The Pay Day

Por AutumnRaigne

3.6K 193 66

If you will run, you will just die tired. Lahat ng nakasulat dito ay pawang produkto ng aking malikot at mag... Más

P R O L O G U E
THE ASSASSIN FAMILY
ZONE 1 - The Day She Came into My Life
ZONE 2 - She Likes Me, She Likes Me Not?
ZONE 3 - 10 Million per HEAD? Take it? or Leave it?
ZONE 4 - Is there any safer place than my mother's womb?
ZONE 5 - The truth about Little Miss Perfect♥ She is a what?
ZONE 7 - Love is Waiting and Time is Wasting?
ZONE 8 - Take it all away...too little too late?
ZONE 9 - When the 3 different kinds of animals collides! XD
ZONE 10 - Death will hunt you down, you can't run away from the PATTERN?
ZONE 11 - Beware of the Mad Monster?
ZONE 12 - Sweet Nothings

ZONE 6 - Where is she? What she is... What? No!

140 13 4
Por AutumnRaigne

------------------------------------------------------------------------------------------------

.

Kinabukasan napagdesisyunan namen na mamasyal gusto daw kasi nila na maging pamilyar ako dito sa lugar para iwas daw sa poagkaligaw. Ang gaganda ng mga lugar na napuntahan namen, sa labas na rin kame naglunch dahil tinatamad pa daw sila bumalik sa hotel. Bantay sarado nila ako sobra, mawala nga lang ata ako sa paningin nila todo panic na silang apat.

.

Pagkatapos namen maglunch sabi ng mga kuya niya may pupuntahan daw sila saglit, iniwan nila kame ni A2 sa may park. Hanggang ngayon ayaw niya pa rin ako kausapin at pansinin grabe lang. Hindi ko naman sinasadya na magfreak out kagabi, sino ba naman kasi ang hindi diba? Mga matataas na kalibre ng baril kaya yung mga hawak nila. Kailangan ko magsorry sa kanya, hindi pwede na habang andito kame hindi kame magpapansinan. -____-

.

"Ah, A2 sorry nga pala sa inasta ko kagabi, hindi ko naman sinasadya yun. Alam mo naman na takot na takot pa ako diba? Sana naman naiintindihan mo ako." paghingi ko ng tawad sa kanya.

.

Wala siyang naging tugon, nakatingin lang siya sa malayo na tila malalim ang iniisip...

.

"A2 sorry na kasi, nung ikaw naman nakapanakit saken pinatawad naman kita agad diba? Hindi ko naman sinasadya yung kagabi, sorry kung nahusgahan ko kayo. Sorry kung hindi akoo nagthank you sa pagtulong niyo samen ng pamilya ko."

.

dahil ayaw niya ko pansinin kinalabit ko na siya, saka lang lumahad saken ang masakit na katotohanan na may headset pala siya sa tenga niya at kanina pa pala ako mukhang tanga na nakikipag usap sa wala.

.

"Ha? Ano? May sinasabi ka ba? pasensya ka na hindi kita naririnig, pakiulet na lang." walang emosyon niyang pagsasalita.

.

"Sabi ko sorry dun sa inasal ko kagabi, parang naging walang utang na loob kasi ako sa inyo. Kayo nga tong halos ibuwis ang buhay para saken tapos hinusgahan ko lang kayo, sorry talaga. Nagfreak out lang naman kasi ako sa nakita ko na hawak niyong mga baril. Natakot kasi talaga ako lalo na sa banta sa buhay namen ng pamilya ko. Sorry talaga A2, by the way salamat nga pala sa pagtulong niyo samen ng magulang ko."

.

"Ah, ok." sabay kabit muli ng headset, wow! just wow! ang haba ng speech ko "Ah, ok." lang sagot niya. FACEPALM basta ako nagsorry na ako sa kanya.

.

Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya, hindi naman niya ko kinakausap kaya naman nagheadset na lang din ako at nakinig ng music sa cellphone ko.

.

Lumipas ang ilang oras na wala kameng pansinan, halos madilim na rin wala pa rin ang mga kuya niya. Sabi nila saglit lang sila, gaano ba katagal ang saglit? Aist! Nagugutom na ako at nilalamig na rin. Yung katabi ko parang walang kasama kung makaasta.

.

"Gali uwi na tayo, mukhang napasarap sila kuya sa pinuntahan nila kaya nakalimutan na nila tayo." hindi manlang siya tumingin saken nung nagsalita.

.

Tumayo siya at nagsimulang maglakad, hindi manlang niya ako nililingon. Nakasunod lang ako sa kanyanna mejo may distansiya, baka kasi kung ano ang isipin nung mga tao saken. Naglakad na lang kame pabalik ng hotel, walking distance lang naman kasi yung hotel na pinag stayan namen. Pag dating sa may madilim na parte ng kalsada may biglang sumulpot na sampung kalalakihan na hindi ko kilala...

.

"Mr. Fernandez long time no see? Tinakasan mo kasi kame eh." sabay akbay sa aking balikat.

.

"Sino ka? Hindi kita kilala, pwede ba bitawan mo ko!" piglas ko mula sa pagkakaakbay niya.

.

"Ay! hindi mo ba ako kilala? Pwes ako kilala kita, ikaw kasi yung pinapapatay samen ng client namen." panandalian akong napako sa kinatatayuan ko. hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi naman ata ako maririnig ni A2 pag sumigaw ako, kasi nakaheadset pa rin ata siya. Ayoko pang mamatay! Mommy help me! >_____<

.

Nakatingin lang ako sa naglalakad na si A2, nagbabakasakali na mapansin niya na hindi na ako nasunod sa kanya. Salamat sa Diyos kasi humarap siya at.....

.

"Gali ano ba sabi ko sayo uuwi na tayo, wag ka ngang babagal...." hindi niya natapos ang sasabihin niya kasi nakita niya na may nakaakbay na saken na lalaki.

.

"Sino kayo? Bitawan niyo siya!" tumakbo siya papunta sa dereksyon namen ng may biglang bumaril sa kanya at natumba siya.

.

Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko, gusto ko sana tumakbo sa kanya kaso ang lakas nung lalaki na may hawak saken. Hindi ko alam kung ok lang ba si A2, nadapa kasi siya nung may bumaril sa kanya. Napaka useless ko talaga, hindi manlang ako makalaban sa kanila. >___< Kinakaladkad na ko nung lalaki ng....

.

”Teka! Kala niyo ba makukuha niyo siya ng ganun ganon lang? Hindi pa tayo tapos wag niyo nga akong tinatalikuran mga bastos!" pag tingin ko sa kanya nakatayo na siya at may dugo siya sa may bandang binti.

.

"Kung ako sayo wag ka ng lumaban miss, umuwi ka na lang sa inyo. Nag iisa ka lang sugatan pa, laban sa sampu? Imposible!" walang emosyon na sabi nung lalaki

.

"Baket naduduwag ka na ba? Oo nga pala ganito kayo lumaban, patalikod kung tumira! Baket hindi niyo ba kaya ng harapan? Baket di ka lumapit dito at maglaban tayo ng patas?" kita mo ang galet sa mga mata niya

.

Tinulak ako nung lalaki sa isa niya pang kasamahan at nilapitan niya si A2...

.

"Kame duwag? Baket sino ba dapat namen katakutan? Ikaw?" sabay suntok kay A2 na siyang naiwasan naman nito agad.

.

"Sabi na nga ba wala kayong laban lalo na pag walang armas." natatawang sabi niya habang ginugulpi yung lalaki??? Siya talaga yung nagulpi dun sa lalaki ang lakas niya.

.

Kitang kita ng dalawang mata ko kung pano niya ginulpi yung mga lalaki na yun, suntok, tadyak, sipa at balibag ang napala nila mula kay A2. Kahit sugatan na siya nagawa niya pa rin na makipaglaban, grabe! kakaiba talaga siya. Matapos niyang gulpihin yung mga lalaki tumakbo siya sa dereksyon ko at hinawakan ako sa kamay saka kame tumakbo. Hindi pa man kame nakakalayo may dumating nanaman na mga kalalakihan...

.

"Kala mo ba hahayaan kitang makaalis ng ganon lang kadali Princess Alvez? Mangarap ka munang pakealamera ka!" sabi nung lalaki na para bang big boss nila habang may nakatutok na baril sa akin.

.

"Baket balak mo ba na pigilan ako?" matapang na tanong niya

.

"Baket kaya mo ba kameng lahat? Oh, nagdudugo ang binti mo, nga pala sorry dear natamaan ka ba kanina? sorry but I'm not sorry." sabi niya habang nagdidisplay ng mapang asar na ngiti

.

May binato si A2 sa kanya na ewan ko kung kutsilyo ba yun, nadaplisan nito ang mukha nung lalaki na nagsasalita kanina lang. Omo!

.

"Pasalamat ka hindi ko inasinta ang puso mo, ngayon papadaanin mo na ba kame?"

.

"Wrong question dear!" at binaril niya ako

.

"Hayop ka talaga Matthew!" rinig kong sigaw niya, kitang kita ko ang pagsugod niya sa kanila bago ako mawalan ng malay.

.

Pag dilat ng mga mata ko puro puti na ang nakita ko sa paligid, sa tabi ko may isang lalaki na nakayuko at natutulog. Pinisil ko ang pisngi ko, buhay pa ko salamat naman sa Diyos! Nung sinubukan ko na bumangon biglang sumakit yung balikat ko.

.

"Aaaaaah! Araaaaay!" inda ko na napalakas ata kaya nagising naman yung lalaki na si kuya Drew pala.

.

"Gali gising ka na pala? Naku naman wag kang bumangon, baka bumuka yung tahi mo sa balikat kakatahi lang niyan kanina. Mahiga ka na lang muna at magpahinga." pag aalala niya saken at inalalayan ako sa paghiga muli.

.

"Kuya Drew asan si A2?” panandalian siyang natulala at biglang may luha na pumatak sa mga mata niya.

.

"Wala na siya Gali.." sabi niya habang naiyak.

.

"Huh? Anong sabi mo? Anong wala na siya? Anong ibig mong sabihin? Baket anong nangyare? Asan na siya? Gusto ko siyang makita! Samahan mo ako sa kanya!" pumatak na rin ang mga luha ko.

.

"*Sniff* Gali kumalma ka muna makakasama yan sayo, dudugo yang sugat mo."

.

"Kumalma? *Sniff* Sabi ko gusto ko siyang makita! Asan na ba kasi siya? Dalhin mo ko sa kanya please lang! Buhay pa siya alam kong buhay pa siya!" pagpipiglas ko mula sa pagpapahiga niya saken

.

"Gali ano ba sabi ng wala na siya! Hindi mo ba maintindihan yun? Napuruhan siya sa nangyare kanina dahilan para mamatay siya!" sigaw niya saken habang naiyak.

.

"Pabayaan mo ko na makita siya please lang! Gusto ko siyang makita! Bitawan mo na ako kuya Drew! Asan ba siya pupuntahan ko siya! o kaya samahan mo ko puntahan naten siya! Nagmamakaawa ako sayo!" nagwala na ako ng tuluyan dahil ayaw niya akong paalisin.

.

"Ikaw ang bahala kung gusto mo talaga na masaktan, sige puntahan mo siya. Nasa morgue na siya ng ospital." bumitaw siya sa pagkakahawak niya saken, hindi ko na ininda ang sakit nung balikat pati yung pagtanggal ko ng dextrose sa kamay ko, gusto ko siyang makita kahit sa huling pagkakataon na lang.

.

Habang tumatakbo ako papunta sa nurse station, wala pa ring humpay sa pagpatak ang mga luha ko. Sinisisi ko ang sarili ko sa pagkamatay niya, dahil sa pagliligtas saken nawala siya. Kasalanan ko ang lahat ng to baket kasi hindi ako marunong lumaban?! Arrrrgh! T_____T

.

"Nurse saan ang morgue dito? ay! pota english pala dapat! Where is the morgue here?" wala na akong pakealam kung pinagtitinginan nila ako dahil sa umpiiyak ako habang natakbo.

.

Nagrussian siya at hindi ko naintindihan ang mga sinasabi niya, pag minamalas ka nga naman hindi pa nakakaintindi ng english ang makakausap mo! >___< Ako na lang ang nagtiyaga na maghanap kung saan yun, pinagtanong tanong ko na lang sa mga nakakasalubong ko sa hallway. Swerte ko nung doctor ang napagtanungan ko kasi kahit pano nakakaintindi ng english, tinuro niya sa akin ang daan at dali dali akong tumakbo papunta sa tinuro niya.

.

------------------------------------------------------------------------------------------------

.

Huhuhuhu! T____T Wala na si A2, kasalanan ni Gali ang lahat ng to! Curse you to death! Ano kaya ang mangyayare pag nakita ni Gali ang walang buhay na katawan ni A2?

.

Seguir leyendo