Last Rose

Da topally

85.8K 1.1K 109

Meet Mikee Hauser, a rebellious whirlwind with a mouth like a sailor and a love for laziness. She's always sk... Altro

Prologue
Chapter one
Chapter two
Chapter three
Chapter four
Chapter five
Chapter six
Chapter seven
Chapter eight
Chapter nine
Chapter ten
Chapter eleven
Chapter twelve
Chapter thirteen
Chapter fourteen
Chapter fifteen
Chapter sixteen
Chapter seventeen
Chapter eighteen
Chapter nineteen
Chapter twenty
Chapter twenty two
Chapter twenty three
Chapter twenty four
Chapter twenty five
Chapter twenty six
Chapter twenty seven
Chapter twenty eight
Chapter twenty nine
Chapter thirty
Chapter thirty one
Chapter thirty two
Chapter thirty three
Chapter thirty four
Chapter thirty five
Chapter thirty six
Chapter thirty seven
Chapter thirty eight
Chapter thirty nine
Chapter forty
Chapter forty one
Chapter forty two
Chapter forty three
Chapter forty four
Chapter forty five
Chapter forty six
Chapter forty seven
Chapter forty eight
Chapter forty nine
Chapter fifty

Chapter twenty one

1.2K 19 1
Da topally

Napaalis agad ako sa pagkakayakap saakin ni Dace. Hindi ako nag salita o kahit pa tumingin sakanya. Basta nag lakad nalang ako ng tuluyan.

Sa haba ng pag lalakad ko at pati narin hindi ko din alam ang itinatakbo ng isip ko. Until I found myself standing in front of Valie's Condo unit. Nakailang ring ako ng bell at binuksan niya 'yon ng inaantok pa habang kumakamot sa ulo niya. Alam kong late nadin pero at times like this, siya lang talaga ang lagi kong tinatakbuhan. She's like a sister to me.

"Late na ah?" Iyon agad ang sabi niya saakin. Lumapit ako at niyakap siya.

"I met Kijan today." Sabi ko. Naramdaman ko naman ang pag tap nito sa likod ko habang magkayakap kami.

"Darating at darating talaga na magkikita kayong dalawa sa hindi inaasahang pag kakataon." Malumanay niyang sabi habang patuloy lang ito sa pag tap sa likod ko.

Nag usap kami ni Val sa mga ngyari saakin at pagkatapos nun, mag katabi kaming natulog dalawa pero ako, mag isang hindi makatulog at nakatingin lang sa kawalan. Inaalala ko din ang sinabi ni Val, that she's more interested with Dace rather than Kijan. Kahit anong pag iisip ko at pag iintindi sa mga ngyari kanina, hindi ko ma-gets yung logic. Alam kong hindi lang coincidence ang mga ngyari. I know that Dace has something to do with this.

Tanghali na ng magising ako. Sumasakit ng kaunti ang ulo ko. Bumangon akong wala na si Val sa tabi ko at nang magpunta ako sa Ref para kumuha ng tubig, nakita ko ang nakadikit na sticky note with a hand writing of Valie.

Teh, humihilik ka pa ng umalis ako hindi halatang malungkot ka niyan ah. Anyway, may pagkain na sa lamesa and make sure kumain ka ha! Just text me pag paalis kana :)

Gaya ng nakalagay sa note, nag iwan nga siya ng makakain ko kaso malamig na dahil nga sa anong oras na ako nagising. Nag hilamos muna ako bago ako kumain ng hinain niyang sausage at fried rice.

Mag two-two weeks nadin ng matanggap si Val sa trabaho kaya minsan ko nalang din siya makasama. Halos lahat kami busy na. Birthday pa ni Jaydy nung huli kaming magkita mag ba barkada. Namimiss ko tuloy sila. Hindi na kasi tulad ng dati na kapag nag aya ka ng tambay lalo na kapag sa Studio ni Yiko, go kaming lahat. Sobrang solid dati.

Baka maiyak pa ako dito. Tinuloy ko nalang ang pag kain ko kahit napaka tigas na ng kanin na 'to.


Nakiligo na din ako at ginamit ang mga naiwan kong damit dito sa Condo niya. May sarili na nga akong cabinet dahil marami rami din ang mga damit kong nandito. More than bestfriend talaga ang turingan namin sa isa't isa. Para na kaming mag kapatid dalawa talaga.

Paalis na sana ako at balak ko ng itext si Val ng makita kong nawawala ang phone ko. Hinagilap ko sa bag ko pati sa suot ko pero talagang wala. Kung minamalas ka nga naman oh! Saan ko hahanapin iyon ngayon? Napaupo ako sa kama habang pilit kong pinagapagana ang utak ko. Shet, Mikee.

Hindi din naman ako sure na nadala ko iyon dito kasi nag usap lang kami ni Val at natulog na pagtapos. Hindi kaya nandun sa bar kung saan kami uminom ni Dace o di kaya nasa kotse niya? Ugh, ano ba naman 'to! Napahilamos nalang ako sa mukha ko dahil baka nga na kay Dace talaga ang cellphone ko.


Nag iwan nalang ng note kay Val bago ako umuwi ng bahay. As usual, na momroblema ako kung saan lupalop ko hahanapin yung cellphone ko. Hindi naman ako pwedeng pumunta kay Dace para kuhanin ang cellphone ko dahil hindi rin naman ako nakakasigurado kung nasa kanya ba talaga. Napa buntong hininga nalang ako habang nakatingin sa bintana ng sasakyan pero bigla akong nabuhayan ng loob ng makita ko si Dace na siyang papasok sa loob ng Coffee shop.

Namamalikmata ba ako? Huminto ang kotse dahil sa nag red light kaya naman sinundan ng mga mata ko hanggang sa pag pasok niya sa loob at nakita ko ngang siya iyon. Si Dace nga!

"Manong, dito na lang po." Mabilis kong kinuha ang wallet at nag bigay na sakanya ng pera. Bumaba ako at tumakbo na papasok sa Coffee shop na pinasukan ni Dace.

Nakita ko naman siyang kasalukuyang nag o-order sa counter. Dahan dahan akong naglakad papalapit sakanya at ng makarating sa kinatatayuan niya, nagkunwarian akong nabangga siya. Nabaling naman niya ang tingin saakin.

"Oh, nandito ka pala!" Kunwari akong nagulat ng makita siya. Tinignan lang niya ako mula ulo hanggang paa at binaling na ulit ang tingin sa counter.

Nag tuloy ulit siyang mag order. "One cappuccino--"

"Make it two." Sabat ko habang naka peace sign at tumingin naman ang babae saakin pero nginitian ko lang siya.


Nang matapos na kaming umorder--siya pala, sinundan ko lang siya hanggang sa naupo siya at binuksan ang laptop niya. Pano ko ba io-open up 'tong gagahan ko? Tinawag na ang pangalan niya para kunin ang order pero nag offer akong, ako na ang kukuha. Pagbalik ko, may kausap siya sa cellphone niya kaya naman hinintay kong matapos iyon. Wala na naman akong naintindihan dahil about sa work ang pinag uusapan nila.

Inilapag na niya ang cellphone sa table at nag patuloy ulit sa pag ta type sa laptop niya. "Paborito mo ba 'tong cappuccino? Ako kasi green tea latte eh." Tanong ko sakanya out of nowhere. Hindi ko kasi alam kung paano ko ba itatanong sakanya and besides, pag naaalala ko yung pag iyak ko sakanya kagabi parang gusto ko nalang mag palamon sa lupa.

"Hindi ko tinatanong." Sabi niya habang hindi ako tinitignan. Ang sungit naman nitong lalakeng 'to! Kung wala lang talaga akong itatanong sakanya, hindi din naman ako mag sasayang ng oras makipag usap sakanya, noh?

Tumango tango nalang ako at humigop sa kape ko. Mahigit 30 minutes nadin akong nakaupo dito sa upuan na 'to habang nakaharap sakanya. Hindi niya din ako pinapansin at busy lang siya pag ta type sa laptop niya. Naka apat na phone calls nadin siya at malapit narin maubos ang kapeng iniinom ko.

Wala talaga siyang balak pansinin ako? Tsk, pero kagabi iba ang comfort niya saakin. Hay, bakit ko ba iniisip pa 'yon? I cleared my throat para naman alam niyang nandito ako pero dedma lang ang mokong. Ginalaw ko ang upuan para madistract siya pero hindi padin niya ako pinansin. Hay, hangin lang ba ako sakanya?

Lumipas ulit ang oras at ubos na ang kapeng iniinom ko. Hanggang kailan ba siya dito? Kulang nalang tumambling, mag split, mag exhibition ako sa harap niya at mag sasayaw dito sa Coffee shop para lang mapukawko ang atensyon niya.

"Excuse me, Sir?" Lumapit naman sakanya ang isang babae may edad na. Satingin ko ay nasa mid 50's niya. Napalingon si Dace mula sa pagkakatingin nito sa laptop niya. "Napaka cute ng girlfriend mo. Pansinin mo na siya at huwag ka ng magalit sa pagiging makulit niya." Pagpapatuloy niya at nginitian ako.

Ha? Girlfriend?

Napakunot naman ang noo ni Dace. "Ano 'yon?" Takang sabi niya.

Itinuro naman ako ng babae. Ako? Girlfriend niyan?! "Bagay na bagay kayo dalawa. Sana magtagal kayo." Payo pa niya at tinap ang balikat naming dalawa bago pa man siya umalis ng tuluyan.

"Ano bang sinasabi niya?" Sabi ni Dace habang nakasunod ng tingin sa babae. Nang makalabas na ito sa Coffee shop, tumingin saakin si Dace yung tingin na what-are-you-doing-look. "Bakit ka ba nandito?" FINALLY!

Inayos ko ang upo ko. "Itatanong ko lang sana kung nasayo ba yung cellphone ko? Wala kasi saaki--"

"Mukha ba akong hanapan ng nawawalang gamit?" Bara niya saakin. Daig pa babaeng may regla sa sungit niya eh!

Tumayo ako at padabog na sinumbit ang shoulder bag ko. Tsk, sinayang ko ang ilang oras ko sakanya! Kung kaya naman palang ng ilang segundo matatapos ang usapan.

Tumingin na ulit ito sa screen ng laptop niya. Babalakin ko na sanang umalis ng bigla siyang nag salita. "Sa susunod, huwag ka ng iiyak ng parang bata." Sabi niya. Kaya muli akong napaharap sakanya at nakita ko naman ang mga ngisi sa labi niya.

Iiyak ng parang bata? Ha!

Napapikit nalang ako ng mariin ng maalala ko na naman ang pag iyak ko sa harapan niya. Shet! Bakit kailangan pa niyang banggitin iyon?

Binuksan ko na ang mga mata ko at nakita kong inilapag niya ang cellphone ko sa lamesa mula sa bulsa niya. Para namang kuminang kinang ang mga mata ko ng makita ang aking precious cellphone.. Nandito ka lang pala all this time.. Bumalik ulit ako sa pagkakaupo ko kanina. Abot kamay ko na sana ang phone ko ng kuhanin niya ito pabalik.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Akin na." Madiin kong sabi. Umiling naman siya habang nakangiti at nag crossed arms.

"I'll give this to you, if you answer me honestly." Hindi ko alam na may question and answer pa pa pala kapag kinukuha ang sariling gamit mo.

Inis naman akong tumango. "Oo, sige ano 'yon?" Para matapos na at makauwi.

Ipinatong naman niya ang siko niya sa lamesa at tinignan ako mata sa mata. "What's your relationship with Kijan Scott?" Panandalian akong hindi nakasagot sa tanong niya. First question palang ligwak na ako!

Bakit naman siya interesado sa relasyon namin ni Kijan? Isipin palang ang pangalan niya, sukang suka na ako. Tinawanan ko nalang ang naging tanong niya saakin. "Ex ko." Direktang sagot ko sakanya.

Tumango naman ito ng paulit ulit at pinamulsa na ang mga kamay niya. "Anong dahilan at nag hiwalay kayo?" Ayan ang tanong na hindi ko kayang sagutin dahil kahit mismo ako hindi ko maatim na lalabas ang mga salitang iyon galing sa bibig ko.

Ngumiti nalang ako as if parang naging masaya ang break up naming dalawa. "Hindi na kami nag kakaintindihan." Pagsisinungaling ko. Siguro 'yon na ata ang pinaka mababaw na dahilan para saakin.

"I'm sure that there's a deeper meaning behind your break up." Ayan ang sinabi niya at inilapag na ang cellphone ko sa lamesa.

Hanggang ngayon, ramdam ko parin ang panginginig ko pati ang kaba kapag naaalala ko ang ngyaring iyon tatlong taon na ang nakakalipas.






Nang makauwi ako ng bahay, nag punta agad ako ng kwarto at nag pahinga. Humingi nadin ako ng gamot kay Yaya Elen. Matapos kasi ng pag uusap namin na ni Dace, nahilo nalang ako bigla at hindi naging okay ang pakiramdam ko.

Narinig ko nalang ang pag bukas ng kwarto ko kaya inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Mommy. "I talked to Mrs. Wartz yesterday." Sabi niya at sumandal sa pintuan. "She said that you're doing a great job." Great job my ass. Suspended nga ako ngayon.

Hindi ko ba alam pero na we-weirduhan ako sa Kompanyang pinasukan ko. Sila ang sumagot ng ma hospital ako. Tapos nagkaroon pa ako ng Personal Nurse. Hindi ka pu-pwedeng makalapit lang sa CEO na kung tawagin nila ay Big Shot at dahil din dun, na-suspended ako ni Mr. Zhi Shu na hindi ko malaman kung bading ba o in between.

"I'm just doing this for fun." Sabi ko nagpunta sa tapat ng closet ko at binuksan iyon.

"Well, I'm proud of you. I can say that you're grown up now." Narinig ko nalang ang pag sarado ng pintuan.

Napangiti nalang ako habang kumukuha ng damit ko pang palit.

That's the first time.







MARCH 2015


Tatlong araw na ang nakakalipas mag mula ng mag kasama kami ni Kijan. Hindi na kami nakakapag kita dahil sa nalalapit na final exam namin. Kahit na hindi ko kaugalian ang mag review, napapa review nalang din ako kasama si Val dahil sinabi nila saakin na major turn off daw kapag mas matalino pa ang lalake sa'yo.

Ano namang palag ng utak ko? Malalim na english pa nga lang, duduguin na utak ko. Kinuha ko ang cellphone sa side table ko at tinignan kung mayroon text saakin si Kijan or missed calls pero kabaliktaran iyon sa iniisip ko.


Hays, hindi man lang ba niya kayang mag text kahit isang sentence lang? Nakakainis. Bakit niya ba ako lagi pinag hihintay ng ganito? Hindi na ba niya ako mahal?

Ano bang iniisip ko? Paranoid ko masyado! Hulog na hulog?!

Tinawagan ko nalang si Alvin at naka ilang ring lang, sinagot na niya. "Mikee, napa tawag ka?" Tanong niya. Maingay ng kaunti ang paligid niya at naririnig ko rin ang ibang sigawan ng babae.

Nasa club kaya siya?

Tumawa naman ako. "Itatanong ko lang sana kung may balita ka kay Kijan?" Medyo nilakasan ko pa ang boses ko dahil hindi niya daw ako masyadong marinig.

"Si Kijan?" Ulit niya. Pakiramdam ko naman ang pag layo niya sa mga nag sisigawang babae at ang napaka ingay na karaoke dahil sa tumahimik ang paligid niya. "Kasama ko siya ngayon, Mikee." Napa kunot naman ang noo ko ng marinig iyon sakanya.

ANO?

Kasama niya sa Club?

Napa bangon naman ako mula sa pag kakahiga ko sa kama. "Nasaan ka ba?"

"Nag karoon ng konting celebration sa bahay niya da—" Hindi ko na tinuloy pa ang sasabihin niya at agad na binaba iyon.

Tinanggal ko ang face mask ko at basta nalang tinapon iyon sa sahig dahil sa inis. Napatawa nalang ako sa kawalan pagkatapos kong makausap si Alvin. Tatlong araw hindi nag paparamdam saakin at sa tatlong araw na 'yon nag alala talaga ako ng malala sakanya tapos ngayon mababalitaan kong nasa bahay at nag ce celebrate habang may nag sisigawan na babae? Wow, nakakabilib ka talaga Kijan!

Pinakalma ko muna ang sarili ko habang lumalakad lakad sa kwarto ko. Hindi na ako nakapag pigil pa at kinuha ang car keys ko. Kahit pa naka pajama at t shirt lang ako, mag isa akong nagpunta sa penthouse niya. Makalipas lang ng ilang minuto nakarating na ako sa Hotel.

Papasok na sana ako sa elevator ng may palabas na ilang kalalakihan. Nang makapasok, ako lang ang mag isa ngayon sa elevator. Kinakabahan ako. Mabilis ang pagtibok ng puso ko kasabay nun ang pangangatog ng tuhod ko. Hindi ko alam ang mangyayari once na makita ko siya. Kung ano ano nalang tuloy ang pumapasok sa isip ko. Nakarating na ako sa pinakatuktok ng Hotel--iyon ang penthouse niya.


Bumukas ang elevator at siya agad ang bumungad saakin. Nakita ko pa ang ngiti niya pero bigla iyong nawala ng makita niya akong nakatayo sa loob ng elevator. Nakasuot siya ng party hats habang may dala dala dalawang soft drink sa magkabilang kamay nito. Maingay at makalat din ang buong paligid.

"Love, hindi ba dapat nag re-review ka?" Para makalandi ka habang busy ako sa final exam ko?

Naglakad na ako papasok at nakita ko sila Chester, Drix at Alvin na nag sasayawan habang kumakanta ang ilang babae sa karaoke.  "Ano 'to?" Sabay turo ko sa salas.


"Hindi ko agad nasab--"

"Ano bang tingin mo? Na kapag umaalis ako, iniiwan ko yung utak ko sa bahay?" I can't believe this! Napatahimik naman ang buong paligid at nakita kong nahinto sila sa pag kakantahan at pag sasayawan ng marinig nila ang sinabi ko.

Yes, I say that out loud. Bakit ba? Ako pa lolokohin nila ngayon?

"Love, what are you saying?" What am I saying? Ikaw pa 'tong patay malisya ngayon? "We had a little celebration for Alvin's birthday."

Alvin's birthday?

Para bang nag loading pa sa utak ko ang sinabi niya saakin. Nabalik lang ako sa wisyo ng hawakan ni Kijan ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya. "Hindi ba nag usap tayo na mag fo-focus ka sa final exam mo kaya hindi muna tayo mag uusap?" Dahil sa pagka miss ko sakanya hindi ko na naisip na may deal nga pala kaming ganun.

Napayuko nalang ako. "Sana sinabi mo saakin na may ganitong party ka pala sa bahay mo.. May mga kasama pa kayong babae. Ano gusto mong isipin ko?" Iba padin naman kasi talaga na nakikita mong may ibang babaeng aaligid sa boyfriend mo.

"Sila ba?" Tinuro naman niya yung mga babaeng nag sasayawan at nag kakantahan kanina pero ngayon mga nakaupo nalang. "Pinsan niya ang mga 'yan. Ang iba, lumabas para bumili ng maiinom." Pagpapatuloy niya. Bigla naman pumasok sa isip ko ang mga kalalakihan na kasalubong ko kanina sa elevator.

Gusto ko nalang tuloy maglaho ng parang bula. What am I thinking? Nanatili lang akong nakayuko dahil sa kahihiyan. Yung mga hindi ko magandang naisip kila Alvin pati narin ang mga babaeng nandirito ngayon.

"Sorry.." Nauutal utal kong paumanhin sakanila. Naramdaman ko ang paglapit saakin ni Kijan para yakapin ako. Sobrang namiss ko lang talaga siya kaya ganun ang naiisip ko.

Hinalikan niya ang noo ko. "Kung ano man ang iniisip mo ngayon, hinding hindi ko gagawin 'yon." Sabi niya. Mahina at sapat na para kaming dalawa lang ang makarinig.

Natigil ako sa pag iisip ng kung ano anong hindi maganda pagkatapos niyang sabihin iyon. I should trust and believe him. Ginagawa niya lang ito para din naman saakin at sa ikakaganda ng grades ko. Sinabi ko pa naman kila Mommy na gagawin kong inspiration si Kijan pero ako pala itong hindi makapag concentrate lalo sa pag aaral pag hindi kami nakakapag usap dalawa.


I am madly inlove with this guy.


Mag kahawak ang kamay naming dalawa at ngayon habang naglalakad papunta ng parking lot. Tumigil muna ako sa paglalakad at nag punta sa harap niya. "Ano ang reward ko kapag nakapasa ako?"

Napaisip pa siya habang nakatingin sa itaas. "Edi, you did a great job." Sabay tawa niya ng nakakaloko. Lalakad na sana ulit siya ng hawakan ko ng mahigpit ang kamay niya.

"Kailangan may reward. Para naman ganahan ako mag review." Pagpupumilit ko habang nakangiti ng sobrang lapad sakanya. First time in history 'to na mag se seryoso ako mag review, ha!

"Kailangan bang palaging may reward para pag butihan ng isang bagay?" Nawala naman ang malapad kong ngiti sakanya. Para kasi siyang isang kuya na pinagsasabihan ako. "You shouldn't expect for something if you'll do it voluntarily." Pagpapatuloy niya pa.

Binitawan ko ang kamay niya. "Gusto ko kasi na maging proud ka saakin kaya ko 'to gagawin." Grabe, para naman humihingi ako ng bahay sakanya.

"Then don't do it. Hindi kita pinipilit." Tinataasan niya ba ako ng boses? Wow, siya pa itong ganyan ngayon?

"Talaga! Hindi ko gagawin!" Inis kong sabi at nag lakad palayo sakanya.

"May nakapag sabi saakin na hindi mo naman talaga tinututukan ang pag aaral mo at magdamag mo lang hawak ang cellphone mo." Narinig ko pang sabi niya kaya natigil ako sa paglalakad at humarap sakanya.

"Oo! Hindi ko tinututukan ang studies ko! Palagi akong absent o kung hindi naman palaging late!" Sigaw ko dahil sa medyo malayo kaming dalawa sa isa't isa. "Kailangan mo pa talaga akong i-monitor? Kaya kong sabihan ang mga 'yan sayo harap harapan!" Dagdag ko pa.

Hindi niya ako sinagot at inis lang itong nag lakad patuloy ng parking lot. Sinundan ko lang siya ng tingin. Talagang iniwan niya ako dito mag isa?

"Hindi naman ako ang nauna ah. Nang hihingi lang naman ako ng reward sakanya." Nasabi ko nalang sa kawalan.

Dahil sa medyo malalim na ang gabi at nakakatakot pa ako sa paligid dahil nung nagpunta kami ni Kijan, wala halos tao ang nandito. Wala akong nagawa kundi sumunod sakanya. Nakita ko na na nakasakay na siya sa kotse pero hindi pa niya binubuksan ang makina.

Alam kong nakita niya ako pero hindi siya tumingin saakin. Tsk, siya pa itong galit saakin ngayon? Padabog akong sumakay sa loob ng sasakyan niya at padabog ko din sinarado ang pintuan nun. Nang makapasok ako, saka lang niya binuksan ang makina ng sasakyan at nag start na siyang mag maneho.

Tama lang ang pag papa takbo niya at kahit walang traffic ngayon, hindi niya binibilisan. Sobrang tahimik lang sa loob ng sasakyan at wala ni isa saamin ang nag sasalita kundi ang music lang mula sa Radio. Nag aaway ba kaming dalawa? Napaka babaw naman kung iyon ang pag aawayan naming dalawa.

Oo na, mali ko na. Hindi dapat ako humihingi ng kapalit sakanya kung gusto ko talagang maging proud siya saakin at paniguradong mas nagalit siya ng sagutin ko pa siya ng pabalang.

Gumalaw ako at sumilip sa bintana. Ano bang gagawin ko para kausapin niya ako? Talagang dedma lang ako ngayon sakanya.  Humanap ako ng paraan para pansinin at kausapin niya ako dahil malapit na kami ng kaunti sa bahay.

Hinawakan ko ang ulo ko at nag kunwariang dumadaing. "Aray, bakit kaya sumasakit ang ulo.." Kunwariang sabi ko habang nakahawak sa ulo at nakapikit pa na parang stress na stress.

Best actress na ba?

Iminulat ko ng kaunti ang mata ko at tinignan kung may pag aalalang makikita sa mukha ni Kijan pero wala. Diretsyo lang ang tingin niya sa kalsada hanggang sa inihinto niya ang kotse sa gilid. Bumaba siya mula sa saksakyan at sinundan ko naman siya ng tingin kung saan siya pupunta. Napangiti nalang ako ng makita ko siyang pumasok sa loob ng pharmacy.

Susundan ko sana siya ng biglang may nag ring na cellphone. Napatingin ako sa driver's seat at nakita ko na cellphone iyon Kijan. Naiwan pa pala niya. Tinignan ko naman kung sino ang tumatawag pero unknown number lang ang nakalagay.

Nag he-hesitate pa akong sagutin pero baka importante ito kaya sinagot ko na. "Hello?" Narinig ko naman ang pag tawa niya mula sa kabilang linya. Prank call ba 'to?

"Ito ba ang girlfriend ni Kijan?" Tanong niya. Matanda ang boses niya. Hindi kaya Lolo niya 'to? Hala!

"Opo, ako nga."

"Paki sabi sakanya na tumawag ako at kinakamusta siya."

"Sino po sila?" Tanong ko.

Ilang segundo itong hindi sumagot at pag hinga lang ang naririnig ko mula sa kabilang linya. "Venedict."




















follow me on my social media accounts:

twitter: @amedc_

instagram: @chaially20

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

103K 3.3K 46
A mute girl, Century, was living a cruel life in her guardian's custody. She was a victim of physical and mental abuse. That changed when she returne...
754 186 62
Sebastian Easton Madden is a gamer that has a passion for reading stories with unhappy endings. He is known for his brain almost like Einstein and hi...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...