Not Just A Pretty Face

By LushEricson

75.8K 1.4K 89

Binansagan si Casey sa kanilang university na "beauty with no brains." Kabilang siya sa tinaguriang "The Lose... More

I'm With Stoopid
Stoopid Spells E-F-F-O-R-T
Kilig Acceleration
Kilig Inertia
Freud Thingy
Heartbreak Probability
Me Minus You
Cannot Be, Borrow One From Me
False Deduction
Circulatory System Sucks

Just a Typical Happy Ending

8.4K 185 17
By LushEricson


ITINURING ni Casey na pangalawang heartbreak ang nangyari. Mula kasi ng gabing dalhin sa ospital ang mama ni Red ay hindi na tumawag ang lalaki sa kanya. Kung kailan abot-kamay na niya ang happy ending na gusto niya, 'tsaka pa nangyari iyon. Minsan talaga nakakainis ang buhay. Marahas at hindi patas.

Lagi siyang nagbubukas ng shop sa pagbabaka-sakaling dadating si Red. Kahit dumating man itong galit dahil sa naging epekto ng nagawa niya, tatanggapin niya. Aaminin pa niya na kasalanan niya lahat. Basta malaman lang niya kung ano ang saloobin nito. Basta malaman lang niya kung kaya pa siyang tanggapin nito sa kabila nang nangyari. Basta malaman lang niya kung kaya pa rin nitong mahalin siya.

"Ang sama ng sinabi ko sa mama niya, guys. Alam ko na galit na siya sa 'kin ngayon," himutok niya kina Bridget at Faith.

Niyakap siya ni Faith at inalo. Pinisil naman ni Bridget ang kamay niya.

"Wala kang ginawang mali. Sinabi mo lang ang mga nararamdaman mo."

Napaiyak na lang siya. "Hindi ko naman gusto na atakehin siya sa puso eh. Ayoko lang kasi na tapakan niya ulit ako. Hindi ko talaga gusto na inatake siya, hindi..."

Pinatahan muna siya ng mga ito bago nagdesisyong umalis. May kanya-kanya rin kasing lakad ang mga ito. Maybe even having problems of their own. She was alone in her kitchen again. Naririnig pa niya ang mga hagikgik ng kahera niya. Kausap na naman nito ang boyfriend nito sa telepono. Buti pa ito, masaya. Nang pauwi siya ng gabing iyon, pakiramdam niya ay isa siyang ibon na napahiwalay sa mga kasama.

Tinawagan niya ang nanay niya. Sinasabi niyang sa isang linggo ay magbabakasyon siya sa Zambales. Maybe she's stay there for three days. Or a week. Just to take the guilt out of her nerves. Pumayag naman ito, nagtanong kung mayroon daw ba siyang pinagdadaanan. Nagsinungaling siya. Everything's okay, everything's fine. Nothing's wrong.

Naniwala naman ito.

Kinabukasan, nandoon ulit siya sa shop, nakatunganga na naman sa kusina. Kung sana lang, puntahan siya ni Red. Kahit isuka na siya nito, tatanggapin niya. Basta makahingi lang siya ng tawad dito. Kung sana lang—

"Ma'am!" putol ng kahera niya sa mga iniisip niya. "Pakipunuan daw po itong mga Tupperware ng mga cookies."

Dalawang green na tupperware na walang takip ang ibinaba ng kahera niya sa baking table. Hindi na kakaiba ang mga kostumer na nagdadala ng sariling lalagyan para sa mga tinapay. Tumayo siya at binuksan ang oven. Pinuno niya ng mga cookies ang mga Tupperware at sinigawan ang kahera niya.

"Okay na ma'am?" bungad na tanong nito.

She nodded. Nakangisi nitong kinuha ang mga Tupperware. Bumalik siya sa kinauupuan at magpapakalunod na sana sa mga depressing thoughts kung hindi lang muling pumasok sa kusina ang kahera niya. Bitbit pa rin nito ang mga Tupperware, pero this time, may takip na 'yon.

"What's that?"

Ipinatong nito sa mesa ang Tupperware at ngumiti. "Para raw po 'yan sa inyo."

"What—" Napahinto siya nang makita na may mga ginupit na letra na nakadikit sa takip niyon. Dagli siyang naliyo ng mabasa niya iyon. FOR THE BEAUTIFUL BAKER, sabi ng isa. Sa kabila naman, I'M WAITING FOR YOU OUTSIDE.

Para siyang nakadroga ng mga sandaling iyon. Dumoble ang bilis ng tibok ng puso niya. Natatarantang lumabas siya ng kusina. Nakadulog sa isang mesa si Red, nakangiti sa kanya. Hawak nito ang tupperware na hiningi nito sa kanya noon. Iyong may nakasulat na FOR THE HANDSOME MVP.

Parang gusto niyang sumabog, lapitan ito at humingi ng tawad sa nagawa niya sa mama nito. Pero parang namanhid ang buong katawan niya at hindi siya makagalaw.

"Come here," he said. Mukhang hindi naman galit ito.

She didn't say anything, she just obeyed. Umupo siya sa silya sa tapat nito, nakatitig lang dito. Hindi siya makapagsalita. The world around her gradually dissapeared, she was focused on him. Tinanggal niya ang bikig sa lalamunan niya at pinilit ang sariling magtanong.

"How's your mother?" she almost cried while asking that.

Ngumiti ito. "We'll get into that. I know na marami kang tanong sa isip mo. Sasagutin ko na 'yong mga 'yon bago iba na naman ang isipin mo." He reached for her hand and squeezed it. "Let's start with Mia. Oo, hindi talaga siya sa 'kin kinasal. Nagkagustuhan sila ng pinsan ko at nasira iyong kasunduan. Oo, ipinagkasundo siya sa 'kin. Sorry na hindi ko 'yon sinabi sa 'yo noon. I just don't think I have to. I have no intention of marrying her. Or even have a relationship with her. Ikaw ang gusto ko."

She's still worried about his mother, pero totoo na marami talaga siyang tanong sa isip niya. "Then bakit ka nanlamig noong mga huling araw ng relasyon natin? Sabi ng mama mo na may balak ka ding hiwalayan ako. Na pinaglilibangan mo lang ako—"

Kumunot ang noo nito. "Sinabi niya 'yan sa 'yo?"

"Narinig kong sinasabi niya sa nanay ni Mia."

"That's a lie. Sinabi ko sa kanila na seryoso ako sa 'yo. Tinakot nila ako na hindi nila ako susuportahan kapag naka-graduate na 'ko. I said I didn't care. Nag-away kami ng mga magulang ko, at iyon ang dahilan kung bakit naging malamig ako sa 'yo. I just got distracted with all my problems."

Inaasahan niyang kayang gawin iyon ng mama nito. Nasa tipo nito ang gagawa ng ganoon.

"Sinabi ng mama mo na noong gabing naghihintay ako sa pool, kinakausap mo si Mia."

Lalong nagsalubong ang kilay nito, halatang hindi nagugustuhan ang sinasabi niya. "Oh, God. Yes, I was in my room, I'm having a friendly chat with Mia. Sinabi kasi sa 'kin ni mama na ipapahatid ka na lang niya sa driver. Masyado na akong pagod noong mga oras na 'yon, kaya hindi na ako kumontra. Pero kung alam ko na naghihintay ka ro'n..." bumakas ang frustration sa mukha nito.

Tumango siya, sinasabing naiintindihan niya ito.

Bumuntong-hininga naman ito. "Anyway, inisip kong kakausapin na lang kita kinabukasan noon. Pero nagulat na lang ako dahil iniwasan mo na 'ko. Hindi mo sinasagot ang tawag ko at hindi ka na rin nagpupunta sa covered court. Doon ko naisip na alam mo nang pinagkasundo na ako ng mga magulang ko at galit ka sa akin. I asked you if you want our relationship to go on and..."

"I said no." Nangilid ang mga luha sa mata niya. "Pero akala ko nga kasi, hihiwalayan mo din ako..." gumaralgal ang tinig niya.

He shook his head. "So this is my mom's fault all along." He sighed. "Wala akong balak na hiwalayan ka. Ipaglalaban kita noon. I even thought of running away with you. Because you're the only woman I imagine myself growing old with. At naalala mo ba nang sabihin mo sa 'king ayaw mo na? Tinalikuran agad kita. Alam mo kung bakit? Kasi alam ko na hindi ko kaya. Alam ko kasing iiyak ako agad. At ayokong makita mo 'kong mahina."

Hinila nito ang kamay niya at hinagkan iyon. "I love you, Cas. Hindi 'yon nagbago kahit nakailang palit na tayo ng kalendaryo. I wouldn't want it to change. Your love is enough for me. Enough to brighten this mean, cruel and often boring world."

"Pero hindi ka ba galit?" nag-alalang tanong niya. "Dahil sa 'kin, inatake sa puso ang mama mo. Nakita ko iyong galit sa mga mata mo nang gabing iyon."

He laughed softly. "That's not really anger. That's irritation. And it's not directed toward you. It's for my mother. Because I know that she's faking it."

Napanganga siya.

"Wala siyang sakit sa puso. She's healthy. Tiningnan nga lang kami ng masama ng doktor ng isugod namin siya sa ospital. Tumatanda na talaga siya ng paurong."

Hindi niya alam kung matatawa siya o malulungkot sa sinabi nito. Hindi niya ma-imagine na ginawa iyon lahat ng mama nito dahil lang hindi siya gusto nito para sa anak nito.

"Bakit ngayon ka lang bumalik?" naalala niyang itanong. "Akala ko galit ka na sa 'kin dahil ang tagal mo bago bumalik."

Ipinatong nito ang kamay niya sa dibdib nito, kung saan nararamdaman niya ang mabilis na tibok ng puso nito. "Kasi ipinaglaban kita sa mga magulang ko. Sinabi ko sila na hindi na nila ako mapipigilan ngayon. Ikaw ang mahal ko at ikaw ang pakakasalan ko. Kung sasaktan ka nila at iinsultuhin, sasaluhin ko ang lahat ng 'yon. Sinabi ko na handa ako'ng protektahan ka sa kanila."

"What did they say?"

"As usual, my mother told me that she would disown me. Sinabi ko na kaya ko nang tumayo sa sarili kong mga paa, so it doesn't really matter. Pero si papa, tuluyan na siyang natuwa sa 'yo. Napag-isip-isip niya iyong mga sinabi mo noon sa kasal. Sinermunan niya si mama at sinabi niya na naging unfair sila sa 'yo. But don't expect them to apologize. That's really not their thing. But I promise, I will apologize for them everyday..."

"No need," putol niya rito. "No need. Pero mas gusto ko pa rin na mayroon akong blessing ng mama mo..."

Ipinatong nito ang daliri nito sa labi niya. "Hindi na yon mahalaga. Sinubukan mo nang kunin iyon pero hindi niya ibinigay. Hindi mo na kasalanan 'yon. Loving me would be enough. Wait, do you still love me?" parang natakot ito sa magiging sagot niya.

"I will love every inch of you. Hindi nga siguro ako kasingtalino ni Mia, pero iisip ako araw-araw ng mga bagong paraan para maramdaman mong mahal kita."

Nagkaroon ng kislap ang mga mata ni Red sa sinabi niya. "You really know how to melt a man's heart."

"Only your heart," she whispered.

"Paano 'yong poster sa bahay mo?"

"Aalisin ko na 'yon mamaya."

"At magpapa-alaga ka na ba sa 'kin? Dati, noong errand girl ka ng basketball team, ako lagi ang inaasikaso mo. Ngayon ba, papayag ka na ikaw naman ang asikasuhin ko?"

"It would be an honor."

Kinikilig na sumingit ang kahera niya sa eksena, ipinatong sa mesa ang tupperware na may nakasulat na FOR THE BEAUTIFUL BAKER. "Ma'am, naiwan niyo 'yan sa kusina."

Nginitian niya ito, pagkatapos ay nagkaroon sila ng sarili nilang mundo ni Red. Walang nagsasalita, tinititigan lang ang isa't-isa. Bakas ang pagmamahal sa mga mata nila. Inurong niya ang tupperware niya hanggang sa dumikit ito sa tupperware ni Red. FOR THE HANDSOME MVP and FOR THE BEAUTIFUL BAKER.

No matter what they say, she knew in her heart that it was a match made in heaven.

Continue Reading

You'll Also Like

878K 16.7K 17
Pangako by Martha Cecilia Published by PHR
7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
450K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
67K 1.7K 23
"I'm moving on. I want to love someone else. And I want it to be you." Paano ba mag-move on? Madaling sabihin pero napakahirap gawin. Paano magiging...