Ivanna

By JanelleRevaille

21.1K 1.1K 365

[HIGHEST RANK: #16 in Historical Fiction - April 28, 2018] Year 1941, after the spark of the second world war... More

Ivanna
Janelle Revaille's Note
PROLOGO
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11

KABANATA 1

1.8K 94 76
By JanelleRevaille

"Hoy, Adeline." Inalis ko ang tingin sa phone ko nang tawagin ako ni Carol.

"Oh?"

"Anong sigarilyo sa'yo? Kanina pa ako tanong ng tanong, 'di ka sumasagot. Kanina pa naiinip 'yung tindera, oh!" sabay turo niya sa tinderang nagdadabog habang binubuksan ang bote ng coke.

I squinted my eyes, "Nakakatangina siya ah. 'Yung Warlboro na blue sakin. Bilisan mo at baka sumabog pa ulo ng babaeng 'yan."

Tumango siya at muling humarap sa tinderang halos kasing pula na ng labi niya ang mukha. "Puta, ang landi. Kala mo kagandahan," bulong ko sa sarili ko at ibinalik ang tingin sa smartphone.

"Kanina ka pa tingin ng tingin sa phone mo. Ano ba'ng ginagawa mo?" tanong ng kararating lang na si Beatrice.

"Naghahanap ng papasukang part time job. Kailangan ko ng pera," sagot ko nang hindi inaalis sa phone ang tingin.

"Carol, Warlboro black sakin saka isang Fres," sabi nito kay Carol sabay abot ng pera. Muli niyang ibinaling ang tingin sakin. "Hindi ka ba pinapadalhan ng ate mo?"

Inirapan ko siya, "Two years na akong 'di tumatanggap ng pera galing sa kanya. Nagpapadala siya, oo, pero 'di ko winiwithdraw. Tambak na 'yun sa bank account ko."

"Pero tatanggapin mo kung personal niyang ibibigay sa'yo?"

Sinamaan ko ng tingin si Beatrice,"Gusto mo lang ata magpalibre."

Hindi na siya nakasagot nung lumapit samin si Carol dala ang sigarilyo at coke na nasa plastic. Kinuha ko ang sakin at sinindihan ito.
"Bakit naman ako tatanggap ng maruming pera?" I puffed the smoke and felt the sweet burning sensation curled coolly down my throat. Ibinuga ko ang usok, "Kaya ko namang humanap ng sarili kong mapagkukunan ng pera. Kaya nga ako naghahanap na mga hiring na restaurant o mga grocery store para sa daily expenses ko at sa tuition."

Napaubo silang dalawa dahil sa huli kong sinabi. "T-tuition? E di ka nga halos pumapasok sa mga subjects mo. Para ka lang ding nagsayang ng pera."

"Alam mo, Carol, hayaan mo nalang ako, okay? Pake mo ba kung gusto kong magbayad ng tuition?" Ibinulsa ko ang phone ko at kinuha ang bag. "Alam niyo, tara na. Matatapos na ang klase. Late na tayo for lunch."

Binigyan ko muna ng isang malaking "Fuck you," ang tindera at sinipa ang basurahan nila. Pumara kami ng tricycle at nagtungo sa University. Dumiretso kami sa Business Arcade na katapat lang ng College of Business Administration. Parang food court ang second floor nito habang sa first floor ay convenience store at mga shops.

Pagpasok ng arcade halos lahat ng mga estudyanteng nandoon ay napalingon samin. Particulartly, sakin. Maganda kasi ako. Ako ang pinakamaganda sa buong University, kinahuhumalingan ng lahat ng kalalakihan at kinaiinggitan ng kababaihan. Mula sa mala-aphrodite kong katawan hanggang sa mala-athena kong mukha, walang babae ang magtatangkang kakalaban sakin.

Well, except for....

Tumigil ako sa paglalakad at napangisi.

Emily.

Siya ang isa pang kinababaliwan sa university. Honestly, hindi ko maintindihan kung bakit. She is too plain at halatang taga-uma. Parang manang kung manamit. Ang nilamang lang naman niya ay ang kaputian niya.

Naglakad ako papunta sa isang mesa at kinuha ang baso sa ibabaw nito. Suot pa rin ang malademonyong ngisi, lumapit ako sa kinaroroonan ni Emily at ibinuhos ang laman ng baso sa ulo niya. Agad siyang napatayo dahil sa gulat. She even dropped her things dahilan upang maibaling ng lahat ang atensyon samin. To the rescue naman agad ang mga kaibigan niyang taga-uma din.

Natahimik ang buong cafeteria na para bang nag-umpisa na ang palabas sa sine. That's it. I want you to see how filthy this little goody-two-shoes is.

"Kumusta, Emily?" bati ko.

Dahan-dahan niya akong nilingon. Nung dumapo ang masama niyang tingin sakin, mas lalong lumawak ang ngisi saking mukha.

"Ano na naman ba ang ginawa ko?" paiyak niyang tanong. Halos matawa ako sa itsura niya. Para siyang basang sisiw na gusto akong patulan pero hindi niya magawa dahil maliit siya at higante ang kalaban niya.

I raised a brow, "Oh nothing, really. Naamoy ko lang ang baho mo. I just thought you needed a bath."

Your filth pollutes the air. I gave her a meaningful loo. The look that tells her I know her secrets.

"Tigilan mo ako, Cabrera. Hindi ko gusto ng gulo."

Kinuha niya ang mga libro niya at umalis. Sumunod naman ang mga kaibigan niyang parang first time nakaapak sa kabihasnan.

"Boring," I murmured. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Isa-isa silang nag-iwas ng tingin. Wala man lang bang tawanan? Emily looked funny, why won't they laugh? "Gosh, ang boring niyo."

Inirapan ko sila at naupo sa mesang katabi ng pwesto nina Emily kanina. Maya-maya lang ay bumalik na sa dati ang cafeteria na para bang walang nangyari. Mga bwisit. Mga walang kwento. Walang kaligayahan sa buhay.

"Nalingat lang kami sandali, pinaglalaruan mo na si Emily," sabi ni Beatrice nang makaupo ito sa tapat ko. Sumunod naman sa kanya si Beatrice.

Inilabas ko ang pouch ko at kinuha ang lipstick, "Gusto kong gawing impyerno ang buhay niya habang nandito siya sa university."

"Tell us again kung bakit hate na hate mo yun," Beatrice asked.

"Sa pagkakaalala ko, magkakasama tayo for only two years. So, bakit ko sasabihin sayo? For all I know, baka baliktarin niyo ko," mataray kong sagot.

"Oh, shush! Tignan niyo nalang 'to, dali!" Itinapat ni Carol sa mukha ko ang phone niya.

Sinamaan ko siya ng tingin bago kinuha ang phone niya.

UEP Shoutouts
19 minutes ago

Sh0ut0ut ky Adeline Cabrera ng C0llage of Bsn3ss Admnstrti0n

Mgnda k sna, b0b0 k nGa lng !!!! at msma p anG uGali !!!! B0lli na, naniniGarily0 p !!!! Nxt tym ska k n magmataas kng kya m0 nng is0lve anG simpl3nG accntnG pr0bl3m !!!!!

Inihampas ko ang kamay ko sa mesa habang hindi pa din inaalis ang tingin sa picture ko habang naninigarilyo. Kuha ito kani-kanina dun sa tindahan ng tinderang masungit. Ang ganda ko dito pero...

Shit! Shit! Shit! Shit! Shit!

"Wala akong naintindihan!" sigaw ko at padabog na tumayo. "Sinong puta ang nagsubmit ng jejeng post sa letseng shoutout page ng university sa Faceblock? Putang-ina mo, ayusin mo pagtype! 2018 na, di na uso ang mga jejemon!"

Umalingawngaw sa buong cafeteria ang sigaw ko at muli, natamik sila. Magsasalita pa sana ako nang biglang pumasok sa cafeteria ang isang lalaki. Inilibot nito ang paningin at dumapo ito sa nag-iisang dyosa sa silid, ako.

"Adeline!"

Napaarko ang kilay ko nang lumapit ito sakin.

George Hernandez. Ang aming University Student Council Vice President. Ang hottest of the hot. Ang pinakamatalino, ang pinaka-athletic, at ang pinakamabait. Perfect na sana, boyfriend nga lang siya ng isang taga-gubat.

"Ano na namang ginawa mo kay Emily?" tanong nito nang makalapit sa mesa namin. Suot nito ang tipikal 'hoy-boyfriend-ako-ng-isang-damsel-in-distress' na awra.

Binigyan ko siya ng disappointed na tingin, "So, nagsumbong sayo si Emily. Akala ko pa naman nakipagbreak ka na sa babaeng 'yun at nandito ka para magpropos—"

Napatalon ako nang bigla nitong tinabig ang mga gamit naming nasa ibabaw ng mesa.

"Teka, George, kumalma ka," saway ni Carol pero hindi siya nito pinansin at mas lalo pang lumapit sakin.

"Sumusobra ka na, Adeline. Hindi ko alam kung bakit ang laki ng galit mo sa kanya pero sa oras na may gawin kang masama kay Emily, hindi ako magdadalawang- isip na saktan ka. Kahit na babae ka pa," he threatened before turning his back.

Siguro ito na ang oras para tapusin ko ang larong 'to. It's getting boring anyway.

"Gusto mong malaman kung bakit ko inaapi si Emily?" That caught his attention. "Then, meet me at the back of the gym pagkatapos ng klase. I'll tell you why."

-

"Tara, punta tayo sa UEP chamber," suhestiyon ni Beatrice.

Inirapan ko siya at patuloy pa ring nagscroll saking phone. Tinignan ko ang wallet ko kanina at napansing  five hundred pesos nalang ang laman nito. Sapat nalang para bukas kaya kailangan ko ng makahanap ng trabaho, as soon as possible. Sigarilyo kasi ang dahilan kung bakit ako nauubusan ng pera. Recently lang ako naadik dito dahil kay Carol at Beatrice, mga bad influence. Hate ko ang sigarilyo pero ang sarap sa pakiramdam sa tuwing nasa lalamunan ko na ang usok mula dito.

"Ano bang meron diyan sa UEP chamber na 'yan at gustong-gusto mong pumunta?" tanong ni Carol.

Nakatambay kami ngayon sa classroom at hinihintay ang bakla naming professor na mukhang absent na naman. Hindi pa nagsisialisan ang mga kaklase namin dahil ayon sa rules and regulations ng university, kapag thirty minutes na at wala pa ang professor ay saka lang aalis ang mga estudyante. So, sinayang lang namin ang 30 minutes namin kakahintay sa mga professor na tamad pumasok? Actually, di ko naman sinusunod ang rule na yan. Wala lang talaga akong matambayan ngayon, kaya nananatili ako sa classroom.

"Bukas diba ang 73rd death anniversary ni Ivanna Ramirez?" Tumango kami. "Well, sa university lang naman natin idinisplay ang statue na ginawa para sa kanya," masiglang sagot ni Beatrice.

Kaya pala busy ang utility workers at ang faculty.

Si Ivanna Ramirez ang simbolo ng buong rehiyon namin. Hero ang turing sa kanya ng lahat dahil sa kabila ng pagiging babae ay nagawa niyang labanan ang mga Hapon noong Japanese Occupation. Walang masyadong information tungkol sa kanya, pero alam ng lahat na pinatay siya ng lalaking minahal niya pagkatapos mapalaya ng mga Amerikano ang Pilipinas mula sa mga Hapon.

Natatawa ako sa tuwing naririnig ko ang kwento niya. Sa lahat ng tragic na ending ng mga bayani, sa kanya yung pinakawalang kwenta. Buti sana kung namatay sa pakikipaglaban tulad nila Del Pilar at Bonifacio. E siya pinatay ng jowa? Siguro pangit siya kaya siya pinatay?

"At alam niyo bang parang face reveal ang ganap. Dahil kasabay ng statue ay ilalabas na rin sa wakas ang photograph ni Ivanna mula pa noong 1944." Inilabas ni Beatrice ang phone niya at sandaling nagscroll bago muling nagsalita habang hindi inaalis ang tingin dito. "At bubuksan ang UEP chamber sa buong Pilipinas bukas, November 14, ang araw ng kamatayan ni Ivanna Ramirez. This event will go down in history. At eto pa, bukas ang UEP chamber ngayon para sa students ng university." Kumikinang ang mata na tinignan kami nito, "At swerte tayo kung pupunta tayo ngayon dahil karamihan sa mga estudyante ay mga klase ngayon kaya tayo lang ang tao doon! Buti nalang di tayo sinipot ni bading!"

"As in? Hala, sige punta tayo!" pagsang-ayon ni Carol.

Napa-cringe ako, "Para kayong mga bata. Huwag na, hassle lang yan."

Ngumisi si Beatrice na para bang may naisip na masamang ideya, "Sige ka, Adeline. Kapag naging open na yun sa public, may mas maganda na sayo. Nabalitaan ko pa namang napakaganda ni Ivanna."

I squinted my eyes. Masamang ideya nga ang naisip ni Beatrice. Tumayo ako kinuha ang bag ko. "Tara."

Tuwang-tuwa si Beatrice nung pumayag ako. Hindi ko alam kung bakit ako nagpaloko sa bruhildang 'yun. Masyado na akong nathreaten na baka may umagaw na man sa title ko bilang pinakamagandang babae sa buong sansinukob. At, my gosh, ayokong isang patay na babae lang ang aagaw dun.

Nangunguna si Beatrice at Carol na pumasok Chamber. Dumiretso agad sila kung saan situated ang statue ni Ivanna Ramirez habang ako naman ay nilibot ang tingin sa buong chamber. Malaki ito at may napakataas na ceiling. Sa kisame nakapinta ang istorya kung paano itinatag ang aming university. Mula sa pagiging Farm school nito hanggang sa naging isa na itong university. Sa bawat pillar naman nakapaskil ang malalaking protrait ng founders at mga naging president ng UEP.

Alam kong ang Chamber ay ginawa to honor the presidents and heroes of the university. Pero ito ang unang beses na nakapasok ako dito.

Fact tungkol sakin, sa magagandang bagay lang ako namamangaha, at ngayon manghang-nangha ako sa ganda nito. Ang bawat sulok ng silid ay may nakaukit na istorya. Ang mga pader ay halatang hindi gawa sa semento kundi sa mamahaling bato at di na kailangan ng maintenance. Pwede na ata itong ikumpara sa Taj Mahal.

Nilapitan ko na sina Beatrice at Carol matapos kong ilibot maganda kong mga mata sa magandang lugar na ito.

"Oh, ano na? Mas maganda ba ko?" tanong ko sa kanilang dalawa pero hindi nila ako kinibo at nakangangang nakatitig sa istatwa. "Hoy, ano na?"

"Hindi namin yan masasagot, A-Adeline," nauutal na sagot ni Beatrice.

"A-Adeline," itinaas ni Carol ang kamay at itinuro ang larawang katabi ng istatwa.

Napaatras ako nang makita ko ang sarili sa framed na black and white photo.

"Di namin masasagot yan, kasi... K-kamukha mo si Ivanna."

Hindi ako nakapagsalita at nanatili ang tingin sa larawan ng babaeng kamukhang-kamukha ko. Mula sa bilugang mga mata, sa matangos na ilong, at sa mga labi nito. Maging ang tindig nito ay parehong-pareho sakin. Para bang ako ang nasa larawan at nag-iba lang ng hairstyle at damit.

Napatitig ako sa mata niya. At that moment, parang nawala ang mga tao sa paligid. Ako lang at ang larawang ito ang natira.

Alam kong larawan lang ang nasa harap ko ngayon, pero bakit pakiramdam ko nakatitig ako sa salamin— hindi, parang totoong tao ang nakatitig sakin ngayon.

Bumilis ang tibok ng puso ko. A feeling of familiarity stirred something inside me.

"P-prank ba 'to?" ang siyang tanging lumabas sa bibig ko.

-

FACTS!

-Totoong university ang UEP. Itinatag noong 1917 bilang isang Farm School at ngayo'y nagcecelebrate ng kanyang centennial. Ito ang pinakaunang State University sa Visayas. 
-Walang UEP Chamber. Gawa-gawa ko lang 'yun.

-

Hi. Did you like this chapter? I hope you did. Please don't forget to vote and comment. Thank you.

Continue Reading

You'll Also Like

Sa Taong 1890 By xxienc

Historical Fiction

72.9K 3.3K 70
Siya si Chestinell Del Veriel Cavillian. Mula sa taong 2020. Isang babaeng laging nasa mali-tingin ng kanyang pamilya. Ninais niyang mawala ang paghi...
42.6K 1.1K 33
^ω^ "Teka na-reincernaite ako bilang anak ni D-duke Formentero??As in Duke Formentero dun s-sa paborito kong story sa novela. Papano nangyari yon eh...
18.6K 797 17
Waverly Marlow is a loveable girl who was spoiled by her parents. They will give everything she wants. But one day her perfect life turned upside dow...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...