My Professor, My Boyfriend (P...

By giliaeight

1.2M 2.5K 434

Catriona Elizabeth West,estudyanteng pala-away at walang ginawa kundi ang gumawa ng gulo.Laging galit sa mga... More

My Professor, My Boyfriend
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5 (With important note)

Chapter 3

24.8K 416 74
By giliaeight

Chapter 3:A Day With Him

Nakasandal ako sa swivel chair ko habang nakatulala sa study table ko. Sabado ngayon kaya wala akong magawa kung 'di maburyo nang maburyo dito sa loob ng kwarto ko. Kinuha ko yung phone ko at di ko talaga maiwasang hindi isipin kung sino yung nagtetext sa akin.

Kung trip niya ako, tigil-tigilan niya ako. Hindi ako natutuwa.

I composed a message.

Ako:
Who are you?

Ilang sandali pa ay nagbeep na yung phone ko at nakita kong nagreply na pala siya. Hindi ko inaakalang ganoon siya kabilis magreply gayong kat-text ko lang naman sa kaniya.

Unknown Number:
You'll find out soon, don't worry.

Hindi ko na s'ya ni-reply-an at tumayo ako sa swivel chair ko para maligo at magbihis. Tinext ko na rin sila Keith na aalis kami ngayon. Tutal ay wala naman akong magawa, e 'di makipagkikita nalang ako sa kanila ngayon para kahit papaano ay mabawasan ang boredom ko.

Nang makababa ako ay nandun si Mommy. Taka syang nakatingin sakin.

"Where are you going?" Nagtatakang tanong ni Mommy, pinasadahan pa ng tingin ang suot ko.

"Sa mall lang po, hang out with my friends..."

"Mmm. 'Wag magpapagabi, okay?"

Tumango ako. Dadali na sana ako ng alis nang tawagin ulit ako ni Mommy. She tapped the vacant seat na nasa tabi niya.

"Come here..."

Gaya ng utos niya sa akin, lumapit nga ako sa kaniya at tumabi.

"Nagsorry ka na ba sa sinigawan mong Teacher? Infairness, huh. He has the looks," she wiggled her brows.

Napangiwi ako matapos marinig ang sinabi ni Mommy.

Pati ba naman siya ay nag-gwapuhan doon sa bwisit na 'yon? Napakayabang kaya n'on. Hindi ba siya naiinis sa ugali n'on? Napakahangin pa. Kung umasta ay akala mo, lahat nalang ay magkakagusto sa kaniya. Pero, siguro nga lahat ay magkakagusto sa kaniya pero ibahin niya ako dahil hindi ako natutuwa sa kaniya.

"Mommy, naman..."

"Totoo yun, pero mas gwapo pa rin ang Daddy mo, 'no. But did you say sorry na?"

"No, I don't want to. It's not my fault in the first place."

Totoo naman. Siya 'tong ginalit ako tapos nung pinatulan ko akala mo'y siya yung inapi. Pa-victim masyado.

Ngumuso si Mommy. "Bakit naman hindi ka pa magsorry? Sinigawan at binastos mo na nga siya, e. Anak, he's your Teacher."

"Mahangin siya, Mommy! Bagay lang sa kaniya iyong ginawa ko!"

"Pero, anak-"

"Mommy, please," I heaved a sigh. "I won't say sorry unless it's my fault."

"Okay, okay," tumango siya. "Sige na, baka hinahanap ka na ng friends mo. Please send my regards, okay? Ingat, anak."

Ngumiti lamang ako at hinalikan ang pisngi niya bago tuluyang umalis ng bahay at nagpahatid sa pinaka-malapit na mall kung saan kami magki-klita-kita ng mga kaibigan ko. Hindi naman masyadong traffic kaya nakarating kami agad.

"I miss you!" Bungad nila sa akin nang makababa ako ng kotse.

Ngumiwi pa ako nang sabay sabay nila akong hilahin para yakapin. Nakangiwi lamang ako habang ipit na ipit na dahil sa yakap nila. Hindi pa sila nakontento doon, ginulo pa ni Keith ang buhok ko kaya tinampal ko ang kamay niya na ikinatawa nilang tatlo.

"Tss. Parang magkasama lang tayo kahapon.."

"Pero, you're physically present but emotionally absent," maarteng sagot ni Erianne.

"Let's go."

Napagdesisyunan na naming tumungo sa loob. Sa last floor agad kami dumeretso, doon sa sinehan dahil iyon naman talaga ang plano namin kanina palang. Manonood kami ng sine. Horror ang genre dahil iyon ang malimit naming panoorin kaysa sa mga love stories, e, pare-pareho lang naman kaming mga bitter pagdating doon. Baka kapag naglandian na iyong mga mag-partner sa movie, ang mga tao ay kilig na kilig habang kami ay napapangiwi nalang.

Natatawa ako sa sarili ko dahil bitter ako pagdating doon ngunit patay na patay naman ako sa ex kong ghinost lang ako. Nang makapasok kami ay mag i-istart na ang movie kaya nagmadali na kami, apat nalang din ang bakanteng upuan dito sa itaas kaya dun na kami umupo. Ako ang nasa dulo at ang katabi ko naman ay si Erianne, napag-gitnaan ni Erianne at Thea si Keith. Habang nanonood ay nadidistract ako dahil tumutunog nang tumutunog ang phone ko.

Kinukulit ako nung unknown number na iyon! He/she keeps on saying that were 'bagay' daw. Tss. Bagay his/her face. Hindi ko na siya ni-reply-an. Sana mawalan siya ng load katetext sa akin.

Habang nanonood ako ay may liwanag na nanggaling sa tabi ko kaya napunta sa kaniya ang atensyon ko.Binuksan n'ya yung phone n'ya at gayon nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita kung sino iyong taong katabi ko ngayon.

Bakit ba sa dinami-rami ng mall sa mundo ay dito ko pa siya makikita? O, gosh.

Nawala na yung ilaw dahil pinatay n'ya na yung phone n'ya at sakto namang nagvibrate yung phone ko. Kinuha ko yun at nakitang may text na naman.

Kailan kaya ako tatantanan nito? Hindi ba siya nakakaramdam ng hiya lalo't hindi naman ako nagrereply sa kaniya? Hindi niya ba makuhang ayaw kong makipag-mabutihan sa kaniya lalo't hindi ko naman siya kilala?

Unknown Number:
You're so beautiful.

Inirapan ko ang message na iyon at inalis. Pumunta ako sa number ni Shaun at naisipang i-text iyon.

Ako:
Hey! Movie date with friends :) They miss you a lot :)

Ang totoo niyan, ako lang ang nakakamiss sa kaniya. Alangan namang sabihin ko sa kaniya miss ko na siya? Ayoko, magmumukha akong desperadang nakikipagbalikan sa kaniya. Kahit ang totoo ay iyon naman talaga ang gusto ko. Gusto kong bumalik siya sa akin kahit pa napaka-imposible na.

Sari-saring tili na ang naririnig ko sa buong sinehan pero binalewala ko na lang iyon at muling hinintay kung sasagot ba si Shaun. Papatayin ko na sana ang phone ko nang bigla itong dumulas sa kamay ko. Napamura ako dahil doon.

Yumuko ako at kinapa-papa ko yung phone ko pero wala akong makapa kaya nagsimula na akong gapangan ng kaba.

"Bwisit naman," bulong ko.

Sinubukan ko ulit kapain iyong sahig ngunit kahit anong signs ng phone ko ay wala akong makapa. Naiinis na naman tuloy ako.

"Uy, anong ginagawa mo?" Pabulong na tanong ni Anne pero 'di ko muna pinansin at nag-tuon ng pansin sa pagkapa.

Habang kumakapa ako ay may nakakapa akong rubber shoes. Inalis ko yung kamay ko dun at muling naghanap. Kung hindi ako nagkakamali ay kay Sir iyong rubber shoes na iyon.

"Sheez naman talaga, o!"

Bumalik ako sa kinauupuan ko at iginala ang paningin ko. Tsaka lang ako dumikit kay Anne at bumulong.

"Pahiram phone."

"Ano?" Bulong niya pabalik.

"Pahiram ng phone, ipangf-flashlight ko lang."

Binigay n'ya yung phone n'ya at binuksan ko yung flashlight n'on. Tinapat ko sa sahig pero wala akong makita. Nawala ang inis na nararamdaman ko at nanumbalik ang kaba nang mapagtantong wala na talaga sa ilalim ang phone ko.

"Looking for this?"

Inangat ko ang paningin ko nang kalabitin ako ng katabi ko. Bumalik ako sa upuan at nilingon siya. Nakaangat yung kamay ni Sir habang hawak yung phone ko. Inis kong hinablot yung phone ko sa kaniya at inirapan siya. Matapos iyong pagpagan ay binuksan ko iyon para tignan ang laman.

May messages.

Mom:
Be back at eleven-AM sharp. We're going to your grandma's house.

Nang matapos ang movie ay nagpaalam akong magreretsroom muna. Nilamig ako dun sa sinehan kahit pa hindi naman ako masyadong nakapag-focus sa palabas dahil sa mga text na natatanggap ko kaya nad-distract lang ako. Hindi ko tuloy masyadong naintindihan iyong kwento kaya maski iyong plot twist ay hindi ko naintindihan.

Paglabas ko sa restroom, bumalik agad ako doon sa pinag-iwanan ko kanila Keith. Nagkakasiyahan na silang tatlo kasama si Sir.

"Cat, sabay na natin si Sir!" Kinikilig na sambit ni Thea.

Iiling pa sana ako para hindi pumayag ngunit sumang-ayon iyong dalawa. Ayaw ko silang pagbigyan ngunit alam kong kapag nagsanib pwersa na silang tatlo ay ako na naman ang matatalo at sila ang panalo.

"Hanggang anong oras ba tayo dito?" Tanong ko.

"One, I guess," Anne shrugged her shoulders.

"Sorry, uuwi na ako mamayang eleven."

"Bakit naman?" Tanong ni Keith.

"May pupuntahan daw kami nila Mommy."

"Sabay natin si Sir.." pagu-ulit ni Anne kaya inis ko siyang tinignan.

Mukhang hindi niya naintindihan ang ipinararating ko kaya umirap na lang ako.

"Bahala kayo."

Inunahan ko na sila sa paglalakad paalis doon sa sinehan at dederetso na sa elevator. Naramdaman ko naman ang presensya nila sa likuran ko na muhang sinusundan ako.

"Bilis na!" Habol ni Thea at hinablot ang braso ko.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bahala nga kayo."

"Sige, Sir! Sabay ka na po sa amin!"

Sa huli ay sumabay na rin si Sir samin. Wala kasi s'yang nagawa sa kakulitan ng mga kaibigan ko. Nauna ako sa kanilang pumasok sa isang kainan kaya wala silang nagawa kung 'di sundan ako. Patuloy lang naman sila sa pakikipag-daldalan kay Sir na mukhang hindi naman interesado sa kanila.

"Anong gusto nyo?" Tanong ni Keith.

"Kahit ano nalang," sagot ko, naka-focus ang mga mata sa menu.

"Ikaw, Sir?"

"Ako nalang ang mago-order ng sa akin.."

Tatayo na dapat si Sir para tumungo sa counter ngunit mabilis siyang kinapitan ni Anne sa braso para pigilan. Tumaas ang isang kilay ko habang mariing nakatingin sa kamay niyang nasa braso ni Sir. Hindi niya pa rin binibitawan kahit pa napatigil na rin si Sir.

"No, Sir! Kami na po, dito nalang kayo ah..."

Matapos niyang bitawan si Sir sa braso ay nilipat ko ang tingin sa kaniya. Sinulyapan niya ako at nginitian, hindi pinansin ang masama kong tingin sa kaniya. Uupo na sana ako nang mapansin kong silang tatlo ang umalis. I frowned and rolled my eyes because of annoyance.

Para hindi mailang kay Sir ay kinuha ko na lamang ang phone ko at nag-reply sa message ni Mommy na hindi ko na-reply-an kanina.

Ako:
Pauwi na 'ko.

I was busy scrolling through my feed when I heard my Teacher cleared his throat. Saglit ko lang siyang tiningala para pagtaasan ng kilay ngunit agad rin akong umiwas ng tingin.

"Nagawa mo na ba yung ip-present mo?"

Nag-angat ulit ako ng tingin. Pinagtaasan ko siya ulit ng kilay.

"N-Not yet, S-Sir."

Matapos kong sagutin ang tanong niya ay ibinalik ko na ang tingin ko sa phone ko. Nagscroll-scroll akong muli sa feed ko.

"Iprepresent mo pa yun sa Monday.."

What the heck? Para saan pa?

"Whatever."

Nawala na nang tuluyan ang ilang na nararamdaman ko kanina lang nang marinig ko na ang ingay n'ong tatlo. Pagtingala ko sa kanila ay tsaka lang sila nakalapit sa table namin at inilapag ang tray na hawak nila.

"Here."

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at nagsimulang kumain. Mukhang napansin nilang umuna na ako kaya nagsimula na rin sila. Hindi sila nakuntento sa pagsabay sa amin ni Sir, talagang dinaldal pa nila. Kung ano-anong kinwento nila at tanging pagtango at pag-iling lang ang naging sagot ni Sir na mukhang hindi talaga interesado sa kanila.

Hindi ko sila pinagpapansin at nanatiling tahimik habang nagr-reply sa message ni Mommy.

Mom:
Ayaw nila ng late, bilisan mo.

Binilisan ko nalang yung pagkain ko nang maalalang ayaw nga pala nila Grandma ng ganun. Ewan ko ba.

"Guys, alis na ako..." Paalam ko.

Tumayo ako at kinuha ang phone ko para ibulsa. Sabay-sabay nila akong tiningala, mga susubo palang sana ng pagkain nila dahil hindi pa rin sila tapos sa pagkain.

"Ang bilis naman?" Angal nila.

"Magagalit kasi si Grandma kapag nalate kami. Ayaw ni Grandma ng late, remember? Sige, need to go. Bye!"

Nagbeso muna ako sa kanilang tatlo tsaka ako ngumiti.

"Okay, see you tomorrow. Punta kami sa inyo."

Bumaling ako kay Sir. "Una na po ako, gagawin ko na rin po yung iprepresent ko.."

Tanging simpleng tango lang ang naging sagot niya sa akin kaya napairap ako sa isip-isipan ko. Hindi ko naman talaga gustong magpaalam sa kaniya ngunit para lang hindi ko siya "mabastos" ulit ay ginawa ko na. Pagkatapos ay iyon lang ang igaganti niya? Bahala siya sa buhay niya.

**

"Oh! They're here..."

Isang ngiti ang sinalubong sa amin ni Grandma nang makita kaming papasok na. Nagmano muna ako sa kaniya bago nagbeso sa kaniya.

"You look cute, hija.." sabi ni Grandma.

Isang pilit na ngiti lang ang iginanti ko kay Grandma. Kanina pa ako inis na inis dahil sa suot kong pink na dress na iniiwasan kong suotin. Ayaw ko naman talagang suotin ito ngunit pinilit pa ako ni Mommy na palitan ang suot ko. Ayaw ko pa naman ng pink dahil masyadong childhis para sa akin kaya pakiramdam ko, kapag nag-pink ako ay mamamatay na ako.

Ngayong nakasuot na ako ng pink, parang gusto ko nalang maghingalo at mamahinga.

"Naghanda ako ng lunch natin pero hintayin lang natin yung isa pang anak nila Janice."

Yung Janice na tinutukoy nila ay yung babaeng kasing edad ni Mommy. May kasama kami ngayong isang pamilya na hindi ko naman kilala at ngayon ko palang nakita. Marahil ay kilala na nina Mommy ngunit kahit isa sa kanila ay hindi ko kilala kaya nanahimik nalang ako.

Napansin ko iyong lalaking naroon sa couch, nakaupo siya at nakanguso. Mukhang may katangkaran siya ngunit mukhang mas matanda naman ako sa kaniya. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya. Gwapo siya at may kamukha ngunit hindi ko naman matukoy kung sino.

"Why are you staring at me?"

Napangisi ako nang bigla itong magsalita at tapunan ako ng tingin. "Nothing."

Masama niya akong tinignan, nakanguso pa rin kaya imbes na matakot sa tingin niya ay mas lalo lang akong natawa. Kung kasing edad ko lang ito ay malamang sa malamang, baka isipin niyang nilalandi ko siya kahit hindi naman.

"What's your name?" I asked.

"Arden." Nakangusong sagot niya.

I nodded. "Nice name.."

Hindi na siya sumagot sa akin kaya umiwas nalang ako ng tingin. Hindi ako mapakali dahil wala akong makausap lalo't nagkaniya-kaniya na ang mga elderly kaya hinarap ko ulit iyong si Arden.

"I'm Catriona," sabay lahad ko ng kamay ko. "Nice meeting you, Arden."

"Thank you," simangot pa ring anito at tinanggap ang kamay ko.

"How old are you?"

Ang gaan nya sa pakiramdam, hindi ko alam. Pakiramdam ko ay nakababatang kapatid ko lang siya.

"I'm seventeen."

Tumaas ang dalawang kilay ko. I thought he's just fifteen years old. He's seventeen na pala but he looks like a kid. Ang cute. Kahit matangkad at medyo bulky ang katawan ay mukha pa ring bata.

"You're cute," I chuckled.

Nilingon niya ako, namumula ang pisngi. "T-Thanks?"

"Seriously?" Natawa akong muli.

Bigla akong may naramdaman kaya tinapik ko muna si Arden tsaka tumayo at nagpaalam na magr-restroom lang. Mabuti't hindi ako naligaw dahil sa laki ng bahay nina Grandma kahit pa silang dalawa at ang mga maids lang naman ang nakatira. Isa pa, kabisado ko naman ang pasikot-sikot dito dahil nagpupunta din kami nila Mommy dito nung bata pa ako. Mabuti't kabisado ko pa kahit pa isang taon na akong hindi nakadadalaw rito. Kadalasan kasi ay sila mismo ang pumupunta sa bahay namin.

Maya-maya pa, paglabas ko ng restroom ay nakarinig ako ng ingay mula sa living room. Mukhang naroon na iyong hinihintay nilang isa pang anak kaya inayos ko muna ang sarili ko bago ko napagdesisyunang lumabas na. Isang pamilyar na boses ang bumungad sa akin nang tuluyan akong nakalabas.

Nakatalikod iyong lalaki sa akin habang nagbebeso sa mga elderly. Ngunit likod palang niya ay kilalang-kilala ko na. Idagdag mo pa ang damit na suot-suot niya ngayon. Habang nakatingin sa kaniya ay parang gusto ko nalang magpalamon sa sahig o maging kaluluwa nalang para hindi niya ako makita.

"Ayan na pala si Eliza,e. Tara na sa dining."

Parang hihiwalay sa akin ang kaluluwa ko nang sabay-sabay nila akong nilingon. Daig pa ng may car racing ang loob ng puso ko nang tignan ako ni Sir. Nakita ko ang pag-angat ng sulok ng labi niya nang makita ako. Nanlalamig ang dalawang kamay ko sa mga tinging ibinibigay niya. Sobra siya kung makatitig, para niyang inoobserbahan ang bawat galaw ko.

"Kamusta naman ang paga-aral mo, Arvin?"

Paga-aral?

"Graduate na po, 'lo."

"Oh, really? Hindi ko nabalitaan iyan. Ano na ang trabaho mo ngayon?"

"College Teacher po ako ngayon sa isang University."

"Mmm, at ikaw naman Eliza?"

Binalingan ako ni Grandpa na may malaking ngiti sa labi.

Napalunok ako. Ayaw kong malaman ng grandparents ko yung kalokohang ginawa ko. Yare na naman ako. Ano ba yan?

"O-Okay naman po," awkward akong ngumiti.

"Mmm. Anong kurso nga ulit ang kinukuha mo?"

"C-Culinary po.."

"Mmm. Gumagawa ka pa ba ng kalokohan?"

Napaangat ako ng tingin kay Grandpa at naging seryoso na sya. Lahat sila ay nakatingin sakin na parang naghihintay ng sagot ko.

"A-Ah, k-" Naputol ang sasabihin ko nang nagsalita si Daddy.

"May usapan naman po kami na kapag may ginawa pa po syang kalokohan ay ipapatapon ko na s'ya sa America kasama sina Dad at Mom," sagot ni Daddy.

Ilang beses rin akong napalunok sa sobrang kaba.

"Ang tanong ko ay kung gumagawa pa s'ya ng kalokohan."

Lalo pa akong napalunok.

Pwede bang magpakain muna sa lupa ngayon? Patay talaga ako nito.

"O-Opo," napakamot ako sa ulo ko.

"Kailan ka ba matututong bata ka? At sino na naman ang ginawan mo ng kalokohan?"

Lalo akong napalunok.

"S-Siya po.." nakatungong sabi ko at tinuro si Sir.

Tinignan ni Grandpa si Sir at muling bumaling sakin.

"T-Teacher ko po siya," dagdag ko.

Parang nagulat si Grandpa at si Grandma sa sinabi ko, napailing-iling bigla si Grandpa habang nakatingin kay Grandma. Parang may pinag uusapan sila nang mata sa mata na hindi namin maintindihan kung ano.

Ano ba kasing meron? Bakit kami pinapunta dito kasama ang mga Llaneza?

"Sayang."

Napakunot ang noo ko. Sayang? Paanong naging sayang? Anong sayang?

"Bakit, Dad?" Tanong ni Mommy.

"Balak sana naming i-arrange sila.."

"What!?"

Para akong mabibilaukan dahil sa gulat ko sa sagot nina Grandpa at Grandma. Nanlalaki ang mga mata ko at halos mapatayo na para hampasin ang mesa.

Natawa naman sila dahil sa reaksyon ko.

Paanong hindi ako magugulat!? Arrange!? Kasal!? Anak ng! Seryoso? No way! Never! Hindi ako magpapakasal dyan!

"Don't worry, hindi na matutuloy dahil Teacher mo s'ya.."

Doon ako nakahinga nang maluwag. Napatingin ako kay Sir, he's looking at me intensely. Tinarayan ko lang sya at muling bumaling sa pagkain ko.

"Bakit naman ganun ka mag-react?" Natatawang tanong ni Mommy.

"N-Nothing.."

"You're funny, Ate!" Natatawang sabi ni Arden.

"Ehem! So, ano ngang ginawa mo kay Arvin?" Nakangiting tanong ni Grandma.

"Sinigawan," tipid na sagot ko.

"Bakit naman?" Kunot noong tanong ni Grandma.

Bumaling ako sa parents ni Sir. "Sorry po ah, pero.." Tumingin ako kay Sir habang masasama ang tingin, "Ang kapal po ng mukha ng anak n'yo! Napaka-assuming."

Natawa sila sa sinabi ko. Lalo na si Mommy at iyong Janice. Tawa sila nang tawa na akala mo ay may joke ang sinabi ko.

"What's funny!?" Inis na tanong ko.

"You're so cute," tawa ni Mommy.

**

"Ako na, ako na!"

Iyon ang naging sagot ni Arden nang itanong ko sa kanilang lahat kung sinong gusto ng ice cream at kung sinong gustong sumama. Wala lang, gusto ko lang makaalis dito kahit saglit dahil nai-imbyerna ako kay Sir. Naiinis ako sa mga ibinibigay niyang tingin sa akin na hindi ko malaman kung ano ang ibig sabihin.

Si Mommy pa dapat ang magbibigay ng pera sa akin para pangbili ng ice cream ngunit hindi ko na tinanggap dahil iyong pera ko ang gagamitin ko. Matapos iyon ay nagpaalam na kami sa kanila.

"Tara!"

Aalis na dapat kami nang magsalita si Grandpa. Natigilan tuloy ako at nilingon sila. Napabitaw ako sa kamay ni Arden na hawak-hawak ko.

"Alam nyo ba kung saan makakabili? Sama n'yo na si Arvin."

Umirap ako at hihilahin na sana ulit si Arden gamit ang paghawak ko sa kamay ko ngunit tumayo na si Sir Arvin. Napatingin akong muli kay Sir na mukhang kanina pa nakatitig sa akin. Bumaba ang tingin niya sa kamay namin ni Arden na magkahawak sabay taas ng isang kilay niya. Hindi ko pinansin ang reaksyon niya at umuna na kami ni Arden palabas.

"Dito ka na sa front seat," ani Sir nang makalabas.

Aangal pa sana ako ngunit tinanguan ako ni Arden. Binitawan ko ang kamay niya at padabog na binuksan iyong kotse niya para pumasok sa loob. Pinanood ko siyang umikot para pumasok sa driver's seat. Nang nasa loob na kaming tatlo ay tumahimik na ako, wala na sa mood dahil sa pangi-inis ni Sir.

"Ate, I want cookies and cream flavor," ani Arden na nasa likuran ko.

"Mmm, sige.."

Hindi naging matagal ang biyahe namin dahil paglabas namin ng village ay may nakita kaming convenience store doon sa hindi kalayuan mula sa guard house. Ipi-nark ni Sir sa isang gilid iyong kotse niya tsaka ako bumaba.

"Sasama ka po ba sa loob, Sir?" Buong galang kong tanong.

"Mmm."

Sinara ko na ang pinto nang matanggap ang sagot niya. Hindi muna ako pumasok sa loob at hinintay munang makalabas si Arden. Nakita kong hindi na kami hinintay ni Sir at naunang pumasok sa loob kaya tumaas nalang ang isang kilay ko. Saktong bumaba na si Arden kaya sumunod kami sa loob. Bago pa man kami makapasok ay inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko.

"Do you like Kuya?" Bulong nya sakin.

"Hindi," nakasimangot kong sagot.

"Mmm, I like you, Ate."

Gulat akong napalingon sa kaniya. Natawa siya matapos makita ang reaksyon kong gulat na gulat.

"I like you to be my sister.."

Napatango ako sa sinabi nya. "Akala ko kung ano na, e."

"Bilisan n'yo na!"

Napalingon kaming dalawa kay Sir na nakausli iyong ulo sa pinto, marahil ay inilabas niya ang ulo niya para sigawan kami dahil nasa labas pa rin kami. Umirap ako at hinila na si Arden papasok bago pa man may sabihing kung ano itong si Sir.

"Anong flavor gusto mo?" Tanong ko kay Arden nang marating ang freezer.

"Chocolate."

Sabay kaming napalingon kay Sir.

"I'm not talking to you," inirapan ko si Sir.

"Sabi ko kunin mo yung chocolate.."

I tsked. Kinuha ko na iyong isang gallon ng chocolate ice cream at iniabot iyon sa kaniya. Sininghalan ko siya nang sadyain niyang padaplisin ang kamay niya sa kamay ko nang abutin ang ice cream. Sinamaan ko siya ng tingin. Bago siya tumalikod ay nakita kong napangiti siya ngunit hindi ko nalang iyon pinansin dahil baka lalo lang uminit ang ulo ko sa kaniya.

"Ikaw, anong gusto mo?"

"I want cookies and cream.."

Kumuha ako ng cookies and cream, rocky road, strawberry, and vanilla na flavor mula sa freezer. Ipinatong ko iyong dalawang gallon kaya nagpatulong ako kay Arden na hawakan iyong dalawang gallon habang akin naman iyong isa pang dalawang gallon. Akma niyang kukunin iyon mula sa akin ngunit nanlaki nalang ang mga mata ko nang bigla siyang hawiin ni Sir at kinuha mula sa akin iyong dapat kay Arden sana.

"Bakit ba nanunulak ka!?" Inis na tanong ni Arden.

Hindi siya pinansin ni Sir kaya tinapik ko lang si Arden at tinanguhan.

"Hayaan mo 'yon."

"I think he likes you," ngumisi si Arden.

"Ee? Hindi yan! May girlfriend na yan!"

"No, Ate. Flings lang 'yon," natawa siya.

Playboy? Hmp.

Nang makarating kami sa counter ay binayaran ko na yung ice cream at si Sir na yung nagdala sa kotse.

"Ate, tabi tayo! May sasabihin ako sayo eh..."

Inagaw ko mula kay Sir iyong isang plastic na may lamang dalawang gallon tsaka ako pumasok sa kotse at tumabi kay Arden. Nakita ko sa labas na napakamot siya sa ulo niya at walang nagawa kung 'di pumuntang driver's seat.

"You know what, Ate? Laging may katext yan si kuya eh. Nahuhuli ko pa nga yan na nakasmile mag-isa. He looks stupid," he laughed.

"Laging may katext? Sino?"

"Hindi ko nga alam eh, pero lagi syang pinagsasabihan ng 'sino ka' dahil hindi nga naman sya kilala."

"Mmm.."

**

"I want the strawberry one, Cat!" Sabi ni Mommy at itinuro ang dala kong strawberry.

Ako kasi yung nagpresent na maglalagay ng ice cream. Bored lang? Or sipag sipagan?

"Ako nalang dyan.." singit ni Sir pero di ko binigay sa kanya.

"Ano sayo, Arden?" Tanong ko.

"Cookies and cream, Ate.I've been telling you countless times."

Natawa nalang ako.

Lumipas ang oras at nakita kong nagdidilim na kaya namaalam na sina Mommy and Daddy. Natuwa ako nang malamang uuwi na kami kaya nagpaalam na rin kami kina Grandma at Grandpa. I bid my goodbye to Arden and his parents. Hindi na ako nagpaalam pa kay Sir dahil ayaw kong mapahiya na naman sa kaniya.

Nang makauwi kami ay nag-ayos na agad ako ng sarili ko. Matapos iyon ay humiga na ako sa kama.

I heaved a sigh. "I didn't expect that I spent a day with him."

Continue Reading

You'll Also Like

28.9K 810 14
"Maligayang pagbabalik sa lugar kung saan ka nagmahal at nasaktan kung saan kahit sa panaginip ay hindi siya mahahadkan" A story of a girl who didn't...
3K 227 11
Highschool Bisaya Love Story. Started: June 21, 2020 Ended: June 26, 2020
1.3M 20.9K 23
Kailan ba tatama si Kupido? Kapag lahat ng crush ko, taken na? Kapag lahat ng gusto ko, committed na? Kapag lahat ng mahal ko, masaya na? At ako na l...
397K 26.1K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...