Last Rose

By topally

85.8K 1.1K 109

Meet Mikee Hauser, a rebellious whirlwind with a mouth like a sailor and a love for laziness. She's always sk... More

Prologue
Chapter one
Chapter two
Chapter three
Chapter four
Chapter five
Chapter six
Chapter seven
Chapter eight
Chapter nine
Chapter ten
Chapter eleven
Chapter twelve
Chapter thirteen
Chapter fourteen
Chapter fifteen
Chapter sixteen
Chapter seventeen
Chapter eighteen
Chapter nineteen
Chapter twenty
Chapter twenty one
Chapter twenty two
Chapter twenty three
Chapter twenty five
Chapter twenty six
Chapter twenty seven
Chapter twenty eight
Chapter twenty nine
Chapter thirty
Chapter thirty one
Chapter thirty two
Chapter thirty three
Chapter thirty four
Chapter thirty five
Chapter thirty six
Chapter thirty seven
Chapter thirty eight
Chapter thirty nine
Chapter forty
Chapter forty one
Chapter forty two
Chapter forty three
Chapter forty four
Chapter forty five
Chapter forty six
Chapter forty seven
Chapter forty eight
Chapter forty nine
Chapter fifty

Chapter twenty four

1.1K 17 9
By topally

Napaunat ako pagkatapos kong ilapag ang ballpen sa mesa ko. Sa wakas at tapos na ako sa exam!

Nakasisiguro akong papasa sa tatlong subjects na tinake ko ngayong araw. Iniisip ko palang kasi yung magiging reward ko galing kay Kijan hindi na ako mapakali, syaka ang maisip na tapos ang hell week na 'to'y nagpapakasabik saakin ng sobra sobra.

Nakapag impake na ako ng mga gamit ko dahil sabi niya three days ang business trip na 'yon.

"Mikee!" Narinig ko ang sigaw ni Valie pagkalabas ko palang ng room. Nakita ko siyang maligalig na tumakbo papalapit saakin. "Confident akong hindi ako mag su-summer!"

Pumasok muli sa isipan ko 'yong mga exams na nasagutan ko sa mga nag daang araw... Isali pa ang dami ng bagsak ko noong unang simestre. Marami rami naman akong pinasok ng finals kung tutuusin at nagpapasa din ako ng requirements.

Hindi naman siguro...

"Oo na, hindi kana mag su-summer." Marahan kong tinapik tapik ang balikat niya at hilaw na nginitian siya. Tumuloy na ako sa pag lakad ng hindi siya hinihintay.

"Bakit ikaw ba? Hindi ka confident?" Tanong niya saakin habang sinasabayan ako sa pag lakad.

"Hmm?" Panandalian akong napaisip. "Iniisip ko palang yung mga nagawa ko nung nakaraang sem, kinakabahan na ako... Ayokong mapag iwanan." Dismayadong sabi ko.

"Akitin mo nalang yung mga Professor!" Sinipat ko siya pero hindi 'yon nagbigay babala para tumigil siya. "Panigurado namang hindi sila makakatanggi--" Bago pa man niya matuloy ang sasabihin niya'y, binatukan ko na siya.

"Mga iniisip mo talaga napaka layo sa realidad!" Mas binilisan ko na ang paglalakad ko para mauna sakanya.

"Suggestion lang naman, girl." Sabay peace sign niya.

Muntik ko ng makalimutan ang walang prenong bunganga nito at hindi pag kakaalam na pu-pwede mong sabihin sa utak ang gustong ilabas ng bibig mo.

Sana yung suggestion niya hindi niya nalang sinabi. Kinimkim nalang niya. Hay, kahit kelan talaga'

Nag beso na ako kay Val at niyakap siya. "Aalis na ako ha, see you in three days!" Hagikgik ko. Maghahanda na sana akong lumabas ng matamaan ko ang gate ng school namin pero bigla niyang hinawakan ang siko ko.

"Bakit? May outing agad kayo?" Taas kilay niyang tanong.

Humarap ako pero hindi padin tumitigil sa paglakad kaya't nabibitbit ko rin siya. "Hindi, isasama ako ni Kijan sa business trip niya!"

Gabi na ng makarating sa bahay. Afternoon shift kasi ang exams ko ngayon at dinagdagan pa ng traffic kaya gabi na ng makauwi ako.

Nag diretsyo sa kwarto ni Yaya Elen dahil doon ko nilagay ang maleta ko. Nakita ko namang nakahiga siya sa kama niya habang nanonood ng tinatangkilikan niyang Asian Dramas sa phone niya.

"Hi, 'Ya." Nakangiting bati ko pag kabukas ko ng pinto.

Napaupo siya sa kama niya ng makita ako at pinatay ang cellphone. "Ngayon kana ba aalis, Mikee?"

Tumango ako. "Opo, bukas na po kasi ng umaga ang alis namin eh." Sabi ko.

"Pano ang Mommy mo?" Nag aalalang tanong niya.

Lumapit ako at magaan na tinapik ang balikat niya. "Ako na po ang bahala sakanila. Huwag na po kayong mag alala..."

"Sigurado ka ba diyan, ha? Ayokong mapahamak ka."

Umiling ako at binigyan siya ng nakakasigurong ngiti na hindi niya kakailanganing mag alala. "Hindi po. Kasama ko si Kano!"

Nakita ko ang pag tawa niya dahil ayun ang tawag niya noon kay Kijan nung unang punta niya dito at kahit hanggang ngayon, ganun padin. Hindi nagbago kahit alam naman niya ang totoong pangalan nito.

Kinuha ko na ang isang malaking maleta ko na nasa ilalim ng kama niya. Nakalagay at nasa maayos na ang lahat ng kailangan ko rito.

Ilang oras lang ang pag hihintay ko'y nakatanggap na ako ng text kay Kijan na nasa labas na siya ng bahay para sunduin ako. Mabuti nalang at wala si Mommy o sila Lolo at Lola dito sa bahay kaya malaya akong makakaalis.

Hindi ko lang alam kung paano ko matatakasan ang mga tauhan ni Lolo na nakapalibot at pakalat kalat sa loob at labas ng bahay namin.

Pinagplanuhan na namin ito ni Yaya Elen. Alam ko ang mga haharapin kong pag subok makalabas lang rito kaya't handa kami sa dapat naming gagawing pag takas ko.

Ilalagay ni Yaya Elen sa big trash can ang maleta ko. Naka plastic naman iyon sa black bag kaya hindi madudumihan pero hindi ko lang alam kung yung amoy eh maalis pero, bahala na. Basta, makalandi! Chos.

Para makasama ko si Kijan.

Ang paraan lang ng pag labas ko ng hindi dinaraanan ang engrandeng gate ay ang pag akyat sa bakod.

Mahilig akong umalis ng hating gabi para makasama sa clubbing naming magkakaibigan kaya't hasa na akong gawin ang bagay na ito. Hindi pa kailan nahuli ni Mommy kapag ginagawa ko ang ganito. Paniguradong hindi rin ako mahuhuli ng mga kumag na 'to dahil abala  sila sa pag lalaro ng tongits.

Tinuloy na namin ang plano. Alam na ni Yaya Elen kung saan niya ibaba ang maleta ko sa tapat ng kotse ni Kijan at si Kijan naman ang aabang sa pag baba ko.

Lumabas na si Yaya Elen ng silipin ko siya sa garahe at nakita kong hindi naman nag suspetsya ang mga kumag sa pag labas niya. Kumilos na ako papunta ng garahe at gaya ng inaasahan ko abala silang lahat at walang nakapansin sa pagsampa ko sa bakuran.

Dahan dahan kong itinaas ang sarili ko para makahawak sa kahoy. Sinilip ko kung may tao sa pagbabagsakan ko at ng makitang wala ni isa ang nandoon, binilisan ko na ang kilos ko. One swift move, nakababa ako ng walang kahirap hirap. Ipinagpag ko ang kamay kong ipinangtukod ko sa lupa para hindi sumayad ang suot kong bistida.

Tatakbo na sana ako papunta sa kotse ni Kijan na tanaw kong maayos na nakaparada sa 'di kalayuan ng makarinig ako ng palakpak mula sa gilid ko.

"The things you do for me," Malaki ang ngiting suot suot ni Kijan habang walang tigil na pumapalakpak.

Kumindat ako at nginitian siya. "Why? Are you falling inlove with me even more?" Biro ko.

Lumapit siya saakin at hinanap ang mga siko ko. "I wouldn't care if you're some thief trying to climb to my house, I would allowed you to steal everything. Even my heart with it."

Napatungo ako para itago ang hindi mapigilang ngiti na mabilis sumilay sa labi ko. Hindi ko talaga kailanman matatapatan ang mga ganitong ginagawa niya saakin. His simple gestures, flowery words, affects me so much. I couldn't ask for more...

Tumakbo kaming dalawang magkahawak ang parehas naming kamay. Kailangan naming mag madali dahil minu-minuto may rumorondang tauhan ni Papa sa likod bakuran.

Nakarating na kami sa tapat ng kanyang sasakyan. Papasok na sana ako ng pigilan niya ako sa pamamaraan ng paghawak nito sa kamay ko. Iniharap niya ako sakanya at hinalikan sa noo pababa saaking labi. Mainit ang halik na 'yon. Sabik, gutom, at walang balak mag papigil.

Nahihilo kong hinawakan ang braso niya para sa karagdagang balanse. Ang isa niyang kamay ay gumapang papunta sa likuran ko at mas lalong niyang diniin ang katawan ko sakanya.

"Kijan... We..."

Hindi ko siya magawang ituloy ang sasabihin ko. Mas nagiging malambot ang katawan ko ngayong hawak hawak niya ako. Kung anong tigas ng katawan niya'y sobra ang panlalambot na nararamdaman ko. Ni Hindi ko siya magawang pag bawalan sa bagay na gusto ko rin.

Ramdam ko ang pamamaga ng labi ko ng tumigil siya sa paghalik saakin. Kahit madilim na'y kita ko ang pamumula noon dahil sa poste ng ilaw na nagsisilbing liwanag para saamin.

Gamit ang kanyang thumb finger, pinunasan niya ang gilid ng labi niya at isinubo 'yon sa paraan na makakapag bigay ng matinding init saaking nararamdaman.

"Let's go," mapupungay ang kanyang mata ng hawakan na ang kamay ko para igiya papasok sa loob ng kanyang sasakyan.

Fuck! It's too late now to notice that we're still in a public place!

Dumiretsyo kami sa penthouse niya dahil bukas pa naman ng madaling araw ang punta namin sa airport. Ipinag tataka ko 'yon dahil ang buong akala ko'y out of town business trip lang 'to.

Well, he's a business man. Hindi na 'yon nakakapag taka. Every second of his time important to him. Mas mapapabilis kung mag e-eroplano at mayroon din siguro kaming kasama na ibang kinikilalang tao.

"Bakit hindi nalang tayo dumiretsyo sa airport?" Tanong ko nang mailapat ang handbag ko sa couch saka naupo.

"Matagal pa ang hihintayin natin kung nagpunta agad tayo doon. Paniguradong mag aaya ka din pauwi." Sagot niya at tinabihan ako.

Inabot niya saakin ang passport na binigay ko sakanya nung nakaraang linggo dahil kakailanganin daw iyon. Napansin ko kaagad ang parihabang papel na nakaipit roon.

Hinugot ko ang papel at panandaliang binasa ang mga nakasulat. Isa 'yong plane ticket. Hindi nga ako nagkakamali.

Natigilan lamamg ako ng makita ang destinasyon ng pupuntahan namin. "Japan?!"

Halos mapatayo ako sa kinauupuan ko habang mahigpit na nakahawak sa parihabang papel at paulit ulit na binabasa ang mga nakasulat roon.

Tumango tango siya habang nakangiti. Omg! I can't believe this is happening! Pupunta ako ng Japan kasama siya?!

"Annyeonghaseyo!" Pumorma ako ng peace sign sa harap niya.

Tumawa siya kaya't napakunot ang noo ko. Mali ba ang sinabi ko? Tama naman, hindi ba? "Japan ang pupuntahan natin hindi Korea." Sabi niya at inabot ang naka peace sign kong kamay para ibaba.

"Ano ba ang hello sa Japan?" Napatanong nalang ako sa sarili ko.

Nǐ hǎo? Ay, chinese nga pala 'yon.

Mahaba pa ang oras na igugugol namin sakanyang penthouse kaya't para pampatay ng oras, nagluto muna ako para ng aming gabihan. Ngayon lang ako nakaramdam ng gutom. Kanina kasi'y parang busog na busog ako. Ni hindi ako nagawang dalawin ng gutom dahil sa pag mamadali at pag iisip narin ng kung ano anong masasayang bagay sa oras na umalis kami ni Kijan.

Hindi padin nag te-text si Yaya Elen kung may naghahanap na saakin sa bahay. Kadalasan kasi, chine check ako ng mga tauhan ni Lolo sa kwarto. Kaya ngayon, ipinagtataka kong walang paramdam ang kahit na sino man saakin.

I should be happy, right? Mas mabuti nga 'yon para wala narin akong iisipin sa loob ng tatlong araw na kasama ko si Kijan. I'll deal with my own problems right away as we get back here to Manila.

Ngayon, isasantabi ko ang lahat para sakanya.

"Hindi pa ba tapos 'yan?" Bakas sa iritasyon ang kanina pa nagrereklamo na si Kijan dahil sa inip nung niluluto kong Sinigang na Baboy.

"Sandali nalang 'to." Ngumiti ako sakanya at ibinalik ulit ang tingin sa kaldero habang hinahalo ang niluluto ko gamit ang sandok.

Umalis siya na siya mula sa pagkakaupo niya sa isa sa mga stool. Hindi ko na siya tinignan. Paniguradong patungo 'yon sa salas at doon nalamang mag hihintay para tawagin siya. Napagod na siguro sa kakakulit.

"Baby, I'm hungry..."

Napasinghap ako at halos mabitawan ang hawak kong sandok ng pumulupot ang kamay niya baiwang ko. Itinukod niya ang baba niya sa balikat ko at halos amuyin na ang leeg ko. Nailang ako kaya't humarap ako sakanya.

Tuminkayad ako para maabot ang ulo niya at hinimas himas ito ng parang aso. "Kawawa naman." Ngumuso ako.

Isang mabilis na halik ang iginawad niya sa labi ko at paulit ulit na ginawa 'yon. "Kijan!" Hagikgik ko ng bumaba ang halik niya patungong leeg ko. Halos makiliti ako sa maliliit na halik na ginagawa niya saakin.

"Tama na! Hindi ako matatapos mag luto kung ganyan ka!" Doon lang siya napatigil kaya muli na akong bumalik sa pag kakaharap ko sa stove.

Kinagat ko ang ibabang labi ko ng maramdamang wala siyang plano na tanggalin ang nakapulupot niyang kamay saakin. Ibinalik niya ang pagkakapatong ng baba niya sa balikat ko at marahang iginigiya ang baywang ko para sa mabagal na pag sayaw.

"Hindi pa ako naliligo..." Mahina't nahihiya kong sabi.

"I love your own body scent." He whispered. Amoy na amoy ko ang mamahaling pabango sakanya kahit na nakapag palit na ito ng pambahay niyang damit.

"Tss, bola." Sabi ko at itinuloy ang pag hahalo.

Kumain kami ng sabay sa hapag kainan at mas lalo pa akong ginanahan ng makita kong sarap na sarap siya sa niluto ko. Doon ko lang rin nalaman na paborito niya palang filipino dish ito.

Kaya pala hindi mag tigil ang pag rereklamo niya moong matagal akong magluto kanina.

"Ngayon palang... para na tayong mag asawa." Nakangiti itong tumingin saakin.

"Tingin mo, three years from now, tayo padin?" Tanong ko.

Hinawakan niya ang kamay kong napatong sa mesa at dinampian ng halik ang likod nito. Tangong may matamis na ngiti ang itinugon niya saakin.

Nandito na kami ngayon sa Aiport at kasalukuyang pasakay na sa eroplano. Hindi ako mag tigil sa kakakuha ng video at kaka picture habang nasa harapan ko si Kijan na siyang hila hila ang mga luggage namin. Talagang totoo nga ang ngyayari ngayon... I'm going to Japan with him!

As I expected, nasa business class kaming dalawa. Iyon din ang nakalagay sa plane ticket kanina kaya't hindi na ako nagulat na malamang dito kami sa ilang oras na biyahe.

"Nasaan na sila?" Tanong ko kay Kijan pagkaupo na pagkaupo namin sa mga seats namin.

Kanina pa ako palinga linga rito kung nasaan na ang mga kasama nitong business man. Iilang mga may kaya ang kasama namin ngayon rito na silang mapayapang namamahinga.

Baka nasa ibang eroplano o bukas pa ang dating?

"Hindi ko pa pala nasabi sa'yo... We're going on a vacation." Halos lumundag ang puso ko sa susunod nitong sinabi. "Just the two of us."

What?

Ito ba yung sinasabi niyang itatanan niya na ako? Kaming dalawa lang sa buong Japan trip na 'to?

"Sabi mo business trip?"

Kunwari ka pa, Mikee. Gusto mo din ngayon ka pa magtatanong ng ganyan.

Hinalikan niya ang ibabaw ng ulo ko. "Naniwala ka naman." Tsk! Damn you, Kijan! "You don't like it?" Nakita ko ang pag kunot ng noo niya ng tignan niya ako. I'm just hiding my kilig, noh! Gusto ko syempre! Ako pa ba?!

Lumingkis ako sakanya. "Because if you do... we'll just go back to my penthouse and spend our three days trip there." Mas lalo kong siniksik ang sarili ko sakanya at umiling.

"No. I don't wanna waste my opportunity to be with you. Not this time, baby..."

Mangha kong tinitigan ang malaking glass window na siyang tanaw ang kalsada ng bansang Japan. Sinalubong kami ng iilang naka black suit na satingin ko'y bodyguards ni Kijan. Pati ba naman rito sa Japan mayroon siya non? Kailangan ba?

Sila ang kumuha ng mga luggage namin para idiretsyo sa isang kilalang Hotel malapit rito.

"Saan mo unang gusto pumunta?" Mula sa pag kakahawak ko sa bintana ng sinasakyan naming sasakyan, lumingon ako kay Kijan suot suot padin ang hindi mawala kong ngiti dahil sa natatanaw kong kagandahan ng lugar.

"Gusto kong puntahan lahat at kumuha ng maraming pictures!" Sabik na sabi ko at itiniaas ang nakasukbit na camera saaking balikat.

"Alright," tango niyang sabi at hinalikan ang likod ng aking palad. Hindi niya 'yon binitawan kahit pa tumingin ito sa bintana para tingin ang mga nadaraanan namin.

"Talaga? Mapupuntahan natin lahat?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

Lahat kasi ng sinasabi niya, ginagawa niya. Kahit na ang mga iba don ay nagagawan niya parin ng paraan. Involve man o hindi ang pera, nagagawa niyang posible ang lahat.

This one is an exception. Hindi 'yon pwede. Tatlong araw lang ang mayroon kami at sa laki ng Japan, ako mismo ang mapapagod kahit pa gaano ko ito kagusto.

"Kapag hindi natin napuntahan lahat sa loob ng tatlong araw, mag extend tayo. Kahit pa tumira na tayong dalawa dito."

Umiling ako sakanya. "You can't do that, Mr. Scott. Marami kang pinagkakaabalahan sa buhay mo."

Muli niyang hinalikhalikan ang likod ng kamay ko at tumigil lang ng tumitig siya saakin. "Pinag kakaabalahan din naman kita, ah? Anong pinag kaiba nun?"

Binawi ko ang kamay ko sakanya. Seryoso ba siya dyan? Hindi ako nakapag baon ng maraming damit kung totoo nga! Hindi ko rin siya hahayaan na gawin 'yon, ano? Maraming tao ang umaasa sakanya and this three days leave of their CEO is such a big loss.

Kahit pa tingin ko'y natapos naman na lahat ni Kijan ang mga dapat niyang gawin, kailangan padin na nandoon siya sa sarili niyang kompanya para gabayan ang lahat.

Ipinatong ko ang ulo ko sa braso niya at kumuha ng picture habang siya'y busy mag drive. Palihim ko din siyang kinuhaan ng video ng mahinto kami sa traffic light.

Hindi lang kasi talaga ako makapaniwala. Para akong nakahiga parin sa kama ko sa Manila at nananaginip ng maganda. Kung kakatok man si Yaya Elen ngayon para sa isang almusal, hindi ko 'yon bubuksan kahit pa mairita ako ng sobra.

Panandalian kong tinitigan ang mga nakuha kong magagandang pictures sa phone ko at ipinost iyon sa social media accounts ko.

Una naming pinuntahan ang Todaiji Temple at ang sabi nitong napaka matalino at matalinghaga kong boyfriend, "It is not only the world's largest wooden building, It is home to the world's largest bronze Buddha statue." Itinuro niya ang buddha na nasa harap namin ngayon.

Hindi ko alam kung saan niya nahugot ang mga kaalaman niya patungkol rito pero ang sabi niya, lahat ng tao alam 'yon. Ako lang ata ang hindi?

Madami dami nadin naman ang mga turista ngayon dito dahil kasi simula na ng bakasyon. Nag picture kami sa labas at loob ng temple. Makikita mo talagang napaka laki ng statue ni Buddha.

Tinitignan ko palang ang paligid, at gaya ko maraming hindi din makapaniwalang naririto sila sa Japan at nilalanghap ang sariwang hangin nito.

Lima ang nalagyan ko ng check sa notes ko. Ang Todaiji Temple, Jigokudani Monkey Park, Himeji Castle, Great Buddha of Kamakura and lastly, ang Great Torii Gate na kilalang kilala. Nung nag punta kami sa mga 'yan, hindi nawawalan ng tao at halos bumaliktad na ang dila ko kaka subok mag salita ng hapon.

"こんにちは、良い夜!" (Hello, good evening!) Ayan agad ang bungad saamin ng isang babaeng naka kimono pag pasok namin ng Restaurant. Ano? Ano ba sinasabi niya?

Hinawakan ko ang kamay ni Kijan para sumenyas sakanya kung ano ang sinasabi ng babae saakinz Tutal siya naman itong nakaka intindi ng Japanese saamin at nakikipag usap rin siya kanina sa ibang mga hapon para kuhanan kami ng litrato.

"2つのテーブルはどうですか?" (Table for two, please?) Ibinaling niya ang tingin ulit sa babae at sinabi 'yan. Ano bang pinag uusapan ng dalawang 'to?!

"かしこまりました。こちらです" (Yes sir, this way) Sagot ng babae at nauna siyang mag lakad saamin. Susunod na sana si Kijan ng hawakan ko ng mahigpit ang kamay niya para makuha ang atensyon niya.

"Anong pinag uusapan niyo? Pwede akong maki join?" Bulomg ko kahit alam kong walang makakaintindi saakin rito kundi siya't ako lang.

Umiling siya. "Hindi." Nagulat pa ako ng belatan niya ako. Aba!

Dinala niya na ang kamay ko papunta sa isang silid na gawa sa kahoy at mayroong lamesa at dalawang unan sa magkabila na satingin ko, 'yon ang magiging upuan namin. Nakikita ko kasi ito minsan sa mga movies o teleseryeng pinapalabas.

Umupo na kami at binitawan ko na ang kamay ni Kijan. Bakit ba kasi ayaw niya pang sabihin saakin kung ano ang pinag usapan nila. Sobrang nakaka curious kaya. Maganda, maputi at singkit pa ang babaeng 'to.

"What do want to order?" Tanong ni Kijan saakin pero hindi ko siya pinansin at tumingin sa babae.

"Anong relasyon mo sa boyfriend ko?" Nakataas kilay kong sabi.

Napakunot naman ang noo niya dahil satingin ko'y hindi niya maintindihan ang sinabi ko. Tsk, kung kaya mo mag hapon kaya ko naman mag tagalog! Kala mo dyan?

"すみません。あなたの言うことがよくわかりません" (Excuse me, Ma'am. I don't understand what you are saying) 

Woah, pambihira. Ang haba pa ng sinabi niya eh wala naman akong naintindihan ni isa.

"What are you doing?" Pabulong na sabi saakin ni Kijan.

"Waitress siya at hinihintay na niya ang order natin." Hindi ko tuloy ang dapat na sasabihin ko dahil sa mga sinabi niya. Napatingin ako sa babaeng nakatayo sa harapan namin at napansin ko din ang ibang mga babaeng nasa labas ng silid na ito, iisa lang din ang mga suot nila. Pare-parehas pa.

Tumungo naman ako. Kung saan saan talaga ako dadalhin ng kagagahan ko. "Sorry, sorry." Sabi ko habang kinikis kis ang dalawang palad ko.

"彼女は日本語を話す方法を知らないので、私たちが話していることについて彼女は間違った考えを持っています." (She doesn't know how to speak Nihongo that's why she got the wrong idea on what we are talking about.) Ayan ang narinig kong pagkahaba haba na sinabi ni Kijan kaya napa tunhay ako at nakita kong ngumiti ang babae saakin.

"あ、そう。大丈夫だよ." (Ah, okay. It's fine.) Nakangiting tugon niya.

Dumating na ang order namin. Sashimi at mga sushi ang ngayong dinner namin dahil ayoko namang mag Ramen dahil mahirap tunawin sa tiyan ang noodles.

"Hindi mo sinabi saakin na marunong ka palang mag Japanese?" Sabi ko pagkatapos kong isaw saw sa soy sauce ang salmon sashimi at isinubo.

Tumunhay siya mula sa pagkakatingin niya sa pinggan niya. "Marami ka pang hindi alam saakin." Ibinaba nito ang chopstick na hawak niya.

"Kilala na kaya kita. Alam ko na marami ka ng napuntahang bansa kaya madami kana din alam na lengguawahe." Sagot ko pero kinuha niya ang napkin na nasa lamesa at pinunas iyon sa gilid ng labi niya.

"Are you done? Already?" Tanong ko habang hinuhuli siya ng mga tingin ko.

"Paano nalang kapag nawala ka dito? Hindi mo alam mag salita ng lengguwahe nila. Anong gagawin mo?" He said with no humor. His hooded eyes filled me. Hindi ko iyon maintindihan.

"Hahanapin mo naman ako, hindi ba?" Hilaw akong napangiti. Seryoso? Nagagalit siya dahil hindi ako marunong mag salita ng Japanese?

"Paano kapag bigla nalang akong nawala sa tabi mo ng hindi mo namamalayan? Kalat ka pa naman at hindi mo alam kung saan ang direksyon mo kapag nakakakita ka ng bago sa paningin mo." Nawala ang ngiti sa labi ko ng hindi ko inasahan na sasabihin niya 'yon saakin.

Kalat? Anong pinaparating niya? Inosente ako, ganun?

Binaba ko narin ang chopstick na hawak hawak ko. Para akong nawalan ng gana kumain. "Alam mo hindi kita maintindihan eh. Ang babaw ng kinakagalit mo."

"Hindi ako nagagalit." Diin niya.

"Eh ano 'yan? Pag aalala? Masaya ako kasi, hindi ko alam na dadalhin mo pala ako sa lugar 'to. Kaya sa susunod, ipaalam mo muna saakin kung saan tayo pupunta para maging handa ako. Kung hindi ko kaya, gagamit ako ng ingles. Maraming paraan kung gugustuhin kong makasama ka." Wala na akong narinig na sagot mula sakanya pagkatapos kong sabihin lahat ng 'yan.

Tahimik ko nalang pinagpatuloy ang pagkain ko dahil sa panghihinayang na marami pang natira.

Maya maya lang, itinaas ni Kijan ang kamay niya. "お会計お願いします." (Check please.) Itinaas ko din ang kamay ko sa waiter.

"Separate fees." I spat.

Tahimik kami buong magdamag sa loob ng sasakyan at hindi nag kikibuan. Sa tuwing namamataan ko siya, hindi nawawala ang kunot ng noo niya at ang matalim na tingin sa kalsada na animo'y may malaking ginawa 'to sakanya.

Siya pa 'yang ganyan ngayon? Ang sama ng loob ko sakanya! Mas matanda siya saakin pero ang babaw niya kung magalit. Dahil lang sa hindi ako marunong mag hapon eh parang naapakan ko na ang buong pagkatao niya!

Ganito ba talaga kapag mas matanda sayo ang boyfriend mo? Hindi ko rin malaman kung saan nang gagaling ang mga buntong hininga na pinapakawalan niya pati narin ang mga sinabi niya saakin kanina na,

Hindi ko siya ganun pa kakilala?

Anong ibig sabihin niya roon?

Tsk, ang gulo niya! Minsan okay, minsan hindi.

Nakarating kami sa Hotel na tutuluyan namin. Marmol na sahig, kulay kahel na mga ilaw na hindi naging hadlang sa pagsalubong ng mga mata namin sa malaking kwarto. Malaki't matangkad ang glass window na nag mimistulang pader ngayon habang tanaw na tanaw ang mailaw na gabi ng Tokyo.

"Mag shower na ako." Ang baritonong boses ni Kijan ang nagpatigil saakin sa pag aanalisa sa buong paligid. 

Hindi ko siya sinagot at ng marinig ko nalang ang pag sara ng pintuan sa CR, agad kong kinuha ang cellphone sa bag ko saka pinuno ng selfie.

Nag diretsyo na ako sa bed room at wala din akong masabi sa ganda nito. Ang malaki't malambot na kama ang agad nakita ng mga mata ko na siyang tinatawag ako para mahiga.

Ipinaubaya ko ang sarili kong lumundag roon at marahang ipinikit ko ang mga mata ko habang dinadama dama ang pagkakahiga ko sa malambot na kama. What is life? 

Napamulat nalang ako ng maalalang isang araw na akong wala sa bahay at wala ni isang kumokontak saakin. Mapa-messenger, text or call. Wala.

Kinuha ko ulit ang phone ko at binuksan. Minessage ko agad sila Val sa group chat namin. Buti at gising pa ang mga ulupong kaya tumawag ako for video call.

"Hi!" Masayang bati ko habang isa isa na silang nag lalabasan.

"OMG! Natuloy ka nga!" Si Valie habang nag sisigaw.

"Akala ko nakalimutan mo na kami napunta kalang sa Japan for honeymoon." Si Les.

"Honeymoon ka dyan! Reward saakin 'to ni Kijan, noh!" Pinilit kong hinaan ang boses ko dahil baka marinig ni Kijan na pinag uusapan namin siya.

I won't let him hear how I'm fond of this place gayung 'di kami mag kaayos dalawa. Alam na naman niya 'yon sa paulit ulit kong sabihin sakanya ang kagandahan ng Japan.

"Reward saan? Parang wala ka namang magandang na a-accomplish sa buhay mo." Aba't nagsalita pa 'tong si Jaydy!

"Wow, parang may nagawa kadin ah." Sipat ni Yiko kaya napatawa kaming lahat.

"Lalabas na ang grades sa susunod na linggo ah." Tila sumakit bigla ang ulo ko ng marinig ang kinatatakutan ko. Bakit pa ba ako tumawag sa mga 'to?

"Sinong kausap mo?" Napabalikwas ako at naupo sa kama ng marinig ko ang boses ni Kijan.

Itim na roba ang suot niya habang nag pupunas ng twalya sa basa niyang buhok. Napalunok ako at iniwas ang tingin sakanya. Malamig parin ang paninitig niya at akala mo'y isa akong problemang hindi niya mairesolba.

Don't tell me matutulog kaming magkagalit dalawa? C'mon! It's our first day here! Napaka babaw lang talaga! Naiinis ako!

"Sila Les." Tipid kong sagot.

"Si Kijan ba 'yan?" Tanong nilang lahat kaya iniharap ko ang camera kay Kijan. "Nako, ayan na! Kailangan na nila ng time sa isa't isa! Enjoy ha!" Ayan ang narinig kong sabi nila at nag tawanan muna bago nila ibaba.

Napa hilamos nalang ako sa mukha ko ng maintindihan ang mga sinasabi nila. Maling itinapat ko kay Kijan dahil magkakaroon sila talaga ng maling ideya.

Anong ideya ba ang iniisip mo, Mikee?

Tumayo na ako mula sa pag kakaupo ko sa kama at kinuha ang twalyang maayos na nakapatong sa kama.

"Maliligo na ako." Makakalagpas na sana ako sakanya pero laking gulat ko nalang ng hatakin niya ako pabalik at yakapin patalikod.

Naupo siya sa kama habang nakaupo ako sa kandungan niya. Napasinghap ako. The smell of his aftershave and fresh shea butter scrub is all over me, slowly... drowning to his scent. Hindi ako makagalaw dahil sobra ang higpit ng yakap nito saakin.

"Ipangako mo saakin na ako lang ang paniniwalaan mo." He whispered huskily.

"Anong ibig mong sabihin?" Halos magkabuhol buhol na ang dila ko masabi lang ang dapat kong sabihin.

"Whatever happens, always believe in me. Kapag sinabi ko, iyon lang ang paniniwalaan mo." Dahan dahan naging maluwag ang mahigpit na yakap niya saakin.

Unti unti kong ibinaling ang tingin ko sakanya at nakita ang mapupungay nitong mata. The coldness to his eyes is gone.

Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti. "Pangako. Ikaw lang ang paniniwalaan ko." Tumatangong sabi ko at nilingkis ko ang kamay ko sakanya para gawaran ito ng yakap.

Mahigpit, matagal ang naging yakapan naming dalawa. Dinig na dinig ko ang magkaparehas na tibok ng puso namin dalawa.

Dahan dahan na kaming humiwalay sa pag yayakapan at magkalihis ang tingin namin sa isa't isa. Napaawang ako ng labi ko ng makitang nakatingin siya sa labi ko. He grabbed my chin with his right hand. I close my eyes until I felt his soft lips touch my lips.


























follow me on my social media accounts:

twitter: @amedc_

instagram: @amedc_20

Continue Reading

You'll Also Like

4K 3.9K 35
Three faces Three personalities Three bodies One heart Tripple Shots Si Ariana ay hinahabol ng mga terorista, sinundan siya ng kapatid niyang si Cria...
384K 20.1K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1M 33.1K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...