Cannot Be, Borrow One From Me

7.9K 165 28
                                    

NOTE: Hindi nyo po mababasa ang mga sunod na chapters ng kwentong to kung di nyo po ako ifafollow. Ginawa ko po kasi... uso. Haha! :)

"MA'AM Casey, dumating na po si Mr. Villegas."

Mula sa bine-bake na cake ay napatingala si Casey sa kinikilig na mukha ng kahera niya. Napabuntong-hininga siya. The guy was early. Wala pang alas-nuwebe. At kung pagbabasehan ang mukha ng kahera niya, mukhang guwapo tingnan ang hinayupak ngayong umaga.

Naghahagilap agad ng hangin ang baga niya. Nang ibalik niya ang tingin niya sa ginagawa niya ay nakita niyang nanginginig na pala ang mga kamay niya.

"Ma'am?"

"Sige, papuntahim mo na siya rito sa kitchen. Thanks."

Iyon lang at umalis na ito at naiwan siyang nakatungo sa ginagawa. Hindi siya tumitingala. Kung puwede lang na mag-blindfold siya para hindi masilaw at humanga na naman sa lalaking 'yon, gagawin niya. Nang humaplos sa ilong niya ang amoy ng isang panlalaking pabango, agad siyang napalunok.

"Good morning," said a husky voice.

"Morning," she muttered. "Umupo ka muna diyan. Ilalagay ko lang 'to sa oven."

May kaliitan lang ang kitchen niya. Puno pa iyon ng baking supplies. Narinig niyang hinila nito ang isang monobloc chair. Nang lingunin niya ito, nakita niyang ipinuwesto nito iyon sa tapat ng baking table niya. He's wearing some jogging outfit that displayed his superb, delectable body. Pinagtrip-an din nitong isuot ang hairnet na nakapatong lang sa table at naging cute ito dahil doon. He's grinning at her.

"Bagay ba sa 'kin 'tong hairnet?" Tumaas-baba ang mga kilay nito.

Bale-wala lang na tumango siya, pinihit pabukas ang oven. "Para kang baklang sira-ulo."

He chuckled. "Wow. Thanks for the compliment."

She just shrugged, binuksan ang ref at kinuha ang mga plato na may mga cake samples. Hindi siya makatulog kagabi sa kakaisip rito kaya nagdesisyon siyang mag-bake na lang ng mga cake samples na puwedeng mapagpilian nito. Kapag naaalala niyang para sa kasal nito ang cake na 'yon, mas nahihiling niya na sana ay makapili na agad ito.

Inilapag niya iyon sa baking table. Curious naman na tinitigan nito ang mga 'yon.

"What's that?"

"Cake samples. Tikman mo lahat, tapos piliin mo kung ano ang magugustuhan ni Mia," wika niyang wala rito ang tingin.

"Hmmn... what is this?" Itinuro nito ang cake na puting-puti ang kulay.

"That's grasshopper cake."

Namilog ang mga mata nito. "Gawa 'yan sa tipaklong?"

Umikot naman ang mga mata niya. "No. Iyon lang ang pangalan niyan. 'Wag ka nang makialam. Tikman mo na lang."

Kinuha nito ang kutsarita at pumiraso sa cake. Isinubo nito iyon. Umungol ito habang nakapikit. Gusto niyang ipasok ito sa oven sa ginagawa nito. His moans were too sexy, too husky, too freakingly inviting. The way his face contorts, as if in deep ecstacy just becase he had tasted her cake. An innocent part of her thought that he's so gorgeous. A daring, naughty part of her wondered if he would be that delighted once she tried to kiss his neck, his shoulder blades...

Okay. Hold it right there. Wedding cake niya ang ipinunta niya rito, Casey. Do you get that?

Ipinatong nito ang kutsarita sa platito at tumingin sa kanya. Nagniningning ang mga mata nito na tila humahanga. "Wow. Matamis."

Sa sinabi nitong iyon ay gusto niya na naman itong ipasak sa oven, this time sa inis.

"'Yon lang?" Umangat ang kilay niya. "Matamis?"

Not Just A Pretty FaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon