When We Happened

By shattereign

66.4K 1.2K 123

Daffney Levanidez wasn't interested in dating guys not until the night she met Darlin Francisco, the guy that... More

E X C E R P T
Simula
I. My Type
II. How Cute
III. Childish
IV. Honey
V. Too Young
VI. Not Your Chic
VII. Pregnant
VIII. Crazy
IX. Friend
X. Already Fallen
XI. Jealous
XII. Reward
XIII. A Little Push
XIV. Angel
XV. Timeline
XVII. Infatuation
XVIII. I'll Try
XIX. Somebody Owns You
XX. Happy Birthday
XXI. First Love
XXII. My Princess
XXIII. To Compromise
XXIV. Sorry
XXV. Be My Girlfriend
XXVI. Still Can't Have
XXVII. Eighteenth
XXVIII. I'm Braver Now
XXIX. Midnight Memories
XXX. My Darling
A/N

XVI. Broken Hearted

1.1K 26 1
By shattereign

Kabanata 16

Broken Hearted

Umiyak lang ako buong gabi, hindi ko rin alam kung bakit... kasi bakit ba ako umiiyak? Para 'yun... iniiyakan ko? Ang walang kwentang bagay lang.

Tinatanong naman ako nina Val, Rienne at Tori, ayoko naman sabihin dahil para akong tanga, naiyak sa isang lalaking na isa lang din naman sa kanyang mga babae ang tingin sa akin.

Ayaw na kitang iyakan, Darlin.

Kaya naman pumasok na ako kinabukasan na naka-shades. Mukha tuloy akong namatayan. Namatayan ng puso. Kasalanan mo talaga ito, Darlin.

Mag-isa pa naman ako pumasok, dahil may susunduin daw si Raph, mukhang totoo ngang may sinusundo siya kapag umaga.

Pinagtitinginan na ako ng mga tao dito sa hallway. Nakakahiya. Buti na lang at naka-freestyle ako, fashion pa rin. Kung naka-uniform siguro ako ay mas lalo nang nakakahiya.

Naka-black dress pa man din ako, and black heels. Kulang na lang saklob kamukha ko na daw si Aubrey Hepburn, rinig kong sabi nung isang babae doon.

Natanaw ko si Darlin kasama 'yung babae sa picture at nakita kong nakatitig lang siya sa akin. Inirapan ko siya kahit hindi niya naman kita. Nagdirediretso na lang ako ng taas noo. Bakit ba kailangan ko pa siyang makita? Sa dami-rami ng araw bakit ngayon pa?

Nang naglalakad ako sa hallway ay gulat ko nang may sumabay sa akin sa paglakad. Nilingon ko siya, bahagyang nakakunot ang noo niya sa akin. Hindi ko naman maiwasang hindi mapatingin sa brown eyes niya at sa kapogian niya.

"Oh! Condolence?" sabi niya na halatang inaasar naman ako.

Umirap ako. Hindi niya nga pala makikita. Tinanggal ko ang shades ko at nagulat ang kanyang mukha nang nakita sigurong pugto ang mga mata ko.

"Why? Who made you cry?" nag-aalala niyang tanong. Pinagtitinginan na kami ng mga tao rito sa hallway.

Umiling ako at tumawa sa kanya ng bahagya.

"Tell me, please? I'm worried."

"I need to go," sabi ko sa kanya at akmang aalis na.

"No, you need to tell me okay? Lunch," sabi niya at tumakbo na palayo bago pa ako maka-kontra. 

"Mister President!" sigaw ko sa kanya ngunit nilingon niya lang ako at binigyan ng killer smile, kinilig naman ang mga babae at mga binabae na nakakita noon.

Sinuot ko na ulit ang shades at pumasok na sa room. Umupo na ako sa lagi kong inuupuan. Nakatingin ako sa kawalan ng biglang may nagtanggal ng shades ko.

"Tsk. Naiyak sa walang kwentang lalaki! Nako, nako!"

"Akin na nga 'yan!" sabi ko sabay agaw sa shades ko sa kanya at isinuot ko ulit ito.

"Alam mo, mukha kang namatayan. Ano ba ang namatay sa 'yo? Puso? Alam mo namang chic boy, naging type mo pa."

"You know, Mr. Rocker... hindi ko naman 'yon kasalanan, kasalanan 'yun nito," sabi ko sabay turo sa part kung nasaan ang puso ko.

Tumawa naman siya. "Share na!" sabi niya, at shinare ko naman, sa kanya lang pwede, siya lang may alam nang tunay kong nararamdaman.

Matapos kong ikwento 'yung nakita ko sa Facebook at kadramahan ko ito lang ang tanging nasabi niya, "OA." Kaya agad ko siyang binatukan!

"E kasi, picture lang naman tapos magluluksa ka na agad ng ganyan?" he asked sarcastically.

"Hindi lang picture! Naka-kiss no! Right here!" sabi ko sabay turo ko sa pisngi ko. "And what if hindi lang 'yun ang nangyari? Alam mo naman na kung saan ang patuloy ng ganoon! Lalaki ka, 'di ba?"

"Saan?"

"Sa ano! 'Yung ganunan! You know! Ugh! Ewan ko sa'yo!" sabi ko sabay sapak sa kanya. Tumawa na lang siya. Tss, boys talaga oh!

Noong second subject, na-bored ako kaya chineck ko cellphone ko and tadaaah! Guess what?

May text si... siya.

Darling:

What's with the shades? Bulag? Haha! Lakas natin ah. 😎😎😎

Hindi ko nireplyan, pero sa loob loob ko, oo! Because love is blind. Bulag ako para magmahal ng isang babaerong katulad niya! At nakakainis ha? Siya lang ang pumula sa akin! Ang ganda-ganda ko nga raw kanina at ngayon, e! Well, always naman!

Hindi ako sumabay ng break kina Kuya dahil baka makita ko pa siya. Sabay kami nagbreak ni Stance. Parehas din kasi kami ng sumunod na subject.

Tinabihan ako ni Deninn sa sumunod na subject. "Uy ha, masyado na kayong nagiging close ni Honey, paano naman na si Darling?" pang-aasar niya sa akin. Tss! 'Wag nyo nga mabanggit-banggit sa akin 'yang si Dar—Ugh! 

"I don't care anymore, Deninn," matabang kong sabi sa kanya.

"Tsk, tsk! Mukhang LQ ah!" sabi niya sabay tawa. Inirapan ko lang siya, kailan ba ako nanalo sa ganito? Never. Kasi sa huli lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan na...

Gusto ko na nga si Darling.

Nagliligpit na ako ng gamit para mag-lunch, nilapitan naman kaagad ako ni Stance. "Ano sabay ulit tayo?" tanong niyang masayang masaya ngunit bago pa ako makasagot ay biglang naghiyawan ang mga tao sa labas maging dito sa room.

"Oh my gee, girl! Andun siya sa baba! Who's the lucky girl kaya?" sabi nung kaklase ko sa subject na 'to dun sa kaibigan niya at kilig na kilig sila.

"Ang swerte naman ng kung sino man 'yun dun! Nasa kanya na ang lahat!" sabi naman nung babae.

"What's happening?" tanong ko kay Stance na mukhang wala rin namang alam sa nangyayari.

"Let's see." sabi niya at kinuha na ang bag ko bago ko pa makuha, kinuha ko na lang 'yung dalawa kong libro.

Paglabas naming dalawa sa pintuan ay mas lalong lumakas ang hiyawan, nakita ko naman ang dahilan ng hiyawan ay ang sinisilip nila sa baba, nasa second floor kasi kami ngayon. Makikipagsiksikan pa sana ako sa mga nasa railings ngunit hindi ko na kinailangan, binigyang daan nila kami ni Stance.

Nagulat naman ako sa nakita ko sa baba, ang busangot niyang mukha dahil naiinitan na yata ay biglang nagliwanag ng natanaw niya ako, kumaway pa nga siya sakin dahilan para lumakas ang hiyawan ng mga babae.

Nag-init naman ang pisngi ko nang makita na may hawak siyang bouquet at microphone at ang mga lagpas sampung lalaki na nakahilera sa tabi niya ay may tig-iisang hawak na sing laki ng 1/8 illustration board na may tig-iisang letters.

CAN I TAKE YOU OUT FOR LUNCH?

Napaawang na lang 'yung bibig ko. Grabe. Lunch lang kailangang ganito pa ka-effort? Grabe talaga.

"Hi! Daffney Brish Levanidez, can you please go down?" sabi niya dahilan para maghiyawan ang mga tao lalo. Nakakahiya! Bakit kailangan pang banggitin niya ang full name ko?

"See? Mas madami talagang deserving higit sa kanya," sabi ni Stance sa akin siniko ko na lamang siya dahil he's right. Madami nga, I just don't see it kasi siya lang ang nakikita ko.

Bumaba naman kaagad ako para lapitan si Mister President. Nang nakalapit na ako ay in-offer ko ang panyo ko sa kanya, nakakaawa naman siya. In-abot niya sa akin ang magandang bouquet. Natanaw ko naman sa di kalayuan si Darlin na diretso lang ang tingin samin, but still together with his girl.

Okay lang 'yan, Daff.

Hindi niya 'yun tinanggap kaya ako nalang nagpunas ng pawis niya dahilan para mapa-urong siya ng bahagya dahil sa pagkagulat, mas naghiyawan naman ang mga tao.

"Hindi naman kailangan ng ganito para lang makipag-lunch ako sa'yo..." sabi ko sa kanya habang pinupunasan ang pawis niya.

"Well, it is worth all the heat and effort," sabi pa niya nang natatawa tawa.

"So, can I take you out for lunch?" sinabi niya 'yun sa mic kaya nagkagulo nanaman, may mga babae pa ngang nasigaw na, "Papa Kross! Ako na lang!"

In-abot niya sa akin 'yung mic meaning kailangan ko sumagot doon. Daming alam!

"Yes. You can."

At naghiyawan na sila, si Kross naman tuwang tuwa at nakipag-high five pa sa mga lalaking may hawak ng letters. Napaisip tuloy ako, kanina niya lang 'to ginawa?

"Let's go," masayang sabi niya sa akin.

Damn! His brown eyes are twinkling! Hihilahin niya na sana ako kaso may naalala ako.

"Wait, uh... kunin ko lang 'yung bag ko," sabi ko sabay turo kay Stance na malapit lang din samin at all smiles nanaman siya! Bahagya namang kumunot ang noo ni Kross.

Tumakbo ako papunta sa direksyon ni Stance, "Lakas mo talaga, have fun." Na-touch naman ako doon at hindi ko alam kung bakit kaya napayakap ako sa kanya.

"I'm so lucky to have you, bestfriend," bulong ko sa tenga niya at nag-wave na ako at nagpunta kay Kross.

Pinagbuksan pa niya ako ng pintuan sa sasakyan niya. Gentleman. Nang makasakay naman siya sa upuan niya ay gulat ko ng lumapit ang mukha niya sa mukha ko, 'yung puso ko!

"Uh... K-Kross."

"Seatbelt mo." sabi niya sabay ngisi ng makitang kinakabahan na ako. Natatawa nalang talaga ako sa naiisip ko. Tsk. Agad agad ko namang inayos ang seatbelt ko. Nagsimula na siyang ilabas ang sasakyan niya sa parking lot.

"Pinsan mo ba 'yung kanina?" tanong niya, "S-Sino?' takang taka na tanong ko sa kaniya.

"Uh... 'yung ano... 'yung niyakap mo." Naiilang na sabi niya, napatawa tuloy ako dahilan para magtaka siya, "Uh... Sorry, hindi ko siya pinsan uhm more like bestfriend." paliwanag ko sa kanya. Napa-iling iling naman siya.

"Why?" hindi ko naman maiwasang mapatanong dahil sa pag-iling iling niya.

"I don't believe in such things like that. Boy bestfriends? Something like that."

"Why is there something wrong with that?" tanong ko sa kaniya.

"Hmm, nothing really but knowing na may boy bestfriend ka pala... then there's something now."

"Ha? Bakit?"

"Kasi... mostly ng ganan, in the end either the girl or boy falls for their best friend or worst nagkakatuluyan sila, right?" seryosong sabi niya. "And knowing that you have one its scaring me."

"Ha?"

"I'm scared because I know there's a big possibility that you'll also fall for him and not with me."

Did he just confess his feelings for me? Or mali lang ang pagintindi ko?

Hindi ako sumagot dahil hindi ko naman alam ang isasagot ko. Yes, aaminin ko nung una parang pinaparating sa akin ni Stance na may feelings siya sakin pero kung hanggang ngayon ba ay hindi ko rin alam?

Tumigil kami sa isang mamahaling restaurant. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at nag-offer pa siya ng kamay, tinanggap ko naman 'yun at agad binitawan pagkababa.

Dinala kami ng isang waitress sa isang exclusive room. Nagba-blush pa nga 'yung waitress at mukhang kinikilig dito kay Kross.

Sa loob ng room na 'yun ay may isang lamesa lamang at dalawang upuan na magkatapat, may mga petals pa nga ng roses sa sahig at may tatlong lalaking natugtog ng violin at bass. Nakaka-relax 'yung music.

Maganda ang ayos, mukhang pinaghandaan niya ata lahat kahit lunch lang naman to. Ini-lead niya pa ako papunta sa upuan ko. Gentleman talaga. Umalis siyang sandal at gulat ko ng pagbalik niya ay naka-tuxedo na siya.

Natulala ako sa kagwapuhan niya at sa naka brush-up niyang buhok! Damn! He's so perfect! Kaya hindi na ako magtataka kung bakit andami talagang nagkakandarapa sa kanya.

Mabuti nalang at naka-dress ako ngayon, yun nga lang... black. Umupo na siya sa upuan niya at mas lalo siyang gwumapo ng nginitian niya ako! Nag-blush naman ako dahil doon. Tss!

Ilang segundo pa'y may pumasok na ang dalawang waiter dala dala ang mga pagkain at isang wine.

Nilagyan niya ang baso naming dalawa ng red wine at inilapag naman nung isa ang mukhang masarap at for sure mahal na pagkain. Tahimik lang kaming nakain ng umimik siya. "Can you now tell me the reason why you cried?"

Bahagya akong natigilan sa tanong niya. "Its nothing really. Nonsense lamang ang dahilan."

Non-sense.

"Its alright, basta ba malaman ko lang." sabi niya sabay ngiti ng bahagya.

"I think its really awkward kung sasabihin ko sa'yo." paliwanag ko pa sa kanya, tama naman, 'di ba? Sasabihin ko sa kanyang nasasaktan ako ng dahil sa isang lalaki? It is so wrong, right?

"Its okay, really." pamimilit pa niya, well tutal naman makulit siya sasabihin ko na, bahala na ang magiging feelings or reaction niya.

"Well... I'm broken hearted."

Nakita ko namang nagulat ang mukha niya. Ngunit agad niya rin namang itinago ang pagkagulat niya.

"I told you so."

"No, no. Its not because of that. Nakakapagtaka lang na sa ganda mong 'yan may mag-tatangkang saktan ka pa?"

Wow! Pinuri ako ng isang Kross de la Vega! Nag-init nanaman tuloy ang pisngi ko.

"Well, alam mo na siguro ang sagot sa tanong mo na 'yan."

Tumayo siya at lumuhod sa harapan ko yung parang nagpo-propose! Kinuha niya ang right hand ko at tinitigan ako ng brown eyes niya ng diretso.

"Just give me a chance and I promise you, you'll never get your heart broken. I'll love you with all my heart. I promise you that, Daffney."

Hindi naman ako makasagot.

"Its okay kung hindi ka sumagot. Its just that... this is my first time being in love and I just want to express and ipakita sa'yo na seryoso ako sayo."

"Well, thankyou Mister President. Just give me time to move on..." sabi ko sa kaniya bahagya ko siyang nginitian at pinatayo na siya.

"I'll wait for that time, then, Daffney."

Continue Reading

You'll Also Like

8K 541 61
Esperance Series 2 | An Epistolary Naranasan mo na bang mag-paubaya ng taong mahal mo? Lalo na't kung alam mong hindi siya liligaya sa piling mo. Per...
60.6K 361 33
Hi! These stories are just based on my perspectives. I don't know if you'll like it but I'm sure they are all good. Hope you like it!
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
15.2K 499 45
𝐋𝐮𝐦𝐚𝐥𝐚𝐩𝐢𝐭 ∥𝘊𝘖𝘔𝘗𝘓𝘌𝘛𝘌𝘋 - "Ang tanga 'ko... Matagal na patay 'yung hiya ko sa sarili 'ko dahil 'di ko alam... Sa laki at dami 'kong k...