Last Rose

By topally

85.8K 1.1K 109

Meet Mikee Hauser, a rebellious whirlwind with a mouth like a sailor and a love for laziness. She's always sk... More

Prologue
Chapter one
Chapter two
Chapter three
Chapter four
Chapter five
Chapter six
Chapter seven
Chapter eight
Chapter nine
Chapter ten
Chapter eleven
Chapter twelve
Chapter thirteen
Chapter fourteen
Chapter fifteen
Chapter sixteen
Chapter seventeen
Chapter eighteen
Chapter nineteen
Chapter twenty
Chapter twenty one
Chapter twenty two
Chapter twenty four
Chapter twenty five
Chapter twenty six
Chapter twenty seven
Chapter twenty eight
Chapter twenty nine
Chapter thirty
Chapter thirty one
Chapter thirty two
Chapter thirty three
Chapter thirty four
Chapter thirty five
Chapter thirty six
Chapter thirty seven
Chapter thirty eight
Chapter thirty nine
Chapter forty
Chapter forty one
Chapter forty two
Chapter forty three
Chapter forty four
Chapter forty five
Chapter forty six
Chapter forty seven
Chapter forty eight
Chapter forty nine
Chapter fifty

Chapter twenty three

1K 18 4
By topally


Tapos narin sa wakas ang three days suspension ko at ngayon, papasok na ako sa trabaho. Wala halos akong ginawa sa bahay kundi ang makipag kwentuhan ng walang humpay kay Yaya Elen. Kabisado ko na ang naging buhay niya sa mahigit limampu't anim na taong gulang siyang namumuhay sa mundong. Kahit pa ang pagiging byuda niya ay napag kwentuhan nadin naming dalawa.

Nakatayo ako ngayon sa elevator kung saan paakyat na ako papuntang department. Ano na naman kayang mangyayari sa araw na 'to? Hindi naman na siguro ako mapupunta sa hospital o 'di kaya naman masususpend. Buti na nga lang at walang Dace akong nakita sa tatlong araw kaya iwas kamalasan.

Bumukas na ang elevator. Lalakad na sana ako papasok ng mag taka akong wala ni isang tao ang pumapasok sa loob kahit pa madaming nag aabang sa elevator na 'to. Nilingon ko ang mga taong nasa likod ko kanina pero lahat iyon nag laho. Ang weird talaga ng mga tao dito sa kompanyang 'to.

Ibinalik ko na ang tingin ko papasok sa elevator pero natigilan ako ng makita ko siya.








Si Kijan..









Sa dinami dami ba namang tao ang makikita ko itong tao pa talaga.


Iniwas ko nalang ang tingin ko sakanya at nag tuloy pumasok sa loob ng elevator. Pinindot ko na ang floor ko. Sobrang tahimik lang ng paligid na tila wala ni isa saamin ang gustong mag salita. Gustong gusto ko na makaalis sa elevator na 'to. Ayoko rin naman makasama siya dito kung hindi lang kay Mr. Zhi Shu dahil alam kong sermon ang abot ko kapag na late na naman ako.

Maya maya lang, tumunog na ang elevator kung saan ang floor ko. Sa wakas, makakalabas na rin sa impyerno. Akmang aalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko at isinarado ulit ang elevator. Iniharap niya ako sakanya at doon ko mas nakita ng malapitan ulit ang mukha niya.

"Bitawan mo ako kung ayaw mong pindutin ko ang emergency button." Pagbanta ko sakanya.

"Mag usap tayo." Malumanay na sabi niya at dahan dahang binitawan ang kamay ko.

"Tungkol saan?" Sabi ko at isinaayos sa pag kakasumbit ang shoulder bag ko. "Tungkol sa pang babastos mo sakin? Marami pa ba tayong dapat pag usapan? Satingin ko kasi, matagal ng wala. Kaya pwede ba, pag nakita mo ako ulit umakto ka nalang na kailan man hindi tayo nagkakilala." Matapang na sabi ko sakanya at tumalikod na para buksan ang elevator.

Nag tuloy na ako mag punta sa department. Nakita ko namang papalabas si Anj at Cha. "Good morning, welcome back!" Bati nila saakin. Aba, iba ata ang ihip ng hangin? Parang kailan lang hindi nila ako magawang batiin nung dumating ako noon dahil sa sobrang busy nila.

"Saan ang punta niyo?" Tanong ko sakanilang dalawa.

"Mag kakape muna kami. Nakaka stress na sa loob umagang umaga eh." Sabi ni Anj.

"Sama ka?" Aya saakin ni Cha. Nag aalangan pa akong sumagot dahil kakailanganin kong magpakita muna kay Mr. Zhi Shu. "Nako bakla. Huwag mong alalahanin si shihtzu. Siya ang dahilan kung bakit kami na iis-stress." Sabi pa ni Cha at hinigit na ang kamay ko ng walang sabi sabi at isinama sakanilang tatlo para mag lakad.


Nakapunta na kami sa Coffee shop dito lang din sa loob ng Querencia. Hindi ko akalain na makakapunta ulit ako dito as a employee na talaga sa Kompanyang ito. Pinaupo na ako nila Cha at Anj pero hindi ko padin makuha kung bakit ang bait ng dalawang 'to saakin at sila pa daw ang mismong manlilibre saakin. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali sakanila o sadyang trip lang nila ako.

Napaka weird talaga sa Company na 'to.

Habang hinihintay silang mag order, kinuha ko muna ang cellphone ko at nag browse muna sa Social Media. Hanggang sa mahagip ng mga mata ko ang pamilyar na lalakeng nakaupo sa di-kalayuan. Ibinaba ko ang cellphone ko at tinignan ng mabuti kung sino 'yon.

"Si Papa Dace!" Matinis na sabi ni Cha at itinuro si Dace na siyang busy sa pag babasa ng libro. Napatingin ang lahat ng tao dito sa Coffee shop dahil sa lakas ng boses niya.

"Omg, ang tagal ko din siyang hindi nakita!" Kinikilig na sabi ni Anj habang nakatingin kay Dace. Nakakahiya sila.. Pinagsisihan ko tuloy na sumama pa sakanila dito.

Kinalabit naman ako ni Cha habang hindi padin niya inaalis ang tingin sa lalakeng iyon. "Be, close na naman siguro kayo ni Papa Dace, doon nalang tayo pumwesto."

"Oo, nga teh. Doon nalang tayo." Gatong pa ni Anj. Syempre, talagang nag kakaintindihin sila.

"Nako, ayoko!" Sabi ko sakanila na halos pabulong dahil ayokong makita ako ni Dace. Nilingon naman ako ng dalawa at yung tingin na alam mong may balak, ganun ang mga tingin nila saakin ngayon.

Nakakatakot..

Walang anu-ano'y, hinila nila ang magkabilag kamay ko at pinilit akong ipinunta sa direksyon kung nasaan nakaupo si Dace. Shet  naman, bakit ba hindi ko talaga mapipigilan na hindi makita ang mga taong ayaw ko makita?

Binitawan na nila ako ng makalapit na ako kay Dace. Hindi siya tumingin saakin at busy lang sa pag babasa habang medyo kunot pa ang noo niya. Napatingin naman ako kila Anj at Cha na akala mo nasa isang basketball game kung icheer ako. Pahirap 'tong dalawang 'to eh.

"May nawala ka na naman ba kaya saakin mo hahanapin?" Narinig kong sabi ni Dace kaya napatingin ako sakanya.

Isinara niya ang librong binabasa niya at inilagay iyon sa tabi niya saka humalukipkip at sumandal sa kinauupuan niya. Tumingin siya saakin kaya mas lalo akong nabalik sa wisyo. "Wala." Diretsyong sabi ko.

Narinig ko ang pag sitsit nila Anj saakin kaya napatingin si Dace sakanila. Wala pa siyang sinasabi, agad na silang nag punta kung nasaan kami at umupo. "Hi, Mr. Dace Rangford! Kaibigan po kami ni Mikee." Sabay nilang sabing dalawa at nakipag kamay kay Dace.

Wow, kaibigan talaga?

Kaibigan pag may kailangan?


"Madalas po ba kayo dito sa Coffee shop ng Querencia?" Tanong ni Cha sakanya. Aba't chinika na?

Nakita ko naman ang pag ngiti ngiti ni Dace habang kausap niya sila Anj at Cha. Tsk, mapagpanggap. Plastik lang ang peg? "Hindi naman. Kikitain ko ang CEO today kaya ako nandirito." Sabi niya at tumingin saakin. Nang aasar ba siya? Dahil sa unexpected niyang plan sa pakikipag kita sa CEO noon, na suspend ako ng tatlong araw. Tsk.

"May kasama po ba kayo sa pakikipag kita sakanya?" Tanong ni Anj.

Umiling si Dace. "Wala naman." Sagot niya.

"Last time po kasi na isama niyo si Mikee, na suspend siya ng tatlong araw ng head sa department namin." Natatawang sabi ni Cha. Tawa tawa pa kayo dyan. Bwisit.

Napatingin naman si Dace saakin at agad ding binalik ang tingin kila Anj at Cha. "Si Mr. Zhi Shu ba?" Tanong niya at tumango naman sila habang umiinom ng kape.

Paniguradong hindi niya alam ang naging suspension ko dahil hinintay muna ni Mr. Zhi Shu na makaalis siya bago ako bungangaan at kahit pa ng uminom kaming dalawa sa bar, hindi ko rin nabanggit sakanya. Napainom nalang din ako ng kape at hindi ko inaasahan na parehas pa kaming napahigop sa kape.

Ibinaba ko ang akin at siya muna ang pinauna ko. Lumipas ang oras, at silang tatlo lang ang nag-uusap usap syaka hindi din kasi ako maka relate sa mga pinag uusapan nila. Patungkol iyon sa pagiging isang sikat na Journalist ni Dace. Kung sikat siya, bakit hindi ko siya kilala? Nagpa-picture pa silang dalawa. Kulang nalang autograph. At kahit ayaw kong sumama sa picture, isinama nila ako.

Natigil lang ang usapan nila ng may tumawag kay Dace sa phone niya. Lumayo muna siya saamin at sinagot ang tawag na 'yon.

"Grabe, Mikee. Ang swerte mo naman pala at nakasama mo siya dahil sobrang bait niya." Puri ni Anj.

Napangiwi naman ako sa sinabi niyang 'yon. Napaka pakitang tao talaga nitong Dace-lapuk na 'to. "Oo nga, satingin ko nga swerte ako." Sabi ko nalang sakanila habang hindi nila mai-alis ang tingin kay Dace.

Nabalik na sila sa ayos ng ibaba na niya ang cellphone at inilagay sa bulsa ng suot suot niyang slacks. Bumalik na ulit siya sa pag kakaupo niya kaso tumunog ang mga cellphone nila Cha at Anj pati narin ang ibang tao dito sa Coffee shop. Pagkatapos nilang basahin iyon ay halos isinaayos nila ang sarili nila at nagkunwariang naging busy sa mga ginagawa nila. Tulad nalang ng ngyari nung una akong magpunta dito.

Ang tagal ko na talagang pinag tataka kung bakit ganito ang inaakto nila matapos nilang makabasa ng message sa cellphone nila. Kinalabit ko naman si Anj na ngayon ay parehas nilang binabasa ang libro ni Dace.


Luh? Anong ngyari sa dalawa 'to?

Narinig ko naman ang pag tawa ni Dace habang nakatingin sa mga taong nandito sa Coffee shop. "Dapat maging busy kadin." Natatawa tawang sabi niya.

"Para saan naman?" Maldita kong sagot sakanya at inirapan siya. Pinagpatuloy ko ang pag kalabit kay Anj.

"Bakla ka, darating yung CEO. Sumama ka nalang sa pag babasa dito." Sabi ni Cha saakin at itinuturo yung librong kinuha nila kay Dace para basahin.

Bakit kailangan mag paka-busy kapag darating siya? Hay, weird.

Hindi ko nalang sila pinansin at tumayo na muna papunta ng restroom. Hindi ko pa nakikita ang CEO mag mula ng mag trabaho ako dito at ng makipag appointment si Dace sakanya, hanggang leeg lang ang nakita ko sakanya pero hindi ko pa iyon nakita ng matagalan dahil nga siguro may aura siyang kinatatakutan ko o kinatatakutan ng lahat.

Lumabas na ako sa restroom at kasalukuyan ng naglalakad pabalik kila Cha pero natigilan ako sa paglalakad ng makita kong nakatayo ang mga tao sa Coffee shop habang naka tungo sila sa direksyon kung saan nakaupo sila Anj, Cha at Dace. Itinuloy ko na ang lakad ko habang naka bow din gaya nila.

Ano ba 'tong ginagawa ko? Naka bow habang naglalakad? Lakas din ng sapak ko eh.

Nakarating na ako sa table kung nasaan sila. "Good morning, Mr. Scott." Napatunhay ako ng marinig ko ang sinabing bati ni Dace sa taong ngayon nasa harapan ko.



Ilang beses kong ipinikit ang mga mata ko after kong pagdugtung dugtungin lahat ng ngyari saakin sa Kompanyang ito.

Kahit pa maraming nag bago sa pangangatawan niya, kilalang kilala ko padin siya.







Natanggap ako dito ng wala akong matinong sagot kahit pa madaming nagsasabi na hindi madali makapasok dito para makapag trabaho.

Nang ma hospital ako dahil sa sprained ankle ko. Iyon din ang pinaka unang pagkikita namin ni Dace at ang pagkakakilala namin ni Mr. Filloso at ang pagkakaroon ko ng Personal Nurse.

Ang hindi ko inaasahang amoy ng paboritong pabango ni Kijan ng magkasalubong kami ng CEO noon.

Matapos ng pangyayaring iyon, inaya ako ni Dace uminom kasama siya na ipinagtaka ko ng sobra.

Ang pag aakala kong hindi sinasadyang dumating si Kijan sa Bar kung nasaan kaming dalawa.

Ngayon ko lang napagtanto ang sinabi noon ni Dace saakin.. "May gusto lang akong ipakita sayo."

Pati narin ang pagtanong ni Dace saakin tungkol sa dahilan ng paghihiwalay namin ni Kijan noon.

At ngayung araw na 'to, nakita ko si Kijan sa hindi inaasahang oras at pagkakataon. Sa mismong building at elevator ng Kompanyang pinagta trabahuhan ko.

Ngayon, nakatayo siya sa harapan ko kausap ang lalakeng nagpapanggap na hindi alam ang lahat tungkol saakit pati narin sa lalakeng kinatatakutan ng lahat at iiwasan mo na parang bala kapag nakita mo.


Siya, ang tinatawag na Big Shot.







Now it all make sense..




















He's the CEO of Querencia.














MARCH 2015

Finals examination na ngayong week at ito ang pangalawang araw. Nakatingin lang ako magdamag sa test paper ko habang paikot ikot ang proctor na nag babantay saamin. Wala talaga akong maisip na isasagot dito. Tinitignan ko lang para walang masabi ang proctor kahit ang totoo walang pumapasok sa isip ko. Wala laaht ng nireview ko sa loob ng isang linggo para lang dito.

Matapos ng pangyayaring inuwi ako ni Lolo at pinaglayo kami ni Kijan, hindi na kami nagkikita.  Hinahatid at sinusundo ako ng tauhan ni Lolo. School--bahay lang at kahit pa ang tumambay kasama ang mga kaibigan ko, hindi ko din nagagawa. Sila nalang ang pumupunta sa bahay para lang magkasama sama kami at pag patak ng 8pm, kailangan na nilang umuwi.

Nakakasakal. Ito na ang pang apat na araw na ginaganito nila ako. Text at calls nalang din ang nagiging usap namin ni Kijan. Buti na nga lang at hindi nila nagawang i-ban saakin ang cellphone ko. Paniguradong mababaliw ako.

"Hauser," Nabalik ako sa wisyo ng makitang nasa harapan ko na ang proctor. "I think you're not yet ready to take the final exams." Pagpapatuloy niya.

"Po?" Nagtatakang tanong ko.

Inilapag niya ang papers sa desk ko at nakita kong iyon ang  mga exam papers na tinake ko kahapon. "These are your exams yesterday. You just leave it all blank." Sabi niya at itinuro ang mga iyon. "Kung wala sigurong pangalan ang mga exam papers na 'yan, ginamit na 'yan ng ibang students na kaparehas ng kurso mo na na-late sa pag take ng exams dahil sa nakulangan sa pag print ng mga test papers." Dagdag niya pa.

"I'm sorry po, Ma'am." Pagpaumanhin ko.

"Is there anything bothering you?" Umiling ako. "Just feel free to talk to me." Sabi niya at kinuha na ulit ang mga test papers ko.


Itinuloy ko nalang ang pag sagot sa exam at kahit pa wala akong alam sa mga tanong dito, hinulaan ko nalang lahat.


Bumaba na ako sa sasakyan at nagtuloy sa pagpasok sa loob ng bahay. Nakita ko sila Mommy at Lola na sa salas at nag tsa-tsaa. "How's your exam?" Tanong saakin ni Lola pero hindi ko siya pinansin at nag diretsyo lang ako mag lakad paakyat sa kwarto ko.

Nakakawalang gana kung yung mismong pamilya mo pa ang pumipigil sa kasiyahan mo. Kaya huwag na silang mag taka kung bakit ganun ang inaakto ko sa harap nila. After Lolo take me away from Kijan, he leaves without a word. Wala siyang inexplain saakin kung bakit ayaw niya kay Kijan at pagkatapos, lahat nag bago.


"Love!" Natutuwang bati ko ng sagutin niya ang cellphone niya.

"Are you home?" Tanong niya saakin. Paniguradong nasa work padin siya. I always check up on him. Nagtatanong din ako kila Drix, Alvin at Chester tungkol sakanya.

"Yeap. Sobrang hirap ng exam pero nasagutan ko naman." Pagsisinungaling ko kahit na hirap na hirap na ako sa exams ko kanina. Ayaw ko kasing malaman niya na hindi maganda ang performance ko sa School dahil alam kong hindi siya matutuwa at sisihin niya pa ang sarili niya kung bakit hindi ako makapag focus sa studies ko.

"That's good. Huwag mong kalimutan ang magiging reward mo para mas ganahan kang sumagot." Sabi niya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mapangiti kapag sinasabi niya 'yan. Kasi naman, kahit na hindi kami nakakapag kita he always kept reminding me about his promise. Na isasama niya ako sa business trip.

"Yes, boss!" Nakangiting sagot ko at humiga sa kama. "Love, pano kapag hindi ako nakapasa?" Pag iiba ko ng topic. Baka kasi sobra siya mag expect sa results ng exam ko kahit na alam ko naman na walang posibilidad na mapasa ko ang mga iyon. Ako na ang negatron ng taon!

"Hmm, lets see." Ayan lang ang sinabi niya. "I gotta go now, Love. I have meeting in 10 minutes. I'll call you, okay?" Ito talaga yung pinaka ayaw kong marinig sa kalagitnaan ng pag uusap namin sa phone. Lagi nalang napuputol dahil sa meeting.

"Okay, I'll wait for you." Pagpapaalam ko.

"I miss you." Shutainames!

"I miss you too." Kinikilig na sagot ko at ibinaba niya na ang phone niya.

Napabuntong hininga nalang ako at napayakap sa phone ko. Ilang araw pa ba akong magiging ganto at sa phone lang naririnig at nakikita ang boyfriend ko? Boring na nga dito sa bahay, mas lalo pang naging boring dahil laging nandito sila Lola at Lola para i-check ako. Hindi padin humuhupa ang sama ng loob ko kay Mommy sa nagawa niya. Hindi ko rin naman napapansin ang effort niyang kausapin ako o mag explain man lang saakin. Sa tingin ko, expected niya na 'tong mangyari at okay lang sakanya na habang buhay akong ganto sakanya.


Nagising ako sa kalagitnaan ng panaginip ko. Gabi na pala. Hindi ko namalayan ang oras. Iminulat ko ang mga mata ko at nanatiling blangko ang nakikita ko. Kinapa kapa ko ang lamp shade dahil wala akong nakikita sa gabi or what they called night blindness. Nabuksan ko na ang lamp shade at laking gulat ko ng may makita akong lalakeng nakatayo at nakapamulsa habang nakatingin lang sa labas ng balkonahe ko.

"Sino ka?" Tanong ko at bumangon sa kama ko. Inilingon niya ng kaunti ang mukha niya at doon ko nakita ang pag ngiti niya. Medyo hindi ko pa maaninag ang mukha niya pero wala naman akong kabang nararamdaman.

"Kanina pa ako nandito. Ang tagal mo magising." Lumakas ang kabog ng dibdib ko ng marinig ko ang boses ni Kijan. Kaagad akong napatakbo sakanya at niyakap siya ng mahigpit patalikod. "Ganun mo ba ginamit ang utak mo kaya antok na antok ka?" Hindi ko pinansin ang pang asar niyang iyon saakin at niyakap lang siya.


Miss na miss na miss na miss ko ang boyfriend ko!


"Bakit hindi mo sinabi saakin na pupunta ka." Sabi ko habang nakayakap padin sakanya. Hinawakan naman niya ang kamay ko at humarap siya saakin.

"Gusto kong surpresahin ang mahal ko." Nakangiting sabi niya saakin at hinalikan ang noo ko. "Ang hirap ng may girlfriend na sobrang strict ng pamilya." Narinig ko pa ang pag tawa niya.

"So gusto mo makipag break saakin, ganun?" Biro ko.

Nginitian niya lang ako ng nakakaloko at niyakap ulit ako ng mahigpit. "Paano ako makikipag break kung sobrang attached na ako sayo?" Sabi niya habang yakap ako para bang bawal akong pahingahin.


That night, we made love. Hindi namin pinalagpas ang gabing iyon kaya hindi kami natulog pareho. Nag usap at nag kwentuhan lang kaming dalawa sa mga ngyari noong mga nakaraang araw. Mahirap kasi pag hindi mo nagagawnag i-express yung sarili mo sa phone call lang. Walang kasawaan kahit pa tignan lang namin ang mga mukha namin and I can see through his touch, eyes and kissed that he missed me so much. Until the morning came up, sinabayan niya pa ako to do my daily routine.

Mas ginanahan na akong mag exam dahil nakita ko na ang taong charger ko kaya full 100% na ulit ang battery ko.


Naiwan akong naglalagay ng lotion sa CR dahil sa si Kijan, nagbibihis na. Nang mapansin ko ang cellphone niyang nakalapag sa may cubicle. Hindi ko nalang pinansin iyon at nagpatuloy sa pag lalagay ng lotion hanggang sa hindi ako mapakali at kinuha ko ang cellphone niya. Binuksan ko iyon dahil minsan kong nakita ang password ni Kijan kapag tinatype niya.

Hindi naman iyon sadya. Nakikita ko lang talaga.

Ako ang wallpaper niya na talaga nga namang nag pakilig at nagpangiti saakin. Iyon ang picture namin nung pinaka unang first date namin at nanonood kami ng fireworks. Siguro matagal na nga siyang hulog saakin? Chos!

Tinignan ko ang mga picture sa gallery ng phone niya. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin dahil number one stalker itong boyfriend ko. Kahit pa ang mga throwback pictures ko ay nandito sa phone niya pati ang mga recent ones. Mayroon din siyang mga selfie na hindi ko aakalain na nag se selfie at wacky poses din siya sa loob ng office niya.

Mas lalo tuloy akong nahuhulog sakanya. Hays..

Itinaas ko pa mula sa pinaka una at natigilan ako ng makita ang mga iilang picture ng babae sa phone niya. Ito ba ang namatay na girlfriend niya?

Tinignan ko ang mga picture niya at kahit ako, namamangha sa kagandahan niya. Mala anghel ang beauty niya at ang saya saya ni Kijan sa mga picture na ito habang tinitignan ko. Yung mga ngiti niyang 'yon, hindi ko makita sa tuwing kasama ko siya. Ibang iba kasi sa personal pati sa picture.

Narinig ko ang pagkatok niya sa pintuan kaya agad kong itinago ang cellphone sa likuran ko. "Love, are you done?" Tanong niya.

"Just a minute." Sagot ko pabalik.

Ibabalik ko na sana ang cellphone niya mula sa pwesto nito. Napa buntong hininga nalang ako at umiling para ialis ang mga negative thoughts na pumapasok sa isip ko.


Mahal ako ni Kijan.




















follow me on my social media accounts:

twitter: @amedc_

instagram: @chaially20

Continue Reading

You'll Also Like

4K 3.9K 35
Three faces Three personalities Three bodies One heart Tripple Shots Si Ariana ay hinahabol ng mga terorista, sinundan siya ng kapatid niyang si Cria...
754 186 62
Sebastian Easton Madden is a gamer that has a passion for reading stories with unhappy endings. He is known for his brain almost like Einstein and hi...
3.5K 61 122
CODE GRAY Book 1, Part 1 Van feels upset when it comes to these things - friends, family, trust and the truth she wants to know, the truth about her...