The Badass Babysitter Vol.2 ✓

By Nayakhicoshi

1.1M 51.5K 38.2K

[Highest Rank Achieved #15 in Humor as of October 8 2018; #24 in adventure, #3 in Babysitter] Volume 2 of The... More

Volume 2
Chapter One: Date
Chapter 2: Party
Chapter 3: Tinola
Chapter 4: Endearment
Chapter 5: Haup Beast
Chapter 6: Night Hug
Chapter 7: Jealous
Chapter 8: Nanang & Tatang
Chapter 9: Kiss me
Chapter 10: Meet
Chapter 11: Landlord
Chapter 13: Serpens
Chapter 14: Her Throne
Chapter 15: Cloud 9
Chapter 16: Protection
Chapter 17: Bitch
Chapter 18: Costume Party
Chapter 19: How are you?
Chapter 20: Wish granted
Chapter 21: Bruises
Chapter 22: Forgive and Forget
Chapter 23: Wounded
Chapter 24: Apple for a day
Chapter 25: Favor
Chapter 26: Holdapers
Chapter 27: Farewell
Chapter 28: Luggage
Chapter 29: Housemate
Chapter 30: Junakis the sixth
Chapter 31: Baby Tiger
Not an update!
Chapter 32: Ella es la muerte
Chapter 33: The little compass
Chapter 34: Cuddles and I love you
Not an Update
Chapter 35: Alien
Chapter 36: Old Friend
Chapter 37: Back to School
Chapter 38: Colours
Chapter 39: Ruin
Chapter 40: Embrace
Chapter 41: Officer
Chapter 42: Hemisphere
Chapter 43: Princess Tatiana Quvenzane Schleswig of Greece and Denmark
Chapter 44: Heat
Chapter 45: Dagger
Chapter 46: Quarantine
Chapter 47: Grounded
Chapter 48: Reunion
Chapter 49: Isaiah's Birthday
Chapter 50: Sneak peak
Chapter 51: Home run
Chapter 52: Family Dinner
Chapter 53: Lose
Chapter 54: Moving on
Chapter 55: Explode
Chapter 56: Back to the old times
Chapter 57: War zone (part 1)
Chapter 57: War zone (Part 2)
Chapter 58: Final plan
Chapter 59: Welcome-Goodbye
Chapter 60: Genesis
VOLUME 3
Book 3 is out!

Chapter 12: Kapitan

18.1K 828 1.1K
By Nayakhicoshi

CHAPTER TWELVE

_

PSALM CRANE's POV

"Gravity represents the attraction between objects. All objects with mass are affected by gravity."

Tumangu-tango ako habang nakikinig kay Noah. Nasa sala kaming lahat at pinag-aaralan ang tungkol sa Gravity. Iyon kasi ang magiging topic namin sa Science sa susunod na linggo. Palagi kaming nag-a-advance study para maging prepare kami sa mga magiging itatanong ni Sir sa amin. Sabi kasi ni Dada, mas magandang advance ang mga kaalaman namin sa pag-aaral para mataas ang grade namin.

"The Earth has gravity. Gravity holds everything close to this planet. Trees, water, animals, buildings, and the air we breathe are all held here by gravity. All of the planets, their moons, and the stars in the universe have gravity. Even our own bodies have gravity. The Earth's gravity is far stronger than our own so we don't notice the gravity our bodies possess."

Wow! Ibig sabihin parte na ng mundo ang gravity? Pati katawan namin may gravity. Ang galing! Yung utot ko kaya may gravity din? Hehe, tatanong ko mamaya si Noah.

"We don't actually "feel" gravity. We only feel the effects of trying to overcome it by jumping or falling."

Hmm, tama si Noah. Hindi nga natin nararamdaman ang gravity.

"Wow! Ang talino mo naman Noah! Nag-advance study ka ba?" namamanghang tanong ko.

Kahit magaling ako sa Science ay hindi ko parin naman kabisado ang lahat ng sakop nito. Ang galing talaga ni Noah at alam niya kaagad ang tungkol sa Gravity.

"Hindi. Stock knowledge ko lang 'yon, Kaps" sagot niya at uminom sa gatas niya.

Kaya idol ko si Noah eh. Ang laki kasi ng GB ng memory niya at nakakaimbak ito ng mga information katulad nito.

"Hindi ba may Newton’s law of universal gravitation? Ano 'yon, Noah? Hindi ko na kasi matandaan" nakangusong tanong ni Peter. Nagta-take note ito ng mga sinasabi ni Noah. Ako nakikinig lang, hindi ko na kailangang isulat dahil pumapasok ito sa utak ko ng maayos, hehe. Ang galing 'no?

"Uhmm.." Hinawakan ni Noah ang sintido at pinikit ang mga mata. Nag-iisip ito. "Hindi ko na matandaan.." aniya pagmulat niya.

"Alam mo ba Isaiah?" Baling ko kay Isaiah na nagkukulay sa Dora na coloring book niya. Kinukulayan niya ng white ang balat ni Dora.

"Hmm, Newton’s law of universal gravitation?" Tumango kami. Lumabi ito at nagkamot sa ulo. "Hindi ko alam e. Sa Chemistry kasi ako pinakamahusay sa Science. Pasensya na, Kaps" aniya at nilagyan ng lipstick na Violet si Dora.

"Isaac Newton realised there must be a force acting between the planets and the Sun."

Sabay-sabay kaming napatingin kay Genesis na naka-upo sa pang-isahang sofa. Naka-dekwatro ang upo nito at may hawak siyang libro ng Filipino. Medyo mahina kasi siya sa Filipino kaya dito siya mas nagfo-focus.

"He also defined what a force is. Whether or not a falling apple really prompted his eureka moment, the equation he came up with to describe the behaviour of this force was revolutionary.

F = Gm1m2 / r2

This equation says that gravity is a force that two objects with mass exert on each other simply because they have mass. The strength of the force (F) is proportional the masses of the two objects (m1 and m2) divided by the square of the distance between them (r). The G is a constant that measures the basic strength of the force. It boils down to this: the more massive objects are, the greater the force of attraction between them, but the further they are apart, the weaker the attraction."

Napanganga kami. Sobra kaming namangha sa mga sinabi niya. Ibang klase talaga ang talino ni Genesis!

"Wow! Ang galing mo, Genesis..." namamanghang sabi ko. Sana kasing talino rin niya ako.

"Pinag-aralan mo ba 'yan, Kaps?" tanong ni Peter.

Nilipat muna ni Genesis ang pahina bago sumagot.

"Not really. I just happened to read the book about that when I was 3 years old."

3 years old? Ang bata pa niya! Noong 3 pa nga lang ako ay dumedede pa ako sa itim na Dede ni Dada. Grabe naman ang utak ni Genesis.

"Ang talino mo talaga, Kaps" sabi ni Isaiah habang nakatitig sakanya  na nagbabasa ng libro.

"Of course, I'm a Crane. What do you expect?"

Napangiti kami. Oo nga pala, matatalino ang mga Crane, hehehe. Mukha lang kaming mga unga-unga pero may laman naman ang utak namin. Minsan lang talaga ay nag-e-error ito kapag na over used.

"Hmm, Genesis, magiging Scientist ka ba pagtapos mong mag-aral?" tanong ni Noah.

Saglit na tumigil sa pagbabasa si Genesis at tumingin kay Noah. "No. I'm planning to study a law."

"Ano 'yon, Kaps?" tanong ko.

"A lawyer."

Wow! Lawyer ay abogado 'di ba? Ang cool naman no'n!

"Bakit gusto mo maging lawyer?"

Binalik nito ang tingin sa libro at napansin ko ang pag-ngiti niya.

"Para maipaglaban ko ang Girlfriend ko."

*_______*

Kyaaaaahh!

"Hehehe, ang sweet mo naman Genesis! Teka," ngumuso ako. "Kailan pala ang monthsary niyo ni South?" tanong ko.

Tumingin siya sa akin at nangunot ang noo. "Monthsary? What's that?"

"Monthly celebration 'yon kung anong araw na naging kayo. Anong petsa ka ba sinagot ni South?" tanong ko.

Mas lalong nangunot ang noo niya. Saglit itong nag-isip at ilang sandali lang ay umiling ito.

"I don't remember."

-_____-

"Ang sama mo namang Boyfriend Genesis. Paano mo nagawang kalimutan ang mga importanteng bagay katulad niyan?"

Bumalatay ang pag-aalala sa mukha niya.

"Is it necessary? Damn! I didn't know such thing!" natataranta ito.

Tumayo si Peter at pinakalma si Genesis.

"Kalma ka lang, Kaps. Ganito na lang, hindi mo ba talaga natatandaan kung anong araw ka sinagot ni Timog?" tanong niya.

"Paano ko maaalala kung siya lang ang tanging laman ng utak ko ng araw na 'yon?"

"Sa tingin mo, gaano na kayo katagal ngayon?" tanong ulit ni Peter.

"Hmm, based on my calculation, magdadalawang linggo na kami."

Dalawang linggo? Wow! Natagalan nila ang isa't isa?

"Paano niyo i-ce-celebrate ang monthsary niyo 'yan?" Nakaramdam ako ng lungkot para sakanila.

"Psalm, hindi na sine-celebrate ang monthsary" sabi ni Peter.

"Ha? Bakit?"

Ngumiti siya at lumapit kay Genesis. Naupo ito sa isang braso ng sofa at inakbayan si Kaps.

"Wala ng Monthsary. 40 days na lang ang meron."

Eh?

"What's 40 days?" tanong ni Genesis.

"40 days ang dapat niyong i-celebrate ni Timog. Sabi mo dalawang linggo na kayo? Ibig sabihin meron na kayong 14 days at dahil diyan, kailangan mong bilangin ang araw. 26 days na lang ay mag fo-forty days na kayo! Kyaaaah! Ang saya no'n, Kaps!" masayang sabi ni Peter. Kumikislap pa ang mga mata niya.

"R-really? What will happen if we reach our 40 days?" seryosong tanong ni Genesis. Parang ang lalim ng iniisip niya.

Humalukipkip si Peter. "Ang ibig sabihin no'n, nalagpasan niyo na ang 39 days."

"Really?" Paniwalang-paniwala si Genesis.

Oo nga 'no? Ang galing ni Peter! Ang talino, grabe! Tama talaga si Genesis na matatalino ang mga Crane.

"Teka, Kaps! Bago niyo marating ang 40 days niyo, dapat alam niyo muna ang Slam book ng bawat isa" sabi ni Noah.

"Slam book?"

Itinabi ni Noah ang mga hawak na notebook at humalukipkip na tumingin kay Genesis. Seryoso ang mukha nito.

"Oo. Importante 'yon. Doon mo makikilala ng tuluyan ang isang tao."

"Really? How will I do that?"

Saglit na nag-isip si Noah at ilang sandali lang ay bumaling siya kay Isaiah. "Kaps, nasaan na 'yong Slam book mo? 'Di ba, hindi pa nagsusulat si Genesis doon?"

"Oo nga! Teka!" Binuksan ni Isaiah ang bag at nilabas ang isang Boots na notebook. "Eto, hehe! Si Baby Tiger ang huling nagsulat diyan!" aniya at pinakita sa amin.

"Chicks is life ang motto ni Baby Tiger?" tanong ko ng mabasa ang nakasulat doon.

"Oo. Pakboy din ata 'to eh."

Binigay niya ang notebook kay Genesis. "Ayan, Genesis. Sagutan mo 'yan, ha? Pagkatapos mo ay ibigay mo naman kay South!"

Binuklat ni Genesis ang notebook. Nangunot ang noo niya pagkabasa ng mga nandoon.

"Do we really need to do this shit?" aniya.

"Oo!"

Bumuntong hininga ito at nilagay sa lamesa ang notebook. "I'll answer it later."

^______^

"Genesis, may Slam book din ako. Sagutan mo rin 'yon, ha?"

Kyaaaah! Excited na akong malaman kong ano ang motto ni Genesis at kung ano ang message niya para sa akin!

"Kaps, ano pala ang theme song niyo ni Timog?" tanong ni Noah.

"Do we need that?"

"Oo naman!" sabay-sabay naming sagot nina Noah, Peter at Isaiah. Maging si Baby Tiger.

"Kailangan 'yon. 'Di ba nga si Dada may song din sa atin na Alleluia!"

Naalala ko ang palaging kinakanta sa amin ni Dada. Hays, miss ko na tuloy ang pakboy na 'yon.

"So may naisip ka na ba na kanta para sainyo ni Timog?"

Nagkamot ng batok si Genesis. "Wala akong alam na kanta.." Napayuko ito at halatang nalulungkot.

Ngumuso ako at hinawakan ang kamay niya kaya tumingin siya sa akin.

"'Wag kang mag-alala, Kaps. May alam ako" sabi ko dahilan para kumislap ang mga mata niya.

"Really? What is it then?"

Ngumiti ako ng malaki.

"Boom Panes!"

"Eh?"

"Meron pa! Boom karakaraka!"

Nag-isang linya ang kilay nito. "Are you fvcking kidding me?"

Ngumuso ako. "Maganda naman 'yon e!"

"Ayaw mo ba 'yon, Genesis? May alam pa akong mas maganda!" sabi ni Isaiah.

"What?"

"Whoops Kiri whoops!"

"'Wag kang pabebe!"

Napayuko siya at hinilot ang batok. Mukhang hindi niya nagustuhan ang mga sinabi namin. Maganda naman ang mga 'yon e!

"Tama ang mga 'yon Genesis! Siguradong mamahalin ka habang buhay ni South kapag iyon ang kinanta mo sakanya!" sabi ko.

Sumang-ayon si Noah. "Pero mas maganda 'yong Boom Panes. Kantahin mo 'yon sa 40 days niyo, siguradong magtatagal ang relasyon niyo!"

Nag-angat ito ng tingin sa amin. May pagdududa parin sa mga mata niya.

"Are you sure?"

Nakangiting tumango si Noah. "Oo naman! Proven ang tested na 'yan!"

"By who?"

"By Dada!"

Napaungot si Genesis at problemadong sinapo ang noo.

"Really? Dada? May nagtagal ba sakanya? Wala naman e."

Oo nga 'no? Wala namang nagtatagal sa pakboy naming Ama.

"Edi 'yong Whoops Kiri whoops nalang Genesis. Siguradong kayo na ni South ang panghabang buhay na magmamahalan." Kumikislap ang mga mata ni Isaiah. Tinuka naman ni Baby Tiger ang daliri nito kaya tinignan siya ng masama. "Ikaw ha! Bad ka talaga! Papalitan ko na ang Theme song natin na 'You raised me up!'"

"Ayaw mo ba 'yon, Genesis?" tanong ni Peter.

Bumuntong hininga si Genesis. "Magugustuhan ba niya ang kantang 'yan?"

"Oo naman!"

Sinara nito ang hawak na libro at tumingin sa amin.

"Fine. Teach me those songs and I'll try to sing it with her" aniya.

^_______^

"Kyaaaah! Kakanta ka Genesis?" Hindi ako makapaniwala. Hindi ko pa kasi siya naririnig na kumanta. Kapag pinapakanta siya ni Dada nagwa-walk out lang ito palagi. Excited na akong marinig ang boses niya!

"Y-yeah..." Namula ang tenga nito at nag-iwas ng tingin. "Gusto kong kantahin 'yong Boom Karakaraka sakanya..."

^_______^

"Huwag kang mag-alala, Kaps. Kami ang bahala sa'yo" sabi ni Noah at kinindatan si Genesis.

Ituturo ko rin sakanya ang dance steps nito para mas masaya!

"Oo nga pala, bakit wala pa si South?" tanong ni Isaiah habang nakatingin sa malaking orasan namin na Dora. Nakasabit ito sa pader.

Oo nga 'no? Alas nuebe na ng gabi wala pa siya.

"She's probably on her way home" sabi ni Genesis at tinignan ang cellphone niya. "Hindi parin niya sinasagot ang mga text ko.."

"Hintayin nalang natin siya" sabi ko kaya tumango ang mga 'to.

Habang hinihintay namin na umuwi si South ay tinuloy namin ang pag-a-advance study namin tungkol sa Gravity. Kapag meron kaming hindi alam ay si Genesis ang nagtuturo sa amin. Minsan din ay tinutulungan kami ni Isaiah kahit busy siya sa coloring book niya.

"Hala! Anong oras na! Kailangan na nating mag beauty rest!" Napasinghap si Isaiah.

Napatingin kami sa orasan. Alas onse na!

"Pero wala pa si Timog!" sabi ni Noah.

"I'll try to call her again" sabi ni Genesis at nilapat ang cellphone sa kaliwang tenga. "Damn! She's still not answering!" Ilang beses nitong inulit-ulit na tinawagan pero tanging mura sa bibig lang ni Genesis ang naririnig namin. Hindi sinasagot ni South ang tawag niya.

"Saan ka pupunta Genesis?" tanong ko nang tumayo ito at kinuha ang susi ng sasakyan namin.

"I'm going to fetch her" aniya at akmang lalabas na sana ng bahay pero biglang namatay ang lahat ng ilaw.

O______O

"K-kaps..." Nanigas ako sa kinaroroonan ko.

"Waaaah! Huhuhuhu! Noah!" Boses 'yon ni Isaiah.

"Diyan ka lang, Isaiah! 'Wag kayong aalis sa pwesto niyo!" sabi ni Noah.

"N-natatakot ako..." si Peter.

Hindi ako gumalaw sa pwesto ko. Ang dilim! Natatakot ako at pakiramdam ko may nakatingin sa akin. Waaahh! Huhuhu! Ayoko na nito!

"G-genesis?" tawag ni Isaiah kay Genesis pero walang sumagot.

Bigla akong kinabahan. Pinikit ko ang mga mata ko dahil sobra na akong natatakot. Naririnig ko ang hikbi ni Isaiah, katulad ko ay sobra rin ang takot niya sa dilim.

Huhuhu Dada ko!

"Kaps? Genesis nasaan ka?" Boses ni Noah.

Pinakinggan ko ang tugon ni Genesis pero wala. Mas lalo akong natakot.

"G-genesis..."

Bigla akong kinilabutan ng maramdaman ko na naman na parang may nakatingin sa akin. Ayokong buksan ang mga mata ko dahil natatakot ako. Niyakap ko na lang ang tuhod ko at umiyak.

"Huhuhu, Noah? Nasaan ka?" tanong ko.

"N-nandito ako. Basta 'wag kayong aalis sa pwesto niyo. Pupuntahan ko kayo" aniya.

Pinakiramdaman ko ang paglapit ni Noah sa akin. Hanggang sa maramdaman ko na parang may tao sa likod ko.

"Noah, ikaw na ba 'yan?" tanong ko.

"H-hindi pa ako umaalis sa pwesto ko, Kaps.."

O_____O

Kung ganoon...sino 'yong nasa likod ko?

Nagsitaasan lahat ng balahibo ko ng maramdaman ko na lumapit pa sa akin ang taong 'yon. Hanggang sa maramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko.

"Booo..."

O______O

"WAAAAAHHHHH!" Napa-sigaw ako ng malakas. Umalis ako sa pwesto ko at tumakbo kahit sobrang dilim ng paligid.

"P-psalm? Anong nangyayari?" natatarantang tanong ni Noah.

May bagay na sumagi sa paa ko kaya natumba ako sa sahig. Tinakpan ko agad ang mga mata ko para wala akong makitang nakakatakot. Nanginginig na ako at pakiramdam ko maiiihi narin ako sa shorts ko.

"Huhuhu natatakot ako..." humikbi ako.

"Psalm? Shit! Tangina!"

Biglang bumalik ang ilaw. Unti-unti kong tinanggal ang kamay ko sa mukha ko at lugmok ang luha na tumingin sa paligid. Una kong nakita si Noah na tumatakbo papalapit sa akin.

"Psalm..."

May naramdaman akong bagay sa paa ko kaya napatingin ako rito pero ganoon na lang ang gulat ko na makita si Genesis. Nakahiga ito at walang malay.

"K-kaps..."

"Peter!"

Sumigaw si Isaiah kaya napatingin kami sakanya. Nakatulala ito habang nakatingin sa gilid ng pahabang upuan. Doon ay nakita namin si Peter na wala naring malay.

Sunud-sunod akong napahikbi at napatakip sa bibig ko. Napatingin ako kay Genesis. Nilapitan ko ito at niyugyog pero ayaw na niyang gumising.

"G-genesis..." Nilakasan ko ang pagyugyog ko pero ayaw na talaga. Mas lalo akong napaiyak.

Waaaah! Anong nangyari kay Genesis at Peter?

"Peter.."

Napatingin ako kay Noah na malutong na nagmura. Yakap-yakap niya si Peter habang umiiyak.

P-patay na ba sila?

                                       _

SOUTHERN'S POV

"Are you sure you're okay?"

Sinandal ko ang likod ko sa upuan ko at bumuntong hininga. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses na niya 'yan tinanong.

"Vape, stop worrying about me. I'm fine."

Sumimangot ito habang nakatutok ang paningin sa kalsada. He's driving. Pauwi na kami at pinilit nitong siya ang magmamaneho sa sasakyan niya. As if naman na ibabangga ko ito.

"You just can't ask me to stop, Milagro. Alam mo kung ano ka sa buhay ko kaya hindi mo ako mapipigilang mag-alala. Hindi ako mapapanatag hangga't hindi ko nasisigurado na okay ka."

Nag-iwas ako ng tingin at tinuon na lang ang attention sa labas ng bintana. Sobrang dilim na ng paligid. Hindi ko narin alam kung anong oras na.

Tulog na kaya ang mga Crane? I doubt it. Tiyak na hinihintay na naman nila ako. Sa kakaisip sa mga Crane ay hindi ko maiwasang sumagi sa isip ko si Genesis. Kumain na kaya siya? I'm sure hindi pa. He wouldn't eat without me.

Pinikit ko ang mga mata at marahang minasahe ang nanakit kong ulo. Sigurado ako na mag-aaway na naman kami nito. Sinabi pa naman niya na kailangan kong umuwi bago ang dinner pero heto, anong oras na. Nawala na siya sa isip ko kanina dahil sa mga nangyari. Babawi na lang ako.

Makalipas ng isang mahabang katahimikan ay muling nagsalita si Vape.

"Do you still want to see your Mom?"

I immediately clenched my fist. Kung noon, sobrang saya ang nararamdaman ko kapag binabanggit siya, ngayon ay hindi na. Nangigigil ako na pakiramdam ko ay paulit-ulit akong sinasaktan.

"Ayokong makita kahit maski anino niya" mariin kong sabi.

Ramdam ko ang tingin niya sa akin. "Milagro---"

"Let's not talk about this, Vape. I'm so tired." Putol ko sa kung ano ang sasabihin niya.

He sighed and just focus on the road. Makalipas ang isang oras ay pumasok na ang sasakyan sa loob ng Village. I was looking at the window when the car wheels suddenly make a blatant scratches. Nabuwal ako sa kinau-upuan ko at kung hindi lang ako naka-seat belt ay baka tumapon na ako sa windshield.

"Shit!" malakas na mura na Vape.

Napatingin ako sa itim na sasakyan na nagmamadaling tumakbo papalayo. Mabilis akong bumaba ng sasakyan at sinubukang habulin ito pero nakalayo na ito. Nagmura ako ng malutong.

"What was that?" tanong ko sa sarili.

"Milagro! Dapa!" Malakas na sigaw ni Vape.

Mabilis akong napadapa ng may mabilis na motor ang dumaan at nagbato ng mga patalim sa akin. I dodge it all by rolling in the ground. Maingay na umikot ang motor sa akin at sunod-sunod akong pinaulanan ng mga patalim.

Napamura ako kasabay ng pagbaon ng isa sa binti ko. Kahit kumikirot ito ay nagawa ko paring umikot at nilagay lahat ng pwersa sa itaas na bahagi ng katawan ko para makabangon. Niluhod ko ang isang tuhod sa sahig at nakaapak naman ng maayos ang isa. My both hands support my body to stay still. Napatingin ako sa patalim na bumaon sa kanang binti ko at walang pagdadalawang isip na hinugot iyon.

"Aaaahh! Fuck!" Napahiyaw ako sa sakit. Tangina, mapapatay ko talaga ang gumawa nito.

Umagos ang dugo sa binti ko pero wala doon ang attention ko kundi nasa patalim. It's a dagger with a skull and butterfly design on it's head.

Nakarinig ako ng sunud-sunod na putok ng baril kaya napatingin ako sa harap at nakitang nagmamadaling humarurot ang motor papalayo. Dalawa ang sakay nito at balot na balot sila ng itim na motor gear. Hindi ako sigurado kung babae o lalaki ang mga ito pero isa lang ang nasisigurado ko, ako ang puntirya nila.

"Habulin natin" mariin kong sabi at akmang tatayo na pero bigla akong natumba ng kumirot ang sugat ko. "Aaah! Shit!"

"Milagro!" Nagmadali akong nilapitan ni Vape at tinulungang makatayo.

"Vape, ako ang target nila" sabi ko at seryosong tinignan ang daang tinahak ng motor at ang itim na Van.

"I know, and don't worry about it."

Napatingin ako sakanya ng may kunot na noo. Ngumisi siya at pinakita ang baril.

"Natamaan sa likod ang isa at sa binti naman ang driver. And those bullets have a tracking device inside. Malalaman natin kung saan sila pupunta at nakaregister narin ang mga 'to kaagad sa computer ko" paliwanag niya.

"You're a freak" I commented.

"A handsome freak" he corrected with a toothy grin on his face.

Napairap ako at ininda muli ang sugat ko. Napatingin ako sa dugong umaagos sa binti ko. Langya talaga!
Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko para pigilang napahiyaw sa sakit.

"Let's go." Inakbay ko ang isang braso ko sa balikat niya at akmang maglalakad na sana kami pabalik sa sasakyan ng bigla akong may mapagtanto.

"Vape..." Bigla akong kinain ng kaba.

Iyong mga sasakyan, kung hindi ako nagkakamali..

Napatingin ako sa daang pinanggalingan nila kanina. Iyon ang daan na papunta sa bahay ng mga Crane.

"Ang mga Crane..."

Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko habang papunta kami sa bahay. Pinagdadasal ko na sana walang masamang nangyari sakanila dahil hindi ko talaga patatahimikin ang kaluluwa ng mga hayop na nanakit sakanila.

"Milagro, you have to calm down, isipin mo ang sugat m---"

Hindi ko pinakinggan ang sinasabi ni Vape. Nang makarating kami sa bahay ay mabilis akong bumaba ng sasakyan at pumasok sa bahay. Hindi ko alintana ang sugat sa binti ko. Ang tanging tumatakbo lang sa utak ko ay ang mga Crane. I have to see them.

"Milagro!"

Pagbukas ko ng pinto ay kaagad bumungad sa akin ang mga Crane na nasa sala. Umiiyak sila habang yakap-yakap sina Peter at Genesis.

Genesis..

"South! Waaaah!"

Tumakbo si Isaiah papalapit sa akin at kaagad akong niyakap. Iyak ito ng iyak. May mga sinasabi siya pero wala akong maintindihan. Ang buong attention ko ay na kay Peter at Genesis lang na parehong walang malay.

Namanhid ang buong katawan ko. Hindi ko alam ang gagawin. Natulala lang ako sakanila.

"Shit! What happened?"

Hindi ko namalayan ang pagpasok ni Vape. Kaagad siyang lumapit sa mga Crane at tinignan sina Peter at Genesis. Tudo iyak sina Psalm at Noah na may hawak sakanila.

"B-biglang namatay ang mga ilaw kanina tapos ng meron na ay bigla na lang namin nakita na wala ng malay sina K-kaps... nakakatakot ang dilim.." Noah sobbed like a kid. Namamaos narin ang boses nito tanda ng pagiyak niya kanina pa.

"S-south, patay na ba sila?" humihikbing tanong ni Isaiah.

"They are still breathing. They just lost their consciousness" sabi ni Vape habang sinisipat ang dalawa. Hinawakan nito ang leeg ni Genesis at parang may kinapa doon. Sunod ay ang batok niya. Nangunot ang noo nito at ilang beses na may pinisil doon. "Someone hit him hard here. Iyon ang tingin ko ang dahilan para mawalan siya ng malay. Same with Peter.." dagdag niya.

"S-south, okay ka lang?" tanong ni Isaiah.

Mariin kong pinikit ang mga mata ko ng magising ako sa pagkakatulala. Nang magmulat ako ay napansin ko ang mariin na pagkakakuyom ng mga kamao ko. Napatingin ako kay Isaiah na napapalunok habang nakatingin sa akin.

"S-south, nakakatakot ka..." namula ang ilong nito kasabay ng muli niyang paghikbi.

"Nasaktan ba kayo?" Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Napatingin ako kina Noah at Psalm at sinipat sila ng tingin.

Umiling sila at ngumuso.

"N-natakot lang kami sa dilim" ani nila.

"Tapos may multo din na bumulong sa akin. Nakakatakot, South.." nagsimula ring umiyak muli si Psalm kaya mabilis siyang pinatahan ni Noah.

Lumapit ako sakanila pero dahil sa sugat ko ay paika-ika akong naglalakad. Nangunot ang noo nila at napatingin sa paa ko.

"Timog, dumudugo ang binti mo!"

"Milagro..." Nag-aalala akong tinignan ni Vape.

Hindi ko sila pinansin. Lumapit ako kay Genesis at Peter. Lumuhod ako sa sahig kaya mas lalong kumirot ang sugat ko. I just bit my lower lip to stop myself from groaning.

"G-genesis..." Hinaplos ko ang pisngi nito. Kumikirot ang dibdib ko at hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko sa nangyari. Kung sana umuwi na lang ako kaagad hindi ito mangyayari sakanila.

"I'll check the CCTV's" sabi ni Vape habang abala ito sa pagpindot sa cellphone niya. "Got those shit!"

Napatiim bagang ako. Muling nabuhay ang galit sa dibdib ko. Hindi ko mapapatawad ang mga gumawa nito.

Tangina talaga ang gagago sa mga Crane.

Muli kong pinagmasdan ang mukha ni Genesis. I will fvcking kill everyone who hurt him, o kahit sino sa mga Crane. Kaya kung sino man ang gumawa nito sakanila, magtago na sila.

Kinuyom ko ang kamao ko at muling tumayo. Seryoso akong bumaling kay Noah at Psalm.

"Dalhin niyo muna sila sa taas. Magpahinga na rin kayo" sabi ko.

"Magigising pa ba sina Genesis?" tanong ni Isaiah.

Tumango ako at tipid na ngumiti. "Natutulog lang sila."

Ngumuso ito at tinulungan si Psalm na buhatin si Peter. Samantalang napanganga naman ako ng makita na mag-isang binuhat ni Noah si Genesis. Bridal style.

Saan niya nakuha ang ganyang lakas?

Nang makaakyat na sila sa taas ay bumaling ako kay Vape na seryosong nagtitipa sa cellphone niya. Mukhang tinitignan niya ang system na nilagay niya dito sa bahay.

"Those freaks.." he mumbled.

"I want them dead."

That caught his attention. Tumingin siya sa akin ng may seryosong mukha.

"Milagro, huwag kang magpadalos---"

"Sinaktan nila ang mga Crane" mariin kong sabi.

Napalunok ito. Alam niya na hindi ako nito mapipigilan kapag ang mga Crane na ang sangkot at alam niya rin na makakapatay talaga ako.

Kinuha ko ang dagger na nasa bulsa ko at pinakatitigan iyon. Ito ang patalim na tumarak sa binti ko. Hinawakan ko ang bungo at paru-paru na disensyo nito.

This is very familiar to me. At sa tingin ko, alam ko na ang rason kung bakit sila naririto.

"That's the Serpens weapon.." sambit ni Vape. Nakatingin ito sa dagger na hawak ko. "Paano ka nila natunton?"

Mahigpit ko itong hinawakan. "Hindi ko alam."

Problemado itong napasabunot sa buhok niya. "Dammit, Milagro! Nasa panganib ka!"

I know. At hindi lang ako ang nasa panganib, kundi lahat ng tao sa paligid ko, lalo na ang mga Crane. Ngayong alam na nila ang possibleng kahinaan ko ay tiyak na gagamitin nila sa akin ito para matalo ako. Para mawala ako sa position ko.

Serpens Gang. Isa sa pinaka notorious na grupo ng Sigma. Mga sakim at makasarili, lalo na ang leader nila. Si Syphenix. Rank 4 lang ito sa Sigma at hindi ito kuntento sa ranking niya kaya ako palagi ang pinagdidiskitahan niya. She always wants my position. She wants to be the number one. She always wants to be on top. But I won't let her.

Kung sakim siya, demonyo ako.

"I'm going to kill her." Seryoso kong sabi.

Umiling si Vape. "You can't do that, Milagro. Alam mo ang rule. Bawal mong patayin ang kasama mo sa ranking."

Matalim ko itong tinignan.

"Anong gusto mong gawin ko? Pabayaan nalang ang ginawa nila? Tangina, Vape. Wala akong pakialam sa batas nila! Kapag sinabi kong papatayin ko sila, papatayin ko sila!" I gritted my teeth.

Bumuntong hininga ito.

"Calm down, okay? Ako na ang bahala sakanila---"

"No. Ako ang bahala sakanila" mariin kong sabi.

"Milagro..."

Napayuko ako at mahigpit na hinawakan muli ang maliit na kutsilyo. Nanginginig ang mga kamay ko, nangigigil silang pumatay. I am lusting their blood. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko sila nagagantihan.

"Hindi ko sila mapapatawad, Vape. Hindi ko mapapatawad ang lahat ng hahawak sa mga Crane."

Naramdaman ko ang kamay nitong humahaplos sa braso ko. Nag-angat ako ng tingin sakanya at nakitang tipid itong nakangiti.

"Sabihin mo ang kailangan kong gawin. Let's break the rules, Southern.."

Napangiti ako.

"Ready my Hunter. Let's hunt them."

                                        _

NORTHERN'S POV

"How is she?"

Iyan ang unang bungad sa akin ni Daddy kinaumagahan. Nasa hapag-kainan kaming lahat at nagsasalo sa umagahan.

Tinusok ko ang hot dog sa plato ko at inaalala muli si South. Ang malungkot nitong mga mata.

"Sa tingin ko ay okay na siya, Dad. Nalungkot ito pero naging maayos naman siya" sabi ko at napailing ng maalala ko na naman ang katarantaduhan ng kapatid ko kagabi.

"That's good..." aniya at uminom sa kape niya.

"Ate South is so cool, Nanang! Dapat nakita niyo kung papaano niya napaamo ang mga Gangsters kagabi!" pagkwe-kwento ni East sa matanda.

"Aso ba ang mga Gangsters na 'yon?"

"Hindi po. Mga bad boy po sila. They tried to hurt us last night but Ate South managed to tamed them. That's so cool, right?" Kumikislap ang mga mata ng kapatid ko. Manghang mangha parin ito.

"She made the Gangsters as her minions!" sabi rin ni West.

Hindi parin sila nakaka-move on sa nangyari kagabi. Nasaksihan ba naman nila ang pagiging mandurugas ng Ate nila. Ngayon lang sila nakasaksi ng ganoon kaya hindi sila maka-get-over.

"Good morning!"

Napatingin ako sa dumating at kaagad akong napangiti ng makita si Summer na pumasok ng dining hall. I invited her here today to help me with the preparations. Bukas na kasi ang Party at kailangan naming matapos lahat ngayon para konting set-up nalang ang gagawin ng mga tauhan ko bukas.

"Good morning, Summer!" Sinalubong ko ito at nakipag-beso.

"Good morning po!" baling niya sa mga matatanda bago tumingin kay Daddy. "Good morning, Sir!"

Tumango lang si Daddy samantalang napansin ko naman ang titig ni Nanang kay Summer. Hindi ko nalang ito pinansin at malaki ang ngiting bumaling sa kaibigan ko.

"Come on join us eat, Summer!" yaya ko pero napakamot ito sa batok at nahihiyang tumingin kay Daddy.

"N-nakakahiya naman..."

Tumingin si Daddy sakanya at tipid na ngumiti. "It's okay. Join us here.." aniya kaya napangiti si Summer.

"T-thank you po, Sir.." Tumango lang si Daddy.

Naghila ng isang upuan si Summer sa tabi ko at mabilis namang naglapag ng pinggan ang katulong sa harap niya. She smiled and thanked the maid.

"Eat up!" I said and gave her the foods.

"Thanks" ngumiti siya sa akin.

Aww, Summer is really so adorable.

"Dad, pwede kaming tumambay kina Wikipedia ngayon?" West spoke up.

Nangunot ang noo ko. "Wikipedia? The Vice President's Son?" tanong ko.

Tumango sila. "He's a freak right? Why do you always want to be friend with him?"

Kung hindi ako nagkakamali, malakas ang saltik ng isang 'yon. Palipat-lipat ito ng school dahil walang school ang nagtatagal sa ka-abnoyan niya. He always insisting na may Alien at hinahanap niya ito. Balita ko pa nga ay nilunod niya ang sarili sa dagat dahil may alien daw doon. He's a creep. Kaya ewan ko kung bakit gustong kasama ng mga kapatid ko iyon.

"Hindi naman kami namimili ng friends, North. Saka okay naman si Wiki, he's a genius. Marami kaming natututunan sakanya" sabi nila.

I just rolled my eyes. Yeah right, hindi na ako magtataka kung isang araw ay matutunan narin nilang maging saltik.

"So Dad, can we? Uuwi din po kami bago magdilim" pakiusap nila kay Daddy.

"Okay, pero dadagdagan ko ang security niyo. Call me immediately if you needed something" sabi ni Daddy kaya napapalakpak sa tuwa ang dalawa.

"Thanks, Dad!"

"Aww, they're so cute" Summer said as she stare at the two with adoration.

"Salamat, Summer!" ani nila kaya pinandilatan ko sila ng mga mata.

"Manners, guys! Manners!" paalala ko sakanila. Ngumuso ang mga 'to at natawa naman si Summer. Hays!

"Anyway, sabi mo lilipat ka ng School? Saang school?" Baling ko kay Summer ng maalala ang mensahe niya kagabi. Hindi ko na kasi ito nagawang tawagan dahil anong oras narin kami naka-uwi kagabi ng mga kapatid ko.

Uminom muna siya sa juice bago ngumiti at sumagot.

"Sa Abs University."

Napasinghap ako. I know that school!

"Omygosh! Diyan nag-aaral si South!" I beamed in delight.

"Really? Wow! I didn't know that!" Kumislap ang mga mata nito at halatang nagulat at natuwa sa narinig. "Na-excite tuloy akong maging schoolmate siya!"

Natawa ako. Ang swerte naman ni Summer. Marami pang pogi doon!

"I'm sure! At doon din nag-aaral ang mga Crane na kinu-kwento ko sa'yo. If I'm not mistaken, classmates sila ni South. Naiimagine ko tuloy ang nangyayaring kilig sa classroom nila dahil kay South at Genesis" I chuckled on that thought but I immediately grimaced when I realized na wala palang kakilig-kilig sa sarili ang kapatid ko. Siguradong mayayamot pa 'yon.

"I'm sure they are the best couple but," napatingin siya kay Daddy bago muling bumaling sa akin. "Okay lang ba na makipag-relasyon na si South? I mean, she's still young" aniya.

Napatingin ako kay Daddy. He sighed and sipped his coffee. Mukhang hanggang ngayon ay hindi parin niya lubusang tanggap na may boyfriend na si South. He surely loves her na nalulungkot ito sa katotohanang iyon. Iniisip kasi niya na tumatanda na siya at natatakot ito na isang araw ay may ikasal na sa mga anak niya. At si South ang pinakahuling inaasahan niyang magpapakasal.

"Well, okay na sa Family. We are happy na may nagpatibok na ang puso niya," napangisi ako. "Actually, South will formally introduce him in the family tomorrow. Excited na nga ako eh!" masaya kong sabi.

Biglang nabitawan ni Summer ang kubyertos nito sa sahig kaya natataranta niya itong pinulot.

"P-pasensya na! It slipped on my hands!" aniya. Pinigilan ko ito at sinenyasan ang mga katulong na nakatayo sa gilid. Lumapit ang dalawa sa amin at sila ang nagpulot ng kubyertos.

"Hayaan mo na, Summer. Just use another one" sabi ko at inutusan ang isang katulong na kumuha ng panibagong kubyertos.

"Pasensya na talaga" aniya at tumingin kay Daddy. "Sorry po, Sir." Yumuko ito.

"It's okay."

"May bisita tayong Babae at Lalaki" pagsasalita ni Nanang.

Napatingin kami sakanya. Ayan na naman siya sa kasabihang pinaniniwalaan niya. Kapag daw may nahulog na kutsara, may bisitang babae. Kapag naman tinidor, lalaki. Noong nakaraang gabi nga ay nahulog ni East ang kutsara pero wala namang bisita na babae ang dumating.

"Baka si South at ang nobyo nito" sabi ni Tatang.

"I'm not yet ready to meet her boyfriend. Kung hindi rin si Kuya Vape ito ay hindi ako interisado" mapait na sabi ni West.

"I agree" sang-ayon ni East.

"Guys, you have to give Genesis a try. He's a good man. I'm sure magugustuhan niyo siya" ngumiti ako. Ayoko ang gusto nila para kay South. Oo nga't gwapo si Vape at matalino pero mas gusto ko parin si Genesis.

"No way, North! Si Kuya Vape lang ang pinagkakatiwalaan namin kay Ate South. Ayaw namin sa iba" sumimangot si East.

"Hindi porket malaki ang naiambag ni Vape sa buhay niyo ay siya na. Give chance to other. And besides, kahit ayaw niyo kay Genesis, wala kayong magagawa. South loves him. Gusto niyo bang ipagkait ang kasiyahan ng Ate niyo sakanya?" Tinaasan ko sila ng kilay.

Nag-iwas sila ng tingin at ngumuso na lang. Malaki talaga ang tiwala nila kay Vape dahil nakakasama nila ito. Pwes, nakasama ko narin ang mga Crane, specifically si Genesis at kahit minsan---I mean, madalas na may abno siya ay natitiyak ko naman na magiging masaya si South sakanya. Her happiness is all that matters.

"We still don't like him..." bulong nila.

"Mabait si Genesis. I'm sure magiging maayos si South sakanya..." sabi ni Summer kaya napangiti ako. Parang alam narin niya ang pagkatao ng mga Crane base sa mga kinu-kwento ko sakanya.

"Ang mahalaga ay ang masaya siya, 'di ba Gideon?" sabi ni Nanang at bumaling kay Daddy.

"Tss." Umirap lang ito.

Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito at tinignan. Napangiti ako ng makita ang pangalan niya sa screen. Speaking of the Devil.

"Good morning, Evil Sister! Nasaan ka na?" Bungad ko pagsagot ko ng tawag. I invited her today here---actually, kasama ang mga Crane.

Gusto ko kasing ma-meet na ng pamilya ko ang mga ito ngayon para maiwasan ang pagkailangan bukas. And yes, mukhang mapapaaga rin ang pagkikita ni Genesis at ni Daddy. Mukhang masaya 'to! Ewan ko ba kung bakit pumayag kaagad si South. Siya itong takot na takot na magkaharap sina Daddy at Genesis pero heto, pumayag na dalhin ang mga Crane ngayon dito sa bahay. Hindi ko tuloy maiwasang magtaka.

"Okay, we will be waiting for you here. I'm sure excited narin ang mga tao dito na makilala----Hello?" Biglang naputol ang tawag kaya nakasimangot kong binaba ang cellphone ko.

Ang babaeng 'yon, hindi pa ako tapos magsalita binaba na kaagad. Bastos talaga!

"Is that Ate South?" tanong ni East.

Ngumiti ako at tumikhim para kunin ang attention ng lahat. Napatingin sila sa akin ng may pagtataka.

"South will be here! And guess what? Kasama niya ang mga Crane!" I beamed in delight. Gosh! I'm so excited!

"What?" Nangunot ang noo ng dalawang kapatid ko.

"Pupunta sila dito. I invited them para makilala niyo na sila kaagad. Amazing, right?" Abot tenga ang ngiti ko.

"Pupunta si Annunciata?" kuminang ang mga mata ni Nanang.

Napangiwi ako ng banggitin niya ang pangalan ni Mommy.

"S-si South po.."

Napatingin ako kay Daddy at napansin na tahimik siya. Seryoso ito at mukhang malalim ang inisip.

"North, I'm sorry but I can't stay longer. Nag-text si Nanay, kailangan niya raw ako..."

Bumaling ako kay Summer na nakatingin sa cellphone niya. Malungkot ang mukha nito at halatang nanghihinayang na hindi siya magtatagal dito sa bahay. Bigla akong nalungkot.

"Ganoon ba? Okay lang, sige na, puntahan mo na ang Nanay mo. She needed you the most" ngumiti ako kahit nalulungkot talaga ako.

May Cancer si Tita at si Summer lang ang nag-aalaga dito. Kawawa nga dahil wala na silang ibang katuwang. Maaga kasing namatay ang Tatay niya dahil sa sakit sa puso.

Ngumiti rin siya at bumaling sa pamilya ko. She smiled apologetically.

"Pasensya na po pero hindi na po ako magtatagal. Kailangan po ako ni Nanay, pasensya na po" todo hingi ito ng tawad.

"It's okay, we understand. Just go and take care of your Mother" sabi ni Daddy.

Tumango ito at tumayo na para umalis. Tumingin siya sa akin.

"I'm sorry, North. Babawi talaga ako next time" aniya.

"Okay lang. Be sure na nandito ka bukas, ha? Wear the gown that I picked for you" sabi ko. Tumango ito at umalis na ng bahay.

Nangunot ang noo ko. Bakit parang nagmamadali siya? Oh well, kailangan niya talagang magmadali para sa Nanay niya. Hays, nakakaawa talaga si Summer. I wish I can do something to lessen her worries.

Sayang din dahil mukhang hindi niya ma-me-meet ng maaga ang mga Crane. Siya pa naman itong excited minsan na makita sila. Hindi bale, meron pa namang bukas. I'm sure makikilala na niya ang mga 'to sa party.

"Pupunta ba talaga si Ate South?" tanong ni East kaya bumaling ako sakanila.

Ngumiti ako at tumango. "Kasama niya ang Boyfriend niya!"

They groaned in disapproval. "Ayaw namin itong ma-meet."

"Guys!" Pinandilatan ko sila ng mga mata. They surely don't like Genesis even if they haven't seen him. Gusto lang nila si Vape para kay South.

"It's okay. I have to meet the guy" sabi ni Daddy kaya napangiti ako at binigyan ng nang-aasar na tingin ang dalawa.

"You might want to meet the other Crane too. I'm sure magugustuhan niyo sina Noah, Peter, Psalm and Isaiah. They are so adorable!" hindi ko maiwasang kiligin.

"They are all guys?"

Tumango ako.

"And their names are all from the Bible" they stated.

Tumango ako at ngumiti.

"Siguradong mababait sila kasi sa Bible galing ang mga pangalan nila."

Ang ngiti ko ay biglang nauwi sa ngiwi.

"No comment."

Uminom na lang ako sa Apple Juice ko at hindi pinansin ang nagtatakang tingin ng dalawa.

"North.." Bumaling ako kay Daddy ng tawagin niya ako.

"Yes, Dad?"

"Ipahanda mo si Charlotte.."

O______O

Muntikan ko ng mabitawan ang baso na hawak ko. Nanginig ang buong katawan ko at hindi makapaniwalang napatitig sakanya.

"D-dad..."

Pansin ko na namutla sina East at West samantalang napapalakpak naman si Nanang sa tuwa.

"F-for what?" nauutal kong tanong.

He straightened his back and look at me. Walang mababakasang emotion sa mukha nito dahilan para mapalunok ako sa kaba.

"Para sa bisita. I want your sister's boyfriend to meet my buddy."

Namutla ako. "D-daddy..."

No way! Charlotte is my Dad's pet. A South American Fish known as Piranha to be specific.

                                       _

SOUTHERN's POV

"South, saan tayo pupunta?" tanong ni Isaiah habang nilalagyan ko ng pulbo ang likod niya.

"Basta." Binaba ko na ang T-shirt nito sa likod. "Next!"

Umalis sa harap ko si Isaiah at pumalit si Psalm. Tumalikod ito sa akin at tinaas ang T-shirt sa likod. Kaagad kong nilagyan ng pulbo ang likod niya.

Ang mga Crane na ata ang kilala kong hindi lumalabas ng bahay ng walang pulbo ang likod. Gusto kasi nila ang palaging presko at wala akong magagawa kundi ang lagyan sila sa likod.

"South, marami bang pagkain sa pupuntahan natin?" tanong niya.

"Oo."

Dadalhin ko sila sa Mansyon. Sa nangyari kagabi, hindi sila ligtas kung mananatili pa sila dito. Ngayon lang, kapag natugis ko na ang mga animal na pumasok sa bahay kagabi ibabalik ko rin sila kaagad dito. I don't want them to stay longer in the Mansyon dahil baka kung ano pa ang gawin ni Daddy sakanila.

North invited us in the Mansyon, pumayag ako kaagad dahil ang Mansyon ang pinakaligtas na bahay para sa mga Crane. I will be gone today and I think they will be fine there. Hindi sila papabayaan ni North at maraming security. Magiging maayos sila hanggang sa pagbalik ko.

"Timog, may chicks ba doon?" tanong din ni Peter.

"Wala. Letchon Manok meron. Next!"

Pumalit si Noah sa pwesto ni Psalm. Kaagad kong nilagyan ng pulbo ang likod niya pero habang kinakalat ko ang pulbo ay naramdaman ko ang matalim na tingin ni Genesis sa akin.

Napatingin ako sakanya at nakompirma nga ang tingin niya. Nakahalukipkip pa ito at palipat-lipat ang tingin niya sa kamay ko na nasa likod ni Noah at sa akin. It's like he's giving me a warning. I tsked. Kahit kailan talaga.

"Halika dito" sabi ko at pinaalis sa harap ko si Noah.

Nag-iwas ng tingin si Genesis at alanganing lumapit sa akin. Nagising narin sila ni Peter at sinabi nilang wala silang natatandaan sa nangyari. Mabuti narin 'yon para wala silang inaalala.

"W-what?" Hindi siya makatingin sa akin ng diretso.

"Likod. Pulbo." Maikling sabi ko.

Nagtaka ako ng bigla niya akong tignan ng masama.

"I'm not a kid!" inis na aniya.

"Eh bakit ka lumapit?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sabi mo lumapit ako. I just obliged."

Oo nga naman.

Nag-iwas ako ng tingin at binato ang pulbo sa sofa. Bumaling ako sakanila at nakitang nakahanda na silang umalis. Naka-pantalon ng itim ang mga ito at simpleng T-shirt na kasing kulay ng buhok nila. Hanggang ngayon, nandoon parin ang mga nakakairitang kulay ng mga buhok nila. Ewan ko ba kung bakit ayaw nilang kulayan ng itim na katulad kay Genesis.

Ang dating silver white na buhok ni Genesis ay itim na. He dyed it before he entered the school. Mas bumagay ito sakanya at mas lalo siyang gumwapo. Sa tingin ko ay ganoon din ang ibang Crane kapag nakulayan ang buhok nila ng itim.

"South, aalis na tayo?" tanong ni Psalm.

Tumango ako. "Pumunta na kayo sa sasakyan."

Napangiti sila ng malaki at mabilis na lumabas ng bahay. Naiwan kaming dalawa ni Genesis sa sala. Bumaling ako rito ng mapansin ang titig niya.

"What?"

Naningkit ang mga mata niya at matiim na tumingin sa akin. "Where have you been last night?" tanong niya. May pagdududa sa boses nito na para bang hindi siya naniniwala sa dinahilan ko kahapon.

"Sa Mansyon" I lied but I tried to make my voice sounds convincing. At sa tingin ko ay nagtagumpay ako.

He sigh and took a step towards me. I remained on my position as he embraced me on his arms. Nanigas ako kasabay nang pagkalabog ng malakas ng dibdib ko.

"I'm sorry to asked you about this again. I'm just so worried about you last night" aniya.

Napangiti ako pero hindi ko maiwasang makaramdam ng konsensya. I always lied to him. Nakaka-guilty. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin sakanya ang lahat. Nasa panganib na ang buhay nila at mas lalo pa silang mapapahamak kapag nalaman nila ang totoo. Hindi ko kakayanin kapag napahamak pa sila dahil sa akin.

"You don't have to worry about me, Genesis. Mas intindihin mo ang sarili mo" Kinuyom ko ang kamao ko at mariing napapikit. "I'm sorry for not being there with you last night. Kung umuwi ako kaagad, sana hindi kayo napahamak."

I'm still blaming myself for what happened. Kung hindi lang ako nag-drama ng matagal, sana hindi sila napahamak kagabi.

He rested his head on my shoulder as he tightened his embraced.

"Don't feel sorry about it. Nagpapasalamat pa nga ako na hindi ka kaagad umuwi. I will blame myself if something bad happened to you."

Sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ay nagiging sanhi na ito ng pagkirot niya. I'm so overwhelmed by his words. Masarap sa pakiramdam pero parang nakakasakal na sa sakit.

Lumuwang ang yakap nito kaya napamulat ako. Tumingin siya sa mga mata ko at napansin ko ang medyo gusot niyang noo.

"Do me a favor" aniya. He's not asking, he's commanding me.

"Ano?" Kunot noong tanong ko.

"Don't let yourself get harmed. Hindi sa lahat ng oras ay nasa tabi mo ako kaya palagi akong nangangamba na baka mapahamak ka" He held my left cheek as he bore his deep black eyes on me. "Now, Southern, do what I say. Don't let anyone harm you. Kapag nakita kong may gasgas ka lang, you will received a punishment."

Nanlaki ang mga mata ko. "What punishment?"

"A painful punishment, Witch. A very painful one."

Napalunok ako. Bakit pakiramdam ko hindi si Genesis ang kaharap ko?

Magsasalita pa sana ako pero biglang may tumikhim. Napatingin kami sa pinto at nakita si Isaiah na may ngiwi sa labi.

"Pwese pong mamaya na kayo maglampungan? May pupuntahan pa po tayo 'di ba?"

Namula kami ni Genesis at naiilang na lumayo sa isa't isa. Tangina mo, Isaiah, makarate ka nga minsan.

"L-let's go..." nauutal kong sabi at nauna nang maglakad palabas ng bahay pero hindi pa ako nakakalayo ng magsalita si Genesis.

"Where are we going anyway?" tanong niya.

Humarap ako rito. "Sa Mansyon."

Natigilan siya. "W-what?"

"You have to meet my father" saglit akong natigilan ng may maalala. "Oh, ihanda mo pala ang sarili mo. Baka ipapakain ka no'n sa alaga niyang Piranha."

Nanlaki ang mga mata nito at kaagad namutla.

"Y-your father? P-pirahna?" Humakbang ito paatras at bakas ang takot sa mukha.

Tumango ako.

"Yes. You'll die, Genesis. So get ready."

Nagkulay ube ang mukha nito.

"Oh, fuck!"

                                        _

THIRD PERSON's POV

"Kapitan, baka pwede mo naman i-upgrade sa Deluxe ang room ko? Mainit sa economy!" reklamo ni Hintuturo sa Kapitan nilang kanina pa tulala.

Mula ng ingkwentro nila kagabi sa Bente-Bente Gang ay naging seryoso na ito at palaging malalim ang iniisip. He looked so bothered and it's seems like his men didn't noticed it. Sanay na kasi ang mga itong makitang seryoso ang Kapitan nila. Normal na lang na makita nila itong ganito ngayon kaya hindi nila ito kinukwestyon sa kalagayan niya.

Ito ang unang pagkakataon na makita ng Kapitan ang dakilang Milagrosa. He was stunned, yes, she's truly a goddess, tama ang mga tsismis na naririnig niya sa ibang mga Gangsters na katulad niya. Sikat si Milagrosa sa buong Sigma, bobo na lang ang matatawag sa taong hindi siya kilala. She was known because of her bravery. Kakaiba ang kaakibat nitong lakas at tapang, dahilan para maging Rank 1 ito ng Sigma. Hindi biro ang mga grupo at taong pinatumba niya makamit lang ang pwesto, at iyon ang inaasam ng Kapitan.

He always wants to be on top. Nakita niya kasi kung papaano katakutan ng mga tao si Milagrosa. He saw how everyone praised her, gusto niya ang ganoon. Nakaramdam siya ng inggit, matagal na ito sa Sigma pero kahit kailan ay hindi ito napabilang sa ranking. Ang baguhan na si Milagrosa ay nakakapagtakang naging Rank 1 ito kaagad. It's a big mystery to solve for him. Nagtataka talaga ito.

He wasn't there when the Recognition of Ranking happened kaya hindi niya nasaksihan mismo kung papaano nalagpasan ni Milagrosa ang mga test na binigay para maging top sa ranking. Kwento na lang sa mga kasamahan sa organization niya nalaman ang lahat. At doon na siya kinain ng kuryusidad. He always wants to meet her to kill, yes, to kill. Para siya ang hiranging top sa ranking kahit hindi na siya humarap sa mga test. All he have to do is to kill the Rank 1 and he will get the position. Iyon lang.

Pero hindi niya iyon nagawa kagabi. That was his number one priority but he failed to do it. For the first time on his life, kinabahan siya. He stuttered and he didn't even stop her from twisting his finger. Wala siyang nagawa. Hinirang pa naman itong Kapitan sa grupo niyang Poseidon pero naging mahina siya.

Kinuyom niya ang isang kamao at napatiim bagang. Nabuhay ang pagka-irita sa dibdib niya.

Nasa harap niya na ang matagal ng hinahanap pero nagmukha pa siyang katawa-tawa. Kawawa siya.

Pero hindi niya magawang sisihin ang sarili. Yes, he was out of his mind last night, sino ba naman kasi ang hindi? Akala niya tsismis lang na maganda ang Milagrosa pero napatunayan niya mismo ang tsismis kagabi. He saw her. And for the very first time on his life again, parang nag-spark ang paligid niya. Nagandahan siya rito, sobra. With her innocent face, talagang parang may kumiliti sa puso niya.

Love at first sight?

Napangiwi ito sa naisip at wala sa sariling iniling-iling ang ulo. Hindi pwede! He have to put on his mind his mission! Kalaban niya ito at hindi siya pwedeng magkakagusto sa Milagrosa na 'yon! Hindi pwede!

Manganak muna ang Baboy ng Kalabaw!

"Kapitan, okay ka lang?" Tanong ng isa niyang kasamahan ng mapansin ang pag-iling-iling nito.

Napatingin siya sa nakabendang daliri niya. Kagawan ito ni Milagrosa kaya kailangan niyang pagbayarin iyon.

"Umalis ka dito! Nag-iisip ako!" singhal niya sa kasama.

Badtrip siya sa sarili. Pakiramdam niya kasi ay wala siyang silbi. Nagawa niyang magpa-control sa kahibangan niya kagabi kaya hindi niya napatay si Milagrosa.

Bumuntong hininga ito at tumingin sa payapang ilog sa harapan.

"I'll kill you, Milagrosa..." he muttered as the wind blew his disheveled hair.

Napapikit ito at kaagad rumehistro ang mukha ni Milagrosa sa utak niya. Napatiim bagang ito at napamura na lang.

"Tangina, virus 'to!" binatukan niya ang sarili at ilang sandali ay natawa na lang sa sarili.

Nababaliw na siya. Sinong mag-aakala na magagawa siyang baliwin ng isang babae lang? Isa siyang Kapitan. For him, pinili siya ng karagatan para pamunuhan ang grupong Poseidon, hindi para magpakontrol sa isang babaeng kinamumuhian niya.

"Kapitan! May pera ka na ba para sa susunod na bayaran natin ng renta?" Hinlalaki's voice pulled him from his reverie.

Bumaling siya rito at bumuntong hininga. Ito pa ang isang problema niya. Ang teritoryong pinamumunuan niya ay hindi na kanya at ang masaklap pa ay pinarentahan pa ito ni Milagrosa sakanila. Napapamura na lang ito sa isiping 'yon.

"Tara!" Sinenyasan niya ang mga kasama na sumunod sakanya.

"Saan tayo pupunta, Kapitan?" tanong ni Hinliliit.

"Maghahanap ng pambayad."

Kasalanan 'to ng babaeng 'yon. Sana ngayon hindi sila namumulubi at namomoblema sa pera.

"Bakit hindi na lang tayo humingi sa kapatid mo, Kapitan? Anak ka parin naman ng Senador---" Hindi natapos ni Hintuturo ang sinasabi ng bigyan niya ito ng isang matalim na tingin.

Nagtagis ang bagang nito dahilan para mapalunok sa takot ang mga kasamahan.

"Sa oras na banggitin niyo pa 'yan, maghukay na kayo ng sarili niyong libingan" malamig nitong aniya.

He doesn't want to talk about his family dahil para sakanya, wala siyang kinikilalang pamilya.

~~~

Continue Reading

You'll Also Like

121K 10.2K 48
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
17K 434 71
LYRICS from 𝗕𝗟𝗔𝗖𝗞𝗣𝗜𝗡𝗞's SONGS. 「 NEW UPDATE: PINK VENOM 」 Blackpink is a South Korean girl group formed by YG Entertainment, consisting of m...
11.9M 284K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...
184K 5.5K 54
[RedDragon Series #4] "Just learn to rest not to give up" Chloe Jane Scott Damon Bruce Cortton