All I have to Give (Absinthe...

By Lumeare

784K 23.7K 2.3K

Nuraya just knew she had to give it all. Sa hirap ng buhay kailangan niya na lang talagang ibigay ang best ni... More

All I Have to Give
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Wakas
Special Chapter

Kabanata 15

13.7K 464 22
By Lumeare

Kabanata 15

Pag-aalala

Mas lumakas ang ulan kaya wala akong choice kung hindi ang sumuong sa ulan para makapunta sa susunod ko ng klase. Nagsisi tuloy ako na hindi ako nagdala ng payong.

Naabutan ko si Jeni na naghihintay sa akin sa bukana ng building. Agad ako nitong pinunasan dahil sobrang basa ng aking mukha dahil sa tubig ulan. Pinunasan ko ang aking braso at ang aking bag na nabasa. Buti na lang at hindi masyadong nabasa ang aking uniform dahil iniyakap ko ang aking bag para hindi ito mabasa.

" Bakit ka nagpaulan? Alam mo namang nagkakasakit ka agad, Raya!" suway sa akin ni Jeni nang matapos niya akong punasan sa mukha. Itinago ko pabalik ang aking panyo sa aking bulsa para tingnan ang kaibigan ko.

Hindi ko alam kung napansin niya ba na kagagaling ko lang sa pag-iyak o baka iniisip niya na may pumasok lang na tubig ulan sa aking mata. Pero binalewala ko iyon, kung magtanong man siya ay iiwas na lang ako.

"Ayos lang naman ako. Hindi ko kasi namalayang nandidilim na pala ang mga ulap habang naglalakad ako kanina." paliwanag ko at ngumiti. Huminga siya nang malalim bago sumusuko akong tinitigan. Agad akong umiwas ng tingin at nakita ang orasan na malapit lang sa amin.

" Tara na, baka malate pa tayo." sabi ko at hinila na siya. Ramdam ko ang basa sa aking likod ngunit binalewala ko iyon. Maya-maya lang naman ay matutuyo iyon. Sana nga lang ay hindi ako lagnatin mamayang gabi.

Straight na dalawang oras ang itinagal ng aming klase bago ako pumunta sa admin building. Hindi pa rin tumitila ang ulan kaya nagpasya na akong manghiram muna kay Jeni ng payong. Pagkatapos ko sa admin building ay sabay na kami ni Jeni sa susunod kong klase.

Nang matapos na ang huling klase ay hindi na ako nag-abalang pumunta ng Hoeble. Mahihirapan akong umuwi lalo na at umulan na naman. Kahit na gusto kong pumunta ay baka madisappoint na naman ako dahil hindi na naman magpapakita si Helion. Okay sana sa akin kung hinanap niya ako at sinabihang hindi na siya magpapaturo para naman hindi na ako mag-abala pang gabihing umuwi.

Kinagabihan ay hindi nga ako nagkamali at inihit na ako ng ubo. Sa biyahe pa lang ay nagtaxi na ako para iwas basa ngunit hindi ko naman naiwasan ang lamig ng aircon kaya sinipon na ako. Pagdating sa bahay ay wala naman si Tita at tanging si Lola at Ate Nina pa lang ang naabutan ko. Kahit nag-aalala ay pinauna ko na sa pag-uwi si Ate Nina at ako na ang nag-alaga kay Lola.

Muli akong naubo bago napaupo sa aking kama. Mabigat ang pakiramdam ko at sumasakit ang aking lalamunan. Matapos kong patulugin si Lola ay dumiretso muna ako sa kwarto para makapagpahinga. Tumayo ako at inalalayan na lamang ang sarili para hindi ako matumba. Sobrang sakit ng ulo ko at nilalamig ako. Kinuha ko ang aking kumot at ibinalot iyon sa aking katawan bago ako nagpasyang bumaba at tingnan si Tita.

" Oh Raya…" bati sa akin ni Tita na kalalabas lang ng kusina. Hindi ako kumibo dahil halos pumikit na ako habang humahakbang sa hagdan.

" M-magandang gabi po, Tita…" paos ang boses ko nang bumati sa kanya pabalik. Naalarma si Tita nang dahil doon at agad na lumapit sa akin. Sinalat nito ang aking noo at leeg.

" Diyos ko po! Nilalagnat kang bata ka!" ani Tita at inalalayan ako paakyat muli sa kwarto. Kahit ayaw ko ay sinubukan kong humakbang at sundan na lamang ang yapak ni Tita. Nang makabalik kami sa kwarto ay agad ako nitong pinahiga at kinumotan ulit. Bumahing ako nang bumahing pagkatapos ay sinundan naman ng ubo.

Ganoon ba kalala ang pagpapaulan ko at ganito ako kagrabeng nilagnat ngayon?

" Sana ay naligo ka pagdating mo kanina!" puna sa akin ni Tita habang pinupunasan ako ng basang bimpo sa mukha.

Napapikit ako dahil nanlalabo ang aking paningin. " P-pasensya na po. Pinatulog ko pa po kasi si Lola, Tita kaya nakaligtaan kong maligo."

Eksaherado itong bumuntong hininga bago pinunasan ang aking mga braso. Pagkatapos niya akong mapunasan ay ibinalot niya akong muli sa kumot na parang lumpia.

" Magluluto ako ng instant na sotanghon sa baba. Magpahinga ka muna." sabi ni Tita at hinipo ulit ang aking noo. Bumuntong-hininga ito bago tipid na ngumiti sa akin.

Nang umalis si Tita at tumagilid ako ng higa. Ito ang dahilan kung bakit hindi ko magawang umalis sa puder ni Tita. Hindi ko kasi kayang alagaan ang sarili ko kapag nagkakasakit ako. Mula pagkabata ay mahina talaga ako kaya naman kailangan ko ng pag-aalaga ni Mama o di kaya'y ni Tita.Nahihiya na nga ako dahil ang laki ko na ngunit hindi ko pa rin magawang alagaan ang sarili ko nang tama. Kaya nga hindi rin ako pinayagan ni Tita na pumasok sa eskwelahang gusto ko talaga. Ayaw niyang malayo ako dahil sobrang mag-aalala daw siya na baka mapabayaan ko ang sarili ko.

Nagpapasalamat nalang ako dahil hindi talaga ako umalis at nag-aral sa malayo. Kahit naman gusto ko, ayaw kong patayin sa pag-aalala si Tita.

" Magpahinga ka na at kapag bumaba ang lagnat mo bukas ay papayagan kitang pumasok." sabi ni Tita nang matapos ako sa pag-inom ng gamot.

" Sige po." pagsang-ayon ko bago humiga ulit at binalot ang katawan sa kumot. Hinaplos ni Tita ang aking buhok bago ako nginitian.

" Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa iyong bata ka." iiling-iling nitong sabi bago tumayo.

" Salamat po, Tita." sabi ko. Ngumiti siya at agad nang lumabas sa aking kwarto.

Kinabukasan ay bumaba nga ang aking lagnat. Kahit may kaunting sipon at ubo ay sinubukan kong maligo at mag-ayos para pumasok.

Naabutan ko si Tita na naghahanda ng umagahan namin. Nandoon na rin si Lola at nanunuod na agad ng pang-umagang balita sa sala.

" Magandang umaga po, Tita." bati ko at naupo.

" Mabuti na ba ang pakiramdam mo?"

Tumango ako. " Kaunting ubo at sipon lang naman po."

" Oh sige at kumain ka na diyan at baka mahuli ka pa sa klase mo." sabi ni Tita at iniwan na ako sa hapag. Kinuha nito si Lola at agad na itinabi sa akin sa pagkain.

" Nga pala, birthday na ng Mama mo bukas. Dadalaw ka ba? Alam kong puno ang schedule mo araw-araw." puna ni Tita.

" Baka po mamayang hapon ay pumunta ako Tita."

" Mauuna na lang ako sa'yo sa pagbisita at marami pang aasikasuhin sa bistro." aniya.

" Sige po."

Naging matiwasay naman ang pagpasok ko kahit na binabagabag ng sipon at ubo. Pinagtatawanan nga ako ni Jeni dahil namumula daw ang aking ilong. Binabalewala ko na nga lang dahil mas lalo lamang niya kaong aasarin kapag ginatungan ko pa.

" Ganun ba? Sayang naman!" sabi ni Jeni sa akin nang sabihin kong kailangan ko pang bisitahin si Mama sa sementeryo. Nag-aya na naman kasi ang kaibigan kong mamasyal sa mall pagkatapos ng kanyang klase. Mauuna kasing matapos ang klase ko sa kanya at gusto niyang hintayin ako. Ngunit hindi naman matutuloy dahil may lakad ako.

" Next time na lang." sabi ko at tumayo na. Niligpit ko na lahat ng gamit ko at nagpaalm na sa kanyang kailangan ko ng umalis.

Alas kwatro na ng hapon kaya naman marami na ang tao sa mga hallway. Kadalasang maagang oras ng pag-uwi ay alas kwatro at ang pinakalate na ay alas siyete ng gabi.

Nag-abang ako ng masasakyang jeep papuntang sementeryo ngunit wala akong nakitang doon ang ruta. Ilang minuto pa akong naghintay ngunit puro puno naman ang nakikita ko.

" Raya…" agad akong lumingon sa tumawag sa akin. Hindi ko namalayang nasa tabi ko na ito at nakatayo. Ilang taong naglalakad ang napalingon sa amin at agad na huminto. Tila gustong masaksihan kung ano ang ginagawa ni Helion aa aking tabi.

Alam ko namang sikat si Helion kaya hindi maiwasang hindi siya mapansin ng ilan. Kahit na hindi siya kilala ng tao ay nalilingunan pa rin siya dahil sa kanyang gwapong mukha.

" Helion.." sambit ko sa pangalan niya. Agad akong napatayo at napaayos ng sarili. Pinagmasdan ko siyang nakatayo ilang dangkal lang ang layo sa akin. Suot niya ang pulang jersey jacket na sa tingin ko ay kabilang sa basketball team ng aming eskwelahan.

" Going home already?" tanong niya at pinagmasdan ako. Sa klase ng kanyang pagmamasid ay agad akong nailang. Nahihiya ako dahil hindi man lang ako nag-abalang ayusin ang sarili ko kanina. Siguro'y mukha akong yagit sa kanyang harapan.

Umiling ako. " Ah…hindi. I need to visit my mother." ani ko at napakagat labi. Nakita ko ang pagpatak ng tingin ni Helion sa aking laba at agad na nakita ko ang pagdaan ng dilim sa kanyang berdeng mata. Gumalaw ang kanyang panga bago humakbang palapit. Agad naman akong umatras na siyang ikinakunot ng kanyang noo.

" I-ikaw? Are you…going home?" tanong ko para naman kahit ilang segundo ay matitigan ko pa siya. Nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin sa akin.

" No. I was just about to go back inside when I saw you here." aniya at nilingon ulit ako. Tahimik ang aking naging pagsinghap dahil sa kanyang sagot. At bakit niya naman ako lalapitan agad kung nakita niya ako?

" We haven't seen each other for days so I thought I needed to talk to you to apologize for what—…" aniya. Sasagot pa sana ako nang bigla akong nakaramdam ng pag-ubo. Agad kong itinakip ang nakakuyom kong kamay sa aking bibig at umiwas sa kanya para umubo.

Sa sandaling nakita ko siya ay nakalimutan ko tuloy na inuubo ako at sinisipon. Nang matapos ako sa pag-ubo ay nilingon ko siya at alanganing ngumiti.

" Sorry. I had a fever last night. I've been coughing and sneezing for hours." sabi ko at nagbaba ng tingin.

" It rained yesterday. Did you walk under the rain?" bakas ang pag-aalala sa boses niya kaya naman inangat ko ang tingin sa kanya.Parang natigilan ako nang sobrang lalim ng pagtitig niya sa akin.Naalala ko ang kaniyang itinananong kaya agad na umiling ako kahit na ang totoo ay nagpaulan naman talaga ako. At isa pa, kung hindi ko siya nakita kahapon at kung hindi ako napatanga ay hindi naman ako maabutan ng ulan. Bakit ko pa kasi siya nakita kahapon?

" Naabutan lang ng ulan kahapon." sabi ko para hindi niya ako maintindihan. Kumunot ang kaniyang noo at magsasalita na sana nang may nakita akong jeep na may ruta papuntang sementeryo. Agad akong pumara.

Nilingon ko si Helion na nakatingin na ngayon sa akin at parang nagtataka. " I'm in a hurry, sorry!" sabi ko sa kanya.

Naningkit ang kaniyang mata kaya naman iniwas ko ang tingin sa kanya at itinuon na lamang ang tingin sa paparating na jeep. Nakita ko ang paghakbang ni Helion palapit sa akin ngunit agad akong lumayo. Naguluhan siya sa aking kinilos kaya naman ngumiti na lamang ako. Iniwas ko ang tingin sa kanyang nang huminto ang jeep sa aming harapan. Agad akong umakyat at  hindi na ako nag-abalang lumingon kay Helion nang umandar na ulit ang jeep hudyat na aalis na ito.

Kinagat ko ang aking labi. Gusto ko sanang titigan pa ulit si Helion ngunit naalala ko tuloy ang nakita ko kahapon. Nagtataka tuloy ako kung bakit hindi niya kasama ang babae kahapon. Hindi niya ba girlfriend iyon?

Continue Reading

You'll Also Like

327K 7.6K 49
(La Carlota #3) Sea, sand, sun, and waves, it was Delilah and Loki's childhood. Just like the waters Delilah's dreams were vivid, clear, and touchabl...
288K 9.4K 44
SG President Adina Balmori was uptight and too formal. She grew up believing that she shouldn't settle for imperfections because she had an image to...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
125K 3K 49
Rule #1: Don't force fate. It will just happen. Lia, never believed in destiny. She always believed that if there is a will, there is a way. She wil...