The Badass Babysitter Vol.2 ✓

By Nayakhicoshi

1.1M 51.6K 38.2K

[Highest Rank Achieved #15 in Humor as of October 8 2018; #24 in adventure, #3 in Babysitter] Volume 2 of The... More

Volume 2
Chapter One: Date
Chapter 2: Party
Chapter 3: Tinola
Chapter 4: Endearment
Chapter 5: Haup Beast
Chapter 6: Night Hug
Chapter 7: Jealous
Chapter 8: Nanang & Tatang
Chapter 9: Kiss me
Chapter 11: Landlord
Chapter 12: Kapitan
Chapter 13: Serpens
Chapter 14: Her Throne
Chapter 15: Cloud 9
Chapter 16: Protection
Chapter 17: Bitch
Chapter 18: Costume Party
Chapter 19: How are you?
Chapter 20: Wish granted
Chapter 21: Bruises
Chapter 22: Forgive and Forget
Chapter 23: Wounded
Chapter 24: Apple for a day
Chapter 25: Favor
Chapter 26: Holdapers
Chapter 27: Farewell
Chapter 28: Luggage
Chapter 29: Housemate
Chapter 30: Junakis the sixth
Chapter 31: Baby Tiger
Not an update!
Chapter 32: Ella es la muerte
Chapter 33: The little compass
Chapter 34: Cuddles and I love you
Not an Update
Chapter 35: Alien
Chapter 36: Old Friend
Chapter 37: Back to School
Chapter 38: Colours
Chapter 39: Ruin
Chapter 40: Embrace
Chapter 41: Officer
Chapter 42: Hemisphere
Chapter 43: Princess Tatiana Quvenzane Schleswig of Greece and Denmark
Chapter 44: Heat
Chapter 45: Dagger
Chapter 46: Quarantine
Chapter 47: Grounded
Chapter 48: Reunion
Chapter 49: Isaiah's Birthday
Chapter 50: Sneak peak
Chapter 51: Home run
Chapter 52: Family Dinner
Chapter 53: Lose
Chapter 54: Moving on
Chapter 55: Explode
Chapter 56: Back to the old times
Chapter 57: War zone (part 1)
Chapter 57: War zone (Part 2)
Chapter 58: Final plan
Chapter 59: Welcome-Goodbye
Chapter 60: Genesis
VOLUME 3
Book 3 is out!

Chapter 10: Meet

19.4K 875 1K
By Nayakhicoshi

I just want to say I'm sorry for the late update. I was so busy yesterday, pasensya na po. Salamat sa pagbabasa at mga good feedbacks niyo, hindi ko po kayo magawang i-reply isa-isa para pasalamatan pero gusto kong malaman niyo na pinapasaya niyo ako 😊 Love lots and don't forget to smile 😊😊😊😊❤❤❤❤❤

-Naya

CHAPTER TEN

SOUTHERN's POV

Kinuyom ko ang kamao ko kasabay ng pagtiim bagang ko at pagkulo ng dugo. I glared at him but he only grin like a fvcking idiot.

"Kiss me, Milagro. Sa harap mismo ng boyfriend mo. Can you do that?"

Atarah and Rucc chuckled. Mukhang nag-e-enjoy sila na nasasaksihan. Ngising-ngisi rin si Vape, samantalang nagpupunos naman ako sa inis ngayon.

"Tangina mo, Vape" mariin kong mura sakanya.

Tumawa ito ng malakas. He almost fell on his seat as he laugh with his hands on his stomach. Napatiim bagang ulit ako. Naiiling lang ang dalawa.

"Hahahaha damn! Your face! Ang epic! Hahaha!" Nawala ang mga mata nito sa sobrang pagtawa. Halos maiyak narin ito sa tuwa. "Do you really think I'm serious?"

Tangina. Tangina talaga.

Sa bwisit ko rito ay malakas ko siyang sinapak sa mukha. Gumilid ang mukha nito. He held his jaw and clenched it.

Edi tumigil din siya sa pagtawa.

"Naku, hindi maganda 'to" Rucc commented with a smirk on his face.

Nanatili ang tingin ko kay Vape na ini-stretch ang panga. Gusto ko pa siyang sapakin hanggang sa masira ang mukha niya pero nagpipigil lang ako. Nangigigil ako at sobra-sobra ang bwisit na nararamdaman ko ngayon.

"Gago ka alam mo 'yon? Isa pang biro mo ng ganyan, martilyo na ang isasapak ko sa'yo" I said through gritted teeth.

Ngumisi siya. "Do you really think I'll let you kiss me? Iniisip ko palang kinikilabutan na ako" aniya at ngumiwi.

"Kinikilabutan din ako, Vape."

"Wow! Nandidiri kayong maghalikan? Paano kapag kayo talaga ang magkatuluyan?" singit ni Atarah.

Sabay kaming napaungot at napangiwi ni Vape.

"Not gonna happen" we said in unison.

"Why not? Matutuwa si Tito Otto at Tito Gideon kapag nangyari 'yon. They ship you two, remember?" Rucc cocks an eyebrow at us.

Napailing ako. Ship my ass.

"We don't love each other" sabi ni Vape at sumipsip sa vape niya bago nagpakawala ng makapal na usok. Tinapat niya ito muli sa akin kaya napaubo ako.

I glare at him. "Stop it, asshole!"

"I'm seriously mad at you, South Benedicto. Do something about it" aniya at walang emotion akong tinitigan.

I bit my lower lip. "Dammit, Vape! Ano ba ang kailangan kong gawin para lang hindi muli ako mabangungot dahil sa galit mo?" I frustratedly comb my hair using my fingers.

"Napapanaginipan mo parin ba na nasa loob ka ng Bangus? And what? Hinahabol ka pa ng mga Fried chicken at hot dogs!" That's really ridiculous!" Atarah laughed. I glared at her.

"It's not funny, Atarah. It's my worst nightmare."

I'm telling you, hindi niyo magugustuhan ang panaginip na 'yon. It's a damn traumatic experience for me. Being chased by a friend chicken and hot dogs inside the milkfish stomach is really frightening. Lalo na kapag tumatawa pa ng mala demonyo ang mga pagkain, damn, nakakatakot. Ito nga rin ang naging rason kung bakit hindi na ako masyadong kumakain ng fried chicken at hot dog. Naaalala ko lang ang kagimbal-gimbal kong panaginip.

"Do you really want me to forgive you?" tanong ni Vape. I desperately nod my head.

"Huwag ka ng sumama sa Sigma bukas," seryosong aniya.

Natigilan ako kasabay ng pagkunot ng noo ko. He can't be serious.

"You know that I have to be there, Vape."

He sighed.

"We just found out na may magaganap na Ranking Battle kapag kompletong dadalo ang mga nasa rankings. Delikado ang event bukas, Milagro. Ikaw ang target ng mga nasa ibaba. They want your position and you know that they will do everything just to drag you down. At hindi ako makakapayag na may mangyaring masama sa'yo, Milagro" seryoso nitong aniya.

"Hindi ako natatakot. Pupunta ako at haharapin sila" matigas kong sabi.

Umiling ito. "No, you can't."

Tinitigan ko ito ng matiim. "Vape, this is not something you can control. Pupunta ako sa Sigma bukas. Kung ano man ang naghihintay sa akin doon, paghahandaan ko ito. Alam mong hindi ako pumupunta doon ng walang dalang armas" I said, emphasizing every words.

Napatiim bagang ito at tumayo mula sa pagkakaupo. Hinarap niya ako ng may seryosong mukha.

"South, delikado! Paano kung patayin ka nila doon? Kahit anong klaseng armas pa ang dalhin mo, hindi mo sila malalabanan! Alam mo ang kaya nilang gawin!"

"Don't underestimate me, Vape. At alam mo rin ang kaya kong gawin" malamig kong sabi.

Tumingala ito na parang nauubusan na ng pasensya. Ilang beses siyang nagpakawala ng malalim na hininga bago muli bumaling sa akin.

"Don't go, South. Just this one, listen to me." He almost beg. I could clearly see his frustration and worries. Minsan lang ganito si Vape. Kapag alam niyang delikado ang lakad namin, he will do everything to stop me. Kahit ipakita pa niya ang pagiging mahina at desperado niya, he won't mind it. At kapag ganito siya, bumibigay ako kaagad.

Mariin kong pinikit ang mga mata ko at bumuntong hininga. Damn! I hate him for this!

"Fine. Hindi na ako pupunta. Bati na tayo?"

He stare at me for a while until he show me his jovial smile. Nakahinga ito ng maluwag at parang nabunutan ng tinik.

"Of course. You know I'm just using the situation to stop you from going there" pag-amin niya. Ngising aso ang hayop.

Napatiim bagang ako at akmang sasapakin siya muli ng iharang niya sa mukha ang dalawang braso.

"Ugh! Not my face again!" he said while shielding his face.

"Tarantado ka alam mo 'yon? Papatayin talaga kitang walangya ka!" I attacked him by hitting his arms.

Tudo iwas ito sa akin. "Stop! Hahaha! You can't kill me! Mas mahal mo pa ako kesa sa Boyfriend mo, eh!" he said while laughing.

Napangisi ako. "Talaga? O sige, tanggapin mo ang pagmamahal ko" I teased and hit him hard in the arm. Hindi pa ako nakuntento at hinila ko pa ang tenga niya at tiniris iyon.

He screamed in pain. And I'm telling you, para itong babae kong tumili. Matinis at nakakairita.

"AAAAAHHH! STOP!"

I didn't stop. I keep on pulling his ear until he cried in pain.

"I hate you!" sigaw nito matapos kong bitawan ang tenga niya. Namumula iyon, ganoon din ang ilong niya, tanda na naiiyak na ito.

I smirked. Kung meron mang nakakapagpahina at nakakapagpaiyak kay Vape, iyon ay ang tenga niya. It's his soft spot that can easily make him cry. Katulad ngayon. Sumisinghot ito at masama ang tingin sa akin habang sapo-sapo ang tenga.

"You murdered my ear! I hate you!" pumiyok ang boses nito. Nagbabadya ring pumatak ang mga luha niya.

Humalukipkip ako. "Iyan ang mapapala mo kapag niloko mo ako" I said.

Sumimangot ito at naiiyak na lumapit kay Atarah para magsumbong.

"She hurt me, Atarah! Hurt her too!"

Napairap ako. Seriously, Vape?

"Owww, kawawa naman ang Baby Vape ko," Niyakap ni Atarah si Vape at hinaplos-haplos ang likod nito. Mukha silang magnanay na walang makain. "Pero hindi ko siya kayang saktan."

"Why? She hurt me!"

"Siya ang tunay kong anak, Vape. At ikaw, ampon ka lang."

"What?"

Humiwalay si Vape sakanya at hindi makapaniwalang napailing. Napatakip pa ito sa bibig niya.

"Tama ang iyong Ina, Vape. Napulot ka lang namin sa tae ng kalabaw" sabi ni Rucc at inakbayan si Atarah.

Kunwaring napaiyak si Atarah at niyakap si Rucc. Kunwaring pinatahan naman niya ito. Samantalang parang tangang nakatulala lang si Vape.

"Tell me, this is just a lie.."

Naiiyak na umiling ang dalawa.

"Tama na 'yan!"

Sabay-sabay kaming bumaling sa nagsalita at nakita si Coby na paparating.

"Cobylyn.."

Cobylyn? What the heck?

"Yaya? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Vape dito.

"Ako ang tunay mong Ina, Vape."

-_____-

"I-ikaw? Pero tagakiskis ka lang ng kubeta sa Mansyon!"

"Nagtrabaho ako sa Mansyon para makita at makasama ka. Alam kong malaking pagkakamali na iwan kita sa tae ng kalabaw pero kailangan, may sakit akong ulcer at kailangan kong magpagaling muna. Patawarin mo ako, anak!" Kunwaring naiyak din si Coby at niyakap si Vape.

"Huhuhu! Inay!"

Isa lang masasabi ko. Tangina.

Akala ko ang mga Crane na ang Abnormal pero isa pa pala ang mga 'to. Akala ko matino sila pero may mga saltik din pala. And Vape? Damn, Abnormal din pala ang hapon na 'to.

Mga bwisit.

"South, Anak! Yakapin mo kami ng iyong Ama!" sabi ni Atarah at binuka pa ang mga braso para sa yakap.

"Eto kayo," I said ang show them my middle finger. "Lumayas na kayo sa pamamahay ko. Masyado ng maraming abnormal sa buhay ko kaya 'wag na kayong dumadag."

Tinalikuran ko na sila at maglalakad na sana papasok sa loob ng bahay ng magsalita si Vape.

"By the way, Milagro," Nilingon ko ito. "Walang forever." He smirked and I only showed him my middle finger.

Napangiwi ito at hindi ko na sila pinansin. Pumasok ako sa loob ng bahay at naabutan ang mga Crane sa sala. Nakanguso ang apat samantalang ang sama naman ng tingin ni Genesis sa akin.

"You really followed that guy, ha?" mariing aniya. Nakasandal ito sa pader at nakahakukipkip habang masama ang tingin.

Bumuntong hininga ako. "Galit siya at kailangan kong humingi ng tawad kaagad."

"Tss. Ganoon ba ka-big deal ang galit niya sa'yo para sundan mo pa siya sa labas?" He retorted.

"Genesis----"

"Is he important to you?" Putol niya sa sinasabi ko.

Napatitig ako sakanya. Kita ko ang pagka-irita at selos sa mga mata niya. Hays, heto na naman siya.

"Kaibigan ko si Vape. At mahalaga sa akin ang mga kaibigan ko" I said firmly.

Nakipaglabanan ako sa titig niya hanggang sa ito rin ang unang bumawi. He sighed and walk towards me. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Nang makalapit na siya sa akin ay kaagad akong napapikit ng marahan niya akong halikan sa noo.

"Okay, I understand and I'm sorry," mahinang aniya kaya dahan-dahan akong napangiti. I really like it when he apologized. Ibang iba sa dating Genesis na nakilala ko na hindi marunong magpakumbaba. "Kumain ka na?" tanong niya kaya napailing ako.

Ngayong tinanong niya ito ay biglang kumulo ang tiyan ko. I'm hungry.

"Tinabi ko 'yong pagkain natin. Let's eat."

Napatingala ako rito. "Hindi ka pa kumakain?"

Umiling siya. "Hinintay kita. Sabi nila mas masarap daw kumain kapag kasama mo ang taong mahal mo. And I don't want to eat without you either" he said and he show me his Genesis-killer-smile.

Damn this man.

"Okay. Ano bang ulam natin?" tanong ko. Medyo tulala parin ako habang nakatitig sakanya. Bakit parang mas lalo siyang guma-gwapo sa paningin ko?

Bigla itong sumimangot na siyang pinagtaka ko.

"Fvcking Fish Fillet de El Niño."

Tangina nga. Tuyo na nga sa umaga, Tuyo din sa gabi.

                                        _

Hinanda ko na ang mga gamit ko pagkagising ko ng umaga. Alas sais palang pero handa na akong pumasok sa school. Lumabas ako ng banyo at napatingin sa taong natutulog sa kama ko. Si Isaiah. Nakaugalian na talaga nitong matulog sa kwarto ko kapag marami siyang kwento. Kagabi, kinuwento nito sa akin lahat ng mga ginawa nila ni Vape. Kung gaano siya kasaya at maging ang alitan nila ng alaga niyang Sisiw.

Napailing na lang ako ng maalala iyon. Nagdrama pa ito dahil lang doon. Abnormal talaga.

Sinuot ko na ang bagpack ko sa likod at tinitigan saglit si Isaiah bago nagpasyang lumabas ng kwarto. Bumababa ako ng hagdan at nanibago ako sa katahimikan ng buong bahay. Obviously, tulog pa ang mga Crane. Mamayang alas syete pa sila gigising at alas otso naman ang pasok namin.

Walang ingay akong lumabas ng bahay at dumiretso sa motor ko. Pansin ko na medyo madumi na ito. Maalikabok at putik-putik ang gulong. Mukhang kailangan ko ng ipalinis ito.

"Good morning, Sakuragi..." I patted its seat cushion. Napaubo ako sa alikabok na lumabas dito. "Ang baho mo na. Kailangan mo ng maligo" sabi ko na parang kausap lang ang isang bata.

Kinuha ko ang susi sa bulsa ko at sumakay na sa motor ko. Pinaandar ko ito at ilang sandali lang ay humaharurot na ako sa kalye. Nakalimutan kong dalhin ang helmet ko kaya naman nanliliparan ang medyo mahaba kong buhok sa likod. Napamura na lang ako sa isipan. Limang minuto akong nagsuklay para umayos ang buhok ko tapos heto ngayon. Tanga ko talaga.

Nang marating ko ang intersection ay kaagad akong kumaliwa, kasalungat ng daang tinatahak ko papuntang paaralan. Nakarinig ako ng pagsipol mula sa isang kasabayan kong sasakyan. Mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang isang lalaking nagmamaneho. Nakababa ang salamin ng sasakyan nito at nakangisi sa akin.

Tss, ang aga-aga may gago.

Binilisan ko na lang ang takbo ko at nang makita ko na ang pangalawang kanto sa kanan ay kaagad akong pumasok doon. Hindi nagtagal ay kaagad akong tumigil sa isang condo unit. I parked my motorcycle in the parking area, sa tabi mismo ng isang McLaren P1 GTR.

Damn, it's my dream sports car. Wala na ito sa market ngayon dahil sold out na. 35 lang ang ginawang sasakyan na ganyan at napaka swerte ng mga nakabili nito. Hanggang ngayon ay kinaiingitan ko parin ang nagma-may-ari ng isang 'to dito. Psh, balang araw magkakaroon din ako ng ganyan.

Bumaba ako sa motor ko at kaagad akong napangiwi ng maramdaman ang panlalagkit ng mukha ko. Ayoko naring alamin kung anong nangyari sa buhok ko dahil paniguradong mas malala pa ito sa pugad ng ibon.

Pumasok ako sa loob ng unit at kaagad tinahak ang elevator at lumabas pagkarating ko sa tamang palapag. Huminto ako sa isang pinto. Hinawakan ko ang door knob at tinapat ang hinlalaki sa mismong butas na suksukan ng susi. Ilang sandali lang ay may kulay pulang ilaw ang lumabas dito, scanning for my fingerprint. I heard a 'click' sound and I smirked. Pinihit ko na ang doorknob at pumasok sa loob.

Ang unit na 'to ang pinaka protektado sa lahat. May fingerprint scanner ang pinto at iilan lang kaming pwedeng pumasok sa loob. Kapag wala ang fingerprint mo sa system nito at pinilit mong buksan ang pinto, may lalabas na shurikens at patatamaan ka. And believe me, may namatay na sa pagtatangka nitong pumasok sa loob.

Kaagad akong gininaw pagpasok ko sa loob. I already expected it. Akala mo nasa North Pole ka dahil sa kalamigan.

I glance at the whole area. White walls with Sakura leaves painted on it. Katana, Jian, Kodachi and Shamshir displayed on the wall. May mga pamaypay din at ilang kagamitang nauuso sa Japan ang naka-display sa palagid. But what caught my attention is the Sakura Tree. Take note; totoong puno. Kung papaano ito nabuhay sa loob ng isang condo unit? Iyan ang hindi ko alam.

"I told you not to come here."

I immediately turn to my right and there, I saw him, half naked. His disheveled black hair came down to his brows, his chest ripped with muscles and his biceps flexes when he drank his milk. Para itong isang Japanese God na napapanganga ang mga tao sa tindig pa lang niya. Vape is undeniably handsome. Kung meron man sigurong Japanese na kapatid ang mga Crane, si Vape iyon. Pasadong pasado siya para maging isang Crane.

Gwapo. May Abs. Matalino pero may saltik.

"Hindi ka ba nalalamigan?" Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Mas concern ako sa temperatura at katawan niya. He's topless for pete's sake!

Pinatong nito ang baso ng gatas sa lamesa. "Ang init nga eh."

Mainit? Gago ba 'to? Nanginginig na nga ako sa lamig eh! Napailing na lang ako at naglakad papalapit sakanya. Pakiramdam mo talaga ay nasa Japan ka dahil sa ambiance ng lugar. Lahat ng mga kagamitan ay galing Japan din. Halatang halata na Japanese may ari nito.

"So what brought you here? Sa ganitong kaaga?" tanong niya at nagbukas ng refrigerator. May kinuha itong Japanese sterilize milk at inabot sa akin.

Tinanggap ko iyon at lihim na napangiti. Kinapa ko ang bulsa ko at nilabas ang natatanging kayaman ko. Nilapag ko ito sa lamesa kaya napatingin siya dito.

"10 pesos?" Nangunot ang noo niya. "Para saan 'yan?" tanong niya.

"Bayad ko 'yan. Nasa baba si Sakuragi. Kailangan niya ng bagong ligo" I said and drank my sterilize milk. Napangiwi ako sa asim. Damn, gatas ba 'to?

Sumimangot ito. "10 pesos lang? Tell me, Milagro, saan makakarating ang 10 pesos mo?"

I smirk. "Makakarating ito sa kahit saan ko gusto."

Mas lalo niya itong kinasimangot. "You and your fvcking laws."

I tried to make a toss with him but he only glared at me. Nakangiting uminom na lang ako ng gatas. Hindi niya ako matatanggihan.

"Dagdagan mo ng 5 pesos. Kulang 'yan" aniya.

This time, ako naman ang sumimangot. "Wala na akong pera, Vape! Iyan na lang ang natitira. Dapat nga ay 5 pesos lang ang ibabayad ko pero alam kong mahal ang serbisyo mo."

Actually, 20 pesos ang pera ko kagabi pero binigay ko na kay Isaiah 'yong 5 pesos, baon niya 'yon ngayon at 'yong 5 na natira naman ay tinabi ko para baon niya ulit bukas.

"Buti alam mo. Ngayon, dagdagan mo 'yan. Kahit dalawang piso lang" pilit niya.

"Wala akong maidadagdag."

"No! Dagdagan mo 'yan. Hindi ako makukuntento sa 10 pesos lang!"

"Wala na nga akong pera!"

"Do something!"

Huminga ako ng malalim. Damn, alam kong hindi talaga siya magpapatalo kaya kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Atarah. Tatlong ring ng sagutin na niya ito.

"Tangina mo, istorbo ka sa tulog ko. Anong kailangan mo?" tanong niya. Mukhang kakagising lang nito.

"Pautang ng dalawang piso" I said.

"Wait..." Nakarinig ako ng kaluskos sa kabila. "Damn, tatlong piso na lang ang pera ko! Pambili ko pa 'to ng yosi. Letche kasi, nagmahal na ang yosi! Apat na piso na ang isang stick!" reklamo nito. "South?"

"Hmm?"

"Pautang ako ng isang piso."

"Tangina mo" I said and hang up the call. Ako nga itong nangungutang eh. Sunod kong tinawagan si Rucc. Kaagad niya itong sinagot.

"Good morning, Master! Anong kailangan mo?" tanong niya.

"Pautang."

"Sige! Magkano ba?"

Napangiti ako. That's Rucc, maasahan talaga.

"Dalawang piso."

"Okay, wait..." Nakarinig din ako ng kaluskos at ilang sandali lang ay, "Naku! Pasensya na Master! Nangutang pala si Coby sa akin kagabi ng tatlong piso! 50 cents na lang ang natira!"

>______<

"Wala kang kwenta." I hang up the call too.

Si Coby na lang ang pag-asa ko kaya siya ang sunod kong tinawagan. Kaagad din siyang sumagot.

"Hello, Master? Mabuti napatawag ka! Mangungutang sana ako---"

Pinatay ko kaagad ang tawag. Damn!

Problemado akong napasuklay sa buhok ko pero kaagad din akong napangiwi ng hindi ko masuklay ito. Nanigas na at kumunat na ang buhok ko. Nahirapan pa akong tanggalin ang mga daliri ko.

"Oh, ano? May maidadagdag ka na?" tanong ni Vape. Ngumuso ako at umiling.

"Wala.."

"Tss. Basta, dagdagan mo 'yan. Itatapon ko ang motor mo kapag hindi."

Damn.

"Wala na akong pera.."

"You're a President's daughter. How come na wala kang pera kahit isang piso?" tinaasan niya ako ng kilay.

Tinaasan ko rin ito ng kilay. Hindi ako magpapatalo.

"Baka alam mo ang dahilan?" sarkastikong tugon ko.

Marami akong pera kung isasama natin sa usapan ang pagiging anak ako ng Pangulo. Milyon pa nga eh. Pwedeng pwede akong mahiga at maligo sa salapi kung gugustuhin ko. I can be fvcking rich if I want to, but I can't. I really can't. Pinangako ko sa sarili ko na hinding hindi ko gagalawin ang pera niya. Pera niya iyon, hindi akin. Wala akong pakialam kung mamatay ako sa gutom at maging mahirap pa kesa sa daga basta hinding hindi ko gagamitin ang kanya. I won't give him the satisfaction seeing me needing him or his money. Mamatay na muna ako bago ako hihingi ng tulong sakanya.

Pride na kung matatawag ito pero wala akong pakialam. Pride na lang ang natitira sa pagkatao ko at hinding hindi ko iyon ibababa para sakanya.

"Tss. Wala ka bang ipon?" tanong ni Vape.

I'm raising myself with my own money. And because I don't have a work, wala akong pera. May ipon ako pero hindi ko iyon pwedeng gamitin. I'm saving it for emergency purposes. And I'm saving it for Isaiah's birthday party. Kulang pa nga ito kung tutuusin pero bahala na. Gagawa na lang ako ng paraan. Basta kailangan kong matupad ang pangarap niyang magkaroon ng children's party. Kahit iyon man lang ang maibigay ko sakanya.

"Wala" I lied. Tumingin ako rito at ngumuso. "Pautangin mo na lang ako ng dalawang piso, Vape."

Sa mga kaibigan ko, hindi uso sa akin ang Pride. Ganoon din sila. And believe me, they're raising themselves with their own money too. Lahat kami ay independent sa mga magulang namin. Isang kahihiyan na sa grupo kapag nanghingi kami ng tulong sa pamilya. Papanindigan namin ang buhay na pinili namin.

And this is who we are. And we don't give shit what other people say about us. Buhay namin 'to, pakialam nila?

Humalukipkip ito. "Kailan mo babayaran?"

"Kapag nagkapera na ako."

"Kailan naman mangyayari 'yon?"

Kailan nga ba? Tss, mukhang kailangan ko pang magpart-time para mabayaran ko ang dalawang piso sakanya.

"Basta, malapit na" sabi ko.

"Tss, O sige papautangan kita pero dalawang piso lang, ha? Limang piso na lang kasi ang pera ko" aniya kaya napangiti at napatango ako.

Umalis siya saglit at pumasok sa kwarto niya, pagbalik nito ay nilapag niya sa lamesa ang dalawang piso.

"Ayan, bayaran mo 'yan!" mariing aniya.

"Oo, psh! O eto na, 12 pesos na bayad sa pagpapaligo mo sa motor ko" sabi ko at binigay sakanya ang 10 pesos at ang dalawang piso na inutang ko sakanya.

Kaagad niya itong kinuha at binulsa. Bigla akong nanghinayang sa pera. Damn, para sa isang kapos-palas na katulad ko, malaking halaga na iyon sa akin. Kung hindi lang dahil kay Sakuragi, hindi ko iyon gagastusin.

Hays, hayaan na nga. Ganyan talaga ang pera, dumadaan lang sa palad.

"Kumain ka na?" tanong niya makalipas ng ilang sandali.

Umiling ako. "Maaga akong umalis sa bahay."

Muli nitong binuksan ang refrigerator niya at naghalungkat. "What do you want for breakfast then?"

Napangiti ako. I suddenly crave for a Japanese food.

"Chāhan and Tonkatsu, please?"

"Sure, love." Ngumiti siya.

Umirap ako. Ayan na naman siya sa nakakairitang tawag niya sa akin kapag sinapian siya ng pagiging maalaga niya. Pinabayaan ko na lang ito at pinanood siyang epertong nagluto ng pagkain.

I wish I can cook like him. Magpaturo kaya ako? Hmm, magandang ideya 'yon, nang sa ganoon naman ay makakain ng tama ang mga Crane. Alam kong sawang-sawa narin sila sa palaging ulam namin sa bahay na Tuyo. Gusto kong maiba naman.

Humalumbaba ako sa lamesa at pinanood si Vape na magluto. Nakatalikod ito sa akin kaya naman kitang-kita ko ang maputi nitong likod. His muscles at the back flexes everytime he moves. Ayoko ng idetalye ang itsura nito, baka maglaway pa ako.

"How's Otousan?" tanong ko bigla. Otousan is a Japanese term of Father. At ito ang tawag ko sa Ama niya.

Saglit ako nitong nilingon bago binalik kaagad ang tingin sa niluluto.

"He's doing good. I'm planning to go in Japan next month to visit him, and also to check our business" sagot niya.

Tumango ako kahit hindi niya nakikita.

"Sabi ni Daddy, nasa Japan daw si Mommy." Pansin ko na natigilan siya. Malungkot akong ngumiti saka nagpatuloy. "I'm actually planning to go there to see her, but guess what? Nandito pala siya sa Pilipinas."

That caught his attention. Lumingon siya sa akin at nangunot ng noo.

"She's here? Are you sure?"

Tumango ako. "Kahapon, sinundo namin sina Nanang at Tatang sa airport, then sabi ni Nanang nakasabay daw niya ito sa plane. Nakausap din niya ito. At alam mo kung ano ang sabi niya?" I bit my lower lip to stop myself from getting emotional. "Sinusubaybayan niya kami mula sa malayo. That she's afraid to face us. Hindi ko maintindihan, Vape, eh. Bakit siya natatakot? Hindi ba niya alam na miss na miss na namin siya? All this time, nandito lang pala siya sa bansa pero hindi man lang niya kami magawang harapin. I don't really understand it. Hindi ko alam kung ano ang kinakatakutan niya eh mga anak naman niya kami." Paglalabas ko ng sama ng loob.

I've been holding this feeling since yesterday. Mula ng malaman ko ito ay parang may bumara na sa dibdib ko at pakiramdam ko ikakasabog ko ito kapag hindi ko nilabas. I'm so affected.

"I'm sure there's a reason behind it, Milagro. Wala namang magulang ang hindi gustong makita ang mga anak" sabi ni Vape at ngumiti sa akin.

Umismid ako. "Reason? Ano naman ang rason niya?"

He shrugged his shoulders. "Malay natin. You know, South, mahal na mahal kayo ni Tita Annunciata. Maybe, she's just waiting for the right time para harapin kayo."

"This is the right time, Vape."

Nangunot ang noo niya. "What do you mean?"

Umayos ako ng upo at seryoso siyang tinignan.

"I'm going to see her. Pupuntahan ko siya" determinado kong sabi.

Nakapag desisyon na ako. Pupuntahan ko siya at wala akong pakialam sa rason niya kung bakit ayaw niya kaming harapin. Anak niya ako kaya may karapatan akong makita siya. Fvck everything.

"Alam mo ba kung nasaan siya?"

Tumango ako. Thanks to my Dad, note the sarcasm.

"Sasamahan kita."

Umiling ako. "Hindi na. Kaya ko itong mag-isa."

"Are you sure?" Tumango ako. Mukhang hindi ito kumbinsido pero bumuntong hininga na lang siya. "Okay, but let me know kung may hindi magandang mangyari. I'll be there immediately."

I nodded again. Vape is really the type of guy na maasahan mo sa kahit na anong oras. I'm so glad he's my best friend.

"Nagugutom na ako" I stated after awhile.

He chuckled and put the foods in front of me. Ginulo pa niya ang buhok ko kaya tinignan ko siya ng masama.

"Vape!"

"Ano ba 'yang buhok mo? Nagsha-shampoo ka ba? Bakit ang tigas?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Nagsha-shampoo ako."

"Really? Anong shampoo mo?"

"Dora, tss."

Bigay iyon ni Peter sa akin. Iyon ang shampoo ng mga Crane at talagang pinagamit sa akin. Mabango naman ito kaya nagustuhan ko pero ewan ko ba, parang mas lalong tumitigas ang buhok ko dahil dito. May halo ata 'yong rugby eh.

"Nagiging Crane ka narin na addict sa Dora," he smirked and I only glare at him. "Kumain ka na. Mas lalo ka atang nangangayayat kapag nasa bahay ka ng mga Crane. Sabi ko naman sa'yo na dito ka na lang. Tataba ka sa akin" aniya at kinindatan pa ako.

Ngumiwi ako. "No thanks. Ayokong tumaba. Baka ipagpalit pa ako ng Boyfriend ko" sabi ko. Actually, wala naman talagang kaso sa akin ang pagiging mataba. Gusto ko nga eh, pero ayaw ng katawan ko. No matter how eat a lot of foods, ganito parin ako kapayat. Walang improvement.

"Mabuti kung ganoon."

Tinignan ko siya ng masama. "Ang bitter mo."

Ngumisi lang ito. Kumain na lang ako at nang matikman ko ang luto niya ay biglang gusto kong lumuhod at puriin si Vape sa napakasarap niyang luto. I mean, damn, he's the best cooker! He never failed to make me melt on his foods. Napakasarap talaga.

"Masarap?" tanong niya.

Psh, nagtanong pa.

"Hmmm!" Tumango lang ako dahil hindi ako makapagsalita sa sarap. At isa pa, punong-puno ng pagkain ang bunganga ko.

Natawa na lang ito at kumain narin. Nang matapos kami ay napagpasyahan ko ng magpaalam. Alas syete palang at may isang oras pa bago ang klase namin. Mukhang mapapaaga ako pero okay na 'yon.

"I have to go, Vape."

Nangunot ang noo niya. "Papasok ka na?" Tumango ako. "Paano ka papasok kung wala kang dalang sasakyan? Iiwan mo si Sakuragi dito" aniya.

Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko ng mapagtanto iyon. Damn, oo nga pala! Hindi naman ako pwedeng mag commute dahil wala na akong pera at mas lalong hindi ako pwedeng maglakad dahil baka bukas pa ako makakarating sa school.

"Tss, here!"

Meron siyang hinagis sa akin kaya kaagad kong sinalo iyon. It's a key. Napatingin ako sakanya.

"Use Shakira, and please take good care of her. Kapag may gasgas lang siya, alam mo na ang mangyayari sa motor mo" sabi nito kaya napalunok ako.

Kahit may saltik si Vape, nakakatakot parin naman siya kapag seryoso.

"O-okay.."

Lumabas na ako sa unit niya at automatic na nag-lock kaagad ang pinto.  I sighed. Naglakad na lang ako papuntang elevator habang iniikot sa daliri ko ang susi ng sasakyan niya. I even hum my favorite 'Happy Birthday' song. Ewan ko ba kung bakit gustong gusto ko ito. I don't like birthday's but I love the song of it. Simula bata palang ako ay gusto ko na ang kanta. Ang weird lang kung bakit palagi akong na la-last song syndrome dito.

The metal door of elevator opened at the 6th floor. Tumabi ako ng tayo dahil tiyak kong may sasakay. Nakatingin ako sa number sa taas ng maramdaman ko ang pagtabi sa akin ng isang babae. Pinindot nito ang ground floor at ilang sandali ay sumarado din ang pinto.

I'm still humming the song when I felt that someone is staring at me. Tumingin ako sa tabi ko at nakita ang babaeng nakatitig nga sa akin.

Ngumiti siya at pakiramdam ko may mga anghel na nagsiawitan. She's beautiful, an Angel look like to be specific. Her almond shaped eyes sparks everytime she blinks it. Ang maliit ngunit matangos niyang ilong ay mas lalong nagpadagdag sa ganda niya. Manipis at namumula ang labi nito at tiyak na wala itong liptint na nilagay doon. Overall, she's perfect.

And to be honest, ngayon lang ako biglang nakaramdam ng insecurities.

"South..."

Nangunot ang noo ko. Wait, kilala niya ako? Mukhang napansin nito ang pagtataka ko kaya ngumiti siya ulit, and swear people, parang nagliwanag ang paligid---okay, masyado na akong OA. Eto siguro ang epekto ng panis na sterilize milk na pinainom sa akin ni Vape.

"Don't you recognize me?" tanong niya. Ang lambing ng boses nito.

"Kilala ba kita?" Hindi ko pinansin ang tanong niya. Familiar siya pero hindi ko alam kung saan ko ito nakita...or nakita ko na ba siya dati?

"It's me, Summer..." She flashed her sweetest smile.

Summer? Hindi ko siya natatandaan. Feeling close lang ata 'to. Tss, daming FC sa mundo. Umayos ako ng tayo at tumikhim.

"Si Winter lang ang kilala ko" sabi ko at iniwas na ang tingin ko sakanya.

Teka, bakit bumagal ata ang takbo ng elevator?

"Hahaha! You're so funny!" tawa nito at mahina pa akong pinalo sa braso.

-_______-

Anong nakakatawa sa sinabi ko? Psh, maganda nga siraulo naman. Jusko, ano bang nangyayari sa mundo? Ako na lang ata ang natitirang maganda na matino.

"Naka drugs ka ba? Pa-rehab ka rin 'pag may time, okay?" baling ko sakanya at kaagad na akong lumabas ng elevator ng bumukas ito sa ground floor.

"Wait! South!"

Hinabol ako nito kaya hinarap ko siya. Hindi nagkakalayo ang height namin. Mas matangkad lang ako ng konti dito, hanggang tenga ko lang ata siya. Kung payat na ako, mas payat pa siya pero halata ang kurba ng katawan. But what I noticed about her is her pale skin. Mas maputi at maputla pa siya kesa sa akin. Psh, why am I even comparing myself to her?

"Natutuwa ako na makita muli kita. Ako 'yong babae na nag-approach sa'yo dati sa Abs University at ako rin 'yong dati niyong kasama sa Palasyo. Anak ako ng isa sa mga katulong niyo dati" pagpapaalala niya sa akin.

Nangunot ang noo ko. Siguro nga nakita ko na siya dati pero hindi ko talaga siya natatandaan. Malamang isa lang siyang hindi importanteng tao sa buhay ko.

"Okay" walang interes kong sabi at tinalikuran na siya. Dumiretso ako sa sasakyan ni Vape, iyong McLaren P1 GTR na katabi lang ng motor ko. Napangisi ako dahil maimamaneho ko ito ngayon. Wala man akong ganitong sasakyan pero magagamit ko naman ang isang 'to ngayon. This cost a million dollar kaya naman ganoon na lang ang pag-iingat ni Vape na 'wag itong magasgasan. Kahit naman ako, kapag ako may-ari nito baka mapatay ko pa ang kung sino mang gagasgas dito.

Malungkot akong napangiti kay Sakuragi bago ko buksan ang driver seat ng sasakyan ni Vape.

I'm sorry, Sakuragi. Hindi muna kita magagamit ngayon. Babalikan na lang kita, I love you so much, baby...

Masakit man sa loob ko na iwan siya dito pero kailangan. Kailangan muna niyang maligo. At nanamnamin ko rin ang sandali na kapiling ko ang sports car ni Vape. Bihira lang itong magpahiram ng sasakyan kaya susulitin ko na.

"South..."

Akmang sasakay na ako sa loob ng sasakyan ng magsalita na naman si Tunner...Banner...Toner? Aish, I already forgot her name. Basta katunog iyon ng mga binanggit ko. Yata?

Tumingin ako rito at napansin ang malungkot niyang mukha. Kainis lang dahil kahit malungkot na ito ay maganda parin siya. Ako kapag malungkot ako mukha na akong tuta, unfair diba?

"Hindi lahat ng kasiyahan ay nagtatagal. At hindi lahat ng meron ka ngayon ay panghabang buhay ng para sa'yo.."

Nangunot ang noo ko. Tinitigan ko ito at ilang sandali lang ay nakuha ko na ang gusto niyang ipahiwatig.

"Sige, i-status ko 'yan sa friendster ko" I said and went inside the car.

Psh, ang daming sinasabi.

Pinaandar ko na ang sasakyan ni Vape at napailing na lang ako ng biglang tumunog ang isang Japanese song. Vape's favorite song.

Napatingin ako sa rearview mirror at nakita ang babae na nakatitig sa sasakyan. Ang weird niya. Maganda pero mukhang may saltik din. Ano ba 'yan, lahat na lang ng umaaligid sa akin hindi normal.

                                       _

NORTHERN'S POV

"How's the preparation for the event, Northern?"

Uminom muna ako sa Apple Juice ko bago sinagot ang tanong ni Daddy. Nasa hapag-kainan kaming lahat at sabay-sabay na nagu-umagahan.

"Okay naman, Dad. Everyone is busy with the preparation" I said with a smile. Hindi ko maiwasang ma-excite sa magaganap na party sa linggo. It's the golden anniversary of our Grandparents, at maraming dadalong bisita kaya kailangang bongga ang lugar.

Dito sa Mansyon gaganapin ang event kaya naman nagkakagulo ang mga kasambahay at mga tauhang sa pag-aayos. Everyone is busy and stressed as me.

"Gusto ko ng pink at may ribbon sa bewang na gown, ha? And also I want my wings to be a color rainbow!" sabi ni Nanang habang sinusubuan siya ni Tatang ng pagkain.

Here she goes again. Gustong gusto niya talagang gawing children's party ang Anniversary nila ni Tatang. And what? She want us to wear some fairytale outfits too! Gosh!

"I want my wings to be a color yellow. Mas bagay iyon sa Peter Pan outfit ko" sabi rin ni Tatang.

I just sighed and caress my forehead. Daig pa nila ang mga Crane sa pagiging isip bata.

"Bagay sa'yo ang Tarzan outfit, Gideon. What do you think?" baling ni Nanang kay Daddy.

Muntikan ng maibuga ni Daddy ang iniinom na kape. He cleared his throat.

"I think, that is ridiculous, Mama."

Lumaki ang butas ng ilong ng matanda. "Ridiculous? You find that as ridiculous? Tarzan is a cute outfit! Right Babes?" baling niya sa asawa.

Tumango naman ito. "Yes, Babes. Kung hindi ko nga lang gusto si Peter Pan ay baka Tarzan din ang pipiliin kong outfit" sabi ni Tatang.

Napangiwi ako. I imagined his look with his kulubot body in a Tarzan outfit. Eww.

"See? Your Papa likes Tarzan, Gideon. So you better wear it on the party!" Binigyan ni Nanang si Daddy ng nagbabantang tingin.

Napailing na lang si Daddy at halata ang biglang pagiging stress niya.

"Kayong dalawa naman ay bagay sa inyo si Jack and Jill" baling ni Nanang kina East at West. Napangiwi sila.

"Uhm, actually, we would like to imitate Detective Conan---"

"No! Jack and Jill for the two of you" nakangiting pagpuputol ni Nanang sa sinasabi nila.

Ngumuso na lang ang mga ito at hindi na umimik.

"At para naman sa'yo, North," tumingin siya sa akin. Ngumiti ako ng matamis. I'm sure she will suggest that I should wear some princess outfit. "Bagay sa'yo si Ursula."

-______-

The heck?

"Pfft."

Tinignan ko ng masama sina East at West.

"Tell Annunciata to wear some Queen outfit! At sa Apo ko namang si South ay bagay sakanya si Annabelle, hihihi!"

Annabelle for South? Pfft, tignan lang natin kung hindi masira ang party na 'yan.

"Bakit mo naman ginawang kontrabida ang itsura ng mga anak kong babae, Mama? They should wear some Princess outfit because they are my Princess" sabi ni Daddy kaya kaagad akong sumang-ayon dito.

Me as Ursula and South as Annabelle? No fvcking way!

"They might look like a Princess but I know, deep inside them they are a Monster!"

Ouch, ha. Monster agad? Grabe naman si Nanang.

"Halimaw man kami sa inyong paningin, at least maganda at sexy parin" pagtatangol ko sa amin ni South.

"Tama! Huwag ka namang harsh sa mga Apo natin, Babes. Tandaan mo, may pinagmamanahan sila" sabi ni Tatang.

"At sino naman?"

"Ikaw. Hindi ba halimaw ka rin sa loob-loob? Mana-mana lang 'yan."

I smirked. Yeah, right. Mana-mana lang.

Sumimangot si Nanang at tinusok ang hot dog sa plato.

"Sabagay. Wala namang mabait sa pamilyang 'to, eh. Lahat may sungay."

"At ikaw ang may pinaka malaking sungay, Babes."

Natawa ang dalawang matanda at sumang-ayon sa sinabi ni Tatang. Seriously? Pinagu-usapan talaga nila ito sa harap namin? Psh.

Napailing na lang ako at kumain. Sungay, ha?

"I'm done" sabi ni Daddy at tumayo na. Tumingin siya sa akin ng seryoso. "Come in my office when you're done, Northern. I have to tell you something" aniya.

Napalunok ako at napatango. I don't know but I have this feeling na hindi maganda ang sasabihin ni Daddy. Ano kaya iyon?

"Oh, mag-uusap ang dalawang may medium size na sungay" sabi ni Nanang.

-______-

                                       _

SOUTHERN'S POV

My day went well. Naging maayos ang klase at ganoon parin naman, tungkol parin sa amin ni Genesis ang main topic ng mga tsismosa. Tahimik si Swiss at paminsan-minsan ay nahuhuli kong nakatingin sa mga Crane. Maingay parin ang buong King Society, grupo nina Genesis kasama ang mga kaibigan ni Gab.

At si Genesis? Ayon, tabi kami kanina sa Flag ceremony. Ngayon ko nga lang nalaman na may nagaganap palang Flag ceremony tuwing alas syete ng umaga sa school. Hindi ko iyon naabutan dati dahil alas otso ako pumapasok. Sabay din kaming nag-lunch ni Genesis and as usual, sa burol kami kumain. Nang dumating ang afternoon class namin ay inanunsyo na magsisimula na bukas ang practice namin sa Roleplay na gagawin namin para sa Abs Night. And guess what? Gaganap lang naman ako bilang Puno sa palabas. At si Genesis? Isa siya sa gaganap na paniki. Sina Noah, Peter at Psalm ay mga dwende. Ilan sa mga kaibigan nila ay gaganap din na Puno katulad ko at Paniki na kasama ni Genesis, pero sina Ace at Ajax ay gaganap na Gagamba at Ipis sa palabas.

Walang kwenta ang mga role namin pero okay na 'yon, at least may participation parin kami.

"Ba-bye, South! See you tomorrow!" sigaw ni Swiss at kumaway sa akin.

Kinawayan ko rin ito at tumango. Kaagad na siyang umalis para umuwi na.

"Let's go" sabi ni Genesis. Nasa parking lot na kami. Kasama namin ang mga Crane at ilang mga kaibigan niya.

"Mauna na kayo, may pupuntahan pa ako" sabi ko dahilan para mangunot ang noo niya.

"Saan?"

"Uhm, basta..." Hindi ko pwedeng sabihin.

"Saan?" inulit nito ang tanong. Mukhang hindi na naman ito titigil hangga't hindi nakukuha ang sagot na gusto.

"Sa Mansyon" I lied. Nag-iwas ako nang tingin ng mataman niya akong titigan na para bang hinahanap niya ang totoong sagot sa mga mata ko.

Ilang sandali lang ay bumuntong hininga ito at hinawakan ang pisngi ko kaya napatingin ako sakanya.

"Okay, but come home before dinner. Hihintayin kita, sabay tayong kakain" aniya kaya tumango na lang ako.

Hindi ako sigurado kung makakauwi ako ng maaga pero bahala na.

"Where's your motorbike?" tanong niya at tumingin sa paligid.

"Hindi ko dala" sabi ko.

"What are you gonna use then? Gusto mo bang ihatid na lang kita?"

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi pwede!

Umiling ako kaagad. Nangunot lalo ang noo niya. Tinuro ko ang McLaren P1 GTR ni Vape na nakaparada sa tabi at pansin ko na nakapalibot doon ang mga kaibigan ni Genesis. Nakanganga sila at puno ng paghanga na nakatulala sa sasakyan.

"Gamit ko 'yan" sabi ko sakanya at ngumisi.

"Wow! Sa'yo ba 'to, South? Ang gara!" namamanghang sabi ni Ace.

"If I'm not mistaken, this is a McLaren P1 GTR. One of the most expensive sports car in the world!" Halos tumulo ang laway ni Kier.

"Ang yaman mo talaga, South! Hindi ko akalain na meron kang sports car!" sabi ni Arsen.

"Hindi akin 'yan."

"Ha? Kanino?" sabay-sabay nilang tanong.

"Sa kaibigan ko."

"Sinong kaibigan?" naningkit ang mga mata ni Genesis.

Nag-iwas ako ng tingin. "Uhm, kay Vape."

Ramdam ko ang titig niya sa akin at nang tumingin ako rito ay napatiim bagang siya. Naramdaman ko kaagad na pag-aawayan na naman namin ito kaya bago pa siya magsalita ay nagpaalam na ako.

"I have to go."

Tumalikod na ako at lumapit sa sasakyan. Nagpaalam din ako sa mga kaibigan ni Genesis bago binuksan ang sasakyan at pumasok sa loob. Binuhay ko ang makina at napatingin sa side mirror, nakatingin sa akin si Genesis, seryoso ito at hindi ko alam kung ano ang iniisip.

I sighed and drove the car away from them. Away from him.

Sinantabi ko muna ang mga problema ko sa mga Crane, lalo na kay Genesis. Saka ko na siya haharapin kapag natapos na ang isang problema ko ngayon. For now, eto muna ang iisipin ko.

Ang Mommy ko muna ang haharapin ko.

Pagkalipas ng isa't kalahating oras ay narating ko na ang destination ko. Ang Resort na pagma-may-ari ni Mommy. Bumaba ako ng sasakyan at kaagad akong niyakap ng malamig na simoy ng hangin. Napangiti ako at nilibot ang paningin sa paligid.

Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganitong saya at excitement. The thought of seeing my Mother, para akong kinikiliti. I can't wait to see and hug her. I really miss her so much. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita na may mga mensahe akong natanggap mula sa mga Crane, pero mas maraming text si Genesis. Hindi ko sinagot ang mga text nila at hinanap ang pangalan ni Vape. Masaya akong nagtipa ng mensahe para dito.

Usok:

-I'm here. Ilang sandali na lang makikita ko na siya. I'm so excited!

Pagka-send ko nito ay niyakap ko ang cellphone ko bago ito binalik sa bulsa. Now, I have to see her.

May mangilan-ngilang turista ang naglilibot sa paligid. Magdidilim na pero maingay parin ang mga taong nagbababad sa swimming pool. Napangiti ako at naglakad-lakad sa buong paligid.

Hindi sinabi ni Daddy kung saang eksakto ko makikita si Mommy dito pero bahala na, hahanapin ko na lang siya. Tumigil lang ako sa paglalakad ng makarating na ako sa Restaurant ng Resort. Glass wall ito kaya kitang kita ko ang nasa loob. Papasok na sana ako sa loob pero bigla akong natigilan ng may maliit na batang lalaki ang tumatakbo at saktong nadapa ito sa harap ko.

Nangunot ang noo ko ng wala man lang siyang naging reaction. Hindi ito umiyak o nagpakita man lang ng sakit, bagkus ay tumayo siya at pinampagan ang kamay at tuhod na namumula na ngayon. Kung tama ang hula ko, tatlo o apat na taon lang ito. Hindi ba iyan 'yong edad na kung saan nagiging sensitive ang mga bata? Anong klaseng bata ba ang isang 'to at hindi man lang siya nasaktan?

Hindi ko alam pero natagpuan ko ang sarili ko na naglalakad papalapit sakanya.

"Okay ka lang?" tanong ko.

Nag-angat ito nang tingin sa akin at ewan ko pero bigla akong kinilabutan ng magsalubong ang mga mata namin. His eyes are blue as the ocean and the way he stares at me, para ako nitong dinadala sa Atlantic Ocean. Malamig at walang kabuhay-buhay ito.

"Estoy bien.."

Eh?

"Anong sabi mo?"

"Yo dije, estoy bien. ¿Eres estúpido?"

Ano raw? Spanish ba ang lengwahe nito? At teka, anong sabi niya? Estupido? Stupid 'yon 'diba? Sinasabi ba niyang bobo ako?

Akmang magsasalita pa sana ako pero may tumawag na sakanya. He turn around and run again, pero hindi pa man ito nakakalayo ay nilingon niya ako. Ang malamig nitong tingin ang nagpapagabagabag sa akin. There's something wrong with this kid.

"Eres hermosa. Quiero casarme contigo algún día, pero morirás. Pronto. Adiós, Sur..."

Nangunot ang noo ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang laki ng epekto sa akin ng batang 'to. Bakit pakiramdam ko kilala niya ako? Kung magsalita siya parang hindi rin niya ako ginagalang. Pero ang nagpapagulo talaga sa akin ay bakit ganito ang nararamdaman ko?

I'm scared for unknown reason. And what does he mean?

Sinundan ko ito ng tingin, pumasok siya sa loob ng Restaurant at nakakapagtaka na nagsisiyukuan ang mga guwardiya na nandoon sakanya. They bowed their head like he's a King or something. Lumapit ang bata sa isang ginang na nakaupo sa isang lamesa, may kaharap itong medyo matandang lalaki. Hindi ko makita ang mukha ng babae dahil nakatalikod ito sa direksyon ko.

Kinalabit siya ng bata, nilingon niya ito at nakakapagtaka ang pag-ngiti ng bata ng malaki. Tumayo ang babae at hinarap ito. She hugged and kiss his forehead. She's saying something to him and I even saw her mouthed the word 'Anak'.

Wala sa oras na napahakbang ako paatras. Pakiramdam ko, parang may punyal na biglang sumaksak sa dibdib ko ng paulit-ulit. Unti-unting nanghina ang katawan ko at ang tanging gusto ko lang gawin ngayon ay ang tumakbo. Tumakbo papalayo sa lahat, lalong lalo na sakanya.

Napatingin siya sa direksyon ko. Her eyes widened like she saw a ghost. Parang pinako siya sa kinatatayuan at hindi makagalaw. All she could do is to mouthed my name.

"South..."

Nanlabo ang mga mata ko. Ang sayang nararamdaman ko kanina ay unti-unti na akong pinapatay sa sakit. Sakit na tumatarak sa puong pagkatao ko.

"Mommy..."

~~~

Continue Reading

You'll Also Like

134K 11K 51
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
11.4M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
4.2K 245 18
[Rainbow Series #4: Color Green] Paano kung isang araw, bigla mo na lamang matuklusan na isa ka palang diwata mula sa isang kaharian. Ganyan ang nang...
2.5K 260 36
While she was busy keeping her boyfriend away from the other women, who'd have guessed that a boy would win her boyfriend's heart instead of a girl...