The Pay Day

By AutumnRaigne

3.6K 193 66

If you will run, you will just die tired. Lahat ng nakasulat dito ay pawang produkto ng aking malikot at mag... More

P R O L O G U E
THE ASSASSIN FAMILY
ZONE 1 - The Day She Came into My Life
ZONE 2 - She Likes Me, She Likes Me Not?
ZONE 3 - 10 Million per HEAD? Take it? or Leave it?
ZONE 4 - Is there any safer place than my mother's womb?
ZONE 6 - Where is she? What she is... What? No!
ZONE 7 - Love is Waiting and Time is Wasting?
ZONE 8 - Take it all away...too little too late?
ZONE 9 - When the 3 different kinds of animals collides! XD
ZONE 10 - Death will hunt you down, you can't run away from the PATTERN?
ZONE 11 - Beware of the Mad Monster?
ZONE 12 - Sweet Nothings

ZONE 5 - The truth about Little Miss Perfect♥ She is a what?

140 14 8
By AutumnRaigne

------------------------------------------------------------------------------------------------

.

Bago maglanding ang private jet na sinasakyan namen sa airport ng Moscow nagising na si Mr. Handsome este si Gali pala, tulala pa rin siya at halos tango lang ang kayang itugon pag kinakausap. Hinayaan na lang muna namen siya na maiprocess ng utak niya ang mga pangyayare na naganap sa Pilipinasa. Para siyang anak ng presidente kung bantayan namen nila kuya, nakasunod siya saken at sila kuya naman nasa likod niya.

.

Sa hotel na muna kame tutuloy kasi hindi pa namen nacocontact ang Black Sharks, ayaw naman namen silang biglain sa pagpunta namen sa hide out nila. Malaking grupo ito kumpara samen, may 50 members sila at sampu sa matataas na opisyales lang ang kilala namen. Naging kaibigan namen sila nung mailigtas namen ang boss nila mula sa mga White Dragon.

.

Pagdating sa hotel kumuha kame ng malaking room, sa loob nun may tatlong kwarto rin, syempre hindi kame sama sama sa iisang kwarto, may malawak na sala at may kusina. Dumeretso lang si Gali sa kwarto niya at nilock ang pinto, wag daw muna namen siya guluhin. Kaya naman pinabayaan na lamang namen siya baka kasi gusto niya na magpahinga at mapag isa.

.

Hindi rin naman nagtagal nakatanggap kame ng tawag mula kay kuya Gelo, sabi niya ok lang naman daw ang mga magulang ni Gali at nasa pangangalaga na nila ang mga ito. Kasalukuyang kinakausap at pinapaliwanag na rin daw ni daddy ang sitwasyon sa kanila.

.

Sa mga narinig namen gumaan na ang loob namen at nakahinga na kame ng maluwag. Siguro pag lumabas na siya sa kwarto niya saka na lang namen ibabalita sa kanya ang tungkol sa mga magulang niya.

.

Ok lang kaya siya? Sana naman hindi siya magkaroon ng kung anonh abnormalities dahil lang sa nangyare kanina. Aist.. ano ba kasi ang kasalanan ng mga magulang niya para ipapatay sila sa White Dragon? Kung ano man yun sana madaan sa mahinahongh usapan, ayoko kasi na makalaban ng grupo namen ang grupong yun tiyak kasi dadanak ang dugo.

.

*Gali's POV*

.

Hindi ako makapaniwala na may mga taong magtatangka sa buhay namen ng pamilya ko, sa pagkakaalam ko naman kasi wala kameng inaargabyado na tao. Kahit naman hindi ako malapit sa mga magulang ko, alam ko kung paano sila mamalakad sa negosyo. Patas at sinisiguro nila na wala silang matatapakan na kahit sino, pero baket samen nangyayare ang bagay na to?

.

Ngayon andito na kame sa Moscow, sa isang lugar na wala akong kakilala at walang nakakakilala saken. Wala pa akong lakas ng loob para kausapin sila, puno pa rin kasi ako ng pangamba para sa mga magulang ko. Hindi ko alam kung ano na ang lagay nila, kung ok lang ba sila o kung may nasaktan ba sa kanila.

.

Sana naman walang nangyare na masama sa kanila, sila na lang ang meron ako. Nagpapasalamat ako na tinulungan ako ng pamilya ni A2 kahit na hindi ko naman ito hiniling sa kanila. Sinugal nila ang mga buhay nila para lang samen ng pamilya ko.

.

Wala akong alam sa kung ano ang plano nila at kung kelan kame pwede bumalik sa Pilipinas. Baket nga kaya ang lakas ng loob nila na tulungan kame? Hindi kaya isa sila sa mga nagbabalak ng masama sa pamilya ko? Ay! ano ba naman tong iniisip ko! Bad! Bura bura bura! Hindi ko malalaman ang katotohanan kung mananatili ako dito.

.

Paglabas ko ng pinto nakita ko sila sa may sala may inaayos na mga baril??? Harujusko! mukhang kasamahan nga nila ang mga namaril kahapon, at mukhang nakuha na nila kame ng magulang ko. (╥﹏╥) Halos hindi ko maikilos ang katawan ko at napako ako sa kinatatayuan ko.

.

"Gali pare ok ka lang ba? Magsalita ka naman, dadalhin ka na ba namen sa ospital?" pagtatanong saken ng kuya ni A2 habang niyuyugyog ako.

.

Nang makita ko na hawak niya ako sa magkabilang braso ko, nagpupumiglas ako at nagsisisigaw.

.

"Bitawan mo ko! Lumayo ka saken! Magkano ba ang kailangan niyo? Sabihin niyo lang handa kameng magbayad ng pamilya ko! Pakiusap wag niyo kameng patayin, kahit lahat ng yaman namen ibibigay namen sa inyo palayain niyo lang kame."

.

"Easy lang pare wala kameng balak na masama sayo." sigaw nung isang lalaki na katabi ni A2

.

"Walang balak na masama? Anong tawag niyo diyan sa mga hawak niyo? Yan ba ang walang balak na masama? Set up lang ba ang lahat ng to para madukot niyo kame ng pamilya ko? Grabe hindi ako makapaniwala sayo A2!"

.

*Paaaaaaaaak!* At isang malakas na sampal ang natanggap ko mula kay A2???

.

"Baket mo ako sinampal? Diba ako ang dapat na nagawa niyan sayo?!" lalapitan nko sana siya para sampalin ng...

.

*Paaaaaaak!* sinampal nanaman niya ako sa kabilang parte ng pingi ko. Pakiramdam ko mabibingi ako sa lakas ng sampal niya.

.

"Ganyan ka ba magpasalamat sa pagtulong namen sayo?! Kung may balak kame na masama sayo hindi na sana namen sinugal ang buhay namen para iligtas ka! Ang kapal ng mukha mo para akusahan kame! Hindi namen kailangan ng pera dahil marame rin kame niya!" at saka siya pumasok sa kwarto niya.

.

"Tama siya pare marame rin kameng pera at hindi na namen kailangan na kidnappin ka at ang pamilya mo para lang magkapera." malungkot na sabi ni kuya Drew.

.

"Patay ka pare ginalet mo si Princess, kaw kasi eh. Pasalamat ka hindi ka niya binugbog." sabi ni kuya na hindi ko alam ang pangalan, sabay pat sa balikat ko

.

"Maupo ka na muna ipapaliwanag namen ang lahat sayo." umupo naman ako, nakakahiya yung ginawa ko kanina. -_____-

.

"Wala ba talaga kayong balak na masama saken?" muling tanong ko sa kanilang tatlo

.

Sabay sabay silang nagtawanan na para bang nagbibiro lang ako sa pagtatanong.

.

"Alam mo pare para hindi ka maguluhan magpapakilala kame sayo. Ako si Yhan ang pangalawa na kapatid ni A2, siya naman si Ron ang pang anim, at siya si Drew ang pang siyam."

.

"Jim Ryan Corpuz Alvez, Yhan for short." handshake

.

"Aaroon Bryan Corpuz Alvez, Ron for short." handshake

.

"Jeff Andrew Corpuz Alvez, Drew for short." pat sa balikat ko.

.

Bilang ako ang pinakamatanda na kasama niyo, responsibilidad ko kayong tatlo, nagpakilala kame sayo para hindi mo na kame pag isipan ng masama. Hindi namen madalas na binibigay ang pangalan namen kung kanikanino lang dahil mahigpit na ipinagbabawal yun. Kaya sa unang pagkakataon nagpakilala kame." - kuya Yhan

.

"Baket naman? Diba dapat nga nagpapakilala ang isang tao?" pagtatakang tanong ko

.

"Hindi sa gaya namen." kuya Ron habang nakangisi

.

"Kagaya niyo na ano?"

.

"Mga assassins, ay! sorry nadulas ako kuya Ron. Hehe sorry talaga maya mo na ko parusahan." saka tumakbo sa kwarto nila

.

"Ano? mga ano kayo?" gulat na tanong ko

.

"Mukhang kailangan na naten sabihin sa kanya ang totoo kuya, kayo na lang ang mag usap ako na bahala kay Drew chikadora." at sumunod na ito kay Drew sa kwarto

.

"Tama ang sinabi ni Drew, mga assassins kame. Pero hindi kame yung nagtatangka sa buhay mo at ng pamilya mo. Sa katunayan nga napasok ang pamilya ko sa gulo ng pamilya niyo dahil pinili namen na protektahan kayo."

.

L O A D I N G . . .

L O A D I N G . . .

L O A D I N G . . .

.

"ASSASSIN? yung mga pumapatay ng tao? as in for real?" gulat na gulat na bulalas ko

.

"Oo nag eexist sa mundo ang mga kagaya namen. Paid to kill, misteryosong identity, ang kaibahan lang samen may mga pinag aralan kame."

"Wag niyo sabihin na kayo yung pumatay dun sa tatlong corrupt na gobernador?" usisa ko

.

"Kame nga ang may kagagawan nun, binayaran kame para gawen yun. Mahal ang serbisyo namen."

.

"Pa- paano ako makakasiguro na hi-hindi niyo gagawen saken ang ginawa niyo sa ka-kanila sa mga bi-biktima niyo?" utal utal na tanong ko

.

"Simple lang, walang nagbayad samen para tulungan ka kanina pati na rin ang pamilya mo ngayon." nakangiti niyang sagot

.

Aalis na sana siya ng muli akong magtanong...

.

"Yung kame ba nangangahulugan na buong pamilya niyo? Ibig bang sabihin nun pati si A2 isa rin sa inyo?"

.

"Oo isa siya sa pinakamagaling na umasinta samen." saka siya tumuloy sa kwarto nila.

.

Ibig sabihin isa rin siyang mamamatay tao? Pinakamagaling umasinta? Ibig sabihin kahit saan niya gusto patamaannang biktima nagagawa niya. Grabe! ang astig nun! Kaya pala ganoon na lang kalakas ang pagkakahawak niya sa braso ko nung hindi ko siya hinintay, kaya rin pala niya nasabi na "killing" is her game. Seryoso pala siya at banta pala yun, naniwala naman ako na expression niya lang yun. -____-

.

Aist! nakakahiya yung mga sinabi ko kanina, sila na nga tong halos ibuwis ang buhay para saken ako pa may balak na husgahan sila. Tinitigan ko na lang yung mga baril na naiwan sa lamesa, kahit isa sa mga to hindi ko alam ang tawag at kahit isa rin sa mga to hindi ko alam gamitin.

.

Bigla naman nagring ang cellphone ko, pagtingin ko sa screen si mommy yung tumatawag...

.

"Hello mommy? *Sniff* Ok lang po ba kayo ni daddy? Wala po bang nasaktan sa inyo? mommy sino sila? baket nila tayo pinapapatay? ano ba ang kasalanan naten sa kanila?" hindip ko na napigilan na maiyalk dala ng sobrang pag aalala sa kanila.

.

Narinig ko rin naman ang pag iyak ni mommy sa kabilang linya, "Anak ok lang kame, wag ka ng mag alala. Ikaw ok ka lang rin ba? Nabalitaan ko na pinaulanan daw ang bahay nila Mr. Alvez ng bala habang nasa kanila ka? Hindi ka ba nasaktan anak? Hindi namen sila kilala anak, wala naman tayong kaaway. Nag aalala kame para sayo ng daddy mo." * Sniff*

.

"Opo ganoon nga po ang nangyare mommy, *Sniff* takot na takot po ako kahapon kala ko po katapusan na ng buhay ko. Wag po kayong mag alala hindi namam po ako nasaktan, at mukhang safe naman po ako ngayon habang sila ang kasama ko." wala pa ring tigil saa pagpatak ang mga luha ko.

.

"Mabuti silang tao anak, nagbulontaryo nga sila na sila na muna ang mangangalaga sa kaligtasan namen ng daddy mo dito ng walang kapalit na halaga, isang buwan pa kasi kameng magtatagal dito anak. Napakabuti ng pamilya niyang kaibigan mo, pag uwi ko gusto ko siyang makilala."

.

"Nasa Moscow po kame ngayon mommy, dito na po muna siguro kame. Malayo sa Pilipinas at malayo po sa gulo. Tama po kayo sobrang bait po ng pamilya niya."

.

"Ganoon ba, mas ligtas nga siguro kayo kung malayo na muna kayo sa Pilipinas. Sige na anak magpahinga ka na, tatawag na lang ulet ako sayo bukas makalawa. Mahal na mahal kita anak, mag iingat ka palagi. Babye na."

.

"Mahal na mahal ko rin po kayo, mag iingat rin po kayo diyan bye po."

.

Matapos namen mag usap ni mommy nagtungo na ako sa aking kwarto para magpahinga. Bukas na lang siguro ako hihingi ng paumanhin at pasasalamat sa kanina. Salamat rin sa diyos at ok lang ang mga magulang ko. Laking pasasalamat ko talaga at naging kaibigan ko si A2, kasi kung hindi wala na kame ngayon ng mga magulang ko.

.

________________________________________________________________________________________________

.

Nagalet si A2 kay gali, ayan kasi Fafa Gali more palahaw more fun ka kasi.

Napala mo? Nasampal ka ng malupet! Magkabilang feslak!

Macontact kaya nila ang Black Sharks?

.

Continue Reading