When We Happened

By shattereign

66.4K 1.2K 123

Daffney Levanidez wasn't interested in dating guys not until the night she met Darlin Francisco, the guy that... More

E X C E R P T
Simula
I. My Type
II. How Cute
III. Childish
IV. Honey
V. Too Young
VI. Not Your Chic
VII. Pregnant
VIII. Crazy
X. Already Fallen
XI. Jealous
XII. Reward
XIII. A Little Push
XIV. Angel
XV. Timeline
XVI. Broken Hearted
XVII. Infatuation
XVIII. I'll Try
XIX. Somebody Owns You
XX. Happy Birthday
XXI. First Love
XXII. My Princess
XXIII. To Compromise
XXIV. Sorry
XXV. Be My Girlfriend
XXVI. Still Can't Have
XXVII. Eighteenth
XXVIII. I'm Braver Now
XXIX. Midnight Memories
XXX. My Darling
A/N

IX. Friend

1.2K 34 0
By shattereign

Kabanata 9

Friend

SEPTEMBER

Mag-iisang buwan na rin simula nang sinabi ni Darlin 'yung gusto ko kasi akin ka lang line niya na 'yun... and guess what?

Sa akin parang sinasabi niya pa rin sa harapan ko everytime! Palaging nagfa-flashback at maging sa panaginip ko! Grabe na talaga itong epekto niya sa akin!

Makulit pa rin siya as usual. Madalas niya akong tawagan at paminsan-minsan ay inihahatid sa bahay.

Pero mukhang wala lang naman sa kanya 'yung mga actions niya na 'yun e... pero bakit para sa akin ang dami-daming meaning?

It means nothing to him while it meant everything to me. Ang unfair.

"Hey, Daff! Pasaan ka?" tanong ni Darlin na nakasalubong ko sa hallway.

"May bibilihin ako sa mall e."

"Samahan na kita!" yaya pa niya. Dahil wala ako sa mood na makipagtalo ay pumayag na lang ako. Masasayang lang ang energy ko, dahil alam kong sa sobrang kulit niya na sa huli ay mapapapayag niya rin ako.

"Ilang taon ka na nga?" tanong niya out of nowhere.

Nasa sasakyan niya na kami ngayon papunta sa mall. Nilingon ko siya pero diretso lang naman ang tingin niya sa kalsada. Gwapo pa rin kahit naka-side view.

"Seventeen," sagot ko.

Biglaang nanlaki ang mga mata niya. So... all this time ano ba ang tingin niya? Ano ang akala niya? Na twenty na ako? Ganoon ba? I was about to react when he spoke again.

"Three more years..." bulong niya sa sarili na narinig ko naman. "Kailan ang birthday mo?" he asked.

"Uhm, sa December 16 pa, ikaw? Kailan ang birthday mo? Ilang taon ka na?" sunod-sunod kong tanong.

Nilingon niya lang ako nang sandali bago muling ibalik ang tingin sa kalsada.

The side of his lips lifted. "Twenty. December 16."

Nanlaki ang mga mata ko. I rolled my eyes at him. If I know, niloloko niya nanaman ako. "'Wag ako! Kailan nga?"


"Tunay nga," he said. "Kaya pala madalas wala si Daffin kapag birthday ko."

Mukhang seryoso naman siya pero bakit parang joke pa rin 'yung dating sa akin?

"Meant to be," sabi pa niya.

Napatawa tuloy ako dahil doon. "Ang baduy mo!" sabi ko at maging siya'y natawa na rin sa kabaduyan niya.

Nang makarating kami sa mall ay agad naming pinuntahan 'yung kailangan kong bilihin.

Nang mabili na namin, niyaya niya naman akong manood ng sine. Pumayag na ako tutal maaga pa naman 'tsaka wala naman akong gagawain.

Tinext ko na lang si Kuya Daffin na manonood ako ng sine. Baka kasi mamaya hanapin ako noon. Kahit naman loko-loko 'yon, overprotective siya sa amin ni Ate.

Kuya Daffin:

Sinong kasama mo?

You:

Friend...

Well, friend nga ba?

Kuya Daffin:

Sinong friend?

Hoy! Sinong friend?

You:

Basta! Bye! Hehe love you!

Nag-text pa nang nag-text si Kuya Daffin, pero hindi ko na siya ni-replyan. Ayaw niya akong sasamahan diyan kanina e! Tapos ngayon tatadtarin niya bigla ako ng mga text?

Horror ang napili niyang panoodin. Gustuhin ko mang kumontra ay hindi ko magawa. Gusto ko nga sana 'yung romance movie, pero siya raw ang nagbayad kaya siya ang mamimili. Tingnan mo 'tong lalaking 'to. If alam ko sana, edi ako na ang nagbayad ng sine namin!

Matatakutin ako kaya kinakabahan akong manood. Narinig ko pa naman kina Leon na nakakatakot nga daw ang movie na 'to. Pinanood niya kasi nung nakaraan.

Kahit anong pilit ko sa kanya na yung romantic movie na lang ang panoodin namin, ayaw niya talagang pumayag!

Kapag talaga ako namatay at inatake sa puso ay kasalanan ni Darling! Ipagdasal ko na lang na sana humaba pa ang buhay ko!

Bumili siya ng isang popcorn. Kaagad akong napatingin doon. Aba't wala pa yatang balak na pakainin ako!

"Bakit iisa?" tanong ko, handa nang magalit.

Nginitian niya naman ako bigla. "Isa lang. Share tayo, para sweet!" tapos kinindatan niya ako.

Ang baduy niya talaga!

"Sabihin mo na lang na poor ka," irap ko.

Kuripot din talaga 'tong isang 'to e! Nung una isawan, ngayon naman iisang popcorn?

Sumuko na ako sa pagpilit sa kanya na palitan ang ticket namin kaya pumasok na kami at umupo kami doon sa bandang gitna. Ni hindi pa nga nagsisimula ay nilalamig na agad ako.

Paano ba naman kasi naka-sleeveless nanaman ako. Hindi naman kasi ako prepared at informed! Hindi naman kasi kami dapat manonood ng sine. Hindi ko na lang ipinahalata sa kanya na nilalamig ako.

Nagsimula na ang movie, kaagad kong tinakipan ang mga mata ko kahit wala pa namang nakakatakot na part... okay, medyo OA talaga ako! Pasensya na! Ayoko talaga ng horror!

"Hoy! Sayang ang bayad ko sa'yo!" natatawang sita sa akin ni Darling.

Aba't?! Ano ang nakakatawa?! Nagagawa niya pang tumawa habang ako takot na takot na?!

"Darling naman kasi! Hindi ako manonood niyan!" sabi ko habang siya pilit tinatanggal 'yung kamay kong nakatakip sa mata, diniinan ko tuloy lalo ang pagkakalapat nun sa mata ko.

"Ya!"

"Pu—pu—Ah! Mamatay ka na, Darling!"

Gulatin ba naman ako e takot na takot na nga ako! Ako nilalamig at takot habang siya naman tawa lang nang tawa.

Edi ikaw nang masaya Darling ko!

Ikaw na!

"Nilalamig ka ba?" tanong ni Darlin nang napansin sigurong hinahaplos ko na ang braso ko. Inirapan ko nga siya, akala niya d'yan, galit pa rin ako sa pangugulat niya! Hindi naman kasi nakakatawa!

Ilang segundo pa'y naramdaman ko naman ang kamay niya sa kabila kong balikat. Nanlaki ang mga mata ko. OMG... chancing!

Tatanggalin ko na sana ang kamay niya nang kusa niya namang tinanggal. Napapikit ako at iling na lang sa sarili nang makitang nilagyan niya lang pala ako ng jacket... so assuming!

Tss! Mga naiisip ko talaga, e!

Natawa na lang tuloy ako sa sarili ko. Tsk, Daff, 'yang isip mo talaga. Puro ka pag-assume!

Pero Darling ayos rin naman kung umakbay ka... para mas warm. Body heat kumbaga.

"Bakit ka natawa? E horror 'yan ah? Ang weird mo talaga," sabi niya.

Napatigil tuloy ako sa pagtawa at tiningnan ko siya nang masama. Sabihan ba naman akong weird!

"But don't worry, I like weird."


Three.

Two.

One.

Shit! Feeling ko naubusan ako ng dugo dun ah! Darling naman oh! Kahit ang lamig, ramdam na ramdam ko 'yung pag-init ng pisngi ko!

OMG? Am I really blushing?!

Pumikit na lang ako... at buti naman kumalma na 'yung naghuhuramentado kong puso!

Pinilit ako ni Darlin na tumingin sa nakakatakot na part kaya ayun, wala na akong nagawa! Sobrang kulit niya lang talaga! Nakita ko tuloy!

Well, nakakatakot talaga! Nagulat tuloy ako at nanlamig lalo... pero hindi dahil doon sa mukha nung multo sa movie... kung hindi dahil kay Darlin.

Nakayakap sa akin si Darling! What the hell?! Napapunta tuloy sa yakap niya iyong buong atensyon ko!

"Darling, ano ba?!" saway sa kanya... pero bakit may part sa akin na parang gusto rin naman? Ang warm kasi nang pakiramdam na nakayakap siya sa akin.

"Dadaff! Nakakatakot oh!" sabi niya sabay subsob ng mukha niya sa braso ko, tapos mas lalo niyang hinigpitan 'yung yakap! Chancing talaga 'to oh!

"Hoy, manyak ka!" sigaw ko kaya bahagya siyang napabitaw sa akin.

"Hmp! Nakakatakot naman talaga! Oh, so scary!" sabi niya at tuluyan nang bumitiw sa pagkakayap sa akin. Umupo na siya nang maayos pero naka-pout naman ang labi.

Bakit biglang ngayon gusto ko na ulit 'yung yakap niya? Ang init kasi e. Ang sarap nung warm hugs niya. Sana madami pang nakakatakot na scenes!

Naghintay ako... kaso wala na! Mission failed! Tapos na 'yung movie! Yayakapin ko rin sana siya, e!

Natapos ang movie nang wala man lang akong naintindihan at maayos na napanood, patuloy naman akong ginugulat ni Darlin kahit tapos na 'yung movie. Siya naman itong weird sa aming daawa.

"Makikita mo mamaya sa ilalim ng kama mo 'yung multo! Lagot ka! Pati sa bintana niyo! Sobrang nakakatakot!" pananakot pa niya habang pauwi na kami.

Tapos kapag may madilim na part kaming madadaanan, tinatakot niya talaga ako! Asar din talaga 'to minsan, e!

"Thanks for tonight, Daff..." seryosong sabi niya.

Bubuksan ko na sana 'yung pintuan ng kotse, pero may napigil sa akin... dahan-dahan ay tinanggal ko ang seatbelt ko.

Gagawin ko ba talaga?

"Darling, thanks din,"  sabi ko. Pumikit ako saglit tapos ay niyakap ko siya. Naramdaman ko namang naestatwa siya sa ginawa ko. Nahiya tuloy ako bigla!

Hindi siya nagalaw! Hindi talaga!

Kumalas ako sa yakap at kaagad akong bumaba at nagtatakbo nang sobrang bilis papunta sa loob ng bahay.

At kaagad kong sinara ang pintuan nang makapasok na ako. Sumandal ako doon. Huminga ako nang malalim at hinabol ang hininga ko. Nakakahiya ako! Ginawa ko ba talaga 'yun?!

'Di ba dalagang pilipina dapat ako?!

'Yung heart ko! Sobrang bilis nang kalabog! Baka mamaya atakihin na talaga ako nito!

Kaagad kong hinawakan ang pisngi kong nakakapaso na sa init, damn it! Muntik na akong hikain!

"Daff? Nasaan na ang friend mo?" muntik na akong mas atakihin nang makita kong nandoon pala si Kuya Daffin. Hingal na hingal pa naman ako mula sa pagtakbo ko kanina!

Nakakunot na 'yung noo niya sa akin ngayon. Nagtataka siguro kung bakit pawisan ako at naghahabol ako ng hininga.

"Uhm... eh... umuna na... 'yung friend ko," sabi ko sa kanya at agad nagtatakbo nang mabilis paakyat sa kwarto ko.

Niyayakap ba ang friend, Daffney?!

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 54K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
4K 977 32
"Sabi nila pag matalino ka sa klase, bobo ka daw sa pag-ibig. Akala ko haka-haka lang ang lahat nang yun. Akala ko lang pala. Kasi ngayon napagtatant...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
28.6K 816 49
[#1] Anka Bernadette Dela Merced is not a stranger of excellence. She planned her whole life ahead of her - knew exactly where she wants to be and wh...