Girlfriend kita, normal na ginagawa ng magsyota ang ganito. Hubad na!"

Kinabahan ako nang tumayo sya at hiklasin ang laylayan ng damit ko. "Ako na!" kaagad kong sansala. Mahal ko si Jave Oo, pero sa mga oras na ito. Natatakot ako. Takot na takot na ako sa kanya. Nanginginig ang kamay kong iniangat ang damit ko sa harap niya. I was wearing a pink bra pero basa iyon at manipis kaya alam kong nakikita niya ang dibdib ko. Nagsimulang tumulo ang luha ko. Pero nagpatuloy ako. Inabot ko ang palda ko at tuluyan na ding hinubad iyon. Tanging bra at panty ang tumatabing sa akin.

Ibinalabal ko sa katawan ko ang manipis na ruba at nauna na akong mahiga sa kama ng nakatalikod sa kanya. Naramdaman ko ang paghiga niya nang umuga ang kama sa likod ko.

"Humarap ka nga sakin." mariing utos niya. "Mag usap tayo. Hindi mo ba talaga ako namiss?"

Kahit ayaw ng katawan ko, puso ko ang nagdidikta. Humarap ako sa kanya, naroon pa rin ang mga sugat sa mukha niya. Sa kabila ng takot nangibabaw ang awa ko sa mga sugat at pasa na tinamo niya. Inangat ko ang kamay ko upang hawakan ang mukha ni Jave habang walang tigil ang pagtulo ng luha ko.

"Miss na miss kita. Ikaw lang ang laman ng isip ko simula ng huli tayong magkita. Gusto kong sabihin sayo na mahal na mahal na mahal kita kahit sino ka pa. Natatakot man ako sayo minsan, normal lang yun dahil tao lang ako. Hindi ka ordinaryong tao Jave, hindi matatakot sayo ang lahat ng estudyanteng nakakakilala sayo ng walang dahilan. May dahilan sila...pero kahit na ano ka pa...mahal pa rin kita. Hindi ako titigil na mahalin ka kahit anong mangyari..kahit ano pa ang gawin mo."

Ngumisi lang si Jave. "Talaga?" Nilabas niya mula sa bulsa ang napitpit na kaha ng sigarilyo, kumuha mula doon at nagsindi. Napaubo ako ng ibuga niya sa mukha ko iyon. "Maniniwala na ba ako, ha Sofia?"

"Totoo ang sinasabi ko."

"Patunayan mo. Halikan mo ako."

Napalunok ako sa kakaibang kislap ng mata ni Jave. Nakakaloko din ang ngisi nya na para bang pinaglalaruan ako. Sa kabila noon, dahandahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya at inabot ang mga labi niya. His mouth tasted smoke, sweat and blood. Pero napapikit ako dahil hindi natakpan ng mga iyon ang tunay na tamis ng bibig ni Jave. It's still him. It still tasted like him.

He pinned me to bed. Napahigit ako ng hininga nang daganan niya ako. Bumaba ang halik niya sa leeg ko, ang mga kamay niya'y nagsimulang maglakbay sa katawan ko. Naging mapusok na rin ang mga halik nya.

Naalala ko ang bulong sa akin ni Mia, that there were rumors that Jave used Xyrelle a lot of times in bed. Hindi santo si Jave, he had his share of women crawling to his bed fulfilling his worldly needs. Muling bumugso sa mga mata ko ang luha.

Jave started undoing the belt of my robe. His mouth already in between the hollow of my breast.

"Mahal kita. Kaya kong patunayan sayo yun sa kahit na paanong paraan. Kahit na labag sa loob ko, pumapayag ako..." mahina kong bulong sa kanya sa pagitan ng paghikbi.

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 63.8K 58
"Ang dami mong sinasabi," nakangising sabi niya at inilapit ang bibig sa aking tenga. "Yeah, maybe I'm not a good guy. I'm the selfish one. I take wh...
7.6K 634 14
|PUBLISHED UNDER KPub PH| βœ…Complete Sometimes, it's only when we lose someone that we truly realize their worth. Lilah Daza experienced this revelati...
10.4M 225K 64
He's handsome, freakin' hot, snob, cold, campus hearthrob, model, popular. Sinong babae ang hindi magkakagusto sa kanya kahit sa unang tingin? Sinong...
56.9K 2.6K 31
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...