One Stupid Mistake

By Gelailah

4.5M 113K 7.6K

[PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC.] Have you ever made the most stupid mistake in your life? I don't kno... More

One stupid mistake
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
EPILOGUE I & II
Epilogue I
✨11.11 ✨

Kabanata 31

77.1K 2.2K 88
By Gelailah

"Psyche! Tama na ang pagmumukmok! Just because he didn't choose you doesn't mean na sisirain mo na ang buhay mo!" Hindi ko pinansin ang pagse-sermon ni Radella. It's been three days since it happened at sa tatlong araw na iyon wala akong ginawa kundi ang umiyak.


I was never meant for him after all. Hindi ganito ang plano ko sa aming dalawa. My plan was to make him fall for me the sam way I fell for him pero may iba palang plano ang tadhana. Nagsisimula nanamang tumulo ang mga luha sa mga mata ko.


"God, Psyche, iniiyakan mo pa rin? Stop it na. Mamaya lang ay pupunta na dito si Eros para kunin ang mga anak mo." My head shot up upon hearing his name. Makikita ko ulit siya. Tumingin ako kay Radella at inirapan niya lang ako. "Pupunta siya dito para sa mga anak mo. Hindi para sayo."


"Ayos lang." Tumayo na ako at kinuha ang tuwalya upang maligo. Hinawakan ako ni Rad sa braso kaya naman lumingon ako sa kanya.


"Psyche tama na. You don't deserve this. You don't deserve someone like him." Dahil sa mga sinabi niya hindi na napigilan ang umiyak. Maybe she's right. Nagpapakabaliw ako sa tao na ayaw naman sa akin. She hugged me and patted my back.

Natapos akong maligo at nag ayos. Nakarinig ako ng tunog ng sasakyan sa labas. Si Eros na yata ang dumating. Calm yourself Psyche. Wag kang iiyak sa harap niya. Bumaba na ako ng hagdan at nakita ko ang kambal ko na naglalaro sa sala kasama si Rad at Ryd.


"Mmy!" Apollo extended his arms kaya agad akong lumapit sa kanya at binuhat siya. Tinignan ko naman si Artemis na ngumiti sa akin. Isang bagay na hinding hindi ko talaga pagsisisihan ay nang buhayin ko ang mga anak ko. I looked at Radella na kandong si Artemis habang nilalaro naman ni Ryder ang bata. I smiled.


"Alam niyo bagay talaga kayo." Nakangiting sabi ko sa kanila. Rad rolled her eyes while Ryd just raised both his eyebrows. "Bakit di niyo nalang ituloy yung kasal."


"In denila pa si Radella." Pang aasar ni Ryder na tinampal naman ng mahina ni Rad sa mukha. Natawa ako sa kanila. Alam kong nararamdaman nila ayaw lang aminin dahil parehas silang takot masaktan.


Naagaw ang attention ko ng dalawang babae na naglalakad palapit. Nanlaki ang mata ko nang makita sa bintana na hindi si Eros ang dumating. Agad akong tumingin kay Radella at Ryder na masayang nakikipag laro kay Artemis.


"Anong ginagawa ni Belle at Iris dito?" Natatarantang tanong ko sa kanila.


"I called your friends over. You need to do something para makalimot and I know that they can help you." Balewalang sabi ni Rad na hindi manlang tumingin sa akin.


"Pero hindi pa nila alam!"

"Edi ipaalam mo."  Tumingin ulit ako sa dalawa na papalapit na sa may pinto.

"Radella!" She sighed and looked at me.


"Sa tingin ko naman walang masama kung malalaman nila. I think they love you well enough to accept and forgive you. Besides, sa cute ba naman ng dalawang anak mo, who the hell can resist them. Aren't I right Artemis?" She coed Artemis na tumawa naman habang kinikiliti ni Radella.


"Go on Psyche. I think now is the right time to tell them." Ryder gave me an encouraging smile. Pabalik-balik ang tingin ko sa kanila at kila Belle at Iris hanggang sa marinig ko na ang katok sa pinto. Walang gumagalaw upang buksan ang pinto kaya wala akong nagawa kundi ang lumapit.


I opened the door and I saw them smiling widely at me ma agad ding nawala nang makita si Apollo. Shet. Bakit ganyan ang itsura nila? Alam na ba nila? Galit ba sila? Iris crossed her arms on her chest pagkatapos ay derederetsong pumasok.


"Radella! Ang sabi mo maayos ang trato mo kay Psyche. You haven't told us na ginagawa mo siyang nanny dito sa bahay mo!" Radella just rolled her eyes at her pagkatapos ay ibinalik ang pakikipag kulitan kay Artemis. "Aba't—"


"Iris, it's not what you think." I tried to stop her. Agad naman siyang lumingon sa akin. Si Belle naman nakatayo lang sa gilid at nakatingin kay Apollo. Sa tingin ko alam na niya ang nangyayari.


"Psyche, wag mo nang ipagtanggol ang babaeng yan. Minamaltrato ka ba niya? Did she tell you not to say anything to us. Mababalian ko talaga ng buto yang babae na yan. At ikaw naman Ryder! Akala ko ba kaibigan mo si Psyche? Bakit okay lang sayo ang ganito?" Ryder just shrugged na mas lalong ikinainis ni Iris.


"Stop overreacting Iris. Don't shout, tinatakot mo ang mga bata." Saad ni Radella. I looked at Artemis na mukhang iiyak na habang nakatingin kay Iris.


"Iris, tara. Let's talk and I'll explain everything." Tumango ako kay Ryd na agad namang lumapit sa akin upang kunin si Apollo. Hinila ko na silang dalawa papunta ng garden.


Maganda ang ambiance ng garden ni Radella. Siya mismo ang nag aayos ng nga halaman dito. Mahilig siya sa bulaklak at mabuti nalang ay may green thumb din siya dahil hilig niya din ang magtanim.


"What's going on Psyche?" Inis na tanong ni Iris. Hindi ako makasalita. Hindi ko alam kung paano sisimulan na sabihin sa kanila ang totoo.


"Iris, don't pressure her. Sasabihin din naman niya sa atin, right Psyche?" Belle smiled and nodded her head at me.

"Wait Belle. Alam mo na ba ang tungkol sa kanya? Am I the only one who doesn't know what's going on?" Lumayo si Iris kay Belle pabalik balik na tinignan kaming dalawa. Pinaningkitan niya kami ng mata. "Are you two keeping secrets from me?"


"No. Wala din akong alam but I had an idea of what's going on because someone gave me a hinti." Nahihiyang tinignan ako ni Belle at sa tingin ko alam ko na kung paano niya nalaman. Maybe Akira told her. Pero ayos lang. Siguradong may napilitan lang si Akira na sabihin ang tungkol sa akin.


"Sino? Bakit wala akong alam sa nangyayari sa inyong dalawa?" Malungkot ang mukha ni Iris at na konsensya naman ako.


"Nabuntis ako."


"You're pregnant?! Wait.. you're married?!" I rolled my eyes at Iris.

"Sabi ko may anak na ako. Hindi ko sinabi na kasal na ako."


"Si Akira ba ang ama?" Belle's face remained serious but expectant. I know that she's expecting the answer that I will give her. I sighed then shook my head.


"Hindi. Magkaibigan lang kami ni Akira. Kung nakita mo kami ng mga anak ko na kasama siya, yun ay dahil tinulungan niya lang ako." Napansin ko na nakahinga ng maluwag si Belle.


"You know Akira?" Tanong sa akin ni Iris.

"Oo. Nakilala ko siya nung college dahil magkatabi ang apartment na tinutuluyan namin."


"Ikaw pala ang Mori na tinutukoy niya." Mahinang sabi ni Belle.

"Oh my gosh! Ikaw si Mori." Gulat na sabi ni Iris na napatakip pa sa bibig niya. Kumunot ang noo ko. "Wait kung hindi si Akira ang ama... sino?"


Nakatitig lang sila sa akin at hinihintay ang sagot ko. Napalunok naman ako. Hanggang ngayon nahihiya ako, hindi dahil may anak na ako kundi dahil matagal akong nag lihim sa kanila. Wala silang ibang ibinigay sa akin kundi puro kabutihan.


"S-si Eros." Nakapikit na sabi ko sa kanila. Binuksan ko ang isang mata ko at nakita ko ang mga reaction nila. Nanlalaki ang mga mata at nakabuka pa ang bibig nila pareho. Kung hindi lang sana dahil sa akin kaya ganyan ang mga mukha nila ngayon baka pinagtawanan ko na sila.



"Si Eros? As in Attorney Eros Savin Montagne?" Tumango ako kay Iris. "B-but how... OMG! May nangyari sa inyo nung kinulong namin kayo sa palawan?! Are you pregnant with his child?!"


"Hindi ako buntis Iris."

"B-but you said buntis ka."


"Nabuntis ako ni Eros at may anak na kami."


"You had a baby?!"


"Babies." I corrected Iris.


"Babies?" Pag uulit ni Belle. Tumango ako. Natawa ako ng konti sa kanila dahil nakanganga na sila.


"Anak ko yung dalawang bata na kasama ni Radella at Ryder. Kambal sila. Si Apollo at Artemis."


"Oh God." Napahawak pa sa ulo niya si Iris, inirapan ko naman siya sa sobrang exaggerated na reaction niya. "Magkwento ka!"


Kinuwento ko sa kanilang dalawa ang nangyari simula sa umpisa hanggang sa nangyayari ngayon. I've never felt so relieved and so happy. Nitong mga nakaraang araw kasi puro sakit at lungkot ang nararamdaman ko.


"What an ass." Sabi ni Iris nang matapos akong magkwento sa kanila kaya heto si Iris iritable nanaman. "Kung alam ko lang na gayan si Eros inilayo sana kita sa kanya!"


"Why would he let go of someone like Psyche? Hindi ko gets. Sarap ibagok ang ulo nang makita niya ang worth mo Psyche." Inis din na sabi ni Belle.

"Ganon talaga. Hindi naman natin mapipilit na mahalin tayo ng isang tao di ba?" I smiled at them both but they gave me a sad look. "Wag nga kayong ganyan. Imbes na masaya ako na kasama ko kayo naiiyak nanaman ako."


They hugged me kaya hindi ko napigilan ang maiyak. Halong lungkot at saya ang nararamdaman ko ngayon. Pero mas masaya lang ako na nakasama ko sila ulit ng ganito at nakikipag tawanan.


"You need to have sex with other guys na. Hindi lang naman si Sir Eros ang yummy." Hindi ko mapigilan ang matawa sa sinabi ni Iris. Masaya lang ako na nakasama ko sila ulit ng ganito at nakikipag tawanan.


"Psyche, remember my cousin na sinabi ko sayo na need ng interior designer? He contacted me and he wants you to design his condo!"


"He?"

"Yes. Lalaki ang cousin ko. Haven't I told you? Anyway we're meeting him tomorrow."


"Kaya ko ba?" Kinakabahan ako. Wala akong formal education pagdating sa interior designing.


"Of course you can! Kaya mo yan. Besides, mabait ang siya. You'll get along."

Continue Reading

You'll Also Like

57.1K 898 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
2.7M 53.2K 53
Gio Kazer Sanreal is the known CEO of the third largest and most successful corporation across Asia, the Sanreal Corporation. He is one of the younge...
5.2M 111K 43
AEGGIS Series #2 - Athan Falcon AEGGIS' Lead Guitarist First sight. First smile. First song. First kiss. First night. All of your firsts come only...
2.3M 71.7K 33
#COMPLETED [UNEDITED] R18|ROMANCE|DRAMA|MATURECONTENT Azaia De Castro concealed a secret agony beneath her glamorous facade-she was trapped in a love...