HAVING A DEAL WITH MR. MANIAC...

Av Mhargarrette2003

7.1K 640 94

RATED 18!!! Date Written: September 20, 2018 Date Finished: October 26, 2018✔ (R-18) Mature Content. FB: Mhar... Mer

Characters
PROLOGUE
CHAPTER 1: Decision
CHAPTER 3: Virgin Eyes
CHAPTER 4: Unexpected Kiss
CHAPTER 5: First Day
CHAPTER 6: Confrontation
CHAPTER 7: Deal
CHAPTER 8: Samantha Frey
CHAPTER 9: Dinner (spg slight)
CHAPTER 10: Mollyanna's Ex
CHAPTER 11: Second Chance (spg)
CHAPTER 12: Caught
CHAPTER 13: Regret
CHAPTER 14: Jealous
CHAPTER 15: Frio vs Jace
CHAPTER 16: Hurt
CHAPTER 17: Trouble
CHAPTER 18: True Feelings
CHAPTER 19: Confessed
CHAPTER 20: Broke
CHAPTER 21: Goodbye
CHAPTER 22: Hospital
CHAPTER 23: Molley and Jace
CHAPTER 24: Reality
CHAPTER 25: Official
CHAPTER 26: I miss you
CHAPTER 27: Obsessed
Chapter 28: Superman
Chapter 29: Samantha's plan
Chapter 30: Warehouse
Chapter 31: Shoot
EPILOGUE

CHAPTER 2: Mysterious Guy

290 33 6
Av Mhargarrette2003

CHAPTER 2



Dahil advance ako mag-isip hulaan niyo kung nasaan na kami, Wag na nga, ako na lang magsasabi, Alam ko kasi yung feeling na pinapahula sayo yung mga bagay na hindi mo alam. Nandito na agad kami sa eroplano, masyado namang advance kapag sinabi kong nasa Manila na agad kami diba? 



Nandito ako sa upuan kung saan dapat nakaupo ang cute na mga nilalang katulad ko. Nilagay ko ang headset sa magkabilang tenga ko at nag shades, malay niyo tumulo laway ko tapos kilala pala ako nung taong nakakitang tumulo yung laway ko kahihiyan iyon mga te! baka mag trending pa'ko.




"Mar aalis na tayo." Singit ng bida bida kong ate.



"Ate kanina pa tayo nakaalis." Barado ng bunso kong kapatid na si Mowen.


Tinarayan naman siya ni ate. "Ikaw ba si Mar? epal ka masyado.



Nice one Mowen!



Pangiti ngiti lang ako ng biglang nagsalita si ate.



"Hoy Mar! bingi ka ba? Aalis na yung eroplano patayin mo na yan or kung gusto mo ikaw ang papatayin ko punyeta ka."



Agad ko namang tinago ang Iphone ko (akala niyo kayo lang may iphone ah!) at nagtulog-tulugan. Ilalabas ko na sana ulit ang cellphone ko ng biglang nagsalita si Mommy.



"Itago mo yan Mar wag matigas ang ulo."



May malambot ba na ulo? charot.



Wala akong nagawa kundi itago ang cellphone ko. Kating kati na akong i-chat si Frio kaso baka ako pa ang maging dahilan ng pagsabog ng eroplanong ito at pagkamatay ng libo libong tao. Ini-imagine ko pa lang na mababalita akong suspek sa tv hindi ko na makaya. Kawawa naman ang cute kong mukha pag nagkataon.



Tumunganga lang ako magdamag, tssss. ang ganda nga ng view na nakikita ko dito sa labas ng bintana pero di ko man lang ma-feel na nag eenjoy ako, miss ko na talaga si Frio, hindi ko matanggal sa isip ko ang mga mata niya, ang mga labi niyang laging nakasilay ang matamis na ngiti.


Nang maramdaman kong naiihi ako ay agad akong tumayo at pumunta sa cubicle.



Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang malaking cubicle at may dalawang C.R para sa babae't lalake. Nilibot ko ang paningin ko at dumiretso sa C.R ng girls, ng mahagip ko ang sink ay agad akong dumiretso doon.


Nasa kalagitnaan ako ng pag huhugas ng kamay ng may marinig akong yapak galing sa likuran ko, alam kong mag-isa lang ako dito, hindi ko maiwasang mangilabot. Unti unti akong lumingon at tiningnan ang bawat sulok ng C.R, walang tao.



Binilisan ko ang paghuhugas ng kamay at hindi na binigyang importansya ang yabag na narinig ko kanina. Lalabas na sana ako ng makarinig ako ng flash galing sa isang cubicle.



Shitt... Ano ba itong cubicle dito!



bumuntong hininga ako bago magsalita.




"May tao ba diyan?"



Walang sumagot.



Nilakasan ko ang loob ko at dahan dahang pumunta sa cubicle kung saan ko narinig ang ingay galing sa toilet. Hindi ko alam na pati ang multo ay marunong magflash ng toilet. Marunong rin kaya silang tumae?



Sinipa ko ang pintuan ng cubicle pero laking gulat ko ng walang katao. Imposible namang magkaroon ng pusa dito diba?



"Hays, kinabahan ako dun ah akala ko naman multo na, Wala naman palang ta---- AaaaAaaAAaaaaHhhh!"




Nagulat ako nang paglingon ko ay nakita ko ang isang lalaking nakatayo sa harapan ko, agad niyang tinakpan ang bibig ko at sinandal ako sa sulok ng C.R.




Biglang lumakas ang tibok ng puso ko, eto na ba ang katapusan?




"Sinong nagpadala sayo dito para sundan ako!?" Seryoso niyang tanong.





Napako ako sa mga asul niyang mata na parang nanghihigop, hindi ko alam na may tao pa lang nabubuhay sa mundong ito na ganito ka gwapo, ang mapupula niyang labi, makapal na kilay at ang matangos niyang ilong,  mapapansin mo agad sa kanyang skin color at height na mayroon siyang lahing banyaga.



Tinanggal niya ang kamay niyang nakalapat sa mga bibig ko pero hinarang niya ang bisig niya sa magkabilang side ko at kinulong ako dito para hindi ako makawala, Naamoy ko agad ang mabango niyang hininga na nakakawala sa tamang pag-iisip ko.


"Talk, lady." Seryoso pa rin niyang sabi.



Mas linapit pa niya ang mukha niya sa akin. Hmmmmm!



Ano ka ba Molley? Hindi ito ang oras ng landian! papatayin ka na nga lumalandi ka pa!



"H-Hindi k-ko alam a-ang sinasabi m-mo k-kuya." utal utal kong sabi.



Nawala ang seryoso niyang tingin ng ma-realize na wala talaga akong alam sa sinasabi niya, agad niyang nilisan ang cubicle at nanatili akong nakatayo at nakatulala doon. Makalipas ang ilang minuto ay natagpuan ko na ang sarili kong palabas na ng cubicle.




Luminga linga ako sa paligid, umaasang makikita siyang nakaupo malapit sa inuupuan ko, pero bigo akong makita ang mga asul niyang mata, sabik ka girl?





"Saan ka galing ate?" Tanong ni Mowen.



"A-Ahmmm sa C.R bunso hehe."




"Antagal mo naman, sabi ni mommy wag ka na daw gala ng gala dito sa loob ng eroplano dahil malapit ng lumanding ang eroplano sa noo mo." Walang gana niyang sabi.


Umusok bigla ang ilong ko sa sinabi niya.




"Anong sabi mo?!" Susugurin ko na dapat siya ng nagsalita si Mommy.




"Manahimik kayong dalawa wag kayong gumawa ng bagay na ikakahiya niyo dito! Kunin niyo na ang mga baggage natin." Seryoso niyang sabi.





Kinuha ko na ang mga baggage namin at ilang minuto lang ang lumipas ay nakalalanding kami ng maayos.




Napabuntong hininga ako ng tuluyan kaming makalabas sa eroplano.





Goodbye San Isidro, Hello Manila!




-




"Mga apo ko! Ang lalaki niyo na hindi niyo ba namiss si Grandma?"



Sinalubong kami ni Grandma at isa isang niyakap.




"Miss na miss ko na kayo mga apo salamat at pumayag kayong dito muna manirahan sa mansyon."




Ngiti lang ang iginanti ko, kung alam mo lang grandma kung paano kami pinilit ni mommy na dito manirahan kulang na lang mag hame-hame-wave siya.



Kasalukuyan kaming nandito sa hapag kainan, mukhang pinaghandaan talaga ng bongga ni Grandma ang pagdating namin dahil napakaraming masasarap na pagkain ang nakahanda sa hapag kainan. Di ko tuloy maiwasang mapangiti.



"Alexandra, ang laki na ng mga anak mo, mabuti na lang at napalaki mo sila ng maayos, kung nabubuhay pa sana si Fernando panigurado matutuwa yong makitang lumaki ng maayos ang mga anak niyo." Nakangiting sabi ni lola habang kinakausap si Mommy.



"Siyempre mama, hindi mo lang alam kung anong pagdidisiplina ang ginawa ko diyan sa tatlong iyan para mapalaki ng maayos, lalo na iyang si Mowen napakakulit na bata manang mana sa kanyang ama." Natatawang sabi ni Mommy.




"Ma! Hindi nako bata big boy na ako no tss." Inis na sabi ni Mowen.



"Mowen 14 years old ka palang, hindi ka pa big boy." Singit ni ate.



"Tsss, di mo lang matanggap na mas maraming nangliligaw sa akin na girls kesa sayo." Pagmamayabang ni Mowen.



"Mowen anak, wala talagang manliligaw na babae diyan sa ate mo kase hindi naman siya lalake." natatawang sabi ni mommy.



"Porket babae ako mom wala na agad pwedeng manligaw saakin na babae?"Natahimik bigla si ate ng ma realize niya kung ano ang nasabi niya at nagexcuse para pumunta sa kwarto niya.



Kumunot ang noo ko may kakaiba sa kinikilos ni ate, napapansin ko nitong mga nakaraang araw na hindi na ganoong kadalas nagsusuot si ate ng mga dress at hindi na rin siya nagmamakeup, isinawalang bahala ko nalang ang iniisip ko at tuluyan ng tinapos ang pagkain ko, sana hindi tama ang mga ideyang pumapasok sa isip ko..





Fortsett å les

You'll Also Like

26.7M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
449K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
795K 8.6K 18
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.