The Pay Day

By AutumnRaigne

3.6K 193 66

If you will run, you will just die tired. Lahat ng nakasulat dito ay pawang produkto ng aking malikot at mag... More

P R O L O G U E
THE ASSASSIN FAMILY
ZONE 1 - The Day She Came into My Life
ZONE 2 - She Likes Me, She Likes Me Not?
ZONE 3 - 10 Million per HEAD? Take it? or Leave it?
ZONE 5 - The truth about Little Miss Perfect♥ She is a what?
ZONE 6 - Where is she? What she is... What? No!
ZONE 7 - Love is Waiting and Time is Wasting?
ZONE 8 - Take it all away...too little too late?
ZONE 9 - When the 3 different kinds of animals collides! XD
ZONE 10 - Death will hunt you down, you can't run away from the PATTERN?
ZONE 11 - Beware of the Mad Monster?
ZONE 12 - Sweet Nothings

ZONE 4 - Is there any safer place than my mother's womb?

120 12 4
By AutumnRaigne

------------------------------------------------------------------------------------------------

.

Isang tawag ang bumasag sa matinding katahimikan...

.

Sinagot naman ng daddy ni A2 ang nasabing tawag, lumayo siya samen mukhang importanteng tao ang kakausapin niya. Hindi ko man naririnig ang pinag uusapan nila, dama naman ang galet sa tono ng boses niya. Seryoso siya sa pakikipag usap sa kanyang cellphone, pero nakikita ko na nasulyap siya saken. Sulyap na para bang ako ang pinag uusapan nila, pero hindi naman siguro ako yun hindi naman kasi nila ako kilala.

.

Matapos niya makipag usap, tumungo siya muli sa sala at tinawag ang mga anak, sabi niya may mahalagang pag uusapan daw kame.

.

"Maiwan ka muna namen saglit hijo, may mahalaga lang kameng pag uusapan ng mga anak ko. Wag kang mag alala, sobranh saglit lang talaga to." Matapos niyang makapagsalita ay nagtungo na sila sa opisina nito.

.

Ano naman kaya ang pag uusapan nila? Baket kaya siya nasulyap saken? Iniisip niya nga kaya na manliligaw ako ng anak niya? Di naman kaya mommy ni A2 yung kausap niya? Baka dahil tutol ang pamilya niya saken? Wala naman silang dapat na ikaayaw saken ah? Ay! Ano ba naman tong sinasabi ko. Nakakahiya ka naman Gali. -____-

.

Maya maya lang ay may lumapit saken na isang puting puti na malaking aso, hindi ko alam kung ano ang gagawen ko at hindi ako makakilos sa kinauupuan ko. Sa takot ako sa aso eh, bukod sa mga multo ito pa ang isang kinakatakutan ko.

.

Akala ko naman balak niya akong sakmalin, kasi sobrang lumapit siya saken. Pero maya maya lang ay humiga na siya sa may paanan ko habang ako napako na sa sofa. Hindi ko malaman kung ano ang gusto niyang mangyayare, kalabit siya ng kalabit saken. Ano ba ang malay ko sa mga aso? Wala naman kameng ganyan sa bahay. -____-

.

Hindi rin namam nagtagal ay lumabas na silang lahat, hindi man sila nagsasalita kita naman sa mata nila na para bang may mali. Lahat sila nakatingin saken, hindi ko malaman kung baket. Biglang lumapit si A2 saken at hinawakan ako sa kamay.

.

"Gali nasa ibang bansa ba ngayon ang mga magulang mo?" seryosong tanong niya saken.

.

"Paano mo naman nalaman yan? Kilala mo mga magulang ko?" naguguluhang tanong ko.

.

"Wag mo ibalik ang tanong saken, sagutin mo na lang ang tanong ko. Nasa ibang bansa ba sila ngayon? Pwede mo ba silang tawagan? Gusto sila makausap ni daddy."

.

"Baket ba kasi? Ano ba ang kailangan niyo sa mga magulang ko? Sagutin mo muna ang tanong ko bago ko sagutin ang mga tanong mo."

.

"May banta kasi sa buhay mo at sa buong pamilya mo, kailangan sila makausap ng daddy para mabalaan. Ayan pwede mo na ba sagutin ang tanong ko sayo? Asan sila? kung gusto mo pa sila makasama ng matagal sabihin mo samen kung asan sila."

.

"Nasa Paris sila ngayon." maikling sagot ko

.

"Tawagan mo na sila para makausap sila ni Daddy." utos niya na siya rin namang ginawa ko agad. Hirap na hirap akong idial ang no. nila, nanlalambot ako sa mga narinig ko.

.

Nung sinagot na ni mommy ang tawag ko sa kanya, ipinasa ko na agad ito sa daddy ni A2. Hindi ko naintindihan kung ano ang pinag usapan nila, ayaw pa rin kasi mag sink in sa utak ko ang mga sinabi nila. Kilala nila ang mga magulang ko? Paano at Baket? Paano nagkaroon ng banta sa buhay namen? Sino naman ang gagawa samen nun?

.

*A2 POV*

.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni daddy, may banta daw sa buhay ng pamilya ni Gali. Nabunyag na rin ang lahat ng tungkol sa hindi pa operational na mission namen. Ang target pala namen dapat ay ang pamilya nila. Pero ngayon bumaliktad na ang lahat, kaibigan ko si Gali at ang ibig sabihin nun Under Protection namen siya at ang buong pamilya niya.

.

Pinakagat lang pala kame sa offer ng naghire same, pero hindi pala talaga kame ang tatrabaho nun. Ang bhinayaran pala talaga nila samen ay ang hindi namen pakikialam. Bagay na hindi katanggap tanggap, oo binabayaran kame para pumatay pero hindi nababayaran ang pagtahimik namen.

.

Napag alaman din namen na ang mortal na kalaban namen na White Dragon ang gagawa ng trabaho na dapat ay samen. Kung kame sa tingin ng iba ay wala ng PUSO, sila wala na pati konsensya at kaluluwa. Wala silang pinipili na trabaho kahit inosente pinapatay nila. Harapan sila kung pumatay, yung tipong aninag mo ang mga walang kwenta nilang mukha.

.

Dahil sa banta sa pamilya ni Gali, nag offer si daddy na sila kuya Gelo, Rick, Niel, Bry at Ron kasama si daddy ang pupunta sa Paris para mabantayan ang magulang niya. Hindi kakayanin ng simpleng body guards lang ang mga White Dragon, gaya namen espesyal rin ang naging training nila.

.

Si kuya Ron, Yhan, Drew at ako, kameng apat na natitira ang siyang magbabantay ka Gali. Dadalhin na muna namen siya sa Russia, doon sa lugar na may kakampi kame. Ang Black Sharks na nirerespeto ang grupo namen ang siyang tatakbuhan namen. Hindi kame dapat magpatumpik tumpik, ano mang oras pwede sila umatake.

.

"Gali tara na sa garahe kailangan na naten makaalis dito......" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil may nag paulan na ng bala sa mismong bahay namen.

.

Takbo! Bilisan mo baka matamaan tayo! Mallows follow us! sigay ko sa alaga kong wolf.

.

Hila hila ko siya hanggang sa makaratingbkame sa underground garage namen, ginawa ito para hindi madamage ang mga sasakyan namen kung sakali man na may umatake samen. Maswerte kame at walang nasaktan samen, nakaalis kame sa bahay ng hindi namamalayan ng kalaban namen.

.

Nagtungo kame sa airport, nandun na ang dalawang private jet namen. Kaladkad ko parin ang tulalang si Gali. Hindi ko alam kung nabingi na ba siya sa putukan ng baril kanina o natrauma sa mga pangyayare. Mukhang wala na kameng uuwian na bahay dito sa pilipina. -___-

.

"Gali ok ka lang ba? May masakit ba sayo? Natamaan ka ba ng bala?" inaalog alog ko siya kasi ayaw niya kumibo. Pero nung natauhan siya bigla niya akong niyakap at umiyak.

.

"A2 o-ok lang b-ba sila mommy? Ta-takot na takot ako, wag mo akong i-iiwan. Ba-baket nangyayare to? Si-sino ba ang tao na may malaking galet samen para ipapatay ka-kame ng buong pamilya ko?" *Sniff* humagulgol siya sa balikat ko na parang bata na takot na takot.

.

"Hindi ko alam ang sagot sa mga tanong mo Gali, wag kang mag alala gagawen namen ang lahat para maprotektahan kayo ng pamilya mo. Tumahan ka na, walang maitutulong ang pag iyak mo. Hindi kita iiwan wag kang mangamba."

.

Hinayaan ko na lang siya na iiyak ang lahat para maikalma niya ang sarili niya, di rin naman nagtagal nakatulog na siya. Iniayos ko siya para makahiga ng ayos at makapagpahinga. Masyadong traumatic ang mga pangyayare na nasaksihan niya kanina, kailangan namen ipaunawa sa kanya ang lahat ng yun pag gising niya.

.

Tinabihan siya ni Mallows sa pagtulog, kailangan niya ng kasangga na gaya ni mallows ngayo. Ramdam ng aso ang takot na nararamdaman ng isang tao, kaya naman ginagawa nila ang lahat para macomfort ito. Inayos ko na lamang ang mga baril ko, ilan lang ang nahablot ko kanina sa sobrang pagmamadali.

.

*THIRD PERSON'S POV*

.

"Ano asan na ang mga hayop na Alvez na yan?!" sigaw nito sa isa niyang tauhan.

.

"Mukhang natakasan po nila tayo boss, nalibot na namen ang lahat ng sulok ng bahay na to pero kahit anino po nila wala kameng nakita."

.

"Ay! P*ta hindi ako makapaniwala na nanghimasok sila sa trabaho naten! Hanapin niyo sila hindi nila tayo pwede matakasan!" galet na galet na sigaw nito sa mga tauhan niya!

.

Nagring ang cellphone niya, lalong tumindi ang galet niya matapos makipag usap sa tumawag sa kanya.

.

"Wag niyo na sila hanapin sa pesteng bahay na to! talagang wala kahit anino nila dito dahil nakaalis na sila! Ipahanda mo ang jet naten susundan naten sila sa Russia!"

.

Humanda kayong mga Alvez, kayo ang nagpasok sa sarili niyo sa gulong ito. Nanghimasok kayo sa hindi niyo naman laban, puwes magdudusa kayo! Uubusin ko kayong mga pakealamero sa trabaho ng grupo ko!

.

------------------------------------------------------------------------------------------------

.

Ok nga lang kaya ang mga magulang ni Gali? Maging ligtas kaya ang flight nila papunta sa Russia? Matanggap niya kaya ang katotohan tungkol sa pagkatao ni A2?

.

Continue Reading