********
'Ok ka lang?' Tanong ni DJ kay Kath. Kasalukuyang nagre-retouch si Vice.
'Uhaw lang ng konti babe. Oily na ba mukha ko?' Tanong niya sa asawa habang nakangiti.
'Oi, Mark!' Tawag ni DJ sa assistant na nasa malapit na sulok sa kanila. 'Yung red na tumbler ni Kath? Tsaka pahinging oil blotter.'
Agad namang naibigay kay DJ lahat ng iniutos nito. Binuksan muna ni DJ ang tumbler at saka ito iniabot kay Kath.
'Thank you Kuya.' Sabi niya bago umalis ang sinugo ng asawa.
'Oil blotter.' Abot ni DJ kay Kath matapos nitong uminom.
'Thank you babe.' Kinuha ni DJ mula sa kanya ang tumbler at siya naman ang uminom dito.
Matapos nito ay tinawag na muli ng direktor ang kanilang atensyon.
'And 1. 2. Rolling!' Sigaw ng floor director.
'Bernardo-Ford talaga yung gagamitin mo?' Tanong ni Vice kay Kathryn. 'Halimbawa, sa movie, nadun sa poster talaga, Kathryn Bernardo- Ford?'
'Oo. Gusto ko kasi, kasama pa rin yung Bernardo. Tsaka parang ang cool lang kasi yung Bernardo, super tunog Filipino tapos kasunod nya Ford. Diba?'
'Sabagay.' Sang-ayon ni Vice. 'Cute nga naman. Pero malakas din ang dating kung Padilla diba? Kathryn Bernardo- Padilla.'
'Masyadong mahaba kasi.' Reklamo ni Kath.
Natawa lamang si DJ.
'E yung baby nyo, sinong nakaisip ng pangalan nun? Medyo mabantot e.'
'Siya.' Turo ni Kathryn kay DJ. 'Nung una kasi, Daniel John II yung suggested ko na name. Pero nung lumabas na siya, ipinilit na ni DJ yung Juan Danilo.' Pagkkwento ni Kathryn.
Lumabas sa malaking screen sa likod nila ang picture ni Danilo.
'Ang gwapo.' Vice gushed. 'Kaso talaga yung name. Parang matandang may poknat yung Juan tapos yung Danilo parang tambay sa kanto.'
'Ang ganda kaya. Diba, Filipinong Filipino yung Juan Danilo Bernardo tapos Stateside yung Ford? Tsaka Danilo, yun ang tawag sa akin ni Mama tsaka neto pag galit.' DJ pointed at Kath.
'Talaga? Bakit nagagalit si Kath sa'yo? Ano kadalasang pinag-aawayan nyo?'
Natahimik sandali sina Kath at DJ.
'Hindi kayo nag-aaway?'
'Nag-aaway.' Sagot ni Kath. 'Pero wala naman yung sobra sobra. Lately, wala pa naman uli. Kasi kadadating pa lang din namin ni Danilo from Alaska. So, ngayon lang uli kami nagkasama ni DJ talaga.' Tila nagiging at ease na si Kath sa interview.
'Kelan kayo huling nag-away?'
Sasagot na sana si Kath nang marahang tinapik ni DJ ang binti nito. Napatingin sa kanya si Kathryn at umiling si DJ.
'Wag daw.' Iling ni Kath.
'Ay, ayaw ipasabi?'
'Medyo matagal na rin.' Yun na lamang ang binanggit ni DJ.
'Ay, diba nung kinasal kayo, meron kayo ng Fight Box keme keme?' Tanong ni Vice. 'Yung dun sa reception. Yung pinukpok pukpok nyo.'
'Oo.' Sabay na sabi nina DJ at Kath.
'Nabuksan nyo na?'
Tumingin muna si Kath kay DJ as if asking if she can answer the question. Pumikit at tumango naman si DJ.
'Nabuksan na.' Sagot ni Kath.
'Ah, so nag-away na kayo ng bonggang bongga after nyo ikasal?'
'Hindi naman bonggang bongga.' Iling ni DJ habang nakakunot ang noo.
'E bakit nyo binuksan?'
'Hindi ka nakikinig kay Robi nun. Palibhasa iba inaatupag mo nung reception e.' Sabi ni DJ bago muling inilayo ang mic at may ibinulong kay Vice.
Natawa ang host at hinampas nito si DJ.
'Umi-issue ka! O game na!' Sigaw ni Vice kay DJ.
'Yun nga. Sabi kaya ni Robi, bubuksan yun the first time na mag-away kami as mag-asawa. So nag-away kami tapos binuksan ko.'
'E ano ngang pinag-away-- wait. Binuksan 'ko' so ikaw lang nagbukas? Diba dapat sabay nyo yung bubuksan?'
Napatakip sa bibig si DJ.
'Hinde. Kasi, nasa Alaska ako nun. Yung box nasa kanya.' Kwento ni Kath.
'Magkalayo kayo nung nag-away kayo?'
'Parang ganon.' Tango ni DJ.
'Medyo madaya 'to kasi inubos nya yung wine.' Dagdag ni Kathryn.
'Wine lang pala ang habol mo DJ, sana humingi ka na lang sa Mama mo.'
Nagtawanan ang audience.
'Ikaw Vice, lagi mo na lang sinasali si Mama. Wala naman dito.'
'Miss ko na e. Punta ako sa inyo ha? Dun ba kayo nags-stay ngayon? Para makita ko rin ang baby nyo.' Paalam ni Vice.
'Sa ngayon, oo.' Sabi ni Kath. 'Hanggang hindi pa ok yung bahay sa Tagaytay, dun muna.'
'So may bahay na kayo sa Tagaytay?'
'Eto naman. Kung makapag-usisa, parang di pa nakwento sa'yo ni Mama a.' Pambubuking ni Daniel.
'Ikaw. KJ ka!' Siniko ni Vice si DJ at umilag ito. 'Syempre kunwari curious ako kahit alam ko na ang mga detalye. So ano na? Nakakaloka ka Daniel!'
'O sige, kunwari di mo alam at di pa nakwento sayo ni Mama. Yun nga, yung bahay namin sa Tagaytay, binili ko yun nung second anniversary namin.'
'Bilang mag-jowa?'
'Yes.' Tango ni DJ.
'Ang sosyal. Bahay ang paandar sa anniversary. Mag-jowa pa lang ha? And to think, ilang taon kayo nun?'
'Last year lang. 19 ako. 18 sya.'
'Bahay talaga?'
Sumama ang tingin ni DJ kay Vice.
'O eto, normal na shocked face ko na to Daniel ha. Eto, hindi ko na talaga alam. As in bahay yung gift mo kay Kath nung anniversary nyo? DOM in the making ka Daniel!'
'Hindi. Surprise yun dapat. Kumbaga, parang uunti-untiin ko na ayusin yun. Tapos yun yung gift ko sa kanya kapag ikinasal na kami. Kaso, medyo napaaga nga yung kasal diba? So nung binigay ko sa kanya, yung bahay pa lang talaga. Hindi pa napapaayos.' Paliwanag ni DJ.
'Ang hardcore.' Vice breathed out. 'Sa edad na yan diba, usually pag anniversary, ang nasa isip date, bigay ng gift tapos sex na. Sa'yo, iba ka Daniel Padilla.'
DJ shrugged his shoulders na parang nagyayabang.
'Sa'yo, nauna ang sex bago ang lahat.'
'Huy, gago!' DJ exclaimed, scandalized.
Sabay sabay na napahagalpak ng tawa ang audience pati si Kathryn.
'Kamusta sex life nyo?'
Nanlaki ang mga mata ni Kath sa narinig na tanong. Hindi sya makapaniwalang ganitong klaseng usapan na ang sasalubong sa kanya.
Kumunot naman ang noo ni DJ bago tumingin kay Vice.
'Wag mo kong kunutan ng noo DJ. Family matters 'to.'
'Ang awkward nyan Vice! Andaming nanonood o!'
'E bakit awkward? Mag-asawa naman kayo a? Ano na? Kamusta na?' Pangungulit nito.
'Masaya naman.' Tipid na sagot ni DJ habang nakangiti.
'Halata ngang sayang saya ka. Sa ganda at seksi ba naman nito diba? Jusko. Kelan kayo huling nag-ano?'
'Vice!'
'Gusto ko si Kath ang sasagot. Tumahimik ka muna dyan DJ.'
Tumingin muna si Kath kay DJ at humawak sa binti nito.
'Kelan ba yun, babe?' Tanong nito.
'Ang ganda mo Kathryn!' Vice exclaimed. 'Nakakatomboy 'tong asawa mo Daniel. Naku, pasalamat ka bakla ako.'
Napatawa lamang ang mag-asawa.
'Kelan nga ba...' Kath looked up as if thinking.
'Ay, parang matagal na yung huli a.'
'Joke lang. Kagabi. Kagabi.'
Pinamulahan ng mukha si DJ.
'Bakit ka nagbblush Daniel?' Tanong ni Vice nang mapansin ito.
'Bakit hindi? E nakakahiya kayang pag-usapan yun!'
'E bakit si Kath, parang hindi nahihiya.'
'Nahihiya yan. Nagpapanggap lang yan. Diba nahihiya ka?'
'Ay, pilitan?' Nakatawang tanong ni Vice.
'Ikaw ba Vice, kamusta ang sex life mo?' Si DJ naman ang nagtanong.
'Ah, maglaro na lang tayo ng game!'
'Eh wala ka pala e!'
'Bakit? Show mo? Show mo?'
****************