Kevin's POV
F*ck.
Who’s that f*cking lady para banggain ako. She don’t even know me.
Well, goodluck to her.
"Oy bro, lalim ng iniisip mo ah." Kiel
"Haha, iniisip n’yan si Amira. Biruin mo, kaya ka pala ng babaeng ’yon? Haha!" Pang aasar na sabi ni Niel kaya nagsitawanan sila.
"Tsk, pagsisisihan niya dahil binangga niya ang isang tulad ko." Tumayo ako mula sa pagkakaupo
"Oh saan ka pupunta?" Niel
"Hell." Tipid at seryoso kong sagot.
***
Arzila's POV
May kukunin ako ngayon sa locker at sinamahan ako nung dalawa.
"Oh ayan na, bilisan mo Zils ang bagal mo eh." Pag-angal ni Sandy. Ayaw niya kasi sumama dahil tinatamad daw siya pero tingnan mo naman sumama pa rin.
"Heto na nga oh." Binuksan na ’yong locker pero may napansin ako. Isang envelope na kulay red with black kaya kinuha ko.
"Ano naman ’yan?" tanong ni Sandy. Nagkatinginan kaming tatlo. Binuksan ko ’yong envelope. May papel sa loob at may nakasulat.
___________________________
You are invited for the welcome party as we called as Acquaintance Party of Rodavlla Samiera University.
On Friday
July 21, 20**
7:00 pm - 2:00 am
Good luck!
-J.M.S.
__________________________
"Invitation?" sabay sabay naming sabi at nagtinginan.
They immediately opened their locker too.
At tama nga meron din sila.
***
Amira's POV
Agad naming binuksan ni Sandy ’yong sarili naming locker.
So, may welcome party ngang magaganap.
J.M.S.? Maybe, this is the owner of this University.
"Ang tagal kong hinintay ’yon ha! Woohoo, party party."
Hindi naman mukhang excited si Zils.
"Mukha kang party, tara na nga." Sandy
Isasara ko na sana ’yong locker ko nang may mapansin ako kaya kinuha ko at tama nga ang hinala ko.
"CARD? Na naman?" pasigaw na tanong nung dalawa.
Oo, may card na naman, ’yong Ace of Spade.
"Tss, pananakot lang naman ang alam nila eh." Ni-lock ko na ’yong locker ko at chill na naglakad sumunod naman ’yong dalawa.
"Hindi ka ba natatakot?" Zils
"Sira ka ba? Walang salitang “takot” sa vocabulary n’yan. Baka nakakalimutan mo---" Sandy
"Ay, oonga pala, haha! Si Amira ka nga pala. Amira Jaine Salvador." Sabi ni Zils sabay tawa. Baliw.
.
.
.
.
It’s already 10:30 pm pero hindi pa rin ako makatulog.
Iniisip ko kasi ’yong invitation for the welcome party. Feeling ko kasi may hindi magandang mangyayari sa gabing ’yon.
Idagdag pa ’yong Ace of Spade. Pangalawa na ’yon. Ano bang ibig sabihin nun?
Well, I am not afraid. I’m just curious.
Napatingin ako dun sa dalawa. Ang himbing ng tulog.
Humangin ng malakas kaya nilipad ’yong kurtina na nasa bintana.
Tamo itong dalawa, hindi man lang sinarado ’yong bintana.
Tumayo ako at isasara ko na sana ’yong bintana nang may mapansin ako sa labas.
May mga tao. Siguro mga nasa pito sila. ’Yong iba nag uusap at ’yong iba palakad lakad lang.
Buti na lang patay ang ilaw namin dito, kundi nakita na nila ako.
Tanging liwanag ng buwan lang ang nagsisisilbing ilaw sa labas. Kaya sa tulong nun medyo naaninagan ko sila. Mga nakaitim sila. Hindi ko lang maaninag ’yong mga mukha nila. Maya Maya ay nagring ’yong cellphone nung isang lalaki kaya nagkaroon ng kaunting ilaw at tumapat ’yong ilaw ng cellphone niya sa kamay nung katabi nyang lalaki. At ’yong lalaking ’yon ay may tatoo sa likod ng kamay niya. Hindi ko lang maaninag kung anong klaseng tatoo ’yon. Basta may tatoo sya.
"Kailangan na nating umalis Xander." Medyo rinig kong sabi ng isang lalaki.
Maya maya pa ay tumakbo na sila paalis.
Xander?
Sino kaya iyong mga ’yon? Taga dito kaya sila? Or kung hindi, ano naman kayang ginagawa nila dito?
Sinaraduhan ko na ’yong bintana.
Lumabas ako ng kwarto. Tahimik na dito sa dorm building namin. Tulog na yata sila.
Na-cucurious ako. Parang may urge sa ’kin na lumabas. Gusto kong malaman kung sino ’yong mga lalaking ’yon at bakit sila nandito.
Hawak ko na ang door knob ng dorm building at bubuksan ko na sana ’yong pinto para lumabas, nang may humawak sa kamay kong nakahawak sa door knob.
"Gabi na ah, saan ka pupunta?" tanong sa akin ng isang lalaki.
"Magpapalamig." Pipihitin ko na sana ’yong door knob kaso pinigilan na naman ako.
"Tsk, ano ba?" Inis kong tanong.
"Bawal lumabas pag ganitong gabi na. Ako ang naka assign mamuno sa dorm building na ito. So, whether you like it or not, you may now go to your room and sleep. By the way, I’m Mike."
"Enriquez?" Ang kaninang seryosong mukha niya ay nabahidan ng kunot ng noo dahil sa sinabi ko. Gwapo sana siya kaso pakeelamero lang.
"I don’t care about who you are at wala kang pakeelam kung ayaw ko pang matulog, kaya tumabi ka d’yan." Tinabig ko ang kamay niya pero sadyang matigas siya. Sisikuhin ko na sana siya nang may magsalita...
"Mirs? Anong ginagawa mo d’yan? Ba’t hindi ka pa natutulog?"
"Where are you going? At bakit magkasama kayo ng lalaking ’yan?"
Magkasunod na tanong nina Zils at Sandy habang nasa may stairs.
"Tsk, pa-epal kasi!" Inis kong bulong na tama lang para marinig ng lalaking ito.
Umakyat na ako at nilagpasan lang yung dalawa at dumiretso na ako sa kwarto at pabagsak na humiga sa kama
"Wala ka man lang bang balak sagutin yung tanong namin"- tanong ni Zils
"Gusto ko sanang magpalamig"- walang ganang sagot ko
"Seriously? Eh may gatas naman sa ref ah o kaya juice, tubig bakit palamig pa yung gusto mo? naglilihi ka ba? tsaka gabi na kaya sa tingin mo may nagtitindang palamig sa labas?"- nagtatakang tanong ni Zils
Nagtinginan lang kami ni Sandy at napabuntong hininga habang umiiling.
Haay, ano ba naman to si Zils, kahit kelan talaga.
"T*nga lang Zils?"- sarkastikong tanong ni Sandy, at pabagsak ring humiga
"What?"- kunot noong tanong ni Zils at may pagtaas pa ng kamay
Bumuntong hininga na lang ulit kami ni Sandy kaya napasimangot na lang si Zils at pabagsak rin syang humiga
Nakakatawa tuloy reaction nya
Hanggang sa makatulog na nga kami.
***
Kinabukasan..
Usap usapan ngayon yung about sa welcome party, natanggap na rin nila yung mga invitation nila
Yung iba masaya, yung iba parang nababahala?..
"Girls parating na daw sila"
"Really"
"When?"
"Later?"
"Sino naman kaya ang parating?"- tanong ni Zils
Naglalakad kami ngayon papuntang Canteen nang may maramdaman akong papalapit na bagay sakin
..at tama nga ang hinala ko, may tatama nga sakin at yun ay isang bola buti matalas ang pakiramdam ko at nasalo ko naman agad to
Tiningnan ko kung saan nagmula yung bola
Natanaw kong papalapit ngayon ang mga gag*ng lalaki..sino pa ba edi sina Kevin..tss
"Hoy akin na nga yung bola"- sabi ng isang lalaki si Kiel ata to
"What if I don't?"- I said seriously at pinaikot sa daliri ko yung bola, kung hindi nyo nalalaman eh marunong akong mag basketball tinuruan ako ni kuya Mike eh
"Alam mo ikaw babae, san mo ba nakukuha yang tapang mo ha?"- tanong nung Niel
"Sa mata mo"- I said sarcastically, para asarin to, kaya nagtawanan yung mga estudyante dito pati sina Zils at Sandy
Nanglaki lalo yung nanlalaki nyang mga mata
"Nang aasar ka ba?"- tanong nya
"Bakit pikon ka na"- pang aasar ko pa
"Give me that ba-..."- hindi pa tapos magsalita si Kevin eh binato ko na ng malakas sa kanya yung bola na ikinaatras nya pero nasalo naman nya, poker face parin nakakainis
"Naghahamon ka ba?, tamang tama nabobored pa naman ako"- tanong nya sabay bato nya ng bola pabalik sakin na nasalo ko naman
"Really? nabobored ka? well, parehas pala tayo, nabobored din ako dahil sa pagmumukha mong nakakaalibadbad"- sabi ko at nagkunyaring ibabato ko ulit sa kanya yung bola kaya naalerto sya pero nagulat sya nung hindi ko tinuloy, at ginamit ko yung gulat nya para malito sya at buong pwersa kong ibinato sa kanya yung bola habang umiikot to
..at nagsimula na naman ang gulo sa pagitan namin, at si Jeff? ayun nakaupo lang habang kumakain ng pop corn at naka dekwatro pa, san naman kaya nya nabili yun
Nasipa ako ni kevin sa tiyan kaya napaupo ako, tumayo at sumugod sa kanya
..suntok
..sipa
..iwas
..suntok
..sipa
..iwas
Yan lang ang ginagawa namin..ang boring diba..inaantay ko lang kasing maglabas sila ng patalim..kasi kapag ako yung unang naglabas baka isipin nila na mahina ako..
I want to they know na kahit wala akong armas eh kaya kong lumaban at talunin sila.
Ini slide ko yung paa ko para talapirin si Kevin, ngunit nabigo ako kaya ngumisi sya
Sumugod ulit ako at sumugod din siya, nasuntok ko sya sa mukha at tinuhod ko sa tiyan, pinupunasan nya yung dugo sa gilid ng labi nya at ngumisi
..puro ngisi lang ba ang alam nya
"OMG ayan na sila"
"Ang ganda parin nya"
"Yari sila"
Bulungan ng mga tao sa paligid ko
Ano ba yan? Hindi ba sila nagsasawang magbulungan?
"What's happening here?"- tanong ng familiar na boses kaya napatigil ako napatingin sa nagsalita, so sya pala yung tinutukoy na paparating, sino ba sya dito? akala mo naman kung sino.
_____
A/N:
Sino kaya yung dumating?
At bakit kaya kilala ni Amira? hmm..
vote.comment.follow me